Interview

Cabinet Report sa Teleradyo by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, Leo Palo III and Director Niño Padilla with PCOO Director Vinci Beltran, DILG Secretary Eduardo Año and OPAPP Secretary Carlito Galvez (Radyo Pilipinas)

PALO: Secretary Martin Andanar, magandang umaga sa iyo. Welcome again, our guest Speaker.

SEC. ANDANAR: Hi, good morning, good morning at salamat muli sa pagkumbida sa akin dito sa radio show. Good morning kay Leo, kay Director Niño, good morning—

DIR. PADILLA: Good morning.

SEC. ANDANAR: At sa lahat ng mga nakikinig po sa atin dito sa Radyo Pilipinas Uno nationwide. Tama iyong sinasabi ninyo na walang kinalaman ang relihiyon dito, as a matter of fact kung babasahin ninyo iyong latest na statement ni Secretary Año na mayroong tumulong na… actually, mga suspects galing Indonesia, ang sangkot din dito ang – mga suicide bombers. At itong mga suicide bombers na ito ay… they are usually not, they are really connected to terrorist groups, lawless the terrorist groups—

PALO: Bakit ba Sec., laging naano iyon… tawag dito nako-connect doon sa ISIS, bakit ba laging ganoon o ang media—kasalanan ba ng media ito?

SEC. ANDANAR: Hindi. Mayroon kasing mga foreign terrorist fighters mula doon sa Middle East, sa Syria, ang nagsiuwian na sa kani-kanilang mga lugar dito sa South East Asia at alam naman natin na iyong Indonesia ay isa sa mga bansang inuuwian ng mga foreign terrorist fighters at ang Pilipinas din mayroong mga elements sa Pilipinas at Indonesia and then mostly linked to each other at ito iyong pinag-aaralan ng Armed Forces of the Philippines, ng ating intelligence at ganoon din ng intelligence ng Indonesia at Singapore, Malaysia.

Now, dapat ho ay kailangan alisto tayo lahat: We have to cooperate with our government; we have to cooperate with the AFP; we cooperate with the Philippine National Police and our local government units. Sapagkat that is the surest way na masiguro natin iyong ating kaligtasan.

Number two, may mga nagtatanong eh bakit si… kahit may martial law eh may ganoon pa din? Eh lalo na kapag walang martial law sa Mindanao kasi wala iyong mga checkpoints na inaasahan natin. I just came from Mindanao, galing ako doon sa Cagayan De Oro at Bukidnon this week at kita ko naman na very peaceful iyong lugar. Number two, tinanong ko iyong mga kababayan ko doon sa Manolo Fortich, Misamis Oriental kung ano ang kanilang masasabi sa isyu. At sabi nga nila, iyon din ang sinasabi nila ‘eh may martial law may nangyayari, eh paano pa kung wala? So huwag na silang makialam sa martial law sa Mindanao sapagkat maayos naman. And of course we are wary dito sa Region 10 sapagkat malapit na rin iyong plebiscite dito sa Lanao which will happen on Feb. 6.

PALO: February 6.

SEC. ANDANAR: So ayaw natin na mahaluan na naman ng mga terrorist groups itong ating peaceful resolution for our Mindanao through the Bangsamoro Organic Law. Kaya nakahanda na po ang PCOO, full force: nandiyan po iyong Philippine Information Agency, nandiyan po ang Philippine News Agency, nandiyan din po ang Radyo Pilipinas at PTV para mag-cover po ng plebiscite dito sa Lanao ngayong February 6.

PALO: Well, ano ang mga ginagawa ng PCOO sa pag-send or dissemination ng information about Bangsamoro Organic Law, Secretary? Dahil sabi ko nga kanina kaya sinimulan ko iyong isyu na iyon na it’s not war against religion, whatever. Kasi parang marami akong nakikitang post na galit iyong isang Kristiyano doon sa Muslim at sinasabing terorista. Eh ang sa akin dito eh… Sabi ko nga, walang kinalaman itong relihiyon, ang kailangan natin ay iyong totoong kapayapaan sa buong Mindanao, ang pagkakaisa ng mamamayan. Ano po ang ginagawa ng PCOO para i-disseminate iyong information ng BOL?

SEC. ANDANAR: Magandang tanong iyan, Leo. Mula noong napirmahan po iyong BOL ng ating mahal na Pangulong Duterte, kami po ay nag-usap ng dating OPAPP Secretary Jess Dureza tungkol diyan. At ang pakiusap niya sa akin ay just make all of the government resources available for our Muslim brothers and sisters ng Moro Islamic Liberation Front at sa kanila mismo because we don’t really want to control or to manage their narrative on the story. So as far as writing the narrative or packaging the message for the Bangsamoro Organic Law, iyan po ay binigay natin sa ating mga kapatid na Muslim, iyan ay ibinigay natin sa OPAPP mismo.

So our duty is to make our resources available for all of them which is again, itong Radyo Pilipinas, itong PTV, Philippine News Agency at PIA (Philippine Information Agency) at Philippine News Agency. Kaya we are very happy that nanalo, na-ratify ito noong first election and we also maximize, Leo itong ating Office of the Global Media Affairs.

PALO: Iyan, isa pa iyan.

SEC. ANDANAR: So…

PALO: Actually, if I’m not mistaken napag-usapan namin iyan last Saturday with JV, Director JV, sabi nga eh marami pala tayong international media na nag-observe sa BOL, sa plebiscite.

SEC. ANDANAR: Oo. Maganda kasi na-facilitate si JV at ng OGMIA iyong ‘pagbiyahe ng mga foreign media and patuloy pa rin natin itong gagawin ngayong February 6 at si Director-General Clavite will be setting up a media tent for all of government media. And once again para sa ating mga foreign media correspondents if they want to cover the plebiscite, we will once again facilitate their coverage with security at ganoon din po as usual to our national media and our local media. And by the way, maiba lang tayo Leo, I just want to share that kahapon ako ay nagpunta sa Pampanga—

PALO: Oo, ibinalita nga sa akin ni Boss Tony Arcenal eh at nag-picture picture pa kayo eh, mayroon pa lang media caravan diyan sa Central Luzon.

SEC. ANDANAR: Yeah, this is a… continuation ito ng ating tinatawag na Government Media Bridge Policy. So nagpunta ako ng Pampanga, sa San Fernando and I spoke to the Pampanga Press Club at inalam ko rin iyong mga issues nila.

And then afterwards I went straight to Bulacan para naman kausapin din para makipag-dialogue, para ma-engage iyong ating Bulacan Press Club at naging successful naman. Pinapasalamatan ko ang LGU, ang provincial governor ng Bulacan, si Governor Alvarado at pinapasalamatan ko rin sina Provincial Administrator Boy at ang Information Officer nila in-charge po si Maricel sa Bulacan.

And I would also like to thank Mayor Santiago ng San Fernando for also assisting us and thanking also the Bulacan Press Club and the Pampanga Press Club and the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas because we were really warmly welcomed at they were very receptive dito sa Government Media Bridge Policy. And we will continue this by Monday nasa Davao naman tayo at kakausapin din natin ang Davao del Sur Press Club.

PALO: Well, ang alam ko ang Pampanga is one of the oldest Press Corps if I’m not mistaken ‘di ba?

SEC. ANDANAR: Yes.

PALO: Tama ba?

SEC. ANDANAR: Na-mention nila they’re celebrating 70 years.

PALO: Oo. Iyon ang alam ko eh. Mas matanda pa sila sa National Press Club actually, kung hindi ako nagkakamali.

SEC. ANDANAR: Iyon nga eh, ibabalita ko nga sa Cagayan De Oro Press Club, hindi pala kayo iyong pinakamatanda, mayroon pa lang Pampanga Press Club.

PALO: Nakakagulat.

SEC. ANDANAR: Exciting din iyong ano doon, iyong pulitika doon. Napag-alaman ko na magkalaban pala iyong Pampanga’s Best at saka iyong incumbent na governor, si Governor Lilia Pineda – ang kaniyang anak ‘ata iyong tatakbo.

And Leo, para sa mga naging active sa DuterteNomics 2.0 dito sa PICC, it happened last Monday—

PALO: Sec., sandali ha. Putulin lang kita sandali. Nasa linya din pala natin si Secretary Eduardo Año, kasama na natin ngayon.

SEC. ANDANAR: Ay very good. Sec. Año?

PALO: Good morning, Sec. Año.

SEC. AÑO: Magandang umaga sa inyong lahat.

SEC. ANDANAR: Good morning, Sec. Ed, si Martin po ito. Alam mo, kinukulit ako ng Elshinta Radio ng Indonesia, kasi humihingi sila ng pahayag tungkol doon sa ni-release mong statement na mayroong mga Indonesian suicide bombers na tinitingnan ng inyong tanggapan. At baka puwede mong i-expound dito sa radio program natin, at iparating na lang natin doon sa Elshinta, salamat po.

SEC. AÑO: Well, ongoing pa rin iyong ating investigation doon, especially iyong Forensic. Sabi nga, may dalawang pares ng paa na na-recover doon na walang nagki-claim, walang nag-a-identify, at more or less ito ay mga suicide bombers. And then mayroon tayong mga intelligence information galing doon sa loob na Indonesian couple ito. Nagkausap din kami ng ating Pangulo noong isang gabi, iba ang sources niya pero it also lead to Indonesian couple.

But then, siyempre bago natin ipa-finalize iyan, kailangan supported properly lalo na ng Forensic at ng DNA. So mayroon tayong ugnayan sa Indonesian government – tutulong sila, at least mabubuo natin kung talagang ma-identify natin ito na talagang Indonesian itong bomber na nagpaputok dito sa cathedral.

SEC. ANDANAR: Ano po iyong mga unang clues o iyong mga initial clues which led you to say that Indonesian po iyong … na may kinalaman po iyon sa mga Indonesian suicide bombers?

SEC. AÑO: May mga sources naman tayo sa loob ng organisasyon nila. Tapos mayroon din tayong mga nai-interview na mga hostages na kanilang hawak, na ngayon ay na-release na, plus iyong nangyari dito sa Jolo at ongoing investigation, so nag confirm ito, nagduktong-duktong ito. At ito nga, itong plano talaga nila na pagpapasabog para gayahin sila ng Pilipino. Sa atin kasi, alam mo naman, wala sa ating tradisyon iyong mga suicide bombing na iyan. So parang gustong magpakita ng example at gusto nilang itaas sa religious war, kaya ang pinipili nila ay iyong mga simbahan, cathedral para pag-awayin iyong Kristiyano at saka Muslim.

SEC. ANDANAR: Magandang nabanggit mo, Sec. Ed, itong religious war. Gusto lang nating malaman kung itong religious war na gusto nilang gawin ay may kaugnayan dito sa nagiging matagumpay na na ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law? For the record lang, Secretary Ed.

SEC. AÑO: Nakita naman natin na our Muslim brothers in Mindanao, open – gusto nila ang BOL. The majority really wanted the BOL. Kaya sa tingin ko, although siguro gusto rin nilang ipakita na against sila, but ang pinaka-nakikita kong motibo nila talaga ay itong ISIS movement na gusto nilang palakihin iyong gulo at makapag-recruit pa ng mga batang Muslim na madadaya o mabibiktima nila sa social media; at isa pa, para makakuha ng mga funding sa foreign sources kapag may nagagawa silang ganoong damage.

PALO: So, Sec. Año and Secretary Mart, is it safe to say now that … or vindicated na ang Pangulo doon sa kaniyang unang sinabi na talagang it’s a suicide bombing?

SEC. AÑO: Well, ako ay naniniwala sa sinabi ng Pangulo kasi bago pa man magsalita ang Pangulo, mayroon nang information na nakuha at hindi lang tayo nagsasalita para tapusin natin iyong ginagawang imbestigasyon; pero tama iyong sinabi ng Pangulo.

SEC. ANDANAR: Okay, Sec. Ed, mayroong mga intelligence report from a reputable Singaporean scholar, si Rohan. I’m sure you know Rohan ‘no.

SEC. AÑO: Yes, yes.

SEC. ANDANAR: Binanggit ni Rohan na we are facing a new face of threat influenced by foreign fighters, ideologists and funding, tulad ng nabanggit ninyo kanina – parang ganoon ho ang nangyayari eh. Ano ito, talagang nag-coincide lang sa BOL kaya medyo lalong gumugulo tingnan itong—?

SEC. AÑO: Yes, oo.

SEC. ANDANAR: Yes, so you’re saying yes.

SEC. AÑO: Well, actually, ang kanilang plano ay before the BOL pa, noong last year pa. Ang natuloy lang last year ay iyong Lamitan bombing kasi dumating iyong funding noon. Itong para sa Jolo ay bago lang dumating iyong funding. Pero even before the BOL, talagang may plano na sila. Well, kung mata-timing pa sa BOL, alam mo naman, magkakaroon ng confusion at maaaring i-take advantage nila iyong mga pupuwedeng ma-visit nila at mag-join sa kanilang cause, so tini-take advantage nila itong mga ganitong sitwasyon.

SEC. ANDANAR: Iyong sinasabi na Islamic Wilayat, iyong Islamic territory, ito talaga iyong target nitong suicide bombers?

SEC. AÑO: Yes, oo. Iyong tinatawag na Dawlah Islamiyah. Ito iyong, worldwide kasi iyong ISIS, ang sentro nila ay sa Iraq at saka Syria. But they have to establish branches or Islamic base and then call it Dawlah Islamiyah or IS-ISIS. At mayroon ng ISIS sa Africa, mayroong—Dito sa Asia, una sanang plinanuhan nila ay dito sa Indonesia pero nakita nila na mas okay dito sa Pilipinas dahil maraming Abu Sayyaf Group, factions na nag-pledge ng allegiance mula pa noong 2015-2016, at nabuo noong nai-establish nila itong Maute-ISIS under Hapilon so ito, pinangatawanan nila na ituluy-tuloy ito.

SEC. ANDANAR: Mayroon ditong sinulat ni Rohan na Dawlah Islamiyah Sulu, Islamiyah Basilan, Islamiyah Maguindanao, Islamiyah Lanao led by the following people: Hatib Sawadjaan, Furuji Indama, Abu Turaife, Abu Dar. Ito bang mga ito, Secretary Ed, itong mga heads ng Islamiyah nila ay anyway connected to Abu Sayyaf?

SEC. AÑO: Yes, oo, puro Abu Sayyaf iyan, except Turaife. Si Toraife kasi ay galing iyan sa BIFF. Sa mga nabanggit na mga lider ng Abu Sayyaf, itong si Furuji Indama ang medyo hindi talaga solidly nagsu-support sa ISIS kasi ang gusto niya local lang. Pero dahil iyan na iyong uso ngayo ay sumunod na rin siya kasi kung hindi ay baka madisgrasya siya dito sa Basilan. Remember mo, hindi iyan sumama kay Hapilon noong pumunta si Hapilon sa Marawi, naiwan lang si Furuji Indama. Pero ganoon pa man, siya pa rin ang acknowledged Abu Sayyaf leader diyan sa Basilan sa ngayon.

SEC. ANDANAR: Okay. Baka mayroong tanong din Sec. Ed, si Director Niño pati si Leo Palo.

DIR. PADILLA: Sir, ngayon po ay natapos na po iyong clearing operations natin. Ano po ang mga measures na ginagawa po ng ating pamahalaan para naman po ay iyong pangamba ng ating mga kababayan po doon ay maibsan naman kahit papaano po?

SEC. AÑO: Well, unang-una, atin nang na-establish na iyong ibang mga natitirang foreigner, na pupuwedeng maging suicide bomber ay nandoon pa rin sa Jolo. So, sa ngayon ay nagsasagawa ng mga malawakang military at police operations doon sa pinagkukutaan nila Sawadjaan. Pangalawa nag-heightened alert na tayo all over the country para – lalo na election period na tayo ngayon at nag-a-advocacy tayo ngayon sa mga… through ating mga barangay captains na pangunahan itong pagiging alerto at saka pag-a-adbokasya sa ating mga mamamayan na maging handa, mag-report kung mayroong nakikita at saka pangunahan din iyong pag-iingat sa ating mga komunidad. Ito kasi dapat lahat tayo involve dito, hindi lang naman security forces ang nangunguna dito, lahat ay kaniya-kaniyang parte na gagawin. Sabi nga, bakit sa Amerika mabilis nilang nakukuha? Kasi sila, half ng tao doon ay involve at gustong tumulong – talagang iyon ang pinakamagandang paghahanda natin.

DIR. PADILLA: May mga kritiko – ay critic naman talaga, wala tayong mga… marami silang sinasabing mga negatibo – na nagsasabi that there was a failure of intelligence, paano po natin i-address iyon?

SEC. AÑO: Ah, malawak kasi iyan eh kapag sinabi nating failure of intelligence, in fact iyong martial law nakatulong ng malaki. Kung hindi siguro martial law doon hindi alerto iyong ating intelligence, baka mas maraming bombing ang nangyari and the fact na ang gusto talaga ng mga ISIS/Abu Sayyaf na ito ay makapag-conduct ng bombing operations sa malalaking siyudad katulad ng Davao, Cagayan De Oro, Zamboanga at even Manila, eh hindi natin napayagan na makalabas sila diyan sa Jolo. So iyon ang dapat na tingnan natin.

Doon naman sa cathedral, alam natin iyong information na ito ay bobombahin kaya naglagay na rin tayo ng sundalo diyan, 24 hours iyan ha diyan natutulog, may limang sundalong nasawi, diyan na iyan natutulog sa gate. Iyon lang medyo napag-aralan din at nagkaroon ng kaunting lapses kaya nakapasok iyong babae na iyon naka-backpack; so ang gagawin natin ngayon ay talagang lalo nating hihigpitan.

DIR. PADILLA: Sec. Ed, konektado po ba iyong nangyaring pambobomba sa cathedral at saka iyong pambobomba doon sa Zamboanga, mayroon bang common denominator po iyong dalawang insidente?

SEC. AÑO: Wala kaming nakikitang koneksiyon dito. Iyong dito sa Zamboanga ay granada ito na naano… baka kung sino lang din iyong gustong guluhin iyong sitwasyon kaya gumawa ng ganoon. Mukhang may personal na motibo iyan—

PALO: Personal ito eh.

SEC. AÑO: Pero wala siyang koneksiyon.

DIR. PADILLA: One last question from my end. Sec., iyong mga unang lumalabas na mga sinasabing person of interest naging suspect ninyo iyong sinasabi na ilan. Ano po ang nangyari, na-clear po ba natin ito or the same na person of interest pa rin sila?

SEC. AÑO: Yes, iyong mga nandoon sa video CCTV ay na-conduct-an na ng investigation at na-establish naman natin na clear iyong mga kabataan na nandoon at ang maganda naman mayroong mga bagong lumabas na person of interest at sa ngayon may isinasagawang operasyon ang PNP, iyong iba nasa custody na ng PNP pero ating hihintayin na lang iyong—

DIR. PADILLA: Just for the record ho, ayusin na natin iyong person of interest at saka suspect, magkaiba po iyon. Kasi sinasabi kapag lumabas ang pangalan at lumalabas iyong mukha—

PALO: Suspect agad.

DIR. PADILLA: Suspect agad, iyon.

PALO: Sec., pasensiya na kung ang natatanong namin sa iyo ay more on security, galing ka kasi sa AFP.

SEC. AÑO: Oo, okay lang naman at saka trabaho natin iyan.

PALO: Pero ngayon na ikaw ay DILG Secretary na, ‘di ba Secretary Mart eh gusto ko lang malaman, ano ang magiging papel ng Department of Interior and Local Government dito ngayon sa magiging malawak na ARMM, kasi BARMM na siya – so, ano po ang magiging papel nito, Secretary Año, sir?

SEC. AÑO: Well, magkakaroon kami ng close coordination sa magiging sort of Ministry of Interior and Local government ng Bangsamoro. Even before naman iyong ARMM DILG ay hindi hawak ng ating DILG pero sa ganda ng aming close coordination, kung ano man iyong mga ipinalalabas kong policies ay sinusunod din nila – iyong si Secretary Kirby ang pinaka-Secretary ng DILG ng ARMM – so maganda iyong coordination namin so sa ngayon ma-establish na natin ang Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao so, close working relationship ang gagawin namin. At sisiguraduhin natin na ang mga nasyonal na polisiya ng ating Pangulo at pamahalaan ay siguradong i-aano rin nila.

PALO: Alright, dahil nga sabi ko nga magiging under na ito doon sa nakapaloob na Bangsamoro Organic Law. Hindi ba… para maging malinaw lang, hindi ba parang mababawasan iyong mga barangay natin at mapupunta na sa otoridad ng BARMM?

SEC. AÑO: Ah hindi naman, hindi naman—

PALO: So tuloy pa rin ang barangay?

SEC. AÑO: Yes, tuloy pa rin iyong barangay at sabi ko nga sa inyo ay nakiki-ayon ang kanilang DILG under ARMM at even kapag magkaroon na ng BARMM ganoon pa rin iyong aming magiging relationship. And from time to time almost siguro on a daily basis nagte-text sila sa akin, humihingi ng guidance kapag mayroong mga bagong polisiyang inilalabas ang ating Pangulo.

PALO: Bubuo ng Bangsamoro Transition Authority pero if I’m not mistaken iyong BTA ‘di ba? Parte ba ang DILG doon?

SEC. AÑO: Oo, kasama ako sa council na magno-nominate para sa bubuo ng BTA at ito ay talagang ating rerepasuhin na iyong mga malalagay dito ay iyong mga qualified at talagang alam niya kung ano ang magiging adhikain ng BARMM.

PALO: At saka iyong mga responsibilities within ‘di ba? Ang hirap kasi nito Secretary parang… akala noong iba magkakaroon ng conflict of interest, conflict of authorities. Eh parang ganoon ba?

SEC. AÑO: Ah hindi. Mas maganda ito dahil tayo suporta tayo sa BOL, gusto natin magkaroon ng isang magandang Muslim Autonomous Region for our Muslim in Mindanao para mahikayat na natin iyong ating mga kapatid na Muslim na nakatira kung saan-saan ay bumalik na dito sa Region sapagkat maraming opportunities na nakukuha dito at pati iyong Armed Forces at saka Philippine National Police ay dadagdagan po iyong quota ng mga papasok sa BNTA at sa pulis kasi eventually ang gusto nating mangyari iyong Armed Forces at saka PNP na nakatalaga diyan sa BARMM ay talagang Muslim na diyan na mismo pinanganak at nakatira, mga commanders down….

PALO: Sa transition authorities, kasi transition nga, so the President or sino ang mag-e-elect, sino ang pipili ng transition authority?

SEC. AÑO: Siyempre iyan ay magiging approval ng ating Pangulo. Kami ay magno-nominate lang at itong members ng BTA ay siyempre final approval ng ating Pangulo.

PALO: So after that kapag ka natapos na ito magkakaroon na ng parliamentaryo ng sarili ang ARMM?

SEC. AÑO: Yes, until they are able to conduct the regular election.

PALO: Sa nakapaloob doon sa BOL din, Niño, Secretary Mart eh iyong pagbaba ng armas ng MILF. How—anong gagawin doon, paanong paraan?

SEC. AÑO: Mayroong percentage na ibaba sila habang binibilisan natin iyong proseso na maging regular na sila ang BARMM from BTA to the final parliament ay tataas iyong percentage ng ibaba nilang fire arms and then finally the total fire arms ay nakuha na natin kapag nagpa-function na ng husto iyong BARMM. So sa ngayon I think initially parang nasa 30 or 35 percent iyong kanilang ibababa.

PALO: Malaki ha 35 percent.

SEC. AÑO: Yeah, malaki na iyan and then as soon as mag-function na iyong BTA then another percent and then later on mag-fully settle down din ng 100 percent.

DIR. PADILLA: Sec. Ed, as governing authority itong BBL later on, masasabi po ba natin ito iyong magiging litmus test para sa isang malawakang pederalismo?

SEC. AÑO: Yes, sa tingin ko ito iyong pinakamagandang simula at magiging magandang modelo para eventually ay maging federal government na tayo. Sana ay naiintindihan ng ating mga kababayan na ang advantage ay talagang mapupunta sa ating mga mamamayan sa rehiyon dahil, kita mo, iyong resources kaagad ay magagamit na nila kaagad.

PALO: Korek.

SEC. AÑO: Ang governance, sila mismo. At saka lalo nang makakapag-establish sila ng anumang mga business and commercial agreement with the international companies. So talagang—

DIR. PADILLA: Decentralized.

PALO: Secretary Mart, as part ng dissemination of information, siyempre nandoon kayo sa pundasyon, parte rin ba ang inyong ahensiya, ang PCOO, dito sa BTA – Bangsamoro Transition Authority?

SEC. ANDANAR: Basta as far as communications is concerned at iyong gamit ng gobyerno, iyong ating government facilities, ito ay gagamitin din ni Secretary Año at ng buong Bangsamoro Transition Committee.

But what I wanted to ask Leo, kay Sec. Año—somebody asked me, may nag-text sa akin, Sec. Año, gusto ko ikaw talaga ang mag-explain nito. Sabi, the Bangsamoro Organic Law is being ratified already. Ang tanong niya, so ano itong eleksyon sa Lanao del Norte? What is this election all about?

SEC. AÑO: Okay. Iyong elections sa Lanao del Norte, ito iyong second part ng BOL na kung saan iyong … kasi nagkaroon ng amendment iyong BOL. Iyong 39 barangay dito sa North Cotabato, na ngayon ay naging 67 ‘no, 67 barangay, at saka iyong anim na municipalities ng Lanao del Norte ay bubuto ang probinsiya at ang mga munisipalidad kung papayagan nilang mag-join iyong mga municipalities na ito sa Lanao del Norte, sa Bangsamoro Autonomous Region. Ganoon din iyong 67 barangay na nagku-cover sa anim na municipalities, kinu-cover ng anim na municipalities, magbubotohan sila, iyong buong municipalities kung papayag sila na ang mga barangay sa North Cotabato ay sumali sa Bangsamoro Autonomous Region – so iyan ang magiging plebiscite ngayong February 6.

Kapag ang overall boto ay, halimbawa, sa Lanao del Norte, anim na municipalities siya kasama iyong Tangcal, Munai and others. Kapag iyong buong probinsiya, except Iligan, ay bumuto at sinabi nila ay ‘yes’ so the six municipalities will join the …per municipality din iyong boto nila, except for Tangcal, yes or no; or Munai, yes or no. Kapag naman ‘no’ ang nanalo, mari-remain sila sa Lanao del Norte. Kasi remember, ang Lanao del Norte ay hindi kasama sa ARMM. Pero iyong anim na municipalities na iyan ay Muslim ang majority na residente kaya mayroong move itong mga residente na dyo-join sila sa Bangsamoro Autonomous Region, so iyan ang pagpapasiyahan ngayong February 6.

SEC. ANDANAR: Okay. So again, linawin natin – Lanao del Norte at North Cotabato iyong 67 barangay, municipalities.

ASEC. AÑO: No, no, 67 barangay ang North Cotabato, covered by six municipalities. Dito naman sa isa, six municipalities in Lanao del Norte. So the whole province, except Iligan, will cast their votes for the six municipalities, whether they’re going to agree to release the six municipalities or not.

PALO: Ang lawak ano, kapag tiningnan mo, talagang lumaki iyong ARMM dati.

SEC. AÑO: Para sa akin, iyong mga predominantly Muslim na municipalities, karapatan nila sumali kasi ito na eh, ito na iyong pagkakataon na mayroon tayong isang region na susuportahan natin nang husto para sa mga Muslim brothers at Muslim Filipinos.

SEC. ANDANAR: So sa makatuwid ay magkakaroon ng political na re-mapping if ever nanalo iyong ‘yes’ doon sa anim na munisipiyo at ‘yes’ doon sa 67 barangay.

SEC. AÑO: Teka lang po, may kausap lang po ako.

SEC. ANDANAR: Alam mo, I think we have to let Secretary Año go already.

PALO: Oo, nasa airport pala ito.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Sec. Ed, sa panaho n na binigay mo sa amin.

SEC. AÑO: Maraming salamat din, Director Niño at Secretary Martin. Mabuhay kayo at maraming salamat sa paghahatid ng katotohanan sa ating mga kababayan.

PALO: Maraming salamat sa inyo, Sec.

DIR. PADILLA: Maraming salamat.

PALO: Sa akin naman, Sec. Mart, nagpapasalamat din kami sa information dissemination na ginagawa ng PCOO dahil kung hindi din sa iyong ginagawang ito ay hindi maiintindihan talaga ng mga kababayan natin diyan sa Mindanao, maging sa ibayong dagat na nanunood at nakikinig. Ano ba ang mangyayari sa lugar namin? Ano bang mangyayari sa Mindanao, eh mukhang gusto nang sakupin or whatsoever, parang ganoon. At least ngayon ay naiintindihan na, at nakikita naman natin sa pamamagitan ng mga ‘yes’ votes na iyan ay malinaw po na gusto talaga ng ating mga kababayan ng totoong kapayapaan diyan sa Mindanao area.

[COMMERCIAL BREAK]

PALO: Nasa linya pa rin natin si Secretary Andanar, andyan pa? Okay. May tanong kasi sa kaniya from Malacañang Press Corps. Secretary, are you there? Nandiyan pa ba si Secretary Mart? Nawala, naputol? Okay. Anyways, nasa linya natin si Director Vinci rin. Director Vinci, how are you? Why are you not here?

DIR. BELTRAN: Hi.

PALO: Why are you there?

DIR. BELTRAN: Nandito ako sa Davao.

PALO: Pa-Davao, Davao na lang gayod, sus! Marunong ka na mag Bisaya? Nandiyan ka naman sa Davao.

DIR. BELTRAN: Hindi. [laughs]. Baka mali iyong pagkakasabi ko eh.

PALO: Ah ganoon ba? [laughs].

DIR. BELTRAN: Hello po sa mga nanonood at iyong nakikinig ng Cabinet Report sa Teleradyo.

PALO: At anong mayroon ngayon sa Davao? Are you preparing paving the way for the Secretary?

DIR. BELTRAN: Nililinis ko na iyong dadaanan ni Sec. [laughs].

PALO: Well…

DIR. BELTRAN: Hindi, mayroon tayo kasing preparation for the National Anti-Drug Summit na gagawin bukas hanggang Lunes—

PALO: So parang…

DIR. BELTRAN: Dito sa Marco Polo.

PALO: So dire-diretso iyan para sa media caravan pa din ng PCOO?

DIR. BELTRAN: Oo kumbaga ang dami nating mga proyekto, isa ito doon sa maraming iyon, bukod sa FOI, sa PTFoMS, iyong gender guide book, iyan mayroon tayo nito, Rehabinasyon—

PALO: Actually, maraming hindi nakakaalam sa dami ng ginagawa ni Secretary Martin Andanar kaya akala siguro nila ay namamasyal lang itong si Secretary Andanar. Nasa linya na ba si Secretary Mart? May tanong kasi sa kaniya from Malacañang Press Corps. Anyways, maya-maya lang ipasagot natin ito. Nandito, kasama ko si Director Guwapito Bonito Niño Padilla.

DIR. BELTRAN: Hi Direct Niño.

DIR. PADILLA: Hi…

DIR. BELTRAN: Ang lamig ng boses.

DIR. PADILLA: Nilalamig ka, yakapin mo iyong durian diyan. Anyway, kamusta ka naman? Akala ko nasa Batanes ka?

DIR. BELTRAN: Tapos na, tapos na tayo doon, nag-ayos tayo ng satellite—

DIR. PADILLA: Ikaw ba ay… namasyal ka ba doon sa Marlboro Country?

PALO: Wow.

DIR. BELTRAN: Yes, oo naman.

DIR. PADILLA: Marlboro Country, nakapunta ka ba doon by?

DIR. BELTRAN: Oo.

DIR. PADILLA: Ang ganda ‘no?

DIR. BELTRAN: Sobrang ganda, ang daming kalabaw.

DIR. PADILLA: Ang gandang mag-shooting doon na para bang maghahabulan kayo.

PALO: Naks naman.

DIR. BELTRAN: Isiningit lang natin iyan ‘no kasi ang primary reason kung bakit nandoon tayo, nag-install, nag-ayos tayo ng satellite para mas makikinig… para mas madali tayong marinig noong mga kababayan natin doon sa Batanes, diyan sa RP1.

PALO: Ang problema iba ang mga salita ng mga Ivatan?

DIR. BELTRAN: Opo pero mga magagaling din silang magtagalog ha, matigas, madiin—

PALO: Ah ganoon ba?

DIR. BELTRAN: Akala mo taga Southern Luzon.

PALO: Ayos iyan ah.

DIR. BELTRAN: Oo, hi sa mga taga RP1-Batanes, hello. O ‘di ba?

PALO: Salamat daw kay Jess Mamajes. Ano iyon ng ano mo, hindi ko yata na-gets iyon – ano iyon? Well anyways, sandali lang ha. Marie Aileen Taliping, pasensiya na ha mayroon yatang call on the other line si Secretary Martin Andanar kaya pasensiya na hindi ko na naitanong sa kaniya. May tanong kasi dito, Director Niño, kaya mo bang sagutin ito? Joke! [laughs].

DIR. BELTRAN: Si Direct Niño ang sasagot. [laughs].

PALO: Ah iyong Dios mamajes pala ang ibig sabihin noon, ‘Salamat’ iyan sa Batanes.

DIR. PADILLA: Hindi pangalan iyan, Jess…

PALO: Akala ko pangalan eh.

DIR. BELTRAN: [laughs]. Akala mo pangalan…

DIR. PADILLA: Mantakin mo ginawang pangalan.

PALO: Jess ba o Hess?

DIR. BELTRAN: Parang Jess iyong naririnig ko.

DIR. PADILLA: Ang Latin kasi kung mag-Latin ka—

PALO: ‘Dios mamajes.’

DIR. PADILLA: Kadalasan Espanyol at saka Latin ang nandoon sa Batanes eh, ‘di ba, nakita mo doon sa harap ng simbahan nila ‘di ba? Iyong ‘J’ kasi ang pronunciation niyan sa Latin is ‘Y.’

PALO: So ‘Dios mamajes.’ Ano ito? ‘Aytu kamawaw – I’m thirsty’ sabi ni Ate Weng. Aytu kamapteng – I’m hungry. Grabe itong babaeng ito, kanina kakakain lang namin sa baba, ito thirsty na hungry pa. [laughs].

DIR. BELTRAN: Ang galing, ang daming alam na salita.

DIR. PADILLA: Sila din doon ay—

PALO: Iyan lang daw ang na-memorize niya. [laughs].

DIR. BELTRAN: Sana madalaw rin ninyo iyong mga iba pa nating RP stations, ang dami pala nakakalat hanggang Tawi-Tawi po tayo, naririnig po tayo.

PALO: Alam mo, Director Vinci gustuhin ko mang dumalaw sa lahat ng mga istasyon ng RP1, hindi mo naman ako sinasama, so wala din.

DIR. BELTRAN: Huwag kang mag-alala i-schedule natin iyan kasi dadalawin natin iyong pag-i-install noong mga… kumbaga installed na sila, ayos na ang mga satellite. Kapag inayos kasi natin iyan maririnig mo iyong mga tao lalo naman sa mga island provinces napaka-thankful nila, kasi talagang nakikinig sila sa RP1 sa Radyo Pilipinas para doon sa mga latest na updates tungkol sa ating gobyerno.

PALO: Kita mo naman.

Direct Vinci sandali ha, maputol lang kita nasa linya kasi natin ang Kalihim po ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, tama ba ako? Siya ngayon ang OPAPP natin, siyempre pa ang former AFP Chief of Staff – si Secretary Carlito Galvez, magandang hapon, Secretary at welcome sa Cabinet Report.

DIR. BELTRAN: Good afternoon po.

SEC. GALVEZ: Magandang hapon po at good afternoon po sa lahat po ng nakikinig po—

PALO: Ito ang pang broadcast na boses eh.

DIR. BELTRAN: Ang ganda nga eh.

DIR. PADILLA: Boses pa lang ulam na.

PALO: Secretary, pasensiya na po kung kami po ay nanggugulo sa iyo habang kumakain sa mga oras na ito marahil [laughs] dahil may—

SEC. GALVEZ: [unclear]

PALO: Gusto naming malaman, siyempre you are the right person to ask about Bangsamoro Organic Law. How was it now? Paparating na ang plebiscite again for this coming February 6, kamusta na? Anong update natin?

SEC. GALVEZ: Sa ngayon po nandito po kami sa Lanao del Norte at nagko-conduct po kami ng information and education program sa ating mga barangay captains at saka mayors. Maganda naman po ang preparation dahil nakikita po natin dito sa North Cotabato nagkakaisa po ang… even though the constituents here, the people that… sabihin na natin na magkalaban sa pulitika nagkakasama-sama, nagsusuporta iyong yes sa—

PALO: Iyon.

SEC. GALVEZ: Kaya po natutuwa po kami na itong North Cotabato, lahat po ng mga political figures ay nagkakasama, oposisyon man o tinatawag nating para sa administrasyon talaga pong nagsasamasama na po sila ngayon para po suportahan po ang ano ni Presidente.

PALO: Ngayong ratified na ang BOL, ano iyong susunod na mangyayari sa unang areas lang, anong aabangan?

SEC. GALVEZ: Ang ginagawa po namin last ano po… noong last nakita ninyo po noong last Wednesday nagpulong po kami ni Hajji Murad at saka ni Regional Governor Hataman para simulan na po iyong tinatawag nating transition para po sa BTA at saka iyong ano po… hinihintay na lang po namin iyong authorization sa BTA at appointment na galing sa ating mahal na Presidente, once na napirmahan na po iyon, magkakaroon na po tayo ng tinatawag na transition.

PALO: So mayroon na, may mga names na tayo – ilan ba silang lahat?

SEC. GALVEZ: Sa lahat po, 80. Kasi ang ginagawa po natin, bini-vetting po natin iyon at mga clearances na required to clear for appointment na ginagawa na po (unclear) namin.

PALO: So parang ano ito, brother Muslim and Christians magkasama diyan sa BTA na iyan?

SEC. GALVEZ: Opo. Bale po iyong sa 41, iyon po sa MILF side, iyon pong 41; at sa government side, mayroon po tayong 31 na multi-sectoral po siya at saka equitable representation ng different provinces.

PALO: Hindi yata eh. Hindi yata equitable dahil 41 iyong kabila – joke! [Laughs]

SEC. GALVEZ: Forty-one po, kasi iyong sa MILF kasi naman ang ano po …magkaiba po ang parity sa equity, tinitingnan po namin – iyong equity meaning, value ng representation.

PALO: Joke lang iyon, Secretary, ikaw naman.

SEC. GALVEZ: Hindi, ini-explain po namin talaga po iyon kasi mayroon nga pong nagsasalita na 41 kaagad iyon. There’s a difference between parity and equity.

PALO: Oo. Pero MILF, Secretary, so talagang walang MNLF?

SEC. GALVEZ: Mayroon po, mayroon po kaming … more or less, mayroon po kaming nine MNLF. Dati ho talaga, tatlo lang sila, representation ng MNLF, ng nine. Actually, maganda nga po may mga MNLF po na nilagay po iyong MILF. It’s good gesture po, kahit hindi po namin pupuwedeng mai-share sa inyo details, pero I’m so happy na the MILF has opened up—

PALO: Sayang, Secretary, ‘no kung narinig ako ng BIFF ngayon, ng Abu Sayyaf at saka ng NPA, kasama sana kayo dito.

SEC. GALVEZ: Iyong kasama namin sa OPAPP, after this transition, medyo pahinga po nang konti. We are now having peace table for all these reb groups. Ang ginagawa po namin is talagang gusto naming maging onboard sila dito sa BOL.

PALO: Comes February 6, Secretary, ang second part ng plebesito ay ibang areas naman ito kabilang ang Lanao at North Cotabato. Ano ang ini-expect natin dito?

SEC. GALVEZ: Sa nakita po natin, expect dito sa North Cotabato, nakita natin medyo maganda. Ang [unclear] lang natin, dahil sa Lanao del Norte, malaki ang opposition ng political ano po dito. So iyon po ang pinapanawagan namin na dapat maging mahinahon po at malinis at peaceful iyong plebiscite sa Lanao del Norte.

DIR. PADILLA: Sec., iyong tour of duty ninyo, ikaw po ay napunta diyan sa WesMinCom; isa ka ring kinatawan noong naging co-chairman ka ng Committee on Cessation of Hostilities, may mga pangarap kayo noon na parang gusto ninyong gawin pero hindi ninyo magawa. Itong BOL po ba, para sa kapayapaan ha, itong niratipika, nandoon po ba lahat ng pangarap ninyo? Ito po ba ay katugunan ng mga pangarap ninyo sa mailap na kapayapaan?

SEC. GALVEZ: Ang nakita po namin, ang BOL po ay isa sa mga susi na nakikita natin na magiging ganap na po ang kapayapaan. Nandito po iyong Bangsamoro question ay medyo na-address po ng BOL. Pero ang magandang challenge is how to implement it fully. So kaya nga sinasabi namin sa MILF, sa MNLF at saka iyong future member ng BTA, sinasabi nga ni Presidente na dapat mayroong good governance, mayroong effective governance na mangyayari. Kasi kahit na maganda ang law, and then hindi natin ma-implement nang mabuti kaya iyon ang inano po ni Presidente na, pre-requirements niya na kailangan no record of corruption at saka sincere public servant po.

PALO: Iyon ang mahalaga doon. Pero, Secretary, para na rin sa kaalaman ng ating mga kababayan, puwede ko bang sabihin na dito sa 80—

SEC. GALVEZ: Eighty BTA members.

PALO: Eighty, oo, ang government pa rin ho ba ang dominante rito?

SEC. GALVEZ: Makikita po natin na iyong nilagay po namin na mga nandoon po sa 39, I believe na magiging ano po iyon, they will have a voice. So 39 po iyon pero nakikita po namin malakas po ang boses nila dahil kasi very … karamihan po roon is nanggaling po sa … iyong mga effective (unclear) at saka secretaries, doon nanggaling sa ARMM iyan. Mayroon po silang tinatawag na experience, noong sakop ito ng autonomous region.

DIR. BELTRAN: Secretary, si Director Vinci po ito. Itatanong ko lang po, kasi nandoon po ako noong unang plebisito po doon sa may Cotabato po, ano po ang magiging preparation po natin para dito sa pangalawang set po ng plebisito? Kasi nandoon po ako, nagkaroon po ng mga minor lang naman, in general po ay very peaceful po iyong plebiscite pero nagkaroon ng mga minor altercations po regarding daw po doon sa mga flying voters. At na-witness namin po iyon na may kinuyog po dahil flying voter daw. Ano po iyong mga measures na puwede ninyong gawin para dito sa susunod na set sa Feb. 6 po?

SEC. GALVEZ: Iyon nga po, kaya nga po ngayon ay pinatawag po namin lahat ng mga barangay captains at saka mayors para at least—kasi sila rin po ang puwedeng maggabay sa kanilang mga tauhan. So ngayon, ganoon po ang ginagawa namin na massive ang information drive namin kung paano po mapapanatiling matahimik at malinis ang eleksyon. Kaya po noong last PPOC, iyong Provincial Peace and Order Council namin na naganap noong 28 January doon po sa Tubod, sinabi po namin talaga na dapat ang mayors at saka iyong mga barangay captains, they will let their people side kung saan po ang gusto nila, ‘yes or no’.

Kasi minsan ang nangyayari po, minsan iyong mga barangay officials ang (unclear) at kung minsan sila-sila ang (unclear). So iyon (unclear) na dapat pabayaan nila ang mga tao na bumoto nang malaya.

DIR. BELTRAN: Salamat po.

PALO: Iyon ‘di ba? Well, Secretary Galvez alam ninyo na nagulat ang lahat dahil kayo agad-agad ang ipinalit ng Pangulong Rodrigo Duterte katulad po ng tanong kanina ni Director Niño, eh isa ito sa pangarap mo na magkaroon ng kapayapaan diyan sa Mindanao—

DIR. PADILLA: Parang ramdam niya iyong Mindanao eh.

PALO: How is it now? Anong feeling na talaga namang ipinagkaloob sa iyo na mas mabigat na responsibilidad?

SEC. GALVEZ: Ang sa akin po, this is really my vocation, na sana maging matahimik ang Mindanao this coming… ang pangarap po talaga ng ating mahal na Presidente doon sa kaniyang campaign promise na kung bibigyan siya ng ‘pagkakataon ng Diyos na makapag… maging presidente ay maging tahimik po ang Mindanao at ang buong Pilipinas. Ito po ang aming vision sa OPAPP na within three, three and a half years kung papalarin po na bigyan ng Panginoon makapagserbisyo po tayo ng ganoong katagal ay pipilitin po namin na maging matahimik po ang buong Mindanao.

PALO: Ang Malacañang Press Corps ay nanonood at nakikinig sa atin ngayon. Isang tanong lang na medyo ano… dahil itong BOL, malayo doon sa itatanong ko sa iyo. Talaga ho bang sarado na tayo totally dahil ayaw na ng Pangulong Duterte makipag-usap sa rebeldeng New People’s Army at ano po ang inyong hakbang?

SEC. GALVEZ: Ang nakikita po natin nag-uusap po kami last two days ago, nandoon po si Secretary Bello, ang gusto naman ng Presidente, kailangan lang maging sincere sila eh. Ang nakikita namin ginagamit po kasi ang peace talks para lang magkaroon ng leverage to reconstitute at saka to recover iyong loses nga nila. Ngayon, hinahamon namin ang CPP-NPA na kung talagang ide-denounce nila armed struggle and they are committed themselves na talagang to end the conflict dito sa CPP-NPA ay handa po kaming makipag-ano po sa kanila. Pero sa ngayon po, nakikita po namin hindi pa panahon, hindi pa sila handa na magkaroon ng sinserong usapang pangkapayapaan dito po sa CPP-NPA.

PALO: So are we going also to talk with their political front?

SEC. GALVEZ: Nakikita po natin nagbigay na po ng directive ang ating mahal na Presidente ng EO 70 ito po iyong tinatawag nating… this is a national task force ending iyong communist conflict, communist armed struggle. So ito sa EO na ito nakapaloob po iyong whole of nation approach at the same time iyong localized peace engagement. At sinasabi po ng ating mahal na Presidente, giving opening small opening for the back channel peace talks with the NDF. Kasi nakikita po natin na talagang sa ngayon po, hindi po alam kung ano po ang nangyayari sa baba kasi nandoon po sila sa Norway and nakikita po natin na talagang si Joma Sison at saka si Agcaoili at saka sila Jalandoni, they are only given information, away from the real background dito sa baba.

PALO: So iyon lang talaga ang pinaka-specific na order ng Pangulo, ‘Maging seryoso kayo, mag-usap tayo.’

SEC. GALVEZ: Iyon po ang ano niya na ‘if they are very sincere now to really to end the conflict, doon lang po ang time na puwede tayong makipag-usap sa isang ano…’ Ganoon po ang nangyari po sa amin sa MILF. Nakita po namin ang kanilang matapat na, iyong sense of honor, ang kanilang sincerity and then ngayon pinagbigyan natin ang ano, ang kanilang aim. Ang ating hinaing lang po sa ating kapatid na NPA, kailangan lang nila din iyong sincerity na kailangan matapos sa buong digmaan na ito, kasi kapag hindi natapos itong tinatawag na insurgency conflict na ito, hindi tayo uusad.

PALO: Correct. Well then, well-said Secretary Galvez, maraming-maraming salamat po sa pagkakataon dito po sa Cabinet Report sa Teleradyo. Thank you so much, sir.

SEC. GALVEZ: Maraming salamat din po sa lahat ng nakikinig at nanonood po.

PALO: Iyan si Secretary Charlie Carlito Galvez ang inyong narinig mga kababayan, ang Presidential Adviser on the Peace Process. Isa lang talaga ang director ninyo, Director Vinci ano, ang gusto ng Pangulo, ‘Maging seryoso kayo, wala tayong problema tapos ang usapan.’

DIR. BELTRAN: Tama.

DIR. PADILLA: Hindi iyong atras-abante. Kapag nakitang dehado sila sa isang usapin parang a-ambush-in na naman o iho-holdup nila iyong negotiation – huwag naman gay-on.

PALO: Eh ginagawa nila nga, iyon nga ginagawa nilang sangkalan ang peace process… I mean iyong peace talks para makapagbuo ulit sila, iyong mga nasira nila parang akala mo ano, akala mo iyong—

DIR. BELTRAN: Para mapakawalan iyong mga iba. Naku.

PALO: Naku diretso na lang tayo, no more break. Akala ko magbe-break sana tayo. [laughs].

DIR. PADILLA: The first requirement niyan before going back to the negotiating table is trust ‘di ba? Iyong tiwala—

PALO: Tiwala.

DIR. PADILLA: Kung nawawala ito o mawawala man, mahirap itong ibalik at kung ang nakikita mo externally iba.

PALO: Yes totoo iyan, parang iba iyong ginagawa ng kaliwa sa kanan.

DIR. BELTRAN: At saka pa minsan puwedeng ilan usapan lang, isang beses, dalawang beses. Basta malinaw tayo: ‘ito iyong gusto ko, ito iyong gusto ninyo,’ pero kapag ka iniba mo iyan ng kaunti o mayroon kang ulterior motive, mahirap talaga kahit mag-one hundred times pa kayong mag-usap.

Lalo na sa usapin ng peace process, kung ikaw ay hindi mo layunin talaga ay peace, kumbaga mayroon kang underlying na mga nais na makasariling pagnanais, mahirap talaga iyan, dapat talaga…

PALO: Si Sarah Baldovino, “Salamat po sa pagsasabi about sa Islam; iba po ang Muslim sa Islam.” Tama, ang Islam ay ang relihiyon ng mga kapatid na Muslim, para maintindihan ninyo iyan.

DIR. PADILLA: Oo nga. Pakiusap din natin sa mga kasama sa hanapbuhay—

PALO: Media, reporters.

DIR. PADILLA: Kapag may ganoong involved kasi na mga … huwag nating isama iyong mga 4Ws, Iglesia, iyong anong relihiyon ka. Hindi ho porke’t ganito iyong relihiyon, ito iyong ginagawa niya tapos dyini-generalize pa natin.

DIR. BELTRAN: Generalization kumbaga.

DIR. PADILLA: Huwag naman hong ganoon. Kasi, kagaya ng sinasabi namin kanina, ito pong teroristang ito, walang relihiyon po ito, at pangalawa, hindi po away ng relihiyon po ito.

PALO: Exactly.

DIR. PADILLA: At sinasabi na ni Secretary Ed Año kanina, huwag nating ikabit, huwag nating i-connect iyong nangyaring pambubomba doon sa cathedral ng Jolo doon sa nangyaring pambubomba sa mosque ng Zamboanga – walang kinalaman po at all.

At i-recap lang natin din, iyong sinasabi na iyong person of interest, klaruhin natin itong terminolohiya kasi. Iyong person of interest, Director Vinci, minsan napagkamalang suspect siya eh.

PALO: Suspect na kaagad.

DIR. PADILLA: Tapos iyon, nilagay sa video o kinalat pa ng social media, ito iyong suspect. Person of interest ito, at klinaro, klinir na po ng ating pamahalaan na hindi sila ang may kasalanan.

DIR. BELTRAN: Maging maingat din sa pagsyi-share kasi baka nakakasira tayo ng puri, ng pangalan ng ibang mga tao.

PALO: Kaya ako nakapagmumura na eh, talagang PI itong ano eh … may isa akong nakitang post ng isang tomboy yata ito. Parang awa mo na, tigilan mo na iyong pagbanat sa mga kapatid na Muslim dahil marami akong kaibigan na Muslim, marami akong kapitbahay na Muslim na hindi naman talaga mga siraulo, mas marami pa ngang siraulong Kristiyano eh. Ganoon lang naman sa akin.

DIR. PADILLA: Iyon nga. At saka kung ipilit pa nating awayin iyon, hindi dapat mag-away iyong Kristiyano at Muslim. Uulitin ko: The religion of peace which is the Islam, and the religion of love which is the Christian, bakit mag-aaway iyong peace and love.

PALO: Well, again, thank you so much Director Vinci. Thank you so much everyone.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource