Press Briefing

Press briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Nagbigay ng kaniyang Talk to the People Address kagabi si Presidente Rodrigo Roa Duterte, at ito po ang ilang mga tinalakay niya:

  • Muling nagpaalala po ang Pangulo na sundin ang health protocols ngayong Kapaskuhan dahil sabi nga niya ‘no, nandiyan na iyong bakuna, sayang naman kung ngayon pa tayo magkakasakit. Kaya naman nating maiwasang magkasakit sa pamamagitan ng mask, hugas, iwas. Huwag po nating balewalain ang banta ng COVID-19 ‘no, dagdag pa ng Presidente at hinalimbawa niya iyong isang kaibigan niya para bigyang diin ito.
  • Nagpahayag din ang Presidente ng kaniyang banta na sisibakin ang mga opisyal ng Toll Regulatory Board dahil sa gulo sa RFID. Kaugnay nito, ito ang pitong kautusan o instructions sa mga operators na ibinigay ng DOTr ‘no:
  1. Una, i-convert ang mga emergency signages sa cash signages.
  2. Pangalawa, i-transfer or i-reposition ang RFID stickering at reloading sites sa mga gasoline stations o mga lugar na may malawak na espasyo malayo sa toll plaza. Eh bakit ka nga naman maglalagay ng sticker doon mismo sa toll plaza, natural magkakatrapik ‘no.
  3. Pangatlo, maglagay ng designated lanes para sa RFID at cash lanes.
  4. Pang-apat, pinapayagan ang mga ambulansiya at mga sasakyang ginagamit sa pagpapatupad ng batas o law enforcement na magdaan sa anumang lane.
  5. Panlima, pag-aralan ang pagtanggal ng mga barriers. At kanina nga po ay napabalita na nagkaroon na kasunduan ang Siyudad ng Valenzuela at ang operator na tatanggalin na nila ang barriers sa Valenzuela ‘no.
  6. Pang-anim, ang mga small town plaza ay kinakailangang may hiwalay na RFID at cash lane.
  7. At panghuli, na pampito po ‘no, taasan ang wattage classification ng RFID sensors.

Ito naman po iyong tatlong kautusan sa TRB ni Secretary Tugade:

  1. Una, maglagay ng roving at station marshals.
  2. Pangalawa, magkaroon ng monthly audit na may daily reports galing sa mga toll marshals. Napag-alaman kasi ni Sec. Tugade na ang audit pala ay kada dalawang taon. Eh sabi nga ni Sec. Tugade, ‘Kaya nga ang tawag sa’yo Toll Regulatory Board dahil ang pangalan ninyo ay Toll Regulatory, hindi pupuwedeng kada dalawang taon ang pag-o-audit ninyo. Dapat iyan ay regular.
  3. Pangatlo, paigtingin ang pagpapatupad ng enforcement.

Sa usapin bakuna naman, siyempre nag-report po ang ating Vaccine Czar, Secretary Galvez, unang-una binalita niya na nagkaroon ng Vaccine Logistic Summit na dinaluhan ng 575 participants na isinagawa kahapon, December 16. Pinag-usapan po diyan iyong detalye kung paano makakarating sa ating taumbayan ang mga bakuna pagdating po sa ating bansa o matapos siyang maangkat kung saan sila manggagaling. Ito po ay patunay na tuluy-tuloy lang po ang pinapatupad nating Philippine National Vaccine Roadmap.

Now, balikan po natin iyong mga stages ‘no. Mayroon po tayong stage para sa scientific evaluation and selections; access and acquisition; procurement process and financing; production shipment and storage; distribution and deployment; implementation and nationwide vaccination; assessment, evaluation and monitoring.

Nasaan na ba ho tayo ngayon? Ngayon po, nandito na po tayo sa 2021—medyo maliit po ‘no. So nandito na po tayo, iyong ating assessment, evaluation and monitoring continuing naman po iyan. Pero sa planning, nandiyan pa rin po tayo hanggang 2021 at saka nasa preparation stage na po tayo. Pero inaasahan nga po natin na pagdating po ng first quarter ng 2021, mayroon na tayong apat na magagamit, posible po sana – Sinovac, Gamaleya, Sinopharm. CanSino; pagdating po ng second quarter – Sinovac, Gamaleya, AstraZeneca, Sinopharm,  CanSino; pagdating ng third quarter – Sinovac, Gamaleya, AstraZeneca, Pfizer, COVAX, J&J, Novavax and Moderna. At lahat na po ng mga bakuna ay talagang magagamit na pagkatapos po ng third quarter. Pero magsisimula po talaga tayo, ang target ay first quarter ng 2021.

Now, siyempre po ‘no, uulitin ko po ‘no na ang priority natin pagdating po sa pagbakuna ay iyong tinatawag na geographical at iyong sector. Ang geographical po ay siyempre iyong mga matataas na mga lugar; at saka iyong sectoral po ay iyong mahihirap, mga matatanda, mga frontliners at kapulisan.

So ito po iyong mga pinaghahanda ng mga LGUs, in coordination with DILG, DOH and NTF: Iyong priority listing ng mga mababakunahan by geographical area at sector; imbentaryo ng posibleng vaccination centers sa mga pampubliko at pribadong ospital at vaccination areas; imbentaryo ng cold chain storage at available transportation; QR Code at [unclear] ng lahat ng mga taong mababakunahan sa ilalim po iyan ng PhilSys o nung ID system; ang pag-mobilize ng required people at vaccinator at auxiliary cost, kasama na po iyong training, orientation at simulation; ang paghikayat ng mga lokal na pamahalaan ng tripartite agreement sa pagitan ng pamahalaan, LGUs at mga kumpaniya ng bakuna; additional cost na kakailanganin sa preparasyon at implementation.

Mabalik tayo doon sa huling Cabinet meeting po ‘no, iyong 49th Cabinet meeting noong Lunes, December 14. Napag-usapan, tulad nang inilabas kong statement kahapon, ang Philippine Identification System or PhilSys. Inaprubahan po ni Presidente at ng kaniyang Gabinete ang 3.52 billion na karagdagang budget para sa susunod na taon na gagamitin para sa pagpaparehistro ng dalawampung milyong indibidwal on top of the 50 billion target para sa PhilSys bago matapos ang 2021.

So ang target po natin ay bago umalis po sa opisina ang Presidente, lahat po ng mga adults o may edad na or sapat na edad ay marirehistro sa PhilSys. Ang kabuuang PhilSys budget para sa 2021 ay nasa 8.1 billion. Ito ay para sa pagpaparehistro nang hindi bababa sa limampung milyong indibidwal sa susunod na taon. Ang target po ng Philippine Statistics Authority, ang ahensiya na may mandato na manguna sa PhilSys ay matapos ang pagrehistro ng entire adult population bago matapos ang administrasyon. Dahil dito, kinakailangan na iparehistro ang dagdag na dalawampung milyon sa 2021 para sa taong 2022 ay nasa dalawampu’t dalawang milyon na lamang ang mga target registrants kasama na ang mga kababayan nating nasa ibang bansa. At ito ay kailangan ng karagdagang 3.52 billion pesos na budget sa susunod na taon with an estimated 176 pesos per person per cost of registration.

