Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Ruth Abao (DWIZ – Push mo ‘yan te!)

Q:                                                           Yehey, nandito na. Ang matagal ko nang hinihintay, si Secretary Martin Andanar. Namumuro ang Philippine News Agency—ito muna, ang Chief ng PCOO, si Secretary Martin Andanar. Secretary, good afternoon.

SEC. ANDANAR:                            Magandang hapon.

Q:                                                           Ay salamat, nahuli din kita. (laugh)

SEC. ANDANAR:                            Walang problema, basta ikaw ang pinakamagandang radio…

Q:                                                           Sabi ko nga sa inyo, dapat araw-araw ito nagge-guest si Secretary eh (laughs). Secretary sandali, naku alam mo ba iyong mga kasamahan natin sa traditional media parang…hindi ko alam kung nagtatampo. Kasi ang daming mga newscast ngayon at mga public affairs program, nag-i-interview sila ng mga veteran journalists. So I think they are up in arms dito sa ginawa mong i-a-accredit mo pati mga social media bloggers?

 

SEC. ANDANAR:                            Oo. Actually, i-a-accredit sila not as journalists, not as reporters, but as social media practitioners and bloggers. Iyong Department Order No. 15, ito’y pinapakita iyong maliwanag na description ng bloggers, pati journalists. ‘Pag ikaw ay isang blogger or social media practitioner, ay kailangan mong mag-apply ng accreditation on a per event basis. So halimbawa, gusto mo i-cover si Presidente ngayon sa VACC na awarding, you apply on that awarding coverage, bibigyan ka ng PCOO halimbawa. Pagkatapos noon, mayroon pang isang ahensiya na kakausap sa iyo or isang grupo, ito iyong PSG. Now ‘pag pumunta ka sa PSG, that’s the only time you can cover. Pagkatapos ng coverage, basura iyong binigay sa iyong accreditation, hindi na siya puwede sa susunod na mga events.

Now hindi katulad noong mga journalists na isang application lang ng kanilang mga kumpanya, till kingdom come na iyong kanilang accreditation. Number three, this DO 15 is an interim social media policy. Meaning, for the intervening time na hindi pa lumalapit iyong mga kasamahan natin sa sektor ng mass media, sektor ng academe upang makilahok sa pagbalangkas nitong Department Order na ito. Dati pa ay kinausap ko na lahat, sinubukan nating magkaroon ng dayalogo sa pamamagitan ng isang event na tinawag nating ‘All Media PH.’ Sadly, marami pong hindi sumipot doon.

Oo. Kanya nung hindi po sumipot doon, ngayon na naglabas tayo, sabi ko…siniguro ko na interim lang ‘yan kasi sigurado ako na once nilabas natin ‘to, maraming mag-aalburoto tungkol dito sa social media policy na interim because we are open to discussion and we are open to inserting other provisions that we think will be reasonable for all parties.

Q:                                                           Okay. Pero Secretary Martin Andanar, in the first place ano ang nagbunsod? Kasi ito po ay kakaiba, ang tagal-tagal na natin sa media pero bakit at this time, anong nagbunsod sa iyo bakit pinapapasok natin ang mga social media influencers or bloggers?

SEC. ANDANAR:                            Salamat sa tanong na ‘yan. Kasi kailangan din malaman ng lahat na noong latter part of 2016, binisita po si Presidente noong mga prominent social media practitioners na sumuporta sa kaniya noong halalan. At doon tinanong kung puwede mag-cover iyong social media practitioner at bloggers. At kagyat ang sagot ng Pangulo, “Oo, puwedeng mag-cover, why not.” So from that time on, it has become a policy na puwedeng ipa-cover iyong social media practitioner. Kaya iyon po iyong nagbunsod sa amin na isulat ito. Hindi naman puwedeng bara-bara lang, na wala tayong polisiya, so iyon po iyon.

Now this is very good kasi, this is actually very inclusive at the same time ay—at mayroon tayong clear description and a clear demarcation line kung nasaan iyong mga journalists at nasaan iyong mga bloggers. Ngayon as a former journalist, a former reporter, a former news commentator, nirerespeto ko po iyong industriya natin. I sympathize with all of you. Kasi ako din po ay nagtimpla ng kape para sa news manager ko. Ako din po ay naging graveyard shift anchor. Ako din po ay naging night beat reporter. So kung ano po iyong ginawa ng lahat ay dinaanan ko po ‘yan kaya nirerespeto ko iyong hirap ng trabaho at dedikasyon sa pinagdaanan ng mga reporter hanggang sa nakatuntong sila dito sa Malacañang. Kasi alam natin iyong Malacañang iyong pinaka-prized beat eh. So that’s why we have to be clear on the description.

Q:                                                           Okay. So—kaya lang ito Secretary, doon sa una mong… tama ba ito, correct me if I’m wrong ha. Nakalagay kasi, if you’re 18 years of age and you have five thousand followers… sir, ang dami na ngayon puro five thousand na. So kahit sino puwede silang magpa-accredit?

SEC. ANDANAR:                            Hindi, mayroong dagdag ‘yan eh. Kailangan consistent ka sa pag-create ng original mong news content. So meaning, kailangan on a daily basis; for the last five years kailangan mayroon kang consistent na sinusulat sa about sa pulitika, about the news. And again, let me repeat na ito’y ‘interim.’ Kaya tayo magkausap ngayon Ruth, kaya magkausap tayo, kaya kausap natin iyong ibang mga mamamahayag, and mayroon din akong meeting bukas with the Malacañang Press Corps para pag-usapan ito.

Q:                                                           Oo. Tapos eh, ang isang concern nila eh, hindi ho ba ang mangyayari nito ay puro mga pro-Duterte lang ang mabibigyan ng accreditation.

SEC. ANDANAR:                            Ay hindi po. As a matter of fact Ruth, I we really encourage everyone, especially the anti-Duterte bloggers para malaman nila at makita nila kung gaano ka-hardworking si Presidente Duterte. So—kasi, mahirap iyong criticize ka nang criticize pero hindi mo naman nakikita iyong Pangulo, hindi mo nakakausap. So ngayon, this is the best opportunity for the critics to really see the President up close and personal, to cover him at para makilala. That’s why, wala hong discrimination sa pagpili ng bloggers – pro, anti, neutral, you are all welcome.

 

Q:                                                           Ang isang problema natin at isang mga concern, you know mga veteran journalists. Halimbawa tayo, mga journalists tayo o nasa news tayo—well, ako, before, like lalung-lalo na sa news before, heavily—alam natin iyong mga rules, alam natin iyong mga libel. Ito bang mga bloggers na ito will they be…sasailalim ba sila sa mga training and all that para malaman kung ano iyong mga journalistic principles na pinanghahawakan?

SEC. ANDANAR:                            Well, number one kasi Ruth, hindi naman sila nandito as journalists eh. They are here as social media practitioners and bloggers. So it’s up to them kung gusto nilang magpa-train o hindi, but we will offer that training if they want it.

Number two, ang pinagkaiba ho kasi sa blogger at sa inyo is that, you are actually accountable to two institutions. Number one, you are accountable to the organizations that you are working for, ‘di ba?

Q:                                                           Yes, correct.

 

SEC. ANDANAR:                            So kung ikaw ay nagkamali, puwede kang tanggalin ng DWIZ o kung saan ka nagtatrabaho. Ngayon, ang ikalawang institution that you’re accountable, you are accountable to the entire government, to the entire Constitution because kung liable ka naman for libel, then puwede kang kasuhan. Pero iyong blogger, he is only accountable to one, kasi wala naman siyang boss, ‘di ba?

 

Q:                                                           Oo, tama.

SEC. ANDANAR:                            He or she can still be charged with libel kung mayroon siyang isinulat na hindi maganda.

And let me also remind everyone, especially iyong mga social media practitioners na maa-accredit, na kapag hindi po accurate ang inyong sinulat, iyong who, where, when, what, how, at nabasa natin iyon – kasi imu-monitor natin iyong kanilang sinusulat – ay siguradong manganganib na iyong ikalawang application mo.

Q:                                                           So tamang-tama ito, nabanggit mo iyan, Secretary, it will lead me to my questions, susunod – censorship. Gaano ka-monitored or ka-censored ang mga isusulat ng mga bloggers?

SEC. ANDANAR:                            Hindi po sila isi-censor, the same way that we do not censor the mainstream media. Kasi naniniwala naman tayo na this is really an inherent right of every Filipino – the freedom of speech and the freedom of expression; and for all of the members of the press – the freedom of the press.

Q:                                                           Ito ho ba’y parang … mayroon kasing iba na nagku-comment na baka ito ay isang move din ng ating administrasyon dahil iyong ibang mga networks, ibang mga diyaryo, ay anti-Duterte. So at least itong mga bloggers na ito will paint a very nice picture of this administration?

SEC. ANDANAR:                            Well, hindi naman. Kasi, sabi ko nga eh, pati naman iyong anti welcome naman natin, mag-apply lang sila. So this effort is about inclusivity. It’s about including everyone, giving them the chance to cover the President.

Q:                                                           So finally, Secretary Andanar, sir, ano ang masasabi mo sa mga journalists, mga kaibigan natin at kasamahan natin sa industriya na nakikinig sa’yo ngayon at hindi pa naniniwala at hindi pa sang-ayon sa ginawa ng PCOO?

SEC. ANDANAR:                            Mahal ko kayong lahat. Huwag kayong mag-alala at habang binabalangkas at ginagawa natin itong ating social media policy ay we are also including you in the process kaya nga ginawa natin itong polisiya, the Department Order # 15, as an interim policy which means, for the intervening time. And we are inviting everyone who are concerned, especially the mass media, traditional media at the academe to join this process of creating this social media policy.

Alam mo kasi, Ruth, pumunta ako sa Washington D.C., sa White House, pinapayagan na po iyong bloggers na mag-cover.

Q:                                                           Ah talaga po ba?

SEC. ANDANAR:                            Oo, pinapayagan na sa White House. You check it online, i-Google mo. I just don’t remember the name. Ngayon, kay Donald Trump, may nagku-cover sa kaniya na bloggers. So this is really the signs of the time.

Q:                                                           Kumbaga, trend na iyan ano? Ito na iyong trend?

SEC. ANDANAR:                            It’s a trend. Ang ginagawa lang natin – this is the signs of the times na mayroon nang bagong technology – is we are also adjusting to it. Ang atin lang, we want to create a policy that is inclusive and fair to everyone.

Q:                                                           And iyong KBP po ba ay nakipag-ugnayan na sa inyo at saka iyong mga organisasyon sa print?

SEC. ANDANAR:                            Sa ngayon, ang nakipag-ugnayan sa atin ay ang Malacañang Press Corps. Tapos iyong huli—we invited a few eh, I just don’t remember the organizations, pero we invited a few.

Q:                                                           Ayan, okay. Secretary, kulang lang tayo sa oras, sa susunod na siguro iyong sa PNA. Alam mo, namumuro na itong PNA. Para bang ang dami-daming problema sa PNA recently?

SEC. ANDANAR:                            Kaya nga, sabi ko nga, dati-rati wala kasing nagbabasa niyan.

Q:                                                           [laughs]

SEC. ANDANAR:                            Nung inayos natin iyong website, gumawa tayo ng mobile site, gumawa tayo ng application at nilagay natin sa social media iyong Philippine News Agency at itrineyn [trained] natin iyong mga editors natin, pinadala natin sa abroad. Binigyan ko ng pansin na hindi binigay sa PNA for the longest time. Ito’y pinabayaang ahensiya sa PCOO. Ngayon, may nagbabasa na; ngayon, lumalabas iyong mga kapalpakan na dati pa nangyayari na. So basta dadaan naman sa proseso, nagkaroon naman tayo ng show cause order doon sa tatlong nagkasala. At mayroon na rin tayong hakbang para i-retrain muli, nag-train na tayo ha, training na naman. Tapos naglagay na rin po tayo ng editorial board bilang last gatekeeper sa mga istorya. So we should be fine for the next—

Q:                                                           Until the next issue arises. [laughs]

SEC. ANDANAR:                            So, iyon lang. But it’s a sad event. But then again, sa organization naman, we have to move forward.

Q:                                                           Secretary Martin Andanar, maraming, maraming salamat sa pagpapaliwanag. Palagay ko itong isyu na ito about the bloggers ay hindi pa matatapos ito. Palagay ko sa susunod ay may isyu na namang puputok. We will interview you by that time again, Secretary.

SEC. ANDANAR:                            Yes, ma’am, salamat po. Mabuhay po kayo. Mabuhay po ang DWIZ.

##

Resource