Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar (Aksyon TV – Punto Asintado by Maeanne Los Baños)

SEC. ANDANAR:                              Anyway, sabi ko kanina, naiintindihan natin na mayroong mga pangamba iyong ilan sa mga kababayan natin na naka-experience ng, alam mo na, hindi magandang karanasan noong Martial Law. So ang pangamba dito ay baka makialam ang gobyerno sa mga kababayan natin, iyong privacy ba, Maeanne. At the same time, we should also consider iyong advantages of this. Ngayon, siyempre iba naman ang konteksto ng martial law [noon], iba rin iyong kontesko ngayon sapagka’t tayo ay nagma-martial law ngayon sa Mindanao dahil nga sa presence ng terrorism ‘di ba. So kapag mayroon tayong national ID system is, we can identify right away kung sino ang pumapasok sa bansa natin. We can identify sino iyong mga terorista, sino iyong normal, sino iyong wala talagang kabahid-bahid na masamang balak gawin sa lipunan natin.

Remember that iyong national ID system during 1936 was already introduced in the United States, again, by the SSS ng US, Social Security number. Noong ’73, ganoon din pero na reject din po. Pero noong nangyari po iyong World Trade bombings or iyong pag-crash ng eroplano doon sa World Trade Center noong September 11, 2001 ay doon na nag-isip ang mga Amerikano ulit na maglagay ng National ID System, and that was the time, I believe, that National ID System was approved because of that incident.

MAENNE:                                            Sec, pa-explain lang nito ha: Paano ho makakatulong itong  National ID natin  o iyong Filipino ID na plano nating ilabas para sa pag-identify o maiwasan na nga  itong pagpapasok ng mga terorista dito sa ating bansa?

SEC. ANDANAR:                              Well, yeah, magandang tanong iyan kasi sapagka’t kung tayo po ay naka-record tayo, naka-biometrics tayong lahat, lahat ng citizen ng bansa natin ay mas madali nating malaman kung sino iyong mayroong national ID. Ngayon, halimbawa, kung mayroon tayong tinatawag natin na mga checkpoints ‘di ba diyan sa Mindanao, so ipakita mo lang iyong national ID mo, okay ka na. At the same time, kung mayroon tayong hinahabol din na pinaghihinalaan natin na may koneksyon sa terorismo, mas madali ding hulihin. At the same time, kung mayroon din namang walang ID, ibig sabihin noon, hindi siya Filipino kasi wala siyang ID.

Ang second na maganda dito ay mas magiging convenient para sa mga kababayan natin iyong pagsusumite ng mga dokumento because everything is in one ID.

MAEANNE:                                         One number.

SEC. ANDANAR:                              Mas madali, one number. Pero what  I’m saying also, Maeanne, is that we also understand na may pangamba talaga and, I  think, this is where the confidence  building measure comes up na kailangan talaga ay mapatunayan natin na ang ating gobyerno na itong national ID ay gagamitin sa wastong paraan.

MAEANNE:                                         Sir, sinasabi ninyo puwede nating makita, mahabol kung sino man iyong mga hindi taga-dito. So, since may biometrics – correct me kung mali ho ako ha – puwede ho siyang magamit, kunyari sa crime, makaiwan ng finger print, eh di tingnan mo na lang doon sa record ng biometrics kung sino iyon. Puwede ba iyon?

SEC. ANDANAR:                              Opo. Oo, tama kasi, halimbawa, kung ikaw ay nagmamaneho and then all of a sudden ay may nasagasaan ka. Tapos namatay iyong nasagasaan, tapos mayroon kang plaka, etc., tapos sabay tinakasan mo iyong nasagasaan mo, mas madali kang ma-trace ngayon.  At the same time, kung mayroon kang ginawang krimen din, mas madali ka  ring hanapin. So kumbaga, mas medaling mag-trace kung sino iyong mga taong okay, sino iyong mga taong hindi. And, I think, this will be good especially these days na laganap talaga ang terorismo sa buong mundo.

MAENNE:                                            Correct. And may feature ho ito na may chip, tama? Is this because para hindi  rin  ho talaga siya ma-hack sa dami ho ng mga ganyang insidente ngayon?

SEC. ANDANAR:                              Yeah. Actually, Maeanne, iyong mga chip na ganyan, you will always have to update it, change it kasi alam naman natin  iyong mga hackers ay gagawa talaga ng paraan ‘di ba. Eh kung iyong sa Comelec nga ‘di ba nagkaroon ng problema iyon dati kung saan ay na-release online. So,  yeah, there will always be security features all the time and  it will be an ongoing process na hindi lang isang ID lang  and then after that, iyon na iyon. So you will always have to change these IDs.

But nevertheless, I think, this is a very good idea para mas madali para sa mga kababayan natin lalung-lalo na ilang milyon po iyong mga OFWs natin, at sila ay pumipila kung saan-saan para makakuha ng permit para makabiyahe – health permit, mayroon pang permit sa OWWA. Lahat, ang dami, may NBI. So imagine if you have one national ID, then it’s easier for everything for all those who have transactions in government.

MAEANNE:                                         Ito, Sec, may patanong: Kapag daw ho ba  may national ID na, hindi  na kailangang kumuha ng NBI or police clearance?

SEC. ANDANAR:                              I think, depende na iyan sa pag-uusapan kung, halimbawa,  iyong NBI mo or police clearance ay—I would like to  believe that magiging one stop shop lahat eh, and then you’ve given now a national ID. I think, you will still need the clearances pero, of course, gagawa din dapat ng proseso ang gobyerno para mas convenient para sa lahat.

MEANN:                                               Oo, sir, kasi iyong NBI ‘di ba ano iyan, ina-update kasi iyan. Hindi naman sa ano, pero kung ngayon malinis ka, baka next year may nagawa kang krimen. So ‘pag kinuha mo iyan, may ano ka na, markado ka na sa NBI. So baka talagang kailangan ay hiwalay pa rin iyong pagkuha ng NBI, it’s just that we have to make it one stop shop.

SEC. ANDANAR:                              Oo, one stop shop siya. But then again, kung nakalagay nga doon sa NBI na may record ka pero malinis ka naman sa LTO, malinis ka naman sa local government mo, wala ka namang problema sa SSS o sa iba pa o sa LTO, then you will always  be flagged.

So that’s the beauty about this. Kung isang sistema lang, kapag nandoon ka, halimbawa, sa airport at kailangan mong ipakita iyong ID mo, pag-swipe mo nang ganoon, ‘pag nakitang may problema, then they will know right away kung saan ang problema mo, kung mayroon ka bang hold departure order o kung ano pang mga order na hindi ka puwedeng bumiyahe. So ang mahalaga dito ay kailangan din ayusin iyong proseso kasi we also have to think about this, Maeanne, halimbawa, ang lisensya, ilang taon ba iyong lisensya ‘di ba?

MAEANNE:                                         Three, gagawin ng five.

SEC. ANDANAR:                              Ilang taon iyong expiry nito? Five years ba?

MAEANNE:                                         Oo, magiging five na.

SEC. ANDANAR:                              Oo, tapos iyong  passport natin ay ten years. So, I think ito iyong mga aayusin dapat eh. Kumbaga, mas maganda sana kung iyong expiration ng lahat ng mga ID ay sabay-sabay para isang aplayan lang.

MAEANNE:                                         Correct. Sir, para lang doon sa mga may agam-agam ‘no, liwanagin lang natin, anu-ano ba iyong mayroong impormasyon dito sa national ID, sa  Filipino ID, na wala sa usual ID natin ngayon?

SEC. ANDANAR:                              Actually, tama ka, magandang tanong iyan. Halos lahat nga ng impormasyon ay nandoon na ‘di ba? Although, of course, mayroong mga kababayan natin na walang NBI clearance. One might have an NBI clearance, one would not have an NBI clearance; one would  have a driver’s license, one would not have a driver’s license. Pero most of the information,  ang mga vital naman ay mayroon namang record din ang gobyerno.

MAEANNE:                                         So, like address? Go ahead.

SEC. ANDANAR:                              Halimbawa, passport, may record naman ang gobyerno sa passport natin. Alam naman ng gobyerno kung ano iyong mga detalye, saan tayo nakatira, etc. Ganoon di sa driver’s license. So, it’s really just a matter of, siguro, mayroon ding … mayroong mga kababayan tayo na nangangamba nga kasi iyong privacy.

MAEANNE:                                         Too much information  iyong nabibigay.

SEC. ANDANAR:                              So, I guess, it’s the confidence building measure na dapat  gawin ng gobyerno at ng mamamayan para hindi ito gamitin sa isang hindi magandang paraan. Dapat mayroon mga measures din na dapat we should be protecting the privacy of each Filipino.

MAEANNE:                                         Oo, kasi to be honest,  I guess iyong nagmumula lang naman  iyong pagiging dubious ng iba diyan is iyong hahawak na ahensiya ng lahat ng impormasyon na ito. We have to make sure, hindi mali-leak, hindi  maha-hack.

SEC. ANDANAR:                              Yes, ma’am. Ako, I would understand siguro mayroong mga kababayan natin na hindi gugustuhin ito kasi mayroong iba na, halimbawa,  may mga rebelde, mga insurgents, so naturally kung wala kang ID, mayroong magtatanong, may magkukuwestyun kung ano ang pagkatao mo, ‘di ba. So mayroon talagang mga ayaw nito. And  it’s just really part of the entire exercise na may magrereklamo. Pero para sa akin, para sa buong lipunan natin, I think, this will be very good especially in identifying terrorists or violent extremists from non-terrorist and non-violent extremists.

MAEANNE:                                         If only for that, sir, you will be pushing it pero sabi mo nga ay kailangan may confidence building para  mawala iyong agam-agam.

SEC. ANDANAR:                              Tama, tama po kayo.

MAEANNE:                                         All right. Maraming salamat sa inyong oras, Secretary Martin Andanar. Idol, salamat.

SEC. ANDANAR:                              Salamat, Idol. Mabuhay ka.

##

Resource