Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Henry Uri (ACS Balita – DZRH)

HENRY:                                               Secretary, magandang umaga po sa inyo.

SEC. ANDANAR:                            Magandang umaga, Henry. Good morning sa lahat ng nakikinig sa DZRH.

HENRY:                                               Kanya kami napatawag, sapagkat tapos na iyong National Day of Protest, lumabas na kalsada ang mga tao, pro at anti Duterte. Kayo ho bilang Kalihim ng Presidential Communications Operations Office, ano ang inyong masasabi ngayon doon sa naging malayang pagbibigay ng tinig ng ating mga kababayan?

SEC. ANDANAR:                            Maraming salamat, Henry. At nabanggit mo nga malayang pamamahayag, malayang tinig ng bayan natin ay talagang maririnig mo kahit saang sulok ng Pilipinas at ito po at taliwas sa sinasabi ng mga kalaban ng ating Pangulo na meron tayong tyrannical administration, hindi po totoo iyon.

Dahil nakita n’yo naman doon mismo sa Luneta, ang grupo ng oposisyon, grupo ng kaliwa na nag protesta na wala namang…hindi naman sila pinagbawalan at kitang-kita n’yo naman na talagang they were able to protest successfully.

Ganundin po dito sa Plaza Miranda, ito ay simbolo ng demokrasya at freedom of expression. Alam naman natin na itong Plaza Miranda, iyong nangyaring bombing doon during the early ‘70s ay naging mitsa ng martial law. So kitang-kita natin kahapon na nagkaroon din ng rally doon ang mga pro Duterte followers at naging successful din and they were able to protest freely, they were able to peaceably assemble there.

At ganun di sa Mendiola at sa ibang sulok pa ng Metro Manila. Kaya overall, I think, it was very successful at binigyan natin ng kudos ang ating Philippine National Police, Department of Health, at iyong DSWD na sila naman din ay naka-alerto rin during that time.

HENRY:                                               Pero bakit iyong anino ng rehimeng Marcos ay pilit na ikinakawing sa ating Pangulo. Secretary, nakakausap ninyo ng personal ang Pangulo, na personal ninyong kakilala, bilang kaibigan nito. Sa  inyo bang pag-uusap minsan ng medyo personal ng kaunti,  may part ba ng  kanyang sinasabi sa inyo na nasa bokabularyo niya na mauwi sa pagdedeklara ng martial law ang kanyang governance?

SEC. ANDANAR:                            Never. Never namin napag-usapan, wala sa bokabularyo ng ating Pangulo ang pagbabalik ng isang martial law na mala-Ferdinand Marcos na martial law. Alam mo iyon kasi ang problema, Henry, parang ang tingin ng ibang nasa oposisyon or siguro iyong mga kababayan natin na pinipilit itong narrative na Marcos-Aquino, Marcos-Aquino.

Alam mo itong Pilipinas, this is more than Marcos and Aquino. At Marcos was one phase of our political history na naging mabait para sa marami sa ating mga kababayan at Aquino dalawang beses naging Pangulo ng ating bansa, si Tita Cory at si President Noynoy Aquino, pero it doesn’t mean na this country or the politics of this country is about Marcos and Aquino. Dahil alam naman natin na ngayon ang Presidente ay Duterte, ang naglaban naman noon Duterte-Roxas; hindi naman Marcos-Aquino ang naglaban. At nakita naman natin doon sa Vice Presidential race ay nanalo si Robredo.

So the country is not about Marcos and Aquino. The country is about every Filipino, ito ho iyon. So medyo nakakalungkot na pilit na binabalik doon sa nakaraang narrative, nakaraang istorya, pero alam naman natin, Henry, ang mga Pilipino ngayon ay mas matalino pagdating sa pulitika, kita naman natin 80% naniniwala sa ating Pangulo.

HENRY:                                               Is he too strong as a leader, kasi para bang natatakot sila sapagkat naging strong man si Marcos ang ating Pangulo ngayon ay masyadong strong as a leader also. Sa tingin ninyo isa ito sa maaring pinangangambahan at iyon bang pagiging strong ng Pangulo ay nakakabuti lalo sa ating sambayanan, sa tingin ninyo, Secretary?

SEC. ANDANAR:                            Well, ang masasagot ko diyan, Henry, is that balikan natin kung ano iyong mga institusyon ng isang malakas na bansa ang kailangan. Number one, kailangan ay isang malakas na estado. Number two, kailangan natin ng rule of law, malakas na rule of law. Number three, kailangan natin ng democratic accountability. Iyong tatlong institusyon na iyon sa isang lipunan ay iyon ang kulang sa bansa natin bago pumasok si Pangulong Duterte.

So kita natin ngayon, malakas na iyong ating rule of law, malakas na iyong ating estado, okay. So anung ibig sabihin nito. Sasabihin na porke’t in-implement ni Pangulong Duterte dahil isa siyang lider na malakas, na strong ay masama iyon? I think we have to put it into context. Dati kasi kapag sinasabi mong strong man, during the ‘70s means to say that’s dictator, hindi ho ganoon eh. Our country needs to strengthen our democratic political institution, like strengthen the state, we have to strengthen the rule of law and we have to strengthen democratic accountability. At iyan po mismo ang ginagawa ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaya maraming mga OFWs ang natutuwa, Henry. Kasi ang  mga OFWs natin sila po talaga ang nakakintindi kung papaano pinapatakbo ng mga progresibong bansa tulad ng Hong Kong, Singapore, tulad ng Malaysia kung paano pinapatakbo ng gobyerno doon at nakikita nila na ito ngayon ang nangyayari sa bansa natin, sa Pilipinas, na ang mga tao ay sumusunod na sa batas.

HENRY:                                               May natatandaan ba kayo sa inyong pagharap sa Cabinet meeting na ang Pangulo ay naging diktador, masyadong… alam ninyo iyon, naging imposing  sa inyong mga Cabinet officials na ‘o, ito ang gusto kong mangyari, hindi puwede itong ganito, ito ang gagawin ko.’ May ganoon ba? Para makita lang natin kung papano siya mag-lead sa inyo, manguna sa inyo bilang Pangulo sa inyong mga Cabinet, Secretary.

SEC. ANDANAR:                            Kabaligtaran po, Henry, kabaligtaran. Ang Pangulo po natin ay very democratic pagdating po sa kanyang Gabinete, sa kanyang mga Cabinet meetings. As a matter of fact, kaming lahat sa Gabinete binibigyan niya kami ng puwang na magsalita at lahat ng mga panukala ay inilalatag niya sa mesa at hinahayaan niya lahat ng mga miyembro na suriin at balangkasin lahat ng mga pinag-uusapan. Kaya hindi po…never pong naging diktador, never pong naging diktador ang ating Pangulo sa Cabinet meetings.

HENRY:                                               Okay, isang question pa, Secretary. Itong talagang hindi mamatay-matay na sinasabing responsibilidad niya iyong mga extra judicial killings sa bansa. Laging ikinakawing, ipinipiit ng mga kritiko niya na ‘kung walang basbas iyan ng Pangulo, kung hindi sinasabi iyan ng Pangulo, eh hindi naman mangyayari iyan.’ Kayo rin po sa inyong kapasidad bilang Secretary ng PCOO ano talagang tunay diyan sa mga sinasabing iyan ng oposisyon?

SEC. ANDANAR:                            Number one, balikan ko muli, Henry ‘no. Wala pong judicial killings sa bansa natin; hindi po iyan state policy iyong judicial killing. Therefore, wala pong extra judicial killing, it is not state-sponsored and hindi po natin ito kinokonsinti iyong mga ganitong klaseng gawain.

Number two, tandaan po natin na pagdating po sa giyera natin kontra droga eh meron ho talaga tayong challenges, isa po sa mga challenge diyan ay iyong mga miyembro ng mga gangs, iyong mga miyembro po ng…iyong mga drug lords, iyong member ng syndicates ng drug ring. Now, sila mismo ho, sila mismo iyong nagpapatayan, sila ho mismo ay merong interest dito sa droga na ito at meron silang ine-eliminate. Kanya dapat po buksan po natin iyong ating isipan sa ganyan, parang sa Mexican Drug war, parang sa Colombia, ganundin ho. Iyong mga gangs, iyong mga  drug ring, iyong mga  sindikato, sila din po mismo ay nagpapatayan. So, iyon ang sinasabi ni Presidente, kapag may nakita tayong isang tao, nakabulagta doon, tapos naka tape iyong ulo. Sabi ni Presidente hindi gawain ng pulis iyan. Okay.

 

Number three, meron talagang mga bulok na mansanas sa ating PNP, pero hindi po lahat. Majority po ng ating mga kawani ng Philippine National Police ay maayos po, mga professional; pero hindi natin maiwasan na meron ho talagang mga pasaway.

HENRY:                                               Kayo po, bilang Secretary at bilang Kristiyano ay kung sakali bang marinig inyo na talagang may mga ganyan na plano, papayagan ba ninyo ito, of course siguro naman ay hindi.

SEC. ANDANAR:                            Hindi talaga, talagang hindi natin  papayagan itong mga gawain na iyong extra judicial killings, sabi na ginagawa ng halimbawa iyong mga drug ring, mga sindikato, of course hindi natin kinukonsinte ito. And we pray every day that the Philippine National Police that they do their job professionally, iyon naman talaga ang mandato na ‘to serve and protect.’

Kaya po tayo ay naniniwala na itong ano…merong mga ingay sa ating lipunan na legitimate, di ba. Meron ding ingay na talagang it’s just for the sake of politics.

HENRY:                                               So kayo ang unang-unang papalag, at puwede bang sabihin ninyo, kayo ang unang-una papalag kung may mga ganyang sinasabing extra judicial killing nga?

SEC. ANDANAR:                            Of course, dapat lahat ng Pilipino ay tumayo against extra judicial killing, kasi hindi nga ito state-sponsored eh. Walang judicial killing sa bansa natin, wala tayong capital punishment, wala ho tayong ganyan.  So how can there be extra judicial killing.

Ako’y naniniwala na iyong mga namamatay, marami ay talagang merong kagagawan sila-sila po – iyong mga drug lord, drug ring, iyon po.

HENRY:                                               Secretary, last question. Iyong sinasabi na bakit hindi ipag-utos ng Pangulong Duterte ang imbestigasyon doon sa mga namamatay ng walang pakundangan,

SEC. ANDANAR:                            Alam n’yo po meron pong mga death under investigation ang Philippine National Police. At itong mga death under investigation, dati pa naman ito eh, panahon pa ng presidency ni President PNoy meron nang death under investigation eh, hanggang ngayon meron pa. Dati pa naman merong murder, dati pa namang merong homicide, di ba? So itong mga pangyayaring ito it falls under the category of a death under investigation. Kanya nga—tayo nga ay nagtataka na masyadong judicial killing, EJK, EJK eh dati pa naman may namamatay na, di ba. Nagkataon lang na meron tayong very aggressive na drug war ngayong administrasyon ito.

HENRY:                                               All right. So Secretary kami po ay nagpapasalamat sa inyo and then again baka may parting statement kayo doon sa mga umatend, doon sa mga miyembro ng opposition na nagpakita rin ng kanilang puwersa kahapon, go ahead, please.

SEC. ANDANAR:                            Maraming salamat, Henry. Maraming salamat DZRH. Tayo po ay—actually tayo ay masaya, nagagalak at tayo po ay talagang in high spirits, kasi buhay na buhay po ang demokrasya sa ating bansa, the freedom to assemble peacefully, the freedom to express our opinion ay nandiyan po. Wala pong pagkitil ng ganitong kalayaan sa ating bansa. Kaya mabuhay po ang Pilipinas.

HENRY:                                               Walang pagbabanta.

SEC. ANDANAR:                            Walang pagbabanta, walang martial law. Buhay na buhay po ang ating demokrasya. Mabuhay po kayo Henry. Mabuhay po ang DZRH.

##

Resource