Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar (Sunday Gwapo by Fernan Gulapa — DZBB)

FERNAN GULAPA:                       Secretary Andanar, magandang umaga po.

SEC. ANDANAR:                            Hi Gwapo. Good morning, gwapo.

FERNAN:                                           Naku pasensiya na nagising ko kayo ng maaga.

SEC. ANDANAR:                            Hindi talagang hinintay ko iyong tawag mo eh.

FERNAN:                                           Wow. Sec., Matindi iyong botohan kahapon, overwhelming. Ano ba… ika nga ang naging reaksiyon dito ng Malacañang sa pagkaka-extend ng martial law hanggang sa katapusan ng taon?

SEC. ANDANAR:                            Aba’y siyempre nagpapasalamat tayo sa mga miyembro ng Kongreso at ng Senado sa kanilang talagang overwhelming vote in support of the extension of martial law dito sa Mindanao. Dito ay ipinapakita ng Kongreso at ng Senado ang kanilang pakikiisa sa buong bayan, lalong lalo na dito sa Mindanao. Ang pakikiisa nila sa mga kababayan natin doon sa Mindanao na kailangan itong extension ng martial law para masiguro ang seguridad ng buong isla.

FERNAN:                                           Pero may apat daw na mambabatas na kukuwestiyunin sa Korte Suprema, ano po Secretary?

SEC. ANDANAR:                            Mayroon daw apat na kukuwestiyunin sa Korte Suprema?

FERNAN:                                           Opo. Opo, iyong mambabatas.

SEC. ANDANAR:                            Ah, eh karapatan naman nila iyon na kumontra sa ibang batas at sa hukuman pero tingnan natin kung anong desisyon ng Korte Suprema. Eh, wala namang pinagkaiba iyon doon sa deklarasyon ng martial law na dinala din sa Korte Suprema pero kalaunan ay pati Korte Suprema ay nakiisa din sa lahat. So, it is part of our system of democracy.

FERNAN:                                           Sec. Ano ang maririnig ng taong bayan bukas sa Pangulo?

SEC. ANDANAR:                            Kagabi po ay na-finalize na iyong State of the Nation Address at tingnan natin kung mayroon pang mga pagbabago pero sa palagay ko, iyong nabanggit ko noong una ay aabot ng 40 to 50 minutes iyong written speech na nakasulat mismo, gwapo.

FERNAN:                                           40 to 50 minutes iyong nakasulat?

SEC. ANDANAR:                            Oo kasi 15 pages eh, 15 pages iyong speech eh, iyon ang final, 15 pages. So unless magbago ngayong araw na ito ‘di ba? Pero as of last night 15 pages, ngayon kung 3 minutes per page eh ‘di ilan iyon gwapo? Magaling ka sa Math eh.

FERNAN:                                           45?

SEC. ANDANAR:                            (laughs).

FERNAN:                                           45 minutes ‘di ba? Na-finalize po iyon noong magbotohan o tapos na?

SEC. ANDANAR:                            Hindi, tapos na iyong botohan.

FERNAN:                                           Tapos na noon?

SEC. ANDANAR:                            Tapos na iyong botohan. Kagabi mga alas onse ata iyon so that was as of last night ‘no, mahirap ng iyong sabihin na-finalize. Eh burahin mo muna iyong finalized. As of last night, 15 pages so 45 minutes. Tama ‘di ba?

FERNAN:                                           Opo. Opo. May kasama ba doon sa—iyong binanggit sa pagdinig ng U.S. Congress? Iyong Human Rights Commission na binabanatan ang kampanya ng Duterte administration laban sa Human Rights—

SEC. ANDANAR:                            Iyong mga kasama doon ay kung ano lang iyong nangyayari sa bansa natin so…unless isama ni Presidente iyong sa kanyang ad lib. So iyong mga—basta abangan ninyo na lang sa Lunes iyong dahil iyong speech ni Presidente, baka ano eh—Mahirap naman na mapaiyak natin si Presidente. So iyon 40 to 50 minutes depending on the speed of the President. So number 2, ay nakasulat din doon iyong mga problema natin sa bansa natin. Tapos number three, iyong mga aabangan natin sa next year—5 years ng administrasyon ng mahal na Pangulo at number four, ay kailangang makinig tayong lahat para alam natin kung saan tayo dadalhin ni Presidente for the next five years.

Eh iyon ang mga dapat nating tutukan. Alam mo, Fernan, iyong SONA ng Pangulo ngayong 2017 ay napakahalaga dahil—at nanggagaling ho ang Presidente sa 82 percent na acceptance rating ng mga kababayan natin. So, ang ibig sabihin ho noon ay sinuportahan, naramdaman ng mga kababayan natin iyong mga pagbabago na ipinangako ng Pangulo although marami pang dapat natin gawin, ipatupad na mga bagay o i-implement kaya since 82 percent, eh alamin natin kung ano pa ang mga dapat gawin ng Presidente para maging noventa porsiyento ‘di ba? Iyon eh so ang mga kababayan natin lalong lalo na iyong mga mahihirap ‘di ba? Ay talagang umaasa sa Pangulo at iyong mga mahihirap nating kababayan, wala na silang ibang inaasahan Fernan eh, kundi eh action na lang talaga, anong gagawin niya eh. So abangan ninyo po kung anong sasabihin niya para lalo tayong ganahan na magtrabaho para sa bansa natin.

FERNAN:                                           Gagawin ba talaga ng Pangulo iyong binabanggit ninyo iyong mga nirereklamo sa otso, otso, otso na mga opisyal ng gobyerno na hindi sumusunod eh paluluhurin sa asin. Ah hindi naman sa asin…paluluhurin?

SEC. ANDANAR:                            Saan sa 8888?

FERNAN:                                           Oho.

SEC. ANDANAR:                            Of course, iyong Presidente natin ay ibig sabihin noon ay gagawin niya lahat na para mga opisyales ng gobyerno magtrabaho at maging public servers po na tunay. Hindi iyong ginagamit iyong poder para sumarap ang buhay, hindi ganoon. So ang gusto ng Presidente na bumilis iyong burukrasya, hindi iyong puro pangako. Gusto niya iyong sinabi ni Presidente na 72 hours eh naibibigay na kaagad iyong serbisyo ng gobyerno. Iyong lang—iyon ang ibig sabihin ng Presidente kaya lang sinabi ko nga noon na kung mayroon kang dapat gagawin, kasi sa programa na ito eh. Kung mayroon talagang dapat gawin ay kay Francis Flores pa, sinabi ko sa kanya na, “Kung mayroon kang dapat gawin sa susunod na mga buwan o taon ay ito iyong pagtutok sa burukrasya, sa mga burukrasya. Hindi lang dito sa Metro Manila ha kung hindi maging sa mga probinsiya na mabilis iyong serbisyo na binibigay sa publiko. Kasi isa iyan sa source ng corruption eh, iyong red tape. Bumabagal, nahihiritan ka diyan eh.

FERNAN:                                           Naku, tamang tama ngayong araw na ito iyong pagsisimula ng smoking ban sa buong bansa, Secretary Andanar. Sabagay ikaw hindi ka naman naninigarilyo ‘no?

SEC. ANDANAR:                            Hindi naman ako naninigarilyo. Eh ikaw hindi ka naninigarilyo. Eh ang may problema diyan iyong mga naninigarilyo pero maganda rin iyan para matulungan din ho kayong tumigil sa paninigarilyo. Wala naman talagang maidudulot ang paninigarilyo. It is a form of addiction ‘di ba iyong paninigarilyo? Isa iyan sa mga ginawa ni Presidente dito sa Davao mismo. Oo dahil—pero number one, masama na iyang paninigarilyo. Number 2, mas masama pa iyong second hand smoking ‘di ba? At least eh natutulungan natin iyong sarili natin na maging malusog. Number 2, ay kung ano man iyong ginagamit ng gobyerno para sa mga may sakit sa baga at least napupunta na lang sa ibang sakit ‘di ba?

FERNAN:                                           Kaya lang eh ang dami daw bumoto sa kaniya na naninigarilyo. Hindi daw nila alam na ibabawal pala sa mga pampublikong lugar ang paninigarilyo, Secretary Andanar?

