Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Rolly Gonzalo (DWIZ – Balitang Todo-Lakas)

Event Radio Interview

ROLLY: Secretary Martin Andanar, magandang umaga. Merry Christmas.

SEC. ANDANAR: Hello good morning Lakay. Good morning po.

ROLLY: Good morning at unang-una iyong magandang balita na deklarasyon ni Pangulong Duterte na magkaroon tayo ng ceasefire, tigil putukan sa CPP-NPA effective nitong bisperas ng Pasko, 24.

Magtatanong lang kami bakit ang sinasabi rito eh, ang tigil-putukan ay para lang sa combat operations. Nililinaw na combat in the military operations ang sinuspinde ng Pangulo kontra NPA. Puwede bang pakipaliwanag, Sec?

SEC. ANDANAR: Iyong tinatawag na itigil iyong combat operations, it’s really for the military para makapagpahinga sila at makauwi sila sa kanilang mga tahanan para sila makapag-celebrate ng Christmas with their families. Iyon po iyon, hindi siya iyong ceasefire with the NPA. It’s for the military for them to rest.

ROLLY: Pero hindi ibig sabihin na kumbaga eh ibaba natin ang ating guard kumbaga sa boksingero. Naka-ready lang ang ating mga military, just in case may opensiba ang NPA.

SEC. ANDANAR: Oo, naka-ready lang iyong ating mga kasundaluhan, pero sila po ay puwedeng umuwi sa kanilang mga tahanan or kanilang mga pamilya.

ROLLY: We just expect Secretary na ganito rin ang magiging tugon dito ng CPP-NPA, kasi wala pa eh, wala pang reaksiyon eh.

SEC. ANDANAR: Wala eh, sa atin basta ang mahalaga sa atin iyong mga sundalo natin na magkapahinga at makauwi sa kanilang mga tahanan.

ROLLY: Sa mga nakaraang ceasefire kasi, Sec. di ba, ang naging problema ay hindi naman tumutupad ang CPP-NPA sa kasunduan. Merong mga reports ng opensiba pa rin lalo’t higit sa mga kanayunan.

SEC. ANDANAR: What we really care for is we care for our soldiers and… iyon naman iyon eh. So this time around it’s a different order; hindi siya iyong normal na ceasefire na tinatawag.

ROLLY: Okay, well magandang balita ito at kasama na diyan iyong magandang balita para sa ating mga military at mga sundalo, mga pulis, na matuloy-tuloy na iyong increase sa suweldo ng ating mga uniformed personnel, Secretary?

SEC. ANDANAR: Oo, kasi bale third tranche iyong matatanggap nila by January. At alam mo naman matagal na itong pangako ng ating Pangulo na tumaas iyong suweldo ng mga sundalo at kapulisan para naman sila ay ma-inspire din sa kanilang trabaho, magampanan ang kanilang tungkulin ng husto. Alam naman natin na mababa ang suweldo nila.

ROLLY: Sec. ano naman nag tugon ng Malacañang dito sa agam-agam, mga apprehension ng ilan sa mga senador natin patungkol dito sa pagpasok ng pangatlong player sa Telco—Well, alam ko kayo ang isa sa mga unang nag-break ng balitang ito na papayagan daw at pinayagan na ni Pangulong Digong, si Presidente Duterte ang pagpasok ng third player sa Telco industry, Sec?

SEC. ANDANAR: Well, alam mo tayo naman ay para sa kapakanan ng ating mga kababayan. Kita naman natin iyong duopoly ay hindi talaga nakapag-deliver ng serbisyo para sa ating mga kababayan. Marami pa ring dropped calls, marami pa ring nagrereklamo tungkol sa internet. Meron tayong mga lugar sa bansa natin na walang cell phone site, cell sites.

So ito pong mga—itong ating duopoly ay palagay ko mas magiging competitive ito kung meron pang isang third player. Kung naalala ninyo, nung third player pa po iyong Sun Cellular ay grabe po iyong improvement nung serbisyo. Pero mula nung nabili po ito ng PLDT Smart ay bumagal na naman iyong pag-asenso di ba, naalala ninyo iyon malakas pa iyong kompetisyon. Pero nung nabili parang humina na naman.

And I think na… competition, this needs to be jolted para gumalaw at bumilis ang serbisyo.

Now, let me tell you that… lahat naman ng mga interesadong partido ay puwedeng sumali, China, it could be Europe, it could be America. Kung sinong mga investors ang willing na pumasok ng Pilipinas.

