Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar (Super Radyo Nationwide – DZBB by Francis Flores)

FRANCIS FLORES:                       Magandang umaga, Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR:                            Good morning, Francis. Good morning sa lahat ng nakikinig sa atin dito po sa DZBB.

FLORES:                                             Salamat po muli sa inyong pagtanggap sa aming tawag.

SEC. ANDANAR:                            Salamat din po. Salamat din po.

FLORES:                                             Nakatulog ka na ba?

SEC. ANDANAR:                            Oo naman. Oo naman. Kasi we have a long day yesterday kasi galing kaming Butuan tapos sa Butuan ay kinonvene[convened] din natin iyong mga public information officers, iyong mga committee din ng Agusan del Norte tapos we went straight dito sa Surigao del Norte at agad din naman ay kinausap ko rin iyong mga PIO as part of the PCO.net PIO Provincial Communication Officers network na binubuo po ng ating gobyerno.

FLORES:                                             Bising-busy ha, Secretary Martin Andanar. Well, marami na pong—ang aking tatanungin tungkol sa nalalapit na SONA ni Pangulong Duterte. Secretary, marami na iyong mga interview sa iyo at iba pang mga nilabas sa media—

SEC. ANDANAR:                            Opo.

FLORES:                                             Na mga aasahan na manaka-naka na ibibigay niya na mga impormasyon. Hindi kaya mas dumami na ang impormasyon at hindi na maging exciting ang sasabihin ni President Duterte sa SONA niya?

SEC. ANDANAR:                            Hindi ho naman natin sinasabi kung anong lalamanin ng SONA sapagka’t ito po ay Presidente lang naman po ang magsasabi noon—

FLORES:                                             Secretary, puwede bang i-adjust namin ang signal mo?

SEC. ANDANAR:                            Opo, puwede po.

FLORES:                                             Iyan, opo. Malinaw na.

SEC. ANDANAR:                            Iyon nga like what I said hindi namin natin sinasabi ang sasabihin ng Pangulo dahil siya lang ang nakakaalam noon.

FLORES:                                             Okay.

SEC. ANDANAR:                            What I’m saying is for example, 90 percent of the technical report will be ready at…is actually ready, of the speech right now. Pero hinihintay pa natin iyong ibang report ng mga ahensiya para maging kumpleto. Ito pong technical report, ito ‘yung ina-upload po natin sa Presidential Communications website. At ito po iyong ini-imprenta ng Bureau of Communication Services para ipamahagi sa iba’t ibang ahensiya, sa iba’t ibang mga Cabinet members, members of the Lower House and Upper House, the Senate at iba pang—kung saan gusto ng OP ito ipadala para mayroon po silang kopya.

FLORES:                                             Ibig sabihin hindi naman iyan magiging lilitaw na iyon na rin ang sasabihin ni Pangulong Duterte sa kaniyang SONA?

SEC. ANDANAR:                            Hindi po. Iyong technical report, this is the detailed report po na gagawin ng ating—usually ginagawa talaga ito every year ng PMS. Ito po iyong tinatawag na technical report. Iyong sa SONA po ay masasabi ko na nagsimula na iyong ating Pre-SONA noong June 30, 2016. Nagpalabas din ng video, at next week po magpapalabas tayo ulit ng mga video, ng mga documentary next Friday para po maipaliwanag sa ating mga kababayan kung ano po iyong iba pang mga accomplishments ni Pangulo for the last year at mayroon din tayong mga short details na ipapalabas. Ito po iyong mga testimonials ng mga beneficiaries, iyon po iyong mga nakinabang po sa mga proyekto ni Pangulong Duterte.

FLORES:                                             Secretary Martin Andanar, totoo ba ang report na first time na mangyayari sa Pilipinas na sa SONA ng Pangulo ay ire-report niya na rin iyong Pambansang Budget ngayong 2018? How true?

SEC. ANDANAR:                            Hindi ko po masasabi sapagka’t ang alam ko ay… ‘di ba usually ang budget naman ay ang Kongreso ang nag-a-approve muna niyan, di ba? Magko-convene. So hindi ko po masasabi kung iyan po ay kasama. On what I know is that marami pong input si Pangulong Duterte sa SONA and every now and then ay nagbabago po iyong porma ng speech ng Pangulo.

FLORES:                                             I see. At sa palagay ninyo gaano kahaba ang magiging report sa SONA ni Pangulong Duterte, Secretary Andanar?

SEC. ANDANAR:                            Well, if we based on average now gaano kahaba, usually it lasts  for 40 to 45 minutes iyong mga SONA ng mga nagdaang Pangulo. Of course, we give the President the freedom to say what he want to say after the speech kasi alam mo si Presidente napaka-passionate po niyan sa mga issues so… we can already—based from last year’s SONA ay puwede po tayong—I supposed we can assume na baka si Presidente Duterte ay mag-adlib.

FLORES:                                             Opo eh sanay na tayo doon eh.

SEC. ANDANAR:                            Opo. Opo.

FLORES:                                             Sanay na po tayo sa isang taon na kaniyang pagharap, pagsasalita sa media at sa iba pang mga speaking engagements. May mga maraming adlib, ano po?

SEC. ANDANAR:                            Opo. Sapagka’t the President is very—the President is really—he is very passionate about so many issues and so passionate on running our country, so we are assuming that based on the past SONA ay mag-a-adlib po si Presidente, but I’m not sure if there’s death penalty. We can never—so we can never say what will happen. We never tell happen pero one thing is for sure we are ready for the SONA.

FLORES:                                             Naiintindihan ko po iyon, Secretary Andanar na nasa kaniya ang desisyon palagi, minsan sinasabi niya, “Sa totoo lang hindi ko na babasahin iyan mahaba, ako na lang,” projected himself to be..iyong true to the people. Iyon po ang aking basa palagi na kung ano iyong gusto niya ay kaniyang sasabihin sa taong bayan at iyong kaniyang ano, feeling?

SEC. ANDANAR:                            Opo. Opo. Tama po kayo.

FLORES:                                             Well ang tungkol pa rin ba sa Marawi ay mababanggit din sa—of course iyong gusto niyang ma-resolba na kaagad. And then probably is iyong extension of martial law in Marawi or in Mindanao ay mababanggit din sa SONA, Secretary Martin?

SEC. ANDANAR:                            Anything na puwedeng banggitin ng ating Pangulo po ay nasa kaniya po iyon. We cannot really ano—we cannot really say kung ano exactly ang sasabihin ng ating Pangulo. Pero just based on the issues that are at hand right now, number 1 Marawi, resurgence of drugs sa National Bilibid Prisons at marami pang iba. So siguro panoorin na lang po natin iyong SONA but next week, next week, Francis we will give you a more, a more detailed, I supposed detailed report on what we can expect on the State of the Nation Address.

FLORES:                                             Tamang tama iyan at least diyan mayroon kaming aasahan.

SEC. ANDANAR:                            Opo. Opo. Tama po.

FLORES:                                             Teka, last time natanong ko iyong performance ni Pangulong Duterte tungkol dito sa one year niya. Eh ikaw ba bilang—I hope you won’t mind, Secretary Martin Andanar under kana din sa PCOO. Ano ang assessment mo sa…ibig sabihin iyong performance ng iyong tanggapan, Sec. Puwede bang malaman?

SEC. ANDANAR:                            Well, siyempre parang unfair din naman kung ako ang mag-a-assess sa sarili ko—

FLORES:                                             But, no ba iyong mga nagawa ninyo?

SEC. ANDANAR:                            Hindi but what I can say is that marami na po tayong mga institutional changes na ginawa sa PCOO. Kasama po diyan iyong Freedom of Information na tayo po ang nanguna sa pagpasa po niyan. Tanda mo iyong task force on media security, mag-a-ayos ng mga programming sa PTV, Radyo Pilipinas at Philippine News Agency tapos pagbubuo po ng Comprehensive Communications Committee kung saan ito po iyong kumite na pumuporma. Ito po iyong nagpa-plano dito sa mga Dutertenomics, sa EPower. EPowermo ng DOE. Lahat po ng mga committees ng gobyerno. So I would say that with the programming, iyong pagkukumpuni ng mga radyo natin at telebisyon. I think, we have done a considerable number of institutional reforms para sa PCOO. As we speak, iyong sa Salaam Digital TV po na ipinangako ng ating Pangulo, is now in test broadcasting on digital television. So hintayin na lang po natin iyong iba pang mga gagawin ng ating tanggapan para maging free to effort, but for now it’s already there, it’s already test broadcasting.

FLORES:                                             Sa isang taon, Secretary Martin Andanar, ano bang major challenge, o challenges na na-engkuwentro mo as a Communication Officer ng ating bansa?

SEC. ANDANAR:                            The biggest challenge really is to make all of the media agencies of government work together as—sapagka’t po tayo po ay pumasok diyan ay kaniya-kaniya po silang media strategies usually po kasi iyong government communications ay—hindi po nagkakaisa iyong government media pati iyong mga ahensiya na may mga project. So now because of the Comprehensive Communications Committee ay napagta-trabaho po natin ang lahat ng ahensiya together. Synergized po sila kasama iyong mga ahensiya so it’s easier now without even spending money on public relations and other money na ginagastos po, ang budget na ginagastos doon sa mga pribadong nagpapatakbo po ng mga communications. I am proud to say that ang communications po natin, ang Dutertenomics, the real numbers etcetera, it po ay talagang ginagamit natin, iyong government employees, iyong ano po iyong government media na hindi po tayo gumagasta for public relations.

FLORES:                                             Parang sinabi mong ano ah.. iyong ibang nakaraan ay gumamit ng PR money para sa Public Relations?

SEC. ANDANAR:                            Hindi naman, hindi naman. Ayaw ko naman tingnan kung ano iyong mga ginawa noon. Ayaw ko naman i-compare. I supposed everything is about for implications and then ang ating Pangulo po ay gusto niya na we strengthen our communications in government so that pagtapos po nito, matapos itong five years ay we leave the communication of government to the next administration as a stronger communications group na kaya pong magpatakbo, kaya pong magpatakbo ng communications campaign ng gobyerno na wala pong masyadong gastos o hindi po tayo gumagasta sa labas po ng government communications.

FLORES:                                             Okay, well, Secretary Martin, sinabi mo na aasahan natin sa mga susunod na araw at sa Sabado, muli ay maririnig ko pa ang mga karagdagang update mula sa tanggapan ninyo. Secretary, nasa inyong pagkakataon upang ibigay pa ang mga gusto ninyong sabihin sa taong bayan bilang hepe ng Presidential Communications Office.

SEC. ANDANAR:                            Maraming salamat, Francis. Abangan ninyo po iyong ating ano—iyong State of the Nation Address ng ating Pangulo ngayong July 24. Ito po ay magiging malaman sapagka’t alam naman natin na marami na pong na-accomplish si Presidente in his last year in office at..or in his first year of office marami na pong na-accomplish at bukod po diyan, mayroon po tayong mga gagawing communication tactics para po madaling maintindihan ng ating mga kababayan. Halimbawa, maglalagay po tayo ng language ano… Anong tawag doon, iyong sign language interpreter para sa ating mga guest din. Maglalagay po tayo ng…magbibigay po tayo ng brochures, mga pictures sa gallery para po madali nilang basahin, tingnan kung ano pong mga accomplishments ng ating Pangulo sa pamamagitan ng litrato at nandiyan din po iyong interpretation and different languages ‘no para sa ating Diplomatic Corps and others, marami po tayong gagawin. With the President inputs sa SONA, napakadami po ng kaniyang inputs. I’ll assure that this will be another exciting at kaabang-abang na State of the Nation Address ni Presidente Duterte.

FLORES:                                             Alright. Maraming salamat. Muli sa update na ito Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR:                            Mabuhay po kayo, Francis. Thank you po.

###

Resource