Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Ted Failon (Failon Ngayon – DZMM)

FAILON: Sec. Martin, maayong buntag, Sec.

SEC. ANDANAR: Maayong buntag, Manong Ted. Good morning sa lahat po ng nakikinig ng inyong programa sa DZMM.

FAILON: Opo. Thank you for the time, Secretary. Kami po ay naguguluhan, Sec. Kahapon po sabi ng Pangulo, hindi po holiday pero sabi niya, national day of protest at wala daw pong pasok sa gobyerno at saka sa eskuwelahan. Mayroon na ho ba itong kaakibat na proklamasyon po, Secretary?

SEC. ANDANAR: Iyon po ang hinihintay natin, Manong Ted. Sapagka’t ang malinaw ho sa akin ay national day of protest, binibigyan ng pagkakataon ang lahat ng mga kababayan natin na magprotesta sa mga ayaw nilang nangyayari sa gobyerno o gusto nila basta ito ay bilang respeto sa freedom of expression. At nang nabanggit po ng Pangulo na walang pasok po sa gobyerno at walang pasok din po sa mga pampublikong paaralan; pero kailangan pong linawin muna ito sa pamamagitan ng order kung ito ba ay Metro Manila, ito ba ay nationwide.

FAILON: I see. So when you say lilinawin, through a presidential proclamation?

SEC. ANDANAR: Opo, opo, through an order coming from the Office of the President. And within this day, Manong Ted, ay malalaman po natin kung ano iyong klarong order, kung may pasok ba o wala sa pampublikong paaralan, iyong ating mga opisina sa gobyerno, if it’s only in Metro Manila or ito ba ay nationwide.

Pero ang malinaw po ay ang sabi ng Pangulo na iyong mga gustong magprotesta sa Luneta, you may do so, wherever they want. Iyong mga gustong magprotesta dito sa may Quiapo, sa may Plaza Miranda, puwede rin po. Kahit saan ninyo po gusto, puwede kayong magprotesta.

FAILON: Na hindi na po kumukuha ng permit?

SEC. ANDANAR: Iyon po ang sabi ng Pangulo, Manong Ted.

FAILON: Opo, opo. Oh sige po, kasi nga ho ang dami nating mga tawag sa telepono at saka mga text sa ating text line asking nga kung mayroon na ho talagang proklamasyon ano. Kasi hindi naman ho pupuwede siguro na magsabi lang po ang Pangulo nang walang kaakibat na panghahawakang papel ika nga po ang lahat. Kasi example ‘no, sa eskuwelahan ay dapat din pong klaro nga at saka kung ano hong lugar lamang ang sakop nito at saka kung government office po, papaano iyong Hudikatura, for example po, Secretary?

SEC. ANDANAR: Yes, sir. And of course, we need to know within the day or tomorrow sapagka’t siyempre marami ring mga motorista ang maaabala sa mga protesta na mangyayari diyan sa Luneta at dito sa Plaza Miranda.

FAILON: Okay, sige po. Dapat ngayon, abangan po ninyo within the day or siguro latest nga po tomorrow para ho malinaw ang bagay na ito.

SEC. ANDANAR: Tama po kayo, Manong Ted. Maraming salamat po. Mabuhay po kayo. And I will keep you posted.

FAILON: Sec. Martin, daghang salamat sa panahon, sir. Mabuhay po. Salamat.

SEC. ANDANAR: Mabuhay po kayo. Thank you.

##

Resource