Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Maricel Halili (Aksyon TV – Punto Asintado)

HALILI: Marami tayong pag-uusapan ngayon, Secretary. Kasi siyempre kahapon, nabasa namin iyong guidelines tungkol doon sa mga bloggers, ano po. Ang sinasabi, basta 18 years old and above at saka 5,000 followers, puwede nang i-accredit. Mayroon pa po bang ibang mga qualifications bago po mabigyan ng accreditation for the Presidential coverage?

SEC. ANDANAR: Okay. Maraming salamat, Maricel, sa pagkakataong ito. Number one, gusto kong linawin sa lahat na ito ay isang interim, pansamantalang social media practitioners accreditation. Kasi ho – ito ho ang nangyari diyan, Maricel – nag-invite ho tayo nang napakadaming social media, nag-invite tayo ng mass media, nagkaroon tayo ng All Media PH activity sa UP, tapos invite tayo. Kaso wala hong umatend nang ganoong kadami, and no one really participated so much except for the social media people.

So sabi ko, hindi puwedeng gawing permanente ito sapagka’t hindi naman—well, kumbaga kulang iyong inaasahan ko na maging all inclusive ‘di ba, na makilahok sa discourse, sa usapan. That’s why it’s interim, because we are still open to comment and suggestions.

Okay, so balik sa inyong tanong. Bukod doon, ano pa ang requirements para puwedeng mag-cover doon sa … except for 18 and above at mayroon kang 5,000 followers. Kailangan mayroon kang constant, mayroon kang consistent na content creation na may kinalaman sa news at may kinalaman sa current affairs na nilalagay mo sa iyong blog o sa iyong social media account. Marami ang nagsasabi na hindi siya ganoon kaistrikto. Number one, we are just being inclusive, as in kasama lahat. Alam natin, itong social media world ay bago lang ito. At the same time, hindi rin natin siya maikukumpara sa inyo, Maricel, na mga professional media practitioners. These are bloggers and these are social media practitioners who are not journalists, okay. So let’s try to make sure na maintindihan ng lahat na hindi journalist ang turing natin sa social media practitioner, kung hindi they are professional bloggers, okay.

Now, kung gusto ninyo pong malaman iyon ba pang mga requirements ay mayroon naman tayong Department Order #15 na puwede ninyong basahin. Tapos, iyong pagbibigay nga pala ng requirement na mag-cover sa isang blogger, social media, kapag nag-apply sila, it’s an event basis. Hindi tulad sa inyo, Maricel, na isang application lang, tuluy-tuloy na, ‘di ba, sa Malacañang. So, you will see the stark difference.

And again, let me remind everyone that this is an evolving social media policy, kaya nga interim siya.

HALILI: Opo. Sir, paano iyong magiging safeguard, kumbaga, doon sa mga pagko-cover ng mga bloggers? Kasi when it comes doon sa mga ethics and all, mayroon bang mga ipagbabawal sa kanila or anything?

SEC. ANDANAR: Alam mo, iyon ang debate eh. Kasi iyong unang version nito, itong social media policy, nandoon lahat iyong international standards, everything. Pero as you may understand, the social media policy is under the office of Assistant Secretary Mocha Uson. So iba rin iyong kanilang pananaw. So that’s why it’s interim, because it’s not final and we are accepting more suggestions from different bloggers and social media practitioners and, of course, from the mainstream media. So please feel free to submit it to PCO, to my office, at titingnan natin iyan. Kasi hindi naman puwedeng hindi mag-evolve ang isang dokumento.

HALILI: Sir, panghuli na lang ha, medyo kinakapos na kasi sa oras eh.

SEC. ANDANAR: Dagdagan mo iyang oras mo. [laughs]

HALILI: Hanggang ten o’clock lang eh. [laughs] Sir, paano iyon, I mean, magkakaroon ba ng another dialogue, open dialogue among the bloggers and the mainstream media para sabi nga po ninyo, eh interim pa lamang eh?

SEC. ANDANAR: Alam mo, Maricel, through the Malacañang Press Corps, through your organization, puwede ninyo namang pag-usapan iyan ‘di ba, diyan sa Malacañang Press Corps. Tapos mag-meeting tayo para isang upuan na lang. Ganoon ang gawin natin tapos just course it through your MPC officers, and we can talk about it as soon as possible kung kailan ninyo matatapos iyong inyong version na gusto ninyong iparating din sa PCOO.

HALILI: Okay, sige po. Maraming, maraming salamat po sa inyo. Magandang umaga.

SEC. ANDANAR: Salamat, Maricel. Mabuhay ka.

##

Resource