Interview

Interview with Presidential Communications Operations Martin Andanar by Rolly Gonzalo (DWIZ – Balitang Todo-Lakas)

ROLLY: Secretary Martin, magandang umaga.

SEC. ANDANAR: Good morning Lakay, good morning sa lahat ng nakikinig sa ating programa.

ROLLY: Good morning thank you. Gusto naming makakuha ng reaksyon sa ‘yo, of course pagkatapos ng—ang sipag ng mga senador at mga kongresista kahapon tinapos na nila iyong isyu ng martial law. At of course ang naging resulta nga ay extended, inaprubahan ang extension, one year extension ng martial law sa Mindanao. Well, of course expected ito, Secretary Martin, ganoon ba?

SEC. ANDANAR: Well, tayo naman ay nagpapasalamat tayo sa ating mga congressman at mga senador at naiintindihan nila ang pinagdaraanan ng ating mga kababayan sa Mindanao at dahil nga dito ay binoto nila ang extension ng martial law hanggang December of 2018.

Ang mahalaga po dito, Lakay, ay nakikita na natin ang tuloy-tuloy na paglago ng ekonomiya ng Mindanao dahil nga binibigyan sila ng halaga ang seguridad ng ating isla doon sa Mindanao.

At iyong mga problema katulad ng patuloy na pagbi-build ng Daulah Islamiyah at iyong patuloy na pag-atake ng mga New People’s Army ay maka-counter natin ng husto dahil nga merong martial law doon sa Mindanao at iyong suspension of writ of habeas corpus is very important.

ROLLY: Secretary Martin, hindi alam ng lahat na ikaw ay taga-Mindanao, ikaw ay orig na taga-Mindanao, kaya ikaw ang nakaka-alam kung ano ang pulso ng mga taga-Mindanao dito sa martial law.

Sa pagtanung-tanong mo at siyempre at sa pag-iikot mo sa Mindanao, ano ba talaga ang general impression ng ating mga kababayan diyan sa Mindanao?

SEC. ANDANAR: Ay tama ka, Lakay. Tayo ay… tuwing nasa Mindanao tayo ay kinakakausap natin iyong mga kababayan natin sa Iligan, Cagayan De Oro, Surigao at dito sa Marawi mismo.

Alam mo iyong aking lolo ay taga-Lanao, siya rin ay isang Maranao at majority po ng nakakausap natin ay sinasabi nila na mainam na merong martial law. Kasi marami talagang mga lawless elements, Lakay, nandiyan iyong BIFF, nandiyan iyong Abu Sayyaf, nandiyan iyong mga member ng Maute, Daulah Islamiyah, nandiyan iyong New People’s Army. Especially Lakay na hindi po naging successful iyong peacetalks natin with the CPP-NPA-NDF.

Alam naman natin na… nababasa natin sa mga diyaryo iyong mga pag-atake na nangyayari sa mga private companies, sa mga kasundaluhan, kapulisan, mga pulitiko. We can only expect an escalation ng conflict. So with martial law, talagang natse-check, naba-balance ng ating AFP at ating PNP itong mga lawless elements na ito, mas madaling hulihin, because alam naman natin na binibigyan ng kapangyarihan ang kasundaluhan kapag martial law.

Pero walang dapat ipangamba ang mga kababayan natin, kaya nga that’s reflected from the voting on the martial law which is really a super majority na—because congressmen and the senators understands kung ano iyong nangyayari sa Mindanao. Lalo na dito sa CPP-NPA-NDF na more than 50 years na nag-aaway tayo. 50 years na hindi pa nagkakasundo; the government of Duterte gave everything the left and the right hand. Lahat na ibinigay.

ROLLY: Pati paa.

SEC. ANDANAR: Pati paa. Wala na tapos ganun pa rin. So kaya ngayon, once the Court fill the dot na itong CPP-NPA-NDF is a terrorist organization and then we can expect the escalation of attacks.

ROLLY: Secretary, iniisip ngayon ng mga kritiko eh, right now iniisip na ni Presidente na baka buong bansa… baka posibleng sa buong bansa, ideklara ang martial law?

SEC. ANDANAR: Alam mo, Lakay, masyadong pessimistic thinking ang ganyan. Tayo sa gobyerno, ang tinitingnan natin ay iyong problema ngayong araw ito, today and how can we solve the problem today with optimism that it will be solved and nothing untoward, nothing negative will happen in the future.

Now, if we can solve it today definitely walang mangyayaring ganyan in the future na kakalat itong insurgency all the way to Visayas and Luzon. So tayo ang iniisip ay, if we can fix the problem in Mindanao then the entire problem would be fixed.

ROLLY: Well, noong nakaraang buwan, nandiyan ako sa area na iyan, sa Caraga papunta ng Surigao. Secretary Martin, dumaan ako ng ilang mga checkpoints doon, nagtatanung-tanong ako sa mga kababayan natin diyan. Sabi ko, okay lang ba sa inyo itong mga checkpoints na ganito? Oo sir, kaysa naman sa NPA ang magtse-checkpoint, mas gusto namin military ang mag-checkpoint. Kasi kung wala sila NPA na ang magtse-checkpoint.

SEC. ANDANAR: Iyon nga. Sa mga panahong mga 70’s, 80’s, even 90’s may mga nagtse-checkpoint na mga… ang tawag namin diyan eh iyong mga walang sapatos.

ROLLY: Saka-saka. Saka iyong sapatos, mga worn out na mga rubber shoes.

SEC. ANDANAR: So kita naman natin sa mga internet, sa social media nagkalat iyong kanilang pag-train nila sa mga kabataan. That is why we really thank Congress and the Senate for the wisdom in extending this—

ROLLY: Well kami naman sa Ilocos noong unang pumasok ang mga NPA doon, okay lang kakain sila, kung ano man ang ulam na nadatnan sa bahay okay lang. Pero nung bandang huli, nagte-take out na, nagtuturo na kung ano ang ite-take out. Ituturo nila iyong manok, tinuturo nila iyong kambing. Kaya napupuna rin iyong mga NPA sa amin sa Ilocos.

SEC. ANDANAR: Hindi puwede puro dahon at gulay ang kinakain, eh kailangan meron ding mga papaitan at… [laughs]

ROLLY: Anong posibilidad na magkaroon ng truce o ceasefire, although sinabi ng Pangulo Digong na mukhang wala. Pero ano ano posibilidad na magbago ang isip ni Pangulong Digong dito sa isyu ng ceasefire?

SEC. ANDANAR: Sa ngayon, Lakay, ang polisiya ng ating Pangulo ay tapos na ang usapang pangkapayapaan, it was bogged down and it is really in that area or in that line we are toeing.

Now, of course everybody is thinking and lahat po tayo ay nag-iisip ng kapayapaan.

ROLLY: Sinasabi ko, Secretary, iyong Christmas truce, Christmas ceasefire?

SEC. ANDANAR: Ay ang alam ko po, sabi ni DND Secretary Lorenzana ay wala, walang ceasefire na mangyayari. So doon tayo nakalinya.

ROLLY: All right. Okay. Secretary thank you for joining us ha, kahit na alam namin napuyat ka yata sa mag-monitor sa kaganapan sa Congress, eh naglaan ka pa ng panahon dito sa ating programa. Thank you.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Lakay. Merry Christmas.

###

Source: PCOO – News Information Bureau (NIB)

Resource