Ito naman po ang update na prinisenta at inaprubahan din sa Cabinet meeting sa Task Force Build Back Better. Inaprubahan po ng Pangulo at ng kaniyang Gabinete ang mga plano ng Task Force Build Back Better na pinangungunahan po ng ating DENR Secretary with the Secretary of Public Works and Highway as co-chair pagdating sa flood mitigation at management:

  • Kabilang dito po ang pag-mobilize at sustain ng deployment ng government assets kasama po ang Hukbong Sandatahan at ang DPWH para sa widening ng Magapit Narrows at pagtanggal ng 19 sandbars sa Cagayan River – ito po ang dahilan kung bakit napakatindi po ng pagbaha doon sa Cagayan lalung-lalo na doon sa Alcala kung saan mayroon pa lang tatlong sandbars na kinakailangang tanggalin.
  • Pagbalik sa Marikina River sa kaniyang original state sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga iligal na istraktura. Lumalabas po kasi na nagkaroon pala ng reclamation diyan sa Marikina River na naging dahilan kung bakit nabago po iyong orihinal na flow ng River at dahilan kung bakit matindi po ang pagbabaha ngayon diyan sa Marikina.
  • Pag-fast track ng panukalang DPWH Flood Mitigation Projects kasama ang upper Marikina Dam and the Parañaque Spillway.
  • At panghuli, ang pag-rehabilitate ng existing floodgates at pumping station at construction ng pitong flood control project sa Bicol River.

Kasama po natin ngayon ang Chairperson ng Task Force na Secretary rin ng Department of Environment and Natural Resources, si Secretary Cimatu, para sa karagdagang mga detalye at para sagutin ang tanong ng ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

Inaprubahan din po ang mga sumusunod na may kinalaman sa forest protection and protected area management:

  • Una, ang pagpapatupad ng whole of society approach sa kampanya sa anti-illegal logging sa Sierra Madre, Cordillera, Caraballo Mountains at Marikina River Basin na may aktibong partisipasyon ng mga LGUs.
  • Pangalawa, ang pag-intensify ng management ng protected areas sa Sierra Madre, Marikina at Bicol River Basin.
  • Pangatlo, ang request ni Presidente na i-certify as urgent ang House Bill #6973 at Senate Bill 1878, an Act Creating the Environmental Protection and Enforcement Bureau sa ilalim ng DENR.

Punta naman tayo sa ating COVID-19 update. Ito po ang global update ayon sa Johns Hopkins. Higit 74 million na po or 74,115,894 ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo. Nasa 1,646,942 na po ang mga binawian ng buhay dahil sa coronavirus. Nangunguna pa rin po ang Estados Unidos, mayroon po silang mahigit 16 million na mga kaso at 307,000 deaths. Pangalawa ang India; Pangatlo po ang Brazil; Russia; and France.

Dito po sa atin, mayroon na po tayong 24,873 na mga aktibong kaso ayon sa December 16 datos ng Department of Health. 22,803 or 91.7% ay asymptomatic, mild or moderate, samantalang 2,070 o 8.3% ay severe or critical. Nasa 419,282 po ang mga gumagaling or 92.56% recovery rate. Samantala, nasa 1.95% ang case fatality rate or 8,833 ang binawian ng mga buhay dahil sa coronavirus. Nakikiramay po kami.

Now, makikita po natin ngayon sa sumusunod na infographics ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 by adjusted onset of illness date as of December 16, 2020. Naku! Mga kaibigan at kababayan, makikita ninyo po rito iyong nagpla-plateau po siya, ano. Ito po iyong mga dates na iyong linggo ng November 12 hanggang November 19 at saka hanggang November 26, nag-plateau po or bumabagal na po ang pagbaba ng decreasing trend.

Kaya nga po sinasabi ng DOH, baka ito na iyong simula ng pagtataas muli ng mga numero dahil nga po mukhang nagiging pabaya ang ating ilang mga kababayan dahil nga po sa Kapaskuhan. So, ito naman po ay nagsisimula pa lamang, pupuwede pa po natin itong mai-reverse. Ang panawagan po ng Presidente, sana po abutan tayo lahat ng bakuna: Mask, Hugas, Iwas.

Patuloy din po ang pagbaba ng daily attack rate sa buong bansa na mula 1.41 noong November 15-28 ay naging 1.35 noong November 29 to December 12. Pero dito po sa Metro Manila, ano, samantalang sa Metro Manila ay wala pong ipinagbago – nananatiling 2.71 noong November 15-28 hanggang November 29 to December 2. Pero ang malungkot na balita po sa NCR, mayroon na pong siyam na mga siyudad na unti-unti na pong tumataas iyong daily attack rate at iyong two-week growth rate by region.

So, ito po ay ebidensiya na mukhang sumisipa muli po ang mga numero ng COVID-19. Ang gusto po natin ay magkaroon ng Merry Christmas at Happy New Year. Huwag po nating i-celebrate ang Pasko sa ospital na baka naka-ventilator pa. Alam naman po natin kung anong gagawin natin para pangalagaan, ingatan ang ating mga buhay para tayo ay makapaghanapbuhay.

Mask, Hugas, at Iwas.

Pagdating naman po sa Healthcare Utilization Rate—well, pumunta muna tayo sa Health System Capacity Indicators. Makikita ninyo po na dito po sa graph na ito na hindi pa umaabot sa moderate. Iyong yellow po ang moderate, red ang critical, pero nakikita ninyo may mga ilang lugar na palapit na nang palapit doon sa moderate kagaya ng Region XI, ng Region IV-A, ng Region II, at ang CAR. Ang yellow naman po ay moderate risk pero malapit na rin po iyan sa dangerous level na 70%.

Now, papaalalahanan ko lang po kayo, kapag umabot po tayo ng critical, iyan po ay isang dahilan para magkaroon na naman tayo ng mas istriktong quarantine. Iyan po ay isang indicator para bumalik sa mas istriktong quarantine classification. Pero huwag po kayong mag-alala bagama’t napakadami pong fake news na sa Disyembre raw ay mababago ang quarantine classification, hindi naman po totoo iyan dahil monthly na po ang ating quarantine classifications. Kaya nga lang kung tayo ay magpapabaya baka pagdating ng Enero eh mas istrikto naman ang ating quarantine lalung-lalo na dito sa Metro Manila. So, paulit-ulit po tayong nagsasabi, pag-ingatan ang ating mga buhay para sa ating mga hanapbuhay.

Ito naman po ang estado ng ating Temporary Training and Monitoring Facilities as of December 15. Well, kagaya po ng ating, iyong sa ating mga ospital, malayo naman po tayo sa critical. Sa katunayan, nagbabawas na po tayo ng TTMF sa mga lugar na kagaya ng Cebu kasi nga po kumaunti na ang mga kaso. Kaya makikita ninyo sa susunod na slide ng TTMF talagang nagbawas po tayo ng mga numero. On a national basis, nagbawas po tayo ng 5,530 beds sa mga TTMFs natin. Mayroon po tayong 164,659 at makikita ninyo po na sa NCR nagbawas din po tayo ng kaunting TTMF bed capacity.

On other matters naman po, bumaba nang halos kalahati ang mga Filipinong nagugutom. Ito po ay sang-ayon sa huling survey na isinagawa ng Social Weather Station. Iyong November 2020 data po 16% ang hunger rate. Malungkot pa rin po iyon dahil alam natin napakadami ng nagugutom pa pero ito nga po ay kalahati noong hunger rate na narehistro ng September 2020. Itong 16% naman po ay doble ng hunger rate bago po magkaroon ng pandemya. Iyong pagbawas po ng kalahati sa hunger rate, ito po ay resulta ng paunti-unti nating pagbubukas ng ating ekonomiya pero may banta nga po na itong unti-unting pagbubukas eh baka maantala kung dadami po ang kaso ng COVID. So, the best way to celebrate Christmas po if you really love your family, iwasang magkasakit po. So, mask, iwas, at hugas.

Dito po tayo nagtatapos ng ating presentasyon pero kasama po natin ngayon ang Task Force Build Back Better, DENR Secretary Cimatu. Sir, good afternoon, Secretary Cimatu. Nabasa ko na po kanina kung ano iyong mga naaprubahan noon ating huling Cabinet meeting pero siguro po puwede nating dagdagan ng kaunting detalye at kung ano pang bagong updates natin sa inyong task force

The floor is yours, Secretary Cimatu.

SEC. CIMATU:    Good afternoon, Secretary Roque. Good afternoon, members of media! I will add further some details about our approved recommendations during the Cabinet meeting. And before I ask for approval, I presented to the Cabinet and the President the data that we were able to gather as a basis for our recommendations.

