Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar (Meet the Press on Air, Radyo Pilipinas with Lakay and Paul Gutierrez)

PAUL:                                                  Maputol lang sandal. Alam mo ba kung sino nasa linya natin ngayon? Iwe-welcome lang daw tayo sandali sa ating programang bagong-bago, Meet The Press on Air. Secretary Martin Andanar…Sino pa? Sec. Martin Andanar na naman.

LAKAY:                                               ‘Ayan oo, kanina lang pinag-uusapan natin ‘yan ah…

PAUL:                                                  Secretary Martin, magandang umaga.

SEC. ANDANAR:                            Magandang umaga Lakay, Paul… Congratulations sa bago ninyong programa, Meet The Press On Air dito sa Radyo Pilipinas.

PAUL:                                                  Thank you very much din po Secretary Martin sa pagbibigay sa amin ng pagkakataon na magkaroon ng programa dito sa Radyo Pilipinas at you are really amazing me dahil noong magpunta po ako dito Secretary, medyo hindi pa bago iyong ano eh… iyong surrounding. Ngayon maganda at moderno na, at napakalakas na ng air-condition (laughs)

SEC. ANDANAR:                            Salamat, Paul. Alam mo hindi pa tapos ‘yan. Kabibili pa lang iyong mga bagong gamit, nasa barko pa, parating pa lang. Siguro two to three weeks from now ay talagang magbabago na lahat ‘yan, pati iyong mga panels, iyong inyong mga consul, pati iyong ibang mga radio booth diyan. Tapos mayroon tayong gagawing pagsasaayos ng theater, may theater kasi diyan paglabas mo diyan sa booth mo, kaliwa mayroon diyang malaking theater. ‘Pag pinasok mo ‘yan, mga otsenta to 100 people ang kayang mag-occupy diyan sa theater na ‘yan. So aayusin natin ‘yan pati iyong canteen, lahat… alang-alang sa Philippine Broadcasting. Para mas lalong ganado iyong ating mga kababayan, ating mga kasamahan sa government media na manilbihan pa nang husto. Alam naman natin na iyong mga kasama natin ay nagtatrabaho kahit na hindi maayos ang gamit, eh siguro lalo na kung maayos ang gamit. So they really deserved this.

PAUL:                                                  Tama kay diyan Secretary, at kanina nga bago ka nag-on air ay pinag-uusapan nga namin ni Lakay iyong mga naobserbahan naming mga pagbabago sa communication arm ng gobyerno ‘no, especially iyong mga inilunsad mong mga rehabilitation and everything like that, kagaya nga po noong doon sa IPC. Nakomento nga namin, sa nakaraang anim na taon ng Aquino administration, ni hindi namin nakitang ipinagawa ‘yan. Eh noong pagpasok po ng gobyerno ni Pangulong Duterte at pagpasok mo diyan sa PCOO, eh natutuwa kami at sabagay dati kang miyembro ng media, broadcast journalist at nakikita mo rin ang pangangailangan ng ating mga kasamahan sa hanap-buhay. Kaya nga, we really appreciate na kahit itong ganitong kaliliit na bagay ay napapansin mo Secretary at nabibigyan ng tugon.

SEC. ANDANAR:                            Thank you, Paul. Alam mo ako ay… I just work na as if this is my last day. Kaya nga ginagawa ko, binibilisan ko lang kasi alam mo we all serve at the pleasure of the President. And by the way, itong Presidential Press Briefing Room, iyong huling taon na inayos ‘yan was 2008 if you remember Paul, panahon ni GMA ‘di ba, dating Pangulong GMA. So ‘pag pumunta ka sa Press Briefing Room ngayon sa Malacañang, makikita mo na bulok siya, makita mo na amoy ihi ng daga, hindi na maganda. Pero ngayon, we are currently overhauling the entire Presidential Press Briefing Room, inaayos natin ‘to and bought state of the art. Kasi alam mo, ito ay isang facts of life na we really have to put our best foot forward.

LAKAY:                                               Tama ‘yan. Tama ‘yan.

SEC. ANDANAR:                            ‘Di ba eh… nakakahiya noong pumunta iyong mga Miss Universe diyan ‘di ba?

PAUL:                                                  Oo at saka hindi lang ‘yan, siyempre kung mayroong mga media briefing diyan, iyan ang focus ng camera eh hindi ba. So iyong mga hindi nakakapunta diyan, eh siyempre nasa, global na tayo ngayon, makikita nila kung gaano kaganda o kasagwa iyong background, iyon pa lang hindi ba, iyon pa lang ika nga eh, we will be judged accordingly kung ano iyong nakikita noong mga nanonood sa ibang lugar.

SEC. ANDANAR:                            So i-invite ko iyong buong National Press Club, mga officers sa launching niyan. Mangyayari ang launching niyan first week of September, kinumbida natin lahat ng mga dating press secretary at siyempre imbitado rin natin ang ating guest of honor, of course si Presidente Duterte para mag-cutting ng ribbon. Tapos kahapon lang, pumunta rin ako sa press corps area, press office… dito sa tabi ko. Kaya tinitingnan-tingnan ko kung anong dapat gawin para maayos na rin iyong opisina dahil pati iyong mga carpet doon, Diyos ko, amoy ihi na rin…

PAUL:                                                  Oo, totoo ‘yan Secretary.

SEC. ANDANAR:                            So konting tiis na lang sa mga kasamahan natin sa industriya, mga mamamahayag, mga reporter, NPC, dadarating din iyong ginhawa sa press office.

PAUL:                                                  Pati meryenda siguro, baka mas masarap na meryenda.

SEC. ANDANAR:                            Hindi, maruya ang meryenda natin, masarap (laughs).

LAKAY:                                               Well Secretary, kami’y nagpapasalamat dahil sa… nagulat kami ni president at saka ni director dito, na akala namin isang oras ano, isang araw lang iyong binigay mong programa sa amin. Aba, dalawang araw pala, Sabado saka Linggo, sobra-sobra na.

SEC. ANDANAR:                            Alam mo Lakay tama ‘yan, kasi iyong National Press Club, ito iyong talagang institusyon sa bansa natin eh. Siguro konti lang ang nakakaalam, lalo na iyong mga bata, pero ito talaga iyong nag-alsa ng bandila, ng lampara ng press freedom sa bansa natin mula pa man noon hanggang ngayon. So kailangan ay tulungan ang National Press Club na magkaroon ng programa tulad ng ‘Meet the Press On Air’ para mas maging aware ang lahat ng mga kababayan natin, lalong-lalo na iyong mga kasamahan natin sa mga probinsiya. Sasabihin nila na iyong National Press Club sa ilalim ng Pamumuno ni Paul Gutierrez ay buhay na buhay at malaki ang pag-asa, ang tsansa na mas lalo pang umasenso at mas lalo pang lumawak ang kaniyang naabutan o reach, kumbaga sa pamamagitan ng Radyo Pilipinas.

PAUL:                                                  Iyon… with that fine words Secretary eh parang gusto kong maiyak eh… (laughs)

SEC. ANDANAR:                            (Laughs) Malayo ako, nandito ako sa Siargao ngayon eh… Binisita ko kasi itong lupang hinirang ng tatay ko eh. Dito siya pinanganak sa Sta. Monica, so sabi ko—iyong anak ko kasi gusto ring makita. So sabi ko sige punta tayo ng Siargao tutal tapos na naman iyong SONA para makapag-isip-isip din tayo kung ano pang mga puwedeng gawin sa susunod na linggo.

PAUL:                                                  O ‘yan maganda ‘yan Secretary. And muli ang pasasalamat ng National Press Club and for also giving us the time na sa pilot episode ng Meet the Press On Air, ang unang-unang bumati sa atin, siyempre po mga kababayan ay ang ating Press Secretary, Secretary Martin Andanar, sir.

SEC. ANDANAR:                            Oo nga pala Paul at Lakay, bago ko ibaba iyong telepono, gusto ko lang sabihin sa inyo na nag-usap kami ni Lakay sa isang interview… I think it was last week. Tapos iyong sabi ko nga na plano ko habang nandito tayo sa PCOO, na gumawa ng programa para mabigyan ng mga health benefits iyong mga kapatid nating media, lalo-lalo na iyong sa probinsiya. So maybe with the NPC, tapos iyong grupo ni Lakay at tayo sa PCOO, maybe we can meet together, come up with the project na mabibigyan natin ng mga health benefits, mga medical benefits lalong-lalo na iyong mga may sakit nating na mga kasamahan sa industriya, mga radio reporter, mamamahayag, writer, columnist na nakikita ko doon sa… Sa GenSan pa lang pagpunta ko doon eh, alam mo naman kung sino—makikita mo kung sinong hindi na maganda iyong pakiramdam eh.

PAUL:                                                  Oo, sa lakad pa lang at sa tayo pa lang alam mong may problema na (laughs).

SEC. ANDANAR:                            Oo, sa hinga pa lang eh naririnig mo na iyong ano eh… mayroon nang whistle eh. So iyon, sana mag-meeting tayong tatlo at matulungan ninyo rin kami sa opisina kung papaano natin gawing ‘tong programa na ito para—mas lalong madaling panahon at sa buong Pilipinas ay mayroon din tayong kahit papaano matulungan na mga kasamahan natin sa trabaho.

PAUL:                                                  Yes Mr. Secretary, rest assured tutulungan ka namin diyan kung lalong madaling panahon ‘yan, eh ‘di ibig sabihin niyan sa Lunes na tayo mag-uusap niyan, ganoon ba iyon?

SEC. ANDANAR:                            Sa Martes ako darating.

PAUL:                                                  Ah Martes, okay. So puwede siguro tayong what… bigyan ka naman siyempre namin ng isang araw na pagpapahinga, ‘di Miyerkules tayo magmi-meeting niyan.

SEC. ANDANAR:                            Oo sige mag-meeting tayo, ako, ikaw, si Lakay… doon tayo sa opisina ko.

PAUL:                                                  Okay sir, sinabi mo Secretary…

SEC. ANDANAR:                            Mabuhay kayo. Mabuhay ang NPC, mabuhay po si Paul at si Lakay at congratulations sa bago ninyong programa, Meet the Press On Air.

PAUL:                                                  Salamat po, Secretary Martin Andanar.

###

Resource