Press Briefing

Press briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Mask, hugas, iwas. Magandang tanghali, Pilipinas.

Mask, hugas, iwas – iyan po ang kinakailangan para tayo po ay pangalagaan ang ating kalusugan ng tayo po ay makapaghanapbuhay.

Well, magandang hapon po sa inyong lahat. Kung inyong matatandaan, naglabas ang inyong IATF ng isang resolusyon, ito po iyong IATF Resolution 80 kung saan pinayagan ang pagbabalik ng motorcycle taxi pilot study. Kaugnay nito, inatasan ng National Task Force at DOTr na ipatupad at i-monitor ang nasabing pilot program. Naglabas ang NTF ng operational guidelines para sa motorcycle taxis at tricycle back-riding. Ito po ang ilan sa mga salient points: Unahin natin ang motorcycle taxis.

  • Para sa motor taxi drivers, dapat ay nasa maayos na kalusugan bago ang kanilang accreditation ng motorcycle taxi application providers as certified ng clinic na accredited ng DOH.
  • Magsuot ng protective gear gaya ng jacket or long-sleeve shirt, closed shoes, long pants at iba pang protective gear habang nasa biyahe.
  • Magsuot ng reflectorized vest na may motorcycle taxi branding at identification card, at siguraduhin na lahat ng drivers ay bahagi ng DOTr, TTWG, motorcycle taxi pilot study driver master list.
  • Gumamit ng sariling helmet na may full-face visor habang nagbibiyahe na magsisilbing face shield. Magsuot ng facemask na natatakpan ang ilong at bibig.
  • Mag-submit ng body temperature at motorcycle sanitation report bago magsimulang bumiyahe sa motorcycle network company or ride-hailing service.
  • Mag-fill out ng health declaration form ng DOTr, accredited motorcycle apps bago bumiyahe.
  • Siguraduhin ang mga kamay ng driver at pasahero ay nag-sanitize bago sumakay ng motorsiklo.
  • Gumamit ng motorcycle unit na walang modified parts, components or accessories.
  • Parating mayroong NTF approved barrier sa pagitan ng driver at pasahero sa buong biyahe.
  • Linisin at i-disinfect ang helmets, riding apparels, upuan at shields pagkatapos ng bawat biyahe.
  • Ang bilis ng takbo ay hindi tataas sa 60 kilometers per hour sa daan habang naka-duty. Sundin ang speed limits sa daan gaya ng eskuwelahan, simbahan at palengke.
  • Sundin lahat ng traffic rules and regulations.
  • Sundin ang maximum payload ng motorsiklo.
  • Siguruhin na ang motorsiklo ay routinely maintained at lahat ng safety gears ay nasa magandang kundisyon.
  • Sumunod sa required na COVID-19 testing.
  • Tumanggap lang ng isang pasahero sa bawat biyahe at kunin ang bayad o pasahe sa motorcycle online application.

Samantala, maaaring tanggihan ng motorcycle driver ang mga sumusunod na pasahero: Iyong mga nakainom, nakadroga o iba pang banned substance; PWD na hindi makahawak nang maayos o ligtas; mga bata, mga buntis, mga hindi sumusunod sa required na protocols.

Ito naman po ang dapat sundin ng mga pasahero:

  • Magsuot ng protective gear gaya ng jacket, long-sleeve shirt, closed shoes, long pants at iba pang protective gear habang nasa biyahe.
  • Gumamit ng sariling helmet na may full-face visor na sarado habang nasa biyahe na magsisilbing face shield.
  • Magsuot ng facemask na natatakpan ang ilong at bibig habang nasa biyahe.
  • Nakaupo nang naka-front face.
  • Siguraduhin din na ang kanilang mga kamay ay sanitized bago sumakay at bago bumaba ng motor.
  • Mag-fill out ng health declaration form via DOTr accredited motorcycle taxi apps bago mag-booking ng biyahe.
  • Linisin at i-disinfect ang helmet, riding apparels at shields pagkatapos ng bawat biyahe.
  • Magbayad lang sa motorcycle taxi only application.

Sa mga motorcycle taxi app providers, ito naman ang dapat na ipatupad:

  • Proper identification ng drivers at mga pasahero gamit ang platform para masiguro ang contact tracing. Tandaan na lahat nang nakukuhang data ng identification galing sa motorcycle app providers ay confidential at private information.
  • Dapat siguraduhin din na ang motorcycle app provider ang data security at siguraduhin na ang nakolektang identification information ay para lang sa security at public health protocol.
  • Magbigay ng comprehensive safety campaign sa publiko para masiguro na alam ng mga pasahero ang public health standards at protocols ng pagsakay sa motorcycle taxi.
  • Siguraduhin ang pagsunod ng driver sa paggamit ng NTF approved barriers.
  • Siguraduhin din na ang bayad sa pasahe ay cashless.
  • Siguraduhin na ang drivers ay nagbibigay ng body temperature at motorcycle sanitation status report bago magsimula ng unang biyahe.
  • Siguraduhin na ang drivers at pasahero ay mag-fill out ng health declaration forms via DOTr accredited motorcycle apps bago bumiyahe.
  • Siguraduhin na ang drivers ay nagpapa-COVID-19 testing.
  • Siguraduhin na ang drivers ay regular na nagti-test sa alcohol at droga.
  • At mag-submit on a monthly basis ng raw data ng mga sumusunod: Iyong road crashes at reklamo mula sa pasahero; service feedback mula sa pasahero; datos sa biyahe, kilometrong biniyahe, pasaheng nakolekta.
  • Ang pilot implementation ay kukuha rin ng mga datos mula sa mga lugar na matutukoy ang best course of action para sa lugar na iyan.
  • Magbigay ng feedback mechanism ng driver at pasahero para maipaalam ang reklamo at iba pang issues.

Okay, napakadami pong mga nagtatanong ‘no, ano ba ho iyong nangyari kahapon? Well, kahapon po ay bising-busy po ang ating Presidente. Nagsimula po iyan mula sa mga oath taking. Isa sa mga nag-oath ay iyong ating bagong Speaker, Lord Allan Velasco. Matapos po iyan ay nagkaroon po ng pagpupulong nga po … nagpulong po ang Presidente kasama po si Secretary Menard Guevarra; ang ating OIC Director ng NBI, Distor; si Executive Secretary; si Senator Bong Go. At kasama po nila ang mga kwarenta pong opisyal ng BI, lahat po ay nasuspinde o nakasuhan na ng Ombudsman tungkol nga po dito sa pastillas.

Now, ang nakuha ko pong impormasyon ay kalma naman po ang Presidente nang siya ay pumasok doon sa kuwarto kung saan naganap ang pagmi-meeting. At noong simula po ay inutusan niya iyong kaniyang isang aide na ilabas iyong isang box na pula at bigyan isa-isa iyong kwarentang mga empleyado ng BI; so binigyan po sila ng isa-isang pastillas. Matapos po mabigyan ng tig-iisang pastillas, ang sabi ng Presidente eh kainin ninyo iyan dahil iyan po ay may pera.

Pero hindi naman po nagpilit ang Presidente kasi nga po nandoon daw si Secretary of Justice Menard Guevarra at ang sabi niya baka ako ang makasuhan ‘no dahil nandiyan si SOJ. So hindi naman po niya pinilit na kainin ng mga taga-BI iyong pastillas na may pera ‘no. Pero nagsabi rin po ang Presidente na talagang dapat matigil na ang korapsiyon. At ang sabi naman po ni Presidente, kayo’y mga nakasuhan na, depensahan ninyo ang mga sarili ninyo dahil kung hindi ay talagang makakalaboso sila.

Sa panig naman po ni Secretary Guevarra, sa harap ng Presidente sinabi niya na iyong expanded task force on corruption ay magpapatuloy po ng kanilang imbestigasyon sa CID rin po. Sabi nga po ni Secretary Guevarra, siyempre iyong paglilinis ay sisimulan nila sa kanilang sariling kapaligiran ‘no dahil ang CID po ay nasa ilalim pa rin ng DOJ. At umapela pa rin ang ating Secretary of Justice na sana maaktuhan na po ng Kongreso iyong panukalang batas na nag-aamenda ng batas na bumuo po sa CID dahil Commonwealth Act pa po ito ‘no. Ibig sabihin, iyong batas na bumuo at umiiral ngayon sa Commission on Immigration and Deportation ay panahon pa po ng mga Amerikano dahil Commonwealth Act pa po iyan at dapat na talagang maamyendahan.

Now, sa punto naman po ng PhilHealth. Kahapon kasi ay tinanong, ano ba talaga ang score, hanggang nobenta lang ba po ang libreng dialysis or wala ba ho itong limit? Well, kinausap ko po ang iyong napakagaling na bagong talagang presidente ng PhilHealth at ating kaibigan, si Attorney Gierran, at ito po ang sinabi niya: Unang-una, kukuha po siya ng board approval para po maparami pa iyong dialysis more than 90. Ang kaniyang magiging suggestions sa board po at ito po ay bukas nilang pagmimitingan ay three times a week, times four weeks a month, times 12. So more or less po, ang maibibigay na libreng dialysis kung aaprubahan po ng board ay 133 per year.

Now, bukod pa po dito, mabuting balita po ito ha, sinabi po sa akin ngayon lang po ‘no bago magsimula ang press briefing ni Attorney Gierran na nakapag-usap din siya kay General Manager Garma ng PCSO. At bukod pa doon sa 133 na dialysis na sana po ay maaprubahan sa pagmimiting ng board bukas ay magbibigay din ng 10,ooo pesos sa lahat ng mga nagpapa-dialysis ang PCSO. Sana po malinaw na ngayon kung ano ang mangyayari doon sa ating libreng dialysis habang tayo po ay nasa panahon ng pandemya.

Pumunta naman po tayo sa COVID-19 update natin. Ito po ang global update, sang-ayon pa rin po sa Johns Hopkins: Higit limampung milyon na po or 50,801, 471 ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo. Nasa 1,262,251 katao naman po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus.

Nangunguna pa rin po ang Estados Unidos na mayroon pong mahigit sampung milyon na mga kaso at 238,097 deaths; pangalawa pa rin po ang India na may pinakamaraming kaso ng COVID sa mundo, mayroon po silang 8.5 million cases at 126,611 deaths; pangatlo po ang Brazil, 5.6 million na mga kaso, 162, 628 deaths; pang-apat po ang France – 1.8 million na mga kaso, 41,049 deaths; at panlima po ang Russia, mayroon pong 1.7 million na mga kaso at 30,546 deaths.

Mayroon po tayo ngayon dito sa ating bayan – 29,018 na active cases sang-ayon po sa November 9, case bulletin ng DOH. Ito ay mula sa kabuuang bilang ng kaso na 398,449. Sa mga aktibong kaso, 82.7% po ay mild; 9.4% po ay asymptomatic; 5% ay critical; 2.8% ay severe. Mayroon na po tayong nai-report na 361,784 na recoveries, samantalang nasa 7,647 naman ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus. Nakikiramay po kami.

Pumunta po tayo sa ating critical care capacity, ito po, maganda po ang ating critical care capacity pero hindi ibig sabihin magpapabaya na po tayo. Kinakailangan abutan po natin ang bakuna na hindi na po magtatagal ay lalabas na. Isa nga po sa balita kahapon, malaking balita, iyon daw bakuna ng Pfizer 90% effective. So, nandiyan na ang bakuna, ngayon pa ba kayo magkakaroon ng COVID? Kinakailangan po, Mask, Hugas, Iwas. Abutan po natin sana lahat ang bakuna.

Pero pagdating nga po sa ating critical care capacity, mayroon po tayong 56% available pa pong mga ICU beds, 60% available na isolation beds, 69% po ang available ward beds, at 78% po ang available na ventilators. Huwag po nating naisin na gumamit niyang mga kamang iyan – Mask, Hugas, Iwas!

Dito po nagtatapos ang ating briefing. Now, dahil nga po malapit na ang bakuna at 90% effective ang bakuna ng Pfizer na nakabase po sa Estados Unidos eh kagabi po kinausap na natin ang ating embajador sa Estados Unidos, wala pong iba kung hindi si Ambassador Jose Manuel ‘Babes’ Romualdez. Ito po ay isang pre-taped interview para pag-usapan ano na ba talaga ang mga developments pagdating sa bakuna na manggagaling po sa Amerika.

Ito po iyong aming usapan kagabi ni Ambassador Romualdez. Panoorin po natin

[VTR] SEC. ROQUE: Well, makakasama po natin ngayong hapon ang ating Embajador sa Estados Unidos, wala pong iba kung hindi si Ambassador Babes Romualdez.

Ambassador Romualdez, good afternoon and welcome to the press briefing.

AMBASSADOR ROMUALDEZ: Thank you very much for inviting me, Secretary Harry.

SEC. ROQUE: Ambassador, ang tanong lang po ng marami, ano na po iyong estado ng mga vaccine na sinusubukang gawin sa Amerika? Mayroon na ba hong inaasahan tayo na marerehistro sa FDA at ilan ba ho silang mga vaccine na ginagawa at ilan na po ang matatapos sa third stage ng clinical trial? Ambassador Romualdez, the floor is yours.

AMBASSADOR ROMUALDEZ: Well, first of all, mayroon na tayong contact sa mga pharmaceutical companies dito. We’ve been talking to them since three/four months ago at iyong Pfizer ang unang-unang lumapit sa atin, dahil kinausap nga ni Secretary Locsin si Secretary Pompeo na kung puwede mayroon tayong access. So, immediately tumawag sa akin ang Pfizer at mayroon silang country manager diyan sa Manila.

Right now, sila ang pinakanauuna ngayon dito sa Amerika na maa-approve dahil 90% ang efficacy ng Pfizer. Ang maganda diyan eh hindi naman ibibenta sa mga bayan kagaya natin na mahal dahil alam nila na tayo ay simple country, moderate. So, it will be sold to many of their allies specifically in the Philippines na hindi naman gaano kamahal. It will probably be around $5 siguro per shot at maganda na iyon. So, iyan ang unang magandang balita sa Pfizer. Moderna rin ay ready mag-supply sa atin kung gusto natin.

The other thing, Secretary, lumapit sa amin iyong mga private sector na gusto ring tumulong sa atin diyan sa Manila. Iyong private sector natin diyan, iyong business sector na they are prepared to fund kung kailangan ng tulong ng gobyerno na sila ang mamumuhunan nitong mga vaccines dahil siyempre kailangan rin nila para sa kanilang mga empleyado. So, that’s another side to it, na mayroon tayong mga business sector diyan na handang tumulong sa bayan natin.

SEC. ROQUE: Iyong Johnson & Johnson po, iba pa ho iyan a Moderna?

AMBASSADOR ROMUALDEZ: Yes, iyong Johnson & Johnson. Iba pa iyong Johnson & Johnson pero medyo nagkaroon sila ng kaunting setback pero sa tingin namin more or less by the end of this year, by December ay na-approve na ng FDA dito, ang inaasahan na lang natin, iyong ating FDA diyan sa Pilipinas at saka sa DOH.

Siyempre, kailangan nating masigurado na itong mga vaccine maski na approved na dito sa Amerika kailangan approved din diyan sa atin dahil ayaw natin mangyari doon sa nangyari noon sa Dengvaxia.

So, tama naman ang ginagawa natin pero sa tingin ko, itong mga vaccine na mabibigyan tayo ng supply galing dito sa Amerika will be available for us by early next year the latest.

SEC. ROQUE: Ambassador, paano po natin masisiguro na makakakuha tayo ng supply diyan sa mga American companies na nagma-manufacture ng bakuna ano? Mayroon ba ho tayong bilateral agreement with them, mayroon tayong trilateral agreement? Ano po iyong mga hakbang na ginawa natin para masiguro na mayroon tayong makukuhang mga bakuna?

AMBASSADOR ROMUALDEZ: Actually, mayroon na tayong agreement. Sabi ko nga na kinausap nga ni Secretary Locsin si Secretary Pompeo noong last April pa at iyong usapan nila doon, na iyong US government themselves is the one that is encouraging their pharmaceutical companies to talk to countries like ours at ang Pfizer ang nangunguna dahil mayroon silang country manager diyan na kausap ko lagi sa telepono at sinasabi sa akin na sila ang nagfo-follow-up diyan sa FDA natin na kapag once na na-approved tayo ng FDA natin diyan, they are prepared to already plan the supply for us.

Alam naman natin, Secretary Harry kailangan natin ng at least 60% ng ating mga population should be vaccinated, so, lahat ng supply na makukuha natin na galing sa China, sa Russia o sa Estados Unidos o sa iba pang bayan, eh malaking tulong iyan dahil malaki ang kailangan natin at marami naman handang tumulong sa atin na mga bayan na iba.

SEC. ROQUE: May mga tanong lang po si Pia Rañada, kasama po natin sa Malacañang Press Corps. Iyong unang tanong po, na-discuss ninyo na – what is the latest on the Philippine Embassy’s talks with COVID-19 vaccine manufacturers. Iyong pangalawang tanong po niya: Are we targeting to secure a supply of the Pfizer-BioNTech vaccine which the manufacturer claims 90%? Parang nasagot ninyo na rin po iyan. We are already in contact with Pfizer pero wala pa ho tayong written agreement na ginagarantiyahan nila na mayroon tayong minimum na maaangkat?

AMBASSADOR ROMUALDEZ: Actually, wala silang minimum na hinihingi sa atin, basta sa kanila basta ma-approve lang sila at sabihin natin sa kanila kung ano ang kailangan natin, they are ready to supply.

Of course, iyong kanilang production eh medyo this year, mauuna muna of course ang United States dahil hundred million ang kanilang mga vaccine. Pero they are intending to produce as many as one billion by middle of next year.

So, ang ginagawa nila, pinoprograma na nila kung anong bayan ang gustong kumuha ng kanilang product kaya nandiyan iyong kanilang country manager na kausap ang ating DOH at FDA at ang pagkaalam ko ang ating PITC, iyong Philippine International Trading ay iyan ang mangunguna o magdi-distribute. Government to government kasi hindi puwedeng private sector, so kailangan dumaan sa ating government. So, ang PITC ang balita ko na ibinigay sa akin ni Secretary Dominguez, iyan ang magni-negotiate ng purchase of this vaccines.

SEC. ROQUE: So, ang timetable po natin, more or less kailan po tayo makakaangkat nang maramihan para maibigay natin sa mga taumbayan natin?

AMBASSADOR ROMUALDEZ: Sa tingin ko by early next year, the first quarter magkakaroon na tayo ng by tranches iyan. Ang importante lang siyempre, alam naman natin marami ring—we have a 180 countries who are affected by this virus. So the demand is very high, at least for the first tranches of this supply. Pero they are very confident na masu-supply nila lahat ng mga kailangan na mag-o-order ngayon dahil gusto nating bumili sa kanila or at least it is—like I said, government to government kaya kung anong kailangan natin, they we will make it available for us in the very near future. Pero like I said, the first quarter of next year, medyo magandang pag-asa na itong mga kukunin natin dito galing sa mga pharmaceutical companies ay masu-supply sa atin.

SEC. ROQUE: Last question po ni Pia Rañada: President Duterte says he doesn’t want to pay a reservation fee for western vaccines. How does this affect our efforts to secure supply of US developed vaccines?

AMBASSADOR ROMUALDEZ: Well, actually, wala silang hinihingi na down payment o maski na ano. Ang kailangan lang siyempre y iyong kontrata and parang purchase order lang na pipirmahan natin, that the government is prepared to purchase. Kasi kailangan nilang malaman na definitely, kung ano ang kailangan natin. Siyempre itong mga pharmaceutical companies they have to talk to so many other countries at they need a commitment kung ano talaga ang ano, kasi ise-set aside na nila para sa atin iyan. So iyan ang ginagawa ngayon ng Pfizer dahil mayroon silang country manager diyan sa Pilipinas na kausap iyong ating DOH at FDA at malaman nila sana kung ilan ang kukunin natin sa kanila.

And like I said, iyong private sector hangad na tumulong sa atin ‘no. So, magandang balita iyan dahil hindi naman kailangan ng gobyerno kung sakali man ang bumili nito, sila muna ang bibili at siyempre—in fact, ido-donate pa nila, iyan ang pagkasabi sa akin ni Presidential Assistant si Joey Concepcion.

SEC. ROQUE: So my last question po and this is from me: Hindi naman po makakaapekto na President-elect ngayon si Senator Biden dahil ang agreement was entered into between Secretary Pompeo and our Secretary of Foreign Affairs. Tingin naman ninyo the agreement will stand despite the change of government?

AMBASSADOR ROMUALDEZ: Siyempre. Alam mo maski na anong gobyerno naman dito sa Amerika, ang tingin ko lagi namang—this is a universal need for everyone. Maski naman ang ano, lahat ng bayan kailangang magkaroon ng vaccine, dahil useless ito kung mayroon mga ibang bayan na wala, eh hindi na mawawala itong virus na ito. So, we really need to make sure that out of the 9 billion people living on this earth, 60% of that have to be vaccinated for this to end, itong pandemic na ito.

So kailangan magtulungan tayong lahat, maski anong bayan man, kung magkaaway o hindi, kailangang magtulungan dahil lahat apektado eh, hindi mawawala iyan. Eh lalo na dito sa Amerika, we have 4.3 million Filipinos at marami tayong mga gustong dumalaw dito galing sa atin, eh papaano nila iko-control iyong virus kung hindi tayo magkaroon ng immunization ng 60%.

SEC. ROQUE: Ambassador, thank you very much. Please stay safe, and we hope we can have you again in our press briefing in the near future para masabi natin kung ano ang pinaka-latest pagdating sa usaping bakuna sa ating mga kababayan. Maraming salamat, Ambassador.

AMBASSADOR ROMUALDEZ: Maraming salamat din, Secretary Harry, at magandang nakita na naman kita ulit. Matagal na tayong hindi nakikita kaya I’m so happy that you are well and you are doing very well as our Presidential Spokesman.

SEC. ROQUE: Thank you po. That was Philippine Ambassador to the United States, Ambassador Babe Romualdez. Okay, so balik po tayo sa Pilipinas. That had to be pre-taped kasi there is a 12 hour difference. So, if we guested Ambassador Romualdez live today, that would have meant midnight his time, that would be unreasonable naman po. So, let’s go to our open forum now. USec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque. Question from Jason Gutierrez of The New York Times on Sinas appointment. Does this mean the administrative case filed against him is no longer going to be pursued? I know you said earlier you don’t think so. So if PNP Chief can be appointed despite not being cleared of controversies?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po ‘no, uulitin ko lang iyong sinabi ni Secretary Año ‘no. Iyong importanteng kaso po talaga diyan eh iyong kasong kriminal. Eh iyan po ay nakabinbin pa rin sa tanggapan ng City Prosecutor ng Taguig at dahil dito, ibig sabihin nito wala pa pong kasong kriminal si Chief Sinas ‘no. So pagdating po sa administrative, well, iyan naman po ay nandiyan pa rin, hindi naman po iyan nadi-dismiss ‘no. But the appointment of course will have no bearing on the decision of the Taguig Prosecutor’s Office.

USEC. IGNACIO: Question from Kris Jose of Remate: Naglunsad po ang PNP nang panibagong fitness program para protektahan ang kalusugan ng mga pulis sa gitna ng pandemya. Sinabi ni outgoing PNP Chief Cascolan na layon ng programa na mabawasan ang epekto ng quarantine na idinulot ng COVID-19 pandemic lalo na sa kanilang mga katawan. Dito po sa Malacañang, kayong mga miyembro ng Gabinete ng Pangulo lalo na si Pangulong Duterte na sobra pong nakasubsob ang atensiyon at panahon sa mga nangyayari sa bansa, ano po ang ginagawa ninyo para mabawasan ang epekto ng pandemya na bitbit ng COVID-19?

SEC. ROQUE: Ang alam ko po si Presidente eh mayroon siyang—anong tawag doon sa machine na iyon sa pagtakbo? Mayroon po siyang treadmill ‘no at alam ko po halos araw-araw naman pong nagti-treadmill ang ating Presidente.

Ako naman po, five days a week ako po’y—I don’t look it pero nagpupunta sa gym mula nang nagbukas ang gym at sana po eh dumating ang panahon na magkaroon naman ng resulta iyan sa ating itsura ‘no.

So I think the message is para labanan po ang pandemya, importante pa rin ang health promotions, importante po tayo’y manatiling malusog at ang isang paraan para maiwasan ang COVID ay hindi lang po sa mask, hugas at iwas kung hindi manatili tayong malusog, magkaroon nang regular exercise, kumain nang tama, sapat na tulog.

SEC. ROQUE: Punta tayo kay Joyce Balancio, please.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Good afternoon, Secretary Roque. Just a follow up doon sa naging meeting ni Pangulong Duterte with Immigration officials. Parang hindi po nabanggit na kasama dito si BI Commissioner Jaime Morente?

SEC. ROQUE: Yes. I stand corrected. Yes, I omitted Commissioner Morente. Of course he was in the meeting, yes.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. Does he still enjoy the full trust and confidence of the President knowing na ganito karami iyong mga sinasabing sangkot sa pastillas scheme under his watch?

SEC. ROQUE: Alam ninyo naman po ang rule – all presidential appointees serve at the pleasure of the President. ‘Pag wala na pong tiwala, hindi na po sila maninilbihan.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Ano po iyong particular na utos niya kay Jaime Morente at that time?

SEC. ROQUE: Wala po akong narinig na utos other than matapos po niyang ipa-distribute iyong pastillas eh nagkaroon nga po ng pangaral si Presidente na dapat talagang matigil ang korapsiyon ‘no – hindi lang po sa CID kung hindi sa buong gobyerno.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Wala naman pong plano si President Duterte to replace Commissioner Morente given na ganito po iyong nakikita niyang scale of corruption under the Bureau of Immigration?

SEC. ROQUE: I have no information on that as of yet.

JOYCE BALANCIO/DZMM: On a different topic, Secretary Roque. The Office of the Solicitor General filed a petition before the Supreme Court asking Associate Justice Marvic Leonen to inhibit himself from the election protest filed by former Senator Bongbong Marcos. Now as a government lawyer, si SolGen, ano po ang state interest diyan sa election protest ni Senator Bongbong Marcos at bakit po kailangan na mag-meddle ang SolGen?

SEC. ROQUE: Well sa batas po na bumuo ng Office of the Solicitor General, they are actually counsels for the people ‘no and I suppose ang motion had to be filed because it is the interest of our people na malaman natin kung sino talaga ang nagwagi sa eleksiyon para sa Bise Presidente.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Did he ask approval first from President Duterte before he filed that petition?

SEC. ROQUE: Hindi naman po ganoon ang ating Presidente. He does not micromanage. Hinahayaan po niya ang kaniyang mga Gabinete na bigyan ng atensiyon at umakto sa mga bagay-bagay na nasa ilalim ng kanilang mga ahensiya.

Thank you very much, Joyce. We go to Usec. Rocky again.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, question from Rosalie Coz of UNTV regarding po sa mga produkto na nai-introduce sa market like air purifiers, iyong HEPA filters and those claiming COVID virus killers. Gumagamit ba kayo nito at napag-usapan na ba ito sa meeting ng IATF?

SEC. ROQUE: Well, ang air purifiers po bagama’t maraming gumagamit at ako po mismo gumagamit niyan, hindi po iyan napag-usapan sa IATF. Pero iyong HEPA filters napag-usapan na po at kasama po siya ‘no doon sa mga health standards na sinusulong natin ‘no.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Puwede ba itong gawing mandatory ng IATF sa mga places of convergence, sa government and private offices and transportation?

SEC. ROQUE: Alam ko nga po sinusulong iyong paggamit ng HEPA filters ‘no pero lilinawin ko po kung ito ay magiging mandatory o recommendatory. I will clear this up po and on Thursday I will have an answer.

Yes. Punta naman tayo kay Triciah Terada, please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi. Good afternoon, Secretary. Sir doon pa rin po sa issue ng pastillas scam. Sir, how does the President intend to fix corruption in Immigration Bureau kasi medyo matagal na po ito and it’s been years and it still remains unsolved? Now aside from investigating and firing erring officials or personnel, ano po iyong drastic measures that we can expect that the President will do to really fix corruption in general?

SEC. ROQUE: Well alam ninyo naman po ‘no as President and because of the separation of powers ng Executive and Judicial branch of government, the most that the President can impose by way of penalty is to remove them from service ‘no. At iyan naman po ang nangyayari – remove them from the service or impose suspension on them at iyan naman po ang nangyari dito sa kuwarentang katao sa CID.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: So, sir, ano po iyong puwede ninyong maging appeal or like appeal—ongoing appeal sa ating Congress so that you can help him solve corruption kasi ‘di ba po iyon nga po iyong thrust niya for the remaining years in his office?

SEC. ROQUE: Well, pagdating po sa CID, isa sa minungkahi nga po ni Secretary Guevarra ay iyong pagsasabatas nung panukalang batas na nag-a-update po at nagmu-modernize ng batas na bumuo sa CID dahil Commonwealth Act pa po iyan. Pero pagdating po sa korapsiyon in general, we don’t have to reinvent the wheel. Kaya nga po pinupukpok din ng Presidente ang pagtanggal ng red tape dahil as Gunnar Myrdal, double prize awardee, said ‘no, discretion is the source of corruption. So kinakailangan sa pagtakbo ng gobyerno, alisin natin iyong mga discretion ng taong-gobyerno nang sa ganoon wala nang pagkakataon na magkaroon ng korapsiyon. At siyempre po, iyong mga ginagawa ngayon ni Presidente na talagang sinusulong ang mga kaso laban sa mga korap na mga opisyales ay mensahe sa lahat ‘no – na kung gusto ninyong yumaman at kung gusto ninyong kumita bukod pa sa suweldo sa gobyerno, huwag kayong magtrabaho sa gobyerno, sa pribadong sektor kayo magtrabaho.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Secretary, si Chief Legal Counsel Salvador Panelo in his program said that admin allies must ensure that the President’s successor will continue what he started and he said that the best person to take that place or to take on the presidency is the President’s daughter, si Mayor Inday Sara. He also raised the idea of having the President as her Vice President if ever. Ano pong tingin ng Malacañang dito?

SEC. ROQUE: Well, that’s the personal opinion of Secretary Panelo and we respect his opinion.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, last. Iyong Sinovac trials in Brazil has been stopped noting serious adverse effects. How will this affect our search for the vaccine?

SEC. ROQUE: Well, hindi lang naman po Sinovac ang ating inaasahan ‘no, mayroon pong Sinopharm, mayroon pang isang bakuna sa Tsina, mayroon pong Pfizer, mayroong Moderna, mayroong AstraZeneca ‘no. So we’re hoping na iyong mahigit-kumulang sampung mga bakunang dini-develop, at least ilan sa kanila ay makakapasa ng third clinical phase of trial.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Trish. Balik tayo kay Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, tanong po mula kay Rose Novenario ng Hataw: Ang online sabong ba ay legal at pinapayagan na? Kung iligal pa po, bakit namamayagpag na at hindi mapatigil ng mga awtoridad?

SEC. ROQUE: Hindi po legal ang online sabong. Ang huling balita ko po, si Chairman Andrea Domingo, humingi na po ng tulong sa NBI para nga po mapasara itong mga nagpapatakbo ng online sabong.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you po. Si Melo Acuña, please.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Secretary. Magandang hapon po.

SEC. ROQUE: Magandang hapon po.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Secretary. Tanong lang: Ano po ang masasabi ng Malacañang, mayroon pong ginagawa ang Metro Manila Development Authority na isarado iyong lahat ng U-turn slots along EDSA which will cause heavier traffic and more gas consumption? Ano po kaya ang puwedeng gawin dito?

SEC. ROQUE: Well, tiwala naman po kami na kung ano iyong naging desisyon ng MMDA ay pinag-aralan po iyan. As I said, hindi naman micro-manager ang ating Presidente; let’s give it a try. Kung ito naman po ay talagang hindi gagana ay pupuwede naman pong itigil iyan ng MMDA. But meanwhile, we asked for everyone’s cooperation kasi patuloy talaga tayong naghahanap ng solusyon dito sa problema ng traffic.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Ano po ang update doon sa mga nawawalang SAP ng mga barangay residents? I referred a case to you yesterday, what is the SOP para makuha kung saan naroon ang problema?

SEC. ROQUE: Iyan naman po ay ipinagbigay-alam ko na sa Department of Social Welfare and Development. Ang ginawa lang po talaga ay tinanggal iyong mga double entries sa mga SAP beneficiaries. So hindi po dapat mawala kung ikaw ay entitled to SAP, hindi dapat mawala iyong pangalan mo ano. Ang mawawala lang po diyan sa second SAP ay iyong mga lugar na hindi na po nasa ilalim ng ECQ noong mga panahon na iyon. So, siyempre po kung hindi na sila ECQ, talagang mawawala rin sila. So, iyon lang po, tingnan po natin kung ano iyong naging classification at kung talagang dapat naman po ay hindi sila nawala, ipagbigay-alam po natin sa nearest office po ng DSWD.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Pahabol na lang po, ano po kaya ang masasabi ng Malacañang doon sa gang wars na may mga namatay na sa NBP? Ano po ang guidance ng Pangulo kay Justice Secretary Guevarra?

SEC. ROQUE: Well, hindi naman po kinakailangan pang bigyan ng guidance si Secretary Guevarra. On his own, he has initiated an investigation at siyempre po hindi naman tayo makakakomento kung hindi natin nalalaman ang puno at dulo ng insidenteng ito. So, let’s allow the investigation to proceed, and I’m sure Secretary Guevarra will act accordingly after the investigation.

USEC. IGNACIO: Question from Maricel Halili of TV 5. Although nasabi na po ninyo ito, about sa ‘pastillas controversy’. What did the President tell them?

SEC. ROQUE: Iyon nga po, nagbigay po ng pangaral ang Presidente na talagang dapat matigil itong korapsiyon na ito; at iyong kaniyang pagbibigay naman ng pastillas, that’s also symbolic of his anger against corruption. Pero kagaya ng aking sinabi, hindi naman po niya pinilit. Pero, I think the message has been received, kasi not a single person out of the 40 individuals there uttered even a single word.

USEC. IGNACIO: Question mula kay Tuesday Niu ng DZBB: Ano po ang mood ng Pangulo – galit po ba, kalmado o nanermon? At papaano daw po nagtapos ang meeting kagabi [sa mga tao na] kasama sa pastillas controversy?

SEC. ROQUE: Well, ang balita ko po ay kalmado naman po ang Presidente because he came from the oath taking of Speaker Velasco and another person, I can’t remember now the name. Pero dalawa po silang nag-oath taking at nagtapos naman po si Presidente matapos niyang pangaralan ay ang sabi niya, you are dismissed. Pero Secretary Guevarra, construed that as ‘you can leave the room,’ not necessarily dismissed form the service, kasi siyempre po nagpapatuloy iyong proseso na administratibo to determine kung dapat nga silang matanggal once and for all from the service.

MELA LESMORAS/PTV 4: Good afternoon, Secretary. Itatanong ko lang po first about COVID-19. Mamaya po, sir, can you confirm na may IATF meeting muli si Pangulong Duterte at may public address po ba? Anu-ano po kaya, sir, iyong mga tatalakayin mamaya?

SEC. ROQUE: Well, kino-confirm ko po na mayroong pagpupulong si Presidente sa ilang miyembro ng IATF mamaya at iyong kaniyang nakaugalian ng Talk to the People ay mangyayari rin po mamaya.

MELA LESMORAS/PTV 4: Opo. And, sir, sa ibang topic naman po, ito ay isa sa inaabangan ng ating mga government workers. According to his salary standardization po kasi, tuwing November ay matatanggap dapat ng mga government workers ang kanilang year-end bonus. May update po ba tayo dito? At bukod dito, nagpaplano po ba kaya si Presidente na magbigay pa ng iba pang additional bonus sa ating mga government workers?

SEC. ROQUE: Ang alam ko po, dahil iyan po ay nasa batas, kinakailangang maibigay po iyan at iyan naman po ay napaloob na o kasama doon sa 2020 budget na inaprubahan ng Kongreso. So wala pong dahilan para hindi matanggap ng ating mga taong gobyerno ang kanilang Christmas pay.

MELA LESMORAS/PTV 4: And, Spox, may last question lang po. Just for the sake of transparency, ang mga government officials po ba ay nakakatanggap din ng Christmas bonus and if even dahil sa sunud-sunod na kalamidad, may COVID-19 pandemic, willing po kaya ang Pangulo or ang Gabinete na mag-donate ng kanilang matatanggap na bonus sa ating mga kababayan?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, we get whatever every other government official gets – if it’s a 13th month pay, it’s a 13th month pay. As to whether or not magdo-donate po ang mga miyembro ng Gabinete, kaniya-kaniya po iyan. Ako po kahapon ay nag-donate ako ng one month to a divinity school to support poor but deserving students of theology. So, sa akin po, it’s voluntary iyong aking one month eh naibigay ko na po kahapon.

USEC. IGNACIO: Question mula kay MJ Blancaflor of Daily Tribune: Iyong first question niya nasagot na po ninyo about pastillas scam. May we get Palace reaction on PSA report that our GDP contracted by 11.5% in the 3rd quarter of 2020?

SEC. ROQUE: Siyempre po iyan ay malungkot pa ring balita, pero iyan po ay improvement doon sa 16.5 na pagbaba ng ating ekonomiya noong second quarter. So, kung mayroon po kayong—ewan ko kung makikita natin itong graph na ito, so nagri-recover na po ang ating ekonomiya from all-time low of 16.9. I stand corrected, 16.9 pala iyong contraction ng ating ekonomiya; ngayon po ay naging -11.5. So bahagyang umangat na po ang ating ekonomiya, nagpapatunay po that the worst is over. Pero kaya naman po nangyari ito, kasi nga po nag-MECQ na naman tayo sa Metro Manila at ilang mga probinsiya sa CALABARZON at dito po nanggagaling talaga ang 60% ng ating GDP.

So ang mensahe po natin, nandiyan pa po si COVID, pero alam na po natin kung paano maiiwasan si COVID. Kinakailangan lang po talagang buksan ang ekonomiya, pero kinakailangan po mask, hugas, iwas. At kapag sasakay naman po tayo ng pampublikong transportasyon – kasi paano naman makakapagtrabaho ang ating mga kababayan kung kulang ang transportasyon – kinakailangan sundin natin iyong seven commandments sa pagsakay ng public transportation. Ano itong seven commandments? Mask, kinakailangan may mask, dapat mayroong face shield, dapat walang usapan, walang kainan, kinakailangan frequent disinfection, one-seat apart at kinakailangan siyempre po walang symptomatic na sasakay ng public transportation.

USEC. IGNACIO: Iyong second question po niya: Will the President address the nation tonight? And will the IATF discuss the proposal to ban person caroling during the meeting later in the day?

SEC. ROQUE: Well, mamayang gabi po iyong meeting ng ilang mga miyembro ng IATF kay Presidente. Ang next meeting ng IATF ay Thursday. So, ako na po siguro ang magtatanong, kasi palaging lumalabas po iyan sa balita at marami na pong mga local na opisyales na nagba-ban. Ang Manila at Quezon City, nag-ban na po ng caroling. So, tatanungin ko na rin po sa IATF para maging uniform po iyong rules.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, sa pastillas scheme lang. Can you provide us more details? So, may naka-roll na pera doon sa pastillas, magkano iyon, sir? At ano ba ang ginawa ng mga taga-BI, tinanggap ba nila iyan, binuksan ba nila iyan, kinain ba nila iyan? And then if they did not, what happened to the money, iyon muna, sir?

SEC. ROQUE: Alam mo tanong din iyan ni Director Ting. Kaya lang hindi na po nalaman kasi ang kinausap ko naman dito ay si Secretary Meynard Guevarra, hindi na po nalaman kung magkano kasi wala naman doon sa 40 na nagbukas ng pastillas. Hinawakan lang nilang lahat, that is why we will not know kung magkano. Titingnan ko kung may natira po, para kukunin ko iyong pastillas, tatanggalin ko iyong pera, ibubulsa ko. Pero anyway titingnan ko po kung malaman natin iyong mayroon pang natira, baka naman eksakto lang po iyong 40 pastillas para doon sa nag-attend. Pero hindi na po natin nalaman kasi hindi po binuksan ng mga nag-attend ng pulong na iyan.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sabi ni SOJ, walang kumain, walang nagbukas so naiwan siguro malamang sa Palasyo iyong pera. What happened to the money and where did that come from?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung naiwan ang pera ‘no, baka naman inuwi nila as a reminder doon sa paalala ni Presidente na itigil ang korapsyon.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, okay, game: What does the President hope to show by doing this? Kasi for some parang—

SEC. ROQUE: Teka muna ha, baka mamaya—wait, Joseph, baka ako ang ma-misquote ha. Ang kakainin ko at ibubulsa ko iyong pastillas, hindi pera. [Laughs] Yes, proceed with your next question.

JOSEPH MORONG/GMA7: Well, bahala ka sa clarification mo na iyan. Anyway, so now what does the President hope to achieve by demonstrating iyong ganiyan na papakain iyan, whatever ‘no? Because for some people parang… I think a classmate who you also know, parang performative democracy, na parang for show lang iyan. Answer that criticism, sir.

SEC. ROQUE: I don’t think there is anything na for show lang. The President is sending a message: Itigil ang korapsiyon. At noong ginawa po niya, I think lahat po ng taong gobyerno ay narinig ang mensahe. Kaya nga po ang pakiusap, kung gusto ninyong yumaman, huwag kayong magtrabaho sa gobyerno; magtrabaho kayo sa pribado. Dahil talagang sa susunod na dalawang taon, hindi po tatantanan ng Presidente ang mga corrupt – that is the message! And that is a message very well received.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, saan galing iyong binilot na mga pera?

SEC. ROQUE: Hindi ko alam. Ikaw naman talaga, oo. [Laughs] Ang gusto ko ngang kainin ay iyong pastillas eh. Nagugutom na tuloy ako dahil sa pastillas mo. Okay?

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. I think the proof of the pudding is in the eating ‘no. If the President is serious about running after corrupt people, ang status nitong 40, sir, ito ha—can we get the list of names later? But going to my question: Kung 40 ito, ang status ng mga ito, dismissed from service, correct?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam. What I do know is all of them have been suspended.

JOSEPH MORONG/GMA7: Ah, suspended.

SEC. ROQUE: Oo, pero hindi pa yata dismissed. And yes, I will give you the names of these 40 on the basis of the guest lists that entered Malacañang.

JOSEPH MORONG/GMA7: And how much corruption are we talking about in this scheme, iyong pastillas scheme?

SEC. ROQUE: Hindi ko po ma-quantify as of now. I know only as much as I heard from the Senate hearings ‘no na—pero I think it will be billions ‘no. Kasi kung iku-compute mo iyong mga dayuhan na pumasok at kung sila ay nagbayad ng a certain amount, malalaki-laki po iyang suma total na pinag-uusapan natin.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, just last two, very short. Pfizer, if they get an emergency use license will be procured at once or FDA? Second question: May bago ba, sir, NCRPO?

SEC. ROQUE: Well, on your first question, palagi po nating pinag-uusapan iyan – it will be subjected to literature review. Bagama’t mayroon po talaga tayong rule na kapag na-approve lalung-lalo na ng US FDA at alam ko hindi talaga siya uniformed ‘no, talagang we give a premium on the US FDA, eh that is very convincing as far as the Philippine FDA is concerned.

But what I am saying is, they will be some literature review but we also have the rule na kapag na-approve na ng US FDA, European FDA, it’s almost … it will not take time before we approve also the emergency use of this vaccine.

And on the last one, your last question is any update on?

JOSEPH MORONG/GMA7: The NCRPO.

SEC. ROQUE: Wala pa po akong impormasyon diyan. So kapag mayroon naman po, isasapubliko na natin. I think mamayang hapon pa lang iyong … iyong turnover is this afternoon.

JOSEPH MORONG/GMA7: Correct, sir. Sir, isa lang, iyong sa Pfizer. So kapag mayroon doon na emergency use, we can also use the Pfizer vaccine on an emergency basis here?

SEC. ROQUE: Yes, but it is not automatic. Kahit papaano ay magkakaroon ng some review iyan.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, okay. Thank you, sir. Thank you for that.

SEC. ROQUE: Thank you. Back to Usec. Rocky. Thank you, Joseph.

USEC. IGNACIO: Question from Virgil Lopez of GMA News Online. Iyong first question po niya about pastillas scheme pa rin. Ang second question niya: Some private clinics have reportedly ignored PhilHealth’s policy that there is no limit to dialysis session chargeable to the state insurer during a state calamity. What can Malacañang do about this?

SEC. ROQUE: Well, totoo naman po na there is no such thing as there is no limit; kahit saan po tayo pumunta, mayroong limit naman. Pero gaya ng aking sinabi kanina, mamaya ba ho o bukas pa ipu-propose ni Attorney Gierran na magbigay ng up to a hundred thirty-three instead of just ninety.

At saka iyong mabuting balita na for dialysis patients, magbibigay po ng 10,000 pesos ang PCSO.

USEC. IGNACIO: Opo. Last question mula po kay Tina Mendez ng Philippine Star: Can we please know details of meeting between President Duterte and Senator Marcos? When did it happen and what is their agenda?

SEC. ROQUE: Wala po sa schedule na natatanggap ko ang meeting kay Senator Marcos. But I could be wrong, I could clarify ‘no. Pero makakatanggap naman po ako ng calendar. Pero dati-rati po private meeting lang but I’ve since requested na at least iyong guest list ay malaman natin at hindi ko pa po nakita ang pangalan ni Senator Marcos. But I will check po with the Appointments’ Office.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Yes, thank you. Pia Rañada, please.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Hi, sir! Sir, three questions, sir. First, on the pastillas meeting last night iyong with the BI. Sir, you were speaking of the President sending a message during that meeting. So, sir, what message does it send when the President just casually gives out money to government personnel suspected of corruption?

SEC. ROQUE: He did not casually give out money. He was sending a message na he will not tolerate corruption, and that is why his instruction was ‘eat the money.’ Okay? So it’s not casually giving money ‘no.

He did not insist that they actually physically eat it out of deference to the presence of Secretary Guevarra, but I think the message has been received not just by the 40 who attended the meeting but by all in government.

PIA RAÑADA/RAPPLER: But, sir, if it wasn’t casual, sir, saan iyong accounting ng pera? Why don’t we know where it came from? Why don’t we know how much was inside the pastillas?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kasi hindi nga nabuksan eh so hindi nakita ni Secretary Guevarra who is my informant on this meeting kung magkano iyon.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. Sir, second question: Does the Palace think that Solicitor General Calida’s support for Bongbong Marcos during the 2016 elections affects his motivation in filing a motion for Supreme Court Justice Leonen to inhibit from [unclear] of his protest case?

SEC. ROQUE: Let’s just say that the matter of inhibition is now left to not just Justice Leonen but to the court itself. I will not comment on that.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, kasi si Solicitor General Calida is accusing SC Justice Leonen of bias. But is it also then proper for Calida who publicly supported Bongbong Marcos to file this kind of case—

SEC. ROQUE: As I said, he is the statutory counsel for the government. And as statutory counsel, he has an interest in knowing who actually, who legally won in the vice presidential election or we have an interest as a nation to find out if there is merit in fact in that election protest.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, lastly. Si President-elect Joe Biden has said that he plans to hold the 2021 Global Democracy Summit where he wants to confront authoritarianism and attacks on democratic freedoms like press freedom. Sir, what does the Palace think of this planned summit? And is the President likely to attend if he is invited?

SEC. ROQUE: We have no opinion on that po because that’s a statement of President-elect Biden. That’s his prerogative to say whatever he wants. But as far as Malacañang is concerned, we know what our national interests are; we will stand by our national interest. We will maintain our traditional friendship with the United States, and we hope that this relationship will become stronger.

PIA RAÑADA/RAPPLER: As a democracy, sir, in Asia, do you think the Philippines still lives up to it being democratic nation and thus can have something to show during a summit like this?

SEC. ROQUE: Very much so. We have an independent judiciary; we have a functioning Congress, and we have an executive whose powers are patterned after the powers of the US presidency.

PIA RAÑADA/RAPPLER: All right. Thank you, sir.

SEC. ROQUE: Thank you very much.

Okay, Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Secretary, wala na pong mga tanong, Secretary.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat po sa inyong lahat, sa inyong patuloy na pagsubaybay sa ating press briefing. Maraming salamat po sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Maraming salamat, Usec. Rocky. Maraming salamat kay Ambassador Romualdez.

At sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque na nagsasabi – Antayin po natin ang bakuna. Hugas, iwas at mask ng tayo po ay umabot sa bakuna.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)