Interview

Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar (DZRH – ACS Balita by Henry Uri)

URI:                                                      Secretary, good morning.

SEC. ANDANAR:                            Magandang umaga, Henry. Magandang umaga sa lahat ng nakikinig dito po sa DZRH.

URI:                                                      Unang-una, papaano po ninyo ngayon haharapin, mukhang sa international press na ang bakbakan. I’m sure hindi naman ito bago, pero bago lang dahil planong ibalik ng Pangulo iyon pong campaign against illegal drugs sa PNP. Pero mukhang mayroon kayong haharaping … kailangang ipaliwanag po sa international media.

 

SEC. ANDANAR:                            Iyong timing dito, Henry, since very … very suspect ‘no, it’s very suspicious. Kasi ako’y sumasang-ayon kay General Bato Dela Rosa na timing na timing di ba na ibabalik pa lang Philippine National Police, at mayroon tayong istoryang ganito mula sa Reuters.

Ang sa akin lang naman dito ay sana napagbigyan ang Philippine National Police ng pagkakataon na suriin nang wasto itong veracity ng video. So itong video ba na ito ay edited? Kung edited, bakit in-edit? Nasaan na iyong full footage ng video? Hindi ko sinasabi na kung ano iyong sinabi ng Reuters ay talagang … hindi sila nagsasabi ng isang balita na hindi pinag-aralan nang husto.

Pero ang sa akin lang dito ay ang mga ganitong klase kasing mga ebidensiya ay dapat ipinapakita, pinag-aaralan, iniimbestigahan, bini-vet nang wasto bago ito nilalabas sa publiko. Now, kung maglalabas ka naman ng edited na video ay dapat nandoon din, katabi doon iyong full footage. It’s not for the Philippine National Police to do that.

Iyong istilo naman ng pagrereport ng Reuters ay … alam mo naman, iba’t ibang ahensiya ng pagbabalita o iba’t ibang news agency, iba’t ibang broadcast stations, iba’t ibang diyaryo, may kaniya-kaniyang istilo iyan, Henry. I don’t blame them kasi istilo nila iyon, prerogative nila iyan. Ang sa akin lamang ay dapat bigyan ang Philippine National Police nang wastong espasyo para magpaliwanag din para patas iyong balita.

URI:                                                      Wala ho bang pagtatangka ang nasabing news agency o ang sinuman na naglabas nito na hingian ng panig ang PNP?

SEC. ANDANAR:                            Hindi ko kasi … number one, hindi ko (LINE CUT)

URI:                                                      Secretary Martin?

SEC. ANDANAR:                            Like what I mentioned kanina, hindi ko pa nakakausap ang Philippine National Police. Ang pinagbasehan ko lamang ay kung ano ang nababasa ko sa diyaryo, napapakinggan sa radyo at napapanood sa telebisyon.

Like what I said also, kaniya-kaniyang istilo iyan ng pagbabalita pero ang kailangan ay patas lamang na pamamahayag.

URI:                                                      Hindi ito makakaapekto sa tingin ninyo sa plano ng Pangulo na ibalik na sa PNP? O hindi ba ito nagiging cause of delay para maibalik na kaagad sa PNP ito hong planong campaign against illegal drugs?

SEC. ANDANAR:                            Hindi naman, hindi naman ito makaka-delay. Sapagka’t alam naman ng madla, ng mga tao sa ating bansa na ang polisiya talaga ng administrasyong Digong ay ang war against hard drugs or illegal drugs, as long as it is in the law, within the bounds of the Constitution, at iyong isa pa, iyong legal engagement ng kapulisan. Kapag ang buhay ng pulis ay napupunta na, nalalagay na sa alanganin ay doon lamang ang police puwedeng… Pero kung hindi naman, susundin talaga lahat ng mga pamamaraan para buhay iyong tao. Hindi naman natin polisiya na pumatay.

URI:                                                      Kanya ang sinasabi ng PNP, kung ang polisiya namin ay pumatay, bakit mas marami ang na-rehab at mas marami ang nagbagong buhay sa aming Oplan Tokhang.

SEC. ANDANAR:                            Oo, exactly. More than 1.2 million ang mga sumurender. So ito  po ay—dapat tingnan natin, anong konteksto ba ito? Bakit nagdesisyon ang Pangulo na ibalik? Sapagka’t noong mga nakaraan linggo, sunud-sunod iyong patayan, iyong rape slay.

URI:                                                      Ito na nga, isa sa binisita ninyo iyong rape victim sa Pasig, ‘di ba? Binisita ninyo iyon, iyong rape victim sa Pasig. Bakit napuputol?

SEC. ANDANAR:                            (LINE CUT)

URI:                                                      Secretary, pasensya na kayo at napuputol ang ating komunikasyon.

SEC. ANDANAR:                            Oo, kailangan na talaga ng third player.

URI:                                                      (Laughs) Malapit na ba iyong third player na iyan?

SEC. ANDANAR:                            Sana. Sapagka’t kung hindi mabagal ang internet, dropped calls nang dropped calls.

URI:                                                      Kaya nga. Teka muna, balikan ko lang. Pinuntahan ninyo iyong rape victims sa Pasig. Pagkatapos ba nung inyong mapuntahan at makausap iyong mga magulang, makita iyong bangkay, nakausap ninyo ang Pangulo? At isa ba sa naging dahilan kung bakit nagalit na naman nang todo sa campaign on illegal drugs ang Pangulo ay dahil doon sa inyong nakita?

SEC. ANDANAR:                            Well, tayo naman, Henry, nagtatrabaho lang tayo. (Unclear) iyong mga nangyayari sa lansangan. So hindi ko masasabi na iyon ang naging dahilan. Siguro timing lang siguro na ginawan natin ng istorya.

Pero bukod kasi doon kay Mabel, mayroon pang pinatay doon sa Quezon, sa probinsiya mo di ba.

URI:                                                      Korek.

SEC. ANDANAR:                            Iyong sinaksak ng dalawampu’t walong beses tapos tinarakan ng kutsilyo iyong mata iyong dalaga. Tapos bukod doon ay mayroon pa dito sa may Bataan na ginapos iyong boyfriend, tapos ginahasa sa harapan, pinatay. So ito lahat ay diumano’y drug-related cases lahat. So hindi mo mabi-blame iyong ating Presidente na talagang magdesisyon nang ganito sapagka’t papaano naman ang karapatan ng biktima ng mga drug-addict ‘di ba. So iyon po ang—

URI:                                                      Pero, Secretary, bakit daw po lumabas na iyong balitang ibabalik niya pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya pormal na ipinagkakaloob sa PNP iyong campaign against illegal drugs?

SEC. ANDANAR:                            Iyan ang abangan natin. Iyan ang susunod na kabanata. We just leave it to the President na siya mismo ang (unclear)

URI:                                                     All right. Sec., kumusta na ang Gabinete? Medyo wala kaming naririnig ngayon. Ano ba ang nangyayari na? Baka kami ay may mga balitang hindi naman namin nalalaman. Puro negatibo na lang ito. Anong ginagawa na ninyo sa Gabinete?

SEC. ANDANAR:                            Actually, Henry, two days ago ay may lumabas na balita sa Bloomberg na ang Pilipinas, ang pinakamalakas na ekonomiya sa buong Southeast Asia. The rest of the ASEAN countries eating our dust sapagka’t napakabilis iyong growth ng economy, tapos sinabi pa doon na ating ekonomiya ay lumaki nang dalawang beses pa kung ikukumpara sa Malaysia ang growth.

So that in itself is already success, that’s good news at ito po ay repleksyon ng trabaho, lalo na ng Finance cluster ng Cabinet. And by the way, nagpapasalamat tayo sa Senado sa pagpasa nila ng tax reform sa botong 17 to 1. So ito ulit ay because of the hard work of the senators, lalo na the hard work of the Finance cluster of the Cabinet dahil sila naman iyong gumawa talaga nitong panukalang batas na TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion).

So, of course, you must also remember that kagagaling lang natin doon sa napakalaking event na ASEAN, katatapos lang at napaka-successful po ito. Napakaraming proyekto ang naidala ng ating Pangulo dito sa ating bansa, bukod doon sa ASEAN mismo. (LINE CUT)

URI:                                                      Pero siyempre ang reaksiyon diyan, eh puro lang iyan pronouncement, puro lang iyan balita iyan. Kailan namin matitikman iyan?

SEC. ANDANAR:                            Hindi, hindi. Iyong dalawang bridge dito sa Pasig na gagawin, mula Estrella hanggang Mandaluyong, pati itong dito sa Intramuros hanggang Binondo ay sinisimulan na. Nandoon na ang DPWH, sinusukat na lahat. Nandoon nga sa report ko, sa Cabinet, sa pinakabago kong report—

URI:                                                      Ganito po kasi eh, ang sinasabi ng mga kritiko ninyo, sa administrasyon, ay iyon daw mga pronouncement na kagaya ng pagbaril sa mga armadong NPA; iyong pagpapabalik ng kampaniya sa pulis sa illegal drugs, iyan daw po ay paraan para pagtakpan iyong revolutionary government ika, para daw po pagtakpan iyong mga hindi naidi-deliver na pangako. Ano ba iyong mga pangakong hindi ninyo naidi-deliver?

