Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Fernan Gulapa and Orly Mercado (DZBB)

Q:                                           Secretary, magandang gabi po sa inyo, Sec.

SEC. ANDANAR:            Hi Orly, Fernan. Magandang gabi.

Q:                                           Kaibigang Orly, isang tanong lang muna sa akin. Unang una. Ano ba talaga PCOO o PCO?

SEC. ANDANAR:            PCOO – Presidential Communications Operations Office.

Q:                                           Ah.

Q:                                           Sa atin pong limang minutong [laughs] anong oras na kasi. Secretary, unang una, assessment ninyo sa natapos lamang na ASEAN kasi parang wala raw halos dumalo sa ilang mga inihanda ninyo na dinner pati iyong parada hindi naman gaano karami ang um-attend. In fact, alas dos pa lang eh bukas na ang Roxas Boulevard. Importante ba iyong bilang ng mga tao o iyong ika nga ay nakuha natin o kung ano man po dito sa ASEAN na ito?

SEC. ANDANAR:            Para sa—Well alam mo iyong ASEAN 50th Ministerial ano—

Q:                                           Anniversary pa naman, 50th.

SEC. ANDANAR:            Oo 50th Foreign Minister Summit Meeting iyan eh. Ang mahalaga doon siyempre iyong substantive and what we are showing sa mga foreign dignitaries kung ano ang kaya nating gawin. Ang mahalaga dito kung ano iyong kinalabasan and nakita naman natin na nagkaroon tayo ng framework for the South China Sea petition or the Code of Conduct sa South China Sea at nagkaroon din ng pagkakaunawaan ang iba’t ibang bansa sa ASEAN at sa labas, pagdating sa climate change, pagdating sa usapang pang-ekonomiya at regional security iyon po ang pinakamahalaga diyan. And of course they are happy, wala namang untoward incidents na nangyari. Wala namang terrorist, terror act na nangyari during that ano, during that meeting. And this is really a prelude to the grand Leader’s Summit sa darating na November.

Q:                                           Ah, speaking of conduct sa South sa West Philippine Sea. Totoo ba na medyo tayo ang parang tumayong huwag masyadong… ika nga parang defender pa raw ng China, tama ba iyon?

SEC. ANDANAR:            Hindi naman kasi kung ano man iyong nangyari din doon sa Lao last year. Doon sa naging desisyon nila eh ganoon din naman, hindi naman tayo lumayo doon sa usapan doon sa Lao. Ang mahalaga ay mayroon na hong framework kung saan puwedeng pag-usapan iyong Code of Conduct whether matapos iyong Code of Conduct this year or not, iyong ang aabangan natin.

Q:                                           Ah okay. Parang kasi ang dating eh hahayaan ninyo lang. Hindi naman pala ganoon. Hindi naman pala—

SEC. ANDANAR:            Ah hindi.

Q:                                           Parang maging kumpiyansa para sa atin ang China.

SEC. ANDANAR:            Hindi naman. Sabi naman ni Presidente iyon na during his time as President ay he will raise that issue, iyong desisyon ng Court doon sa The Hague, Netherlands ‘no.

Q:                                           Secretary ano ba itong totoo ba ito na binibigyan daw ng akreditasiyon iyong mga blogger?

SEC. ANDANAR:            Actually matagal ng usapan iyan na gagawa ng social media policy, in fact nagkaroon nga ng all media PH tapos in-invite natin lahat pati mass media, at tri-media lahat, para ho umatend ang—pero iyon nga at sadly hindi naman um-attend ang lahat ng ano, ng members ng interim, mayroon namang mainstream media at iba pang mga bloggers. So that’s why kung babasahin ninyo po iyong Department Order 15. Ang nakalagay doon interim or the intervening time, moment [unclear].

Q:                                           So kung halimbawa si Kakang Fernan ay mayroong 5,000 followers bibigyan siya ng accreditation for a certain activity lang ng Pangulo para ma-experience lang ni Kakang Fernan at mai-share niya sa kaniyang blog ganoon po ba?

SEC. ANDANAR:            Oo iyon iyong of course number one 5,000 at not less than that tapos kailangan mayroon kang constant, consistent iyong pag-create mo ng content na online. At that has got to do with news, may kinalaman sa news at public affairs. Kasi alam mo Orly, ano tayo eh—we have to be really inclusive—

Q:                                           Totoo po iyan.

SEC. ANDANAR:            Sa lahat and also just to make a distinction, iyong bloggers po, social media practitioners, hindi po sila—wala po sila doon as journalists, they are there as bloggers and social media practitioners. So once again, this is an interim policy at bukas po ang PCOO para sa mga suggestion sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan lalong lalo na ng mass media at iba pang mga social media practitioners.

Q:                                           Iyong consistent binabanggit ninyo araw-araw kailangan lalabas siya doon sa—

SEC. ANDANAR:            Yes. Yes. Yes. Kailangan ganoon. Kailangan consistent siya sa kaniyang social media, sa kaniyang blog niya kasi otherwise—well, there is really no point of including that person kung nandoon lang siya para ma-experience lang pero hindi naman talaga siya blogger na bonafide.

Q:                                           So hindi nag-a-advertise ng mga porn site, Sec.?

SEC. ANDANAR:            Oo iyon iyong number one-

Q:                                           At saka fake news, hindi nagpapakalat ng fake news?

SEC. ANDANAR:            Oo iyon, isa pa iyon—

Q:                                           Iyong laging nagmumura na mga blogger, bawal iyon?

SEC. ANDANAR:            Alam mo kasi depende iyan eh. Kung nagmumura sila at nagmumura sila na minumura lang nila iyong sarili nila or kung mayroon silang mga kaaway pero wala naman kinalaman doon sa news ‘no. Titingnan natin kung puwede pero of course masama, hindi magandang tignan eh ‘di ba? Na ano eh—

Q:                                           Baka mawalan ka rin ng follower, hindi mo ma-meet iyong 5,000 wala ka ng accreditation.

SEC. ANDANAR:            You have to understand most of the bloggers that they are very opinionated, tapos marami silang kaaway ‘di ba tapos nag-aaway away sila online.

Q:                                           Okay Sec.

Q:                                           Naku maraming salamat ha at sabi nga namin sa inyo 5 minutes eksakto 5 minutes. Sa uulitin, Secretary Martin. Thank you po.

SEC. ANDANAR:            Mabuhay kayong dalawa. Sige.

###

Resource