Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Leo Palo (Radyo Pilipinas, Kaagapay ng Bayan)

LEO PALO: Secretary, magandang morning, ‘Merry Christmas in advance at Happy New Year.’

SEC. ANDANAR: Good morning, Leo. Good morning sa lahat ng nakikinig sa atin dito sa Radyo Pilipinas uno.

LEO: Iyan hindi na ako magpaligoy-ligoy pa pero sa dami po ng—marahil ay hindi namin na-contact iyong NDRRMC pero marami tayong napabalita diyan sa Bagyong ‘Vinta’, maraming nasalanta, maraming naapektuhan dahil sa pagragasa ng buhos ng ulan dulot ng bagyong ito, maging si SAP eh nagsagawa na ng kaniyang sariling Evacuation Rescue Operation diyan sa Davao. Ano ang mensahe ng ating mahal na Pangulo in this matter, Secretary?

SEC. ANDANAR: Kailangan talaga tayong maging alisto, kailangan tayong mag-ingat lalong lalo na iyong mga lugar na tinamaan nitong Bagyong ‘Vinta’ dito po sa may Misamis Oriental, sa may Lanao, kasama po iyong—talagang naapektuhan diyan iyong munisipyo ng Tubod, sa Lanao Norte. Pero batay nga sa report ay tumaas na iyong death toll ng tatlongpu, tapos iyong halos karamihan diyan ay mula dito sa Tubod, sa Lanao del Norte. And mayroon pang mga nawawala dahil nalibing—ito po ay dahil sa landslide, dulot ng landslide sa ilan sa mga lugar diyan. In fact iyong lugar nga namin sa Cagayan De Oro, doon sa Barangay Tibasak ay iyong tubig ay tumaas na naman hanggang bubong pati iyong bahay namin doon ay nalubog po sa tubig baha.

LEO: Eh kasama ka pala dito sa datos ng ano—mga biktima?

SEC. ANDANAR: Ah oo, oo. Mayroon kaming mga—kasi taga Cagayan De Oro po iyong nanay ko. Mayroon po kaming property doon sa Tibasak, kapit-bahay namin. So, we just have to be very careful. Ang kailangan natin ay makinig sa ating otoridad, sa ating mga barangay tanod, barangay captain, sa municipal risk and reduction coordinating council sa—ganoon din sa regional disaster coordinating council. Huwag po kayong mag-alala dahil ang atin namang DSWD ay parating may naka pre-position iyan na mga food pack para tulungan ang ating mga kababayan.

And ang ating Armed Forces of the Philippines ay nakahanda rin namang tumulong sa mga kababayan natin na nangangailangan ng—lalong lalo na iyong mga naapektuhan na ng landslide ‘no. So we just have to be careful and for those of us who are safe dito po sa Metro Manila at iba pang mga lugar, let’s keep on praying for our countrymen na naapektuhan po nitong Bagyong Vinta. At kung mayroon po tayong sobra, dapat din nating ibigay, i-donate, itulong bilang ayuda. Huwag po tayong mag-atubili, just also for the spirit of Christmas.

LEO: Tama iyan.

SEC. ANDANAR: Opo.

LEO: Hindi naman natin sinasabing konti lang ‘yung mga nasalanta pero sabi nga natin, dapat maging doble talaga ang pag-iingat para hindi na tayo umabot pa sa mas malaking bilang ng mga masasalanta o masawi dito sa bagyo dahil kung sa ‘Urduja’, 46 at may mga nawawala pa, dito mahigit 30 na. Eh huwag naman sanang madagdagan pa bago sumapit ang Kapaskuhan, Secretary.

SEC. ANDANAR: Opo, talagang nakakalungkot itong mga nangyayari dulot ng masamang klima. Kagabi nga ay pati si Special Assistant to the President Bong Go ay napasabak din sa rescue efforts ng local government ng Davao. Mayroon din siyang mga nasagip… si Bong. At ganoon ho talaga, we have to be men for others, Leo.

LEO: Iyong Jade Valley kasi diyan sa isang subdivision sa Davao medyo ano talaga ‘yan eh, medyo catch basin eh kaya lumubog diyan sa area’ng diyan. Eh ‘di ba doon tumama ‘yung bagyo din sa may Cateel. Although sa Cateel lang eh ang lakas naman kasi ng buhos ng ulan nitong si ‘Vinta’ kaya talagang maraming apektado dito sa bagyong ito. Well, sabi nga natin, isama natin sa panalangin ang ating mga kababayan ang ating mga nasalantang mga kababayan, mga apektadong mga kababayan sa mga lugar na ito. Actually, hindi pa nakakalabas, Secretary, ang bagyo. Nasa Zamboanga Peninsula area pa. Ito’y paparating pa lang diyan sa may bahagi naman ng southern part ng Palawan kaya pinag-iingat natin sila diyan lahat.

SEC. ANDANAR: Oo nga. At kailangan mag-ingat po tayong lahat. We need to be mindful of our actions.

LEO: Alright, Secretary. Ibang ano—may text dito si Ms. Leila. Sabi niya “to what does the Palace daw attribute the ten-point increase in the President’s net satisfaction rating?”

SEC. ANDANAR: Well, marami naman ‘yan. Unang-una, we must also give it to the economic cluster of the President’s Cabinet at sa ating mga congressmen, mga senador na nagtrabaho upang maging—o maisabatas itong tax reform. At ito po ay malaking tulong sa ating mga kababayan sapagka’t noventa y nuwebe porsiyento na mga kababayan natin ay bababa ‘yung kanilang income tax or tuluyang mawawala. More than 80 percent na mga kababayan natin ay kumikita ng P250,000 pababa kada taon so which means that wala silang babayarang income tax sa susunod na taon, at mararamdaman talaga nila ‘yan next year sa filing ng income tax return. Siguro pati sa BIR, Leo. Baka biglang maging tahimik ang BIR, walang pipila doon.

LEO: Naging tahimik bigla eh ‘no. Pero Secretary, anong reaksiyon mo doon sa ilang mga… ‘di naman siguro kritiko pero nangangamba na sabi nila’y mas apektado daw ang mga mahihirap dito sa sinasabing ito, at mas nakalalamang ang mga mayayaman dito?

SEC. ANDANAR: Well, alam mo siyempre mayroon naman talagang kritiko. Baka—base sa pinakahuling survey ay 71% nga ‘yung approved kay Presidente, satisfied; undecided ang 15. Tapos mayroon kang 13 percent na dissatisfied. And some of those 13, belonging to the 13% are the critics. Ito alam mo, babanggitin ko ulit, bukod doon sa tax reform na very pro-poor eh wala na sigurong po-pro-poor dito. Kasi biro mo, lahat ng sumusuweldo ng hindi sosobra ng P21,000 ‘di ba, sa isang buwan eh hindi na magbabayad ng income tax, tapos that’s more than 80 percent of the population. And then you will have also the signing of the President of the policy na libre na ‘yung edukasyon sa state universities and colleges.

So, saan ka pa ‘di ba… libre na ang edukasyon sa state universities, basta doon ka lang mag-aral sa SUC, libre ang edukasyon. Tapos kung ‘yung mga magulang mo ay hindi kumikita ng 251,000 a year, ibig sabihin wala silang binabayaran na income tax. Tapos kung ikaw naman ay talagang doon sa pinaka-marginalized sector, pinakamahirap ay mayroon kang Conditional Cash Transfer. What I understand is madadagdagan ng P200 kada buwan. At mahigit 10 milyon na households o pamilya ang makikinabang dito. So, saan ka pa? This government is really the most pro-poor government.

LEO: Actually, kaya gusto kong kunin ‘yung ilan sa mga sinasabi nila na parang, “Oo nga, makakatanggap kami ng ganito. Kung P250 down kami annually, ang income ay hindi kami mata-tax.” Pero ang sinasabi nila is titirahin naman kami—matatamaan naman kami doon sa mga mamahaling bilihin, mataas ang singil sa tax ng mga bilihin.

SEC. ANDANAR: Oo. Well alam mo kasi… hinahanap ko dito ‘yung… ito ‘yung sa Tax Reform: Acceleration and Inclusion package. Makikita natin na hindi lang naman doon sa income tax ng P250,000 per annum. Basta any Filipino, his first P250,000 na kikitain sa isang taon, walang income tax – lahat ng Pilipino. Tapos kung ikaw ay kumikita ng dose mil or kinse mil or P21,000 or P22,000, eh exempted ka sa pagbabayad ng income tax. Hindi lang ‘yun. Hindi lang ‘yun, ‘yung mga small and micro-entrepreneurs ay magiging simplified na ‘yung tax sa otso porsiyento ng gross sales.

So napakasimple na po… ‘yung mga mayroon pong mga kamag-anak na pumanaw na, na mayroong mga estate ay bababa rin po from 20 to fixed rate of 6% ‘yung estate tax. O tapos ‘yung mga donor, ‘yung mga gustong magbigay, from 15% to 6% na lang ‘yung babayaran na tax. Sa VAT naman Leo, ito mahalaga ito sa mga kababayan natin.

LEO: ‘Yan, ‘yan…

SEC. ANDANAR: Mayroong mga 54 na special laws repealed doon sa non-essential VAT exemption kasama diyan ‘yung mga may diabetes, mga gamot sa diabetes. ‘Yung high cholesterol, ‘yung mayroong high-blood, hypertension ay hindi na magbabayad ng VAT sa medisina. ‘Yung mga purchases ng mga senior citizen, mga disabled, iyon ‘yung mga makikinabang doon. Tapos nabanggit ko nga kanina ay 10 million sa mga kababayan natin or households ay makakatanggap ng P200 kada buwan ngayong 2018; P300 ngayong 2019 and 20. At tandaan natin na kung ang inyong mga anak po ay nag-aaral ng kolehiyo, libre po sa mga state universities and colleges. Now, ang kanilang argumento ng mga kritiko, ay pagtaas daw ng langis ‘di ba, Leo?

LEO: Correct. Oo, isa ‘yan.

SEC. ANDANAR: So, tataas ‘yung bilihin. Hindi ba nila naisip na dahil dito sa TRAIN or Tax Reform for Acceleration and Inclusion ay tataas din po ang koleksiyon ng ating bayan, ng ating gobyerno na nangangahulugan na mayroon ho tayong pondong pagkukunan…

LEO: May panustos na tayo.

SEC. ANDANAR: Oo, doon sa mga malalaking infrastructure projects ng gobyerno – mga highway, footbridge, mga subway… lahat po, airport. So kung marami hong proyekto na na-implement na ngayong 2018, kasi 2018 po talaga ‘yung target na ma-implement eh, ay babaha ho ng trabaho. Ngayon, pag may trabaho ‘yung tao, gagastos ‘yung tao, iikot ang ekonomiya.

LEO: At saka this time around, ang BIR ay talagang makakatutok na doon sa mga hindi nagbabayad talaga ng mga buwis lalong-lalo na ‘yung mga malalaki.

SEC. ANDANAR: Oo, siyempre mapipilitan talaga ‘yung BIR na i-reporma sapagka’t malaki hong porsiyento ng ating mga trabahador ay hindi na ho magbabayad ng income tax. Therefore, they are really forced to collect from the bigger companies at ‘yung mga excise taxes at ‘yung iba pang mga tax na very essential para sa survival ng ating bansa. Ganoon din po ‘yung Bureau of Customs na nag-improve na po ‘yung kanilang tax, ‘yung kanilang revenue collection, tax collection.

LEO: Alright, Secretary. Ito pa, from Leila pa rin. The survey also found out that majority opposed daw the year-long extension of martial law in Mindanao. How is the Palace taking this? How will this affect the government’s implementation of martial law in Mindanao?

SEC. ANDANAR: Majority is? I’m sorry ‘di ko masyado narinig.

LEO: Sandali ha… Majority opposed the year-long extension of martial law in Mindanao.

SEC. ANDANAR: Hindi ko kasi nabasa ‘yung detalye na ‘yan… Hindi ko alam kung majority sa buong bansa, majority ba sa Luzon, majority ba sa Metro Manila. So ayaw ko munang mag-komento. Gusto ko makita muna ‘yung pinakabuod ng detalye na ‘yan.

LEO: Alright, si Vanz Fernandez. Ano ba ang sinasabi ni Vanz? Do you think that NPA will be true to their unilateral ceasefire declaration this Yuletide season—on the statement released by NPA’s ceasefire?

SEC. ANDANAR: Tayo naman ay optimistic. Ayaw naman nating maging negative at ayaw nating manghula kung ano ang mangyayari bukas. Pero, ang mahalaga ho ay nag-declare ng unilateral ceasefire ang ating gobyerno para makauwi ang mga sundalo sa kanilang mga pamilya, at sumunod ‘yung CPP-NPA-NDF na nag-declare ng kanilang unilateral ceasefire. So, at least for this Christmas ay masaya po ang ating mga sundalo at masaya din po ang kanilang armed group na New People’s Army.

LEO: Other matters…. sabi niya—kay Ate Vanz pa rin ito. Will the President gather information daw on the allegations, ito na ‘yun, that PCSO General Balutan spent too much on their Christmas party as said by Sandra Cam?

SEC. ANDANAR: ‘Antayin natin ang magiging investigation ng PCSO mismo, sila mismo ‘yan eh. At alamin natin kung ano ‘yung magiging sagot po ng Office of the Executive Secretary. Alam na naman po ng Palasyo ang nangyari pero we want to give everyone the benefit of the doubt at ‘pag natapos ‘yung imbestigasyon, then let’s wait for the President’s decision.

LEO: Well, i-relate natin ng konti. Eh ang Pangulo ay determinado po kasing linisin ang mga corrupt government officials pero ito ay isa na. Ang ERC, mukhang magsosolo yata si bagong ERC Chair Devanadera. Secretary, mayroon bang mga itatalaga ang Pangulo doon na bago?

SEC. ANDANAR: Well kung ano, kung mayroon pong mga nangyayaring pagtanggal ng mga commissioners o mga members diyan ng ERC, definitely papalitan talaga. Ang importante ho dito ay nakikita ninyo, ng buong bayan, na hindi ho tumitigil ang Presidente sa kaniyang drive in thwarting graft and corruption, in thwarting illegal hard drugs sa bansa natin. At ipatuloy po na misyon para magkaroon po tayo ng kapayapaan sa buong bansa, at ‘yung pagbaba po ng kahirapan mula 21% to 14% by the end of the President’s term.

So kitang-kita ninyo naman, na hindi talaga… hindi na… hindi na—kumbaga, nalalagay sa—or the President has not put astray to his promises during the campaign at naka-focus po talaga si Presidente, naka-focus po talaga siya na ipagpatuloy ‘yung kaniyang mga ipinangako ng kampanya, lalo na doon sa apat na binanggit ko ngayon-ngayon lang.

LEO: Alright. Ito, sa kabila daw ng babala ng Department of Health, ito ang matindi dito, at ng Palasyo, may dalawa na, ‘yung kasong firecracker-related injury sa Maynila at diyan sa Pasig. May panawagan ba ang Palasyo muli dito, Secretary?

SEC. ANDANAR: ‘Yung sa firecrackers?

LEO: Oo, dalawa na. eh kulit talaga ng mga bata eh.

SEC. ANDANAR: Eh, alam mo naman na pinirmahan na po ni Presidente ang polisiya na ‘yan, na magkaroon po tayo ng isang designated firecracker display area at marami na hong ipinagbabawal na paputok ang—talagang hindi na puwedeng ibenta. Ako, for one, Leo, napansin ko sa pagmamaneho ko ay wala na masyado akong napapansin na mga nagtitinda ng mga paputok sa mga kalye.

LEO: Nakatago, Secretary.

SEC. ANDANAR: Nakatago ba? Basta ganito, ‘pag kayo po ay magpapaputok sa inyong mga tahanan ay huhulihin po kayo ng barangay ninyo, wala ho kayong magagawa. At kung mapuputulan po ng daliri kayo o ang inyong mga anak, eh siguro wala na kayong dapat sisihin kundi sarili ninyo lang dahil ipinagbawal na nga.

LEO: Pero sa kabila ng lahat punta kayo sa PGH, libre na ibalik ‘yung kamay ninyo.

SEC. ANDANAR: Well, kung puwedeng iwasan ‘yan ‘di ba, na… ako nga, alam mo unang coverage ko, Leo, sa ano eh, dun sa PGH eh. ‘Di ba siyempre ‘pag bagong reporter ka dun ka ina-assign sa ano, sa—‘pag New Year’s Day ‘di ba, ‘pag New Year’s Eve?

LEO: Yes, oo… mga hospitals talaga.

SEC. ANDANAR: Hospitals… So we’ll see this ano, we’ll see this coming ano, this coming New Year. Last year bumaba ng 30% ‘yung mga nasugatan due to firecrackers, so tingnan natin this year. At sa pamumuno po ni Secretary Francisco Duque ay wala naman ho tayong duda na kaya niyang i-implement itong nangyari pong—itong pinirmahan po ni Presidente na polisiya.

LEO: At saka ‘yung mga nagpapaputok ng baril, Secretary, sa New Year.

SEC. ANDANAR: Naku, Diyos ko po… isa pa ‘yun ‘di ba? So, at the end of the day, we will all realize na mas masaya na mayroon lang isang designated area na puwedeng magpaputok, ma-e-enjoy natin lahat tapos mayroon pang nagbabantay na taga-barangay o PNP para siguraduhin na wala ho diyang mga paputok na nakakamatay, tulad ng mga Goodbye Philippines, ‘di ba?

LEO: Parang ayaw ninyo na sa… parang ayaw ninyo na… parang ayaw na nila sa Pilipinas pagkatapos noong ano eh, putok eh.

SEC. ANDANAR: Ano ‘yun?

LEO: Parang ayaw na nila sa Pilipinas pagkatapos noong putok, Goodbye Philippines eh.

SEC. ANDANAR: Oo nga… mayroong mga ganoon ‘di ba?

LEO: May mga names na ganiyan eh ‘no?

SEC. ANDANAR: Oo, mga Og, ano ba ‘yun… Og?

LEO: Pla-pla, ano pa ba? Mga lolo-lolo pa na hindi ko maintindihan.

SEC. ANDANAR: Judas’ belt.

LEO: Oo…

SEC. ANDANAR: So at least ‘pag wala ‘yung mga ‘yun—naalala ko noong unang coverage ko eh nabasa ko sa ano, nabasa ko sa ano… sa Bulgar ba ‘yun na diyaryo? Hindi, actually sa lahat ng tabloid, kinabukasan ‘yung lolo namatay dahil sinaksakan ng… ng Og ‘yung kaniyang bibig habang natutulog, ‘yung mga ganoon.

LEO: Grabe ‘yung mga ganoon ano?

SEC. ANDANAR: Hindi, dami—ang dami noon ‘di ba? Noong mga panahon natin noong mga kabataan natin.

LEO: Ang classic lagi niyan ‘yung tipong naitapon ang—tawag dito, ang sigarilyo, ang naiwan ‘yung ano, ‘yung five-star dun sa kamay.

SEC. ANDANAR: Oo. Tapos nakalagay doon, “Mama, lima na lang ang daliri ngayong 2018.”

LEO: Nawala lahat ‘yung kabila eh ‘no. Eh dapat talaga doble ingat pa rin, saka siyempre, hindi ba talaga natin matigil ‘yan? Bakit kailangan magpaputok at the same time puwede namang maging masaya na ingay lamang? Noong panahon natin nun eh, tuktok lang ng ano eh, ng kaldero saka ano, lata okay na eh, masaya na eh.

SEC. ANDANAR: Oo, okay na. Pero alam mo ‘yung—

LEO: Sabi noong mga lolo natin nun talon lang para tumangkad, tingnan mo, ang tangkad-tangkad mo ngayon.

SEC. ANDANAR: Oo nga eh, nasobrahan nga, oo – ‘yung fascination kasi na mayroong sumasabog ‘di ba, saka ‘yung lumilipad. Pero ano pa rin ‘yan eh, it boils down to education at patnubay ng magulang, dun pa rin ‘yan eh, kasi… Ang dami kong ano eh — ang dami kong mga kaibigan dati na naging biktima na, ‘yung mga watusi, ‘yung mga ganoon ‘di ba? ‘Yung bigla na lang puputok ‘yung watusi habang nandoon sa bulsa, tapos masusunog ‘yung kaniyang paa, ‘yung mga ganoon ba?

LEO: Nagulat nga ako dahil dati-rati hindi naman ‘yan nakakatakot eh, ngayon nakakatakot na, pati piccolo, nakakatakot na rin eh. Ano ba naman—

SEC. ANDANAR: Lalong-lalo na ‘yung… ‘yung mga kabataan na naghahanap ng mga paputok na hindi puputok ‘di ba? ‘Yung…

LEO: Kinukuha ‘yung mga ano mga pulbura, ‘ayan.

SEC. ANDANAR: Oo pulbura, tapos gagawa ng mga Milan Cross Diyos ko po. ‘Yung kaibigan ko ubos ang kilay nun dati. Oo, dahil naglaro pulbura. So it’s really difficult to play with fire, Leo. So…

LEO: Mahirap talaga ‘pag fire ang pinag-uusapan.

SEC. ANDANAR: Oo, mahirap talaga. So mayroong campaign si ano, si Secretary Duque, in the few days, tungkol diyan sa firecrackers.

LEO: Secretary, dalawa na lang ito, ihabol ko lang ito ha. Mayroon kasing isa dito. Ilang mayor daw at ilang kongresista ang kasama sa 87 mga nasa narco-list ni Pangulong Duterte? Although marami naman, lagi namang sinasabi ng Pangulo ito sa kaniyang mga nakaraang speeches. Pero sino ang—talagang ilulutang ba ng Pangulo itong mga ito, kung sino ba itong mga ito?

SEC. ANDANAR: Oo naman. Kailangan lang talagang idaan sa tamang vetting process lahat ng mga pangalan para makasiguro tayo na talagang involved sila sa ipinagbabawal na droga o hard drugs. So once na-vet ‘yan, na na-approve ng Presidente ‘yan ay talagang mayroon silang… mayroon silang kakaharapin na kamay na bakal pagdating diyan. In the hilt, nakakasiguro ho tayo na sila ho ay maghihimas-rehas at pagbabayaran ho nila ‘yung kanilang mga kasalanan. At dahil hindi ho talaga titigil ang ating Pangulo sa problema ho ng droga. ‘Yung 87 na ‘yan, ang alam ko, libo ‘yan eh ‘di ba? Tama ba ako?

LEO: Oo, kaya nagulat ako lumiit eh.

SEC. ANDANAR: Actually, marami pang mga opisyales na mula barangay hanggang congressman. So mga three to six thousand ang nasa listahan niya eh. Ang alam ko. So 6,000 tapos… dati kasi initial lang 3,000 tapos ngayon nasa 6,000 na ‘yung mga pangalan, so kasama ‘yung mga politiko diyan at mga pulis, mayroon ding mga nasa Judiciary. Ang dami, halo-halo na ‘yan.

LEO: Wala naman sa Gabinete?

SEC. ANDANAR: Wala, wala sa Gabinete.

LEO: Speaking of Cabinet, ito, balikan ko lang ito dahil actually may statement ka nito kahapon kung hindi ako nagkakamali. Ang Pangulo ay nagsalita na sa kaniyang mga trip abroad ay babawasan na, tanging ang DFA na lang. Ano bang tama dito? Dahil sabi ni… parang nag-react yata dito si Senator Koko Pimentel?

SEC. ANDANAR: Well, ito naman ay under the Executive branch, so kung anong sabihin ni Presidente sunod lang tayo na nasa ilalim ng Ehekutibo. Of course, iba naman ‘yung Legislative, iba naman din ‘yung Judiciary. So mayroon silang sarili nilang polisiya, basta ang polisiya ng Presidente, mula sa Palasyo, mula sa Malacañan pababa, mga ahensiya, wala nang biyahe. Unless, siguro kung ipaalam mo talaga kay Executive Secretary na itong biyahe na ito ay napakahalaga at malaki ang pakinabang ng bansa natin, then nasa Executive Secretary na ‘yun na…

LEO: Eh kaya ko naman tinanong ‘to Secretary sa iyo dahil you are the communication ng Pangulo, eh paano ‘yan kung hindi ka kasama?

SEC. ANDANAR: Hindi, alam mo ako, kinancel (cancel) ko na ‘yung mga naka-schedule sa akin na biyahe next year, that day itself noong sinabi ni Presidente. So tinatawagan ko ‘yung mga nag-invite sa akin, abroad sabi ko, tapos pinadalhan ko nung late—noong announcement ni Presidente ang sabi ko, hindi na ako tutuloy, pasensiya na at ‘yan ang utos ni Presidente. So I will also encourage the same to the other members of the Cabinet. Kasi ‘yun na nga, unless sabihin ni Presidente talaga na—

LEO: Kasama ka, parang ganoon?

SEC. ANDANAR: Oo, or ma-justify mo talaga na ito’y napakahalaga para sa bansa natin.

LEO: Katulad niyan, Spokesperson si Secretary Harry Roque, alangan namang wala siya dun? Paano mo—ang hirap eh, parang medyo ano yata, mukhang solid ‘yung order ng Pangulo?

SEC. ANDANAR: Hindi, solid talaga… ‘yun ang sinabi niya. Unless… unless baguhin ni Presidente, then magbabago. Pero kung hindi, eh walang biyahe.

LEO: Alright, last and last na lang, Secretary ewan ko kung alam mo ‘to, pero hindi ko alam ito, pangiliti lang daw ito. Eh ‘yung bangayang mag-ama daw, Paolo at Isabelle Duterte ay trending na naman daw sa social media, may gusto ka bang sabihin dun?

SEC. ANDANAR: Actually, wala akong gustong sabihin kasi ano ‘yan, pamilya ‘yan. Ayaw ko hong makialam sa usapan ng pamilya. Kung pamilya ko siguro, iyon… ‘yun ang ano, papakialaman ko lang pamilya ko lang, pero kung pamilya ng iba, hindi ho. So let’s just leave the Vice Mayor and her daughter alone kung ano man ‘yung kanilang conflict for now.

LEO: Tama naman ‘yun. Well, mensahe ng Kalihim ng PCOO sa ating mga kababayan ngayon na nakikinig, sa Kapaskuhan at Bagong Taon, nasa inyo ang pagkakataon, Secretary.

SEC. ANDANAR: Merry Christmas po sa…unang-una, sa mga miyembro ng media, ng Malacañang Press Corps. Ako po’y nagpapasalamat sa MPC sa kanilang walang sawang pag-cover sa ngalan ng malayang pamamahayag, pag-cover po sa ating Pangulo, at sa lahat po ng activities. At dahil po sa coverage na binibigay niyo po sa ating Pangulo, sa ating gobyerno, nalalaman po ng publiko kung ano ‘yung nangyayari sa loob ng Malacañang at kung ano po ‘yung mga polisiya na dapat malaman ng buong bayan na nakikinabang po dun sa mga polisiya na ‘yun.

So ipagpatuloy po natin ang ating magandang relasyon, it is all in the name of public service. And we congratulate all of you sa Malacañang Press Corps for continuing your professional work in the name of freedom of the press. Pangalawa po, ang ating mga… kababayan natin, alam po natin na this is truly a festive season and we are in a festive mood now. Ilang oras na lang po ay… ano ba ngayon, 23 na ba ngayon?

LEO: Two days na lang, Christmas Eve na…

SEC. ANDANAR: Marami po tayong mga kababayan na…

LEO: Ay, two days ba? One-day na lang, hindi two days kasi bukas Sunday na eh. Sunday evening eh ‘yun na, 25 na.

SEC. ANDANAR: Oo, marami po tayong mga kababayan na… talagang may—maraming problema din.

LEO: Actually Secretary, nahihiya lang siya, si Ma’am Jessa Espanes eh nagpasalamat po sa inyo sa tulong na ibinigay ninyo raw po sa kaniya, nahihiyang mag-ere eh.

SEC. ANDANAR: Ah, okay lang. Pero alam mo, si—

LEO: From Marawi, tama ba? From Marawi…

SEC. ANDANAR: Oo, noong nagpunta ako sa Marawi, isa siya sa mga na-retrieve ng—na-rescue ng AFP. Nag-text siya, sabi niya wala na raw silang makain. So, nagpadala tayo ng konting tulong para kahit papaano makakain. Ito po ay taga Iligan, Kristiyano po ito, so they celebrate Christmas also.

LEO: May number ka ba, Secretary? Pa-text nga kami…

SEC. ANDANAR: Oo, puwede. Tapos… Marami ho, marami ho eh. Ikaw. Ito, si Leo, ito may problema ka rin. Alam kong mayroon kang problema ngayon, so…

LEO: Easy-easy…

SEC. ANDANAR: Hindi, hindi ano naman ‘yan…Pero ‘yung ating kaibigang si Melo Acuña, nasa ospital po.

LEO: Uy, ganoon ba?

SEC. ANDANAR: Oo. So, marami ho tayong… marami hong may problema, hindi ho lahat ay nagdiriwang, so let’s give them—

LEO: Sabi ko nga, ito ang Pasko kong malungkot, at ito ang Pasko kong may kasamang leksiyon.

SEC. ANDANAR: Hindi, basta maaayos naman ‘yan eh kung—hindi ka pa nga nagte-text sa akin kung anong nangyari eh. So…

Mr. Palo: Mamaya, ite-text ko sa iyo.

SEC. ANDANAR: Tapos, ganito sana… manawagan lang ako, kasi mayroon kasing isang 17-anyos na estudyante dito sa may Parañaque, Alabang area, ang… halos 48 hours ng nawawala. Ito po ay nagngangalang Ica Policarpio… Siya po ay nagpunta raw sa isang coffee shop, tapos mayroon siyang pera, walang barya ‘yung cashier, lumabas siya ng coffee shop para magpabarya, hindi na ho nakabalik. So Ica Policarpio, I-C-A Policarpio ang apelyido po niya. Tawagan lang po ang mga numerong 0917-894 6893. Uulitin ko po, 0917-894 6893.

Kung mayroon po kayong alam, kung nakita ninyo po, namataan ninyo po siya, ito po, itawag ninyo po sa mga numerong ‘yun, 0917-894 6893 para mapanatag na po ang loob ng kaniyang mga magulang at tayo po’y nanalangin na sana wala man… wala hong masamang nangyari sa kaniya. At kung sino man ang nakikinig na kung kupkop ninyo po si Ica Policarpio, isauli ninyo po si Ica sa kaniyang mga magulang para—

LEO: Maging masaya ang Pasko…

SEC. ANDANAR: Para maging masaya po ‘yung Pasko. So marami po tayong problema, Leo, at ‘yung mga kababayan sa ano, sa Lanao, sa Misamis Oriental, sa Biliran, ipagdasal ho natin sila. And like what I said, kung mayroon po tayong kaunting maibibigay sa kanila ay huwag po tayong mag-atubiling ipadala sa DSWD, kahit anong sangay ng DSWD, para po maipadala din sa mga biktima ng bagyong Urduja at Vinta.

LEO: Well said, Secretary. Maraming salamat din, Secretary, sa panahon mo at maraming salamat din sa isang taon na pagsama ninyo sa amin diyan sa Malacañang Press Corps, at siyempre sa aming mga mamamahayag, hindi lamang dito sa Radyo Pilipinas, kami po ay nagpapasalamat din po sa inyo. Thank you so much for your time, sa oras na ito, sa ating pagtatanghal at tinugon mo ang aming tawag, again.

SEC. ANDANAR: Okay, salamat po. Mabuhay kayo, Merry Christmas…

LEO: Merry Christmas.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource