Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Fernan Gulapa, Sunday Gwapo — DZBB

FERNAN GULAPA: Secretary Andanar, magandang umaga po.

SEC. ANDANAR: Good morning, Guwapo.

GULAPA: Wow, guwapo.

SEC. ANDANAR: Good morning, Guwapo. [laughs]

GULAPA: Pasensiya na kahit pahinga mo eh ma-interview ka namin. Ano—may binabanggit si Attorney Gadon na special prosecutor daw si Pangulong Duterte. Nabalitaan na ba ito ng Pangulo, Secretary?

SEC. ANDANAR: Iyan ay ang mungkahi ni Attorney Larry Gadon, na si Pangulo ay bigyan ng pagkakataong mag-cross examine sa at maging special prosecutor pero of course na kay Presidente iyon ‘no kung tatanggapin niya iyong hamon na iyon pero I think, kung ako ang tatanungin mo, I think mas maganda ng iwan natin ang trabaho na iyan doon sa mga prosecutor mismo, sa palagay ko.

GULAPA: Madami ng trabaho ang Pangulo, bibigyan pa nito—

SEC. ANDANAR: So ngayon sa dami ng trabaho. But then again, it is also a good opportunity para makita ng mga kababayan natin kung gaano talaga kagaling na prosecutor si Pangulong Duterte. So para makita rin nila, it is also an opportunity; na kay Pangulo na iyon.

GULAPA: Okay. Sec., ano—nakausap daw ng Pangulo, iyong sa pagpunta doon sa Brunei, iyong mga leader ng ibang—nabanggit ba sa inyo kung ano pa iyong mga ibang mahalagang napag-usapan?

SEC. ANDANAR: Noong pumunta kami doon it was really solely for the celebration ng 50th Jubilee ng Sultan ng Brunei, the last time…yung silver one was in 1992. And of course para mapabilang ang isang leader doon na kumbidado ng Sultan ay napaka-prestihiyoso po nung event na iyon. As a matter of fact hindi naman lahat invited, lahat ng mga state leaders. Iyong mga nandoon lang iyong sila ni President Widodo, nandoon din sila Prime Minister Najib Razak, ang Pangulong Duterte, nandoon lang sila ni Lee Hsien Loong of Singapore, ang Thailand. So mayroon ding mga in-invite na Hari or mga Prinsipe na nagmumula sa Europa.

Ang mahalaga doon talaga, Fernan, ay ang pagpapalakas ng ating bilateral relationship and the fact na in-invite si Presidente, ang tingin sa atin ng Sultan ng Brunei at ng buong Brunei mismo ay napakamahalagang bansa na partner nila. Alam mo 67th trading partner natin ang Brunei. We have 5 percent of the population of Brunei at sa 417,000 Bruneians, 22,000 ang Filipino doon.

GULAPA: Ang dami ah.

SEC. ANDANAR: Oo ang dami in fact nag-ikot ako doon, naka-usap ko iyong mga OFW tapos sa fast-food mismo, ilan ang mga fast-food nila doon. Iyong mga Bruneians mismo kakausapin ka in Filipino.

GULAPA: Aba, ang dami roon ah.

SEC. ANDANAR: Oo sa dami ng Filipino kaya natutunan nilang magsalita ng Filipino so nakakatuwa at—

GULAPA: Kamusta naman iyong pagtanggap—kasi noong nakaraang eleksyon talagang matindi ang bumoto sa Pangulong Duterte eh itong mga Overseas Filipino Workers kasama na iyong mga Brunei. Ganoon pa rin po ba katindi o kapopularidad iyong Pangulong Digong diyan?

SEC. ANDANAR: Oo ganoon pa rin ka-popular. Eh kung iyong mga Bruneians nga eh dinudumog si Presidente eh doon mismo sa loob ng Palasyo. Kasi doon sa Palasyo, Fernan, ng Sultan iyong area na pinuntahan namin iyon ang dinesign (design) mismo ng—or pelagic managed noong Ayala Corporation, iyong Filipino ang gumawa, Filipino ang gumawa. Tapos—iyong bisita umabot ng limang libo. Iyong bisita—iyong bisita mismo so siguro buong gobyerno ng Brunei nandoon, tapos doon sa loob ng VIP area so nandoon ang lahat ng mga heads of states na in-invite, mga prinsipe tapos nandoon din kami, mga dignitaries etcetera. At makikita mo talaga na paglakad ni Sultan Bolkiah at nasa likod mismo si Presidente na eh at saka si Widodo.

