Press Briefing

Virtual Presser of Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque

SEC. ROQUE: Magandang tanghali po buong Pilipinas. Sa ngalan po ng ating Presidente, inaasahan po namin na lahat po tayo ay malusog at matiwasay sa ating mga tahanan.

Hindi na po ako magpapaliguy-ligoy sa aking press briefing ngayong araw na ito. Ang tanong sa lahat po ng isipan ng mga Filipino: Hanggang kailan pa ba itong ECQ? Ano ang gagawin ni Presidente pagdating ng Mayo 1? Lalo bang magiging mahigpit ang ECQ? Magkakaroon ba ng lockdown? Magkakaroon ba ng Martial Law?

Well, alam ninyo po para masagot iyang mga katanungan na iyan, hindi na po ako magsasalita para sa Presidente. Uulitin ko na po kung anong sinabi niya noong huling mensahe niya sa taong bayan.

Ang Presidente, sabi po niya, ay inip na inip na. Gaya ninyo po, siya po ay hindi nakakalabas ng kaniyang tahanan dito sa Bahay Pangarap at ito na po ang pinakamatagal na panahon na ginugol niya sa Maynila mula pa po ng mga panahon na siya’y nag-aaral dito ‘no. Mag-aanim na linggo na po ang Presidente na hindi nakakaalis ng Malacañang complex. At gaya ninyo, nais po sana niya na magkaroon na ng pagbabago dito sa ECQ.

Pero ang desisyon kung ano ang gagawin ni Presidente ay dapat nakabase po sa siyensya. Kaya nga po inaanunsyo ko na na mamayang hapon ay magkakaroon po ng consultation ang ating Presidente sa mga dalubhasa at mga espesyalista, mga epidemiologists, mga virologists at ang mga dating kalihim ng Department of Health. Nais po niyang gumawa nang tamang desisyon; at uulitin ko po, ang desisyon niya ay nakabase doon sa paghanap ng balanse doon sa obligasyon ng estado sa isang panig na pangalagaan ang kalusugan nating lahat doon naman sa karapatan ng mga mamamayan na magkaroon ng hanapbuhay.

Ano ba ho ang mga pinagpipiliang mga opsyon? Well, narinig ninyo naman po ang Presidential Adviser na si Joey Concepcion at si Secretary Dominguez, pupuwede pong magkaroon ng modified ECQ na limitado sa geographical location. Nalalaman naman po natin na hindi naman lahat ng parte ng Pilipinas ay mataas ang kaso ng COVID-19. Siguro po doon sa mga mabababa o wala namang COVID-19, pupuwede nang huwag magkaroon ng quarantine. Ang tanong na nga lang po, kung ipatutupad ang modified ECQ on the basis of geographic location, ito ba ay buong Metro Manila o ito ba ay kada munisipyo, kada siyudad o kada barangay? Iyan po ay dedesisyunan ng ating Presidente.

Gayunpaman, uulitin ko po, ang magiging basehan ng ating Presidente ay ang mga rekumendasyon ng kaniyang IATF, ang rekumendasyon ng mga dalubhasa, at ito po ay magiging base sa siyensya.

Pero bago po malaman kung ano talaga ang gagawin ng Presidente, kinakailangan malaman ng lahat nasaan na ba tayo ngayon? Well, sa ngayon po, balikan muna natin iyong graph na ginamit natin noong huling pag-briefing natin. Ito po iyong pinagbasehan ng Presidente kung bakit nagkaroon tayo ng extension ng ECQ.

Makikita ninyo po rito na matapos iyong orihinal na isang buwan na ECQ, kung hindi tayo nagkaroon ng extension na dalawang linggo eh talaga pong sisipa nang napakataas ang numero, mga kababayan natin. Ito po iyong pulang linya na dapat sana po ay nagkasakit pero dahil nagkaroon nga po nagkaroon tayo ng extension eh mukha naman pong napababa natin ang numero.

At makikita rin natin dito sa graph na ito na ito pa rin ang magiging basehan ng ating Presidente sa kaniyang desisyon kung anong gagawin matapos nang a-trenta ng Abril dahil makikita natin na kung hindi tayo mag-i-impose ng kahit anong klaseng quarantine eh mukhang lolobo na naman ang numero ng mga may sakit na COVID-19. At makikita rin natin na kung mayroon mang modified ECQ ay mayroon pa ring bahagyang pagtaas. Babalansehin po iyan ng Presidente, at inuulit ko po, sa tulong din ng siyensa at mga dalubhasa.

Pero nasaan po tayo ngayon? Mayroon na po tayong 6,259 na kaso ng COVID-19; mayroon na pong 409 na namatay; at ang mabuting balita naman po ay mas marami ng mga nakaka-recover at 572 na po ang nakaka-recover.

Napapababa na ba ho natin ang numero ng mga nagkakasakit? Are we flattening the curve na tinatawag? Well, makikita ninyo po dito sa graph na ito na mula noong Huwebes na huli tayong nagkaroon ng press briefing at kung saan nakiusap ang inyong Presidente na maging homeliners at manatili sa ating mga tahanan, eh nakita ninyo naman po, bumaba ang mga kaso ng mga bagong nagkakasakit ng COVID-19.

So talaga pong wala tayong solusyon dito sa pagtaas ng numero ng COVID-19 kung hindi ang pananatili sa ating mga bahay.

Ngayon, marami naman pong mga best practices na nakikita tayo ngayon ‘no. Diyan po sa siyudad ng Muntinlupa, nakikita po natin kung paano sila nagso-social distancing sa mga talipapa at pati po sa palengke. Napakaayos po ng social distancing diyan sa Muntinlupa at ganiyan din po ang nakikita natin sa Taguig. Kampante po kami na lahat ng mga local government units natin ay kayang gawin itong mga bagay-bagay na ito.

Isa pang mabuting balita po. Sang-ayon po kay General Galvez, ang tagapagpatupad ng COVID-19, 2,780 quarantine facilities na po ang handa para sa mga 168,000 na magiging pasyente. Ibig sabihin po ay nakapaghanda na po tayo habang pinababagal natin iyong pagkalat ng sakit. Mayroon na po tayong paglalagyan ng mga posibleng magkasakit ng COVID-19. Ilan nga po dito ay iyong Rizal Memorial Sports Complex at ang Ultra.

Dahil mayroon na rin po tayong 17 accredited testing centers para sa mga PCRs ay mayroon na po tayong kakayahan ngayon na magkaroon ng COVID testing na PCR nang hanggang sampung libo kada araw. At bukas nga po ay bubuksan ng Red Cross ang kanilang facility para sa testing, at inaasahan po nating madodoble pa iyan.

Locate, isolate and cure – ganyan po ang ating plano kung paano lalabanan ang COVID-19.

Now, isa pang magandang balita ‘no. Ang Department of Finance at ang Small Business Wage Subsidy Program ay ipinapatupad na po at ito po ay magbibigay tulong sa 3.4 million workers dito po sa pormal na sektor natin. Ang application period po ay ngayon na, so kinakailangang mag-apply po April 16 hanggang April 30 ang application. Kada qualified na empleyado po sa formal sector ng small and medium business enterprise ay makakatanggap ng lima hanggang walong libong piso kada buwan.

Iba pa pong mga balita … mabuting balita. Ang Department of Agriculture naman po sa pamamagitan ng Rice Resiliency Program ay namamahagi ng libreng binhi at abono sa ating mga magsasaka. At ngayon po, itong Rice Resiliency Program ay nagnanais na makatulong sa 1.2 million na ating mga magsasaka at magbibigay po sila ng at least dalawang bag ng pataba at ng mga binhi.

Bukod pa po dito ay mayroon din pong 74.57 billion na na-release na po doon sa Social Amelioration Program na kinakalap na po ng ating DSWD. Nagkaroon na po tayo ng 4,715,573 family beneficiaries at ito po ay nakakalat sa 1,359 LGUs. Ang mandato po ng Presidente, lalo pang pabilisin ang pagbibigay ng Social Amelioration Program dahil ito naman po talaga ay pantawid gutom lamang.

Dagdag po dito ay iyong mga ayudang naibigay na natin sa mga drivers sa pamamagitan din po ng SAP in coordination with the DOTr o iyong Department of Transportation. Mayroon na pong 17,467 na mga tsuper na nakinabang sa programang ito.

Doon naman po sa programa ng Department of Labor, iyong COVID Adjustment Measures Program or CAMP, nakapagbigay na po tayo ng 1.320 billion cash assistance to 264,154 workers; at doon naman sa programa ng TUPAD ay nakapagbigay na rin po tayo ng 966 million cash assistance to 235,949 workers.

Doon naman po sa programa ng DOLE pa rin, iyong Abot-Kamay ang Pagtulong Program (AKAP) na nagbibigay ng hanggang 1.5 billion assistance para sa mga ating mga OFWs ay tayo po ay tuma-target na magbigay ng 150,000 na tulong sa ating mga OFWs na may halaga ngang 1.5 billion.

Sa mga Pag-IBIG members, naku mabuting balita rin po! Nagkaroon na po tayo ng mga short-term loans na nai-release ng Pag-IBIG at ito po ay sa halagang 635.65 million at ito po ay napunta na sa 32,000 members ng Pag-IBIG. Ang grace period din po ng pagbabayad sa mga utang sa short-term loans at sa housing loans ay hanggang 45 days kung mali-lift nga po o mamo-modify itong ECQ sa May 1. Ito po ay nagbigay benepisyo sa 4 million STL borrowers at 713,000 housing borrowers.

Now, bukod pa po rito at sa ibang punto naman, alam ninyo po kung hindi naging masigla ang ating ekonomiya, siguro po hindi natin kakayanin itong laban natin sa COVID-19. Pero ang katunayan po, bago tayo tinamaan ng COVID-19 eh napakalakas po ng ating ekonomiya. Ano pong patunay diyan?

Unang-una, pagdating po doon sa tinatawag na GDP o iyong paglago ng ating ekonomiya, makikita po natin sa graph na ito na nag-a-average po tayo ng 6.7/6.8 GDP growth kada taon bago po dumating ang banta at sakuna ng COVID-19. Bukod pa po rito ay napababa din po natin iyong pagkagutom, iyong poverty incidence na nararanasan ng ating mga kababayan. This is a record low po, na 16.6% ang mga nagugutom na lamang po.

At siyempre po, nandiyan pa rin iyong napakalaking pagtaas ng foreign direct investments, kaya nga lang po lahat po iyan eh siyempre naapektuhan ng COVID. Pero kung hindi po dahil dito sa napakagandang performance ng ating ekonomiya, eh siguro po lalong naging masama ang kalagayan natin ngayon.

Now, sinabi ko po iyan dahil kailangan naman pong to give credit where it is due. Hindi naman po siya lamang ang responsable rito, pero napakalaki rin po ng papel na ginampanan ni dating Secretary ng NEDA po, Ernesto Pernia, sa paglago ng ating ekonomiya na naging dahilan na tayo po ay mas handa para harapin ang banta ng COVID-19. Kami po ay nagpapasalamat at nagbibigay-pugay din kay dating NEDA Secretary Ernesto Pernia – we will miss you, even as we welcome the OIC, si Secretary Karl Chua.

Now last point po, kami po ay nakikiramay doon sa mga pamilya ng 11 na ating kasundaluhang napatay at katorseng nasugatan sa paglalaban po sa mga terorista at mga bandidong Abu Sayyaf sa Sulu. Kinukondena po natin iyang ginawa ng Abu Sayyaf sa panahon na dapat sana po ay nagkakaisa tayo dahil nga dito sa COVID-19. Ang pangako po natin sa mga pamilya ng mga nasawi, bibigyan po natin ng katarungan ang inyong mga mahal sa buhay at itataguyod pa rin natin ang soberenya ng Pilipinas.

Siguro po ngayon tatanggap na ako ng mga katanungan galing po sa ating mga kasama sa media. Si Joseph Morong po, GMA-7. I think he will ask his question via Skype.

JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, po. Good morning.

SEC. ROQUE:  Yes, good morning, Joseph.

JOSEPH MORONG/GMA7: Yes, sir. You mentioned that the President will talk to several experts. Can you mention iyong mga particular persons that the public maybe [unclear] familiar with already?

SEC. ROQUE:  Well, iyong mga dating secretaries of Health po siguro. Hindi ko lang po alam kung sino na ang nag-confirm, but iyong mga dating Secretary of Health po were invited. But as of now, at hiningi ko po ito sa PMS, I wanted a list of confirmed attendees. As of 12 noon, hindi pa po sa akin nabibigay iyong listahan.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right, sir. After the meeting, do we expect the—when do we expect the President to decide?

SEC. ROQUE:  Well, siguro po dahil sampung araw na lang at matatapos na itong ECQ, kinakailangan magdesisyon ang Presidente ngayong linggong ito dahil anuman ang desisyon niya ay kinakailangang paghandaan ang implementasyon. So, inaasahan po natin na ang pagkonsulta sa mga dalubhasa at ang mga recommendations ng IATF ay mabubuo po ngayong linggo nang sa gayon eh magkaroon na ng desisyon ang Presidente at makapaghanda sa implementasyon nito.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir, just one last question on this topic. Sir, kapag po nag-ano tayo, modified lockdown situation, how can we make sure na we can contain? Meaning prevent iyong spread ng COVID in a modified lockdown situation?

SEC. ROQUE:  Iyon nga, Joseph, ang problema talaga eh, napakahirap hanapin iyong balanse ng ilan ang mas marami pang mamamatay kung tayo ay magre-relax ng ECQ doon naman sa obligasyon na pakainin din at buhayin ang ating mga mamamayan. Iyan po ay isang desisyon na napakahirap gawin. I don’t envy the President for having to make this decision, but we are hoping and praying that the right decision will be made. But ang sabi ko nga po difficult, because the decision is one of the most difficult decision that the President has to be made – he will be guided by science. Siyensya po ang gagamitin ng Presidente sa desisyong ito.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, variation of the question. Do you think it will be safer for us to extend the ECQ?

SEC. ROQUE:  Well, hayaan po nating magdesisyon ang Presidente diyan. Siyempre ang sagot diyan, mas safe pero ang problema naman po natin eh paano naman magkakaroon ng hanap-buhay iyong ating mga kababayan! Ang naibibigay po nating mga ayuda ay para lang food survival at siyempre naiintindihan din natin na napakahirap ng lagay ng lahat ng Pilipino ngayon, dahil talagang they are on the brink of poverty. Bagama’t ang pangako po ng Presidente eh talagang uubusin muna niya ang kaban ng taumbayan para sa tao kaysa sa iba pang mga proyekto.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, iyon na lang pong sa meeting ni—sa phone call nitong si President Duterte with US President Donald Trump. Can you share the talking parts of the two leaders shared?

SEC. ROQUE:  Well, unang-una, ang masasabi ko lang po, the call came in at 10:10 in the evening, kagabi; pangalawa po, it was initiated by the US government. It lasted for about 18 minutes. It was cordial and it was about collaboration nga, bilateral collaboration on COVID-19. But beyond that, I have no authority to divulge any further details.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir. Thank you for your time, sir.

SEC. ROQUE:  Thank you po.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, ang tanong naman po mula kay Llanesca Panti ng GMA News Online. Ito po ang tanong niya: “Our policemen carrying big riffles like that allowed to barged-in and threaten arrests inside a private property and a residential area without a warrant amid enhanced community quarantine? Allegedly, police barged in a Pacific Plaza Tower in BGC yesterday shouting at few people, staying by the garden and pool area. Iyong pool area daw po was closed, threatening arrest if the residents, including children, if they don’t go inside their respective condominium units, aarestuhin sila. Is this move legal?

SEC. ROQUE:  Well, kung ito po ay insidente sa Pacific Plaza, iniimbestigahan na po ito ng ating kapulisan. Pero ganoon pa man eh malinaw po ang Saligang Batas, iyong karapatan ng ating mga kababayan na magkaroon na maging secure sa kanilang houses, places and persons shall be inviolable, hindi po pupuwedeng malabag iyan kung walang utos po ng ating korte at hukuman.

Ang polisiya po ng pulis naman ay hindi pupuwedeng pumapasok po ang mga pulis sa mga private property kung, number one, wala silang nalalaman na krimen na nangyayari doon sa private property na iyon; kung hindi sila inimbita o kung wala po silang search warrant. So iimbestigahan po natin iyan at susundin po natin ang nakasaad sa ating Saligang Batas.

USEC. IGNACIO: From Kris Jose of Remate/Remate Online: “Ano po ba ang tamang pagpaparusa ng awtoridad sa mga pasaway o lumalabag sa ECQ. Viral po kasi sa social media na ipinaparada sa kalye, pinagpu-pushup, back walk at pinag-i-squat po at kung anu-ano pa ang mga ECQ violators. Marami pong mga netizens ang tingin dito ay paglabag umano sa karapatang pantao.”  Ano po ang komento ninyo daw dito.

SEC. ROQUE:  Well, bagama’t wala pong nakapataw na talagang parusa doon sa mga lalabag sa ECQ, natural kinakailangan ito ay sang-ayon sa Saligang Batas at kinakailangan ito ay proportional doon sa objectives ng ECQ na pabagalin nga ang pagkalat ng COVID-19. So sa akin po, napakadami pong iba’t ibang mga parusa, pero siguro po matuto tayo doon sa ilang mga best examples. Sa Pampanga po eh pinagtatanim ng gulay iyong mga nahuling nagba-violate ng ECQ. Siguro po, puwede tayong magkaroon ng ganiyang mga parusa na hindi naman po tayo lumalabag sa karapatang pantao. Pero ulitin ko po ha, karapatang pantao din ang karapatang mabuhay. At habang nilalabag po natin ang ECQ, eh nagiging banta rin po tayo sa karapatang mabuhay ng ating mga kababayan.

Via Skype naman po, si Hannah.

HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: Yes, Secretary, good morning.

SEC. ROQUE:  Hello, Hannah.

HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: Secretary, doon po sa naging phone call ni US President Donald Trump kay Pangulong Duterte, kung ano po iyong naging pag-uusap po ng dalawang leaders po – regarding po doon sa COVID-19 po?

SEC. ROQUE: Well, gaya ng aking sinabi, ang awtoridad ko lang nanggaling mismo kay Presidente, ay sabihin na tungkol ito sa mga kooperasyon na pupuwedeng magkaroon ang Pilipinas at ang Estados Unidos ukol nga dito sa laban sa COVID-19. Iyon lang po ang mayroon akong awtoridad na sabihin.

HANNAH SANCHO/DZAR: Sir, kasi na-mention kasi before ni Presidente Duterte iyong sentiments niya na nilu-lure ng Amerika iyong mga healthcare workers natin, kung na-raise din po ba iyong isyu na ito doon sa kanilang conversation?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam at hindi po iyan dinetalye ng Presidente. We have notes and transcripts, but even that po, hindi pupuwedeng ianunsiyo sa publiko. At humihingi po ako ng inyong pag-intindi, sa larangan po ng Constitutional law itong mga diplomatic communication naman po ay exception sa freedom of information.

HANNAH SANCHO/DZAR: Sir, last question po, on another issue po. Since na-extend po iyong ECQ natin and pinag-uusapan pa, sir, 50-50 sabi mo sa isang interview kanina iyong possibility na ma-extend ito. Isa sa mga pinuproblema ngayon ng publiko ay iyong pagbabayad nila ng kanilang mga utilities. May mga for disconnection na at ang problema nila, mula sa tindahan, sa pagbayad ng mga utilities ay mahaba iyong pila at hindi natutupad iyong social distancing. Paano po kaya makakatulong ang gobyerno dito, lalo na doon sa mga bayarin na iniisip ngayon at marami sa ating mga kababayan ang walang trabaho po at hindi po nakakatanggap ng suweldo po?

SEC. ROQUE: Ang alam ko po ay nagkaroon po tayo ng grace period sa pagbayad ng mga utilities, kasi ako rin po ay hindi pa nagbabayad ‘no. So binigyan po tayo ng additional 30 days, kung hindi ako nagkakamali. Kaya nga lang po, kapag babayaran na natin on the 60th day, siyempre magbabayad na tayo ng dalawang buwan ‘no. So tingnan po natin kung ano ang magagawa natin sa ating mga kababayan. Pero sa ngayon po, huwag po kayong mag-alala, lahat po tayo ngayon halos ay beyond the deadline na sa pagbayad ng kuryente, ng tubig at ng internet.

HANNAH SANCHO/DZAR: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Si Rocky?

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, ang tanong ni Francis Wakefield ng Daily Tribune, katulad din po ng tanong ni Hannah at ni Joseph, tungkol pa rin kay US President Donald Trump. Tanong ko na lang po, may inu-offer daw ba na tulong pinansyal ang US sa atin, although sila din ay apektado economically ng pandemic? Second, ano daw po ang topic na napag-usapan? Kung napag-usapan daw po ang military alliance ng dalawang bansa? At saka iyong possible visit ni PRRD sa US after pandemic?