SEC. ANDANAR:                            Hindi ho totoo iyan na ito’y pantakip sa mga iba pang mga balita. Alam mo, sabay-sabay iyan eh. Ito, nandito ako sa Skyway ngayon. Kita naman natin ang bilis na ng konstruksyon. Bagama’t ang problema dito sa unahan ay iyong kaniyang right of way. Number two, saksi din ako doon sa exchange notes ng Japan-Philippines subway program.

Now, itong kaso naman sa New People’s Army, ito naman ay magkahiwalay, magkaiba naman. Alam naman ng lahat na tuluy-tuloy ang opensiba ng NPA, iyong armed group ng CPP-NDF ay tuluy-tuloy—

URI:                                                      Sec., ganito, I think kailangan ko kayong pagbigyan. Kung mayroong naipangako na nai-deliver na, kung mayroon man lang na mababanggit kayo para naman iyong ating mga kababayang nakikinig ay masabing ‘Eh mayroon naman pala.’

SEC. ANDANAR:                            Oo, napakadami ng mga pangako na nai-deliver. Halimbawa lamang, iyong pagpapataas ng koleksyon ng buwis; iyong paghahabol doon sa mga delinquents, sa mga tax evaders – 25 billion doon sa cigarette company, tapos iyong Philippine Airlines ay nagbayad ng kanilang penalty sa NAIA. At napakadami pang mga proyekto doon sa Mindanao, iyong mga bridges, iyong mga kalye, pagpapalawak ng mga kalye sa Mindanao.

Alam mo, hindi na mabilang ang nagawa. Itong mega drug facility sa may Fort Magsaysay; iyong groundbreaking ng proyekto doon sa Cebu na bridge din na nag-uugnay doon sa isang bayan doon sa Mactan. Alam mo, napakadami na, Henry. Kaya nga iyong ekonomiya natin ang pinakamalakas na ekonomiya sa buong Southeast Asia sapagka’t iyong investor confidence napakataas dahil napakadami nating infrastructure projects. Iyong importation ng semento at bakal diyan sa Customs, kung gaano kadami, kung gaano dumoble, trumiple, quadruple sapagka’t ito po ay dahilan ng napakadami pong proyektong nangyayari sa bansa.

URI:                                                      So ano na lang ang inyong mensahe ngayon doon sa mga nagsasabing wala naman kayong natutupad sa inyong mga ipinangako?

SEC. ANDANAR:                            Basta ganito lang ho, alam ko ang ugat niyan ay iyong trapik sa Metro Manila.

URI:                                                      Iyon, nadali ninyo. So ano ngayon ang plano ninyo—

SEC. ANDANAR:                            Ganito lang iyan, wala namang silver bullet solution sa problemang ito; hindi overnight ito. Nakikita ninyo naman na tuloy-tuloy, mabilis iyong konstruksyon ng Skyway dito mula south hanggang north. Nakita ninyo naman na nandiyan na iyong subway system, magtutuloy na iyong first phase.

You know, 2017 na wala pang subway system ang Pilipinas. Magkakaroon na rin tayo finally. So nakikita ninyo naman iyong mga projects na nagkaroon na po ng mga signing ng contracts dito sa Pasig para madagdagan ng dalawang bridge. Ilang taon na at iyon pa rin iyong mga bridge diyan sa Pasig na nag-uugnay ng isang lugar papunta sa kabilang lugar, mula Makati hanggang Mandaluyong, Manila, Binondo hanggang Intramuros. Lahat po iyon ay mangyayari. Konting tiis na lang at tiwala sa ating gobyerno dahil ito pong mga problema na ito ay minana ng gobyerno natin dahil sa mga kapalpakan ng mga nakaraan. Ayaw nga nating magturo, manisi. Pero ito po ay minana natin, at may ginagawa ang Pangulong Duterte para ito ay maisaayos.

URI:                                                      Sa trapiko ba mayroon na talagang naisip na solusyon ang Pangulo, sa trapik?

SEC. ANDANAR:                            Opo. Ito, iyong tuluy-tuloy na pagpapagawa ng Skyway. Iyong tuluy-tuloy na pagpapagawa ng mga bridge para maibsan ang trapik. Iyong subway system. Iyong pagpapaayos ng MRT, ito’y ibabalik na sa Sumitomo Mitsubishi Corporation sapagka’t iyong nakaraang contractor naman talaga ay wala hong kapasidad para gawin ito.

So ito po ay inaayos na ng administrasyon. Konting tiis na lang po at makakarating din tayo sa paroroonan.

URI:                                                      Secretary, mukhang kayo ay paroroonan at na abala na namin kayo. Maraming salamat po sa inyo. Salamat sa inyo.

SEC. ANDANAR:                            Salamat, Henry.

##

source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource