Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DWFM – Punto Asintado by Erwin Tulfo
07 February 2017
TULFO: Magandang umaga po, maayong buntag, Secretary Mart, sir?

SEC. ANDANAR:  Good morning, partner. Good morning sa lahat ng nakikinig ng inyong programa.

TULFO:  Ay thank you, sir, for picking up our call. Well, sir, dire-diretso na po tayo. Ito pong katanungan natin, mga kababayan natin, ito pong announcement ni Pangulo finished or not finished pass your paper na itong peacetalks, ibig sabihin wala na. It’s over sabi ng Pangulo. Tinawag niyang terorista, komunista, raliyista itong mga CPP/NPA. So where do we go from here, Secretary Andanar, sir?

SEC. ANDANAR:  Tayo ay sumusunod lamang sa naging announcement ng Pangulo at ng kanyang polisiya. At sabi ni Presidente  ay  withdraw tayo  sa peacetalks at sinabi niya rin na…para doon naman sa pinakawalan na CPP-NPA ay kailangan din silang bumalik na kung saan sila nanggaling – sa kulungan, yung mga pinakawalan dahil tapos na ho iyong peacetalks. Malungkot mang sabihin, pero the President already extended his hand and walked the extra mile, pero kahit na iyon po ay ginawa ng ating Pangulo ay meron pa ring mga lumabag doon  sa ceasefire.

TULFO:  Ang nagalit yata siya, Secretary, iyong dinukot iyong tatlong sundalo na naka-civilian. Eh kampante iyong mga sundalo na naglakad-lakad dahil may ceasefire, pero dinukot daw ng NPA. Ang sabi nga ng Pangulo nung isang gabi, February 10 pa ang expiration ha, bakit nyo na dinukot iyong sundalo ko. Doon yata  nagalit ang Pangulo at ito ang nagtulak sa kanya para kanselahin na  rin iyong ceasefire?

SEC. ANDANAR: Tama ka, Erwin at iyong dinukot na tatlo ay pauwi lang, kinuha lang nila iyong kanilang sahod, tapos dinukot, tapos iyon, kanya the rest is history, medyo malungkot nga. But then again, we just heed the call of the President kung ano ang kanyang sinabi the last time then iyon po ang polisiya natin ngayon.

TULFO:  All right. So, sir, ang ibig sabihin po nito, ang kapulisan at kasundaluhan ay dapat – lalo na iyong mga nasa kanayunan – eh dapat nakahanda na ulit na makipagbakbakan, dahil any moment now ay baka lumusob na itong mga NPA-NDF-CPP sa mga kampo ng mga military at ng mga pulis, Secretary?

SEC. ANDANAR:  Basta ang trabaho ng ating kasundaluhan ay protektahan ang ating bayan, mga Pilipino, mga mamamayan, iyon po ang trabaho ng ating mga sundalo. At  sila ay tapat naman sa ating bandila. Kanya kung ano ang sinabi ng ating Commander-in-Chief iyon po ang gagawin nila.

TULFO: All right. Secretary Martin Andanar ng PCOO, maraming salamat po. Magandang umaga, Sec.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat partner, mabuhay ka.

SOURCE: NIB Transcription