Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Frances Flores (DZBB -Super Radyo Nationwide)

Event Radio Interview

FRANCIS FLORES: Magandang umaga po, Secretary Martin Andanar. Good morning, Secretary.

SEC. ANDANAR: Good morning, Francis. Good morning sa lahat ng nakikinig. Merry Christmas!

FRANCIS: Merry Christmas. Salamat sa ipinadala mo rito sa amin. Thank you. We have to acknowledge that. Salamat po at ngayon ang mga tanong muna tungkol sa mga nangyayari sa Malacañang. Anong reaksiyon nga ng Malacañang tungkol dito sa ideneklara na rin ng CPP-NPA-NDF na tigil putukan din ngayong kapaskuhan, Secretary Andanar?

SEC. ANDANAR: Aba’y siyempre masaya tayo na sila po ay sumunod sa ating idineklarang unilateral ceasefire. Alam mo ang panahon ng Kapaskuhan talaga ay napakahalaga para sa bawat Pilipino at kung ang ating mga sundalo ay kailangang umuwi sa kanilang mga pamilya, we are sure that iyong kanilang mga—New People’s Army naman ay gusto ring magdiwang ng Kapaskuhan sa kanilang mga tahanan o pamilya. So it’s very good that they followed suit.

FRANCIS: Tamang-tama iyan na sinasabi mo Secretary Martin. Napapansin ko lang na—ito bang dahil sa—napansin mo rin ba na unang nagdeklara na ‘okay, sinabi ng Pangulong Duterte, sige nga sa ngalan ng Kapaskuhan eh ito magdeklara tayo ng tigil putukan mula sa panig ng militar. At sa diwa din naman nagdeklara rin sila ng tigil putukan, hindi lang CPP-NPA-NDF. Kamakailan lang ay may mga sumukong mga identified sa Maute group at ilan din may mga nagsasabing pasuko na rin na grupo ng NPA. Sa tingin mo mayroon itong direksiyon na mukhang may magandang mangyayari sa mga susunod na araw Secretary Andanar, tungo sa kapayapaan na idinedeklara at sinusulong ng ating pamahalaan sa pangalan ni Pangulong Duterte?

SEC. ANDANAR: Alam mo kasi Francis, tayo namang lahat ay very optimistic na ang kinabukasan ng ating bansa in terms of peace o iyong kapayapaan ay talagang mangyayari. Now, we just don’t know kung papaano if it’s just going to be based on both government of the Philippines and the CPP-NPA-NDF as an organization or it is going to be because of the realization of the individual sa kanilang mga Kampo. So iyong mga sumusuko naman ay mga realization iyan eh, they realized that iyong kanilang ipinaglalabang cause ay now it is not really a cause worth fighting for kasi iyong mga pagbabago po na nangyayari sa ating gobyerno eh kitang kita naman natin, Francis. Halimbawa na lamang, pinirmahan ni Presidente iyong libreng edukasyon sa mga State Universities and Colleges na maraming nagulat and that—at least a very pro-poor—pro-poor law, number two itong sa TRAIN, iyong ating tax reform ay bibigyan ng isang napakagandang oportunidad, iyong mga kababayan nating sumusuweldo ng 250,000 in one year pababa…

FRANCIS: Na hindi magbayad ng buwis?

SEC. ANDANAR: Akalain mo sa mga ganoong panahon ng pagbabayad ng buwis ay they don’t have to think about it anymore. Wala na silang pipirmahan, wala na silang isa-submit sa BIR, wala. I can’t just imagine kung gaano katahamik ang BIR next year, kasi iyong mga more than 80 percent na ating mga kababayan na nagtatrabaho ay sumusuweldo lamang ng hindi sumusobra sa 250,000 a year. So they are beginning to realize na itong ating gobyerno ngayon at si Pangulong Duterte, wala po siyang ibang gusto kung hindi para po makaluwag ang ating mga kababayan at gumanda iyong kanilang buhay. And they are realizing that. I am pretty sure they are realizing that.

FRANCIS: Iyon din yata ang binabanggit mong dalawang punto na naging magandang programa na nilabas niya ngayon, eh parang isa iyan sa mga ilalabas ninyo sa taunang mga accomplishments ni Pangulong Duterte. Mukhang diyan ko lang—aba’y tama ba ang basa ko na doon sa mga binabanggit mo ngayon at dalawa pa lamang ay ilan iyan sa mga mailalabas na isang accomplishment ni Pangulong Duterte sa taong 2017?

SEC. ANDANAR: Oo naman Francis talagang makikita mo naman na this—and we should walk—itong dalawa na ito serve as a landmark, landmark policies of this country. Hindi lang this government, but this country. Hindi naman—wala namang gumawa nitong mga nakaraang administrasyon, wala namang naglakas ng loob para gawin ito! So ano pa ba ang gusto ng grupo sa kabila na gusto ng rebolusyon? Iyon na nga ibinibigay na nga lahat eh ‘di ba? So, we just have to work together. Now, slowly ay nare-realize po ng mga kababayan natin lalo na ng mga kababayan nating mahihirap na nandoon sa revolutionary front na teka muna, aba’y iyong anak kong si Mario ay puwede ng mag-aral ng libre. Ano pa ba itong ipinaglalaban ko ‘di ba? So

FRANCIS: Soon—you say na mare-realize nila iyong mga aksyon na iyan at mga programa ng gobyerno para rin sa lahat ano, para sa tao. Iwanan ko iyong aspetong iyan, Secretary Andanar. Puntahan natin itong—dito sa next year ay ang mga—wala ng halos ba-biyaheng mga government officials other than of course mga Senators, and mga Congressmen na upang dumalo o um-attend ng mga trainings, tama po ba?

SEC. ANDANAR: Opo, iyan po ang direktiba ni Pangulong Duterte na lahat po ng mga executives under the Executive branch—

FRANCIS: Opo.

SEC. ANDANAR: Ay bawal na hong bumiyahe. Iyong mga junket, iyong mga kunwari biyahe para mayroong isang official convention, iyon pala junket lang hindi naman—

FRANCIS:  Aattend ng unang araw, pangalawang araw ay may lakad-lakad na tapos babalik sa ikatlong araw parang ganoon?

SEC. ANDANAR: Oo.

FRANCIS: Narinig kong mga balitang o mga kuwentong ganyan…

SEC. ANDANAR: Kasi alam mo maraming ganiyan eh. Unless na talagang napakahalga na kailangang pirmahan—

FRANCIS: Iyon din ang susunod kong tanong, paano iyong mga trainings na mahalaga na ito ay makakatulong lalong-lalo na sa mga ekonomiya or anything about the defense, mga ganoong bagay ba?

SEC. ANDANAR: Eh ang daming magagaling na propesor sa Pilipinas ‘di ba?

FRANCIS: So totally wala talagang papayagan muna ano, na bumiyahe?

SEC. ANDANAR: Oo eh alam mo—halimbawa ay training sa economics, ang daming magagaling diyan sa UP, ang daming magagaling diyan sa PUP, ang daming magagaling diyan sa mga—oo, States Universities and Colleges. Kung mga training naman sa medisina, ang daming magagaling dito, kung training naman sa pagnegosyo, entrepreneurship, na mayroong AIM.

FRANCIS: Opo.

SEC. ANDANAR: Alam mo wala namang lusot iyan eh kung talagang gustong matuto ang daming—eh kung iyong mga ibang bansa nga dito nagpapadala ng kanilang mga estudyante para mag-aral ‘di ba?

FRANCIS: Iyon nga, iyon ang napansin ko rin nga dahil na-obserbahan, tama ang puntong iyan. Bakit mas madami nga din ang pumapasok dito, eh dito pa nagte-train o kumukuha ng special training ha, sa ating bansa.

SEC. ANDANAR: Mayroong Development Academy of the Philippines puro mga PhD iyong mga iyan kung saan may mga nag-PhD sa mga Harvard iyong mga iyan, Oxford iyong mga teacher diyan, professor ng communication nandiyan lahat magagaling. Iyong kaibigan kong si Chito Beltran nandiyan nagtuturo sa—

FRANCIS: Oo nga ‘no. [laughs]. Sa D-A-P, sa DAP.

SEC. ANDANAR: ‘Di ba?

FRANCIS: Oo.

SEC. ANDANAR: Eh hindi mo na kailangang lumabas. Oo.

FRANCIS: Alright, Secretary, panghuli sa mga pag-iikot mo ngayon, pakikipag-usap mo sa mga Cabinet Secretaries. Ano ang mga maidadagdag mo aside from iyong mga nabanggit mo na ng mga progress ng mga Cabinet men ngayon?

SEC. ANDANAR: Well alam mo iyong unang mararamdaman mo talaga ngayong season na ito, Francis, iyong pinirmahan ni Presidente patungkol sa firecrackers sa mga paputok na mga—sanay tayo dito sa Metro Manila na napaka-usok. Naku kapag New Year parang hindi kana makahinga. Eh siyempre mayroong pinirmahan si Presidente na isang polisiya na bawal na ang pagpapaputok sa sarili mong tahanan. Kailangan mayroon kang—mayroon kang iyong—

FRANCIS: Specific area, oo—

SEC. ANDANAR: Designated area, iyong barangay, oo ‘di ba? Hindi ho ba napakadali—ako ay umikot-ikot sa mga subdivision, eh wala na masyadong paputok eh—

FRANCIS: Napapansin po natin kaya nga dapat pa-igtingin ng mga police ang panghuhuli sa mga nakakalusot pa rin iyong mga pasaway. Sa totoo lang isa iyan sa mga maari—ang mausok na kapaligiran, ang magiging epekto niyan sa mga—pagkatapos noong pagpapaputok sa katotohanan iyan. Well malaking tulong iyan na siyang—isang designated area na doon lamang malayo sa mas mataong lugar, Secretary Andanar ‘di ba?

SEC. ANDANAR: Eh buti na lang eh itong mga daliri natin Francis, kumpleto pa kasi iyong mga kabataan parang wala talagang pakundangan eh ‘di ba?

FRANCIS: Ako noong ma-experience ko noong maliit pa ako eh huminto na ako at saka ang… nanood na lang ako at ang—hanggang sa ngayon eh ang ginagawa ko na lang eh ang pagkalembang ng takip ng kaldero namin. Kaya nga nauubusan ako ng takip ng kaldero eh. [laughs] sa pagpapakalembang at pagsalubong ng bagong taon.

SEC. ANDANAR: Oo at saka torotot ‘di ba?

FRANCIS: Iyon, yes, yes, yes.

SEC. ANDANAR: ‘Di ba para siguradong—

FRANCIS: At saka ‘pag—iyong lulundag na tradisyunal na gusto kong magaya iyong height mo para doon ay tumangkad pa ako.

SEC. ANDANAR: Oo nga eh. [laughs]. Every year eh tumatalon ako eh!

FRANCIS: Ah kaya naman pala matangkad na matangkad. Anyway, Secretary to end this interview, Una: salamat muli sa pagtanggap mo ng aming tawag pero gusto ko lang marinig ang iyong Christmas message sa mga—hindi lang mga taga media kung hindi sa buong Pilipino na nakikinig na gusto mong ipahatid mula sa iyong tanggapan diyan sa PCOO.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Francis sa pagkakataong ito at tayo po ay nagpapasalamat sa Panginoon na ngayong Kapaskuhan ay buo pa rin iyong ating pamilya. Ang pinakamahalaga ho sa Pasko ay sa palagay ko hindi naman iyong nakakatanggap ka ng regalo kung hindi iyong nakakabigay ka ng kasiyahan, kung hindi sa pamilya mo siguro doon sa less fortunate brothers and sisters natin na kung mayroon tayong sobra siguro paglabas mo ng bahay mo ay may makikita kang palaboy-laboy na mga street kids, eh puwede mo namang bigyan ng kaunting pagkain. So I think…we encourage our brothers and sisters to do the same. Magbigay ng kaunti para at least kumpleto iyong ating Christmas celebration na makapagpasaya tayo ng mga kababayan natin na mas nangangailangan pa kaysa sa atin. Salamat po. Mabuhay po kayo.

FRANCIS: Salamat din sa iyo, Secretary Martin Andanar.

 

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource