Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Junry Hidalgo & Rod Izon (DZMM – Radyo Patrol Balita)

JUNRY: Magandang umaga po, Secretary Martin Andanar, Presidential Communications Operations Office Chief…

SEC. ANDANAR: Magandang umaga… kasama mo ba si Rod Izon?

JUNRY: Opo, magandang umaga iyo padre… Secretary Martin Andanar. Katabi ko rito, kinakalabit ho ako oh…

ROD: Kumusta na kayo Secretary Andanar, nasa Dubai pala kayo.

SEC. ANDANAR: Opo, nandito ako sa Dubai mga sir… Mayroon kasi tayong imi-meet doon sa Dubai na mga OFWs, tapos iyong Consul General on the route to the United Kingdom sapagka’t mayroon tayong scholarship doon sa… dito sa may [inaudible] University. Ang pag-aaralan ay open government, saka iba pang mga freedom of information. So, sinamantala natin iyong panahon, mineet (meet) natin iyong mga OFWs na mga nadadaanan natin.

ROD: Tama, tama.

JUNRY: Oh habang hinahawakan ninyo po iyong piloto para po hindi makalipad iyong eroplano, eh kami’y hihingi po ng update tungkol po sa Marawi rehabilitation…

SEC. ANDANAR: Opo, opo…

JUNRY: Ang sinasabi po ng Armed Forces of the Philippines, hindi matatapos iyong 24 hours eh tuluyan nang matatapos iyong Marawi siege. Kailan po ba sisimulan iyong rehabilitation.

SEC. ANDANAR: Nagsimula na po iyong rehabilitation… Junry pa ba ito, Junry?

JUNRY: Yes, po…

SEC. ANDANAR: Nagsimula na iyong rehabilitation kahit na bago pa man maideklara ng ating Pangulo ang liberation ng Marawi, iyong pagpapatayo ng mga shelters ‘no, temporary shelters para sa ating mga internally displaced persons. Now of course, noong naideklara po ng ating Pangulo na nagdoble po iyong effort ng Build Marawi, itong Bangon Marawi at pinasok na po namin iyong looban mismo ng ground zero at sinama natin iyong planning ng LGUs pati… kasama na rin iyong mga private sector at kasama na rin ang state university ng Marawi State University, at iba pang mga miyembro po ng sektor dito sa Marawi.

So ngayon na na-clear na po iyong… almost 100% na eh, iyong dito sa loob ng warzone, mas madali na po natin itong masuyod iyong buong Marawi. But rest assured na by December, makaka-deliver na po ng daang-daang shelters para sa ating mga kababayan. At iyong area naman na pagtatayuan ng permanent structures for shelters for our IDPs ay sisimulan na rin.

JUNRY: Oho. Iyon ho bang mga residente Secretary, ay puwedeng bumalik doon sa kanilang—‘pag na-clear na po ito ha, puwede ho bang bumalik sila doon sa kanilang lote? At papaano po iyong lote na iyon, kung saan may gusali, eh talagang gibang-giba naman ho eh?

SEC. ANDANAR: Ang mahalaga dito Junry ay ma-map out, ma-clear iyon pong lugar. Alam ko namang nakapag-cover din kayo ng mga ganito, maraming mga bomba na natitira, iyong mayroong mga hindi sumabog, kailangan maalis iyon—

JUNRY: Kailangan munang malinis yan…

SEC. ANDANAR: Tama, oo kailangan malinis lahat para hindi po delikado. Kasi, posible ding nag-iwan ng mga mines, booby trap iyong mga kalaban natin, so kailangan, matanggal muna ‘yan ng AFP Engineering Division. Now once na na-clear na iyon, puwede na hong bumalik iyong ating mga kababayan sa kanilang mga lugar, but for now hindi pa advisable. But they can go to Marawi, pero huwag muna doon sa ground zero mismo kung saan nagkuta iyong mga Maute at mga ISIS.

ROD: Secretary Andanar, so, kanina naitanong rin namin ‘to kay General Padilla. Eh kamusta na po iyong pangakong bakasyon ng Pangulong Duterte para sa Hong Kong sa mga sundalo?

SEC. ANDANAR: Ayun po ay matutuloy iyon. Wala lang pang petsa na ibinibigay sa atin ang ating Pangulo. Pero ang pangako po ng ating Pangulo, lalo na doon sa mga women soldiers na mula Day 1 hanggang Day 148 ay makakabiyahe sila ng Hong Kong, at si Presidente po ang sasagot ng kanilang hotel doon sa Hong Kong, siguro pati pocket money.

JUNRY: Bakit nga pala Hong Kong napili ni Pangulo, Secretary?

SEC. ANDANAR: Eh alam mo naman eh tayong mga Pilipino ‘di ba—

ROD: Gustong mapunta sa Hong Kong…

SEC. ANDANAR: Oo ‘pag first trip natin, unang biyahe natin Hong Kong kaagad kasi Hong Kong mayroong—bukod sa—para…

JUNRY: Kumpleto eh… iyon pala kuwento noon.

SEC. ANDANAR: Oo, bukod sa maraming pagkain, bukod sa—

JUNRY: Medyo mura nang konti…

SEC. ANDANAR: May Disneyland pa ‘di ba? Oh ‘di ba may Disneyland, kasi alam mo tayong mga Pilipino gustong makakita ng Disneyland eh, ‘di ba (laughs)…

ROD: Tama ho.

JUNRY: Ito ho bang pondo para sa rehabilitation ng Marawi, eh habang nagsasalita tayo ngayon, mayroong hawak pong pondo ang gobyerno? At tatanggap po ba tayo ng donation mula sa ibang bansa?

SEC. ANDANAR: Iyong pondo po na limang bilyon para sa taong ito, ito po ay pangangasiwaan ng Task Force Bangon Marawi headed by Secretary Lorenzana. Tapos… mayroon po tayong limang bilyon ngayon taon na ito, hanggang Disyembre po ‘yan. So nakasama po diyan, nakalaan diyan iyong 30 million para sa pagpapatayo ng telebisyon at ng radyo para sa Maranao LGU, ito po iyong Salaam TV at Salaam Radio.

Of course, hindi natin tatanggihan ang donasyon, pero hindi din po tayo puwersahang humihingi ng donasyon. Oh ‘di ba, so… kasi kaya naman ng gobyerno natin. But if there are donations, of course they are very welcome and they are appreciated and we will ensure na kung mayroon pong mga donasyon na ibibigay po iyong mga good Samaritans, ito po ay mapupunta sa tamang proyekto, hindi po ito mapupunta sa bulsa.

JUNRY: Tatanggap po ba tayo ng donasyon mula sa European Union? (laughs)

SEC. ANDANAR: Ang sabi po ng Pangulo ay hindi po eh…

JUNRY: Ah talagang hindi ano…

ROD: Huwag na muna…

SEC. ANDANAR: Oo, hindi. So kung ano ang sinabi ng Pangulo, eh iyon na iyon. Kasi ang problema ho kasi, eh marami ho kasing mga NGO, organization, mga… ano ba iyong mga anak ng Diyos doon sa Europe na pakiramdam nila ay ayos lang na makialam sa ating pulitika sa bansa natin, hindi naman tama iyon.

JUNRY: Pahabol lang Secretary, nakikinig iyong mga tropa natin sa Malacañang Press Corps eh. “Pakitanong naman,” sabi ni Aileen, si Aileen, kilala ninyo ‘tong si Aileen ano ha…

SEC. ANDANAR: Aileen, si Aileen…

JUNRY: “Pakitanong naman kay Secretary, reaksiyon niya sa hiling ng mga Pinoy sa US na kasuhan ng treason si Trillanes dahil sa mga kinakausap na mga US Senators, na kilalang kontra naman sa anti-drug campaign ng government.”

SEC. ANDANAR: Ah ‘yan ay pag-aaralan ng Department of Justice, pag-aaralan ‘yan ng mga abogado ng ating Pangulo, sapagka’t ito rin po ay mga legal matters ‘no. Eh tayo naman ay—kung ano iyong nararapat lang ay dapat lang. ‘Di ba, kasi mahirap naman na… O pag-aralan muna natin, kasi mahirap naman na titira tayo tapos wala pala tayong mga legal na—

ROD: Oo, mahirap magpadalos-dalos.

SEC. ANDANAR: Oo, kailangan ay huwag ng padalos-dalos ano.

ROD: Okay, maraming salamat sa inyo Secretary Martin Andanar at good luck diyan sa inyong paglalakbay sa Gitnang Silangan.

SEC. ANDANAR: Oo, babalitaan ko kayo. Maraming salamat Rod at Junry, mabuhay kayong dalawa, mabuhay po ang DZMM.

ROD: Salamat po.

JUNRY: Happy Sunday po. Si Secretary Martin Andanar, Presidential Communications Operations Office.

Resource