I told the President that I went personally to the river – the 500-kilometer river coming from the sources of the river – there are two sources of the Cagayan River na nag-join including other tributaries na mag-empty dito sa dagat sa Aparri.

In the figure – I hope you can see it, Secretary – I started from the source from Quirino and Santa Fe by helicopter nakita namin doon and if you look at the chart, I’m showing this to show the elevation of the river from the source down to the mouth of the river. Starting from Quirino, ang elevation doon of the river – not the mountains but the river itself – ipinapakita ko ito iyong elevation almost 700 meters ang taas ng river na iyan at saka sa Santa Fe, 600 meters naman. Mag-join together ito to be the Cagayan River.

Now, from Santa Fe, this part of Nueva Vizcaya, bababa ito to Bayombong, Nueva Vizcaya, pagdating sa Bayombong, 288 meters na lang ang taas ng river. I observed that Bayombong, nadaanan ko iyon tabi mismo iyong river iyong Bayombong, walang flooding doon. Pagbaba naman somewhere after several kilometers bumaba sa Ilagan, doon na nag-umpisa iyong flooding. Ang elevation po ng river doon is 47 na lang coming from 700 or 650, 47 na lang ang elevation ng river.

Pagbaba some more, going down further to Tuguegarao, 20 meters na lang iyong river. Pagdaan mo sa Alcala, eight meters na lang hanggang sa Magapit Narrow na ito iyong center ng aming project, eventually. Then pagdating sa Aparri mag zero, above sea level na lang iyan. So, if you look at from Ilagan, from the mouth of the river, very gentle ang slope, pagbaba ng river. Kaya dito ang… ipapakita ko sa inyo ngayon iyong extent of the river from Ilagan, Tuguegarao at saka Alcala at saka Magapit.

Please show the—ito iyong flooded area mula dito sa baba ito ay Tuguegarao, then go to Amulong then it goes to Alcala, iyon pababa doon sa Magapit, down to Aparri. Iyan po iyong river. Tingnan ninyo sa tabi ng river ay baha. Dito lalo na sa Amulong, baba diyan is Tuguegarao na. So, ito ngayon iyong pinakita ko sa inyo, kasi almost the same elevation na iyong river dito. Ngayon magtatanong kayo, bakit walang flood dito, walang flood diyan sa banda diyan ay because iyong  bank of  the river, mataas parang bundok-bundukin iyan sa baba, dito sa may… between Alcala at saka dito sa Magapit River. Ito ngayon doon, hanggang doon sa may dulo ay baha po ito. Dahil sa mga walang baha iyan sinabi ko kanina ay mataas ang bundok sa tabi ng river iyan. So hindi talagang mag-overflow.

Iyon ang nakita ko, so ipapakita ko ngayon itong Magapit Narrow. Ito kasi iyong sentro ng ating intervention and ito iyong approval ni Presidente, the approval of the President dito sa presentation ko saka recommendation ko ay ito na ngayon iyong mobilize and sustained deployment of government assets from the Armed Forces of the Philippines or the Corp of Engineers at saka DPWH for the widening of that Magapit Narrows and removal of 19 sandbars. Mamaya ipapakita ko rito ang 19 sandbars, pero unahin ko muna itong intervention na gagawin mismo ng ating mga government agencies.

Ang ating DPWH at saka iyong ating Corp of Engineers ng  Armed Forces will be pooling  their resources, engineering equipment na mag-undertake mismo dito sa project na ito. This will be addressed by our government agencies.

In the chart ay dalawa, iyong kulay pula ay these were the  original plan of JICA to come up with a channel na idadaan iyong hindi nadadaan sa Magapit ano iyan… iyong iikot pa kasi diyan, doon  magsisikip, gusto nilang ideretso na sana channel. Pero medyo mataas-taas ang elevation niyan, so ano iyan, hanggang plano lang muna several years back iyan by the JICA.

So, what we are recommending, that it can be already doable at saka magawa na nating kaagad, meaning kaagad, ito iyong dotted line napakasikip kasi niyan. Ang original width of the river po ay iyong  mga 700 meters ang Cagayan River, pagdating dito, bumababa na, parang 300 meters hanggang pinakamasikip is 150 meters na lang, diyan sa may Magapit, diyan sa bridge na iyan, iyang may kaunting ano, that’s the Rio Bridge. That is only 150 meters. So, pagsikip na iyan, dahil naman sa level ng river ay hindi naman masyadong mabilis iyang takbo ng tubig, kasi ang elevation ng river almost the same na iyong mga ano diyan eh. So mabagal na iyong takbo ng tubig diyan. Kapag dumating dito sa masikip na ito, ay ano na, magbarado na diyan. So tataas na iyong tubig hanggang doon sa upstream, sa pinanggalingan ng ano dito… sa Tuguegarao side, na-flood na lahat ang mga upstream diyan. So iyan ang pinakita ko kanina na this is the reason why we have to widen itong Magapit Narrows na ito.

Iyong dotted line na iyan, iyan ang plano natin na bawasan iyan, tabtaban natin ito, so that alisan natin itong bank of the rivers na iyan. As in the dotted line on both sides, will lead and this has been computed na if we do this iyong flooded areas noon ay mabawasan ng several meters.

So ito iyong ating doable immediate na gagawin natin at kausap ko kanina—by the way, Secretary Roque, before this meeting, we had meeting also and finding out the progress and update the respective agencies. Kausap ko iyong DPWH kanina, they are already preparing for the deployment of their assets and nabanggit ho nila and sabi nila they—in fact, sinabi   ko na sana as soon as possible, pero they requested for next month na lang, January.

The idea is to pool the resources of the DPWH, iyong mga gagamitin na pang-alis ng lupa na iyan diyan at saka iyong Corp of Engineers. They are mobilizing their equipment and assets so that ma-deploy na nila ito to undertake these project. So ito ngayon ang ginagawa natin, then this is for the Magapit Narrows. Ito iyong matabtaban iyan, that’s very ano kasi eh, 150 meters na lang kasi iyan.

Ang kanila pang explanations sa atin, because of the slope, gentle slope ng river ay mabagal ito. Sinasabi nila para iyong sa traffic rin ito, kung nasa four lane ka, tapos biglang mag-two lanes iyong kalsada ay talagang magbabara na talaga upstream. So ganito ang nangyari talaga doon.

And now also kindly show the—these are the dredging or the 19 prioritize sites, 19 po lahat ang ano ito and if you look at the map, makikita iyong mga bilog na bilog-bilogan iyan 19 iyan, iyan ang isang project rin natin na babawasan o alisan iyan sa mga… alisin iyong mga sandbars iyan na nakadagdag ito sa problema ng flooding diyan.

So ito po iyong ating plano and also iyong second one na medyo kailangan talaga is in the Marikina River. Now, we will show you the Marikina River, nagbawas ito. At the left side, in the 1982, if you look closely, the bank of the river in 1982 iyong naka-kulay blue – that is portion of the Marikina River. If you compare that in 2019, nabawasan na iyong bank of the river. And pagbawas iyan from 90 meters yata iyong width of the river, naging 60 meters na lang diyan sa banda diyan. Dito sa right side of the map, ito, ito, iyan. Iyan ang may naalis iyan sa river. Naalis iyan, natabunan. Pinapa-check ko kung natabunan ba by natural causes or ni-reclaim. So, pina-survey ko iyan and the nakita natin talaga na dinagdagan. Ito sa taas iyan, if you look at it diyan sa ano iyan is the Provident Village. That’s the Provident Village. I think diyan sa other side diyan, the bank of the Provident Village ay iyan ang nangyari ngayon itong kulay yellow na iyan. So nabawasan iyong river ng ganyang karami.

And alam namin kung ano iyong mga lot numbers ‘yan, iyon lang naman kasi iyong nangyari niyan. So these are the things na gagawin natin, the Cagayan River and the Marikina River. So iyan naman ang ating maano naman, except that mayroon din tayong isang in-approve nila, iyong fast tracking of the flood mitigation projects ng Marikina Dam and Parañaque Spillway. So this will be also fast tracked in the form of planning at saka execution later on by the DPWH, this is considered a long term plan for the Marikina River.

So, also in the rehabilitation of some floodgates and pumping stations and 7 flood controls in the Bicol River na in-approve rin ni President ito. Then likewise, on the forest protection or protected area management, I would like to aggressively implement the [anti] illegal logging in these areas in cooperation with the LGUs and also the protected areas in these areas. I also requested for the President to the certify as urgent our request for a legislated law and the establishment of the enforcement power of the DENR. So that’s my short briefing, Mr. Secretary. Maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Secretary Cimatu. Pumunta na po tayo sa ating open forum. Simulan po natin with Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque and Secretary Cimatu. Question from Leila Salaverria of Inquirer: What is Malacañang going to do about Senator Lacson’s statement that it was Department of Health Secretary Duque who dropped the ball on the deal with Pfizer for 10 million doses of its vaccine? Lacson said the deal fell through because the Secretary failed to submit a confidentiality agreement. How does the Palace plan to remedy the situation?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, tuloy po ang ating negosasyon sa Pfizer at inaasahan po natin na darating ang Pfizer sa second to third quarter ng taong ito. Ang problema po as of January of this year, halos lahat po ng production ng Pfizer ay nabili na po ng iilang mga mayayamang bansa kasama na po ang Estados Unidos, ang Inglatera, ang Singapore at ang Australia.

Pero pagdating naman po doon sa mga paratang na nag-drop daw ng ball si Secretary Duque, kagabi po sinabihan po ni Presidente si Secretary Duque to answer the allegations by Secretary Locsin.

USEC. IGNACIO: Question for Secretary Cimatu from Leila Salaverria. Secretary Cimatu, ang question po ni Leila: Will private firms be involved in the Cagayan River Project? How does the DENR address concerns about foreign contractors that offer to conduct dredging for free because they can amass river materials that they can export or sell for a profit to be used in other projects such as land reclamation activities?

DENR SEC. CIMATU: We have a ruling that walang foreign contractors po rito, all Filipinos po ito na may construction company and this is really a part of our river restoration projects all over the country. Hindi lang naman ito sa Cagayan River, all rivers na kailangan i-restore ay we are allowing contractors to dredge the ano for free but they can get their ano—itong makuha nila na mga stunts doon and for whatever they ano… para naman ma-recover iyong kanilang cost of dredging. So we will not allow contractor na foreigner dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Question pa rin po ni Leila for Secretary Cimatu: Lawyer Joel Butuyan who is from Cagayan said, “Arrangements like these could also mean that the dredging might not be done properly as the contractors could stop their activities once they get the materials they need.

DENR SEC. CIMATU: Mayroon pong memorandum of agreement iyon, dalawang taon, two years and tinanong ko sa kanila kung how many contractors ang kailangan dito kasi mahaba-habang river na ito eh, mahaba. So we—the bottom line of this is to help in the mitigation of the flooding, talagang silted na and in fact the mouth of the river po sa Aparri ngayon, dati malalim iyan, makakapasok ng barko noon iyan pero ngayon one meter na lang. So we have to dredge talaga ito and this is really very necessary kasi kung habang mataas iyan, talagang mabagal talaga iyong takbo ng river. So the government is very ano naman, very thankful of this so that [unclear] to flooding eventually naman.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Cimatu.

SEC. ROQUE: Thank you, Secretary. Thank you, USec. Punta tayo kay Melo Acuña, please.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon Secretary and Merry Christmas.

SEC. ROQUE: Merry Christmas.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Mayroon po kayang statement ang Malacañang sa pagkakapatay kay Dr. Mary Rose Sancelan at sa kaniyang mister na si Edwin sa Guihulngan. Siya po ang City Health Officer ng Guihulngan sa Negros Oriental.

SEC. ROQUE: Iyan po ay iniimbestigahan ng ating PNP at inaasahan po natin na magiging mabilis ang imbestigasyon nang mahuli na po, malitis at maparusahan ang pumatay kay Doktora.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Pangalawa kong tanong. Sa libu-libo pong nakuhang contact tracers ng DILG, mayroon na po kayang pag-uulat kung ano naging performance nila sa kanilang contact tracing? May leksiyon na po ba tayong natutuhan sa kanilang nakuhang datos?

SEC. ROQUE: Iyan naman po’y ongoing ‘no at ang ating ina-attempt po ngayon ay sundin iyong formula ni Mayor Magalong ‘no na we will go beyond what we normally do ‘no. Ang gusto ni Mayor Magalong if I’m not mistaken is, one, is to—ewan ko ba ho, nakalimutan ko na pero we’re aiming na at least one is to 13 to 15 ang ating mga contact tracers ‘no. But I will give you an update kung nasaan na tayo pagdating diyan.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo, thank you. Para kay Secretary Cimatu. Magandang hapon po, Secretary Roy Cimatu.

DENR SEC. CIMATU: Good afternoon po.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Ano na pong nangyari doon sa pagsisiyasat ninyo sa quarry sa Albay? May nademanda na po bang mga lumalabag sa batas sapagkat ayon sa report labinlima raw po iyong nagku-quarry doon at ang impormasyon sa akin kani-kanina eh tuloy pa rin iyong nagku-quarry. Ano po kaya ang puwede nating i-update?

DENR SEC. CIMATU: Yes, good afternoon. Nung malaman ko na nagkaroon ng problema doon, pina-suspend ko lahat ang all-around—around the volcano. Ang deadline lahat yata po iyon eh tapos especially iyong 12 na sinususpetya na kinumplain (complaint) ng mga tao doon na instrumental sa pagbaha doon, dito sa may—ng pagkamatay nga ng—apat yata namatay doon eh, natabunan. So pinaano ko lang dito, pina-suspend ko lahat then sabi ko iyong all around the volcano ay tingnan ninyo iyong compliance nila kung okay naman. So after one-two weeks yata, three weeks ay nagbigay naman sila ng report kaagad. After that one, nabanggit nila that they are recommending for the resumption of the 100—or 99 lahat except for 9 na nakita namin na non-compliant.

So iyong mga naano po, na compliant po naman so they allowed it doon ‘no kasi nagrireklamo naman iyong governor doon na nawalan na sila ng mga aggregates because of this suspension. So siyam po ay suspended po ngayon, hindi sila ano except for the around the Mayon Volcano po.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Hindi po ninyo kakasuhan iyong hanggang ngayon ay hindi sumusunod sa regulasyon?

DENR SEC. CIMATU: Actually may ano po iyong mga—we did not allow muna but if let’s say eventually kailangan talaga makipag-ano sila because they will be given penalties po ito. If they are not compliant, they will be given penalties bago payagan na mag-operate uli. Hangga’t hindi pa sila naka-comply sa nalaman namin na pagkakamali nila ay hindi namin sila papayagan and charges will be given to them especially iyong mga may namatayan doon sa lugar na iyon po.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Salamat po, Secretary Roy Cimatu. Thank you.

SEC. ROQUE: Oo. Bago tayo magpatuloy ‘no, iyong Magalong formula on tracing po is 1 is to 37. Now naalala ko po na dati sinabi sa Metro Manila masyado daw marami iyon ‘no pero nag-insist po si Mayor Magalong na to be effective kinakailangan talaga 1 is to 37. So ang aking ipa-follow up po ngayon eh kung nasaan na iyong ating mga contact tracers, kung sila ba ho ay at least hitting 1 is to 15 o 1 is to 20 but the goal remains 1 is to 37.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Thank you.

SEC. ROQUE: USec. Rocky…

USEC. IGNACIO: Yes. Question for Secretary Cimatu, tanong po mula kay MJ Blancaflor of Daily Tribune: Secretary Cimatu, ano po ang specific plans on flood mitigation approved by the President for Cagayan Province and Marikina City?

DENR SEC. CIMATU: Katulad iyong sinabi ko kanina po ano, iyong—aside from the engineering intervention na nabanggit ko iyong dalawa is very aggressive—itong ano illegal logging kasi contributory naman talaga iyong mga nakalbo nandiyan sa taas ng Sierra Madre saka Cordillera saka Caraballo Mountain. Ito po iyong mga nagku-concentrate namin ngayon dito sa mga forest at saka the National Greening Program po namin. And then some for information also ay we will ano, restore the twenty meter easement sa Cagayan River. Meaning at the bank of the river, 20 meters both side and talagang walang structures po iyan. At saka in fact katunayan po, ‘pag magtatanim po kami ng kahoy diyan sa tabi ng river, ang una namin naisip na itatanim ay bamboo. So for the rest of the river talaga eh we will be planting around the bank of the river, 20 meters po wide from the bank of the river. So ito po iyong mga interventions natin at saka iyong major na gagawin namin is Magapit Narrow babawasan namin iyong [unclear] ano doon para mas maluwag iyong pagdaloy ng tubig. At saka iyong 19 na nag-ipon ng lupa, nasa gitna ng river ay alisin iyon para mapabilis naman iyong pag-agos ng river.

USEC. IGNACIO:  Iyong second question po ni MJ Blancaflor for Secretary Cimatu. Kailan po ang target matapos ang flood mitigation projects na ito at magkano ang kakailanganin for these initiatives? Saan daw po kukunin ang pondo?

SEC. CIMATU:  Tatlong major kasi ang gagawin namin diyan. Iyong aming paggamit ng assets natin dito ngayon and we will be making some computations in the additional na magagastos ng ating mga assets.  Tulad ng gasolina, kung ilan ang aabutin nito, kung abutin tayo ng isang taon doon ay iko-compute pa po natin iyong mga magastos ng DPWH at saka iyong ating army engineers. Nag-usap-usap sila, sinabi ko, you just give me your computations by the next meeting, sinabi ko sa kanila. We will be having a next meeting next week. Pagkatapos po iyong dredging naman, ang dredging naman nito ay dati malaking gastos ng gobyerno dito sa dredging noon, noong panahon pa noon, this was undertaken by the DPWH. But we were looking for a ano, na we will let the contractor, i-dredge niya for the   government at saka kunin nila iyong sub [contractor] na makuha niya, but they need to pay 4% excise tax to the BIR. Lahat naman ng makuha nila na mga sands, they have to pay 4% to the BIR. Ito po iyong agreement with the contractor, pumayag din naman sila.

USEC. IGNACIO:  For Secretary Roque, question po mula kay Aileen Taliping of Abante Tonite. Noong Lunes daw po inanunsyo ninyo ang mandatory use of face shield. Pero pagpasok po sa mall ang face shield nakataas, ginawang headband ng mga tao. Kahit sa mga nagsisimba sa harap ng Quiapo Church ang mga tao nakataas ang face shield. Hindi ba magtatakda ang IATF ng multa para maging maayos ang paggamit ng face shield at para makasigurong hindi makahawa ang mga ito ng virus?

SEC. ROQUE:  Well, mga kababayan, kayo naman. Kaya nga niri-require ang face shield para magkaroon ng additional protection. Diumano kapag pinagsama ang face mask at face shield, halos 99% protection iyan. Pero kinakailangan isuot na mabuti. Anyway pag-uusapan po iyan mamayang hapon ng IATF, iyong mga paglilinaw pagdating po sa pagsuot ng face shield. Pero sa tanong ni Aileen, dapat sinusuot ng tama iyan.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Sir, sa speech po ni Pangulo kagabi, after talking about the opposition, the President suddenly made some remarks.  I-quote ko lang po iyong part na iyon, sabi niya, Oh tingnan ang ginawa ng—saan nakinapagkasundo pati itong mga komunista sa nakapasok sa gobyerno? Do you think that we will stop there? I said, you were a member of the grand conspiracy communism, lahat kayo the act of one is the act of all. Ikaw, Zarate bantay ka, medyo sabi ninyo pinaalis ako, well, really!” Hingi lang sana kami, sir ng clarification, paglilinaw dito sa statement na ito. What did the President mean when he said ‘paalis na ako, really!’ and just to be clear who was he alluding to about doon sa grand conspiracy of communism? Kasama po ba dito iyong opposition sa binabanggit niya?

SEC. ROQUE:  Kasama po diyan si Congressman Zarate at iyong Makabayan Bloc. Hindi naman po iyong kabuuan ng oposisyon. Kasi matagal na pong sinasabi nya na iyong Makabayan Bloc may personal knowledge sila, siya mismo na talagang kabahagi iyan sa conspiracy ng CPP-NPA.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Pero, sir ano po ang ibig sabihin ng Pangulo na sinabi niya na, sabi mong paalis na ako, really?

SEC. ROQUE:   Well, he has two years left in his term of office, so kaya nga palagi niyang sinasabi sa natitira niyang termino. Number one, lilinisin niya ang korapsiyon; number two ipagpapatuloy iyong laban sa droga; number three, talagang susupilin niya iyong mga  terorista na CPP-NPA.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Sir, dito naman po sa usapin po noong bakuna. Nabanggit na nga po kanina na pinangalanan ni Senator Lacson si Secretary Duque. Kagabi po, sir, galit na galit si Pangulo doon sa mga incompetent people or incompetence in general sa gobyerno. Ito pong figure in Secretary Duque na for example mag-submit ng isang document lang. Hindi po ba ito proof of incompetence para sa Palasyo? What does it entail para masabi po na incompetent ang isang official? Kumbaga, hindi ba malinaw ito, sir, na evidence na may kapalpakan on the part of Secretary Duque and kung hindi man ito incompetence, isn’t this blatant disregard, sir, or disrespect doon sa commitment and efforts ng mga taong nagtrabaho to secure the vaccines?

SEC. ROQUE:  Walang problema po, hindi po namin alam kung ano talaga iyong pinag-usapan ni Secretary Locsin, Ambassador Romualdez at ni Secretary Pompeo. Kaya nga po minabuti ni Presidente na advise-san si Secretary Duque – answer the allegations of Secretary Locsin, in the same manner that he defended himself in yesterday’s meeting.  Very lively at animated and emotional po ang pagsagot ni Secretary Duque kagabi. And the President asked him na answer it in the same way that you discussed the issues tonight. So, hintayin na lang po natin ang mga kasagutan ni Secretary Duque. But I think from the overall demeanor of the President ay wala naman po siyang nakikita na major lapse dahil ang pinag-usapan po ay kontrata at hindi naman abogado po si Secretary Duque. At wala din pong danyos na nangyari, because patuloy pa rin po ang pagkuha natin ng Pfizer at iyon nga po, iyong katotohanan na bagama’t sinabi na dapat January tayo makakakuha ng Pfizer, ang reyalidad po talaga is paid for na po iyong mga ginawa o na-manufacture ng Pfizer for delivery in January, dahil iyan po ay bayad na noong mga bumili.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Pero, sir, hindi po ba nanghihinayang ang Palasyo o ang Pangulo na mayroon na nga po sana talaga tayong bakuna by January, if only this document was submitted? Kumbaga kung nagawa lang po talaga iyong proseso, mayroon na po sana tayong bakuna by January? And ito po bang naging pagkilos o itong failure ni Secretary Duque, alam po ba ng Pangulo ito beforehand, kumbaga may go signal po ba na ito, alam na po niya na hindi matutuloy talaga itong Pfizer vaccine at least sa January?

SEC. ROQUE:  Well, Trish, the advice of the President to Secretary Duque is to answer the allegations. Let him answer muna po the allegations. I think you want a judgment from him. But I think the President was clear – there’s a controversy, there is an allegation – he should answer and we will take it from there. Pero ang ini-emphasize natin, mukha naman pong imposible talagang makakuha tayo ng Pfizer as of January. Kasi iyong January deliverables nila, completely paid for na by the rich countries. So, let’s not speculate anymore at ang importante ay patuloy po ang pag-uusap at mukhang makakakuha naman talaga tayo ng Pfizer anytime between second and third quarter of next year.

USEC. IGNACIO:  Yes, Secretary, question from Jam Punzalan of ABS-CBN online: ASEAN parliamentarians are urging President Duterte to stop red-tagging opposition law makers because they said,  “The extremely violent consequences in the Philippines and that the fact we are seeing President Duterte leading the way on such a menacing practice is utterly inexcusable.” Will PRRD heed their appeal? Why or why not?

SEC. ROQUE: That’s a misleading question. Kasi ang impression na binibigay mo ay iyong mga parliamentarian ng ASEAN ay iisa sa ganitong posisyon. Ako po ay naging kongresista, umatend din po ako ng ASEAN parliamentarian forum na iyan. Iyan po ay organized by the Open Society Institute of George Soros. Ang mga nagpunta po noong panahon na ako ay nagpunta diyan, ako, Akbayan. Makabayan. So, ibig sabihin, hindi po sila representative of the views of the overwhelming majority of parliamentarians and because they are not, that’s a view of a very few ASEAN parliamentarians and I don’t think it deserves any attention.         

USEC. IGNACIO:  Ang second question po niya about doon sa Pfizer vaccine deal.  Who is right between Secretaries Duque and Locsin? And given that the two top officials are issuing contradicting statements, what does this say about our bid to get vaccines?

SEC. ROQUE: Well, it doesn’t affect po our need to have vaccine because the Vaccine Czar is no other than Secretary Galvez. Mag-away na ang lahat kung gusto nila, but the President has made it clear: There is only one person in charge of getting the vaccine – it’s Secretary Galvez.

So these conflicting opinions between Secretary Locsin and Secretary Duque, in the end does not really matter because it’s Secretary Galvez who has the full authority and he will be fully accountable to the President, no one else, in case we bungle the purchase of the vaccines. But given the track record of Secretary Galvez, I think that’s a far shot. We will succeed because of the proven competence of Secretary Galvez.

Pero iyon po ang katotohanan: Mag-ingay nang mag-ingay everyone else, wala pong pakialam ang Presidente dahil ang pagkuha ng vaccine, with Secretary Galvez – no one else.

USEC. IGNACIO: Question from Virgil Lopez of GMA 7 News Online: Philippine Ambassador to the US Babe Romualdez said the country missed its chance to access around 10 million doses of COVID-19 vaccine developed by Pfizer BioNTech as early as January 2021 because the government failed to submit the required confidentiality disclosure agreement on time. Senator Panfilo Lacson meanwhile blamed Health Secretary Duque for this. Is the President aware of this development? Will the President ask Secretary Duque to explain?

SEC. ROQUE: Well, gaya ng—sinagot ko na po iyan. There is only one person in charge of vaccines, it’s not Secretary Locsin; it’s not Secretary Duque; it’s only Secretary Galvez.

USEC. IGNACIO: Secretary, parang follow up lang po ito doon sa ASEAN Parliamentarians din. Sinabi rin po niya dito: The Parliamentarians said the President’s actions tend to silence political opposition, undermine democracy and directly people’s lives at risk particularly those who oppose him.

SEC. ROQUE: Very, very small numbers of ASEAN Parliamentarians said that. And because of this, that’s part of their freedom of expression which probably they don’t even have in their own respective states. We leave it at that. Let that there be their views.

Okay. Joseph Morong, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Yes, sir. Can I go first to Secretary Cimatu and then I have a bunch of questions for you on other topics.

SEC. ROQUE: Yes, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Secretary Cimatu, how are you doing?

SEC. CIMATU: Good morning, Joseph. How are you? It’s nice to see you again.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir. Iyon po munang sa dredging ‘no. This will affect several towns there. Now, you mentioned kanina that the dredging will be for free. But I’m interested to know who the contractors are and what’s going to happen to the sands that they will dredge? Because alam naman po natin iyong issues sa norte ‘no na may mga allegations doon of some Chinese companies getting our sands. So first question, sa dredging, who are the contractors? And then what will happen to the sand that they will get because the dredging will be for free, walang babayaran but except for the 4% excise tax. That first.

DENR SEC. CIMATU: Ang magbibigay ng authority to dredge ay ang governor. The governor now will make an agreement with this contractor. Kasama po iyan, mag-dredge sila for free, then they get the sand to sell it but they have to pay excise tax to the government – 4% po ang ibabayad nila.

And ano naman, there is a process naman sa pagkuha ng contractor by the governor, ay may proseso po iyan. Mayroong … they have mga clearances, everything. At saka mayroon din naman silang iyong authority to transport nila, they have to get the clearance from the Bureau of Mines.

JOSEPH MORONG/GMA7: So, sir, ibig sabihin, once they secure a clearance from the governor, the sand can go to anywhere the contractor wants to deliver it to, maybe China?

DENR SEC. CIMATU: Yes. But they have to ano, mayroon namang kasulatan diyan na dapat hindi pupunta iyong mga nakuha nilang mga sand in some places – the West Philippine Sea, Scarborough. At talagang naka-specify po iyong pupuntahan lang niyan. Hindi naman basta-basta aalisin nila, they can go anywhere; mayroon tayong restriction po diyan, nasa kontrata iyon.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir. With regard to the dredging pa rin. Iyon po bang plano na iyan, when will it start? And do you already have the consent of the local government because I understand there are some rulings from the Supreme Court that you have to have the LGU permission also. And did you also conduct an environmental impact assessment to see na we will not be disturbing the ecosystem in there because I was told that there is a special fish there that is endemic to the river. Ludong ba iyon?

So two aspects: Mayroon po bang consent ng mga local governments there and did we have an environmental impact assessment? And when is it going to start?

DENR SEC. CIMATU: Kasama po lahat iyon. In fact, there is a committee doon, sa Tuguegarao, mayroong committee doon from different agencies including the local government na ang talagang inaano nila itong lahat, including the ECC from the DENR, including the permit from the governor and the mayor. Kasi maraming mga—tama ka nga, maraming mga towns na madadaanan. Mauna ang Aparri, going upstream kasi dredge nila kasi hindi makapasok iyong vessels nila. And marami kasi, maluwag ito, talagang if I have to compute kung ilang buwan ito na makausog sila hanggang sa Tuguegarao ay abutin ng mga taon pa siguro ito eh. Kasi mula Aparri hanggang Tuguegarao lang, hundred kilometers na kaagad iyan. Ang una pa lang nilang gagawin is eight kilometers lang muna, ilang buwan siguro iyan.

So ganoon talaga ang … medyo matagal talaga. This is a long-term, really, solution. Kaya iyong short term na magagawa natin [unclear] next year, magkakaroon uli ng ganiyang kaano talaga, and we have to do something now at ito iyong Magapit, ito iyong sinasabi ko kanina Magapit Narrows na mabawasan by the engineers natin. Kasi we’ll not be relying to the contractors dito, sa atin mismo na gagawi rito.

JOSEPH MORONG/GMA7: Pero, sir, pumayag na po iyong mga local governments ng Alcala, iyong ganoon?

DENR SEC. CIMATU: Yes, very interested sila. In fact, very willing nga si Mayor Antonio yata iyong nandoon sa Alcala, including si Dr. Serigan ba iyon. We were able to … nag-usap kami doon sa Tuguegarao.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, super short question: Marikina dredging – you’re going to remove reclaimed areas there. Kasama, sir, diyan iyong mga … may mag residential lots ba iyan, sir, na residential areas na maapektuhan?

DENR SEC. CIMATU: Opo. Hindi naman iyong nandiyan lang. Kung hindi naman sila kasama sa [unclear] o kaya hindi naman iyong mga nag-violate, nag-put up ng structure na within the river itself. In fact, some of them ay ni-reclaim na nga eh iyong … napasikip na iyong 90-meter noon na wide, how wide was the Marikina River noon, 90 noon, ngayon naging  60 na lang in some portion. So ito ngayon ang ano… we have already given a notice of violation to some of the lot owners. Pinakita ko kanina saan itong mga pumasok sa River.

At kung maano na ito, mabawasan natin ito ay talagang luluwag iyong daanan ng river diyan sa Marikina.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir. Thank you for your time. Nice to see you again. Secretary Roque, can I go to you now?

SEC. ROQUE: Please go ahead.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right, sir. Several questions, Secretary Duque. You said that Secretary Duque explained himself to the President. We didn’t see that in the public address kagabi. Now, I am interested in the circumstances, how was that brought up? Tinanong mo ba iyong issue doon sa meeting ninyo kahapon? And what was Secretary Duque’s explanation to the President?

SEC. ROQUE: Well—okay, I will answer you – yes, I brought it up because I felt that it was something that the President himself should address given that there are two different accounts by two members of the Cabinet. So it’s not something that I as Spox could address myself and that is why the full extent of what I will tell you is what the President advised Secretary Duque should do and that is to respond to Secretary Locsin.

JOSEPH MORONG/GMA7: You can’t tell us to how he explained himself to the President?

SEC. ROQUE: I cannot contravene what the President has said. It is Secretary Duque who should respond to Secretary Locsin.

JOSEPH MORONG/GMA7: So established na natin, sir, na however we interpret the dropping of the ball, there was somebody na medyo nagkaroon ng problema with regard to Pfizer, yes?

SEC. ROQUE: I don’t think mayroon talagang conclusion na nagkaroon ng problema with Pfizer. Kaya nga po importante na sagutin ni Secretary Duque iyong alegasyon.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Okay. So, what was the effect of the alleged dropping of the ball because January obviously hindi na iyon mangyayari, so that’s the consequence? Number, two, ten million doses sana, sir. Where are we at now with Pfizer? Is it less than ten million?

SEC. ROQUE:    Well, unang-una po, ang sabi naman ni Secretary Galvez who was in the meeting, imposible naman po yata talaga na mabibigyan tayo ng ten million as of January kasi nga po fully committed na iyong ima-manufacture ng Pfizer for January. In fact, nabili na po ito at ito po iyong ginagamit na sa Estados Unidos, sa Britanya at possibly sa Canada and Australia.

So, parang ang sabi ni Secretary Galvez, from what he knows, imposible naman talaga na makaka-deliver sila ng January. But talks are in the advance stages and kaya nga po we expect that we will have Pfizer between the second and the third quarter. As of the quantity, that’s covered by NDA or non-disclosure agreement.

Last question please.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Pero, sir kasi kinomit—hindi, follow-up. Kinomit na iyong ten million eh, so parang sayang iyon. Is the President not nanghihinayang sa ten million kasi parang sure ball na iyon, January pa nga, pinakamaaga sana?

SEC. ROQUE:    Joseph, abogado rin ako kaya ang NDA applies to the volume, applies to the cost and applies to delivery dates specifically. So, please understand, I cannot respond even if I knew. But on purpose, dahil si Sec. Galvez ho naman ang in-charge diyan hindi ko na po iyan pinanghihimasukan, I just take the information or whatever new Secretary has and tell the public. Most of the time iniimbita ko po si Secretary Galvez para siya mismo magdeklara at magsabi kung ano iyong mga balita. So, let’s leave it at that.

Okay, thank you. Thank you very much, Joseph—

JOSEPH MORONG/GMA 7:   No, no, no. TRB, sir, isa lang. TRB. Which one is it, because we’re trying to get them to react doon sa statement ni Presidente pero ayaw nilang magsalita—

SEC. ROQUE:    Ano pa bang masasabi nila?

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Which one is it?

SEC. ROQUE:    Sisibakin silang lahat dahil incompetent sila. What’s there to ask pa?

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Which one is it, sisibakin, ask to resign, already fired, papalitan na ng military? Which one is it, sir from the statements of the President? Fired already

SEC. ROQUE:    Okay. He was clear. Huwag na sigurong maghintay na sibakin, kinakailangan mag-resign ang mga inkompetente at hindi lang naman po sa TRB iyan – lahat ng regulatory bodies – that’s a warning to everyone! Kung hindi ninyo kayang gawin ang trabaho ninyo, mag-resign na kayo, huwag na kayong maghintay na sibakin kayo.

Okay? Thank you.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Okay. Thank you.

SEC. ROQUE:    Thank you, Joseph. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO:   Question for Secretary Cimatu from Melo Acuña, pahabol po niya: Kung puwede daw pong pangalanan ni Secretary Cimatu ang nasa likod ng quarry controversy sa Albay?

SEC. ROQUE:    Secretary Cimatu?

SEC. CIMATU:    I will find out from my regional director there who are the owners of the quarry operations. Hindi ako pamilyar who are those behind sa mga nagka-quarry doon. I will check, I will give you the data now o pagkatapos nito, I will ask immediately. Hindi ko ho kasi alam kung sino ang mga persons behind this quarry doon sa Bicol.

USEC. IGNACIO:   Question for Secretary Roque mula po kay Sam Medenilla: May naging desisyon na po kaya si President Duterte pagdating po sa assessment ng performance ng telco companies?

SEC. ROQUE:    Well, ang last declaration po ng regulatory agency na National Telecoms Communication ay binibigyan nila hanggang end of this year bago nila i-evaluate ang mga performance ng companies, kasi ngayon lang naman talaga nabigyan ng permits for 5,000 towers. So, hayaan natin, bigyan natin sila ng panahon para ma-construct actually iyong mga towers then they will evaluate.

USEC. IGNACIO:   Second question po niya: Nakarating na po kaya kay President Duterte ang bill extending the effectivity of the Bayanihan II at saka po ang 2021 National Budget?

SEC. ROQUE:    Wala pa po. Lalo na iyong budget, wala pa po. I was asked to clarify, as far as schedule is concerned, mayroon pong naunang schedule ng symbolic signing on the 23 but there has been an additional date provided. The next date provided is December 28, so either December 23 or December 28 has been the date allotted for symbolic signing.

USEC. IGNACIO:   Secretary Roque, tanong naman po ni Ace Romero: Naniniwala po kayo at si Secretary Galvez na imposible iyong ten million doses ng Pfizer vaccine sa January kahit na broker sina Secretary Locsin at Secretary Pompeo? If it’s impossible, why would these officials waste their time exerting such effort kung imposible nga daw po ito?

SEC. ROQUE:    Ako, wala akong opinyon diyan because I was not there in the negotiations. Si Secretary Galvez only said na parang imposible na magkaroon ng delivery as of January kasi ubos na nga po iyong supply na na-manufacture as of January. Matagal na pong ubos iyon. I think, if you judge what has been also said by Ambassador Romualdez, you know he’s saying that the delay in signing the document may have caused a delay in the procurement. Pero at that point kasi nag-uunahan so, sa akin po everything is speculative. Because ang  katotohanan lamang is we will have the Pfizer vaccine when we actually have it.

Okay? Thank you. Pia Rañada, please.

PIA RAÑADA/RAPPLER:   Hello, Secretary?

SEC. ROQUE:    Yes.

USEC. IGNACIO:   Sir, may I have just a quick question for Secretary Cimatu?

SEC. ROQUE:    Go ahead, please.

PIA RAÑADA/RAPPLER:   Yes, sir. Secretary Cimatu, you mentioned, sir, may mga violations of reclamation projects in Marikina which you plan to crackdown on. Sir, can you just clarify, does this include the BF Corporation reclamation? And BF Corp. is supposedly owned by former Mayor Bayani Fernando? And ano po iyong mangyayari doon sa reclamation project na iyon, given your findings?

SEC. CIMATU:   Paki-flash lang iyong mga lot numbers, iyong mga nag-intrude, nag-put up ng structure diyan sa river. We can only give the lot number, but the owners hindi nai-specify pa. We have a list na nag-intrude dito sa river but the lot number lang ang nakalagay na ibinigay sa akin.

So, I will still get from the LRA, iyong mga lot numbers ba para malaman kung [kanino]. Ito po, iyong sa kaliwa, left side iyong mga [lots]. These are the lot numbers na ito na mga identified encroachment on Marikina River. Ito po iyong mga nag-encroach, iyan ang lot number including the areas na na-encroach.

Ito, lot number four, ito iyong number so we’ll check kung sinong may-ari ng mga ito. Hindi lang nailagay kasi baka magalit.

PIA RAÑADA/RAPPLER:   Okay, sir. Kasi sir I recall you saying that wala raw pong ECC iyong BF Corp. reclamation and that’s why si Marikina Mayor Marcy Teodoro was planning actually to file an administrative complaint and you were also mentioned there, sir, that you would look into it, so, I’m just wondering since you knew naman before that iyong BF Corp. nga po iyong involved dito. Any update on that like iyong even just their ECC compliance?

SEC. CIMATU:    Well, talagang hindi mabibigyan ng ECC kasi encroaching sa river eh. Talagang, definitely walang ECC na ibibigay namin diyan. Violation na talaga iyon so, wala talagang ECC iyan, so ito na ngayon iyong mga ano natin na i-find out namin ito sa ano then we will ask him to explain and then after that kung talagang violation iyong ginawa niya, mag-self demolish na lang sila diyan. Otherwise we will be the one to demolish at their cost.

PIA RAÑADA/RAPPLER:   Sir, you’re referring to the BF Corp. reclamation specifically?

SEC. ROQUE:    Misleading ka naman, Pia. Sabi na nga ni Sec. hindi niya alam eh.

PIA RAÑADA/RAPPLER:   Oo nga, sir, kasi I ask about the ECC compliance which he knew about so I’m just clarifying sir, is he referring specifically to BF Corp.

SEC. CIMATU:    Well, to be fair also, baka naman hindi. Kasi kung sino man ang may-ari kasi hindi nakalagay sa aming listahan iyong sa lot number. Walang lot number ito, iyong area na sinasabi siguro ninyo walang lot number, so, we don’t know yet the owner. But we will check and in due time siguro malalaman natin na, Pia.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. Thank you po. For Secretary Roque naman, sir. Sir maiba lang ako, doon sa ICC. Sir, kasi ‘di ba the ICC is trying—the prosecutor is trying to—still seeing if she will ask the authority to conduct an investigation on whether or not the government is willing or unable to investigate the EJK or the drug-related deaths. So sir my question is, will the President—or has the President ever withdrawn his order to the police not to give domestic bodies like the CHR their investigation folders? ‘Cause I think this is what prompted Catalino Cuy before the former DILG Undersecretary to tell police to withhold those investigation folders from the CHR.

SEC. ROQUE: When we withdrew our membership from the Rome Statute, we also withdrew from the obligation to cooperate. So we are under no obligation to cooperate with the ICC, which is why in one decision, which I understand has been reconsidered ‘no. But the practical issue remains the same – how will you proceed with an investigation when there is unwillingness to cooperate? When the police will not give their records, anong gagawin mong imbestigasyon? Natural ang magiging basehan ng imbestigasyon mo iyong sinasabi ng Makabayan bloc. I don’t think that will—

PIA RAÑADA/RAPPLER: Opo, sir. Actually I’m not referring to the ICC investigation. I’m referring to probes by domestic bodies kasi sir that’s exactly what the ICC is trying to find out. Is the government at least cooperating with domestic mechanisms for attaining justice for drug war abuses and so does the standing order of the President to withhold these investigation folders could be taken by the ICC as unwillingness to investigate? So I just want to know sir, has the President withdrawn this order or does it still stand?

SEC. ROQUE: I don’t understand what you’re asking ‘no but what’s clear is that Secretary Guevarra even created an inter-agency committee to look into these alleged cases of extralegal killings proving that we are discharging our obligation to investigate and prosecute.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So sir, do you think that the ICC should not see this order against the CHR? Kasi sir CHR, it’s separate from the Executive branch in the sense that it’s constitutional commission so it’s perceived as more removed from the Executive branch from the politics of the President and so it’s—the question here is: do you think the ICC should see this order as proof that we are not—the government is not willing to investigate these deaths, at least even domestically?

SEC. ROQUE: I don’t know what order you’re talking about but as I said the DOJ Secretary himself has created an inter-agency committee to look into these alleged cases of extralegal killings ‘no. That’s the full extent of our obligation ‘no given that there is no allegation that we actually ordered the killings, okay? So as to the CHR, yes it’s a constitutional body, but the ICC should have looked into the fact on who the Chairman of CHR is and the fact that he is a very political supporter of the opposition.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So sir, will the President allow the CHR to receive the investigation folders on the drug war?

SEC. ROQUE: I do not know ‘no because the Executive already is investigating so it’s superfluous ‘no but I do know really what CHR will do. We don’t mess around with the operations of CHR and they can do whatever they want. Okay? Thank you very much Pia for your quick but explosive questions on Cagayan—on Marikina I should say [laughs]. Back to Usec. Rocky…

USEC. IGNACIO: Question from Leila Salaverria po, pahabol: Ang sabi po ni Secretary Duque, the confidentiality agreement with Pfizer was originally—supposed to be signed by the Office of the President but ES later said the DOH should sign. Nagka-roadblock din ba sa Office of the President about dito daw po sa Pfizer deal?

SEC. ROQUE: Eh this is about acquisition of a vaccine po kaya naman po ni-refer iyan sa Department of Health because hindi naman po hurisdiksiyon ng Office of the President iyong pagbili ng bakuna – that’s really a line function of the Department of Health.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol pong tanong si Marichu Villanueva ng Philippine Star: Pa-clarify daw po, he announced daw po today lessen dedicated beds to COVID but DOH Secretary Duque asking hospitals to provide extra beds to anticipate super spreader event this holiday season.

SEC. ROQUE: Clarification po: sa ngayon po ang bumaba ay iyong TTMFs – Temporary Treatment and Monitoring Facilities, either words isolation facilities po. Pero pagdating po sa hospital natin ‘no, hospital capacity natin, makikita ninyo po na nasa 22% po tayo of ABC. ABC po iyan, iyong niri-require natin ngayon sa mga hospital na ireserba para sa mga COVID-19 patients at hindi naman po puno iyan. At makikita ninyo, dumami nga po iyong mga beds natin ‘no sa ward beds dahil nga dito sa ini-enforce natin na 22% of bed capacity—approved bed capacity. Mayroon na tayong karagdagan na 595 beds, na ward beds; mayroon tayong karagdagan na 546 isolation beds at mayroon po tayong karagdagan na 271 ICU beds at additional 15 units of mechanical ventilators. So ang mga naisara lang po ngayon for the time being ay iyong mga isolation facilities. Okay?

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you. So wala na po tayong mga katanungan. Thank you very much to Secretary Cimatu. Thank you very much to Usec. Rocky and thank you very to the men and women of the Malacañang Press Corps. I hope you enjoy your virtual party tomorrow at mayroon naman tayo kahit papaanong mga mementos ‘no, mga maliit na tokens ‘no at sana mabusog kayo sa mga tahanan ninyo habang kayo’y nagkakainan because I understand that it is a virtual party. I hope to join you too, so yes, I think I will be able to join you tomorrow.

And for the time being po, sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox na nagsasabi: sana po gumawa tayo ng hakbang, hakbang para tayo’y magkaroon ng Merry Christmas at Happy New Year. Kaya po iyan sa pamamagitan nang mask, hugas at iwas. Magandang hapon po sa inyong lahat.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)