Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar (DZRH/ACS Balita by Angelo Palmones and Henry Uri)

Q:                                                           Secretary maayong buntag, Sec.

SEC. ANDANAR:                            Hello, good morning, Congressman, Henry.

Q:                                                           Teka muna, alam mo ha, glaring na iyong—mukhang talagang may nanabotahe, kasi mantakin mo pati iyong instructions lumalabas na sa social media, Sec?

SEC. ANDANAR:                            The mistakes were committed March, April, January, dagdagan pa ng isa. I told Usec. Joel Egco na-i-compile niya lahat ng pagkakamali na hanggang doon sa 2010. Kasi ang nakikita ko kasi diyan, what is the purpose of somebody to get the (garbled)

Q:                                                           Sec., teka muna ang sama nung signal. May natukoy na tayong unit ng PIA [PNA] na gumagawa nito?

SEC. ANDANAR:                            Nang Philippine News Agency?

Q:                                                           Oo.

SEC. ANDANAR:                            Nang PNA. Ganito ‘no, Friday merong—nagkaroon kami ng cyber attack noong Friday.

 

Q:                                                             Itong Friday lang.

SEC. ANDANAR:                            Oo, nitong Friday na nakita nung sa IP namin na merong isang IP address na pilit pinapasok iyong lumang dashboard. Kasi may lumang website di ba? Iyong lumang dashboard pilit pinapasok nung IP address na ito.

Q:                                                           Okay. Would you know kung anong IP address iyon?

Naku naputol yung linya natin. Paki reestablish si Secretary Martin Andanar. So noong Friday may attempt na isabotahe sila sa pamamagitan ng cyber attack.

Q:                                                           Secretary, paki-elaborate nga, paano nangyari iyong cyber attack?

SEC. ANDANAR:                            Meron kasing isang IP address na pilit pinapasok iyong lumang server, iyong luma, hindi iyong bago. Iyong lumang dashboard namin, kasi bago na iyong sistema ngayon eh, tapos meron ding luma. So what is the reason for you, para sa isang tao na pasukin iyong lumang dashboard na hindi na ginagamit, bakit alam niya iyon. Kasi sa lumang dashboard makikita mo iyong mga palpak noong Philippine News Agency, puwede mong i-trace iyon di ba. So ngayon pinapaimbestigahan ngayon sa National Bureau of Investigation Cybercrime Division.

Q:                                                           Teka, iyong lumang dashboard na iyon, kailan pa na-deactivate iyon?

SEC. ANDANAR:                            Na-deactivate ito about two months ago.

Q:                                                           Ah bago lang din.

SEC. ANDANAR:                            Opo. Two to three months ago. So noong April, that was the time na na-activate iyong bagong website. So mga four months ago na. Now, bakit mo bubuksan, di ba? Bakit mo bubuksan iyong luma? So meron kang intensyon na hindi maganda.

Q:                                                           So ang ano, hindi external pala iyong gustong pumasok, kung hindi merong isang taga-loob din na gustong gamitin ulit iyong lumang dashboard?

SEC. ANDANAR:                            Oo. Merong gustong kunin na impormasyon o siguro balikan iyong mga mali, iyong mga ganyan ba.

Q:                                                           In other words, Secretary, mayroon hong taga-loob na talagang nanabotahe.

Q:                                                           Deliberate.

SEC. ANDANAR:                            Hindi natin masasabi natin na taga-loob, pero mayroong IP address na ine-imbestigahan ngayon, pinaimbestigahan ni Usec. Joel Egco.

Q:                                                           Oo, pero iyong mga security protocols kasi, kayo lang din…iyong mga taga-loob lang din ang nakakaalam noon   eh.

SEC. ANDANAR:                            Yes, exactly. Pero iimbestigahan pa rin namin, kasi meron namang hacker di ba, may mga hacker—

Q:                                                           Hindi, saka Secretary iyong nangyari noong isang araw na instruction ng editor na isama sa headline, paano hong nangyari iyon.

SEC. ANDANAR:                            Hindi ba, walang point eh, walang point na…number one, na ibabalik mo iyon—Number one, posibleng mangyari iyon, baka katangahan na siguro ng editor na…or kung sino ang upload noon. Then number two, kung nangyari man iyon noon at na-publish nga, bakit mo ibabalik pa at ipapa-viral. So ibig sabihin meron ka talagang intension na pahiyain iyong PNA.

Q:                                                           Kanya nga, kasi puwedeng i-recall iyon eh.

Q:                                                           And eventually, kayo ang pakay nito, sapagkat command responsibility, nasa sa inyong teritoryo ito. Nakikita n’yo ba na kayo talaga ang gustong gibain dito?

SEC. ANDANAR:                            Eh wala namang iba di ba. Sino ba iyong ibang gustong gibain dito kung hindi ako, eventually the President, hindi ba. Siyempre under ng PCOO itong PNA so ang dami nating ginagawang reporma, tapos gustong pilit gibain iyong PNA. So, meron talagang gustong gibain ako. But, ako naman, kami buong team ay we just move forward  pero itong mga nangyayaring “sabotahe” ay pinaiimbestigahan  natin. Kasi hindi naman tayo papayag na tayo lang ang parating at the receiving end, tapos ginaganito lang tayo.

But at the same time, we also move forward by improving the processes of the Philippine News Agency which be long and [an] arduous task. Magiging mahirap ito, aminin ko sa inyo, Congressman at Henry. Pero walang ibang paraan eh kung hindi kailangan talagang ayusin. Just bear with us, sabi nga ni Usec. Joel. Kasi ginagawa namin lahat para maayos nga itong Philippine News Agency; ang haba ng kuwento niyon eh kung papano ito dumating sa kanyang present condition.

Q:                                                           Pero again ha, ito paalala natin sa mga gustong gumawa ng kalokohan online, nati-trace na iyan ngayon. Marami na tayong cyber-forensic experts sa NBI, meron na. Saka meron ding private company na tumutulong ka-partner ng NBI to look into it. Kaya iyong nagpo-post ng mga katarantaduhan, mga mapanirang mga ano, iyan ho ay nate-trace na ngayon.

SEC. ANDANAR:                            At saka di ba meron na ring bagong batas di ba about the fake news na ipinasok iyong (unclear).

Q:                                                           Pero Secretary marami hong ahensya sa ilalim po ng PCOO. Ito lang bang PNA ang sa tingin ninyo ang kanilang inaatake, meron pa bang ibang ahensiya sa ilalim po ninyo ang kinakailangang bantayan at baka napagtatangkaan na rin ho?

SEC. ANDANAR:                            Sa ngayon kasi Henry, dahil pinapalakas natin lahat ng government media agency, marami nang magbabasa dapat at pinapalakas natin iyong kanyang app system ay inaasahan namin na magkakaroon din ng mga attacks sa iba, for example Radyo Pilipinas, PTV, Philippine Information Agency, iyong (garbled) Kanya nga kami po ay ine-strengthen namin iyong editorial board, hindi na lang PNA (garbled).

Q:                                                           Teka, nagluluko na talaga yung linya… Secretary, may mga binabanggit kayong mga improvement, may mga binago na kayo sa PCOO at sa mga ahensiyang nasa ilalim na ito. Ano ba iyong mga pagbabagong iyan, hindi naman kaya iyon eh iyon ang pinagmumulan ng inggit po sa inyo, kung meron man?

SEC. ANDANAR:                            Ay siguro, ganoon na siguro, Henry. Kasi halimbawa, nung kinober mo iyong Malacañang before this administration, kapag nanunuod ka ng speech ni Pangulong Aquino ay lahat naman nakatutok sa private sector…private media di ba.

So ngayon kapag nanunod ka halimbawa ng speech ni Presidente Duterte sa Facebook, makikita mo lahat nagla-live stream di ba. At sa lahat ng live stream ang pinakamaraming nanunuod talaga na isang plataporma ay dito sa Presidential Communications. So, isa lang po ang ibig sabihin niyan, ibig sabihin niyan effective po iyong ginawa nating mga reporma, sapagkat meron na pong share, malaking share iyong government media doon sa mga nanunuod ng coverage ng Presidente and it’s always been like that lalung-lalo na sa Facebook, talagang mas maraming nanunuod ng Presidential Communications, ganundin po sa Channel 4. Dati ho ay wala namang kumbaga eh hindi naman…walang nanunuod sa social media niyan; pero ngayon lumalaban na siya sa ibang mga TV network. So nakikita ko na…siguro nakikita nila, nakikita ng kalaban siguro, kung merong mga nainggit na nag-i-improve talaga iyong government media. Pero please wag naman nating pigilan iyong pag-asenso ng government media. Kasi whether or not gawin natin ito o hindi, itong mga suweldo, iyong MOOE ganundin naman.

Ang sa atin lang naman dito ay kailangang ma-maximize iyong taxpayers’ money by showing everybody na maganda iyong serbisyo ng government media. Hindi naman kami nakikipag-compete sa private media. As a matter of fact, iyong Radyo Pilipinas ay maganda na iyong programming, gumaganda na iyong mga studio, lahat etcetera. Pero patuloy pa ring hindi nakikipag-compete dahil wala naman kaming advertisement. Hindi naman kami humihingi ng…hindi kami…imbes ilagay mo sa DZRH, dito mo ilagay, hindi naman kami ganoon. Kasi meron kaming operations budget na binibigay ng Kongreso.

Q:                                                           Okay, sige sana nga ma-settle na ito once and for all.

Q:                                                           Partner, last na lang, baka may update sa ASEAN bago tayo mag-ano. Anung update na po sa ASEAN, Secretary?

SEC. ANDANAR:                            Bago iyang update ng ASEAN, meron kaming isang itinayong body na consultative body para sa Philippine News Agency comprising of former editors ng PNA, iyong mga magagaling, sila Samonte. Tapos meron ding mga miyembro na taga iba’t-ibang mga press organizations na tumutulong po para ma-solve iyong problema ng PNA.

Pero sa ASEAN po nagkaroon kami ng isang roundtable discussion noong Saturday sa pangunguna po ng inyong lingkod about fake news and communicating right information dito po sa may Seda [Vertis North, Quezon City] at nagkita po iyong mga Ministers at Vice Ministers para pag-usapan po iyong fake news, paano po ito solusyunan sa buong ASEAN.

Q:                                                           Okay, sige good luck, Sec. Maraming salamat. Magandang umaga.

SEC. ANDANAR:                           Salamat Congressman, salamat Henry. Mabuhay kayo.

##

Resource