Press Briefing

Speech of Presidential Spokesperson Harry Roque (Laging Handa Special Coverage, PTV 4)


Maraming salamat sa aking kapwa Spox. Well, hindi lang po si Dr. Domingo ang taal na taga-PGH. Siguro po dito sa ating panel ngayon, ako lang po ang pinanganak dito sa Philippine General Hospital. At dahil dito po ako pinanganak, tama lang po na ang ating pinakahihintay na pagbabakuna laban sa COVID-19, dito po muna sa PGH magsisimula.

Ngayong araw pong ito ay tunay pong makasaysayan, dahil ang gagawin po natin dito sa PGH at ilan pang mga pampublikong hospital sa Metro Manila ay pagsimula po ng pag-asa, na matapos po ang halos isang taon ng kadiliman dahil sa COVID-19, narito na po ang liwanag.

Magpapasalamat din po ako, sa ngalan po ng Presidente natin at ng sambayanang Pilipino, sa lahat ng ating medical frontliners, kayo po ang tunay na bayani sa panahon ng COVID-19. At dahil kayo po ang ating tunay na bayani, tama lang po na kayo po ang mauna sa COVID-19. Ito po ay pagpapakita ng aming pagpapasalamat at utang na loob. Mabuhay po ang lahat ng medical frontliners!

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource