Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Orly Mercado (DWFM – All Ready)

ORLY: Good morning, Secretary Martin.

SEC. ANDANAR: Magandang umaga Ka Orly, at sa lahat ng nakikinig sa programa.

ORLY: Okay. Maganda ang naging closing ceremony kahapon. Are you satisfied with what happened as far as the closing ceremony is concerned?

SEC. ANDANAR: Yes, of course, Ka Orly. Tayo naman ay very satisfied. In fact, ako ay naging masaya sapagkat nasaksihan naman natin iyong ASEAN last year and of course we have a point of comparison. Nakita ko na talagang tayo, mga Pilipino pagdating sa hosting of events like this event, mga ASEAN events, ay kaya nating makipagsabayan sa ibang bansa.

ORLY: Ang mensahe ng Presidente napakaimportante doon sa kanyang pagnanasa na magkaroon tayo ng rehiyon na secure ‘no, talagang binabanggit niya iyong debilitating effects nung transnational crimes at corruption.

SEC. ANDANAR: And of course Ka Orly, ang pinakamahalaga talaga iyong mga substantive na napag-uusapan pagdating sa mga multilateral events like this event, the ASEAN event. After nga nung mga meeting ng mga Foreign Ministers two days ago at matapos silang mag-release ng joint communiqué at iyong framework na gagamitin para sa Code of Conduct ng South China Sea.

At saka ito namang leadership ng ating Pangulo pagdating sa mga problema ng transnational crime, terrorism, pagdating dito sa climate change, pagdating doon sa war against drug na naipakita naman ng ating Pangulo na tayo ay nakiki-isa sa buong mundo sa pagsugpo, sa paglaban dito sa mga problema na ito na kinakaharap din ng ibang bansa, Ka Orly. At nakita naman nila Marawi, for example no let up, hindi tayo bumigay, tayo ay lumaban at lahat ng mga allies, lahat ng mga ASEAN countries delikado rin, that they will be facing the same problems like America, Russia at Thailand. Nakita naman nila kung gaano katapang at kung gaano na-resolve si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Pagdating sa drugs ganoon din, the United States is facing the same problems – narcotics. In fact, halos 2,000 na din ang namamatay this year alone pagdating sa substance abuse o overdose. At ito rin ay isang problema na pilit din na hinaharap ng Estados Unidos at ng kanilang partner dito, iyong Mexico. And China is also facing this problem; ASEAN is facing the same problem. Indonesia for that matter is facing the same problem.

At ganundin po sa problema sa climate change and of course, the economic partnership ng ASEAN.

ORLY: Iyan, integration, oo.

SEC. ANDANAR: Oo. Kasi we are from more than half a billion people here in ASEAN at magandang merkado ito para sa iba pang mga partner countries like the United States, Canada, New Zealand, Australia, China at Japan, India and Russia. Itong nangyari, this is just prelude of what will happen, the good things that will happen this coming November, pagdating ng mga Head of States ng ASEAN at iba pang mga partner countries.

ORLY: That hopefully, will cap our chairmanship doon sa 5oth anniversary ng ASEAN organization.

SEC. ANDANAR: Tama pa kayo, Ka Orly. And of course, I know that you understand this well, kasi isa ito sa mga expertise mo lalo na iyong sa ASEAN. So, we are looking forward. In fact si Secretary Tillerson also mentioned it, that they are looking forward for the ASEAN closing this coming November.

ORLY: So by in-large ang iyong assessment went well at habang pinag-uusapan din ang seguridad, ang isyu ng seguridad. Eh ang backdrop eh, we are mopping up or finishing already a very serious challenge na nangyayari sa Marawi.

SEC. ANDANAR: Tama po kayo, Ka Orly, Overall, it was very a successful hosting and also the substantive na napagusapan, ang mga mga mahahalagang napagkasunduan ng iba’t-ibang bansa and we as well prepared, ready now for the ASEAN Summit this coming November. And by the way, before that magkakaroon pa ng ASEAN-Japan Film Festival ngayong September at gaganapin po iyan dito rin sa atin, dito po sa may Trinoma area.

ORLY: Japan ang magiging ano, isa sa mga magpapakita ng mga pelikula, ganoon pa iyon?

SEC. ANDANAR: Tama po kayo, Ka Orly, at you are invited.

ORLY: Iyong mga indies, isasama rin?

SEC. ANDANAR: Marami pong pelikula, maraming entry. Our Japanese counterpart will be here also, kasi this is a big event for them.

ORLY: Thank you very much, Secretary Martin Andanar, ang ating Communications Secretary.

##

Resource