SEC. ANDANAR:                             Oo pero mayroon namang mga designate… mga designated na lugar na puwedeng manigarilyo, hahanapin mo lang ‘no. So hindi ka lang sa building o within the perimeter puwedeng manigarilyo. Every establishment will have to find a place for the smokers to smoke, ‘di ba? Para iyong mga talagang hindi mapigilan, doon sila sa isang lugar na iyon manigarilyo na hindi na sila mandadamay pa ng ibang tao na hindi naninigarilyo. So isa iyan sa mga pinirmahan ni Presidente na EO na nagpapakita ng kaniyang political will. Kahit maraming nag-o-oppose, nag-o-oppose lalo na iyong mga smokers ay talagang ang pinirmahan niya ay para sa kapakanan ng lahat ng mga non-smokers at saka iyong mga smokers na rin para makapigil. It’s… I think wala namang question doon Fernan, it’s for our own good, ‘di ba?

FERNAN:                                           At saka iyong sa kuwan…sa pagsalubong natin sa bagong taon, mga paputok—

SEC. ANDANAR:                            Oh, smoking from cigarette. It was smoke also from the firecrackers ‘di ba? At least kumpleto ang ating mga daliri pagkatapos ng New Year. Tapos wala pa tayong naa-agrabyado, wala tayong nadadamay na mga kapitbahay natin na ayaw mausukan ‘di ba?

FERNAN:                                           Isa na lang daw Sec., Iyong mga tumatawid. Kailangan daw iyong Presidente na mismo ang magsabi na hindi puwede iyong basta na lang, tawid na lang ng tawid sa mga hindi dapat na tawiran na mga kalsada?

SEC. ANDANAR:                            Mga jaywalking-jaywalking? Mga tumatawid!

FERNAN:                                           Oo.

SEC. ANDANAR:                            Alam mo talagang ano naman talaga iyan eh, talagang bawal ho talaga sa batas iyan ‘di ba? Tawid ka na lang ng tawid. Kaya nga gumagawa ng tawiran ‘di ba? Gumagawa ng mga overpass, underpass—

FERNAN:                                           Pero wala pa rin eh, wala.

SEC. ANDANAR:                            Eh siguro—hindi! Mayroon mga lugar kasi na ‘di ba na talagang sumusunod. Alam mo nasa law enforcement iyan eh ‘di ba? Eh kung huhulihin iyan, kung may penalty iyan, may fine talagang ini-implement iyan, wala ng tatawid talaga ‘di ba? Eh kaso hindi siguro naipapatupad ng husto iyon kulang siguro iyong mindset. Marami pa ho, marami pa tayong—

FERNAN:                                           Marami pang gagawin—

SEC. ANDANAR:                            Sa bansa natin—

FERNAN:                                           Sec., igigiit pa rin daw ba ng Pangulo iyong kaniyang sa unang SONA iyong emergency power para sa problema sa traffic?

SEC. ANDANAR:                            Iyon nga eh—

FERNAN:                                           Wala pa, hindi pa nai-sa-sabatas eh.

SEC. ANDANAR:                            Hindi pa natin ano iyan—alam mo ganito na lang para safe tayo ‘no. Ang pinakamaganda nito ay abangan natin talaga iyong speech, kasi nandoon lahat iyong gagawin ni Presidente for the next five years. Oo pero alam mo ang—doon sa traffic kasi na… kumpleto na iyan eh. Nagsalita si Secretary Tugade noong Huwebes dito sa Davao. Nandito ako sa Davao ngayon eh. So—tapos doon ipinaliwanag ni Secretary Tugade na gagawin niya lahat iyong mga subway system, iyong mga flyover, lahat. Pagdadagdag ng mga bagon ng train, lahat gagawin niya. So—

FERNAN:                                           Iyon ang mga gusto kong naririnig eh. Kailan ba magsisimula talaga iyong subway dito mula sa Taguig papuntang Quezon City ha, Sec?

SEC. ANDANAR:                            Magsisimula iyan after magpirmahan ni Pangulong Duterte at ni Prime Minister Abe ngayong last quarter, this year. Magpirmahan iyan silang dalawa. Tapos kasi—

FERNAN:                                           Kasi ang magpopondo, Japan? Tama ba iyon?

SEC. ANDANAR:                            JICA. JICA ang magpopondo. Matagal na naman iyang subway project na iyan sa atin. Pinag-aralan na ng mga Japanese iyan eh, o eh paso. Again may political will ang gobyernong ito—may political will si Presidente. Sinusuportahan niya iyong gagawin ni Secretary Tugade, kaya mangyayari talaga iyong subway na iyan.

FERNAN:                                           Eh iyong mga hindi kuwan… Binabanggit nila, eh bakit naman gagawa niyang subway na iyan dito sa atin eh me lindol tapos bumabaha pa, Sec?

SEC. ANDANAR:                            Eh mas malakas nga lindol sa Japan eh ‘di ba?

FERNAN:                                           Oo, may subway doon.

SEC. ANDANAR:                            Tapos eh bakit iyong ano—bakit iyong Hong Kong eh ipinatawid pa sa dagat iyong subway? Hindi naman sa dagat mo… ilagay sa ilalim ng dagat. Ayun, hindi lang bahagi, dagat talaga. Whether umulan o hindi umulan may tubig oh ‘di ba? Isipin mo iyan.

FERNAN:                                           So bago matapos iyong termino ng Pangulo mayroon na tayong subway, Sec?

SEC. ANDANAR:                            Ang target ni Secretary Tugade ay bago matapos ang termino ni Presidente, nakapagpatayo na tayo ng subway. Whether matapos lahat ng istasyon pero ang gusto niya, station to station ay makaranas na tayo ng subway sabi niya. So halimbawa, mula sa Taguig papuntang QC ay may ilang istasyon nandoon. Hindi man matapos ng lahat ng station, pero may matatapos na station to stations, sabi niya. Para at least, Fernan, nasimulan na at umaandar na iyan. Ganoon din ang plano dito sa Mindanao Railway. Hindi naman matatapos iyong lahat ng Railways ang dami niyan eh, iyong lahat ng istasyon pero at least mga ilang istasyon matatapos.

FERNAN:                                           Eh iyong sa Manila to Clark na tren?

SEC. ANDANAR:                            Talagang matatapos diyan kasi nandiyan na iyong mga riles, ‘di ba? Iyong mga riles na gagamitin papuntang Norte, ‘di ba? Nandiyan na iyan, ‘di ba? So, I’m not sure if we are talking about the same tracks pero kung gagamitin ng tracks iyong mga lumang tracks dati, I mean iyong dinadaanan na mga tracks, ilalatag na lang iyong mga bagong riles then matatapos talaga iyan.

FERNAN:                                           Iyong mga…. Tama ba iyong binabanggit ng Pangulo? Hindi raw siya pupunta doon sa Amerika, Sec. hanggang siya iyong nanunungkulan dito sa gobyerno?

SEC. ANDANAR:                            Oo talagang sinabi ni Presidente iyon, mga last year pa. Sinabi niya, hindi talaga siya pupunta sa Amerika. Wala siyang planong pumunta. O kaya iyong Congressman na nagsasalita, ano iyon, taga Massachusetts ba iyon?

FERNAN:                                           Uhhm, si Congressman James McGovern—

SEC. ANDANAR:                            Eh siguro hindi siguro nakikinig ng balita sa Pilipinas iyon. Kasi kung nakikinig siya, nagbabasa siya eh ‘di dapat alam niya na hindi kokontra si Presidente doon sa Amerika.

FERNAN:                                           Kahit na inimbitahan ni Pangulong Donald Trump.

SEC. ANDANAR:                            Alam ko iyong Congressman na iyon eh Democrat iyon ‘di ba?

FERNAN:                                           Paano ba—Reaksiyon ninyo nga pala dito sa ginagawang imbestigasyon ng US Congress tungkol dito sa Human Rights violation daw dito sa Pilipinas?

SEC. ANDANAR:                            Eh siguro…Sino bang nag-li-lead ng investigation na iyon? Siguro ang gawin ninyo lang eh, gawin nila, imbistigahan muna nila iyong kanilang mga violations ‘di ba? Eh iyong sarili rin nila, dahil unang-una eh mayroon din naman silang problema sa kanila ‘di ba?

FERNAN:                                           Eh binabanggit kasi Sec. eh may suporta raw na ibinibigay lalo na sa PNP iyong kanilang gobyerno at para hindi magamit daw iyong kanilang pera na ibinibigay sa PNP sa pagpatay doon sa mga inosenteng sibilyan na nadadamay doon sa human rights violation. Ito ang binanggit niya—

SEC. ANDANAR:                            Anong binabanggit? Iyong pera na?

FERNAN:                                           Na sinusuporta dito sa Pilipinas?

SEC. ANDANAR:                            Sa bansa natin, iyong pera na parang binibigay nila sa bansa natin para sa— Sa Philippine National Police, sa PNP at ayaw nilang—ayaw na nilang ibigay?

FERNAN:                                           Eh iyong suporta nila tapos magagamit daw sa human rights violation, sa kampanya laban sa droga? Ganun ang—

SEC. ANDANAR:                            Alam mo, ang pinakamaganda diyan eh talagang pumunta sila dito. Dito sila mag ano—tingnan nila kung anong nangyayari. Hindi lang iyong puro tsismis ‘di ba? At saka dito, tingnan nila kung anong nangyari, pag-aralan nila ng husto tutal mura lang naman ang ticket ‘di ba? Kayang-kaya nilang bumili ng ticket, pumunta sila dito tapos umikot sila sa buong Pilipinas para makita talaga nila on the ground iyong—mahirap kasi iyong puro salita tapos hindi ka naman pumupunta. Number 2, hindi naman na Congressman iyan, eh nakikialam sa mga bagay-bagay na labas naman sa bansa niya. Matanong ko lang, iyang Congressman ba na iyan ay binoto ba sa Pilipinas o doon sa kanila?

FERNAN:                                           Sa kanila.

SEC. ANDANAR:                            Oh ‘di ba? O di doon siya makikialam sa Massachusetts. Problema, pakiramdam kasi siguro niya eh superior siya masyado, ah Congressman of the world siya. Siguro eh sampalin niya iyong sarili niya para magising siya sa katotohanan na Congressman siya ng Amerika, doon sa Massachusetts hindi siya Congressman ng Pilipinas o ng buong mundo.

FERNAN:                                           May mga Filipino citizens daw kasi doon sa kaniyang nasasakupan na concern sa nangyayaring… sa kampanya laban sa droga dito sa Pilipinas, Sec.?

SEC. ANDANAR:                            Ah iyon ba sabi niya?

FERNAN:                                           Oo iyon ang binabanggit.

SEC. ANDANAR:                            Eh siguro, maganda siguro kung—So ibig sabihin niyan, siguro tinitingnan niya kung anong dinadamdam ng kaniyang mga constituents doon sa Amerika dahil kasi pinoprotektahan niya rin iyong boto niya siguro doon sa lugar kung nasaan man siya. Marami sigurong Filipino kung saan siya nakatira. Siguro ganoon iyong—ang pinakamagandang gawin ni Congressman ay talagang ano, number 1, siguro ipa-investigate niya iyong mga problema nila at saka iyong mga human rights doon, ‘di ba?

FERNAN:                                           Kaysa makialam sila dito, Sec?

SEC. ANDANAR:                            Makialam siya dito, okay sige makialam siya pero i-investigate niya iyong mga nangyayari doon sa Middle East at sa mga hospital na mga binomba nila, ‘di ba? ‘Di ba iyon ang sinabi ni Presidente doon sa speech noong Thursday? So iyon ang problema sa mga pakialamero eh. Pakialaman nila ang sarili nila. Kaya marami ang hindi rin natutuwa eh. Otsenta y dos porsiyento sumusuporta sa Presidente ‘di ba? Sa palagay ko wala pang otsenta y dos porsiyento ang sumusuporta sa kaniya, sa kaniyang lugar. Iyong Congressman ‘no—

FERNAN:                                           Sa mga ganitong pag-iingay diyan sa Amerika, hindi ba makakaapekto ito sa mga investment, sa mga negosyante diyan sa US, Secretary?

SEC. ANDANAR:                            May—‘di ba marami na ngang nag-ingay na mga human rights group, last year pa. Hindi naman naapektuhan ang foreign direct investment, tumaas pa nga eh. At saka marami namang—eh noong last year pa iyan eh. Unang nauna hindi nakaapekto sa mga kababayan natin, iyong mga kababayan natin naniniwala kay Presidente. Number 2, tingnan mo iyong mga investor sa Amerika ay hindi naman nag-withdraw sa bansa natin, nandiyan pa rin naman. Talagang—alam mo kasi Fernan ganito kasi iyan, may mga grupo at human rights group, kung anong mga grupo ‘no, mga non-profit organization, pinag-aralan ko kasi iyan sa [inaudible]. Non-profit management, kailangan niyan pag nakakuha ka ng pondo, san ka man nakakuha ng pondo, kailangan mong—mayroon kang mga activities para ma-justify iyong pondo ‘di ba?

Halimbawa human rights, mayroon kang talagang dapat gawin na mga activities para ma-report mo doon sa funder mo na mayroon kang ginagawa, ganoon iyon. Otherwise, di mo maire-report ay mababawasan ka ng pondo, lahat naman ng mga organisasyon, hindi naman mabubuhay iyan kung walang pondo. So, iyan ay kanilang flavor of the year eh iyang Pilipinas. Kaya they really have to continue doing all of these activities. I don’t blame them, it’s their business. Their business is a non-profit, a non-profit organization business. And they have to report to the funders that they are doing their jobs. Eh, that’s what they are, normal lang iyan eh gagawin talaga nila iyan.

FERNAN:                                            Eh, Sec. iyong problema dito sa NPA. Ano ba talaga tigil na ba talaga iyong pag-uusap sa pangkapayapaan?

SEC. ANDANAR:                            Iyon ang sinabi ni Presidente, na as of last Thursday ayaw na ni Presidente makipag-usap sa kanila dahil nga kausap mo ngayon sa harap, sa likod, i-ambush iyong pulis saka sundalo. Eh siyempre bilang Commander-in-Chief natin, kailangan niyang protektahan iyong kaniyang mga sundalo, ‘di ba? Mga pulis, iyan tapos iyong sabi ni Presidente, nagsasayang lang tayo ng pera padala ng mga peacekeeping or mga peace negotiators doon sa Europa tapos ganoon din pala mawawala. Nasisira lang iyong environment para sa isang peace negotiation. Eh sabi nga ni Secretary Jess Dureza, eh nawawala iyong enabling environment or peace negotiation kaya ina-ambush iyong mga sundalo at pulis natin.

FERNAN:                                           Pero sabi noong kampo nang…ay talagang legal consultant, si Olalia, eh mas nauuna daw iyong mga sundalo at mga pulis sa kanilang ginagawang opensiba laban sa mga NPA, Sec.?

SEC. ANDANAR:                            Eh alam mo iyong nakikita nila natin sa balita ay sila naman nauuna eh. Iyon parang lumalabas dito sa GMA, sa diyaryo at iba pang mga TV at iba pang himpilan sa radyo, iyon lumalabas. Hindi naman nagsisinungaling ang balita so—ano iyan eh, it’s a “he said, she said”, di ba? Eh ang problema doon sa “he said, she said,” iyong isang panig doon ay mga media na nagre-report. Doon sa kabila, walang nagre-reports so sila ang paniniwalaan, ‘di ba?

*MORE*

52:34

FERNAN:                                           Eh puwede naman daw habang nagbabatan ay nag-uusap.

SEC. ANDANAR:                            Ganun? Napakahirap naman noon. Sa likod mo, parang nag-uusap tayong dalawa na bati na tayo, Fernan ha tapos sinasaksak mo ako sa likod ‘di ba? Wala namang ganiyanan. Eh ‘di kung ganoon lang eh ‘di huwag na tayong mag-usap ‘di ba? kung sinasaksak mo ako sa likod ko. Baka pagkatapos ng usapan natin patay na ako ‘di ba?

FERNAN:                                           So tama iyong binabanggit ng Pangulo na pagkatapos nitong sa Marawi, NPA naman ang haharapin ng ating mga sundalo, Sec?

SEC. ANDANAR:                            Sabi ni Presidente…sabi ni Presidente ay marami siyang sundalo, marami siyang pulis. Kung gusto ng NPA na another 50 years, hindi aatrasan ni Presidente iyan.