SEC. ROQUE: Well, dahil kaparehong katanungan po, kaparehong kasagutan din. Nag-usap po sila tungkol sa iba’t ibang larangan kung saan puwedeng magkaroon ng kooperasyon ang Pilipinas at ang Estados Unidos ukol nga dito sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: Okay. Ang ikalawa niyang tanong: May kumakalat po na voice message, warning of a total lockdown up to May 31st. Ginaya pa po daw iyong boses ng isang sikat na news anchor ng bansa. Ano daw po ang reaksiyon ng Palace dito?

SEC. ROQUE: Siguro alam na ng taumbayan na laganap talaga ang fake news ngayon. Kaya nga regular ang mga press briefing natin, regular ang press briefing ng IATF, at tatlong beses isang linggo ngayon ang press briefing natin dito sa Palasyo para nga po maiwasan ang paglilinlang ng mga fake news na ito. Isa pong fake news iyan.

USEC. IGNACIO: From Bella Cariaso ng Bandera: Iyong mga construction workers, reportedly one million iyong mga stranded daw po at nawalan ng trabaho dahil sa lockdown. Umaasa na lang po sila sa paghihingi ng tulong. Ano po iyong konkretong tulong na ibibigay ng gobyerno sa kanila?

SEC. ROQUE: Naku, gaya ng sinabi ko nga po, napakadami naman nating pupuwedeng ayuda ano. Nandiyan iyong social amelioration ng DSWD, nandiyan iyong iba’t ibang programa po ng DOLE – iyong TUPAD at saka iyong COVID-19 program po ng ating DOLE. So kung pupuwede po ay makipag-ugnayan lang doon sa pinakamalapit na tanggapan ng Department of Labor. At saka sa DSWD na rin po dahil sigurado naman kahit nasaan sila, may DSWD office po diyan.

Hindi po kayo pababayaan ng gobyerno; pumunta lang doon sa pinakamalapit na tanggapan ng DSWD o di naman kaya ng DOLE.

USEC. IGNACIO: Ang sunod niyang tanong: More than a month after na mag-lockdown, wala pa rin daw pong mabiling alcohol sa drugstores at supermarket. Ina-address ba daw po ito ng government?

SEC. ROQUE: Well, ang aking karanasan po, dahil ako rin ang designated na mamili sa aking pamilya, mayroon namang alcohol po kaya lang ay nililimita. Now, may mga lugar na talagang nauubusan pero naghihintay lang naman po ng replenishment.

Ang ating ginagawa po diyan ay nilimita na nga po natin ang pupuwedeng bilhin ng ating mga kababayan para naman sa ganoon lahat po tayo ay magkaroon ng alcohol.

At napakadami na pong initiatives din ang ating mga private sector ‘no, iyong mga gumagawa po ng inuming alcohol, iyong mga alak ‘no, nagpu-produce na rin po sila ng alcohol para sa ating mga mamamayan ‘no. So ang alam ko po, at least dalawang kumpaniya na malalaki na gumagawa ng inuming alak ay ginagawa na po ito.

So hindi po tayo magkakaroon ng shortage. Nagkakaroon lang ng hoarding siguro. Huwag po kayong mag-alala, sapat naman po ang supply ng alcohol.

USEC. IGNACIO: Iyong ikatlo niyang tanong: Parang may doubt daw po sa efficacy ng rapid antibody testing kits. Bakit in-approve po ang paggamit nito? Hindi ba sayang sa panahon at sayang sa resources?

SEC. ROQUE: Hindi po, dahil gaya po ng sinabi ng WHO, “Testing, testing, testing.” Ang  paggamit po ng rapid testing kits is still in conjunction with PCR. Pero ang importante po ngayon, malaman natin kung sino iyong talagang positive nang sila po ay mahiwalay na.

Uulitin ko po: Ang istratehiya po natin ay “Locate, Isolate and Cure.” Gagamitin po natin iyang rapid test, kasama ang PCR, para ma-locate po at ma-segregate na iyong mga nagkakasakit para hindi na po kumalat ang sakit.

Skype, si Joyce ng DZMM.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes, good afternoon po, Secretary.

SEC. ROQUE: Yes, Joyce.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Napag-usapan po ba ni Pangulong Duterte at ni US President Donald Trump iyong naging statement ni US President on China? Kasi may nabanggit siya this weekend that China should face unspecified consequences if it was knowingly responsible for the coronavirus pandemic. Was this discussed or ano rin po ang reaksiyon ng Palasyo sa statement ng US President?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung ito ay napag-usapan. Pero ang reaksiyon ng Palasyo ay nakasaad naman po sa larangan ng international law na ang estado na mayroong nilabag na katungkulan sa larangan ng international law ay dapat managot. Ang isyu nga lang po ay pati si Presidente Trump hindi naman sigurado kung mayroong ginawa ang China na magiging isang paglabag sa kaniyang obligasyon sa larangan ng international law.

He himself is unsure. Pero siyempre po, kung aakusahan niya ang Tsina na mayroong paglabag ay kinakailangan siya po ang magbigay ng pruweba.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. Another question, Secretary. May Chinese medical experts team, nakaalis na po sila ng bansa, and they left and released findings and recommendations on how the Philippines can better deal with COVID-19 crisis. Can you give us more details, sir, on their recommendations?

SEC. ROQUE: Dalawa po: Iyong paghahanda nang mas malakihan pang mga facilities para magbigay ng medical attention sa mga kababayan nating magkakasakit. At nandiyan naman po iyong mga We Heal as One facilities natin ‘no – iyong Rizal Memorial, PICC, World Trade Center, iyong ASEAN Convention Center sa Pampanga, iyong Athlete’s Village, iyong Philippine Arena ano. At pinaghahandaan naman po natin iyan. Ang isang advice nila is maghanda pa, damihan pa, at siyempre po ay lalo pang paigtingin ang testing – talagang importante po ang testing. At bagama’t hindi perpekto ang rapid testing kits, ginagamit na rin po natin ito to augment, to supplement iyong PCR testing.

At ngayon po, gaya ng aking sinabi, dumating na tayo sa punto na bukas po ay mayroon na tayong kakayanan na magkaroon ng hanggang 20,000 PCR testing daily, pero kulang pa rin iyan ‘no dahil ang kinakailangan nating ma-test ay at least one percent ng 110 million Filipinos. Ang target po talaga natin ay 900,000 PCR testing and 2.2 million rapid testing kits ‘no.

At pinasasalamatan din po natin iyong private sector doon sa kanilang Project ARK [Antibody Rapid test Kits] dahil ito po ngayon ay binibigyan nila ng prayoridad. Bagama’t ang gamit po ay rapid testing kits na subject to verification ng PCR pero importante po talaga na makita natin kung ano iyong tunay na picture, kung gaano kadami talaga nagkasakit sa COVID-19. At importante rin na sila po ay, uulitin ko po, ma-locate, ma-isolate at ma-cure.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Secretary, you mentioned na may meeting si PRRD with legal experts, kasama na rin po former Health secretaries. Hiwalay pa po ba ito, sir, sa ongoing meeting ng IATF or kasama po si PRRD sa ongoing meeting po ng IATF?

SEC. ROQUE: Hiwalay po. Hiwalay po ito. Bagama’t ang chairman po ng IATF ay imbitado din sa pagpupulong.

JOYCE BALANCIO/DZMM: May ini-expect po ba tayo, sir, na public address ni PRRD after the said meeting niya?

SEC. ROQUE: Well, asahan ninyo naman po na magkakaroon ng public address. Hindi ko lang po alam kung kailan talaga exactly.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. Last na lang po for me, sir—

SEC. ROQUE: Pero ang pangako ko ‘no—

JOYCE BALANCIO/DZMM: Last na po, opo, last na po. Iyong lateral ceasefire, sir, sabi ninyo po it’s up for the National Task Force to discuss with the President. Na discuss na po ba nila and was there any recommendation on this?

SEC. ROQUE: Well, hindi pa po. Ang alam ko, maraming nagre-recommend na huwag na pong ituloy iyan pero hindi pa po nagdedesisyon ang Presidente.

May tatlong insidente po naman kasi na nagpapakita na walang isang salita ang CPP-NPA ‘no. Nagkaroon po ng pag-aagaw ng relief goods diyan sa Eastern Samar na pinatunayan pa ng resolusyon ng local government unit ‘no. Mayroon pong engkuwentro na nangyari diyan sa Rodriguez, Rizal at mayroon din pong mga hinack ‘no, mga tinaga na mga katutubo diyan sa Surigao, at identified po ang mga NPA na gumawa niyan.

So parang wala pong good faith din itong CPP-NPA. Bagama’t wala pang desisyon ang Presidente, ang tanong natin ay bakit kasi nagdedeklara ng unilateral ceasefire na hindi naman nila sinusunod mismo.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Now, ang pangako ko po, matapos po iyong pagpupulong ng Presidente sa mga eksperto, isa po ito sa mga bagay na iri-report ko sa aking press briefing bukas dahil mayroon po naman po tayong press briefing bukas, Tuesday. Rocky?

USEC. IGNACIO: Okay. Mula kay Michael Flores: What are the options being considered on what happens after April 30?

SEC. ROQUE: Uulitin ko po, ang mga rekumendasyon na nakalap na po natin ay iyong galing kay Presidential Adviser Joey Concepcion na geographical din po pero gawing barangay. Ang recommendation naman po ni Secretary Dominguez, hindi po specific. Ang sinasabi lang niya, iyong mga teritoryo na konti naman ang kaso ng COVID, siguro hindi na dapat isakop ng ECQ.

Ang iba pang rekumendasyon ni Secretary Dominguez ay iyong on the basis of comorbidity, iyong may mga sakit sa puso, diabetes, cancer at respiratory diseases at kasama ang kanilang mga kasama sa bahay ay patuloy na dapat i-quarantine dahil sila po ay vulnerable dito sa COVID-19. At bukod pa po diyan, siyempre iyong mga industriya, by industry, iyong mga indispensible na mga industriya na pupuwede nang payagan na mag-operate muli. Pero wala pa pong desisyon; dedesisyunan po iyan ng ating Presidente.

May tatlong insidente po naman kasi na nagpapakita na walang isang salita ang CPP-NPA ‘no. Nagkaroon po ng pag-aagaw ng relief goods diyan sa Eastern Samar na pinatunayan pa ng resolusyon ng local government unit ‘no. Mayroon pong engkuwentro na nangyari diyan sa Rodriguez, Rizal at mayroon din pong mga hinack ‘no, mga tinaga na mga katutubo diyan sa Surigao, at identified po ang mga NPA na gumawa niya.

So parang wala pong good faith din itong CPP-NPA. Bagama’t wala pang desisyon ang Presidente, ang tanong natin ay bakit kasi nagdedeklara ng unilateral ceasefire na hindi naman nila sinusunod mismo.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Now, ang pangako ko po, matapos po iyong pagpupulong ng Presidente sa mga eksperto, isa po ito sa mga bagay na iri-report ko sa aking press briefing bukas dahil mayroon po naman po tayong press briefing bukas, Tuesday. Rocky?

