Press Briefing

Virtual Presser with Presidential Spokesperson Harry Roque


Magandang gabi Pilipinas ‘no. Kakatapos lang po noong diskusyon para sa ating mga quarantine classification. Nagrekomenda po ang inyong IATF na pahabain pa ang Enhanced Community Quarantine nang minimum na isang linggo sa buong Metro Manila at mga probinsya ng Laguna, Bulacan, Cavite at Rizal.

Uulitin ko po karagdagang linggo, minimum one additional week beginning on the 5th sa Metro Manila, Laguna, Bulacan, Cavite at Rizal. Kasama po dito sa [garbled] ng period ng ating IATF na kinakailangan paigtingin po iyong ating tinatawag na PDITR o iyong ating Prevention, Detection, Isolation, Tracing at Reintegration.

At dahil dito po, niri-require po natin ngayon na magkaroon nang daily monitoring ang mga lokal na pamahalaan, ang ating mga MTF-SARS para po malaman natin kung ano iyong resulta nang pinaigting natin na PDITR. Kasama po diyan sa PDITR na tinatawag natin ay iyong pagbabahay-bahay, paghahanap noong mga mayroong sintomas at pagsa-subject sa kanila sa PCR testing at sa isolation.

Pagdating naman po doon sa ating health capacity na kinakailangan natin talagang pataasin, mabuting balita po, dito po sa linggo ng karagdagang ECQ ay mayroon po tayong 110 additional na moderate to severe beds na bubuksan na po at magiging operational dito po sa Quezon Institute ‘no. Bukod pa po ito sa mabubuksan natin na mga additional moderate and severe bed capacity sa susunod na buwan, hindi po bababa iyan sa 160 additional moderate to severe bed capacity.

So ulitin ko po, one more week at least ng ECQ sa Metro Manila, Laguna, Bulacan, Cavite at Rizal sasabayan po natin nang pinaigting na Prevention, Detection, Isolation, Tracing and Rehabilitation na imu-monitor natin on a daily basis.

Nananawagan din po tayo sa mga lokal na pamahalaan sa mga lugar na ito na paigtingin ang kanilang enforcement doon sa ating mga ginagawang quarantine measures kasama na po iyong paninita sa mga tao na hindi sumusunod sa minimum health standard ng MASK, HUGAS, IWAS.

Nananawagan din po kami doon sa mga pupuwede na pong magpabakuna, magpabakuna na po kayo; at dadagdagan po natin itong linggong ito ng 110 moderate and severe bed capacity po ang ating healthcare system.

So iyon lang po, itong one week pong ito – matapos po ng one week kung napatunayan po natin na gumagana ang ating PDITR eh pupuwede naman po tayong mag-MECQ sa susunod na linggo pero titingnan po muna natin ang resulta nang karagdagang ECQ.

Iyon lang po at sa Lunes po ay sasagutin natin ang lahat ng katanungan ng mga kasama natin sa Malacañang Press Corps. Kasama po natin sa Lunes si Usec. Vergeire para doon sa tinatawag nating pinaigting na PDITR dahil it will not be ‘business as usual’, malawakang reporma po ang ginawa natin pagdating natin sa PDITR initiatives natin. Kasama rin po natin ang WHO Representative to the Philippines para i-explain ano ba itong mga variant na ito na biglang naging dahilan nang paglobo ng mga kaso. At saka kasama rin po natin si Dr. Althea dahil siya naman po ang mag-i-explain kung ano iyong expectation natin matapos ang karagdagang ECQ.

Iyon lang po at sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, advance Happy Easter pero sa ngayon po ng Sabado de Gloria, a blessed Sabado de Gloria to all of you. Magandang gabi po sa inyong lahat.

 

###

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)