Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Milky Rigonan (DZRH – Damdaming Bayan)

MILKY: Secretary Andanar, kumusta ang preparasyon natin sa ASEAN 50th?

ANDANAR: Okay naman, Milky. Everyone is so excited. Alam mo kagabi, nagkaroon ng gala dinner, nandoon ang mga Foreign Ministers ng iba’t-ibang bansa at iyong ASEAN; nandoon iyong Japan, nandoon iyong US, nandoon iyong China. Pero hindi ho naka-attend si Secretary of State Tillerson, kasi masama ang pakiramdam may allergy yata, and could probably also sa kanilang meeting ngayong araw na ito sa Malacañang with President Duterte.

MILKY: Pero si President Duterte ay pupunta ba dito sa venue ng kung saan ginaganap ho iyong ASEAN meeting dito sa may area ng CCP Complex?

SEC. ANDANAR: We will see, Milky. Wala pang binigay sa amin na abiso. Pero ngayong araw na ito, this is really the biggest day today sa lahat ng ASEAN celebration this week. Sapagkat busy lahat ng ASEAN Foreign Ministers today; kumbaga ito iyong the day of reckoning kung saan maraming mangyayari dito sa PICC – mga multilateral exchanges, agreements at iyong mga bilateral din na mangyayari. Ang pagkakaiba nga nitong mga Foreign Minister’s meeting ay iyong excited lahat and of course looking forward kung ano iyong magiging kahihinatnan ng mga meetings din ng North Korea Foreign Minister kasi nandito siya ngayon sa bansan natin.

MILKY: Secretary Andanar, doon sa mga kababayan natin. Ipaliwanag natin ano ba ang benepisyo nitong Pilipinas sa idinaraos na pulong ngayon ng ASEAN?

SEC. ANDANAR: Okay, so ganito po iyon. Nung unang ASEAN, first quarter of this year, iyon iyong mga Head of State ng ASEAN, di ba, nagpunta sa bansa natin para sa opening ng ASEAN. Itong ASEAN ngayon, this is the 50th Foreign Minister’s, ito iyong mga Foreign Ministers, hindi ito iyong mga heads of state. Foreign Ministers of ASEAN plus iyong mga ASEAN partners natin tulad ng China, Japan, India, Australia and New Zealand.

So ano ang pakinabang natin dito? Ang pakinabang natin dito ay kung anuman iyong mga gusot na meron ang iba’t-ibang bansa laban sa isang bansa o sa ASEAN ay dito na maplantsa iyong mga gusot na iyon; at the same time kung meron ding mga bansang may interest sa ASEAN na makipag-deal dito rin nila ilalabas iyong kanilang mga panukala, etcetera. So, therefore bago mangyari itong ASEAN Summit this coming November kung saan iyong mga Head of State na talaga ng ASEAN at mga malalaking bansa tulad ng America, China, Japan, New Zealand, Australia, India ay naplantsa na ngayon pa lang.

MILKY: Oo, bale ito iyong paghahanda doon sa pinaka-highlight ‘no ng meeting ng ASEAN sa darating na buwan ng Nobyembre?

SEC. ANDANAR: Tama. At kung nagtataka iyong iba, bakit iba sa Laos. Iyong sa Laos kasi ang nangyari last year, they decided to hold all of the ASEAN meetings in just one event, one venue, in span of one week. Kasi iyon ang gusto nila, nagtitipid din sila. Pero tayo, ang ginawa ng Pilipinas, ay hiwa-hiwalay. This is the biggest event of the year, so dapat i-maximize talaga ito ng mga Pilipino; i-maximize ng mga negosyante; i-maximize ng tourism. Best foot forward, lahat kasi nandito iyong international media, nandito lahat ng mga foreign dignitaries, kaya dapat eh we should be proud and happy because ASEAN is here and happening in our country.

MILKY: Mamaya merong kontrobersyal na ipinatatanong si Lakay Deo Macalma sa inyo. Pero Secretary Martin, doon muna tayo sa ASEAN. Marami ngayon ang ingay sa social media, alam ko aware ang Palasyo, aware ang PCOO. Dito sa accreditation ng mga tinatawag na DDS media. Ano ba ito, meron na ba tayong bagong media organization, iyon iyong tanong ngayon ng mga reporter?

