Interview

Interview of Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar by Jay Mark Dagala (DWIZ – Balitang Todo Lakas)

DAGALA: Magandang umaga po, at good news muna tayo, Sec.

Mukhang iyong ating mga kapatid sa hanapbuhay ay mukhang may aasahan ng pabahay, tama po ba?

SEC. ANDANAR: Opo. Unang-una, ito po iyong property ng Philippine Information Agency. Alam mo nagsimula iyan during the time of, I think Tita Cory pa iyan. Fifty hectares iyan, iyong property ng PIA. Tapos nabawasan nang nabawasan, iyong iba na-donate sa Malolos, Bulacan, tapos iyong iba naman ay ibang ahensiya.

So ngayon, mayroong five hectares natira. Sabi ko, bago maubos iyong hectares na iyan, i-develop na natin iyang pabahay para sa, unang-una, empleyado ng PIA, PCOO. Malaki naman iyan eh, five hectares, so sabi ko isama na natin iyong mga kabaro natin diyang media. Basta sa tulong ng National Housing Authority at Pag-IBIG ay posible nang magkaroon ng bahay iyong mga kasamahan natin sa hanapbuhay sa media.

DAGALA: Tama po ba, ang location nito is sa Malolo, Bulacan, Sec.?

SEC. ANDANAR: Opo, opo, diyan po sa Malolos, Bulacan.

DAGALA: Oho, at bukod pa ho ito doon sa … mayroong sinasabi si Lakay Rolly kasi doon sa Pulilan, bukod pa ba iyon?

SEC. ANDANAR: Hindi ko po alam iyong sa Pulilan. Siguro iyon ang project ng National Press Club. Dalawa iyan eh. Mayroon pa nga dito sa may Taguig, pero may problema iyong yata iyong lupa doon sa Taguig.

DAGALA: Ayun. Pero itong sa Malolos ay talagang malaki, limang ektarya, ano ho?

SEC. ANDANAR: Oo, limang ektarya. Kung susundin mo ang mga townhouses ‘di ba, iyong lot area ng townhouse nasa mga 50 square meters iyon eh. So kung two floors iyan, ground floor at saka second floor, eh di mga hundred square meters, malaki na rin ‘di ba.

DAGALA: So, at least malaking tulong na ho iyan doon sa ating mga kababayan, lalo na sa ating mga kabaro sa media na kadalasan ay walang matirhan.

SEC. ANDANAR: Tama, tama po kayo. Actually iyon naman ang … alam naman natin na …both of us are radio people so alam natin kung ano talaga ang problema natin.

So, iyan ang objective natin na maisakatuparan iyan within the term of the President. Sabi ko nga kay Joel Egco, siya iyong Director natin sa Task Force on Media Security, at iyong Media Security it goes beyond physical harm; it goes beyond securing our media men from physical harm but also securing their well being through housing and medicare.

DAGALA: Sec., speaking of doon sa mga kabaro natin sa media, nalalapit na po iyong anibersaryo ng ikawalong Maguindanao massacre. Ano po ang ating mga programa para ho sa pagunita nitong mga yumao nating kabaro?

SEC. ANDANAR: Well, noong nag-opening po kami ng opisina ni Joel, iyong Task Force on Media Security, ay pinadikit po natin iyong opisina na iyon, iyong Presidential Task Force on Media Security, para po sa ating mga kabaro na namatay sa Maguindanao massacre noong walong taon nakaraan na.

So nandoon naman ang DOJ, andoon ang PCOO, andoon din si Joel, andoon din iyong mga kasamahan natin, sana po ay … at doon nag-commit ang DOJ na mas lalo nilang paiigtingin pa iyong takbo ng kaso kasi napakatagal na nga. So I think nasa Supreme Court na ata iyong ibang kaso; kasi maraming kaso iyan eh.

DAGALA: Opo, ang dami, ang dami.

SEC. ANDANAR: Maraming kaso iyan eh. Thirty-four ba iyong kaso na iyan o sobra pa? Anyway, nag-commit naman sa atin ang DOJ na bibilis iyan, of course, with the Task Force on Media Security ay mas makakaasa po tayo na tatakbo itong kaso ng Maguindanao massacre na mas mabilis. Kaya mabagal ang pag-usad natin doon sa rating ng mga … rating iyon ng pinakadelikado na mga bansa para sa mga journo. So from number four, naging number five na tayo so kahit papaano nag-improve na ho tayo mula nung itinatag iyong Task Force on Media Security.

Pero ang gusto ho natin ay makaalis talaga doon sa top five na iyon ‘di ba. So ang tagal nating napako sa number four, iyong pumasok iyong Task Force on Media Security ay nag-number five tayo. So nag-improve ng one point lang.

DAGALA: And ang aming commendation ho sa inyo, Secretary, at saka kay Usec. Egco sapagka’t at least kahit papaano, for the first time, ay talagang may isang body na talaga na tumutok dito sa kaso ng mga media killings.

SEC. ANDANAR: Oo, salamat po.

DAGALA: Sa iba po hong isyu, Secretary, samantalahin ko na ho ang pagkakataon. Ito hong lumabas ho kasi na balita na—ito’y akusasyon pero nais po naming hingiin sa inyo iyong pagliliwanag hinggil dito. Ang akusasyon is, mayroon daw army of trolls ang PCOO, ang administrasyong Duterte. Ano ho ang paglilinaw ninyo rito?

SEC. ANDANAR: Well, alam mo naman na napakalaki po ng support kay Presidente Duterte mula doon sa 16 million noong eleksyon, ngayon ay nasa 80% na ng buong populasyon ng ating bansa. Hindi ho kailangan ng Pangulong Duterte ng (recording cut) … lugar sa iba’t ibang bansa, makikita ninyo talagang passionate ho iyong mga supporters ni Presidente; hindi ho sila trolls. Mayroon ho silang mukha, may mga pangalan, hindi nagpapabayad, puro mga volunteers ho ito.

So palagay ko ito naman ay ito iyong frustration ng mga kalaban. Wala silang makitang … hindi nila makita iyong rason, hindi nila matanggap na ganito kadami ang supporters ni President. After 16 months, iyong mga kababayan natin ay napaka-active pa rin, politically active ha, talagang sumasali, nakikisali at sumusporta sa ating Presidente. Kaya malaking insulto ho iyan sa ating mga supporters ng ating Pangulo. Nakakainsulto ho iyan sa Pilipino and insulto ho iyan sa napakadaming sumusuporta kay Presidente. Sila ho ay mga mukha; sila ho ay may pangalan. Wala hong army of trolls ang pamahalaan.

DAGALA: Sa ibang paksa naman ho, Secretary. Mukhang tila sinara na talaga nang tuluyan ng Pangulong Duterte ang pintuan ng gobyerno para sa usapang pangkapayapaan. Ano po ba ang aasahan natin sa mga susunod na araw?

SEC. ANDANAR: Well, alam mo kasi, napakalabo naman kasi ng mga kaliwa eh. Number one, sasabihin nila sa mga streamer nila, “Diktador, despot,” ano pa ang nilalagay nila doon. “No to oppressive government,” “Oppression,” etc. “fascist,” lahat ilalagay nila doon. And yet gusto nilang makipag-peace talks ‘di ba. Sabi nga ni Presidente, bakit gusto mong makipag-usap sa isang taong diktador, ‘di ba. So ang labo eh, alam mo iyon.

‘Di ba in-appoint na nga ni Presidente iyong mga kasamahan nila sa Gabinete. Eh kasama ko mismo sila, mga kaibigan natin. At kung papaano nirespeto ni Presidente iyong mga left-leaning Cabinet members. Sino bang administrasyon ang nagpaupo sa mga left-leaning members ‘di ba? Si Presidente Duterte. Mula noong panahon ni Tita Cory, wala na ‘di ba. Dumaan na si FVR, Erap, Gloria, dumaan si Aquino muli tapos …ngayon lang nangyari ito eh. Eh anong nangyari ‘di ba? Panay pa rin ang ambush ng mga NPA sa military, Army, mayroon pang bata doon sa Bukidnon na namatay, nadali doon sa kanilang kalokohan. I think four years old yata iyong namatay, ‘di ba.

So mahirap maging ano eh…pag iyong kausap mo okay sa harapan pero pagtalikod mo, sasaksakin ka ‘di ba. Kaya nga hindi rin namin maintindihan eh. Hindi namin maintindihan, pinigilan na tapos ganoon pa rin. Ano pang gusto ninyo? Tapos tuloy pa rin iyong mga revolutionary tax, extortion, pagpatay sa mga sundalo, pulis, sibilyan. So ano ito? Naglolokohan na lang tayo eh. Kung ano ang sasabihin ni Presidente, iyon ang polisiya.

DAGALA: Marami pa sana akong itanong sa inyo, Secretary, pero medyo kapos na tayo sa oras. Anyway, salamat po. Sa ibang pagkakataon po ay talakayin natin iyong iba pang mahalaga na mga isyu.

SEC. ANDANAR: Salamat, Jay Mark. Mabuhay ka.

###

Resource