Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Kris Ablan by Rhea Santos (GMA 7 – Unang Hirit)

Location International Media Center

RHEA SANTOS: Asec. Ablan, good morning.

ASEC. ABLAN: Good morning, Rhea.

RHEA: Nice to see you. Alright, kahapon, ano iyong assessment ‘no ng Palasyo doon sa mga naging pagpupulong? All good naman lahat?

ASEC. ABLAN: Yes, all good, very successful. Na-attend-an ng Pangulo ang lahat ng mga importanteng meeting all the way up to 12 midnight last night.

RHEA: Iyon na ang pinakahuli o nagtuloy-tuloy pa ng mga madaling araw? I heard may mga pagpupulong ba ng madaling araw din?

ASEC. ABLAN: Yes, medyo nag-move iyong mga ibang schedule ‘no. So something that was supposed to start at 11, nag-start na ng mga 12. Yes.

RHEA: Our leaders our working hard ano. Alright, ngayong araw naman na ito, Asec. Ablan, ano-ano iyong mga aasahan natin? I think mayroong music festival din tonight bukod sa mga politikal na usapan ay pagyayamanin din natin iyong mga kultura ng mga bansang kasapi ng ASEAN?

ASEC. ABLAN: Yes. So mayroon tayong cultural pillar ‘no sa ASEAN. At tonight, mamayang gabi mayroon tayong ASEAN Music Festival sa Ayala Triangle Garden 7 pm, which will feature 9 acts from all over ASEAN including musicians from Cambodia, Myanmar, Indonesia.

Napakinggan ko sila, Rhea yesterday nag-press briefing kami, napakaganda ng kanilang musika. So inaanyayahan po namin lahat ng mga kababayan natin na mapunta sa Makati, na pumunta sa Ayala Triangle Gardens para sa concert mamayang gabi.

RHEA: So bukas ito sa publiko ha, hindi lang iyong mga may ID at delegado ng ASEAN?

ASEC. ABLAN: It’s open to the public and those who can’t come, maaari nilang panoorin iyan sa Facebook live. Alam mo naman kami, Rhea, Facebook live na lang kami all the time. So they can watch from the computer.

RHEA: Alright. Iyong mga—napansin iyong pagkakaiba sa relasyon ni Pangulong Duterte kay US President Donald Trump ‘no, kumpara of course iyong nakalipas na Presidente ng Estados Unidos. How would you describe the relationship the relationship na ngayon—naganap iyong kauna-unahang bilateral meeting nila kahapon?

ASEC. ABLAN: We feel that relationship between the Philippines and the US is vibrant under Duterte and President Trump. And the bilat yesterday lasted for more than 40 minutes, which is a good indication of a good relationship between the two countries.

RHEA: South China Sea, nabanggit ba sa pagitan naman ng usapin ng Pilipinas at ng China?

ASEC. ABLAN: Yes kahapon nagkaroon tayo ng ASEAN and China Summit kung saan pinag-usapan ang announcement ng negotiations ng CoC tungkol sa West Philippine Sea na sisimulan next year.

RHEA: Alright, isang importante ding magaganap ngayong araw itong pagpirma ng isang consensus—

ASEC. ABLAN: Yes.

RHEA: O dokumento sa pagprotesta ng ating mga migrant workers. Bakit ito ganoon kahalaga?

ASEC. ABLAN: Kasi there is no—wala tayong kasunduan within the region na protektahan natin at bigyang halaga ang ating mga OFWs. So ngayon magkakaroon na ng consensus on the protection and promotion of migrant workers within South East Asia.

So iyong mga OFWs nagtatrabaho sa Vietnam, Cambodia, Malaysia, now are assured of protection under this consensus.

RHEA: Alright. Alam naman natin na napakagiliw ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau at inaasahan ang kaniyang pagpunta dito sa International Media Center. Ano daw ang ano, aasahan natin mula doon sa press con?

ASEC. ABLAN: We actually don’t know kung ano iyong topic ni… at least me myself ‘no—

RHEA: Siya ang nagpasabi na gusto niyang pumunta?

ASEC. ABLAN: Yes. The Canadian government said na magkakaroon lang tayo ng press briefing. Everyone knows about it already. Siguro sasabihin niya kung anong kinain niya sa Jollibee ‘no.

RHEA: The fast foods—

ASEC. ABLAN: Yes.

RHEA: Sorry, sorry, the fast food.

ASEC. ABLAN: Isang fast food, isang fast food chain.

RHEA: Alright. So imbitahan natin siguro iyong mga kapuso natin tonight na puwede silang maging bahagi ng ASEAN.

ASEC. ABLAN: Ulitin ko lang po ‘no, ang ASEAN ay hindi lang political and security or economic, social cultural din. So mamayang gabi mayroon tayong ASEAN Music Festival na gaganapin sa Ayala Triangle Gardens 7 p.m., live po siya, mayroon tayong siyam na mga musikero na magpapatugtog ng kanilang musika at sana mapanood ninyo po; kung wala puwede ninyong puntahan ang ASEAN 2017 o Presidential Communications Facebook page para sa live streaming.

RHEA: Alright, pahabol lang. After the closing ceremony, marami na pong mag-uuwian sa kani-kanilang bansa?

ASEC. ABLAN: Mayroon na ngang uuwi, in fact yesterday may umuwi na taga Lao, pero mayroon pang mag-i-stay kasi for example China still has events tomorrow.

RHEA: Alright, maraming salamat, Asec. Ablan. Thank you very much for your time.

###

Resource