SEC. ANDANAR: Actually, Milky. Itong pag-accredit ng mga media bloggers ay nangyari ito nung last ASEAN din, nung first quarter. In fact, may mga ASEAN tour, ASEAN tour sa Indonesia ganundin ang accreditation ng bloggers. So lahat ng mga bloggers at iyong mga social media influencer ay pinaregister online doon sa https://reg.asean2017.ph/media. Ito naman iyong registration ng media, iyon na rin ang registration nila. So yung iba doon one month before, nag-register na. Once nag-register, iyong National Organizing Committee ay ibe-verify iyang registration, titingan nila iyong mga supporting documents, etc. Tapos iyong media, iyong blogger, iyong social media influencer ay makakatanggap ng isang email from the NOC na natanggap na iyong kanilang application.

Now iyong mga bloggers na nag-apply – halimbawa, sabihin natin si Jane Pacquiao, ilalagay niya kung ano iyong blog niya, anung pangalan nung blog niya, etc. Nagkataon na Atty. Bruce Rivera, nilagay niya DDS. Actually maraming bloggers ito, a total of 14 bloggers, merong HK Pinoy TV – this is open to all. Kumbaga, open to all na kahit sino puwedeng mag-apply at ia-approve ka if you are really a blogger, if you are really a social media person. It just so happened na itong 14, ito talaga iyong nag-apply and they are here to cover the event of ASEAN.

MILKY: Kaya lang ang nakalagay daw sa kanilang ID, na nagtataka nga rin iyong iba, na bakit meron na bang DDS media na ito. Kasi ang nakalagay, di ba usually, halimbawa ang pangalan nung reporter at nandoon iyong kanyang media organization, let say Henry Uri, DZRH. Pero itong mga ito pangalan nila doon sa ASEAN ID, pagkatapos ang media organization either social media or nakalagay daw ay DDS.

SEC. ANDANAR: Well, si Atty. Bruce kasi is really a follower of President – a supporter. At ang blogs pa ni Atty. Bruce ay pangalan niya. Atty. Bruce din ang blog. So he decided to put DDS, eh siyempre doon naman sa NOC ay wala namang malice na ‘ito ang inilagay mo, di ito na ang ilalagay natin.’ Pero hindi naman lahat ng bloggers na nandito ngayon ay DDS. Merong mga supporters, meron ding mga bloggers talaga na independent na walang sinusuportahan, objective, wala silang—iyong iba na it’s just for fun. Ang mahalaga dito, Milky, all of these bloggers are actually volunteers to promote the ASEAN event in our country. So para sa akin, iyon ang pinakamahalaga. Siguro nakulayan lang, kasi ang nakausap yata si Atty. Bruce ng isang media from a different country. Tapos siguro naano siya…medyo na publish siya, kaya iyong naging sagot niya ay hindi rin nagustuhan ng media. You know, what important here, Milky, is everyone is really helping to promote ASEAN; apart from mainstream media ay meron din tayong mga bloggers na mga volunteers na nagpupunta lang dito para lamang matulungan din na ma-promote ang ASEAN.

Alam mo ang good news dito, Milky. Nung nagsimula po tayo, iyong awareness level ng ASEAN, sa buong ASEAN…yung average ha mga 24% lang ang nakakaintindi talaga ng ASEAN sa Pilipinas. Now based on the latest survey, umakyat na ito ng 32%. Iyong awareness dati ng ASEAN nasa 80% lang, 82%. Ngayon iyong awareness level sa Pilipinas, 97% na; iyong five more months to go. So, para sa akin magtrabaho tayo, government media, private media and all of the social media para maplano pa natin maipaabot doon sa kanayunan kung ano iyong ASEAN, ano ang pakinabang natin dito.

Alam na ba natin na meron tayong mga goods and services na puwede nating i-trade within ASEAN na tariff free, na walang tax, alam ba natin iyon. Iyong mga ganoong klaseng kailangan natin—

MILKY: Ang sinasabi naman kasi ng iba, Secretary Martin Andanar, iyong mga bloggers na ito, mga social media influencers, unlike doon sa mainstream media na kapag meron kang naisulat na hindi masyadong, alam mo na, hindi maganda sa panlasa halimbawa ng gobyerno, ng Malacañang, nasisita. Itong mga social media influencers na kung tawagin ay wala daw accountability, kung anuman ang isulat nila sa kanilang mga blog.

SEC. ANDANAR: Actually, that’s what ano eh—kasi tayo sa mainstream media, we are accountable, number one. We are accountable to our organization di ba? And number two, ultimately we are accountable to ourselves, kasi puwede tayong makasuhan ng libel, etc. Ang pinagkaiba talaga ng blogger and a mainstream media person, is that ang mainstream media person, ito talaga iyong kanyang hanapbuhay, di ba?, ito iyong hanapbuhay niya at iyong kanyang accountability ay mas marami. Yet despite of this all, I think it’s also time for everyone, we need to act responsibly, hindi lang sa media – because we’ve been doing that for the longest time – but even those serious bloggers na at the end of the day, wala naman taong na-excuse dito sa libel eh. Di ba kahit na ikaw ay mainstream media o ikaw ay isang blogger at iyan, Milky, mananagot ka rin kung hahabulin ka eh. But the difference between the social media bloggers and the mainstream media bloggers, sa mainstream media bloggers may accountability doon sa kumpanya na pinagtatrabahuan, di ba.

It’s not an apples to apples na you’re comparing both eh. Sa palagay ko we should all come together and draft a policy about social media, about how it can help the entire society—

MILKY: Dapat kailangan talaga meron tayong regulasyon tungkol diyan, Sec. Martin, para hindi rin nagkakaroon ng intrigahan iyong mainstream media na nagko-cover sa Malacañang at iyong mga tinatawag na mga bloggers, mga social media influencers. Ngayon, Sec. Martin, dako ako sa kontrobersya rin sa Bureau of Customs, kasi magpapatuloy ioyng hearing ngayon ng Kongreso sa mga controversy diyan sa BOC. Ang tanong, kailan daw magdedesisyon ang Pangulo kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon?

SEC. ANDANAR: Well, nagdesisyon naman si President, actually sinabi niya kay Commissioner Nick to continue working well for the government and iyon ang magiging batayan natin ngayon—

MILKY: Pero ang sabi niya kasi, Sec. Martin, baka daw matagal pa kung hihintayin ng Pangulo iyong matapos ang hearing ng Congress at ng Senado bago daw siya magdesisyon kung ano iyong magiging kapalaran ni Commissioner Faeldon?

SEC. ANDANAR: Palagay ko naman, Milky, the President receives all of the reports left and right, from the intelligence left and right. Nandiyan din naman si Secretary Sonny Dominguez, he is actually the head, he has actually over…talked that up with Commissioner Nick. And lahat naman ng mga ginagawa ng Customs ngayon, lahat naman ng—kasi under the microscope sila ngayon, di ba, Milky, so lahat naman ng ginagawa nila ngayon ay talagang pinagmamatyagan ng Palasyo, hindi lang ng Palasyo kung hindi ng taumbayan. So, we will see kung anong mga development. Mahirap lang mag-speculate kasi iyong sa huling sinabi ni Presidente, it obviously tells us na the President has the confidence and the trust for—Commissioner Nick has the trust and confidence of the President.

MILKY: Merong kantiyaw is Mayor Deo Macalma, mukhang hindi daw naging effective iyong pagiging tagapamagitan ng Pangulo sa away ng maybahay at siyempre at si Chairman Bautista sa isyu nilang mag-asawa, hindi daw effective ang Pangulo doon sa kanyang pagre-referee? Tumagal pa ng tatlong oras, sabi ni Mayor Deo Macalma.

SEC. ANDANAR: Alam mo It is sad that this have to happen between the couple, pero it will cause for national concern. Sapagkat ito ay malaking halaga ng pinag-uusapan natin ‘no at sabi ng asawa ni Chairman Andy it could be worth billion di ba and then considering na si Chairman Andy is the head of Commission on Elections. So tingnan natin kung ano ang magiging resulta ng investigation naman ng National Bureau of Investigation. Pero for the President to listen to the problem of the wife o ni Mrs. Bautista for 2 to 3 hours, mukhang talagang seryoso itong problema at the President is really taking this seriously.

MILKY: Okay, lastly, Secretary Andanar, ano ang schedule ngayon ng Pangulo, araw ng Lunes?

SEC. ANDANAR: Ngayon, maraming mga magsa-submit ng kanilang mga credentials, ambassador-designate sa President at after that magkakaroon ng isang courtesy call ang Foreign Minister ng Australia at Secretary of State ng United States sa Malacañang. Iyon po ang magiging schedule ngayon ng Pangulo.

MILKY: Okay, maraming salamat. Meron ka bang impormasyon, merong sinasabi si Lakay Deo Macalma dito eh, Resty Narzon, meron daw schedule mamayang hapon kay Pangulong Duterte?

SEC. ANDANAR: Wala dito sa ano eh.

MILKY: Wala sa schedule mo.

SEC. ANDANAR: Yung sa mga ambassador eh.

MILKY: Sige abangan na lang namin. Maraming salamat, Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Milky, mabuhay ka.

##

Resource