USEC. IGNACIO: Okay. Mula kay Michael Flores: What are the option being considered on what happens after April 30?

SEC. ROQUE: Uulitin ko po, ang mga rekumendasyon na nakalap na po natin ay iyong galing kay Presidential Adviser Joey Concepcion na geographical din po pero gawing barangay. Ang recommendation naman po ni Secretary Dominguez, hindi po specific. Ang sinasabi lang niya, iyong mga teritoryo na konti naman ang kaso ng COVID, siguro hindi na dapat isakop ng ECQ.

Ang iba pang rekumendasyon ni Secretary Dominguez ay iyong on the basis of comorbidity, iyong may mga sakit sa puso, diabetes, cancer at respiratory diseases at kasama ang kanilang mga kasama sa bahay ay patuloy na dapat i-quarantine dahil sila po ay vulnerable dito sa COVID-19. At bukod pa po diyan, siyempre iyong mga industriya, by industry, iyong mga indispensible na mga industriya na pupuwede nang payagan na mag-operate muli. Pero wala pa pong desisyon; dedesisyunan po iyan ng ating Presidente.

USEC. IGNACIO:  From Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin: Will the government consider the appeal of alcohol beverage makers to lift the total liquor ban imposed in quarantine areas?

SEC. ROQUE:  Well, ang liquor ban naman po ay nai-impose, kung hindi ako nagkakamali, ng mga iba’t ibang LGUs.  Alam ko po ang Quezon City AY may liquor ban. Pero may ilang mga bayan dito sa Metro Manila na wala naman pong liquor ban. Hinahayaan lang po natin iyan na desisyunan ng ating mga local na mga mayor.

Via Skype si Triciah of CNN

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Hi, Secretary. Good afternoon po. Sir, how do you see the next ten days looking like? And at the same time, sir, since tuluy-tuloy pa rin iyong violations, what are the chances of military takeover, sir?

SEC. ROQUE:  Salamat sa tanong mo. Alam ninyo eventually ang desisyon ng Presidente nga ay ibabase doon sa balanse na doon sa karapatang mabuhay at karapatang magkaroon ng kabuhayan. Pero importante po na paganahin natin itong ECQ, kinakailangan pababain natin ang mga kaso. Doon sa ating graph kanina, may bahagyang pagbaba na po matapos ang ating huling press briefing kung saan nakiusap tayo na maging homeliners tayong lahat, manatili sa ating mga tahanan. Kung magpapatuloy po ito, sa tingin ko mas magiging kumpiyansa ang ating Presidente na magkaroon ng modified dahil nakikita niya na mukhang gumagana o gumana na iyong ating ECQ.

Ang objective po ng ECQ, hindi natin mawawala o hindi magkakaroon ng lunas ang COVID-19 hanggang walang vaccine o walang gamot, pero mapapabagal po natin iyan at ang desisyon ng Presidente para sa Mayo 1 ay naka-depende  kung tayo nga ba ay naging matagumpay dito sa nais nating mangyari sa ECQ.

Sa pangalawang tanong ninyo, alam ninyo – salamat, nakalimutan kong i-address iyan. Alam po ninyo, ang Presidente kasi sa Saligang Batas, eh may tinatawag na extraordinary powers. Tatlo po iyan at iyan ay iyong tinatawag na, sa kaso ng Sanlakas versus Zamora, ito po ay graduated: depending on how intrusive or how draconian it is. Ang pinaka-less intrusive ay iyong tinatawag na calling out powers at iyan naman po ang sinabi ng Presidente sa kanyang  huling talumpati sa taumbayan – pupuwede po niyang tawagin ang Hukbong Sandataan para po ipatupad  ang ECQ at sang-ayon nga po sa  kaso ng Sanlakas muli, iyan po ay kapangyarihan ng Presidente at hindi po iyan martial law. Ulitin ko po, hindi po iyan martial law, in fact, kahit walang executive order na pinapatawag ang Armed Forces of the Philippines doon sa kasong iyon ay talagang sinabi ng Korte Suprema eh gawain talaga na natin na tawagin ang military para tulungan ang mga sibilyan, kagaya ng ating kapulisan. So iyon lang po ang sinabi ni Presidente, it refers to an extraordinary power of the President as Commander-in-Chief, the power to call upon the military.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  So, sir if tuluy-tuloy po iyong violations at talagang  magpapasaway iyong mga  violators natin, do we see a more drastic participation or aggressive participation of the military in the coming days or in the next 10 days at least, sir?

SEC. ROQUE: Well, when ordered by the President, of course, the military will have to comply. At iyong kumalat naman na impormasyon na naghahanda daw ang Armed Forces, natural. Dahil nabanggit ng Presidente, maghahanda sila. Pero the President has not actually exercised this extraordinary power of calling upon the military for this purpose.

TRICIAH/CNN PHILS:  Thank you, sir. Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE:   Thank you po.

USEC. IGNACIO:  Secretary from Celerina of Manila Shimbun, tungkol pa rin po ito sa nag-leak na Philippine Air Force document. Will PRRD issue a proclamation or memo or executive order or general special order to operational, the martial law type enforcement of quarantine measures or his verbal order sufficient – why, why not?

SEC. ROQUE: Celerina, lilinawin ko, it’s not a martial law type. Tatlong kapangyarihan po iyan: Calling out, Suspension of the privilege of the writ and Martial law. So, ang banta po ng Presidente, he will not hesitate to call upon the military to enforce the ECQ. That’s the calling out power. If he so decides, he will issue the necessary and corresponding executive issuance.

USEC. IGNACIO:  From Chiara Zambrano ng ABS-CBN. Ano daw po ang fixed policy when it comes to use of common areas, whether the lounge ng condominium or plaza sa barangay? Puwede po ba magpa-araw at maglakad-lakad ang mga tao basta may physical distancing? What is the rule about jogging ang walking pets?

SEC. ROQUE:  Well, alam ninyo ang rule naman po ay manatili sa kanyang mga tahanan, mag-observe ng social distancing. Pero tatapatin ko po kayo, kami naman sa sarili naming barangay, ako po ay nakakatakbo naman kada-alas singko ng hapon at ang pakiusap lang ng barangay lahat dapat naka-mask at nag-o-observe ng social distancing. Bawal tumakbo ang mag-asawa na sabay. Bawal tumakbo ang mga grupo, dapat indibidwal lang na tumatakbo at nag-o-observe ng social distancing. Iyan naman po ay pinapatupad ng maraming mga barangay.

USEC. IGNACIO:  From RG Cruz of ABS-CBN. What is your action/reaction to barangays that will still do with window hours? Are all barangays capable of bringing food and medicine supplies to all residents? Paano po ang logistic noon?

SEC. ROQUE: Well, RG, sa aking barangay, mayroon ding window hours. Kung hindi ako nagkakamali 8 to 3 lang po puwedeng lumabas ang aking mga ka-barangay.  At inaasahan ng barangay doon sa window period na iyon eh gagawin na lahat ng kinakailangang gawin, mamili na ng lahat ng kinakailangang bilhin sa tindahan at pagdating ng 3 o clock eh, dapat manatili na sa tahanan.

USEC. IGNACIO: From Bella Cariaso: Ang sinasabi  po ni dating NEDA Secretary Pernia na hindi daw po unified ang approach ng government sa campaign against COVID-19 at may sinasabi siyang differences with some Cabinet officials. Nangangahulugan po ba iyon na kontra siya sa stand ng ilang officials particularly sa economic team at apparently iba iyong position niya sa pinu-push ng ibang officials?

SEC. ROQUE:   Pasensiya na po, I cannot speak for Secretary Pernia. Pero I will take his statement on its face value nagkaroon po ng policy differences, iyan po ang sabi niya and normal naman po iyan sa isang demokrasya. Pero ako naman po, ako po ay nakipag-usap na kay Secretary Pernia, eh mayroon din po siyang iniinda sa kanyang mata na kinakailangang magpahinga. So, ang original plan nga po niya ay indefinite leave daw po dapat kaya nga lang sa panahong ito, it is not right na mag-indefinite leave siya; kaya minabuti na rin niyang mag-resign.

USEC. IGNACIO: From Haydee Sampang ng DZAS. May mga umalma noong sinisi ninyo allegedly ang mga pasaway na Pilipino kung bakit nag-number one ang Pilipinas sa Southeast Asia. Pero kung babalikan daw po iyong mga previous pronouncement ni Pangulong Duterte at ng iba pang Cabinet members like iyong to boost domestic tourism, lumalabas daw po na ang pamahalaan daw mismo ang nagkulang sa maagang paghihigpit kaya kumalat po at dumami  ang COVID-19. Ano daw po ang komento ninyo dito?

SEC. ROQUE: I dispute that po dahil tayo po ang kauna-unahang bansa sa Asia na nagkaroon ng ECQ. So hindi po tayo mabagal. Ang ating pakiusap po at ito naman po ay sinabi na rin ni Presidente sa kanyang huling talumpati sa bayan, ay makipagtulungan na po tayo, magbayanihan, magagawa po natin ang dapat po nating gawin sa pamamagitan ng pagiging homeliners, manatili  po sa ating mga tahanan.

USEC. IGNACIO:  Opo, may question po galing kay Ronald Reyes ng Manila Standard. Ano daw po ang reaksiyon ng Palace – may panawagan ang simbahan na itigil ang mining sa Homonhon, Samar. Mga allegedly Chinese manned ship ang responsible diumano sa mining.

SEC. ROQUE: Well, iyan po ay kinunsulta na namin sa DENR. At ang report po sa atin ng DENR ay unang-una, wala pong mining; mayroon lang siguro pong shipping na nangyayari doon. Pero lahat daw po ng nangyayari diyan sa lugar na iyan ay sang-ayon naman sa patakaran ng DENR. So naipagbigay-alam na po natin iyan sa DENR at in-assure po tayo na wala pong nalalabag na guidelines ang DENR.

USEC. IGNACIO:  Okay, maraming salamat, Secretary. Iyon lang po ang mga katanungan ng MPC. Ang huling mensahe po, Secretary Roque?

SEC. ROQUE:  Well, gaya ng aking sinabi, sana po gawin nating mas madali para sa Presidente na gumawa ng tamang desisyon. Gawin po natin ang ating puwedeng gawin, tayo po ay manatiling homeliners, manatili sa ating mga tahanan. At bukas naman po pangako ko po, isi-share ko po sa inyo kung ano ang mga naging advise ng mga eksperto na makikipagpulong ngayon sa ating Presidente. Iyon lang po. Mabuhay ang Pilipinas. Mabuhay po kayong lahat.

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)