Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Erwin Tulfo (Erwin Tulfo Live, Radyo Pilipinas)

TULFO: (Recording starts…) hindi makapag-loan. Pero pagdating sa mga bonus ng mga demonyo na iyon, nabibigay iyong bonus. Kaya nga po inalis na po ito ni Presidente ha, binasura niya. Wala munang increase kayo sa GOCC. Nasa linya po ng ating telepono si Secretary Martin Andanar. Sec., magandang hapon po.

SEC. ANDANAR: Magandang hapon partner, at sa lahat ng nakikinig sa programa dito sa Radyo Pilipinas. Ang tawag diyan, praise the Lord, halleluiah…

TULFO: Iyan ang sinasabi ko, malinaw pa sa sikat na araw.

SEC. ANDANAR: Oo, dahil nga ang ating Pangulo ay mayroong malasakit sa mga mahihirap kaya hindi na niya pinayagan itong mga bonus-bonus at iyong mga malaking pasuweldo sa mga empleyado diyan sa mga GOCC. Tama naman ang sinasabi ng Pangulo, dahil kaya nga siya GOCC because it’s government-owned corporation ‘di ba—or controlled corporation, which means that dapat talaga ang pinapangalagaan ng Pangulo, ng ating mga GOCC ay ang ating sambayanan. Because GOCCs are basically supported by taxpayers’ money.

TULFO: Sec., ang problema Sec. kung naalala ninyo ‘di ba, eh tayo magkasama pa noon na binabatikos natin. Mantakin mo, naalala ko rin sa SSS, iyong mga board of directors, mag-attend lang, may mga allowance na tig-100 thousand iyong mga ika nga board members; naglalakihan ang mga suweldo, daan-daang libo. Samantalang iyong mga sundalo, pulis ha halos magkandakuba. Kung naalala mo iyon, sir ha, noong maraming nagreklamo na iyong isang appointee ni Mar Roxas, Diyos ko po na wala pa yatang espiritu ay sumasahod na ng daang libo, kabago-bagong graduate lang sa unibersidad. Naalala mo iyon, Sec.?

SEC. ANDANAR: Oo, naalala ko iyon ang kaniyang—‘di ba pati nga iyong mga benepisyo ng ating mga senior citizens ‘di ba, iyong mga retirees—

TULFO: Correct.

SEC. ANDANAR: —pension nila, kung bakit matataas ang suweldo noong mga executives samantalang isanlibo or mga 1,500/2,000 eh hindi maibigay. Eh kaya tama lang ang desisyon ng ating Pangulo na before we even increase your salaries, eh kailangan muna ay mabigay iyong tama, iyong mga karampatang benepisyo lalo na sa mga SSS, noong mga GSIS sa mga kababayan natin na lalong-lalo na iyong mga naghihirap.

TULFO: Thank you boss, Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR: Thank you.

Resource