Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar (Sunday Guapo – DZBB by Fernan Gulapa)

FERNAN GULAPA:                       Sec. Magandang umaga po.

SEC. ANDANAR:                            Magandang umaga, Fernan. Maayong buntag. Mga kaigsuonan nato na mga Bisaya na nakikinig. Good morning, good morning.

FERNAN:                                           Ang galing mo na mag-bisaya, Sec. ha.

SEC. ANDANAR:                            Hindi kasi, dito ako laki sa Siargao at sa Cagayan de Oro.

FERNAN:                                           Ah ganoon ba?

SEC. ANDANAR:                            Oo Kaya, Bisaya dito sa bahay, at ang magulang ko Bisaya kaya ganoon. Nandito ako ngayon partner sa Siargao.

FERNAN:                                           Siargao?

SEC. ANDANAR:                            Oo dito ako si Siargao, kasi—

FERNAN:                                           Mayroon diyan, Sec?

SEC. ANDANAR:                            Noong Huwebes at saka Biyernes ay inilunsad natin itong PCO network. Ito po ay Provincial Communications Offices network. Kasi ano—

FERNAN:                                           Opo, opo. Sige.

SEC. ANDANAR:                            Okay, kasi iyong huling kinonvene [convene] ang mga public information officers ng mga probinsiya at munisipyo ay noong 2004 pa, panahon ni Presidente Arroyo. Oo, iyong ang huling convention nila, kinonvene sila, hindi na sila nagkita-kita mula pa noon. Kaya ang ginawa ko ay binubuhay natin itong network na ito, itong Provincial Communication Officers’ network para maiparating ni…pababa ang mensahe ng Presidente sa mga probinsiya at barangay.

FERNAN:                                           Anong gamit po iyan? Radyo at telebisyon, Secretary?

SEC. ANDANAR:                            Hindi ito radyo telebisyon ano lang ito, network lang talaga. Parang mayroon kayong mga asosasyon tapos mayroon kayong hotline to one another. Kung kailangan nating magpadala ng mensahe sa baba. Halimbawa na lamang; ang mensahe ng Pederalismo, madali nating ma-distribute sa mga kanayunan, ka-purokan iyong mensahe ng ating Pangulo. Ganoon din vice versa. Halimbawa mayroon silang kailangan sa kanilang mga probinsiya at kailangan nilang maiparating kay Presidente, eh through that PCO network ay mapapadala din nila ito ng mabilis.

FERNAN:                                           Ano pong base ng communication ang gagamitin po doon?

SEC. ANDANAR:                            Nandiyan alam naman natin. Number one, telepono at number two, iyong Facebook.

FERNAN:                                           Facebook?

SEC. ANDANAR:                            Oo, Facebook, sa e-mail ganoon. Face to face communication, ganoon lang. Kung mayroong kailangan halimbawa ang Siargao, Surigao del Norte, Agusan, mag-contact lang sila at mayroon din kaming sariling Facebook page ng Presidential, ay sorry Provincial Communication Officers, mayroon kaming ganoon tapos tingin-tingin lang sila doon kung anong mga updates.

FERNAN:                                           Iyon okay. Sec. naaalarma daw, mataas iyong naging rating ng Pangulo, SWS – 66 percent at mas mataas ng tatlong puntos kung ikukumpara noong Marso. Pero doon daw sa Mindanao ay bumaba ng 12 points. At sabi ni—in-interview si Trillanes. Naku, nakakaalarma iyang pagbaba ng 12 percent diyan na iyan na survey na iyan sa Mindanao. Ano pong reaksiyon ninyo doon sa pahayag ni Trillanes? Naalarma daw siya eh.

SEC. ANDANAR:                            Alam mo naman itong mga survey, basehan ito para itong lampara natin, Fernan. Para makita natin kung saan tayo nagkukulang. So iyan ang survey dapat, gabay. Hindi naman kami naalarma kasi very good pa rin naman ang grado ni Presidente. In fact, 85 to 87 ba tama ba, Fernan?

FERNAN:                                           Iyong?

SEC. ANDANAR:                            Iyong ibinaba or 82?

FERNAN:                                           Hindi 12 percent lang iyong ibinaba niya doon sa Mindanao labing dalawa nga po.

SEC. ANDANAR:                            So kung—parang 85 yata iyan dati tapos bumaba ng 73.

FERNAN:                                           Oo iyon, tama-tama 85 naging 73. Excellent pa rin?

SEC. ANDANAR:                            Excellent pa rin.

FERNAN:                                           Excellent ito eh.

SEC. ANDANAR:                            So alam din natin na itong mga problema. Hindi mo kasi nakikita iyong detalye doon sa survey na iyan especially iyong sa Mindanao area. Kailangang makita natin ang detalye kung saan banda sa Mindanao. Anong bumagsak o bumaba kasi alam mo naman, Fernan, minsan kahit mataas iyong ang average mo tapos napu-pull down iyong average mo eh kasi nga mayroong isang probinsiya na ayaw, na medyo bumababa iyong rating. Kailangan mo muna makita. But then again, let me say this ha. Visayas, Luzon nag-increase naman po si Presidente. Sa Mindanao although bumaba siya ng 12 percent ay excellent pa rin, so wala namang problema. Ngayon ang mas gagawin natin, titignan natin kung aling probinsiya ngayon para makita natin kung ano iyong problema, kung saan tayo nagkukulang.

FERNAN:                                           So sa oras na ito hindi pa masasabi kung ano ba talaga iyong epekto ng martial law? Kung tinutulan noong mga taga Mindanao o hindi, Sec. ganoon po iyon?

SEC. ANDANAR:                            Oo kailangan po nating tignan kung—tignan natin kung ang rason ba ay A, o ito ba ay B o ang rason ba ay C. kailangan tutukan natin. Ngayon ang epekto naman ng martial law dito, kausapin muna niya iyong mga tao lalo na iyong nasa labas ng Marawi. Sabi nila, okay na iyong martial law para mas peaceful and its unanimous na kinakausap niya iyong mga tao, ganoon. Dumaan din ako sa Siargao ngayon. The people is very safe, hindi naman sila nalulungkot o whatsoever sa nangyayari mas gusto nga nila iyong nangyayari kasi nga peaceful nga iyong lugar natin dito sa Mindanao, Fernan.

FERNAN:                                           Sec., ano ba? Naplantsa na ba—tapos na po ba iyong ibabahagi ng Pangulo sa kaniyang SONA sa July 24, papalapit na po eh?

SEC. ANDANAR:                            Mayroon tayong mga nitty-gritty na naplantsa na, mayroon pa ring ibang parte ng SONA na hinihintay pa natin ang report ng mga ahensiya. Remember we have—its only agencies and bureaucracy sa buong national government na hindi sila nakakapag-report lahat ng sabay-sabay. Pero the fact that iyong mga reports ng mga ahensiya ay sabay-sabay dumarating at last minute, tayong mga Filipino ‘di ba mahilig sa last minute. So last two minute darating daw iyan. Kaya sabi sa akin ni Secretary Cuy, “Huwag muna nating gawin, iyong i-imprentahin iyong lalamanin ng buong taon ng Pangulo or yung buong SONA or lahat ng accomplishments. Kasi based on his experience eh dumarating iyong last minute. So mayroon kaming ni-dini-defer na isang post SONA report, accomplished. Doon nakasulat lahat ng mga achievements ni Presidente from June 30, 2016 hanggang sa araw ng SONA. Parang report lang siya, booklet ‘no.

FERNAN:                                           Ano po iyon ipapamahagi po iyon?

SEC. ANDANAR:                            Ipapamigay ito sa mga Congressman, mga Senador tapos ipapamahagi sa mga regional offices. Iyong post SONA report, tapos ang masasabi ko lang sa iyo, Fernan ngayon na bago, ay bukod doon sa simpleng SONA na gusto ni Presidente na walang tinatawag na fashion show ‘no. Gusto niya simple lang ay mayroon kaming pine-prepare na para siyang brochure. Brochure siya tapos mayroong mga larawan, pictures ng mga proyekto ni Presidente na na-implement na o siya mismo iyong nag-ground break o iyong mga picture na ganiyan mga ipapamahagi natin sa gallery, sa gallery, iyong mga talagang magagandang larawan na naka-imprenta. We will give it away sa gallery habang nagtatalumpati ang Presidente.

And then, we are also thinking of hiring interpreters kasi alam mo iyong naririnig sa mga—most of the time sa mga diplomatic meetings, Fernan, na mayroong parang headset nakalagay doon tapos kung Ruso ka, o ikaw ay Chinese ay mayroon nag-i-interpret doon. Ang problema kasi natin, although nakakaintindi naman lahat ng English di ba? Lahat ng mga foreign dignitaries, minsan kasi bini-Bisaya ni Presidente, minsan tina-tagalog so—o baka hindi nila maintindihan, most likely mayroong iba nakakaintindi din ng Tagalog pero most of them English talaga ang second language. So we are thinking of hiring.

FERNAN:                                           Oo so iyong mga foreign dignitaries, bibigyan sila ng mga headset ano po?

SEC. ANDANAR:                            Headset, oo. Tapos mayroong magsasalita ng Mandarin na nakakaintindi ng Bisaya at Tagalog at English so multi-lingual. Tapos kung… kasi ‘di ba may speech siya, babasahin niya iyan eh ‘di ba? Tapos may kopya iyong ano, may kopya iyong ano, bibigyan ng advance copy iyong interpreter a few minutes before kasi dati sila binibigyan na sila ng advance copy habang nagsasalita si Presidente nina-narrate nila, ini-interpret nila sa lengguwahe nila. And ‘di ba minsan nag-o-off the cap si Presidente di ba? O kung nag-off the cap siya ngayon, nag-Bisaya halimbawa eh kung iyong interpreter mo ay marunong mag-Bisaya, marunong mag-Tagalog, marunong mag-English, marunong mag-Chinese eh ‘di mas maganda ‘di ba? Mas madaling maintindihan.

FERNAN:                                           Ano iyong—

SEC. ANDANAR:                            Marunong ka bang mag-Russian, Fernan?

FERNAN:                                           Spraken height lang ang alam ko eh. Spraken night.

SEC. ANDANAR:                            Kasi kukunin sana kita eh.

FERNAN:                                           Spraken night  lang iyong alam ko, Sec.

SEC. ANDANAR:                            (laughs).

FERNAN:                                           Maliban sa—kamukha niyan sa droga, sa krimen. Ano ba iyong maririnig ng taong bayan diyan sa SONA?

SEC. ANDANAR:                           Hindi ko masasabi kung yung SONA natin ay magiging talumpati tungkol sa mga na-accomplish niya sa mga nagdaang 365 days and more. Hindi ko rin sigurado kung ito ba ay puro topic tungkol sa lalamanin na susunod na ikalawang taon ng Pangulo. So hindi ko talaga masabi sayo kasi tinatapos pa namin. Saka ayoko rin naman i-preempt yung magiging laman ng SONA ni Presidente, kaya pasensiya na. Kaya yung sinabi ko sa inyo na magkakaroon ng visual aids through pictures na i-imprenta namin saka yung post SONA booklet o report ng Presidente. Yun ang masasabi kosayo. At number 3 sigurado ako na magiging simple ito na SONA kagaya ng nakaraang taon na hindi iso-showcase yung mga magagandang…magagarang mga kasuotan o mga suot no. So, yung ating SOPs,  mga reporters natin siguro mahihirapan sila ngayon maghanap ng magandang designer clothes.

FERNAN:                                           Sec.? Bakit hindi natuloy yung pagpunta noong Biyernes doon sa Marawi ng pangulo?

SEC. ANDANAR:                            Iyong sa weather talaga ito.

FERNAN:                                           Ahh dahil sa masamang panahon talaga?

SEC. ANDANAR:                           Oo, masama talaga ang panahon. Kita naman natin si Presidente kumpleto sa kanyang gear. Meron siyang dalang mahaba. Automatic yun di ba? Automatic na baril, tapos naka-camouflage pa siya. Kita mo lahat picture ni Special Assistant to the President, kumpleto rin. So yung panahon talaga yung ating tinitingnan diyan e. Kung masama ang panahon bakit nama i-sugal natin ang ating…ang buhay ng Presidente, hindi naman puwedeng ganun. Kailangan maayos lahat, plantsado. Pero wag kayong mag alala sa mga kapatid natin sa Marawi, sa mga Maranao saka dalawang attempt na po. So nandiyan po yung plano na pupunta diyan. It’s just that the weather we cannot control. We cannot fight the force of nature.

FERNAN:                                           Si Bong Go, special assistant, naka… halata naka-bullet proof vest siya. Ang Pangulo parang nakasando lang, Secretary?

SEC. ANDANAR:                            Oo nga nakasando lang si Presidente kasi tingnan mo, bukas yung butones niya. Diyan mo makita oo. Siguro nainitan siguro si presidente sa bullet proof, mainit kasi yon eh. Alam mo si presidente mabilis pawisan ang likod. Parang… kaya hindi siya naka bullet proof pero malay natin meron sa baba di ba? Hindi natin alam eh, hindi naman makikita yung baba.

FERNAN:                                           Bakit kailangan talagang naka-camouflage ang Pangulo? Ano bang mensahe noon?

SEC. ANDANAR:                            Kasi Commander-in-chief naman si Presidente. Now commander and chief siya, ibig sabihin noon siya ang pinaka head ng mga sundalo at mga pulis diba. Palagay ko ito ay simbolo ng pakikiisa sa kanila, sa pagpapakita sa kanila na handa rin si Presidente na makipagbakbakan sa mga kalaban ng bayan. Palagay ko iyon ang mensahe noon, na meron siyang dalang baril. Maski naman ang sundalo me dalang baril, di ba? Lahat ng sundalo me dalang baril. So I think the symbol there is pakiki-isa sa ating mga sundalo.

FERNAN:                                           Oo nga pala, pulso ninyo kailan matatapos itng gulo na ito sa Marawi?

SEC. ANDANAR:                            Hindi kasi…dati marami din ang nagtatanongo. Ang masasagot ko lang, lahat tayo gusto matapos ito sa mas madaling panahon. Mas lalong madaling panahon.

FERNAN:                                           Lalo na mag-so-SONA sa July 24.

SEC. ANDANAR:                            Kita naman natin eh talagang gibing-giba iyong portion na iyon ng Marawi at inaapura din natin na mag-rehabilitate na di ba? Sa ating mga kababayan natin doon. Wala naman may gusto ng giyera. Hindi lang natin masabi kung kailan matatapos. Ang masasabi natin nag aadvance ng mabilis ang ating mga sundalo dahil, ilang barangay na lang ba yung natitira, tatlo o apat na barangay di ba? Ang hindi pa nakukubkob ng military, dahil nga sa urban warfare.

FERNAN:                                           Binabanggit na Dahil daw sa pagdedeklara ng martial law,  at decisive yung action ng Pangulo diyan sa gulo sa Marawi kaya raw tumaas yung kanyang numero lalo pa, doon sa survey, Sec.?

SEC. ANDANAR:                           Posible. Posible din yung ekonomiya, maraming posible. Kita naman natin na halos lahat ng mga kababayan natin sumusoprta talaga sa paged-declare ng martial law. Because people want peace in the land. At nagpapakita ito na ang ating Presidente ay… So siya ay hindi magdadalawang isip kung ito na aykapakanan ng ating mga kababayan, ng kapayapaan ng bansa. At kung kalaban ay ISIS, mga taong may  paninindigan pariniwala na wala sa lugar natin at kung ito ay nasa problema na ng droga ay talagang hindi magdadalawang isip ang ating Pangulo. And that and his decisiveness, I think ay mga factors iyan sa pagtaas ng tiwala ng ating mga kababayan sa kanya.

FERNAN:                                           Palalawigin pa ba, yung Martial Law diyan sa Mindanao?

SEC. ANDANAR:                            Depende. Depende yan kung matatapos yun sigalot diyan sa Marawi, I think it will see its end. Pero kapag hindi matapos, kasi nakita naman natin Fernan, na sinuportahan ng Kongreso, sinuportahan ng Senado, sinuportahan din ng Judiciary, ng Korte Suprema. So lahat co-equal branch of government ay nagkaisa sa deklarasyon ng martial law at naniniwala sila na ito ay karapat-dapat lamang sa isla ng Mindanao. So sa palagay ko kung kailangan itong palawigain pa hindi ay… So ito hindi na magkakaproblema, lalo na kung ang pinag-uusapan natin ay tungkol sa Mindanao, kung nandiyan pa rin.

FERNAN:                                           Sec.? Puwede bang iparinig ninyo iyon dito sa… mukhang magiging maganda ang ugnayan ng Simbahang Katoliko dito sa pagkakahalal bilang bagong CBCP president si Archbishop Romulo Valles ng archdiocese ng Davao city, Sec?.

SEC. ANDANAR:                            Well kino-congratulate natin si Archbishop Vallez, di ba?

FERNAN:                                           Opo.

SEC. ANDANAR:                            Nahalal, ‘di congratulation. As Mindanaoan myself, we are proud of him, na siya ay nahalal diyan sa CBCP. Ang ugnayan naman ng estado at ng simbahan ay nandiyan patuloy ang pag-uusap natin. We spoke, kausap ko lang si Cardinal Tagle  and Cardinal dito sa may Cotabato.

FERNAN:                                           Pero ano ang napag-usapan niyo?

SEC. ANDANAR:                            Hindi, teka tingnan ko dito sa—we talked to them mga archbishops, ay mga cardinal natin. So, si Archbishop Cruz din, kausap din natin. Of course tuloy-tuloy ang ugnayan natin kasi kailangan natin sila i-update sa mga nangyayari sa ating bayan. Of course the church is an important sector natin ng society. You know it’s one of the powerful estate of our society.

FERNAN:                                           Kahit na binabanatan yung kampanya laban sa ilegal na droga?

SEC. ANDANAR:                            Hindi naman lahat. So kausap natin si Cardinal Quevedo, Cardinal Tagle at saka si former Bishop Oscar Cruz. Hindi naman tayo… Meron talagang mga sectors o merong mga simbahan na babanat, meron ding iba na hindi, na dumedepende din. Pero tayo, we respect the independence of the church and we also respect the separation of church and state as a…reason on constitution. And at the same time we respect them by also updating them, mangyayari I constantly talking to the church para hindi naman sila blind sa mga nangyayari.

FERNAN:                                           Ito palang si Archbishop Valles ang nagbinyag sa apo ng Pangulong Duterte na si Marco Digong Duterte Carpio.

SEC. ANDANAR:                            Oo siya yung nag ano. Pero we congratulate him and we are proud of him and I said we continue to respect the independence of the church, separation of church and state. Tapos alam naman natin na mga ibang miyembro ng Simbahan Katolika ay iba rin ang pananaw, we also respect that because we also have the right to speak. May freedom of speech din naman sila ‘di ba? Lahat naman tayo meron eh. Kaya pag binabanatan  tayo sa gobyerno eh, lahat naman ng tao may karapatang magsalita, freedom of speech, freedom of expression at nirerespeto rin natin yan. Sabi nga di ba na ang salita “I will fight to death for your for your right to say what you want to say”. Walang problema. Congratulations kay Archbishop Valles.

FERNAN:                                           Ano nalang ang dami kasing nagte-text dito kung tuloy daw ba ang eleksiyon ng barangay at SK sa October?

SEC. ANDANAR:                            Hay naku. Iyan din ang katakot takot na tanong ng ating mga kababayan diyan sa Mindanao. Tu,awag kasi si Chairman Bautista na idi-delay niya yung printing ng mga balota. So kami PCOO, nasa ilalalim ang National Printing Office di ba?

FERNAN:                                           Oo nga pala, paano yan?

SEC. ANDANAR:                            So yoong NPO ang mag iimprenta niyan tapos nagpapa bid ngayon si chairman. E bakit ka magpapa-bid kung walang eleksiyon, ‘di ba?

FERNAN:                                           Kaya nga eh, masasayang—

SEC. ANDANAR:                            Pero—

FERNAN:                                           Pero wala pang batas na ginagawa para sa pagpapaliban ng barangay at SK.

SEC. ANDANAR:                            Ayon yoon kung walang batas ang ibig sabihan niyan ay ngayon ay tuloy, di ba? Kung hindi siya ipagpaliban, eh ang bola ngayon nasa Kongreso.

FERNAN:                                           Anong masasabi nila Mr. Speaker? Nakausap niyo?

SEC. ANDANAR:                            Hindi pa kame nagkakausap ni speaker, pero ang bola nasa Kongreso. Basta kame sa PCOO, sa National Printing Office handa kami sa kung anong man magiging desisyon ng Kongreso. Pag hindi nila napag desisyunan e ‘di ituloy ang barangay eleksiyon, magiging masaya. Ang last quarter of this year, may barangay election. Yoon ang ano ‘di ba?

FERNAN:                                           Ang daming gigil eh.

SEC. ANDANAR:                            Ang daming gigil na lumalaban sa mga kapitan, mga kagawad. Wala ka bang balak tumakbo?

FERNAN:                                           Wala.

SEC. ANDANAR:                            Diyan sa ano, diyan sa…

FERNAN:                                           Sige Sec. maraming salamat sa panahon mo. Kailan ang balik mo dito?

SEC. ANDANAR:                            Ngayon na, babalik na kami, ngayong araw na ito na ng punta ng Airport. Mabuhay ka guwapo.

FERNAN:                                           Okay po. Thank you. Thank you.

SEC. ANDANAR:                            Sige.

FERNAN:                                           Si Secretary of Presidential Communication Operations Office Martin Andanar.

###

Resource