Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Kris Ablan by Erwin Tulfo (Erwin Tulfo Live – Radyo Pilipinas)

ERWIN:                                              (Recording starts)… Asec. Ablan, sir…

ASEC. ABLAN:                                                Magandang hapon Sir Erwin, at sa lahat ng mga tagapakinig natin ng Radyo Pilipinas.

ERWIN:                                              Alright, sir. Matanong ko lamang sir, hingi lang sana kami ng update Asec. dito po sa nagaganap na ASEAN. What’s gonna happen po? Alam po natin na lahat po ng mga world leaders ‘yan—hindi naman lahat, kundi iyong mga piling mga invited na mga world leaders like US, Russia, UN, etc… eh nandiyan po sa PICC. What do we expect this afternoon? Ano po ang kanilang magiging agenda or ano ang kanilang magiging pulong ho diyan, Asec. Ablan?

ASEC. ABLAN:                                                Ah Sir Erwin, madaming meeting ang magaganap ngayong araw na ‘to pati na rin bukas. Ang nagaganap ngayon ay ang 31st ASEAN Summit, bale ang mangyayari dito ay mag-uusap-usap ang mga heads of state at saka mga heads of government para malaman natin kung ano ba magiging vision ng ASEAN community patungong 2025. Isa pang mangyayari ay mag-a-appoint sila ng bagong Secretary General ng ASEAN, which is going to be the leader ‘no, admin leader ng ASEAN.

Ganoon din, magkakaroon tayo ng madaming mga bilateral meetings, Sir Erwin. Magkakaroon nga tayo ng… as we speak ‘no, may bilateral between the Philippines and the US right now sa Coconut Palace, tapos mayroon din tayong mga iba-ibang mga ASEAN and dialogue partner meetings.

Dagdagan ko lang po Sir Erwin, mayroon po tayong ASEAN and China Summit mamayang hapon, at pag-uusapan nila kung ang—they will announce ‘no the start of the negotiations doon po sa Code of Conduct pagdating po sa West Philippine Sea.

All the way po hanggang mamayang gabi, in fact mayroon po tayong bilateral scheduled at 11 P.M.—

ERWIN:                                              Sir, makasingit lang Asec… Itong sinasabi ninyo na pagpupulong ng China saka ng Pilipinas hinggil sa Code of Conduct sa West Philippine Sea, dalawa lang po ba sila o may mga kasama pa parang referee na mga ibang bansa? At pati si Donald Trump ay nagsabi na susubukan niya na mamagitan sa pagitan ng China at saka ng mga ASEAN countries itong problema sa West Philippine Sea. Ito ho ay pag-uusap ng dalawang bansa lang, kasi may mga claims din po ang Malaysia ‘di po ba, ang Singapore, ang Indonesia, Asec.?

ASEC. ABLAN:                                                Tama kayo Sir Erwin ‘no, so hindi lang ‘to Pilipinas at ang Tsina, pero ang buong mga member-states ng ASEAN. So sampu sila na makikilahok dito sa meeting with China, kasama na rin ang ASEAN Secretary General – pag-uusapan nila, ano ba ang magiging negotiations ng Code of Conduct pagdating diyan sa South China Sea o West Philippine Sea.

Sir Erwin, ‘di ko po sure kung kasama sa meeting si US President Donald Trump pero gaya ng sinabi mo, baka makumbinsi niya iyong ASEAN na papasukin siya, kasi baka puwede pong… mayroon siyang ano eh, mayroon siyang leverage eh, ang US may leverage… tingnan po natin.

Pero ayon po sa schedule, bale iyong ASEAN member-states leaders lang po at saka iyon Tsina at iyong ASEAN Secretary General ang kasama sa pagpupulong.

ERWIN:                                              ‘Ayun… alright. Asec. Kris Ablan ng PCOO. Sir, maraming salamat po. Magandang hapon. Mabuhay po kay, Asec.

ASEC. ABLAN:                                                Maraming salamat din po Sir Erwin, at sa lahat ng mga tagapakinig. Maraming salamat po.

###

Resource