Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar (DZRH / Isyu by Deo Macalma and Karen Owyong)

DEO:                     Secretary Martin Andanar, sir, magandang umaga po sa inyo, Secretary.

KAREN:               Good morning, Secretary.

SEC. ANDANAR:            Magandang umaga, Lakay, Grace. Magandang umaga sa lahat ng nakikinig sa DZRH.

DEO:                     Secretary Martin Andanar, ano po ang reaction ng Malacanang lalo ho sa ating kagalang-galang na Pangulong Digong na ang tindi ng kampanya laban sa illegal drugs pero ang droga worth billions ay nakakalusot po sa Bureau of Customs. Ano ang reaksyon ng Malacanang, Secretary, dito sa mga isyung ito ngayon na lumalabas at resulta ng imbestigasyon ng Senado kahapon?

SEC. ANDANAR:            Alam mo, Lakay, talagang nakakalungkot na nangyayari itong mga…nalulusutan tayo ng mga shipments sa droga. Pero I’m sure that the Commissioner Nick Faeldon is doing his best para ito ay hindi na mangyari ulit. At the same time, I think we should also be happy that he was able to arrest these guys—well, not really arrest, pero nahuli nila itong shabu na ito. Pero—but then again, I guess it is for Commissioner Nick Faeldon to go back to drawing board, kung papano ito gawin na hindi na makalusot ulit.

DEO:                     Pero ganoon na lamang ba iyon, Secretary Andanar sir, 6 billion worth of shabu itong mga nakalusot po sa Bureau of Customs ha, pagkatapos eh—kaunting delicadeza naman, Secretary sir. Bakit sa isang suspect na katulad ng Richard Tan na importer ng droga eh, makipagpa-picture pa, eh di ba dapat nakaposas na ito, dapat noon-noon pa noon eh nandoon mismo, nahuli siya sa bodega. Dapat—bakit hindi nakakulong itong si Richard Tan, bakit hindi hinuli kaagad?

SEC. ANDANAR:            I’m sure, Lakay, ang ating PDEA at ang ating Philippine National Police are already looking into this and I’m sure that they are already working closely with  Commissioner Nick Faeldon, para  din  hindi na mangyari iyong mga ganitong pangyayari nga na nakakalusot 6 billion  worth  of shabu. Siyempre nakakalula iyon, kapag nalusutan tayo sa Customs. Ibig sabihin noon, kung hindi nahuli, di nasa merkado na iyon ngayon di ba, iyong 6 billion. But at least nahuli in Faeldon, na nakuha nila nito at sana ay hindi na maulit ito.

DEO:                     Ganoon na lamang ba iyon, Secretary, sir? Di ba may fault din at pagkakamali rito ang Bureau of Customs at sabi ni Senator Dick Gordon eh parang may sabwatan, Secretary Andanar, iyon ang malupit doon eh.

SEC. ANDANAR:            Ito ay dadaan sa kamay ng ating Pangulo, makakarating ito sa kanya and I’m sure pinag-aralan na ito ni Presidente. Mamaya or bukas magkikita kami and I will ask him kung ano iyong magiging hakbang ng ating Pangulo – ng aksyon dito sa isyu. Pero this thing is under investigation, sa Senado and also in the Executive, hindi naman ito pababayaan lang ng ganoon-ganoon na lang. We will get to the bottom of this.

KAREN:               Secretary Andanar, iyong ating mga senador, nag-conduct na po sila ng imbestigasyon, simula kahapon and ngayong araw po, I think magsisimula na rin ang imbestigasyon naman sa Kongreso sa pangunguna po ni Congressman Barbers po ano. Iyong nababanggit po kasi na command responsibility, I think may mga mambabatas po tayo na nagsasabi na dapat magbitiw na po sa puwesto si Customs Commissioner Faeldon. Does he still have the confidence and the trust of the President?

SEC. ANDANAR:            I think we should give the Commissioner the benefit of the doubt, let’s give him the time and the space that explains him sa Kongreso; tapos na sa Senado, ngayon sa Kongreso naman. Tingnan natin kung ano iyong mga unfolding events na mangyayari ngayong araw na ito and the next few days. Let’s give him the benefit of the doubt, let’s see kung ano iyong magiging kahihinatnan nito.

DEO:                     Pero sa palagay ninyo nakarating na po ito kay Pangulong Duterte, Secretary Andanar, sir?

SEC. ANDANAR:            Oo naman. Ito namang klase ng mga balitang ito ay hindi naman ito nakakalusot. Everyday naman, Lakay, ay ina-update natin ang ating mahal na Pangulo sa mga pangyayari, lalo na itong isyu na ito may kinalaman sa droga na nakakalusot sa Customs. Pero iyon nga, buti na lang nahuli. But then again, medyo ano rin, medyo hindi rin magandang balita, dahil nakalusot, eh papano kung hindi nahuli.

DEO:                     Ito nga, Secretary, sir, kaya napaka-masyadong suspicious, sabi in Senator Dick Gordon nagsalita po iyong isang broker sa Customs, itong is Mark Tanguba na after pala na matimbog iyong 6 na bilyong halaga ng shabu sa Valenzuela, aba’y meron pa silang pinalusot na shipment sa Customs at ito ay patungo din dito kay Richard Tan. Iyon ang malupit doon, Secretary, sir.

SEC. ANDANAR:            Siguradong ito si Ginoong Richard Tan ay mananagot talaga ito, hindi naman na ganoon-ganoon na lang, dapat iniimbestigahan ito ng husto, dapat sumailalim sa tamang imbestigasyon na naayon sa batas na hindi naman tayo naagrabyadong mga Pilipino, pero hindi rin naagrabyado iyong…siyempre iyong kapulisan natin, iyong PDEA na sila naman ay talagang nakatutok dito sa war against hard drugs. So, we will see in the next few days and later, tomorrow, magkikita kami ni Presidente, malaman natin kung ano iyong hakbang niya dito.

DEO:                     Pero, Secretary nandito pa kaya itong si Richard Tan, eh Taiwanese ito, baka mamaya umuwi na sa kanilang bansa ito?

SEC. ANDANAR:            Sana nandito pa. Sana nandito pa si Mr. Richard Tan, para ma-kuwestyun din, siya, para matanong din siya kung ano iyong kanyang partisipasyon, lahat. Siyempre droga iyan.

DEO:                     Iyan ang number one na galit na galit ang Pangulong Digong, sa droga ha. Pagkatapos eh madadamay pa po ang ilang opisyal na pinagkakatiwalaan ng Pangulo.

SEC. ANDANAR:            Oho. Para sa akin naman, Lakay, ang mahalaga dito ngayon, kasi nangyari na eh, nakalusot na di ba. Ang mahalaga dito ay nahuli. Ang tanong ngayon, ito ba ay mangyayari ulit? I’m sure is Commissioner Faeldon is making steps already na hindi mangyayari; but then again, we will wait for the investigation of Congress. We will wait for the investigation of the President, kung ano ang kanyang magiging hakbang dito. But, sigurado pagdating dito sa droga, the President does not mince words tungkol dito sa droga, talagang ito ay tatapusin niya ito at walang sacred cows.

KAREN:               Okay, maiba naman tayo Secretary Andanar, ano. Dito sa Pasay City ay makulay na makulay na po ang Roxas Blvd at ang CCP.

DEO:                     Bakit makulay?

KAREN:               Makulay dahil sa darating na ASEAN Foreign Ministers Meeting. So ano po ang ating maaantabayan po dito? Meron po bang—we believe may partisipasyon din po ‘no, magbibigay din po ng ng speech si Pangulong Rodrigo Duterte, bandang huling part na po ng mga meetings.

SEC. ANDANAR:            Sa ngayon, bandang huling part nung mga meeting. Ngayon puspusan na po iyong paghahanda ng NOC at ng DFA, PCOO dito sa ASEAN. In fact ngayon nandoon na sila, tapos mamaya pupunta rin ako doon. Maganda ito, kasi ito na iyong second batch kumbaga, ito na iyong second event ng ASEAN, una iyong first quarter of this year. Ito    iyong paghahanda, bago iyong November na mangyayari na kasama naman iyong world leaders. Kami naman sa PCOO meron din kami this coming September, iyong aming event with… ASEAN event which is—actually it’s a film festival dito sa Maynila.

DEO:                     Secretary, sa isa pang isyu. Ano po ang reaksyon ng Pangulong Digong dito sa pagkakatimbog ng mga Parojinog sa Ozamiz City. Natuwa ba ang Pangulong Duterte, Secretary Andanar, sir?

SEC. ANDANAR:            Basta lahat iyan, Lakay, ng mga operasyon sa droga at iyong mga suspect na—mismong drugs at iyong mga nabanggit doon sa listahan, kapag sila po ay nahuhuli, sila po ay haharap sa batas ay siyempre this will gain for the government. Kaya sa palagay ko ang Presidente po ay talagang seryoso naman sa kanyang giyera kontra droga, palagay ko ang ating kapulisan at ang iyong PDEA they are now more inspired to go after the drug lords, especially the narco-politicians; walang aatrasan po, no sacred cows.

DEO:                     Kinakantiyawan ng mga kritiko ang Pangulong Digong. Sabi nila mga pipitsugin lang naman ang napapatay, pero ito na po, ito ang isa sa itinuturing na malaking isda, big fish na natimbog ng ating mga otoridad, Secretary, sir?

SEC. ANDANAR:            Tama ka, Lakay. Kasi ang sinasabi nila small fish lang daw ang hinuhuli ng Presidente, eh ngayon ito eh talagang kilalang Mayor ito doon sa Ozamiz at ngayon inimbestigahan na rin itong si Peter Lim, so sunud-sunod na ito. Sabi nga ni Bato, talagang  sunud-sunod na ito, hindi na titigil ito. At nakikita ng mga kababayan natin na hindi lang po iyong small fish na pusher, pati po mismo iyong mga drug lord mismo, iyong mga nandoon sa first tier ng drug industry. Kaya no sacred cows, tapos sa mga nasa listahan, alam nilang nasa listahan sila, eh maigi na lang sumurender na sila. Kaysa naman ma-operate at magkita pa sila ni San Pedro.

KAREN:               Mapaaga.

SEC. ANDANAR:            Dapat magkita sila ni San Bato.

KAREN:               Speaking of that, Secretary Andanar, siyempre ang mga kritiko ng Pangulo, ang kritiko ng…iyong kampanya ng Pangulo laban sa illegal na droga, sinasabi nila ang mga kapulisan daw, kailangang mag-ingat din naman how they do their operations ano. Ano iyong komento ng Malacanang po diyan?

SEC. ANDANAR:            Well, ang ating kapulisan naman at ang ating Philippine Drug Enforcement Agency, sila naman ay nag-ooperate na ayon sa batas. Dapat talaga silang mag-ingat, kasi alam naman din natin na ang Commission on Human Rights at iba pang human rights groups ay nakatutok din dito sa drug war. Now merong mga kritiko, merong mga kalaban, merong mga grupo na hindi naman sila, pro-illegal drugs. But I would say, they are for pro (communication line cut)

KAREN:               Go ahead, Secretary?

DEO:                     Nawala si Secretary.

##

Resource