Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Meanne Los Banos (Aksyon TV- Punto Asintado)

MEANNE:                                          Makakausap natin, ayan na siya, si lodi oh, Secretary  Martin Andanar, PCOO Chief, lodi, sir. Good morning.

SEC. ANDANAR:                            Hello Meanne, good morning.  Ikaw iyong pinaka-lodi ko.

MEANNE:                                          Nakoh, talaga nakikita kita sa media center nitong mga nakaraang araw eh. Pinagkakaguluhan ka doon  eh.

SEC. ANDANAR:                            Hindi si Justin  Trudeau  ang pinagkaguluhan doon.

MEANNE:                                          Iyon. Kasama ka ba sa naki-selfie, sir? Ika talaga ha.  Pagusapan  na natin dahil kahit natapos na iyong ASEAN Summit nitong nakaraang araw, may bilateral meeting pa pala si Pangulong Duterte sa Chinese Primier Li Keqiang at nagresulta sa labing-apat na deal, aba marami iyan. So puwede mo bang i-discuss sa amin, at least highlights. Paano ba magbe-benipisyo diyan iyong publiko?

SEC. ANDANAR:                            Well, iyong mga napirmahan doon sa bilateral mahalaga iyong bridge na grants ng China na magdudugtong, well actually  may mga bridges na pero  madadagdagan iyong mga bridges sa Pasig River dito sa may Mandaluyong area at dito po naman sa may Binondo  at Intramuros area na bridge. Mahalaga din iyong napirmahan nilang drug facility dito sa Mindanao area. Tapos, nandiyan din iyong agreement on the economic and technical cooperation between government of the Republic of the Philippines and China. Actually, one billion pesos ang ipinangako ng China dito sa rebuilding of Marawi. So, iyon maganda iyon!  Iyong isa pa maganda pa iyong Memorandum of Understanding dito sa cooperation sa Industrial Park Development ng DTI at ng Republic of China.

Ang  mahalaga dito Meanne  is that, ito  sa  buong ASEAN ‘no at  iyong sa China. President Duterte was able to successfully positioned  the Philippines in such a way  that everybody in the ASEAN pati iyong mga iyong dialogue partners, the President made  to understand that  we  Filipinos, we truly understand and appreciate  our  strategic location. Kasi for the past few years ay, tayo ay di ba sumusunod lang tayo sa isang bansa, etcetera  ngayon. Eh ngayon, China now believes that we as Filipinos, we are truly independent and  that we can engage them also, not only the United States, not only other countries.

So therefore, iyong mga bansang China, bansang Japan, bansang United States,  Russia, India, they respect the  Philippines so much, because  of the leadership of President Duterte and the independent foreign policy and which resulted to  all of the deals  that we have right now, the advantageous para sa bansa natin.

MEANNE:                                          Kumbaga mas tumaas iyong kumpiyansa nila na  tumulong at mag-invest dahil with the kind of leadership and admit it that China, talagang gustong-gusto nila si Pangulong Duterte eh, eh dahil iyong  ganito karaming deals na nabigay nila or napirmahan sa pagitan ng administrasyong Duterte at iyong ngayong administrasyon ng China?

SEC. ANDANAR:                            Tama ka, Meanne, meron tayong Presidente ngayon who truly appreciates our  strategic  geography at  I was able to  relay the message to them that we know how important  to them. As a matter of fact, di ba paulit-ulit sinasabi ni   Presidente ito, yung ang Pilipinas na nagbabago iyong geo-politics, even Donald Trump himself said that  our real estate is a piece of prime lot, prime property and we are the most important location and  terms  of military, strategic  dito sa lugar natin. Siya na mismo sinabi niya sa  inyo, sa media, sinabi niya din doon  sa gaggle  nila sa loob ng eroplano doon sa Air Force 1. Presidente na ng Amerika iyon nagsasabi na talagang  indispensable ang Philippines  in terms of strategic location and they really need us. Ganundin ang China, ganundin ang Japan, ganundin ang India, Russia, ganundin.

MEAANE:                                          At hindi natin talaga  mababalewala iyong dami ng offer ng tulong specifically, Secretary doon sa Marawi, parang iyong Yolanda before,  talagang katulad nito, more than one billion iyong ibibigay ng China for the infrastructure na itatayo sa Marawi City.

SEC. ANDANAR:                            Tama and alam mo, ma-imagine mo lang  Meanne, kung ano ang mangyayari sa Pilipinas for the next four years  under  President Duterte na naiintindihan iyong kahalagahan ng ating bansa and the fact  that we have  an independent foreign policy and now we can deal directly with anyone we want na hindi tayo sunud-sunuran ng  kahit na sino. Kumbaga ang interes ng Pilipino  ang nasa isipan ng ating Pangulo, iyon ang mahalaga dito.

MEANNE:                                          Susundutin ko ng tanong ito Secretary ha. Kasi may ilang mga personalidad, dating Ambassador Jose Cuisia, Atty. Batumbakal ng UP. Ang sinasabi, okay fine with the investments from China, pero parang na-compromise daw na hindi naidiin iyong West Philippine Sea issue  during  the whole chairmanship ng Pilipinas?

SEC. ANDANAR:                            Ang sinabi naman  ni Presidente dito, Meanne, is that within his term in the next four years, he will have to talk to China and confront them about our claims the West Philippines. Nandiyan naman iyan, panalo na tayo sa PCA. What is important here is that, we are gaining from China, just like President Donald Trump, although karibal nila ang China, but  Trump  went there and  they have a big trading deal with China.  So it doesn’t mean na ang  America, kahit karibal sila, hindi na sila iyong makikipag-diyalogo o makikipag-deal, di ba?

 

MEANNE:                                          And we saw the gesture, Secretary, tuwang-tuwa  siya kay Pangulong—chit chat  eh  talagang  everytime  magkikita sila, nakikipagkuwentuhan si  US President Trump. So kita mo iyong giliw na giliw siya sa Pangulo, kita naman sa gestures.

SEC. ANDANAR:                            Tama and bukod kay President Donald Trump. Kagabi  doon  sa state dinner, talagang nakikipagbiruan din si Premier Li Keqiang kay Pangulong Duterte. Ang mahalaga dito doon kasi sa ASEAN ang napag-usapan talaga ang gusto ng mga ASEAN partners at members ng ASEAN is iyong freedom of navigation at iyong freedom to fly over the West Philippine Sea or South China Sea at ito naman ay isang  or dalawang  kasunduan or dalawang, actually, objective ng mga bansa na binanggit din ng China, that they will respect the  whole navigation and  the freedom to fly over these waters.

MEANNE:                                          Ang sinasabi ng mga perosnalidad na ito, hindi raw enough, Secretary   iyong sinasabing naging resulta nung meeting na  aasikasuhin iyong  negosasyon ng code of conduct. Dapat daw ay talagang na-insist natin iyong ating legal victory. Do you agree or it’s a matter of timing?

SEC. ANDANAR:                             Well, actually ang mahalaga talaga dito ay nagkasundo iyong ASEAN na magkaroon ng final framework for the code of conduct and ito naman ay  ipapasa nan atin ngayon sa susunod na Chairman which is  Prime Minister Lee Hsien Loong. Now, again, paulit-ulit na sinasabi na wala na, hindi na mababago iyong ruling PCA, panalo na tayo diyan eh. Ang mahalaga dito is, panalo tayo doon, panalo din tayo in terms of economics, kasi meron tayong mga deals na nakuha, otherwise kung hindi nakipag-negotiate si Presidente, nakipag-bargain ng ganitong klase, wala! Talagang pupulutin tayo sa kangkungan in terms of what we can get from China, what we can get from the other nations who are actually  very interested in the  Philippines.

MEANNE:                                          And what  you are saying, Secretary is that, pangako ng Pangulo within  his term, there  will come a point in his term, in his time na he will deal with this. He will face China and talk about this West Philippine Sea issue.

SEC. ANDANAR:                          Oo, tama, tama at sinabi naman ni Presidente iyan na alangan namang makipag-giyera tayo eh wala naman tayong kalaban-laban. So, ang  mahalaga dito is that, the Philippines is now in a higher pedestal,  we are back in the map, people respect us, other  country respect us. The leaders of ASEAN, the leaders of the world respect the Philippines, respect the President and we don’t deserve less actually. Ngayon marami tayong makukuha in terms sa economy at iyong mga pangako ng ating mahal na Pangulo na magkaroon tayo ng isang inclusive growth ay talagang mangyayari. Biro mo napirmahan  nga iyong sa Japan, iyong exchange of notes sa subway, tuloy na tulyo na iyon at marami pang ano, di ba.  At marami pang ibang napirmahan. Kagabi, labing apat ang pinirmahan kagabi na  pabor sa  ating bansa.

MEAANE:                                          On a lighter note, kumusta ang Pangulo at kumusta kayo sa team, nakahinga na ba kayo ng maluwag, Sec. natpaos na, biggest political, so far  gathering  na –sa loob pa lang naman nitong dalawang taon na hinost[hosted] ng Pilipinas.

SEC. ANDANAR:                          Oo, well talagang hindi naman biro ang ginawa ng Pilipinas di ba, so 50th anniversary ng ASEAn, 31st ASEAN Summit, nandito lahat ng mga lider, mga bigatin, President Donald Trump, so nakahinga lahat, pati nga si Presidente,  pinasalamatan niya kami lahat kagabi, lahat ng member ng National  Organizing Committee  at of course  tayo ay  pahinga lang ng kaunti, tapos trabaho. Wala namang  hinto ang trabah0 sa executive department, parang sa media walang hinto. We would like to thank all of the Filipino people for supporting and  for actually…talagang best foot forward and Metro Manila.

MEANNE:                                          Saka grabe iyong schedule ng Pangulo nitong nakaraang tatlong araw, iyong may plenary siya maghapon tapos  iyong ASEAN-US, ASEAN-Japan ganyan  and  then sa gabi may mga bilateral!

SEC. ANDANAR:                          Sobrang hirap talaga.

MEANNE:                                          Kapagod.

SEC. ANDANAR:                            Ako mismo talagang sinamahan ko si Presidente sa lahat ng meeting niya, ang hindi lang ako nakasama iyong  isa lang,  dahil pumunta ako sa inyo, sa world Trade Center para i-receive si  Prime Minister Trudeau. Kami nga na sumasama na mga Secretaries,  hindi naman kami nag-preside whatsoever, napagod kami, grabe.

MEAANE:                                          Nakakatawa may  mga memes na nga sa facebook na iyong itsura nung mga reporters nung huling gabi na magpe-presscon  nakatulog na, sobrang pagod talaga. So I guess pahinga ngayon ang Pangulo, Secretary?

SEC. ANDANAR:                          Pahinga ang Presidente ngayon, kahapon was the last day, because of the bilateral with the Premier of China. Kaming lahat actually, well back to work na. Pero alam ninyo naiintindihan ko rin ang media, dahil mahirap mag-abang ng balita, hindi ganoon kadali na mag-abang ka  doon sa World Trade Center. You are just waiting kung ano iyong susunod na sasabihin.

MEANNE:                                          Hindi kami malapit, malayo kami. So kung ano lang iyong i-feed iyon lang, hindi ba.

SEC. ANDANAR:                            Kung ano lang iyong naka-feed doon sa ID TV,  But I am also happy that maganda naman iyong mga feedback lalo na sa international  media, kasi mga bisita natin sila. They are happy with the way we hosted it and  also how  we treated the entire delegations from different country  and the media also.

MEANNE:                                          Okay, congratulations Secretary Martin Andanar,   magpahinga rin po kayo, malapit na weekend.

SEC. ANDANAR:                          Maraming salamat, Meanne at maraming salamat. Mabuhay kayong lahat sa Radyo Singko.

##

Resource