Interview

Cabinet Report sa Teleradyo by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and Mr. Leo Palo III with guest Mr. Carlos Munda of Mindavote Radyo Pilipinas

SEC. ANDANAR:  Magandang, magandang, magandang umaga Luzon Visayas, Mindanao… Metro Manila at sa lahat po ng mga nanonood sa atin sa iba’t ibang bansa kung saan mayroon pong mga migrants o mga OFW. ko po si Secretary Martin Andanar…

 

LEO:  Ito naman po si Leo Palo III…

 

SEC. ANDANAR:  Kasama si…

 

LEO:  Carlos Munda…

 

CARLOS:  Magandang umaga po.

 

SEC. ANDANAR:  Kayo ay nakikinig sa… Cabinet Report sa Teleradyo.

 

By the way speaking of harmony, kagabi kasi nandoon ako sa birthday ni Joey Concepcion, ang Presidential Assistant para po sa negosyo, sa mga entrepreneurship, ‘ayun po. So naging maganda iyong harmony ng kaniyang birthday party, sapagkat nandoon kumanta sina Basil Valdez, Kuh Ledesma pati iyong ‘kilabot ng mga kolehiyala’ si Hajji Alejandro.

 

LEO:  Iyong original?

 

SEC. ANDANAR:  Original iyon! Bago nating Ariel Rivera, mayroon munang Hajji Alejandro…

 

CARLOS:  Pare, mga panahon na natin iyan ha…

 

SEC. ANDANAR:  Oo. Pero mayroong mga kinanta si Hajji na hindi ko na alam eh.

 

CARLOS:  Nakikita ko na pare iyong mga millennials ngayon [laughs]

 

SEC. ANDANAR:  Oo nga, sino si Hajji Alejandro… Lahat nagkakantahan, sinasabi nga ng asawa ko, “Siguro kung ikaw magbi-birthday, si Joey Generoso iyong mga kapanahon mo.” Side A Band… hindi ba? [laughs]

 

CARLOS:  Pupunta sa Davao ‘yan.

 

SEC. ANDANAR:  O ganoon, ano meron?

 

CARLOS:  May concert si Sharon Cuneta. Nakita ninyo iyong selfie ni Secretary Bong Go kasama si Sharon Cuneta?

 

SEC. ANDANAR:  Ibang klase, oo… Hindi, pero ano eh, mayroon akong trivia, kasi iyong kanta pala ni Sharon Cuneta… alam ko si Ariel Rivera yata iyong kaniyang ka-duet noon, iyong ‘Ikaw’…

 

LEO:  Oo, Ariel Rivera iyon.

 

SEC. ANDANAR:  Alam mo Leo, ang writer noon si George Canseco. Alam mo kung sino dapat kumanta—original na dapat kakanta noon? Tinawag daw ni George Canseco kay Basil Valdez, “Isulat mo itong mga lyrics, isulat mo…” pero hindi niya na-record iyong kanta. Kaya ang kumanta si Sharon Cuneta para sa pelikula. Kaninong pelikula ba iyon?

 

CARLOS:  Ariel and Sharon din.

 

SEC. ANDANAR:  Ariel and Sharon din. Ahhh…talaga naman, ikaw talaga ay…

 

CARLOS:  Pare, may poster ako dati sa opisina noon…

 

SEC. ANDANAR:  Sharonian ka pala, ah ‘yun pala…

 

CARLOS:  Ariel iyan [laughs]…

 

SEC. ANDANAR:  Pero in fairness kay Ariel Rivera, magaling kumanta si Ariel Rivera. Uy oo nga pala ‘no, batiin natin ang ating mga bisita ngayong araw na ito, ngayong araw ng Sabado… Kasi every Saturday, mayroon po kaming mga guests mula sa iba’t ibang mga unibersidad/paaralan na gustong mag-observe sa mga pagbabago dito sa PBS o Philippine Broadcasting System—or PCOO, kasi kasama iyong PTV na nag tour.

 

So binabati natin, nasa harapan natin ngayon… baka puwede natin i-fan ang camera sa kanila, mayroon ba tayong camera man, kaya ba, hindi kaya? Basta mga estudyante po at mga guro ng Pamantasan ng Lungsod ng Marikina, palakpakan natin…

 

LEO:  Mga third year Public Administrations students? Maraming salamat sa pagbisita, hayan…

 

SEC. ANDANAR:  Marami kayong matututunan dito sa ating media hub dito sa Luzon. Why do I say Luzon? Kasi malapit na po magkaroon ng Mindanao media. For the longest time kasi, para sa mga nakikinig at mga estudyante at propesor natin ng Pamantasan ng Lungsod ng Marikina, for the longest time ang media talaga, national media o government media ay nakasentro dito lamang sa Luzon. So as part of the President’s mandate to decentralize government – kasama po ang media doon – so hindi lang ang national newscast ng gobyerno, iyong manggagaling sa PTV dito sa Visayas Avenue, hindi lang sa Radyo Pilipinas Uno, dito… Radyo Pilipinas Dos sa kabila or sa Radyo Pilipinas Worldwide or our shortwave or FM1, FM2… o PIA at saka Philippine News Agency – magkakaroon na rin po ng media hub sa Mindanao. Therefore, darating din ang panahon, siguro mga next year, na ang national newscast doon sa Mindanao ay iyong Bisaya…

 

CARLOS:  Maganda iyon pare, they are just very good news, I mean that’s always been. Iyon iyong problema kasi eh before ‘no na puro—kapag sinabi mong national news, pati iyong traffic sa EDSA nagiging national news na, pagkakita ko, anong problema namin diyan? Pero ito, maganda iyan, magandang development iyan.

 

SEC. ANDANAR:  Oo, parang nagkakabaha na doon sa Lawton o baha na sa UST… parang walang kinalaman ang—

 

CARLOS:  Oo. Pero, that’s one of the things na talagang maganda dito sa ginagawa ninyo ngayon sa PCOO – iyong pag-expand noong reach at saka noong coverage mismo.

 

LEO:  Saka matatanggal iyong ano, laging sinasabing ‘imperial Manila’. Oo hindi ba, mayroon nang Davao eh, kita mo…

 

SEC. ANDANAR:  Tatlong imperial na – imperial Luzon, imperial Visayas at imperial Manila [laughs]… Hindi, Visayas at saka Luzon. By the way speaking of building, kasi kami dito sa PCOO ay although ang trabaho namin ay mag-communicate, i-communicate iyong Build, Build, Build ng gobyerno, mayroon ding Build, Build, Build dito sa PCOO. Itong nakikita ninyong studio ngayon, itong kung saan kami nagbo-broadcast, ay dati-rati ay luma ito… ha luma. Talagang kung makikita mo iyong… itong kabilang kuwarto, kung ano itsura niyan, hindi ito iyong itsura niyan dati, oo. Ay hindi, ganiyan ang itsura dito dati, itong booth namin… so luma talaga.

 

So if you check all of the live booths, hindi nila makikita eh… ipalabas mo na lang. If you check out all of our live radio booths: FM1, FM2, tapos RP1, RP2, RP3… luma ang kaniyang itsura dati, even the Philippine Information Agency theater. So we are building, building and building also dito sa PCOO. Nabanggit ko iyong Mindanao media hub by next year, iyong Visayas media hub… at mayroon akong good news – mayroon akong kausap na isang bansa, malaking bansa, malaki… siguro 10 times, 20 times 40 mo ang Pilipinas. Malaking bansa, itong bansa na ito ay nag-commit… nag-commit ng 80 million pesos para sa ating government media.

 

CARLOS:  May maiinggit na naman niyan. Ikaw talaga Pare masyado mong ginagalingan trabaho mo eh.

 

SEC. ANDANAR:  Hindi, nagtatrabaho lang naman tayo. Ito ang plano, ito ngayon ang plano – kakausapin ko pa si Governor Joe Zubiri ng Malaybalay. Ito malapit sa inyo, sinadya ko kasi alam ko malapit ka eh. Hindi, kasi alam mo sa mga Public Administration students natin, pag-aralan ninyo iyong buong gobyerno/byurokrasya… walang isang ahensiya na may hawak ng government strategic communications learning – wala hindi ba?

 

So ngayon, itatayo natin iyan sa Malaybalay, Bukidnon. Government Strategic Communications Learning Center, ano pa lang iyan, it’s a running title. Puwed pang palitan iyan, napakahaba. Bahala nang mag-isip si Munda doon dahil nandoon siya eh, kung papaano pagandahin.

 

Pero Partner, ito iyong vision diyan… sa Malaybalay, Bukidnon magkakaroon tayo ng Government Strategic Communications Center kung saan iyong mga ahensiya ng gobyerno puwede pumunta doon para mag-aral – two weeks, three weeks, one month course, okay. Magkakaroon ng community television; magkakaroon ng community radio station; magkakaroon ng auditorium, classroom, dormitory… lahat, as in talagang…

 

LEO:  Maganda iyan…

 

CARLOS:  Maganda iyan, maganda iyan…

 

SEC. ANDANAR:  Social media, ikaw na magtuturo…

 

LEO:  Parang alam ko na eh, alam ko na magiging director doon.

 

CARLOS:  Hindi, alam mo ang maganda kasi diyan sa ganiyan, iyang ginagawa mo na ganiyan, karamihan sa mga problema ng Pilipinas is because of… hindi naiintindihan ng mga tao ano ba talaga ang function ng gobyerno; hindi naiintindihan ng gobyerno, ano ba talaga mga hinaing ng mga tao. So by putting up something like this, you know communication, iyong communication between the two – the public sector and the government sector – maaayos. Kapag maayos iyan, marami kang ano eh maraming mga—traffic na lang, maraming ganoon hindi ba. Nakapasimple lang naman ng traffic rules natin hindi ba?

 

But dahil… again, ayaw umintindi, hindi nakakaintindi – nagkakaroon tayo ng traffic. At kung ma-enhance natin iyong communication skills ng government, naku, ang laking tulong niyan, ang laking tulong sa mga problema ng Pilipinas.

 

LEO:  Iyan ang sinasabi ko noon pa man. Eh, si Sec., kasi hindi naman natin binubuhat ito pero sabi ko nga, malaki na matangkad pa [laughs]—pero sabi ko nga ito iyong tahimik na nagtatrabaho. Hindi alam ng iba na napakarami nang ginagawa, naglilibot. Actually, iyan ang gusto kong itanong sa kaniya eh, nasaan ka ba—for past six—

 

SEC. ANDANAR: Maganda—Anchor talaga [laughs].

 

CARLOS: Anchor na anchor, ang ganda ng segue eh, ang ganda ng segue. [laughs].

 

LEO:  Okay kaya po nandiyan po siya [laughs]—sinisingil—

 

SEC. ANDANAR: Sinisingil na tayo nito. Okay, so ilang Linggo tayong absent dito sa ating napakagandang studio. At nami-miss ko na itong portion natin na—hindi ba mic arm. Talagang napaka-high tech, pati itong ating Axia na radio console ‘no. Okay nagpunta tayo ng Surigao City para sa ‘Dismiss Disinformation Campaign’, national campaign against disinformation at fake news. Kailangan din malaman ng mga public administration students iyan. Tayo din ay nagpunta ng Bohol for the same activity, dismiss disinformation. Nagpunta rin ako ng Bukidnon, doon sa Malaybalay for the dismiss disinformation. Kaya doon ko na-realize na kailangan doon ilagay iyong ano eh—

 

CARLOS: Maganda iyan.

 

SEC. ANDANAR: Iyong training center kasi malamig—

 

LEO: Malamig doon—

 

CARLOS: Saka sentro, sentro iyan.

 

SEC. ANDANAR: And not only that, in fairness to Governor Joe Zubiri, talagang maganda iyong pagpatakbo niya ng Bukidnon. Pare hindi ko inakala na iyong kaniyang kapitolyo, iyong kaniyang government center parang nasa Illinois, parang ganoon, iyon ang dating mo eh, parang nandoon ka sa Idaho.

 

CARLOS: Oo kasi mataas iyan eh, malamig.

 

LEO: Malamig iyong lugar eh.

 

SEC. ANDANAR: Sa likod noon mayroon siyang isang—parang folk arts theater, parang mayroon siyang ganiyan tapos doon pupunta iyong mga iba’t ibang Lumad, mga tribu, tapos doon sila nag-u-usap usap tapos sa taas mayroong—ang lalaki ng mga Pine trees tapos mayroon silang mga bahay, bahay ng mga tribes ‘no na doon sila natutulog kapag mayroon silang activity at mayroong bagong zoo sa likod. ‘Pag pupunta ka doon makikita mo ang Zoo, nandoon lahat ng iba’t ibang mga hayop ‘no, mga hayop na nakikita mo doon sa paligid ng Bukidnon—

 

LEO: Yes, yes.

 

CARLOS: Usa.

 

SEC. ANDANAR: So anyway, and then nagpunta rin ako ng Cagayan De Oro para rin sa dismiss disinformation and then we also went to Marawi  para sa surgical mission, inalalayan natin iyong Cabinet Spouses Foundation. Ito iyong mga asawa ng mga Cabinet members at sa pangunguna ni Attorney Betty Medialdea, tapos of course sa suporta rin po ni Ma’am Honeylet Avanceña para—may dala tayo na mga surgeons para operahan iyong mga kabataan na nangangailangan doon sa Marawi. Saan pa ba ako galing? Ang dami ko ng pinuntahan eh. Oo Pagadian, ito pala Pagadian, nagpunta ako ng Pagadian tapos kahapon galing naman akong Bohol, oo.

 

LEO: Pero alam mo iyong ano—Maputol ko lang sir, dito Sec., mayroon pa lang Spouses ng Cabinet, dati wala iyan eh?

 

SEC. ANDANAR: Siyempre, eh kasi may asawa iyong mga [laughs]—

 

CARLOS:  [laughs].

 

LEO: Iyong organization na they are doing that kind of advocacies—

 

CARLOS:  Bago—alam mo iyong Congressional Spouses [overlapping voices].

 

LEO: Ito Cabinet eh.

 

SEC. ANDANAR: Hindi tama, maganda iyong pinupunto ni Leo. Kasi noong panahon ni Pangulong GMA, very active iyong Cabinet Spouses Foundation. Kaya nga ang nagpasimuno nito ngayong panahon na ito ay si Secretary Jess Dureza. Kasi ang may bahay ni Secretary Jess Dureza ay very active ng panahon na iyon. Tapos noong panahon ni PNoy—

 

LEO: Eh wala namang asawa si PNoy eh.

 

SEC. ANDANAR: Sinong mangunguna noong Spouses? Eh di wala hindi ba? Hindi ba?

 

CARLOS: Papalit-palit tayo—sino na ngayon ang leader?

 

SEC. ANDANAR:  Oo iba-iba priority hindi ba? Iba din. Siyempre iba iyong priority noong nakaraang administrasyon, iba rin iyong panahon ni GMA, iba rin panahon ni Erap at saka iba rin ang panahon ni FVR.

 

LEO: Di ba kita mo naman?

 

CARLOS: Return of the comeback pala iyang grupo na iyan.

 

LEO: Hindi lang iyon, mas ano ito ngayon. Nakikita ko parang mas buong-buo sila, hindi katulad—watak-watak din dati kasi.

 

SEC. ANDANAR: Dapat makasama ka sa isang activity para makita mo—Oo, hindi para ma-cover—

 

CARLOS: Maghanap ka ng bachelor na Cabinet member; ikaw iyong ka-partner niya. [laughs]. Parang ikaw iyong spouse—

 

LEO: Teka, teka, napansin ko parang Mindanao karamihan, bakit ganoon?

 

CARLOS:  Oo nga, napansin ko rin iyan.

 

SEC. ANDANAR: Bakit Mindanao? Number one, alam naman nating lahat na talagang matagal na pong napabayaan ang Mindanao.

 

CARLOS: Amen.

 

SEC. ANDANAR: So kailangan nating ipakita sa ating mga kapwa Mindanaoan na we are not all talk, hindi puro lip service ito. Mayroon din tayong lakad ‘no, we walk our talk kumbaga. At pumupunta tayo doon sa Mindanao para—we extend our hand at sabihin sa kanila that government is here. Pero nagpunta na rin tayo sa Bacolod, nagpunta na rin tayo doon sa Dumaguete, dito sa Luzon – sa Dagupan, dito sa may Batangas. Marami na rin tayong napuntahan dito sa Ilocos, iyong dalawang Ilocos Sur, Norte. So ngayon gusto nating tapusin iyong Mindanao kasi ito rin iyong pinakamalayo, hindi ba? So siyempre kapag malayo mas gusto mong tuhugin na iyong activities doon, pero pati iyong Visayas kasama sa plano iyan.

 

LEO: Iyon naman pala eh, kayo masyado kayong inggitero, iyong mga Visayas at Mindanao. Nauna lang pala iyon, sabay bawi—

 

CARLOS: Hindi pero ngayon lang iyan, alisin iyong gap between Mindanao at saka—iyong kanina pinag-uusapan natin iyan, tungkol sa information gap lang. Iyong sa Metro Manila lahat kumpleto ka eh, iyong tri-media hindi ba – iyong mga social media, mayroon kang diyaryo, radyo, TV lahat.

 

SEC. ANDANAR: Ito.

 

CARLOS: Samantalang kapag lumabas kana sa area ng mga ano, like for example Siargao. Alam ko nagpunta ka ng Siargao.

 

SEC. ANDANAR: Wala din doon.

 

CARLOS: Naalala ko dati kapag pumunta ka ng Siargao, iyong diyaryong binabasa mo today ay iyong diyaryo kahapon. Totoo iyan—

 

SEC. ANDANAR: Totoo.

 

CARLOS: Darating iyong eroplano sa Surigao, doon darating iyong diyaryo tapos ibabangka pa nila iyong papunta ng Siargao. Imagine mo, one day late iyong news ninyo.

 

SEC. ANDANAR: Noon iyon, pero ngayon may flight a day na.

 

CARLOS: Yes, ngayon kasi mayroon na.

 

SEC. ANDANAR: Pero marami pang mala-Siargao noon at ngayon, maraming ganiyan.

 

CARLOS: Iyon doon pa lang, iyong information sabi nga nila, information is the new, you know, prime resource hindi ba, maganda iyan shine-share ng gobyerno.

 

SEC. ANDANAR: Eh kahapon nga nagkausap kami ni Congressman Evardone nagkasabay kami doon sa—

 

CARLOS: Samar.

 

SEC. ANDANAR: Oo Eastern Samar, doon sa NAIA Terminal 4. At siya ay pauwi ng Samar at ako naman ay papuntang Bohol at siya ay nagpasalamat, sabi niya, ‘Sec., maraming salamat doon sa napakabilis ng pag-aksiyon ninyo dahil doon sa reklamo namin sa Radyo Pilipinas sa Borongan dahil nasira iyong aircon eh, eh siyempre kapag walang aircon iyong transmitter partner—

 

CARLOS: Sunog iyon.

 

SEC. ANDANAR: Masusunog iyon at masasayang; so, after two weeks dumating kaagad iyong aircon. Kaya nagpapasalamat si Congressman Evardone, sabi ni Congressman Ben, dapat mapuntahan ninyo rin ang Guiuan—

 

CARLOS: Iyong tinamaan ng Yolanda—ground zero ng Yolanda iyan eh.

 

SEC. ANDANAR: Partner iyong sinasabi mo na late iyong diyaryo, ganoon doon sa Guiuan ngayon o kaya—kasi malayo siya, walang—

 

LEO: Walang Airport, walang ano—may airport ba sa Guiuan? Mayroon luma—

 

CARLOS: Mayroon, mayroon, iyong luma. Alam ko parang iyong military airport yata iyon eh.

 

SEC. ANDANAR: US airport, US airbase siya tapos in fact maganda iyong airport doon at malaki, kayang mag-landing ng C130. Kasi iyong mga Amerikano eh ginamit iyon noong World War II and it’s a beautiful island, itong Guiuan. As a matter of fact, it’s one of the best, the best tourist spots in the Philippines. Pero alam mo tinamaan ng Yolanda tapos malayo, wala masyadong sasakyan, mabagal iyong development pero iyon ang susunod na pupuntahan ko para dismiss disinformation para tingnan ko rin ang posibilidad na magtayo ng community radio station doon sa Guiuan.

 

LEO: Oo puwede, puwede.

 

CARLOS: Maganda iyon.

 

SEC. ANDANAR: Kasi kapag Guiuan kasi partner, pag-Guiuan – ang Guiuan kasi nakaharap sa Dinagat Island tapos further east, Siargao na. So naka-triangulate iyan, Siargao, Dinagat tapos iyong sa Guiuan and then Pacific Ocean na lahat iyan.

 

CARLOS:  Pare mayroon pa ha, may isang isla pa diyan na napuntahan namin dati – past Siargao. Apparently this is the last island on that side of the Philippines, iyong Lanusa Island.

 

SEC. ANDANAR:  Naku Malayo iyon…

 

CARLOS:  Pare malayo iyan, siguro mga ano… galing sa Siargao, mga another tatlong oras sa bangka, pumunta kami diyan. Isang island, dalawang barangay lang doon… saka walang toilet.

 

LEO:  Seryoso, walang toilet. Saan sila?

 

SEC. ANDANAR:  Iyong dagat iyong toilet nila?

 

CARLOS:  Iyon malaki, Pacific Ocean, hindi ba?

 

SEC. ANDANAR:  Ang taba siguro ng mga ano doon, mga isda doon [laughs].

 

CARLOS:  Kasi kapag pumunta ka Greenbelt Pare, papunta kang Greenbelt, punta ka Makati, BGC… hindi mo ma-imagine lalo na kung diyan ka lumaki, hindi mo ma-imagine na marami pang parte ng Pilipinas na may nabubuhay nang ganoon, hindi ba?

 

LEO:  Totoo iyon…

 

CARLOS:  Iyong isda… oh iyong Oriong(?), isang buong pamilya kikita lang ng bente singko pesos kada araw happy na sila. Iyong sa ibang lugar ‘no, hindi naman happy pero nabubuhay sila sa ganoon. Kapag dito ka kasi sa Manila, minsan nakakalimuntan mo na iyong ano eh…

 

SEC. ANDANAR:  Simple lang ang buhay doon…

 

CARLOS:  Oo, simple lang ang buhay… saka Metro Manila is not the Philippines hindi ba?

 

SEC. ANDANAR:  Kaya nga doon sa isla, doon sa Siargao, doon iyon sa Lanuza… uso pa rin doon iyong—kasi walang kuryente eh, uso pa rin doon iyong magdadaing ka ng isda. Kasi kapag summer maraming isda hindi ba, so idadaing mo ‘yan para mayroon kang ulam during the rainy season, kapag malaki iyong alon, Habagat ‘no… Kapag malaki alon, siyempre hindi makakapunta ng laot iyong mga mangingisda, eh magdadaing sila, oo.

 

Tapos ito pa ha, doon kasi sa amin, mayroon kaming, ang tawag namin ‘kulo’ ano siya, bread fruit; bread fruit siya partner, bread fruit. So itong bread fruit, para siyang langka eh, green iyong kulay, tapos ang gagawin mo noon, papakuluan mo iyan.

 

LEO:  Para iyong kamansi…

 

SEC. ANDANAR:  Hindi ko alam, basta kulo ang tawag, basta bread fruit. Partner kapag kinain mo iyan, parang tinapay talaga, tapos maraming ganito sa mga Pacific islands, ito iyong bigas sa kanila, oo. Kaya during World War II, ang kuwento ng lolo ko, iyon ang kinakain nila kasi siyempre wala namang nakakapagtanim ng bigas or palay, walang nakakapagtanim ng palay kasi nga giyera, diyan iyong mga kalaban natin, so bread fruit iyong kinakain nila.

 

LEO:  Galing ah…

 

SEC. ANDANAR:  So malamang doon sa Lanuza, maraming bread fruit doon.

 

CARLOS:  Marami… Saka ano, doon ako nakakain ng pawikan…

 

SEC. ANDANAR:  Ha? Bawal iyon ah…

 

CARLOS:  Kinakain nila, anong gagawin ko? Lasang ano pala ang pawikan pare, lasang karne.

 

LEO:  Parang manok din…

 

CARLOS:  Hindi, karne… karne ng baboy, parang ganoon. Hindi lasang isda—

 

SEC. ANDANAR:  Umiiyak daw iyon partner kapag kinakatay eh…

 

CARLOS:  Kahit siguro naman siguro katayin, iiyak eh…

 

SEC. ANDANAR:  [Laughs]

 

LEO:  [Laughs]

 

CARLOS:  Hindi ba? Kahit sino naman siguro hindi ba? Kahit si Trillanes katayin mo siguro iiyak siya – lahat tayo, tatawa.

 

LEO:  Easy… masusuka ako doon [laughs].

 

SEC. ANDANAR:  Easy, easy, easy… 11:27 in the morning, ito pa rin po ang programang Cabinet Report sa Teleradyo. Live ba tayo sa PTV ngayon? Hindi, hindi tayo live. Eh next week, live tayo [laughs]. Live tayo sa Facebook pages ng PCOO, Presidential Communications… live din tayo sa Facebook page ko, Martin Andanar Facebook page…

 

LEO:  RP1, RTVM, PCOO, PNA, PIA… ano pa?

 

CARLOS:  Sa akin, hindi pa ako live eh…

 

SEC. ANDANAR:  Sayang naman, Mindavote pa naman maraming followers. So sayang sana dagdag isandaan sana. Oo, pero dito… bumati ka muna…

 

Marami tayong aabangan ngayong linggong ito… sa Lunes po ay kaabang-abang na ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Of course, abangan natin iyong talumpati – tatlumpu’t limang minuto daw, sabi ni Presidente.

 

LEO:  Thirty five minutes… and two hours [laughs].

 

CARLOS:  Hindi, tama naman… 35 minutes iyong speech as written… iba naman iyong as spoken…

 

LEO:  Kapag sinabi mong adlib, mas mahaba iyon…

 

CARLOS:  I think ano naman eh, I think nasanay na rin ang mga tao to expect that from the President.

 

LEO:  Tandaan ninyo last SONA ang siyang pinakamahabang SONA. Last SONA, two hours mahigit iyon, kaya…

 

CARLOS:  Si Presidente naman kasi kapag nag-i-speech… actually hindi siya nag-i-speech eh, nagle-lecture siya; nagle-lecture siya… nagkukuwento, nagle-lecture just like, iyon nga, parang ama oh hindi ba, kaya medyo napapahaba talaga.

 

LEO:  Hindi, saka that’s the way na—parang mas nakikita niyang epektibo eh iyong pag-deliver noong gusto niyang iparating na mensahe.

 

SEC. ANDANAR:  Iyong galing sa puso—mula sa puso, iyong kanta… ay tunay na ganiyan…

 

LEO:  Parang ganoon… kantahin mo…

 

SEC. ANDANAR:  Ikaw kumanta. Sino ba kumanta noon? Jericho Rosales iyon saka si Kristine Hermosa – ‘Mula sa Puso’ tama ba? Hindi, sino iyon? Alam ko na sino kumanta, si Jude Michael. Si Jude Michael ang original na kumanta ng Mula sa Puso, pustahan tayo. Jude Michael, Kilala ninyo si Jude Michael. Hindi ninyo kilala si Jude Michael? Sus, where have you been? Jude Michael, iyon ang sikat noon nag bumibirit… Mula sa Puso. Siya talaga iyong…

 

Anyway, nasaan na ba tayo? [laughs]

 

LEO:  Hindi… napag-usapan po natin iyong mula sa puso dahil ang Presidente po natin, si Tatay Digong, eh sobra kung—kapag nagsalita po kasi. Kaya nga ang tao hindi ba, pansin ninyo kapag nagsasalita po si Presidente, nakanganga lahat… as in nakanganga dahil inaantabayanan kung ano iyong sasabihin niya.

 

SEC. ANDANAR:  Nakatutok talaga. So 35 minutes ang ating inaasahan, dahil iyon ang sinabi ni Presidente at ni Secretary Roque, na 35 minutes; and isa rin sa mga inaabangan ng lahat ay iyong direksiyon… sa direksiyon ni Joyce Bernal… oh hindi ba?

 

[Mula sa Puso song playing] SONA 2018, sa direksiyon ni Joyce Bernal… Abangan, live sa Mababang Kapulungan… President Rodrigo Roa Duterte, kasama ang mga miyembro ng Mababa at Mataas na Kapulungan… State of the Nation Address 2018, sa direksiyon ni Direk Joyce Bernal…

 

Ahhh… O hindi ba? Iyon ang kaabang-abang din, iyong direksiyon ni Director Joyce. Anong inaasahan mo doon, Carlos?

 

CARLOS:  Iyong totoo? Wala na sanang masyadong shot galing sa baba.

 

SEC. ANDANAR: Sa baba, oo.

 

CARLOS: Iyong mas ano, mas less indie shots, mas straightforward. At saka, ako kasi naniniwala ako na iba talaga ang viewpoint ng babae sa lalaki, hindi ba? So gusto ko makita paano ang approach ng isang Joyce Bernal ‘no na—

 

SEC. ANDANAR: Mata ng babae.

 

CARLOS: Oo mata ng babae, not for anything ‘no.

 

SEC. ANDANAR: Femme fatal. [laughs].

 

CARLOS: Hindi, iba kasi, iba-iba iyong viewpoint ng lalaki, iba iyong viewpoint ng babae. Not to say one is better than the other, but it’s just different hindi ba? So iyon ang gusto kong makita, hindi ba?

 

SEC. ANDANAR: Iyan mula iyan sa isang expert sa media – sa social media, traditional media.

 

CARLOS:  Awayin na naman tayo niyan, hindi nga tayo journalist—

 

SEC. ANDANAR: Ikaw naman Leo, anong ine-expect mo?

 

LEO: Kasi sa nakikita ko at sa nakita ko rin at narinig ko ring interview na may katabi siyang higante doon, sabi niya, ‘Higante ako kapag nandiyan ako sa tabi mo eh.’ Nasa likod siya eh. [laughs].

 

SEC. ANDANAR: Hindi, kasi hindi ba ang laki ko naman talaga eh. Eh si Binibining Joyce eh ano eh, slim na slim eh.

 

LEO: Ako batay doon sa naging statement niya – dahil nga si Presidente nga – sabi ko unang una, mula sa puso. So kung paano ka nanonood ng isang teleserye na ipaintindi mo sa tao or MMK whatever, parang ganoon ang dating sa akin. Nakikita ko na parang mas naiintindihan ng tao. I mean mas ma-catch ng tao at iyong tao, iyong nanood is—ah oo nga.

 

SEC. ANDANAR: Music, music, maestro?

 

LEO: Ang bagal eh.

 

SEC. ANDANAR: Ang bagal ni Engineer. Mula sa puso kaagad, sige ituloy mo.

 

LEO: Na tipong ano ba, tipong ang tao ay—baka maiyak ito eh. Ako nakita ko iyon ha.

 

CARLOS: Ito na naman tayo sa naiiyak eh.

 

LEO: Hindi ako nagbibiro.

 

CARLOS: Ito na naman tayo sa naiiyak eh.

 

SEC. ANDANAR: Ay hindi ako nagsabi noon, hindi ako nagsabi noon.

 

LEO:  Eh sinong nagsabi noon?

 

SEC. ANDANAR: Parang—hindi ko kilala iyon. Sino ba iyong hayop na iyon?

 

CARLOS: Alam mo pare, honestly ha. Ito lagi kong sinasabi on record, on record pare. Hindi pare, ito seriously from the first SONA until now labas ito sa Presidente, the Communications Office of the President has come a long way. That doesn’t mean na malayo na eh, you know ano na, tapos na iyong trabaho but—malayo pa rin, pero at least—

 

SEC. ANDANAR: Malapit na?

 

CARLOS: Malayo na pero malapit na. Nahilo na ako—

 

SEC. ANDANAR: Oy break na nga tayo. Oras po natin sa buong kapuluan mga kapatid, mga kaibigan, mga kaanak, 11:37 na po ng umaga. Magbabalik po ang Cabinet report sa Teleradyo.

 

(COMMERCIAL BREAK)

 

LEO: At tayo po ay nagbabalik na naman sa ating pagtatanghal pa rin, ang Cabinet report sa teleradyo, siyempre pa. Pero bago po ang ating pagtalakay pa rin ng mga issues today. Lalung-lalo na ang pre-SONA na sa darating po na Lunes iyan, siyempre kailangan pre-SONA muna at malaman ninyo kung anong mga gagawin pa ng ating Pangulo at nataon naman na narito po iyong matagal nang absent.

 

SEC. ANDANAR: Easy. [laughs].

 

LEO: Ang heartthrob ng Gabinete ng Pangulo, iyan ang partner natin si Secretary Martin Andanar siyempre pa. Pero bago diyan puntahan ko muna ang panahon dahil pabugso-bugso na naman po ang ulan, baka mamaya magbaha na naman, nasa linya natin ang DOST, siyempre pa ang PAGASA-DOST, si Professor Nicos Peñaranda. Alam mo bakit professor ang tawag ko sa mga ito?

 

SEC. ANDANAR: Bakit?

 

LEO:  Eh pagdating doon sa ano, sila lang ang puwedeng magturo, sila lang ang puwedeng magsabi kung nasaan na si bagyo – ikaw ba alam ninyo? Hindi. Sila ang nakakaalam.

 

SEC. ANDANAR: Nasaan na si Inday?

 

LEO: Inday, ang bilis nito eh. Sir Nicos, magandang umaga po.

 

(REPORT)

 

LEO: Nicos, ano iyon Peñaranda?

 

SEC. ANDANAR: Sakto iyong oras natin ha, Philippine Standard Time.

 

CARLOS: Tatanungin ko sana ilang segundo? [laughs].

 

LEO: Mas mahirap iyon.

 

CARLOS: Aber, ilang segundo?

 

LEO: Sabi ni Leo, iyong kumare mo, malinaw-linaw naman iyong kumpare mo.

 

SEC. ANDANAR: Ano fake news tayo?

 

LEO: Oo, hindi daw sino ano iyon—hindi daw si—

 

SEC. ANDANAR: Hindi si Jericho?

 

LEO: Hindi daw si Jericho at saka si Kristine, si Rico Yan daw iyon.

 

SEC. ANDANAR: Ah Rico Yan at saka si Barretto?

 

LEO: Fake news.

 

SEC. ANDANAR: I sit corrected.

 

CARLOS: Aabangan ko na naman iyan sa paboritong ano natin, fake news kana naman.

 

SEC. ANDANAR: Habang naghahanap kayo, gusto ko lang pong pasalamatan pala at i-congratulate ang team nila Howie Uyking ng Bureau of Communication Services dahil sa napakamatagumpay na tatak ng pagbabago forums. Tatlo iyon eh, iyong tatlong forum na sunod-sunod every week, ito iyong pre-SONA forum.

 

LEO: Pre-SONA ito.

 

SEC. ANDANAR: Dahil sa sobrang haba, sa sobrang dami ng accomplishments ni Presidente Duterte, hindi niya kayang basahin sa loob ng tatlumpu at limang minuto, kaya kailangan magkaroon ng pre-SONA. Hindi ba ganoon tayo ka detalyado, kailangan malaman ng mga kababayan natin through the pre-SONA forum na ito ay ginawa doon sa PICC and of course ang ating ka-tandem diyan, ang nangunguna diyan ay ang Office of the Cabinet Secretary, Secretary Jun Evasco, congratulations.

 

CARLOS: Pare, question? Habang naghahanap pa ng—

 

SEC. ANDANAR: Answer, habang wala pa iyong ano—

 

CARLOS: Hindi anong ano—

 

SEC. ANDANAR: Tinatanong mo pa lang, alam ko na iyong sagot.

 

CARLOS: Ang galing ah, parang fast-food ah, o-order pa lang, nandiyan na eh ‘no.

 

SEC. ANDANAR:  Ano ba iyong sinasabi mo kanina?

 

CARLOS:  Hindi, ito iyong gusto ko lang talaga Pare, anong end goal mo for PCOO, anu-anong vision mo?

 

SEC. ANDANAR:  Simple lang naman – Build, Build, Build sabi ni Presidente hindi ba? So kailangan natin mag-build noong mga communications facilities sa labas ng Metro Manila. Kasi kailangan i-decentralize eh. Kapag dini-centralize mo iyong DOTr, i-decentralize mo iyong DILG at iba pang mga ahensiya kulang, hindi puwedeng mag-decentralize ka ng mga ahensiya, departamento kung hindi mo i-decentralize iyong communications. Kasi hindi ba katuwang dapat iyan – Presidential Communications. So sa Gabinete mayroon kang PCOO, nakausap na mga secretaries… Dapat pagdating doon sa mga director, mayroon din silang katuwang doon na PCOO, hanggang doon sa line agencies sa mga region – iyon.

 

CARLOS:  Eh anong… I mean hindi ba, Cabinet Report din naman ito, it’s part of your job, tatanungin ko lang pare, may nagki-criticize sa iyo na parang kulang iyong nakikita sa content side ‘no, I mean sa back end nakikita natin marami. Anong ano mo doon, how do you plan to address that?

 

SEC. ANDANAR:  Hindi… coming from the private sector, nanggaling ako sa TV5 at ito iyong up and coming before eh, up and coming network – number 3, the third largest network. At ang binabangga mo diyan ABS-CBN at GMA7; very established na iyong dalawa na iyan. At kung tutuusin mo, napakalaki noong budget ng TV5 noon, pero hindi siya makalapit doon sa number 2, okay? What more na nasa government communications ka na hindi kasing-laki iyong budget mo doon sa kalaban mo –ABS-CBN or GMA.

 

Sasabihin nila, “Hindi, 1.3 billion ang budget ng PCOO.” Excuse me, marami pong ahensiya ang PCOO – may PCOO proper na mayroong mga 260 million ang budget, iba iyon; mayroon ding PTV; mayroon pang Radyo Pilipinas; itong Philippine Broadcast Service; mayroon kang News and Information Bureau; PIA; mayroon kang IBC; mayroong kang National Printing Office; APO Production Unit; napakadami… Kung iisa-isahin natin ito, puwede kong—kapag pumunta kayo sa opisina, kung sinong mga nagki-criticize, pumunta ho kayo sa opisina at ilalatag ko sa inyo ang financials.

 

But anyway matalino naman kayo, why don’t you just go straight to DBM at tingnan mo iyong budget. Tingnan mo iyong appropriations, tingnan ninyo kung saan napupunta iyong budget. Madali kasing mag-criticize eh, pero kapag ikaw na iyong gumagawa… for example, let me ask you this question, kung sino mga nagki-criticize: For the last 30 years, anong pagbabago ang nakita ninyo sa infrastructure ng communications dito sa ating gobyerno? Wala! Wala, ngayon lang nangyari.

 

Noong nag-takeover po ang Duterte administration, ang ‘followers’ po ng Facebook page ng PTV ay wala pa pong trenta mil o wala pang 31,000 to be conservative – ngayon 1.5 million. Noong pumasok po iyong PCOO, iyong followers po ng PCOO, ng Presidential Communications Facebook page, tatlong libo – ngayon 1.4 million. Itong radio station na pinapanood ninyo ngayon, itong pinapakinggan ninyo ngayon, nasaan sa rating ito? Wala, napakalayo. Ngayon number 7 – mega Manila. Itong FM station diyan sa kanan ninyo, iyan iyong FM station diyan, wala iyan sa rating ngayon – number one na ngayon sa affiliation, rating mega Manila. So we are doing everything we can with the budget that we have.

 

Now, kung if you will expect government media… kung sino ka man hayop ka na nagsasabi niyan [laughter]… if you will expect government media to beat ABS-CBN right away, right now… eh magre-resign ako ngayon din, ngayon din, palit tayo. Kung kaya mong talunin ang ABS-CBN o GMA7 o—pero what I can tell you now, is that if you watch social media, at pinapanood mo iyong speech ni Presidente, makikipagpustahan ako sa iyo – na ang government communications, number one sa Facebook kapag nagla-live si Presidente; at iyan naman ay… alam naman ng lahat iyan dito.

 

Even itong Radyo Pilipinas, wala ngang social media ito noon. Eh ngayon ilan ang followers ninyo – forty thousand ‘followers’ ninyo? Seventy thousand, seventy na… Iyong Philippine News Agency, zero ang presence sa social media. Ngayon nasa mga forty thousand ang followers or even more; hindi ko nai-check iyong pinaka-updated niyan. Kaya madali kasing mag-criticize Carlos eh, napakadaling mag-criticize… and yet sabihin nila, “O pinakamalaking budget, etcetera…” Eh saan ka bang pinanganak kang gunggong, hayop ka.

 

CARLOS:  Ilan ba ang personnel ng PCOO?

 

SEC. ANDANAR:  Ilan ang personnel? Ang PCOO mismo—

 

CARLOS:  Iyong lahat-lahat, I mean all the agencies that you mentioned more or less…

 

SEC. ANDANAR:  Well wala sa akin iyong ano—kasi mahirap magbigay ng detalye. Kasi mamaya bigyan kita, sabihin fake news na naman hindi ba? Pero ang masasabi ko lang dito sa… ilan tayo sa PCOO proper natin? O 200 plus tayo sa PCOO proper, and yet ang budget po na ini-expect ng lahat ay kailangan ang PCOO ang pinaka-public relations ng gobyerno.

 

Pero for your information, mas malaki pa ho ang budget ng media ng DOT at ng iba pang mga ahensiya, even ng DPWH kaysa PCOO. We are just a drop in the bucket.

 

LEO:  Magkano? Para alam nila.

 

SEC. ANDANAR:  Hindi, iyong PCOO is about 260 million. Nagpapasuweldo ka pa ng tao niyan…

 

CARLOS:  Pare in terms of scale for example, without giving—I don’t know if you can give ‘no. Sabi mo galing kang private media, hindi ba?

 

SEC. ANDANAR:  Oo…

 

CARLOS:  Mga more or less… in terms of number of personnel for example sa TV5, sa pinanggalingan mo at saka iyong number of personnel sa—

 

SEC. ANDANAR:  Kuwatro…

 

CARLOS:  Kuwatro, hindi ba… anong ano niyan…

 

SEC. ANDANAR:  Malayo partner, malayo. Huwag na TV5 ngayon, kasi nag-downgrade na iyong TV5. ABS-CBN na lamang, tingnan mo kung ilan iyong reporters nila, iyong team nila. I would presume that iyong team nila sa Metro Manila lang, is more than 30 or more than 40; ABS-CBN team lang iyon, iyong kanilang cameraman, reporter, driver, etcetera… Ito dito sa PTV, ilan lang iyon… wala pa yatang bente ito eh. So talagang wala, eh saan ka kukuha ng pera, ng pasuweldo hindi ba?

 

At ito isa pang mali sa pamamalakad sa byurokrasya ‘no – for example itong Radyo Pilipinas ‘no, puwede kang maging regular—sa gobyerno kasi kapag hindi ka nag-take ng Civil Service, okay? So kaya hirap na hirap… hirap na hirap mag-regularize ng empleyado dito sa PBS, kasi nga kailangan—hindi ba, kailangan mong mag-take ng examination – iyon ‘yun eh, ng CSC.  So papaano ka makikipag-compete niyan kung walang pumapasa sa examination?  So these are the things that you have to study; hindi iyong tira ka lang nang tira—marami kang criticism kasi kaya mong patakbuhin, etc…

 

No, kailangan mong tingnan kung ano iyong problema sa loob ng byurokrasya, kung anong problema, kung iniisip mo pinakamalaking—anong pinakamalaking budget? Tingnan mo na lang iyong GAA – napakapulpol mo naman, hindi ka muna magbasa ng GAA. Basahin mo iyong GAA na iyan bago ka mag-criticize, kasi doon mo maintindihan kung saan napupunta iyong budget. At kung ang sinasabi ninyo maraming pera pang-PR, walang pambayad ang PCOO para sa public relations – wala kaming pambayad kahit i-check ninyo iyong budget – ganoon kasimple iyon.

 

CARLOS:  Saka sa tingin ko naman, hindi yata trabaho ng PCOO iyong PR eh. To be honest ha, I don’t think it’s the job of…

 

LEO:  No, hindi…

 

CARLOS:  Because ako, obviously ako DDS ako, solid ako Duterte ‘no. But at the same time nakikita ko na iyong—ang term kasi ni Presidente Duterte six years lang eh hindi ba, after niyan tapos na siya, aalis na siya hindi ba? But iyong government station will remain for the next and the next and the next and the next president hindi ba? So iyong content na pinag-uusapan natin na pangdepensa kay Presidente Duterte or pang-promote sa administration hindi ba, that is just a small part of the job of PCOO. The job is really to promote what the government is doing beyond his presidency.

 

Now, mayroong ibang mga DDS na masakit pakinggan iyon dahil inisip kasi, “Hindi, dapat presidente, presidente, presidente lang…” Pero hindi talaga eh…

 

SEC. ANDANAR:  Partner ganito iyan eh… field of dreams, build it and they will come. Ang problema natin kasi, matagal napabayaan iyong ating government communications; for example, pagdating natin iyong PTV, it was broadcasting at 25,000 watts; pero iyong capability 60,000 watts – kulang ng piyesa partner. So for the entire six years of the Aquino administration, it was broadcasting below capacity. So, we solved the problem.

 

CARLOS: Why? Ito kasi ang theory ko diyan, I mean personal theory ko lang ‘no. Personal theory ko lang kasi na after noong time ni Marcos ‘no naalis na siya, bumalik na iyong ABS, bumalik na iyong private networks ‘no. Ang personal theory ko eh sinadya na patayin or sinadya na ipa-atrophy iyong government networks. I don’t know kung mayroon bang element na ganoon?

 

SEC. ANDANAR: Hindi ako rin, I mean nanggaling din naman ako sa private media, ang pakiramdam ko ay nagkaroon ng takot, hindi ba. Nagkaroon ng paranoia ang sambayanan dahil nga after the Marcos era, more than 20 years hindi ba na si Marcos ang talagang namuno ng bansa natin, at ang pinakamalakas ay government media at namatay nga iyong vibrancy ng private media kasi we were under a dictatorship. So noong biglang naupo po si Presidente Corazon Aquino, biglang nabuhay ang media; and that is also one of the reasons why iyong mga magagaling na writer ng Philippine News Agency nagsi-lipatan sa private companies kasi mas malakas, mas malaki ang sahod. Tapos at the same time habang umuusbong iyong private media, pabagsak nang pabagsak iyong government media at kumakaunti nang kumakaunti iyong suporta ng gobyerno sa government media – anong i-e-expect mo? Talagang magde-deteriorate. Tingnan ninyo po ang estado ng radio stations dito sa Visayas Avenue, although gumanda na iyong mga studio dahil ngayon lang po natin ginawa ito under the presidency of President Duterte, pero kung pupuntahan ninyo iyong radio station sa mga probinsiya, naku dial pa—

 

LEO:  Maaawa ka.

 

SEC. ANDANAR:  Dial pa ho ang kanilang console doon, hindi po itong console na nakikita ninyo na high tech na. Itong mga nakikita ninyo ngayon, kayang-kaya nang makipagsabayan sa ABS-CBN. Itong nakikita ninyo ngayon na gamit dito. And yet, ine-expect noong kung sino man iyong nagki-criticize na overnight kaya mong talunin kaagad. Eh alam mo mayroon ding superstar element iyan eh. Mayroon silang mga Anthony Taberna doon eh, mayroon silang mga Noli De Castro. Ang tagal, superstar iyan eh.

 

CARLOS: May Leo Palo tayo, pare. [laughs].

 

LEO: Iyan tayo eh.

 

SEC. ANDANAR: Si Leo Palo tagapalo ng—hindi, pero kumbaga sa GMA mayroon kang Mike Enriquez, mayroon kang mga—hindi, hindi natin ma-afford iyan eh. Kaya ba ng gobyerno iyan? Pero what I can tell you is that slowly but surely, pumapasok tayo sa top 10 na survey sa radyo, FM, AM at sa telebisyon. Ang balita ko last year, strong number 4 na from nowhere ang Channel 4, tapos mayroon tayong government satellite network na susubukan natin ngayong darating na SONA. Limang barangay na walang access sa telebisyon, walang access sa buong bayan noon—

 

CARLOS:  Maganda iyan, maganda iyan.

 

SEC. ANDANAR: Through government satellite network, they can already watch the President speak. Ngayon sabihin ninyo, ‘Oh, wala namang ginagawa ang PCOO in terms of—eh iyong pinapanood ninyong speech ni Presidente sa Facebook. Eh saan ba nag-i-stream iyan? ‘Di ba sa RTVM iyan? Oh ang RTVM full iyan ‘di ba? Dati ang RTVM magpapalabas lang diyan tapos sa broadcast stations lumalabas, hindi available sa Facebook. Hindi available sa madla, mula noong umupo si Presidente, tayo sa PCOO, siniguro natin na noong nanumpa si Presidente, naka-live lahat sa Facebook and from then on, every time mayroong official speech si Presidente, live sa Facebook page; at saan galing iyan? Hindi ba PCOO din galing iyan?

 

CARLOS: At saka malaking tulong iyan ha? Kasi alam naman natin kung mag-speech si Presidente minsan subject to interpretation hindi ba?

 

SEC. ANDANAR: Tama-tama.

 

CARLOS: Pero dahil nala-live iyong mga speeches niya. Ngayon iyong mga citizens mismo ‘no, nakikita nila, “ay hindi naman pala iyon iyong sinabi niya or hindi iyon iyong pagkakasabi niya,” na dati iyan pag wala iyong live na iyon—Nami-misquote. Nami-misquote, hindi ba? Kung ano iyong basa, ano iyong rinig noong reporter iyon na iyon; ngayon lumalabas tuloy— So malaking tulong iyon, malaking tulong iyon.

 

LEO: Actually sa nakikita ko, Carlos. Ako kasi matagal na ako sa broadcast eh, 17 years. Nakita ko ito eh, siguro sabihin ko, I’m one of the living testaments dito sa Radyo ng Bayan na ito dati hindi ba, ngayon RP1 na. Eh makikita mo talaga dito, maaawa ka. Itong istasyon na ito, atin ito pero bakit ganito, pinababayaan natin? Pero this time around, sabi ko nga, sa ginagawa niya bilang PCOO Secretary, bilang Communication ng Pangulong Duterte eh nakikita ko itong long term, hindi ito short term eh, long term ito dahil pagkatapos niya, sigurado iyong mga susunod ang sarap na ng buhay.

 

SEC. ANDANAR:  Kasi marami ang nagsasabi, sasabihin nila na, ‘Ah hindi, kasi hindi nagko-communicate. You know, the job of the PCOO is to build communication infrastructures, iyon ang trabaho ng PCOO. Ang trabaho po na mag-explain ng mga polisiya at magsalita on behalf of the President, si Secretary Harry Roque, iyon ang trabaho niya. Kami ay taga suporta, taga gawa noong website kung saan ipapaskil namin iyong speech ni Secretary Roque, ipapaskil natin iyong video ni Secretary Roque, audio etcetera, transcripts, lahat – iyon ang trabaho ng PCOO to create the website, to create the social media pages. And so far, I believed na with the hard work of the entire PCOO, men and women eh malayo na iyong narating kumpara doon sa naabutan natin dito.

 

LEO: Eh sa maikling panahon pa lang iyan, two years pa lang eh.

 

CARLOS: Eh nagkaroon din ito ng confusion eh—hindi pati ako nalito noong una eh. Noong pumasok ka kasi you were also doubling—

 

SEC. ANDANAR: For Ernie?

 

CARLOS: Oo nagsasalita ka rin para sa Presidente. Hindi ko naman pinagkakaila iyon na pati ako—there was a confusion at that time hindi ba? But whatever that is, I think in long term still is—Tama si Leo ‘no, what we have here now is a long term solution to the problem of government communications.

 

LEO: Ganito kasi, sa Malacañang Press Corps nasanay kasi kami noon na nagsasalita ang PCOO, sila Coloma noon and the Spokesman, nagsasalita kasi eh pareho so may oras. Kaya sabi ng Malacañang Press Corps, baka naman puwedeng magsalita na rin si Secretary Martin Andanar. Ang problema kapag nagbibigay siya ng mga ganoong mga statements, minsan nagiging ano pa, nagiging kabalintunaan ko minsan ng balita. So might as well, magtrabaho na lang siya doon sa part niya bilang ano, hindi ba? Kasi iba naman ang Spokesman eh.

 

SEC. ANDANAR: Oo iba ang Spokesman but this is what I do also, Carlos actually. Hindi ako very visible dito sa national media.

 

LEO:  Totoo iyon.

 

SEC. ANDANAR: Hindi ako visible dito. I only speak when needed. For example iyong sa State of the Nation Address, iyon mga technical planning ng SONA. Ako iyong nagsasalita but I also delegate it to Asec. Marie Banaag, I delegate it to Director Demic Pabalan. Dahil busy ako sa kakaikot sa buong Pilipinas, because I believed that the PCOO Secretary should be omni-present, not only—I am—

 

LEO: Hindi ka lang pang-Manila eh.

 

SEC. ANDANAR: Tama ka. Ang Pilipinas ay hindi Manila – ang Davao Pilipinas iyan. Ang Surigao Pilipinas iyan, ang Zamboanga, Pilipinas iyan – so we need—I need to go around to also check the state of our radio stations, our TV stations if we have. Alam mo noong panahon ni Marcos napakadami pong channel 4 sa mga probinsiya, buhay na buhay. Mayroon pang channel 13 at saka 9. Pero po dahil nga napabayaan ng gobyerno ay unti-unting nawala iyong mga TV stations sa probinsiya; sa Cagayan De Oro. So ngayon binubuhay nating muli and that is what I’m saying na ang trabaho talaga ng PCOO ay buhaying muli iyong ating government media facility. Kasi at the end of the day, kapag nangyari itong—halimbawa, itong federalism, you will need your own radio station, TV station in your own region.

 

LEO: Yes, tama iyon.

 

SEC. ANDANAR: Kaya ang plano natin ay nagtatayo na tayo ng Mindanao Media Hub diyan sa Davao. Magtatayo tayo ng Visayas Media Hub diyan sa Cebu. Iyon ang sa ngayon kasi wala naman tayong ganoong kalaking pondo, hindi naman tayo tulad ng ibang mga departamento na limpak-limpak iyong salapi. Kumbaga hindi ito iyong pinaka-priority ng gobyerno. Sapagkat ang pinaka-priority ng gobyerno, tiyan at saka infrastructure hindi ba? So that’s the reality of it all. Kaya kapag nagsasabi iyong iba na, ‘Ah iyong PCOO ganoon…’ Bakit iyong panahon ba ni PNoy pinapansin ninyo ba iyong PCOO? Hindi naman ah!

 

CARLOS: At saka pare ha, sa akin. We are in archipelago, we are in archipelagic nation. We have 7,100 islands etcetera, etcetera. But you cannot build bridges, iyong actual physical bridges to link all those islands ha. Mauubusan tayo ng pera but you can – through communication, puwede mong i-bridge iyong every island, every barangay, every purok to each other, so, iyon ang importante – kasi iyon ang isang problema natin as a nation – wala tayong national identity. Bakit? Eh magkakaibang isla tayo eh. Tingnan mo na lang ang Negros Island hindi ba? Kalahati Bisaya, ah kalahati Cebuano, ang kalahati Ilonggo hindi ba? But if you are able to bridge iyong utak; If you can bridge the minds of the Filipinos by… iyan iyong radio stations and all of those things. That is an invaluable service to, you know, creating a unified nationhood na iyon ang pinakawala tayo, wala talaga tayong sense of nation ‘no, mayroon tayong sense of—tagalog ako, Bisaya ako. Wala tayong nationhood eh, iyon ang—kaya iyan ang—sa akin that’s a good thing to be doing, for PCOO.

 

SEC. ANDANAR:  Oo, napakahalaga po. For example, I’ll tell you now ladies and gentlemen na mga nakikinig po sa atin, pati iyong mga critics – for such a long time, hindi po ginagamit iyong 87.5 na frequency sa FM station, sa FM dial… hindi po ginagamit ang 87.5 – talagang naka-reserve iyan sa gobyerno, and yet sinasayang iyong frequency. 87.5 is the only frequency now on your FM dial that is available nationwide – and that is government. Ngayon mayroon na po tayo, sinimulan na po natin sa Metro Manila – 87.5 FM 1, and this will also serve as our emergency broadcast station. Sa mga panahon ng sakuna – bagyo, lindol, etc… puwede pong gamitin iyong FM1 – diyan makikinig lahat.

 

LEO:  Sa Guiuan, puwede mong lagyan iyong Guiuan… oo, 87.5 puwede iyon.

 

SEC. ANDANAR:  Oo. So iyon nga eh parang—ang problema kasi, marami kasi tayong mga—okay lang naman iyong mga kritiko, as lang as it’s constructive criticism…

 

LEO:  Pakiulit daw iyong salita mo kanina, iyong ‘excuse me’…

 

SEC. ANDANAR:  Excuse me…

 

LEO:  Nakukyutan daw sa iyo eh [laughs]…

 

SEC. ANDANAR:  Esmyuski…

 

LEO:  [Laughs] Hindi, pagkatapos kasi ng tanong niya sumagot ka eh… ‘excuse me’ iyong mga tumitira sa’yo…

 

SEC. ANDANAR:  Ah… sa mga tumitira – esmyuski! [laughter]…

 

So iyon ang sinasabi natin ‘no, we do not pretend to be the ‘be all and all’ and God’s gift to media, to broadcast ‘no. Wala namang… sana wala hong ganiyan sa atin, sa lipunan natin sapagkat kung mayroon tayong God’s gift to television, God’s gift to radio and God’s gift to print, oh di sana forever nang naging number one ang isang istasyon, hindi ba? Hindi naman iyan, papalit-palit iyan eh.

 

But what we have here is our sincere dedication to improve government communications –ganoon lang naman iyon eh. Ako, I’ll be happy to step aside today kung may magpiprisenta today na gustong patakbuhin itong…

 

LEO:  May suggestion dito – magiging number one daw ang government station – basta negative daw lahat ng balita [laughs].

 

SEC. ANDANAR:  Well alam mo tama iyan, kasi ‘di ba [laughs]… fear sells, fear sells…

 

CARLOS:  Oo, puro police report.

 

SEC. ANDANAR:  Oo, police reports. Pero ganito lang ‘no, I do not pretend to be the solution because I know I’m not the solution; but I also want to tell you that the solution is not a rocket science – it’s just dedication really to build and to spend the money properly.

 

Now kung sasabihin mo na nasa gobyerno lahat ang—okay, kung sinuman nagsasabi noon, sige, pumalit ka sa akin ngayon, you hire Noli De Castro, you hire Ted Failon, lahat ng mga number one na mga anchors dito, tingnan natin kung kaya, kung ma-afford ninyo.

 

CARLOS:  Ubos ang pera…Hindi at saka ano, nakita ko ito noong—ang difference ng siyete at saka ng dos before… sa Davao ako noong 1990’s eh. Maniwala ka ang GMA sa Davao noong 1991 na ha, hindi pa live… hindi live – as in literal may VHS tape na dumarating para ipatugtog iyong programa. Ang nagla-live lang noon dalawa lang – PTV, PBA hindi ba at saka iyong TV Patrol, iyon lang. This was in the 1990’s na.

 

Ang advantage ng dos is nakapagtayo sila ng maraming istasyon all over the country. Nauna sila sa abroad, iyong kanilang Filipino channel hindi ba. So kahit gaano kaganda ang content mo, iyon ang naging problema ng singko naman hindi ba? Kumuha sila ng mga artista, pagpunta ko sa Davao panonoorin ko, kasi iyong misis ko nagtatrabaho sa TV5 hindi ba, ‘Who Wants’? Hindi ko naman mapanood, bakit? Hindi lumalabas sa TV ko eh, hindi ba? Kahit gusto kong panoorin, hindi ko napapanood. So it is very important really to start with the stations, and then work on the content hindi ba…

 

SEC. ANDANAR:  Correct, correct, oo…

 

CARLOS:  Hindi ba? Kasi gandahan mo iyong content mo, kayo lang naman nakakapanood, paglabas ninyo sa building ninyo wala nang nakakakita kasi iyong transmission ninyo, hindi ba? Wala, sayang.

 

SEC. ANDANAR:  Tama ka, Carlos, tumpak… TV viewing and radio listening is a habit, okay? A habit. We, human beings are creatures of habit – talagang kung saan ka sanay, doon ka nakikinig; doon ka nanonood, okay; talagang totoo iyan. Okay, I’ll give you an example: kung habit ang manood ng speech ni Presidente sa either ABS, GMA, CNN or TV5… mahihirapan tayong alisin iyong audience diyan, okay? Kasi matagal na iyan diyan eh. Kung habit iyong pakikinig sa speech ni Presidente sa DZMM or DZBB or DWWW or DZME, mahirapan kang alisin iyong audience diyan kasi habit ‘yan eh.

 

So what did we do? We made sure that all of the live speeches of the President streams on Facebook – tayo iyong una, gobyerno. So look now, sino nangunguna ngayon sa Facebook pagdating sa stream ng speech ni Presidente? Presidential Communications, PTV, sapagkat nauna tayo. So now the habit is there, na every time that they will watch the President speak on Facebook, “Ah dito tayo nasanay sa Presidential Communications…” and that is my theory ha, hindi ko alam kung anong theory ninyo. Pero bakit tayo nagna-number one sa social media? Kasi nga, iyong habit nga nasimulan natin na tayo una.

 

It will take some time, itong PTV na umabot doon sa number two or number one. Ang ating ginagawa ngayon, pinapalakas natin iyong transmitter – 55,000 watts ang plano is by March next year 120,000 watts na. So at least ngayon sa power, magkakasabay na tayo. But tama si Carlos, hindi lang puro power iyan – kailangan din iyong content.

 

Guys I’ll tell you, I’ve been there… I’ve done that… I was with TV5, hindi ganoon kadali. Oh, so ang laki na ng budget ni MVP noon. Give me a billion budget for PTV for 2019, and I assure you na talagang lalapit tayo sa GMA – but the government cannot do that.

 

LEO:  Nag-text si Secretary Ben Diokno: “Sige na nga.” [laughs]

 

CARLOS:  Ilabas ang tseke… bigyan ng jacket iyan…

 

SEC. ANDANAR:  Si Secretary Ben Diokno, iba naman iyong kaniyang theory din. He believes in the free market of ideas and also the vibrancy of the private media. So, papaano mo ngayon idedebate na kailangan mo iyong malaking budget kung iyong sa DBM, naniniwala siya doon sa liberalization of media.

 

CARLOS:  GOCC ba pare ang… I mean, I really don’t know ‘no. Can – iyong mga government networks – can they raise advertising revenue?

 

SEC. ANDANAR:  They can, they can… PTV can. Pero how can you raise now if iyong inyong power ay 55,000 watts? That’s why we’re increasing it to 120,000 watts. Pero it goes through government procurement, napakatagal niyan. Napakatagal niyan ooh, so that’s why patience lang. We’re working on it, we’re working very hard; we do not pretend to be the solution – but we know the solution.

 

Maraming mga nagki-criticize diyan, why don’t you join me here? Let’s build the government communications together para makita ninyo talaga iyong problema dito. Ito, ito sila… itong mga nakaupo dito, mga engineer… sila, alam nila kung anong problema eh. Alam ninyo kung anong problema, hindi ganoon kadali. It’s very frustrating, pero we just have to move forward – move and work and be sure that every penny counts; lalung-lalo na dito sa PBS at sa PTV network.

 

CARLOS:  Another question: Ilan ang regional stations?

 

SEC. ANDANAR:  Twenty seven… oo, 26/27. Mayroon isa, bali iyong antenna [laughs] I’m just joking…

 

LEO:  Isa pang ano diyan ha, naalala ko lang bigla eh… May mga station kasi na hindi naman talaga gumagana, pero may mga antenna, may mga ano; actually nagpapasahod pa sila, pinapasahuran iyong mga iyon.

 

CARLOS:  Ang naalala ko, sa Agusan Del Sur dati, ewan ko kung ano iyon. Naalala ko, mayroon silang sariling franchise na nakakabit sa Radyo Pilipinas at saka sa PTV. Kung tama iyong naalala ko ‘no, nakausap ko iyong PIA dati ng Agusan eh. Mayroon daw silang prangkisa—mayroon silang franchise nila na nakakabit sa ano…

 

SEC. ANDANAR:  Affiliate station ang tawag diyan. O so bukod doon sa 26 to 27 stations nationwide ng PBS, mayroon ding mga affiliate stations. They apply sa PBS to be an affiliate station and binibigyan sila noong karapatan na umere, as long as – mayroong mga clauses doon – you go live, you must carry the national newscast of PBS; iyong mga ganoong kasunduan. Pero open ang gobyerno diyan.

 

As a matter of fact, let me tell you this – dahil nga sa gusto nating makahabol agad pagdating sa dissemination at sa reach sa audience natin – nakipag-partner—last week, nagpirmahan tayo, PBS with GSAT, iyong satellite. They have more than a million subscribers nationwide. Lahat ng stations – RP1, RP2, RP3, FM1, FM2… mayroon na ngayong channel sa GSAT.

 

LEO:  Wow… teleradyo na sila.

 

SEC. ANDANAR:  Ngayon lang nangyari iyan, ngayon lang nangyari iyan. Kasi we are—

 

LEO:  Bukod pa ito sa GSN? Iba pa ito?

 

SEC. ANDANAR:  Iba pa iyan, oo. So bukod doon sa GSN—so mayroon na tayong partnership with GSAT, Global Satellite ‘no; iyong GNN network, mayroon na tayong channels doon sa kanilang home-to-satellite service. So at least, that’s one million plus already na market na mararating natin. Wala pa doon iyong mga cable subscribers, because let me tell you that the cable operators use GSAT, they use GSAT to air the different channels that they want to air in their own local cable company. For example: local cable company of Marinduque, umaasa sila doon sa signal o GSAT. Because nasa GSAT na tayo, puwede na tayong mapanood din doon sa local cable supplier o company.

 

So mas lalong lumawak na iyong reach natin ngayon partner, dito sa RP1 Carlos at Leo, wala pa dito iyong partnership natin with Cignal. Kasi Cignal now transmits FM2, so marami nang nakakapag-tune in sa FM2. So it’s a work in progress, and we do hope to reach every corner of this country.

 

LEO:  Pero Secretary hindi ba, lahat ng mga cable companies, lahat sa Pilipinas, hindi ba mayroon talagang allotted ang government for that channel?

 

SEC. ANDANAR:  Yeah, they are required to air the government television. They are actually required to air all free to air TV stations in Manila.

 

CARLOS:  Pero minsan dina-downgrade iyong signal noong ibang mga…

 

LEO:  Iyan ang problema… lalo na iyong mga—huwag na lang.

 

SEC. ANDANAR:  Two weeks ago, kakapirma lang po natin with five radio station affiliates.

 

CARLOS:  Maganda iyan. Alam mo pare dati, I used to be part-owner of a radio station in Mindanao eh, and actually isa iyan sa mga ano na ginawa namin, iyong affiliation. Actually maraming gumagawa niyan ngayon, pero iyong iba, binibenta iyon affiliate – pero kami hindi namin binibenta at that time ‘no. Naghahanap kami noong mga nagtayo ng sarili nilang istasyon na wala pang PA, wala pang provisional authority, hindi ba. So siyempre ipit sila ngayon, so you know, we were getting them.

 

But if government does that, ang dami niyan; imagine mo pare, in one year we were able to grow from one station to 23 affiliates all over Mindanao.

 

LEO:  Actually puwede iyon Secretary hindi ba, na parang mag-a-affiliate? For example si Carlos ay may station na hindi pa gumagana, puwede namang mag-affiliate agad sa government station…

 

SEC. ANDANAR:  Puwede.

 

CARLOS:  At saka ang maganda doon—

 

LEO:  Hindi para lang umandar lang siya.

 

SEC. ANDANAR: Puwede, puwede.

 

CARLOS:  Maganda doon hindi sila—kasi mayroong iba diyan nagpapabayad eh, na which is actually—you know—but if government ang pumasok, Sec., ang dami niyan.

 

SEC. ANDANAR: Kasi content ang importante. Kasi if you set up a radio station in a region say in CARAGA region somewhere in Tandag, madaling mag-set up eh ng radio station eh. Kasi ngayon pumunta ka ng Raon, makakabili ka ng mga console, computer, microphone natin, madali—

 

CARLOS: Lalo na kung FM lang ibabato mo, ang dali noon.

 

SEC. ANDANAR: Partner, tama ka iyong isang FM transmitter diyan sa Butuan City na local lang ang may gawa, ang gastos mo lang kada 1 kilowatt nasa hundred thousand. So kung mayroon kang 1 million, eh di 10,000 watts ka na. Now, madaling mag-set up; kapag nag-set up ka, ang problema ngayon iyong content, that’s why you need government station. kasi mayroong content ito eh. At least mayroon tayong content, alas kuwatro hanggang alas dose ng hating gabi.

 

LEO: Hindi kahit namana ako, kung ako iyong may ari, kukunin ko muna iyong signal ng government ng maraming nanonood, oh hindi ba?

 

CARLOS: Hindi saka ano ka, safety ka. Hindi ba, safety ka sa NTC, hindi ka fly by night.

 

SEC. ANDANAR:  Hindi ka fly-by night.

 

CARLOS:  Hindi ka basta-basta na lang susugurin doon ni Nelson Cañete sa Region 11, baka ipu-pull out bigla iyong—kita naman hindi ba?

 

LEO: Sabi ni Dings Arab(?): “huwag kayong mag-alala marami kami ngayon dito sa probinsiya na mga community radio station; ang kakampi ninyo na tutulong sa pagpapalaganap ng mga magagandang balita mula sa ating administrasyon.” We are here to disseminate information through community radio station sa mga provinces.

 

SEC. ANDANAR: Iyan ang hinihintay ko.

 

LEO: In fact—

 

SEC. ANDANAR: O ito sabi, si Rey Dela Vega, ang liwanag ng dating ninyo dito sa USA. Bakit? Three years ago napapanood ba tayo sa USA?

 

LEO: Hindi.

 

SEC. ANDANAR: Hindi, di ba? So, I’m not saying guys that is really that—again, nandoon na tayo sa pinaka tuktok but we are working hard so are these people sa PBS, working so hard, to give you the proper content – editorial independence. Now if you wish to beat ABS-CBN and GMA overnight, if that’s the mission and I’m ready to step aside tomorrow, even today because talagang sasabihin ko sa inyo, imposible, imposible mong matalo ang ABS at saka GMA overnight. Kasunduan, hanggang doon lang, kung sino man iyong mga critics na iyon, sige pustahan tayo, umupo kayo sa puwesto ko ngayon. And if you can solve the problem in two or three months, then okay. Bibigyan kita ng house and lot from my own pocket, house and lot pero kapag hindi, eh mag-resign ka rin.

 

CARLOS: Hindi pare ano, I just want to add. I think the job is not—the job of government network is not to beat private network.

 

SEC. ANDANAR: Exactly.

 

CARLOS: Mali ang paradigm natin. Kasi kung ganoon lang ang gagawin natin, eh parang—hindi iba, iba talaga. Ang trabaho ng government network ay ipaalam sa mga tao ano ang ginagawa ng gobyerno para makatulong at para maintindihan ng gobyerno ano ba ang pangangailangan ng mga mamamayan. That is a public service, it’s not a business. ABS-CBN, GMA, with all due respect, these are corporations out to make money.

 

SEC. ANDANAR: Because they are also listed, public service—

 

CARLOS: Hindi, iba, magkaiba talaga iyon.

 

SEC. ANDANAR: Tama, tama. Buti na lang mayroon tayong Carlos Munda dito. [laughs]. Hindi, pero tama kasi ganito lang iyan eh, originally naman talaga public service talaga iyong news broadcasting eh, until nahaluan ito ng commercialism. Eh nagkaroon ng—so ang sinasabi kasi ng mga critics, hindi ninyo na natalo iyong private media stuff.

 

Tama si Carlos, we are not here to beat private media, as a matter of fact, anong commercial ng—wala tayong commercial dito. Maraming gustong maglagay ng commercial sa PBS pero bawal, hindi puwedeng malagyan ng commercial, so anong commercial ang kikitain? So ang trabaho natin is to just give the unbridled access to information sa lahat ng mga tao and editorial independence. Now, kung hindi pa achievement iyong maging number 7, itong istasyon na ito, I don’t know what is, kung hindi pa achievement ito.

 

LEO: Pero hindi na masama ha, hindi masama ha pareng Carlos ha, mga nakikinig sa atin kung ang goal mo rin ay maipaangat itong istasyong ito, kung gaano kataas iyong ABS at sa GMA.

 

SEC. ANDANAR: Oo naman. Iyong quality but then again, Carlos is just reminding all of us na it is not our goal to be number one. But then again, what we are telling you is ina-upgrade natin iyong look, iyong feel, iyong sound ng buong istasyon dito sa gobyerno. And we have done that already, hindi lang nga buong Pilipinas but that is the goal na pati sa Davao, kung saan man iyong mga PBS stations na nakalagay pati sa Butuan City ay maging ganito din ang itsura. Now, tax payers money ito eh, taxpayers money, so you really deserve the right information.

 

LEO: Hindi pero ‘pag nag-number one ang government station, matakot na kayo. [laughs].

 

SEC. ANDANAR: Ba-bye na? Ba-bye na?

 

CARLOS: Yeah, ba-bye na pala.

 

SEC. ANDANAR: Ba-bye na pala.

 

LEO: Ganado na kami, ano ba.

 

SEC. ANDANAR: We were just getting warmed up.

 

LEO: Parang Facebook live lang pala ito ‘no?

 

SEC. ANDANAR: Okay, ang oras po natin alas dose trenta y dos na po ng umaga, you are listening to my favorite music – Bruce Hornsby.

 

LEO: Kinabahan ako, akala ko ang sasabihin niya, man cave eh.

 

CARLOS: [laughs].

 

SEC. ANDANAR: The way it is, ito po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar.

 

LEO: Ito po si Leo Palo III.

 

CARLOS: At Carlos Munda.

 

SEC. ANDANAR: Hanggang sa susunod na Sabado. Ito po ang programang Cabinet Report sa Teleradyo.

 

###

 

Resource