FERNAN:                                           Sayang naman ho.

SEC. ANDANAR:                            Sayang talaga kasi alam mo the President already extended the olive branch, sa CPP-NPA-NDF, siya mismo! At malinaw naman iyan, mula noong umupo si Presidente noong June 30, 2016, binasa, SONA ‘di ba? Kasi naalala ko noong SONA ‘di ba? Napag-usapan iyan, iyong peace talks with the CPP-NPA-NDF. So—eh kasi sino bang may gusto ng giyera? Pinoy din naman sila, Filipino sila at Filipino tayo, Filipino iyong mga sundalo, Filipino iyong mga NPA, Filipino iyong mga pulis, Filipino iyong NPA.

FERNAN:                                           Sayang nga eh.

SEC. ANDANAR:                            Magpapatayan kayo, halimbawa 50 years ‘di ba? Napakatagal na iyan.

FERNAN:                                           Hindi ko malaman kung ano bang pinaglalaban niya, Sec?

SEC. ANDANAR:                            Well, mayroon silang ideology. So ang mangyayari nga may peace talks na, inambush pa rin iyong mga sundalo natin, masakit para kay Presidente iyan.

FERNAN:                                           So paano itong… iyong mga nakalaya na mga consultant? Sila Benito at Wilma Tiamzon [inaudible] talagang maaaresto ulit ito, Sec?

SEC. ANDANAR:                            Tingnan natin kung ano iyong magiging recommendation ng OPAPP Secretary Jess Dureza. Siyempre mag-uusap-usap muna iyan si Secretary Jess, Secretary Lorenzana, si Secretary Bebot Bello at iyong PNP, lahat iyan. Mag-uusap-usap lahat iyan kung ano iyong pinakahahantungan nito, kung aarestuhin ba iyong mga pinakawalan, madaming pinakawalan eh ‘di ba?

FERNAN:                                           Oo ang dami.

SEC. ANDANAR:                            As part of the confidence building measures, humingi ng pabor iyong kabilang kampo na kailangan pakawalan iyong mga political prisoners. So iyon pinakawalan ‘di ba? Sumusunod lang naman tayo sa demand—

FERNAN:                                           So ito, sa SONA ng Pangulo mababanggit ito bukas?

SEC. ANDANAR:                            Sa Lunes? Tingnan natin. Pero these are the burning issues, burning issues ngayon iyan. Nandiyan iyong Marawi, resurgence ng droga dito sa NBP, sa National Bilibid Prisons. Of course, marami pang iba, Fernan. Marami pa tayong mga—SONA iyan eh, so lahat ng mga departamento, lahat ng mga request for

sa isip, sa tingin ng Pangulo na isama sa SONA ay mababasa.

FERNAN:                                           So anong isusuot ng mga a-attend sa SONA bukas?

SEC. ANDANAR:                            Ako barong ang isusuot ko, malamang lahat ng mga Cabinet members barong iyan, Filipiñana, simple lang, ayaw ni Presidente ng magarbo. So siyempre kung ikaw naman ay Congressman or Senador nasa sa iyo na iyan ‘di ba, kung ano ang isusuot, may freedom ka naman to wear what you want to wear pero kami sa Cabinet, we’ll be wearing simple. Simple Filipiñana sapagka’t si Presidente ay simple, tinanong ko nga iyong ano eh—iyong isang kasamahan natin dito sa… kung ano ang susuotin ni Presidente. Sino bang designer kasi wala namang pag-uusapan iyong designer. So sabi ko, ibig sabihin kung anong pagbukas ng aparador, kung anong makuha doon iyon na iyon. Sabi niya, oo iyon na iyon. Tapos hindi natin alam kung iyong barong kuwan na iyon ay designer made or off the rack, RTW. Oo, ngayon hindi natin alam kung brand new o luma na. Iyon lang.

FERNAN:                                           So iyong pantalon paano?

SEC. ANDANAR:                            [inaudible].

FERNAN:                                           Kung ano ring makita?

SEC. ANDANAR:                            Iyong pantalon malamang kung anong bagay sa barong, ‘di ba?

FERNAN:                                           Iyong sapatos, galing Marikina?

SEC. ANDANAR:                            Tingnan natin, hindi ko natanong iyong sapatos eh. Pero iyong barong lang ang tinanong ko eh kasi parang wala naman, there’s nothing especial about it. Hindi rin binanggit iyong designer kung sinong designer so—

FERNAN:                                           Iyong nabanggit mo na mga a-attend na mga diplomat sa ibang bansa, ano may kuwan na…translator?

SEC. ANDANAR:                            Mayroong Spanish, mayroong Mandarin, mayroong Nihonggo, iyong last yesterday pinag-usapan ba kung German, French, basta ano iyan eh, iyong kaya kasi—iyong kaya kasi noong headset ay pitong channel. May English, eh tingnan natin kung mapupuno natin iyong pitong channel na iyon. Pero ang mahalaga kasi diyan lahat naman ng mga diplomat nakakaintindi ng English ‘di ba? Lahat sila. Basic ano iyan eh, training sa kanila iyan. Eh iyon, hindi lahat ng translator nakakaintindi ng Bisaya ‘di ba? So kaya naghanap tayo ng translator na tri-lingual, marunong mag-Tagalog, marunong mag-Bisaya at amrunong mag-English. So para pag nag-adlib si Presidente, in-adlib niya iyong Tagalog ay kayang kaya. Kapag in-adlib ni Presidente ng Bisaya ay kayang-kayang i-translate.

FERNAN:                                           So iyon ikaw puwedeng-puwede kang translator ng Bisaya. Ang galing mo magbisaya, Sec. ‘di ba?

SEC. ANDANAR:                            Puwede rin naman at halimbawa kapag inatake iyong translator sa puso, wala ng iba, tatakbo ako doon, ako mismo ang magta-translate.

FERNAN:                                           (laughs).

SEC. ANDANAR:                            Maraming marunong mag-translate sa Cabinet. Maraming marunong magsalita ng Tagalog at Bisaya.

FERNAN:                                           Okay, so bukas hintayin na lang natin kung ano pang mga babanggitin ng Pangulo. Sige baka may gusto kang banggitin sa ating mga taga subaybay, Sec?

SEC. ANDANAR:                            Para sa mga taga-subaybay natin, magandang umaga po sa inyong lahat. Magandang umaga sa—kay Gwapo. Salamat sa pagkakataong ito, kay Fernan, sa DZBB. Abangan po natin ang State of the Nation Address ni Pangulong Duterte bukas na po iyan. Mahalaga na tumutok tayo dito ho sa double B, sa GMA. Para malaman natin kung saan tayo dadalhin ng ating Pangulo sapagka’t kung alam natin kung ano iyong plano ng ating Pangulo ay matutulungan natin iyong ating sarili, iyong ating bayan sa pamamagitan ng pag—iyong mga plano din natin ay i-e-e-mail natin doon sa plano ng Presidente para at least eh mas madali tayong makatulong sa bansa at mas madali nating matulungan ang sarili natin. Halimbawa, Fernan, ‘di ba?

FERNAN:                                           Opo.

SEC. ANDANAR:                            May sinabi si Presidente na dadalhin natin dito sa area na ito, sa field na ito ng ating bansa. Ikaw estudyante alam mo kung anong gagawin mo sa college ‘di ba? Eh ilang taon na kayong college, three years, four years ‘di ba? So by the time na matapos na, alam mo kung anong trabaho ang mapapasukan mo kasi alam mong doon dinala ni Presidente iyong ekonomiya natin. Halimbawa iyong mga negosyo ganoon din. So, mahalaga na malaman—lalong lalo na iyong mga kababayan nating mahihirap. They will really wait, you really have to listen to what the President were saying. Sapagka’t iyan punong-puno po ng pag-asa itong bansa natin. Isang taon ang lumipas ang daming na-implement, ano pa kaya iyong limang taon na darating? Ano pa ang gagawin ni Presidente para mas mabilis na umasenso iyong bansa natin. Iyon lang, abangan po natin iyong State of the Nation Address bukas po ng hapon.

FERNAN:                                           Okay, Sec. Maraming salamat po sa panahon. Thank you po.

SEC. ANDANAR:                            Mabuhay ka, Fernan. Thank you po.

###

Resource