Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Orly Mercado (DWFM – All Ready)

ORLY: Secretary Martin, good morning.

SEC. ANDANAR: Good morning Ka Orly; good morning sa lahat ng nakikinig sa inyong programa.

ORLY: Okay, ano po ba itong—may balitang merong mga iba’t-ibang—may bago bang grupo ng terorista na nagbabalak umatake sa iba’t-ibang lugar ng bansa. Ano po ba ang masasabi ninyo tungkol dito?

SEC. ANDANAR: Actually, iyon napag-usapan namin ni General Padilla dahil nga isa sa mga balita na naiparating sa atin. In fact (unclear) ni Presidente iyon, na nag…nag-recruit—

ORLY: Nagre-recruit.

SEC. ANDANAR: Oo, itong mga elements na ito dito sa Mindanao. At merong mga balitang meron silang lulusubin na isang lugar, isang siyudad, pero hindi pa natin alam. That’s why, the Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police merong stern warnings sa mga kababayan natin sa Mindanao na kailangang mag-ingat talaga at kailangang alisto palagi.

ORLY: Ano ba itong grupong Daulah Islamiyah, is this a new group?

SEC. ANDANAR: Well, ito iyong grupo na kung saan nagpailalim ang Abu Sayyaf, Maute. So kasi iba-ibang Islamiyah iyan eh. Pero itong Daulah Islamiyah, ito iyong sinasabing grupo na in charge dito sa Mindanao.

ORLY: So this is a larger group that… iyong mga mas maliliit na grupo eh, sumasailalim. So ito rin ang—tuloy-tuloy pa rin nabi-beef up ng kanilang mga grupo?

SEC. ANDANAR: Opo. Sila po iyong grupo na nagre-recruit dito sa Mindanao. That is why there is a need for the country to… at least extend martial law in Mindanao at ito naman ang nagiging rekomendasyon ng Philippine National Police at ng Armed Forces of the Philippines.

ORLY: Ano bang balita, kumusta ba ang rehabilitation work na ginagawa sa Marawi sa kasalukuyan?

SEC. ANDANAR: Isa pa iyan, Ka Orly. We really need to guard and to safeguard all of the equipments that are coming in sa Marawi. And expect na iyong mga contractors—of course, kung hindi maayos iyong lugar natin, kung walang mag safety eh sinong contractor ang magre-repair ng Marawi. That is why kailangan talaga iyong martial law diyan. But speaking po iyong bilis ng pagpapagawa ng lugar at iyong mga houses na itinatayo natin ay mabilis po iyong process. At ayon po kay Secretary Del Rosario, they will be turning over hundreds of houses by this month of December.

ORLY: I see, so talagang ano, pero iyon bang core, iyong central district—central commercial district eh ginagawa na ba o kini-clear pa, may mga debris pa. Ano ba ang kalagayan doon?

SEC. ANDANAR: Kini-clear pa iyon, kasi meron pang mga explosive devices na kailangang maalis doon bago pasukin iyan ng mga contractor. And of course iyong plano po ng local government of Marawi ay isinumite na sa grupo ni Secretary Del Rosario at ang grupo naman ni Secretary Del Rosario ang siyang titingin, sila din ang mag-a-analyze ng lahat ng mga plano. Everything is of course kailangang (communication cut)

ORLY: Nawawala, nawawala si Martin.

Anyway thank you very much at merong kang closing statement tungkol dito sa isyu ng sinasabi na merong mga nagbabanta?

SEC. ANDANAR: Ang aming statement lang diyan ay let’s cooperate with the Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police kung ano ang sabihin nila, gawin lang natin. Also, we have to watch our neighbors, we have to talk to our Barangay Captain, the local government units, our purok leaders. And siguro as residents of houses in different barangays, siguro it’s about time to talk to our neighbors and organize themselves para at least kahit papano, alam natin ang gagawin kung may nangyari na mga untoward incidents.

ORLY: Okay, thank you very much, Secretary Martin Andanar ng Presidential Communication Operations Office. Thank you.

SEC. ANDANAR: Salamat po.

###

SOURCE: PCOO – News Information Bureau

Resource