Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Milky Rigonan (DZRH)

MILKY:                                                Secretary Martin, magandang umaga.

SEC. ANDANAR:                            Magandang umaga, Milky. Good morning po sa lahat ng nakikinig.

MILKY:                                                Sec. Martin, bukas nasaan si Pangulong Rodrigo Duterte habang ongoing ang National Daw of Protest?

SEC. ANDANAR:                            Wala pa akong eksaktong…kung saan po siya, pero ang alam ko ay nasa biyahe po si Pangulong Duterte bukas. Ang akin pong tinututukan ay itong National Day of Protest dito po sa…well, actually nationwide, pero iyong mga movements po na nangyayari dito sa National Capital Region.

MILKY:                                                Sec. Martin ang sabi ng ilan, baka daw merong mga matitinding impormasyon na natanggap ang Pangulo, kaya idineklara niyang walang pasok sa eskuwela, sa pampublikong paaralan, at sa mga tanggapan ng gobyerno. Ano ba ang info, iyong puwede lang nating ibahagi sa publiko tungkol dito sa ikakasang mga protesta bukas?

SEC. ANDANAR:                            Ang totoo lang po diyan ay gusto lang po ng ating Pangulo na mabigyan ng karampatang oras, panahon ang ating mga kababayan na ilabas ang kanilang hinaing sa pamamagitan ng protesta. Alam po natin na iyong September 21 ay anibersaryo ng martial law, pero ang ating Pangulo po ay nakatututok doon sa karapatan ng bawat mamamayan na maglabas ng kanyang sama ng loob, hinaing sa gobyerno, iyong pagkukulang, sa pamamagitan ng protesta.

Alam ko ang oposisyon po ay may protesta dito sa may Luneta at nabalitaan ko rin po na tuloy na rin po iyong protesta din na gagawin ng mga grupo na sumusuporta din naman sa ating mahal na Pangulo dito sa may Plaza Miranda yata.

MILKY:                                                So may counterpart rally, ito iyong pro-Duterte groups naman ano sa may Plaza Miranda.

SEC. ANDANAR:                            Oo, PDP Laban, nandiyan po iyong MRRD, nandiyan din po iyong Kilusang Pagbabago.

MILKY:                                                Iyong DDS, Digong Duterte Supporters?

SEC. ANDANAR:                            Mga DDS, nandiyan di po iyong—marami po, marami po. The protest that will happen tomorrow will actually (unclear). It’s really a day for everyone to protest. You can protest against government, you can protest against the bureaucracy, you can protest against your neighbor.

MILKY:                                                And you can protest in favor of the government, welcome anu-anumang mga ano iyan, posisyon o paninindigan.

SEC. ANDANAR:                            Opo. And maybe protest your work place, protest your—kahit anong form of protest po, it’s really a freedom of expression.

MILKY:                                                Secretary Andanar, ito pakilinaw na rin ulit, ulit-ulitin natin itong tanong na ito. Iyong National Day of Protest, ito po ba ay nationwide or NCR lang at paano daw iyong mga  nasa LGUs naman, kasama rin ba sila ng deklarasyon na walang pasok?

SEC. ANDANAR:                          Okay sige po. Maraming salamat, Milky, sa pagkakataong ito. Linawin po natin, klaruhin natin. Memorandum No. 26 na pinirmahan po in Deputy Executive Secretary Menard Guevarra states that wala hong pasok iyong mga estudyante sa public school at iyong mga trabahante ng gobyerno nationwide…nationwide po ito, hindi lang po Metro Manila.

Now, para po doon sa mga private sectors, mga business at mga eskuwelahan, nasa discretion na po nila iyan. Pero doon po naman sa government agencies na kailangan natin sa mga panahon ng emergencies, sakuna, etc, tulad ng DOH, tulad ng NDRRMC, DSWD, PNP, sila po ay may pasok. Sila po ay dapat naka standby.

MILKY:                                                Iyong mga LGUs, Secretary Andanar?

SEC. ANDANAR:                            Wala pong pasok.

MILKY:                                                Samantalahin ko na rin iyong pagtatanong dahil alam ko pupunta ka ng Senado ngayon, budget hearing ng PCOO. Ano ba ang mga posibleng itanong sa iyo, diyan ng mga senador, PNA kumusta ang PNA?

SEC. ANDANAR:                            Ang PNA ay nasa pangangalaga ngayon ni Usec. Joel Egco. Ginagawa po namin lahat ng magagawa namin para ito ay mabago, mag-reporma at hindi maulit iyong mga pagkakamali nung mga nakaraang araw…mga nakaraang taon, actually. So, of course we expect questions, all mga questions under the sun.

MILKY:                                                Oo. Under the sun ng mga senador tungkol sa Philippine News Agency. Number two, Secretary Andanar, iyong National Printing Office di ba, ikaw mismo ang nagrekomenda, ang kumilos para malinis ang NPO. Merong mga rekomendasyon ka rin na imbestigahan ang ilang mga opisyal diyan. Kumusta, bakit nandiyan pa rin daw si Assistant Director Atty. Sherwin Castaneda, despite iyong mga kaso laban sa kanya.

SEC. ANDANAR:                            Salamat po sa tanong na iyan, Milky. Lahat po ng complaints ay nagsimula nung last year and then upon the recommendation and upon the actually advice of the Office Executive Secretary that we investigate it and then moved the investigation to the National Bureau of investigation, para meron pong impartiality sa investigation sapagkat ito po ay isang attached agency ng PCOO. So that is what we did and now the National Bureau of investigation forwarded their findings and their recommendation to the Office of the Ombudsman, Milky.

So lahat po ay nasa jurisdiction na po ng Ombudsman ngayon and we are just waiting for the Ombudsman, iyong resulta. So, kaya po sa mga nagtatanung, iyon po iyong sagot namin, we have to respect process of the Ombudsman.

MILKY:                                                Abangan ninyo mga kaibigan iyong magiging desisyon ng Office of the Ombudsman.

SEC. ANDANAR:                            Opo.

MILKY:                                                On that note. Secretary Martin Andanar. Good luck sa budget hearing ng PCOO. Magkano ba ang budget ninyo sa 2018?

SEC. ANDANAR:                            Ang hiningi po naming budget ay nasa 1.3 billion.

MILKY:                                                1.3 billion.

SEC. ANDANAR:                            Actually, originally 2.4, tapos ang ibinigay po sa amin ng DBM, 1.3. Ang sabi po ng Kongreso, dagdagan ng 1 billion. So, humihingi po kami ng supplemental budget sa Senado din na 1 billion, para maging 2.3 billion para magawa po natin ng reporma na nais nating gawin sa lahat ng attached agencies ng PCOO.

MILKY:                                                Okay. Maraming salamat, Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR:                            Mabuhay po kay Milky. Salamat po.

##

Resource