Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar (Erwin Tulfo Live, Radyo Pilipinas by Erwin Tulfo)

TULFO:                                               Nasa linya ng ating telepono tulad po ng pangako ho natin, ating alamin kung ano po iyong aasahan natin sa State of the Nation Address ng Manong Digong Duterte sa kaniyang second SONA. Magandang hapon po, Secretary Martin Andanar, sir.

SEC. ANDANAR:                            Magandang hapon partner, at congratulations sa inyong programa sa bago ninyong himpilan.

TULFO:                                               Naku sir, naku eh maraming salamat din po ano po. Eh actually prinepare (prepare) ko na nga dito, pasasalamat ha… thanksgiving sabi ninyo, pamisa, padasal, PCOO Secretary Martin Andanar, PBS Director General Rizal Giovanni Aportadera, Jr., PBS Deputy Director General Carlo Sevillo at Radyo Pilipinas Station Manager Alan Allanigue… nakasulat dito ha… mga pasasalamatan at pamimisahan.

SEC. ANDANAR:                            (Laughs)

TULFO:                                               Hindi lang pasasalamat… Anyway sir, nagtatanong sir eh… ano nga ba ang mayroon dito sa second SONA ni Manong Digong? Mas exciting ba itong pakinggan? Mas maganda pa? Eh iyong direktor si Brillante pa rin ang direktor na libre na naman daw ang kaniyang gagawing pagdi-direct nito, iyong mga lightning, etc., iyong mga shots. So, what is the difference between the first SONA at saka second SONA? Ano po ba ang maririnig, anong maaasahan natin sa ikalawang SONA ng Manong Digong sa darating po na Lunes?

SEC. ANDANAR:                            Siyempre iyong sa pangalawang SONA po ng ating Pangulo, bago na iyong konteksto, partner, kasi marami na pong na-accomplish ang ating Pangulo sa kaniyang unang taong panunungkulan. At kung ikukumpara mo noong huli, siyempre mas marami pa iyong pangako noong huli. Ngayon po, marami nang mga pangako na natupad na ng ating Presidente. Pangalawa ay dahil doon sa mga natupad na pangako, inaasahan din natin iyong mga bagong babanggitin ng Presidente na malapit sa kaniyang puso na mga polisiya ng gobyerno at kung ano pa iyong mga sorpresa na gusto niyang banggitin at plano para sa susunod na limang taon.

Pero kung titignan talaga natin it will really center around a comfortable life for all na sistema. So, therefore under that also would be our focus on prosperity for all, peace and order, law and order and kung titignan din natin may mga bagong isyu on the side like for example iyong martial law at iyong resurgence ng drugs; but overall siyempre si Presidente pa rin ang pipili, masusunod kung ano iyong babasahin niya, kung ano iyong gusto niyang bigyan ng pansin dahil itong SONA na ito ay talaga namang napakadami pong inputs ang ating Pangulo sa kaniyang speech.

TULFO:                                               Actually sir iyong isang sasabihin niya eh nabanggit na niya sa kaniyang ikalawang aklat, talata tres disinuwebe hanggang bente uno itong sinabi niya. “Hanapan natin ng paraan kung hindi man lang para sa pagkain ng mga bata.” Kita mo sir, nai-predict niya na iyan, nasabi na niya bago pa niya sasabihin. Uy nandito pala iyong bisita natin, may bisita kami rito, may isa ring pastor, si Pastor Bendijo, sir. Eh may prayer meeting kami dito mamaya-maya, Sec.

SEC. ANDANAR:                            Oo. Basta Bendijo. [laughs]

TULFO:                                               Sir, isa pang huling katanungan na lamang ano po. Sa State of the Nation Address sir mapag-uusapan ba iyong tungkol sa Maute, kasi when we heard from the AFP, unti-unti na raw po na—the AFP is really gaining ground, paliit nang paliit na lang iyong number and then iyong territory na hawak po ng Maute na mga parang remnants na lamang at saka mga ika nga eh skirmishes, sir. So maririnig po ba natin iyan sa kaniyang State of the Nation Address?

SEC. ANDANAR:                            Well, again that would be the prerogative of the President kung babanggitin niya itong sa Maute at iyong sa martial law. But alam naman natin na ito iyong pinakamalaking issue for the days – itong Maute at saka iyong martial law and alam din natin na binanggit ni Presidente na 15 to 20 days ay matatapos iyong problema. Alam po natin na iyong media ay nagtatanong din, iyong mga kababayan natin kung itutuloy ba itong martial law, i-e-extend ba ito o hindi. So siguro abangan na lang natin kung ano ang sasabihin ng ating Pangulo.

By the way, gusto ko lang din sabihin sa inyo na para sa mga kapatid po nating mga deaf/mute, sa mga pamilya nila na magkakaroon po ng sign language during that day na coverage po ng ating Pangulo at iyang kaniyang SONA at magkakaroon din po ng mga interpreters iyong ating mga miyembro ng Diplomatic Corps. At mayroon ding mga ipamimigay po natin na mga visual…actually brochure na ipamimigay po natin doon sa mga mag-a-attend doon sa gallery. At this week abangan ninyo po, ngayong Friday dito po sa PTV ay mayroon kaming espesyal na documentary na inihanda bilang bahagi ng pre-SONA ng ating Pangulo. Huwag po kayong mag-alala reding-ready na po ang PCOO, ready na po ang PMS at ang Office of the President para sa ikalawang historic State of the Nation Address ng ating Pangulo.

Salamat partner, congratulations ha.

TULFO:                                               Okay, maraming salamat din, Sec. Martin Andanar po ng PCOO. Good afternoon, Sec.

                ###

Resource