So makikita mo talaga na doon pa lamang sa litrato na iyon at doon pa lamang sa position na nasa likod lang si Presidente Duterte na malapit talaga sa puso ng Brunei ang Pilipinas. Tapos doon naman sa pag-iikot ko sa mga OFWs ganoon din, siyempre bilang miyembro ng Gabinete at si Sir Ernie saka si Secretary Sonny Dominguez, tatlo lang kaming Secretary doon na isinama ni Presidente of course, si Special Assistant to the President SAP Bong Go na parating kasama. The fact na kapag maglalakad kami doon sa downtown at iyong mga Filipino nandoon rin, bumababa talaga eh. Alam mo ba—

GULAPA: Artista ba iyon si Andanar… si Martin? Parang artista ang dating ganoon ang sabi—Si ano ba iyon si Ian Veneracion ba iyon sabi niya. [laughs] Parang kahawig ni Ian Veneracion iyon. Hindi po si Secretary Andanar iyon, sabi?

SEC. ANDANAR: Hindi ho si Ian Veneracion ho. Ang layo, ang layo ho. [laughs]

GULAPA: Hindi kaya hawig kayo ni Ian Veneracion, Sec.?

SEC. ANDANAR: Siguro kung nakatalikod siguro.

GULAPA: [laughs].

SEC. ANDANAR: So makikita mo talaga na mainit, mainit at talagang popular si Presidente Duterte sa mga Filipino doon sa Brunei. Iyon mga tao doon naka-upo. “Kailan ba dadaan si Tatay Digong?” Ganoon. Eh ganoong klase doon.

GULAPA: Sec, itong katatatag lang na Presidential Anti-Corruption Commission eh binabanggit ni Senator Drilon na hindi daw puwedeng isama iyong mga taga Ombudsman sa mga iimbestigahan?

SEC. ANDANAR: Iyong Presidential—

GULAPA: PACC?

SEC. ANDANAR: Oo, na anti-corruption. Ano iyan eh, binuo iyan para tutukan ang corruption na nangyayari sa ilalim ng executive branch. So iyong Ombudsman it’s an independent constitutional body. Now, tinatag iyan mismo para tutukan, tignan, bantayan ang mga appointee ni Pangulong Duterte. So ito ay dagdag doon sa mga mekanismo ng 8888. Pagpapakita ito sa publiko na ang ating Pangulo ay dead set na itigil itong korapsyon. Kasi ano bang mga pangako ni Pangulo sa eleksyon? Number one, noong kampanya ay pinangako niya na tigilan na iyong crime, drugs. Number three, korapsyon ‘di ba? So napakita lamang ito sa mga kababayan natin na ang ating Pangulo ay hindi nakakalimot doon sa mga pangako niya.

GULAPA: So hindi—iyong binabanggit kasi ng mga kritiko ng Pangulo eh ito sasapawan lang nito iyong Ombudsman dahil galit iyong Pangulo sa Ombudsman kaya ito tinatag iyong PACC, Secretary?

SEC. ANDANAR: Hindi, hindi naman. Hindi naman. Iyong PACC is really for the appointees of the President. Iyong para bang—parang iwasan iyong corruption at maipadala iyong mensahe na, ‘Okay, tinanggal ko na itong Cabinet Secretary na ito, tinanggal ko na itong head agency na ito, itong Director na ito.’ So iyon ang in-a-announce ng Pangulo ‘di ba?

GULAPA: Parang nabanggit mo in-a-announce. Pwede napapangalanan iyong dalawang opisyal daw ng Malacañang na binanggit ng Pangulo na sinibak niya?

SEC. ANDANAR: Papangalanan lang natin iyon kapag na-inform na iyong mga tao na iyon at of course siyempre kailangan natin na antayin ang Pangulo na siya na mismo ang magsabi kung sino iyong dalawang opisyal na iyon; pero again that’s a message.

Now why PACC? Kasi ini-institutionalize itong laban sa korapsyon sa ilalim ng executive branch. So alam natin napaka-busy ni Presidente, hindi naman puwedeng siya parati ang nag-a-announce niyan eh ‘di ba? So kailangan mayroong isa siyang pinagkakatiwalaang commission na ito ang gagawa ng trabaho na mag-a-announce na, ‘ito napag alaman namin corrupt ito, masisibak ito.’ Iyong ganoon ba, na institution; ang daming ginagawa ni Presidente eh.

GULAPA: Sec., paano ang paliwanag doon sa binabanggit ng Pangulo sa mga heneral ng AFP, ng PNP na imbestigahan ninyo iyong mga pera ko sa AMLC?

SEC. ANDANAR: Ah, iyong pera niya—

GULAPA: At kapag ka nalaman ninyo na ako ay talagang sobra sa apatnapung milyon na pera eh ako ay tanggalin ninyo sa puwesto.

SEC. ANDANAR: Oo. Kasi alam mo, dito sa bansa natin nauuso dito ang mga destabilization, nauuso dito ang coup d’état at hindi naman sikreto iyan sa publiko na every time na mayroong mga alingasngas na ganiyan ay doon pumupunta sa military iyong atensiyon dahil sila lang ang may kakayanan na mag-topple down ng gobyerno ‘di ba? From EDSA 1, EDSA 2, ‘di ba iyon ang mga nangyayari, every time may mga hindi masaya eh sasabihin na, ‘oh magre-recruit tayo ng mga sundalo etcetera para mapabagsak natin ang gobyerno,’ iyon ang ano eh…So ang sinasabi ng Pangulo, kayo mga military, eh kayo naman may kakayanan niyan, mayroon kayong kapangyarihan, so kung sa palagay ninyo ay kailangang imbestigahan oh ‘di mag-imbestiga kayo ng sarili ninyo. Alamin ninyo kung mayroon talaga akong pera na more than 40 million at kung mayroon man oh eh ‘di tanggalin ninyo ako tutal—he’s saying that the military is the only organization in our country that can bring down a government. So ganiyan kalakas ang loob ng ating Pangulo na sabihin sa mga militar and that is how confident he is na wala talaga siyang pera more than 40 million.

GULAPA: So ganoon. Mayroon ba talaga kayong naaamoy na may nagbabanta ng coup d’état o destabilisasyon, Secretary?

SEC. ANDANAR: Well, iyon ang mga naririnig natin, iyon din ang sinabi ni Pangulong Duterte, iyon din ang sinasabi ni SolGen Calida; at alam mo never ending naman iyong mga ganiyang scenario. Naalala mo last year ‘di ba iyon ang sinasabi ho last week na—

GULAPA: Iyong pondo nasa US, ganoon ba iyon?

SEC. ANDANAR: Oo last week na sinasabi ko na may mga destabilization plot etcetera. Nangyari na iyon last year, tapos ngayon itong sinasabi ni Pangulo na pilit siyang binabagsak ng dilaw at ng pula. Sabi ni Presidente, at iyon din ang sinabi ni SolGen na mayroon talagang mga grupo na ayaw siya, ayaw kay Presidente.

So, now we just have to be aporal at kailangan alisto. So kailangan alam natin kung anong nangyayari at handa rin tayong sagutin iyong mga paratang ng ibang mga kababayan natin. Pero kung tutuusin talaga, Fernan, iyong sambayanan naman otsenta porsiyento naniniwala sa ating Pangulo. Ilan lang naman ang talagang hindi naniniwala pero natural lang naman iyon dahil siyang demokrasya na mayroong oposisyon. Mayroon talagang mag-i-ingay, wala namang demokrasya na walang nag-i-ingay eh. Eh ‘di ba kung sa barangay nga eh may nag-i-ingay eh, ‘di ba lately na parang—

GULAPA: Pero sinasabi ng namumuno sa Liberal Party, si Senador Kiko Pangilinan, wala daw—hindi raw sila nakikipagkuntsabahan sa New People’s Army o diyan sa Kaliwa, wala daw?

SEC. ANDANAR: Well and good kung wala talaga. Oo kasi panahon na talaga na tayong mga Filipino ay may nirerespeto natin kung sinong inihalal, kung sinong inilagay sa puwesto, kung sino ang nanalo doon sa balota. So it’s about time for us to really strengthen iyong ating batas at saka iyong ating rule of law, iyong proseso ng ating bayan sapagka’t ang isa namang signus ng isang malakas na bansa ay iyong malakas iyong estado mo ‘di ba? Malakas iyong demokrasya, mayroong malakas na batas, rule of law tapos mayroon ding democratic accountability so meaning mayroon tayong pananagutan.

GULAPA: Sec., eh may statement ang Pangulong Duterte noong isang araw na siya daw ay maghahain ng impeachment kay Sereno… Supreme Court Chief Justice Sereno at Ombudsman Conchito Carpio Morales. Paano ba? Anong ibig sabihin noon siya mismo ang maghahain noon?

SEC. ANDANAR: Hindi ko naman—hindi ko talaga natanong ang Pangulo doon sa statement na iyon; pero as it is right now, iyong mga nakikita nating takbo ng pulitika sa atin na mayroong mga iba’t ibang sektor ng society, iba’t ibang interest sa ating lipunan ang gumagalaw. Well, so nandiyan na iyon, let’s us just wait for the process to flow, to happen at tignan natin kung ano iyong complaint ni Attorney Gardon, kung hanggang saan lang iyon.

GULAPA: Okay, isa pang issue, Secretary Andanar, pinatawag sa Senado iyong fake news nandiyan si Usec. Mocha Uson. Ano ba talaga, iyong sa sarili niyang blog at bilang miyembro ng Gabinete, Usec., diyan sa PCOO. Puwede talaga na iyong sa sarili niyang blog eh ihiwalay sa pagiging nasa gobyerno niya?

SEC. ANDANAR: Iyong sarili niyang blog sinabi naman niya na sarili niyang blog iyon, kung ano mga sinabi niya doon hindi naman nagre-reflect iyon sa PCOO at malinaw naman na (unclear). Kasi ganoong lang naman, Fernan eh, kung titignan mo talaga, lahat ng mga government officials, lahat ng mga government employees, lahat-lahat ito. Now, halos lahat diyan ay mayroong Facebook account ‘di ba?

Ngayon nagkataon lang na si Mocha may 5 million followers ‘di ba; at iyong iba na mga taong gobyerno eh wala pang limang libo, ‘di ba? So kumbaga nagkataon lang na sikat si Mocha. So every time na maglalagay siya ng kanyang komento sa kaniyang sariling Facebook account ay nagiging viral, kasi may 5 million followers siya. Ngayon kung nabwi-bwisit ka sa sinusulat niya, eh huwag mong basahin, ‘di ba? Ganoon lang ang para sa akin.

Number two, kapag si Mocha magsalita na sa media, kapag siya ay nagsalita sa mga website, social media account or media ng gobyerno, kung anong sasabihin niya doon official ibig sabihin si Assistant Secretary Mocha Uson iyon. Pero kung anong sabihin niya sa kaniyang blog, sa kaniyang sariling account eh sarili niya iyon, siya mismo nagsabi na—at nag-usap kami na it does not reflect. Kaya na panahon na para sa ating mga kababayan na isipin din natin, tignan natin ang PCOO hindi base sa personalidad kundi base doon sa lenses ng PTV, Radyo Pilipinas, Philippine Information Agency, Philippine News Agency doon natin tignan…RTVM, base doon sa lens noong Presidential Communications Facebook page, ‘Mula sa Masa, para sa Masa.’ Sapagka’t ito iyong mga opisyal na outlet ng Presidential Communications Operations Office. Huwag nating gawing personality based na base kay Mocha, ang PCOO ay base kay Asec. ganito, Secretary niyan, Usec., niyan. Hindi, ito ay isang institusyon na pinapalakas ngayon.

GULAPA: Hindi ba minsan eh kinausap kaw, ‘Secretary Martin, para mawala na iyong intriga dito sa PCOO eh bibitaw na lang ako at magko-concentrate na lang ako doon sa aking FB page?’

SEC. ANDANAR: Si Mocha?

GULAPA: Oho.

SEC. ANDANAR: Well… (garbled signal).
(LINE CUT).

GULAPA: Sec, sandali lang napuputol. Balikan natin si PCOO Secretary Martin Andanar. Secretary Andanar, magandang umaga po ulit. Pasensiya na po.

SEC. ANDANAR: Good morning, good morning, Fernan.

GULAPA: Kailan ba papasok iyong iba pang Telco…Foreign Telco para iyong signal natin ay maganda talaga ha, Sec.?

SEC. ANDANAR: Well, eh ganito. Ganito iyon, Fernan ‘no, siguro ngayon ko na lang sasabihin sa iyo. Bigyan kita ng exclusive—

GULAPA: Wow.

SEC. ANDANAR: Gusto mo ba ng scoop? Ayaw mo yata ng scoop eh?

GULAPA: Naku gustong gusto nga eh, kaya nga… Buti nga naputol iyong linya mo eh, parang nasa kalawakan tayo eh kaya nabanggit ko iyon eh. Ano ang exclusive? Sige-sige.

SEC. ANDANAR: Hindi. Mayroon kasi kaming binuo sa Gabinete na isang Info Technology Council, doon sa loob ng Gabinete. Tapos itong Info Technology Council, ito iyong magre-review ng national broadband plan ng ating gobyerno and we will review it for the next 15 days tapos we will come up with a recommendation – a recommendation to the President kung ano ang pinakamagandang gawin para ma-fast track itong ating internet o pagpapabilis ng connection o pag-e-establish ng connection sa mga lugar na wala pa ring internet hanggang sa kasalukuyang ito. Itong Info-tech natin na Council or committee kung tawagin mo ay pinamumunuan ito ni Secretary Esperon, tapos mayroon pang mga apat na miyembro kasama ako doon.

GULAPA: May kinalaman ba ito, Sec., sa pagkakaalis ni Salalima sa DICT?

SEC. ANDANAR: Hindi, walang kinalaman ito. Ito ay binuo lamang natin noong nag-resign na si Secretary Salalima. At nag-usap kami ni Secretary Jun Esperon, ang sabi namin na ipanukala natin kay Pangulo na i-review natin in 15 days para at least maliwanagan din ang ating Pangulo kung ano iyong dos at ano iyong mga pros and cons, iyong mga proposal na mas feasible para sa bansa natin. Ano iyong pinakamabilis na paraan para magkaroon ng internet ang mga kababayan natin. So next week we will release a press story, press release tungkol dito. So kasi nakakailang meeting pa lang kami last week.

GULAPA: May mga foreign telco na ba na nakaabang na gustong pumasok sa atin?

SEC. ANDANAR: Well isa iyan sa usapan namin, iyong mga—iyong mga proposal na para lalong bumilis ang internet sa bansa natin, lahat iyan. We are tackling, we considering all options kung papaano pabilisin ang internet sa mga lugar na may internet na at paano mag-establish ng internet sa mga lugar na hanggang ngayon ay wala pa ring internet. Halimbawa na lamang, sa amin doon sa Siargao may mga lugar na doon na Diyos ko, eh cellphone signal wala eh.

GULAPA: Eh paano iyong sinasabi na WIFI sa buong bansa kung ganiyan?

SEC. ANDANAR: Exactly. Pero huwag kayong mag-alala, sapagka’t itong Information Technology Council na ito ay gagawin natin lahat. We will expedite all necessary options para mapabilis ang pag-establish at mapabilis din ang connectivity dito sa bansa natin.

GULAPA: Secretary Andanar, iyong apatnapung bilyon na ibabayad ng Mighty Corporation. Sa infrastructure gagamitin nitong administrasyon?

SEC. ANDANAR: Depende na iyon sa ating Pangulo; pero mayroong mapupunta riyan sa Marawi, nabanggit niya noon at mayroon din sa infrastructure. Kasi malaki iyan 40 billion tapos mayroon pang 6 billion na galing sa—

GULAPA: Sa PAL.

SEC. ANDANAR: Doon kay Lucio Tan.

GULAPA: Saan naman iyon mapupunta?

SEC. ANDANAR: Alam mo dapat ang—dapat talaga ay pasalamatan natin si Pangulong Duterte, dahil sa lahat ng mga administrasyon na nagdaan, Fernan, aling administrasyon ba ang nakapagsabi sa isang negosyante na ‘magbayad ka hoy ng ganitong halaga 6 million, 40 billion,’ ‘di ba? Eh ngayon lang naman nangyayari iyan eh.

GULAPA: May kasunod pa ba na i-a-announce?

SEC. ANDANAR: Eh ayaw kong pangunahan ang ating Pangulo, pero ang mensahe diyan para sa mga negosyante na may utang sa gobyerno na buwis ay kailangan talagang magbayad tayo. Huwag nating hintayin pa na ma-a-announce pa ang inyong pangalan sa TV, sa radyo ‘di ba? Eh nakakahiya eh.

So kahit anong yaman mo, kahit anong dami mong pera eh iyong kapit bahay mo makakasalubong mo sa mall sasabihin na tax evader iyan eh, nakakahiya iyon eh ‘di ba? So ang mensahe po diyan, eh let’s be fair in paying our taxes. Kasi ang—sa regular na mamamayan, iyong mga middle class na nagta-trabaho, tayo eh nagbabayad naman tayo ng buwis, bago pa tayo sumuweldo may kaltas na ‘di ba? May kaltas na—

GULAPA: Automatic iyan.

SEC. ANDANAR: Oo. Eh majority ng Filipino, wala naman choice; pero mayroong mga ilan na belonging to the top echelon of society, iyong malaking negosyo, siyempre nandiyan iyong ano… nandiyan iyong mga kababayan natin na nakaka-afford magbayad accountant. So—

GULAPA: Sec., panghuli na lang. Ano talaga ang panuntunan ng depinisyon ng extrajudicial killing nitong administrasyon? Sinasabi kasi ng PNP wala pa silang naitatala na—at iyong mga sangkot daw sa iligal na droga na napatay eh—iyong sa lehitimo at iyong hindi lehitimo, hindi pwede sa EJK dahil iyong Administrative Order noon na inilabas daw ni De Lima tungkol lang doon sa mga media, sangkot sa environment na mga grupo, sa Agrarian, sa Labor at iba pang adbokasiya. Ito ba talaga iyong panuntunan tungkol sa EJK?

SEC. ANDANAR: Eh may nagtanong sa akin, Fernan, ang tanong ko mayroon bang judicial killing sa bansa? Mayroon bang capital punishment? Wala.

GULAPA: Wala.

SEC. ANDANAR: Wala naman tayong judicial killing, wala tayong capital punishment. Bawal ang pumatay dito sa bansa natin. So bakit may extrajudicial killing, wala ngang judicial killing eh bakit mo pa lalagyan ng extra? So walang extrajudicial killings sa bansa natin. Walang judicial killing, it is not state sponsored, it is not legal, it is not in our Constitution. Therefore, iyong mga namamatay doon sa war on drugs, it’s either namamatay sila dahil lumalaban sila doon sa pulis or namamatay sila dahil nili-liquidate sila ng mga kasamahan nila sa drug industry. Iyon lang ang para—iyon lang ang saganang akin, that this government does not sponsor state killings and does not sponsor extrajudicial killing kasi nga wala namang judicial killing din ‘di ba iyon iyong sa akin.

Iyong extrajudicial killing na term na iyan sa Europe, eh hindi naman Pilipinas iyan eh ‘di ba so every time that three—those three letters are mentioned nagpapanting ang tenga ng mga European, iyon iyon eh. So it is wrong to mentioned ‘EJK’ because we don’t even have judicial killing in our country.

GULAPA: Eh paano iyong mga—may pulis daw na binabanggit ang CBCP na lumalapit sa kanila dahil nakukunsensiya na raw sa kanilang ginawang pagpatay. Anong reaksiyon ninyo po doon?

SEC. ANDANAR: Kailangan nilang maglabas ng pruweba. Alam mo madali lang kasing magsalita at magngaw-ngaw, sumigaw sa media na ganito, ganiyan. I-reklamo na kami—ang maganda diyan kumuha kayo ng mga ebidensiya, mag-file kayo ng kaso ‘di ba. I-file ninyo sa ating batas, eh iyon lang naman ang concern ninyo eh. Kasuhan niya iyong tao na iyon, pumunta kayo sa Napolcom, pumunta kayo sa PNP at kasuhan ninyo itong tao na ito, na itong pulis na ito, mamamatay tayo ito, ito iyong ebidensiya namin. O, kasuhan natin ‘di ba? Sa Napolcom para makarating doon sa Prosecutors Office ‘no. Kasi nga madaling magsalita eh, madaling mag—pumuntang mag-ingay, sabihin mo, halimbawa 13,000 ang namatay puro EJK; pero mayroon namang real numbers ang gobyerno na tatlong libo talaga iyong mga namatay doon sa mga namatay doon sa drug operation…sa drug operations na iyon which are legitimate operations at doon namatay iyong mga binabanggit na tatlong libo.

So dapat ganoon eh, ang hirap kasi puro salita tayo at sabihin natin iyan na ganiyan tapos wala namang pruweba, wala namang kaso, wala namang na-i-forward na reklamo, kaso dito sa PNP, Napolcom o sa Prosecutor’s Office, ‘di ba? So let’s just follow the process, iyon lang ang saganang akin, Fernan.

GULAPA: Sec., iyong problema natin sa MRT kasi mahigit sa isang taon na eh ganito pa rin, na matindi pa rin ang problema sa—laging sira at matindi iyong traffic dito sa EDSA?

SEC. ANDANAR: Basta ganito lang naman iyan. There is no silver bullet solution diyan sa traffic sa EDSA. Ngayon ginagawa ni Secretary Tugade lahat ng kaniyang magagawa para ma-solve ang problema ng MRT. Nagkataon ho na iyong biniling mga bagon ng nakaraang administrasyon ay maling bagon ang binili. So hindi maikabit diyan dahil either masyadong mabigat ang bagon at masisira iyong riles, iyon-iyon ang issue diyan eh or talagang…. Talagang hindi akma, iyong bagon doon sa riles. Pero ginagawa na rin ni Secretary Tugade ng paraan iyan para magamit iyong mga bagon na iyan kahit kasalanan ng nakaraang administrasyon. Eh kailangan nating ayusin ang problema na iyan.

GULAPA: There is no silver bullet solution—

SEC. ANDANAR: Nakita ninyo naman nag groundbreaking tayo ng Unified Train Station dito sa may Trinoma at SM City at kita ninyo naman kahit papaano na mas dumadami iyong biyahe ng MRT sa mga riles nito. Although iyan ang problema kasi siyempre sirang-sira na iyong mga MRT diyan eh. Bibigay talaga. But rest assured that Secretary Tugade, Secretary Mark Villar, sila ni Chairman Lim ay ginagawan talaga ng paraan ito. Malapit na ho itong ma-solve ang problema but it’s not going to be overnight.

GULAPA: Siya nga pala iyong panukalang batas ni Congressman Andy Benitez, Chairman ng Committee sa Urban and Housing Development diyan sa Kamara, na ilipat iyong mga pangunahing tanggapan ng gobyerno sa probinsiya – iyong sa DOTR di ba nandoon na sa Clark—

SEC. ANDANAR: Well sang ayon ako diyan, sang-ayon ako diyan na ilipat iyong mga government offices – the national government offices sa mas malayong lugar para ma-decongest ng Metro Manila. Eh alam naman natin na mayroong ginagawa si Chairman ding station dito sa Clark, Green City na gagawa rin ng isang government City within the City. So parang ginawa ng Malaysia doon sa Putrajaya ‘di ba? Nilipat nila, inilabas nila sa Kuala Lumpur iyong mga opisina—

GULAPA: At saka iyong sa South Korea.

SEC. ANDANAR: Oo. Sa South Korea; pero hindi ko pa nakita iyong South Korea. Pero nilalabas nila doon sa siyudad ang national government kaya lumuluwag iyong traffic kahit papaano. Sang-ayon ako diyan—

GULAPA: Okay lang ba sa misis mo na kung mailipat ang tanggapan ninyo doon sa Clark eh magkahiwalay kayo?

SEC. ANDANAR: Eh lilipat din siya sa Clark.

GULAPA: Sasama mo iyong anak?

SEC. ANDANAR: Oo pero mas malaki ang kinikita niya sa akin eh. So sasabihin niya, ‘ikaw na lang dito. [laughs] Ikaw ang manatili dito dahil mas malaki ang kita ko sa iyo, ikaw ang sumakay ng train.’ Eh wala namang problema kasi magkakaroon na nga ng fast track dito sa ano eh…fast railway system mula dito sa Tutuban hanggang Clark. So kung halimbawa, ang trabaho mo eh nasa Clark, taong gobyerno ka, iwan mo lang iyong kotse mo doon sa isang mall sa Tutuban o parking area mag-train ka na lang.

GULAPA: Eh kailan ba gagawin iyon?

SEC. ANDANAR: Iyon ang—iyong nakalagay doon sa plano ni Secretary Tugade, if I’m not mistaken, in the next three years tapos na yata iyan hanggang sa Clark.

GULAPA: Eh iyong sa subway naman kailan sisimulan?

SEC. ANDANAR: Ang subway sisimulan next year tapos—kasi nandoon ako sa Japan noong pinag-usapan iyan eh.

GULAPA: Pagpunta raw dito iyong pinuno ng Japan sa Nobyembre, doon magpi-pirmahan?

SEC. ANDANAR: Magpipirmahan na ho—nandoon ako, Fernan, sa Japan, kasama ako doon sa economic team noong pinag-uusapan itong mga big ticket projects – mga railway, mga subway at iyong mga diversionary road, nandoon ako eh…arterial roads, na popondohan ng JICA, Japanese government. So ang sabi nila, itong sa subway natin na mula sa NAIA hanggang doon sa Quezon City, so sabi nila eh aabot daw ng 20—25 pero, sabi ni Secretary Tugade gusto niya na bago matapos ang administrasyong Duterte ay matikman man lang ng Filipino ang sumakay ng…

GULAPA: Subway—

SEC. ANDANAR: Subway, so kahit isa o dalawang istasyon.

GULAPA: Sa 2022?

SEC. ANDANAR: Oo. Bago matapos ang termino ni Presidente. So iyon ang target ni Secretary Tugade and of course ako naman suportado ko iyong ganitong klaseng target/objective dahil ako gusto ko ring makatikim sumakay ng subway.

GULAPA: Ako rin, si Cedric nga nagtataas ng kamay, gusto rin eh.

SEC. ANDANAR: Akalain mo eh galing ng NAIA tapos magsa-subway ka lang papuntang Pasig ‘di ba tapos—oh ‘di ba halimbawa babiyahe ka, iyong mga biyahe na either domestic or international tapos magpa-drop off ka lang sa kung saan iyong station na mayroong subway. Oh ‘di dirediretso. In fact, iyong Unified Grand Central Station dito sa may Trinoma at SM City so magtatagpo diyan iyong MRT7, MRT3 at saka LRT, LRT1, tatlong linya ang magki-crisscross diyan tapos iyong pang-apat iyong subway.

GULAPA: Subway.

SEC. ANDANAR: So talagang magandang proyekto ito. Eh kaunting pasensiya lang tayo, hinihingi natin sa taong bayan, at tiwala dahil gagawin talaga ito ng DOTR.

GULAPA: Naku mayroong pahabol pa dito, humahabol eh—

SEC. ANDANAR: (unclear).

GULAPA: Humahabol eh, sa ASEAN summit daw wala daw ba talagang pasok sa ASEAN Summit sa November? Walang pasok?

SEC. ANDANAR: Hintayin na lang natin iyong—hintayin na lang natin ang announcement. Kasi mahirap naman na mag-announce ako tapos hindi pa inilalabas ni Secretary Cayetano. Kasi sa DFA iyang announcement na iyan. So let’s just wait for the official announcement. Alam kong maraming nagpaplano ‘di ba, na lumabas ng bansa or mamasyal sa mga beach dito sa—

GULAPA: Sa atin.

SEC. ANDANAR: Palawan. Pero let’s just wait for the announcement of the DFA at NOC.

GULAPA: Okay sige. Sec., maraming salamat po sa oras po ninyo. Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Gwapo. Mabuhay ka. Mabuhay si Andy. Mabuhay ang DZBB.

###

Resource