ROLLY: Well, ang sinasabi kasi ni… specifically for Senator Ping Lacson na baka raw itong desisyon na ito ng Malacañang na papasukin ang China sa telecommunication industry ng bansa ay tila binibigyan ng pagkakataon ng China para makakuha ng mahahalagang impormasyon o kaya ay komunikasyon sa gobyerno. Iyan naman ang isa sa mga apprehensions ni Senador Ping Lacson, Secretary.

SEC. ANDANAR: ` Opo, opo. Alam mo, ano naman iyan eh, meron namang mga paraan para ma-check ng wasto iyong ating mga teknolohiya na pumapasok. So…dapat wala tayong ipangamba. Ang mahalaga po ay talagang bumilis iyong serbisyo.

As a matter of fact, iyong ating internet naman ngayon is already Chinese technology, iyong Huawei. So we will have to just face the matter that mabagal naman talaga iyong ating serbisyo ng mga telcos sa Pilipinas. At siguro wala naman sigurong mag-a-argue na kailangan talagang pasukan ng third player. Lalo na iyong mga kababayan natin na majority really would not argue that we need to have a third player para gumanda po iyong serbisyo.

ROLLY: Tama ka, Sec. Well, sa atin sa media, iyan ang isa mga problema natin dito, iyong pagkontak sa mga sources natin, madalas kung minsan mabagal at in fact napuputol. Dito lang sa mga programa natin sa radyo, mga interviews natin, ang daming napuputol na mga interviews dahil sa mabagal ng mga komunikasyon natin, mga telcos natin.

SEC. ANDANAR: Oo, lalo na pag moving, ganoon talaga, napuputol. Alam naman ng mga kababayan natin na talagang mabagal. Kahit sino nagrereklamo eh. So we just have to be extra careful in checking the technologies, but then again, palagay ko naman wala namang problema the same way that Globe is—Globe is also partly run by Singtel, di ba. Alam naman natin iyan and it just normal that investors sa bansa natin.

Iyong transpo natin, iyong transpo hindi ba may mga Chinese investor din sa transpo.

So, good news? Well, ang good news talaga eh napirmahan iyong tax reform na 99% ng ating mga kababayan ay mababawasan ang binabayad na income tax, iyon po ang pinaka-good news talaga.

ROLLY: Pero siyempre ang sinasabi nila, Sec, eh kaakibat niyan tataas naman ang mga presyo. Tataas ang singil sa kuryente, iyon naman ang sinasabing kaakibat at ang medyo mahirap na sector na naman ang tatamaan dito, Sec.

Although may mga nagsasabi na baka kasama iyan sa mga bahagi o parts of the bill na bineto ng ating Presidente. Will you know kung ano na iyong mga bineto na mga parts?

SEC. ANDANAR: Hindi ko pa na-clarify kung ano iyong mga bineto. Pero ang mahalaga ho ay 99% ng ating mga taxpayers ay mababawasan po iyong kanilang binabayad, lalung-lalo na iyong sumusuweldo ng first 250,000 na income sa isang taon ay wala hong babayaran na buwis, iyon po iyong mahalaga doon.

So kung ikaw ay sumusuweldo ng sabihin na natin bente mil kada buwan ay wala po kayong babayaran na income tax; iyon po iyong pinaka-importante diyan.

ROLLY: At maraming sector ang tatamaan niyan o makikinabang niyan.

SEC. ANDANAR: Ay oo siyempre. Ang makikinabang talaga diyan ay more than 80% of our workforce na ang suweldo po ay hindi sumosobra ng 20,000 a month. Ang dami po niyan, so malaking tipid ho iyan.

ROLLY: Pero iyong exemption sa bonuses, next year pa ang effectivity niyan?

SEC. ANDANAR: Opo.

ROLLY: Tapos na ba ang Christmas party ninyo sa Malacañang?

SEC. ANDANAR: Oo, tapos na. Meron pang mga…iyong late Christmas party.

ROLLY: Pero baka bukas ng gabi puwede ka sa National Press Club?

SEC. ANDANAR: Bukas ng gabi? I-check ko lang iyong schedule ko, Lakay. Ang alam ko meron akong pinadalang raffle doon eh.

ROLLY: Kahit hi, hello ka lang doon. Salamat din sa pinadala mo rito sa DWIZ.

SEC. ANDANAR: Opo, Merry Christmas po.

ROLLY: Bukas din ang Christmas party dito eh.

SEC. ANDANAR: Oo, grabe talagang left and right.

ROLLY: Kahit ikot ka, hi hello sa mga parties.

SEC. ANDANAR: Oo. Sige aantayin ko, pagkakasyahin natin ang ating schedule. Ang hirap sa traffic eh. Eh wala naman tayong Rudolf di ba.

ROLLY: Pero salamat, pinalipad mo na dito iyong regalo.

####

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource