Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar (RMN – Government in Action by Angel Ronquillo and DK Zarate)

ANGEL:                               Magandang umaga po, Secretary. Welcome po sa government in action.

SEC. ANDANAR:            Good morning. Good morning, Angel.

ANGEL:                               Yes po si Angel  po, Secretary saka si DK Zarate po.

SEC. ANDANAR:            DK, good morning sa Radio Mindanao Network, DZXL. Good morning.

ANGEL:                               Maraming salamat, Secretary. Alam po naming busy kayo pero pinaunlakan pa rin ninyo kami. Pero unang  tanong po, makikikumusta lang po kami dito po sa ginagawa pong preparasyon, last minute preparation sa ikalawang SONA po ng ating Pangulo sa Lunes na po iyan, Secretary?

SEC. ANDANAR:            We are right on tract na production to, mula sa diyan sa communications, sa RTVM,  Philippine News Agency, PTV, Radyo Pilipinas, News and Information  Bureau  at ang ating mga katuwang sa lower house,   sa pag-organize po ng production  sa State of the Nation Address, ikalawang SONA ng ating Pangulo.  So habang nangyayari po iyan. Dito naman po sa Davao ay nagre-rehearse po tayo sa speech ng ating Pangulo. Kagabi nagkaroon po ng rehearsal doon sa Panacan, Davao City. Napagdesisyunan ng ating Pangulo na gusto lamang niya na ang kanyang speech iyong nakasulat ay iyong written speech mismo ay between 40 to 50 minutes lamang. So ang estimate namin, mga 15-18 pages talumpati ng ating Pangulo.

Ito po ay magiging direct to the point at depende of  course sa mga accomplishment  at iyong mga pressing matters  today, lalo na iyong gulo diyan sa Marawi at ang problema pa rin natin sa droga.

DK:                                        Iyong nakaraan po kasing SONA, unang SONA niya, droga, corruption  iyong binabanggit po ng ating Pangulo, ngayon po ay iyon  po ulit ba iyong gusto niyang tahakin, droga pa rin po?

SEC. ANDANAR:            Lahat ng mga may importanteng polisiya ng ating Pangulo. O course droga mababanggit diyan, iyong sitwasyon ngayon sa Mindanao and  ang mahalaga dito ay direct to the point at kung ikukumpara natin last year ay wala namang—kaunti pa lang iyong  accomplishment nung unang SONA, bago pa lang, ngayon marami na. So talagang   naka-compact talaga siya eh, iyong  speech na iyon. Kagabi nasa mga 23 pages iyong kagabi, tapos nabawasan pa natin iyon, But before naging 33 pages, alam ko nasa mga 38 pages eh, ang haba eh, original napakahaba talaga.  So binawasan natin ng kinse, kinseng pahina. So nagign 23 na lang, tapos babawasan pa natin, kasi sa estimate niya ay gusto ni Presidente, 40 to 50 minutes lamang.

ANGEL:                               Oo, wala pang isang oras.

SEC.  ANDANAR:          Oo, so ngayon kung meron kang  isang pahina at ine-estimate naming iyong reading speed ni Presidente   na mga 3 minutes per page eh. So, sa  18 pages,  nasa mga 45 minutes na iyon di ba. So  kailangan talaga  naming i-edit out. So 15 pages  would be about 45 minutes. So, between 15 and 18 pages iyong magiging speech. Pero siyempre kailangan nating i-consider din iyong adlib di ba.

ANGEL:                               Yes, oo nga, ma-adlib pa naman si Pangulo.

SEC. ANDANAR:            Oo, so kung saka-sakali mang-adlib po  ang ating mahal na Pangulo ay tiyak masosobra po doon sa sinasasi kong between 40-50 minutes.

ANGEL:                               Secretary, ito po ba ay purely Tagalog po iyong gagamiting  salita po, lenguwahe si Pangulong Duterte sa kanyang SONA speech?

SEC. ANDANAR:            Well, iyong nakasulat po, so far  ha,  all in English. So,  pero alam natin na kapag naga-adlib si  Presidente, minsan, English, Tagalog saka Bisaya sa  wordings. Kasi iyon ang surprise, kasi iyong ang surprise portion,  adlib  kung mangyayari ba iyon o hindi, kung mangyayari man iyon, gaano kahaba, anung lengguwahe ang gagamitin, anong dialect ang gagamitin.

DK:                                        May pagkakataon kasi sisimulan ni Pangulo pagbabasa niya, di ba,  tapos biglang ayaw na niya, ayaw niya ng papel eh, kasi iyong binabanggit.

ANGEL:                               Gusto niya iyong galing sa puso niya.

DK:                                        Iyong sulat na binabasa niya, nakalagay personal touch ang nakalagay, iyong binabanggit doon, di ba.  Pero maraming pagkakataon na talagang,  siya na talaga iyong  nagsasalita.

ANGEL:                               Impromptu.

DK:                                        Possible po kayang mangyari iyon?

SEC.  ANDANAR:          Possible,  kasi alam  mo ang ating Pangulo, very  passionate iyan eh sa speech, very passionate sa mga issues at gusto niyang maintindihan ng mga kababayan natin, kaya siya nagh-impromptu  kasi, parang  bang, meron pa siyang  gustong sabihin na nagmumula sa kanyang puso. Kumbaga the fire in his heart becomes words or becomes part of the impromptu na galing sa  puso eh. So kailangan mong ilabas iyon eh. Now,  of course,  40 to 45 minutes or 50 minutes iyong speech and then maglagay ka ng impromptu, hahaba talaga siya hanggang 60 minutes, pero  baka maging isang oras di ba. Tingnan natin, hintayin natin kung ano ang magiging mangyayari.

Pinag-usapan din naming iyong—kasi the last time, iyong sa prompter eh, medyo, kasi minsan  mabilis iyong takbo ng prompter, kaya kailangan eksperto talaga. Tapos iyong ilaw ba, iyong galing doon sa stage sa  harap, nakakasilaw iyon eh.  So these are the things that we are adjusting  para in case, magdesisyon si Presidente na basahin ang prompter, then  okay din. Kapag nagdesisyon siya na basahin lang sa papel, then okay lang din.

DK:                                        Kadalasan  po kasi concern  din po ng mga nagtext sa atin, bihira silang nakakarinig na ipinagmamalaki ng Pangulo na nagawa. Ang kadalasang naririnig nila iyong  gustong  gawin ng Pangulo. Ganundin po ba iyong lalamanin nung SONA niya?

SEC. ANDANAR:            Well, well halo-halo  ito eh, halo-halo. Iyong  mga nagawa,  iyong mga gustong gawin,   kailangan pang tutukan ng panahon. So, iyon  ang mga maririnig natin and of course there will be some, may mga bagay na, he hold close to his chest. Kaya nga ang maikukuwento ko lang sa inyo ngayon ay iyong mga details lang tulad ng haba nung speech, kung ano iyong gusto ng Pangulo. Gusto niya maging direct to  the point, ayaw niya ng paligoy-ligoy, dahil alam naman ng  taumbayan kung ano ito.

ANGEL:                               Secretary, ngayon po nasa Davao po kayo ano?

SEC. ANDANAR:            Yes, ma’am.

ANGEL:                               Diyan na po ba manggagaling ang ating Pangulo simula po sa pag nangyari po ang SONA sa Monday?

SEC. ANDANAR:            Well, hindi ko tiyak kung anong  araw darating si Presidente sa Maynila,  kasi me issue sa security, sa PSG. Hindi nila sinasabi lalo na ngayon na  meron tayong problema sa Marawi. Pero maikuwento ko lang nung kahapon sa pagbisita ng Presidente sa Marawi, doon  nagkaroon ng briefing sa ating Pangulo sa sitwasyon sa Marawi, tapos kinausap ni Presidente iyong mga commander, pinasalamatan niya, in-assure niya iyong mga sundalo na hindi niya pababayaan, tutulungan niya kung anumang mga problema na  kanilang kailangan.  He assured them that he will take care  of them, at the same time, habang  kinukuwento ni Presidente,  iyong more than 90 soldiers na  namatay, tumigil po ang Pangulo, tumigil siya ng halos dalawang minuto. Alam mo iyong pigil na  on the verge of tears. Iyong naiiyak na kaya tumigil. So nagign emosyonal si Presidente dahil alam niya na  pinapunta   niya sila sa Marawi para  bantayan iyong Marawi, para i–secure, tapos may namatay. Kaya  siya na emosyonal kahapon. So  tapos ang tapang, kasi tingnan mo.

ANGEL:                               Ilang attempts na, Secretary, ‘di ba. Noong una, hindi po siya natuloy din doon sa Marawi.

SEC. ANDANAR:            Oo tapos…talagang delikado, talaga kasi me open fire pa rin. Tapos nangyayari itong pagbisita ni Presidente sa Marawi. Diyan natin makikita na talagang si Pangulong Duterte ganiyang-ganyan po ang kaniyang malasakit. Suporta, malasakit sa mga sundalo.

ANGEL:                               May good news po ba ang ating Pangulo doon sa ating mga tropa na nakikipagbakbakan po diyan sa Marawi, Secretary Andanar?

SEC. ANDANAR:            Pakiulit po, ma’am.

ANGEL:                               May good news po ba itong si Pangulong Duterte doon sa mga binisita niya pong sundalo diyan sa Marawi kahapon, Secretary?

SEC. ANDANAR:            Mayroon ba siyang binigay, iyon ba ang tanong mo?

ANGEL:                               Opo.

SEC. ANDANAR:            Oo, iyong good news, mayroon tayong mga good news na binigay sa mga sundalo.

DK:                                        May mga armas din po ba, gamit?

ANGEL:                               Karagdagang armas, karagdagang gamit dito po sa ating mga sundalo na ibinigay?

SEC. ANDANAR:            Iyong report po sa amin ay basket of ano eh, parang basket of goodies eh.

ANGEL:                               Oo, doon sa ating mga sundalo. Well, Secretary, mabalik tayo dito sa SONA. Kasi ito, maganda iyong strategy na ginawa ng ASEAN kung saan sinundo na lamang ng mga shuttle bus iyong mga delegado, iyong mga VIP na pumupunta po dito sa ASEAN. Sa panahon po  ba, nitong sa SONA sa Monday, ganoon din po ba? May isang lugar na kung saan ay susunduin na lamang po iyong mga bisita, iyong mga personalities para po hindi sila makatrapik kasi ayaw po ng Pangulo ng trapik ‘di ba, Secretary Andanar?

SEC. ANDANAR:            Ang alam ko po ay … kasi wala naman, cleared naman iyong Commonwealth Avenue. So iyong mga dignitaries, of course, they have their own cars. Kami naman sa Cabinet, wala namang sinabi sa amin na assigned sa isang coaster o bus. Let’s check sa Congress kung mayroon sa kanilang parte kung meron silang ganoong usapan.

DK:                                        May mga pagkakataon po na marami ang natuwa sa Pangulo kasi kapag may mga malalaking okasyon, simple lang ang pagkain.

ANGEL:                               Tama, pagkain, iyong kasuotan, lahat-lahat simple.

DK:                                        Eh iyong pagkain po na kakainin sa SONA, si Pangulo rin po ba iyong pumili? Kasi may mga pagkakataon na ang binabanggit po ng tao na naghihirap kami dito tapos makikita nila magarbo doon, maganda iyong kinakain ‘di ba?

ANGEL:                               Anu-ano po  ba iyong menu  sa SONA, Secretary Andanar?

SEC. ANDANAR:            Wala sa akin ang menu. Alam ko kasi ang Lower House ang nagpi-prepare ng menu sapagka’t sila po iyong punong-abala sa SONA. Ang alam ko lang ay pagdating sa kasuotan, ang gusto ni Presidente ay simple lang, of course ayaw niya ng fashion show. Si Presidente mismo, tinanong ko nga kagabi iyong Presidente kung anong isusuot, sabi niya kung ano lang iyong nasa aparador iyon ang kukunin.

ANGEL:                               So magre-recycle siya? Kung ano ang ginamit niya before, tama po ba ang pagkakaintindi ko, Secretary?

SEC. ANDANAR:            Well, iyon ang sabi, kung ano ang nasa aprador daw ay iyon ang kukunin. Tinanong ko naman kung sino ang designer, sabi niya hindi ko alam kung sinong designer, sabi nung Asec. Basta kung ano lang iyong nandiyan sa aparador na mga sinusuot na niya, iyon lang daw po ang kukunin, iyon ang gagamitin ni Presidente. Wala namang sinabi na special designer. So who knows, baka kapag nag- tee-teeny, miny, po doon sa …

ANGEL:                               Closet niya, oo.

SEC. ANDANAR:            Tapos kung ano natin, baka off the rack iyong kaniyang barong, baka designer sa Davao or designer sa Cagayan de Oro, we will see.

ANGEL:                               Secretary, pupunta po ba ang buong pamilya ni Pangulong Duterte?

SEC. ANDANAR:            Ang alam ko po ay si Mayor Sara Duterte ay pupunta. Mayroon pang ibang miyembro ng pamilya. Mayroong naka-reserve para sa pamilya this time para saksihan ang SONA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. So far sa family, ang alam ko lang ay si Mayor Inday Sara ang pupunta. Hindi ko pa alam kung sino pa iyong ibang pupunta.

DK:                                        Si ano naman po, dating Pangulong Noynoy Aquino, iimbitahin ninyo po ba? Naimbitahan po ng Pangulo?

SEC. ANDANAR:            Oo, lahat naman sila imbitado. Siyempre…Vice President Leni Robredo, siyempre kailangan talagang nandoon siya, invited siya. Tapos iyong mga dating Pangulo, invited naman talaga. At hinihintay lang natin iyong kumpirmasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

ANGEL:                               Ah so hindi pa siya nagku-confirm pala.

DK:                                        Pero si VP nag-confirm na?

SEC. ANDANAR:            Opo. So far naman, iyong mga nag-confirm, sina Pangulong FVR, Pangulong Arroyo. So iyong iba ay hinihintay pa natin.

ANGEL:                               Secretary, kuhain ko lang din iyong pahayag mo dito ano. Kasi isinusulong po ng Chairman ng Human Rights Commission ng US Congress ang pag ban po kay Pangulong Duterte diyan po sa White House. Sinabi po ni Massachusetts’ Representative Jim McGovern sa kaniyang statement na siya daw po ang mangunguna sa pagprotesta po laban kay Duterte kung tutungo po ito sa White House. So sinabi po nitong si McGovern, kung si Pangulong Duterte daw po ay labis-labis ang paglabag sa karapatang pantao kaya hindi po ito nararapat na umapak po sa White House.

SEC. ANDANAR:            Alam mo, mayroon naman silang sarili nilang kongreso, may sarili silang pulitika sa kanila sa Amerika. Iyon naman ay bahagi ng kanilang demokrasya, at hayaan natin sila kasi iba naman iyong bansa nila. Eh  tayo naman ay hindi nakikialam sa gulo sa bansa nila. Kung mayroon silang pinag-aaway-awayan doon, hindi naman tayo nakikialam. Siguro iyong Congressman doon sa Amerika na nagsabi noon ay iyon ang istilo niya, iyong makialam sa mga isyu ng ibang bansa.

DK:                                        Huling tanong. Ito naman po iyong kaugnay po sa pagbisita ng Pangulo sa Marawi sa mga sundalo. May nabanggit po ba siya na gusto niya pang bumalik doon? Huwag na lang sigurong sabihin kung kailan siyempre ano.

SEC. ANDANAR:            Wala akong narinig. At iyan ay nabasa ko lang din iyong statement na pinasa po sa amin. Basta ang alam ko lang ay nagpunta po si Presidente at kinausap iyong mga sundalo, at binigyan ng bags of goods at iyong commitment ng Presidente na ibibigay what they wanted.

ANGEL:                               At sa akin pong huling katanungan, Secretary. Ano po ang aabangan ng taumbayan sa mga naghalal sa puwesto kay Pangulong Duterte? Mayroon po ba kaming good news na aasahan po kay Pangulong Duterte sa Lunes po, Secretary?

SEC. ANDANAR:            Oo, lahat ng mga kababayan natin, abangan ninyo po sa July 24 ang ikalawang SONA ni Pangulong Duterte kung saan ilalahad po ng ating Pangulo ang kaniyang plano para sa bansang Pilipinas sa susunod na taon at sa susunod na limang taon.

Mayroon pong mga sasabihin ang ating Pangulo na siguradong ikatutuwa po ng ating  mga kababayan. Salamat po.

ANGEL:                               With that, Secretary Andanar, maraming salamat po sa inyong oras at panahon dito po sa aming programa. God bless po.

SEC. ANDANAR:            Mabuhay po kayong dalawa. Mabuhay po ang RMN.

##

Resource