Press Briefing

Press Briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Balitang IATF po muna tayo: Inaprubahan po ng inyong IATF noong Sabado, a-trese ng Nobyembre, ang paglalagay sa probinsiya ng Catanduanes sa ilalim ng Alert Level 4 simula Miyerkules, Nobyembre 17, 2021, hanggang katapusan ng Nobyembre 30, 2021.

Nasa Alert Level 3 naman po epektibo ngayong araw, a-kinse ng Nobyembre hanggang katapusan, a-trenta ng Nobyembre, ang Baguio City sa Cordillera Administrative Region, at Siquijor sa Region VII.

Nasa Alert Level 3 po mula Miyerkules, November 17 hanggang Nobyembre 30 ang sa Batanes, Quirino, Nueva Vizcaya sa Region II; ang City of Isabela at Zamboanga City sa Region IX.

Samantala, nasa Alert Level 2 naman po effectively immediately hanggang November 30, 2021 ang mga sumusunod: Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Dagupan at Ilocos Norte sa Region I; Tacloban, Southern Leyte, Western Samar, Ormoc City, Eastern Samar, Northern Samar, Leyte, Biliran sa Region VIII; South Cotabato, Sarangani, General Santos City, Sultan Kudarat at North Cotabato sa Region XII.

Nasa Alert Level 2 pa rin po effective ngayong araw, 15 November hanggang 30 November ang National Capital Region, Nueva Ecija, Bataan, Aurora, Pampanga, Bulacan, Tarlac, Zambales, Olongapo at Angeles City sa Region III; Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Quezon, Lucena City sa Region IV-A; Bacolod City, Iloilo City, Negros Occidental, Capiz, Antique, Aklan, Iloilo Province at Guimaras sa Region VI; Negros Oriental, Lapu-Lapu, Cebu City, Mandaue City, Cebu Province at  Bohol sa Region VII; Cagayan de Oro City, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Bukidnon, Camiguin, Misamis Oriental, Iligan City sa Region X; at Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Occidental, Davao City, Davao del Sur at Davao Oriental sa Region XI.

Under Alert Level 2 rin po effective November 17 hanggang November 30 ang City of Santiago, ang Cagayan at Isabela sa Region II; Albay, Sorsogon, Naga City, Camarines Sur, Camarines Norte, Masbate sa Region V; Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay at Zamboanga del Sur sa Region IX.

Tulad ng aking announcement noong Biyernes, naglabas din po ang inyong IATF ng bagong listahan ng mga bansang kabilang sa green, red at yellow list na epektibo mula bukas, November 16 hanggang katapusan, November 30.

Kabilang po sa green list ang American Samoa, Bhutan, Chad, Mainland China, Comoros, Ivory Coast, Falkland Islands (Malvinas), Federated States of Micronesia, Guinea, Guinea-Bissau, Hong Kong (SAR), India, Indonesia, Japan, Kosovo, Kuwait, Kyrgyzstan, Malawi, Mali, Marshall Islands, Montserrat, Morocco, Namibia, Niger, Northern Mariana Islands, Oman, Pakistan, Palau, Paraguay, Rwanda, Saint Barthelemy, Saint Pierre and Miquelon, Saudi Arabia, Senegal, Sierra Leone, Sint Eustatius, South Africa, Sudan, Taiwan, Togo, Uganda, United Arab Emirates, Zambia, at Zimbabwe.

Samantala, may dalawang lugar na nasa ilalim ng red list: Ang Faroe Islands at ang The Netherlands.

Lahat po ng mga bansa na hindi ko nabanggit ay nasa yellow list.

Usaping bakuna po tayo ‘no: Dumating noong Sabado ng umaga, November 13, ang 1,279,000 doses na Moderna vaccine na binili po ng pamahalaan. Habang noong Huwebes naman ng gabi, November 11, nasa 866,970 doses ng Pfizer vaccine na binili ng pamahalaan ang dumating din.

Binabati natin ang lahat, for three straight days in a row last week, pumapalo po tayo ng one million jabs. Noong Miyerkules, November 10, nasa 1,052,600 ang ating naging daily jabs; noong Huwebes, November 11, nasa 1,239,981 ang ating daily jabs – ito na po ang pinakamataas na naitalang bakunahan sa loob ng isang araw; noong Biyernes, November 12, nasa 971,159 ang daily jabs. Good job, everyone!

Samantala, malapit nang mag-70 million ang total vaccines administered sa buong Pilipinas as of November 14, 2021 ayon po sa National COVID-19 Vaccination Dashboard. Sa bilang na ito, nasa 40.93 na po ha or 31.5 million ang fully vaccinated. Congratulations, Metro Manila ha, 101.92 percent, halos ten million na po ang nakatanggap ng first dose, samantalang 92.12% na po o mahigit nine million ang fully vaccinated.

Samantala ngayong araw, a-kinse ng Nobyembre, ang unang araw ng pilot implementation ng limited face-to-face classes sa isandaang pampublikong paaralan. For the first time in one and half years, makikita natin ang ating mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan habang patuloy ang ating apela na sundin ang minimum health standards – isang hakbang ito tungo sa ligtas na pagbubukas nang mas marami pang paaralan sa buong bansa. Ligtas na balik-eskuwela sa lahat!

Sa COVID-19 updates: Nasa 1,926 ang bagong kaso po ‘no ayon sa November 14, 2021 datos ng DOH. Samantala, ang laki nang ibinaba ng ating positivity rate ha, nasa 3.9% na po ito, mas mababa pa sa five percent na positivity rate na inirirekomenda ng World Health Organization. Samantala, patuloy po ang pagtaas ng ating recovery rate – nasa 97.4% na po ito, nasa 2,743,297 na po ang mga gumagaling. Samantala, nasa 45,581 naman po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus – nakikiramay po kami – nasa 1.62% po ang ating fatality rate.

Patuloy na gumaganda ang ating hospital care utilization rate, lahat po under 40% na. Sa buong Pilipinas, 34% lang po ang utilized ICU bed at sa Metro Manila, mas mababa pa, at 31%. Sa buong Pilipinas, 29% lang po ang nagagamit na isolation beds; sa Metro Manila mas mababa pa po, 27%. Sa buong Pilipinas, 22% lang po ang nagagamit na ward beds; sa Metro Manila, ito po ay 25%. Sa buong Pilipinas, 21% ang mechanical ventilators na ginagamit; sa Metro Manila nasa 21% po ito.

Sa ibang mga bagay: Nagpapasalamat ang Palasyo sa patuloy ninyong suporta at tiwala sa ating Pangulo. Ayon sa huling Pulse Asia na isinagawa noong Setyembre, ang performance rating ng Pangulo ay nasa 64% at ang kaniyang trust rating ay nasa 63%. Bagama’t may pagbaba, nananatiling mataas ito sa isang Pangulong nasa huling bahagi ng kaniyang termino, patunay na hindi lame duck ang ating Punong Ehekutibo ha. Asahan nating patuloy na magtatrabaho ang ating Pangulo na buong husay, buong tapang at buong dedikasyon para sa ating muling pag-ahon mula sa COVID-19.

At sa iba pang mga bagay: Nakikiramay po kami sa pagyao ni Light Railway Transit Authority o LRTA Administrator Reynaldo Berroya. Bilang LRTA Administrator, malaki ang kaniyang ginampanang papel para mas mapabuti ang serbisyo ng ating railway sector. Rest in peace, General Rey.

USEC. IGNACIO: Yes, good afternoon, Secretary Roque.

Ang una pong tanong mula Liu Kai of Xinhua News: A US nuclear submarine recently had an accident daw po in the South China Sea but few details were known about the incident. Is the Philippines concerned over the potential threat or destruction to the marine environment following this nuclear submarine accident? What’s the Philippine government stand on the US refusal to provide details of the accident?

SEC. ROQUE: Well, hindi pa po tayo nakatanggap ng opisyal na report galing po sa mga US authorities tungkol dito. Bagama’t nagkaroon po ng pag-anunsiyo iyong spokesperson ng US Seventh Fleet sa US media na noong November 1 ay nagkaroon nga raw po ng aksidente, bumangga daw po ang isang submarine sa isang uncharted sea mount. Now, SOP naman po na pagbibigyan natin ng alam ang ating mga taumbayan tungkol sa mga ganitong pangyayari para maiwasan po iyong pagkatakot o iyong confusion. Pero sa ngayon po, inaantay pa po natin ang official notification at ang imbestigasyon tungkol sa pangyayaring ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po niya: A satellite photo shows that USS Carl Vinzon has passed thru the Philippines without notice and was located very close to Manila, I wonder if you have any info on this? Any comment daw po?

SEC. ROQUE: Sang-ayon po sa National Security Council, iyong USS Carl Vinzon daw po ay nasa Philippine Sea nang October 3 to 4, kasama po ng iba pang mga barko at submarine galing sa Amerika, British and Japanese ships. From 29 October to November 3, the Vinzon conducted separate military exercises with the Japan self-defense force in the South China Sea. Ang siguro po, uulitin ko lang kung ano ang nakasaad sa ating UN Convention on the Law of the Sea, ang mga submarines po, pupuwede ring magkaroon ng innocent passage pero dapat po siya po ay lulutang.

 

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod naman pong tanong mula kay Leila Salaverria ng Inquirer: Pharmally Executives Mohit and Twinkle Dargani were arrested in Davao City while trying to flee for Malaysia aboard a private plane. What does Malacañang think of their attempt to leave the country? Does it consider this action suspect or will it order a probe on who tried to help the siblings leave?

SEC. ROQUE: Well, ang importante po Executive Branch din ang pumigil sa kanilang pag-alis galing Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat, Secretary. Ang susunod pong magtatanong via Zoom ay si Mela Lesmoras.

SEC. ROQUE: Go ahead, Mela.

MELA LESMORAS/PTV 4: Good afternoon, Secretary Roque. Kumusta po? May Talk to the People po ba mamaya si Pangulong Duterte?

SEC. ROQUE: Mayroon pong Talk to the People mamayang gabi.

MELA LESMORAS/PTV 4: Opo. And speaking of Pangulong Duterte, marami na po kasi ang nagtatanong at siyempre marami ring umaasa, ngayong araw po ba ay inaasahan nating magpupunta sa Comelec si Pangulong Duterte? At ano po kaya iyong plano niyang takbuhan para sa election 2022? At kumusta po iyong samahan nila ngayon ni Mayor Sara Duterte?

SEC. ROQUE: I was designated po to give the official announcement kung may tatakbuhang posisyon ang Presidente, pero mamaya na po iyang hapon. Wala naman pong problema sa samahan siguro ng mag-ama. Ang sinabi lang ni Presidente, hindi nagkonsulta si Mayor Sara sa kanyang mga political plans. Pero medyo siyempre nagtatampo dahil hindi nga siya nakonsulta. Pero alam po ninyo, si Mayor Sara, paboritung-paboritong anak po iyan ng Presidente. Sabihin na lang natin na gaya ng kahit anong relasyong pamilya, minsan may tampuhan, pero wala pong kaduda-duda, nagmamahalan po ang mag-ama.

MELA LESMORAS/PTV 4: Opo. And, Secretary Roque, speaking of kayo po mismo iyong mag-a-announce, saan po kaya ninyo ito i-announce, sa Comelec din po ba mismo? At marami na ring nagtatanong, ano po kaya ang final plan ninyo para sa election?

SEC. ROQUE: Well, malalaman din po natin iyan mamaya at mamaya lamang malalaman na po natin iyan.

MELA LESMORAS/PTV 4: Secretary Roque, isa lang po about sa COVID-19. Kasi nabanggit ninyo sa last video announcement ninyo ay may desisyon na iyong IATF sa face shield. Kailan po kaya iyong magiging announcement? Sa Talk to the People po kaya ito? At ano pa po kaya iyong ibang mga policies na idideklara ni Pangulong Duterte on COVID-19 sa Talk to the People niya mamaya?

SEC. ROQUE: Sigurado po mamaya sa Talk to the People niya iaanunsiyo ni Presidente kung inaprubahan niya o hindi ang rekomendasyon ng IATF tungkol nga po sa pagsusuot ng face shields.

MELA LESMORAS/PTV 4: Okay. Salamat po, Secretary Roque at USec. Rocky.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Mela. USec. Rocky please?

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. Tanong po mula kay Kris Jose ng Remate/Remate Online: Dahil daw po sa pagtalon ni Mayor Sara sa Lakas-CMD at pagtakbo bilang bise presidente, gaano katotoo ang impormasyon na maghahain din daw ng kanyang kandidatura si Pangulong Duterte ngayong araw ng Lunes para sa pagka-bise presidente? Similar question po iyan with Llanesca Panti ng GMA News Online, Leila Salaverria ng Inquirer at Pia Gutierrez ng ABS-CBN.

SEC. ROQUE: Ilang oras na lang po bago alas-singko, malalaman po natin iyan bago mag-alas-singko ng hapon.

USEC. IGNACIO: Opo. May follow up lang po si Leila Salaverria: Paano po nasabi ni Spox na Executive branch ang nag-arrest? Si Senate Sergeant-at-Arms daw po ang nag-aresto sa kanila, I think ito po iyong sa Pharmally.

SEC. ROQUE: Well, I don’t think it can be done without the cooperation of the Executive Branch, kasi ang airport po is under the Executive branch.

USEC. IGNACIO: Opo. May follow up question pa rin po about dito sa pag-file ni Presidente sa Comelec. Follow up question po ni Llanesca Panti: How do you reconcile this to his previous position that there can only be one Duterte who will run for a national post in 2022?

SEC. ROQUE: Hindi pa naman po natin alam kung anong desisyon ng Presidente. Malaman pa lang natin mamayang hapon.

USEC. IGNACIO: Opo. Follow up question naman po ni Leila Salaverria: Why is he considering it when just a month ago he said he would retire from politics and would heed the overwhelming sentiment of the public against his candidacy for Vice President?

SEC. ROQUE: Premature question po dahil, as I said, mamaya pa lang po natin malalaman kung ano ang plano ng Presidente.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito, sir, iyong second question niya, medyo nasagot na ninyo pero basahin ko na lang po baka may madagdag kayo: Kumusta daw po ang relasyon ng mag-amang Pangulong Duterte at Mayor Sara? Sinabi kasi ng Pangulo na dismayado at hindi niya nagustuhan ang desisyon ni Mayor Sara na tumakbo bilang bise presidente lalo pa at number one ito sa survey. Ibig bang sabihin nito ay hindi kinonsulta ni Mayor Sara ang Pangulo sa kanyang naging desisyon na tumakbo bilang bise presidente?

SEC. ROQUE: Well, alam po ninyo, ‘pag malinaw naman ang sinabi ni Presidente, hindi na ako dapat maghimasok pa ‘no. Siguro nga po may kaunting tampo, pero I can assure you po, apple of his eyes si Mayor Sara sa paningin po ni Presidente.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod pong tanong: Aasahan na ba ng publiko na makikita ang isang Harry Roque na tatakbo na sa pagka-senador at magbibitiw bilang tagapagsalita ng Pangulo? Kung sakali, sino ang magiging kapalit ninyo? Similar question with Pia Gutierrez.

Ang follow naman po ni Llanesca Panti: Would you have pursued a Senate bid if you succeeded in your bid to seat in the International Law Commission?

SEC. ROQUE: Well, let me defer answering that question po until mamaya.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ang follow up po ni Pia: What made you decide to run for senator?

SEC. ROQUE: Hindi pa nga ako nakakasagot po eh, so maya-maya lang po.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Well, anyway, since wala na po tayong—mayroon pa po Maricel Halili ng TV 5?

MARICEL HALILI/TV5: Hi, sir! Magandang hapon po.

SEC. ROQUE: Magandang hapon.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, is this your last press conference as a Presidential Spokesperson?

SEC. ROQUE: I’ll answer that later po.

MARICEL HALILI/TV5: Okay. Sir, there has been a lot of theories na President—or actually, there was a previous announcement that President Duterte will be filing his COC for vice president today, and we all know that Mayor Sara has already filed her COC for VP. Ito pong mga ganitong narratives, don’t you find this confusing that in a way, it can be advantageous to the opposition because of the concept or interpretation na baka mamaya mayroon ng … divided na iyong admin?

SEC. ROQUE: Well, as far as perception is concerned po, depende naman kung gaano kalakas talaga ang opposition. Kung talagang naturingang mahina ang oposisyon, walang epekto.

Pero gaya ng aking sinabi, antayin na lang po natin ang pinal na desisyon ng Presidente kasi hanggang naghain siya ng certificate of candidacy, hindi po talaga natin alam kung ano ang kasagutan. Pero tama po kayo ‘no, marami ang naguguluhan sa mga pangyayari. Pero pagdating po ng alas-singko ng araw na ito, malinaw na malinaw na po ang kamada, wala na pong pagbabago diyan pagdating ng alas-singko ng hapon.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, you said that you were able to talk to President Duterte. Were you also able to talk to Mayor Sara? Can you give us details kung ano po iyong napag-usapan ninyo? Is this about your candidacy or the party?

SEC. ROQUE: Yes po, nakausap ko na rin po si Mayor Sara and I will let her do the talking.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, if ever, although wala pa po kayong announcement, but if ever na you make it to the Senate, will you support the abolition of the substitution system? Well, of course mayroong exception na iyong mga candidate who may pass away or who may be seriously ill. But on your part, will you support the abolition of the substitution system?

SEC. ROQUE: What I will support is to shorten the period from the time of filing of the certificate of candidacy and the election period. Wala po akong nakikitang dahilan kung bakit napakatagal naman iyong last day of filing at saka iyong start ng election period. Dapat po siguro paikliin iyang period na iyan if we are to do away with the substitution.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, panghuli na lamang po. Don’t you see anything wrong about the substitution system? Hindi po ba ito masyadong naaabuso nowadays?

SEC. ROQUE: Wala naman po, kasi nasa batas po iyan, legal po iyan. So, kapag legal po, walang pag-abuso.

MARICEL HALILI/TV5: Sorry, sir, pahabol. May desisyon na po ba tungkol doon sa holiday on November 29 and December 1?

SEC. ROQUE: Awaiting news pa rin po from the Office of the President.

MARICEL HALILI/TV5: All right. Thank you, sir.

SEC. ROQUE: Thank you, Maricel. Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, may pahabol lang pong tanong si Pia Gutierrez: Ano raw pong time iyong announcement ni Spox about sa plan ni Presidente para po sa VP at saan daw po ang venue?

SEC. ROQUE: Mahigit-kumulang po 2:30 ng hapon sa Comelec po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito naman po, follow-up ni Ace Romero ng Philippine Star: If the President really wants to retire from politics, why did he even consider seeking another post?

SEC. ROQUE: Premature question po kasi hindi pa po natin alam kung ano talagang magiging pinal na desisyon ng ating Presidente.

USEC. IGNACIO: Opo. From MJ Blancaflor ng Daily Tribune: Will President Duterte announce his decision on face shield policy today? Pareho po sila ng tanong ni Pia Gutierrez ng ABS-CBN.

SEC. ROQUE: Siguradung-sigurado po sasagutin ni Presidente ang issue ng face shield mamaya sa Talk to the People.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong second question niya, nasagot ninyo na, iyong Talk to the People. Iyong third question niya, nasagot na rin po ninyo about iyong posibleng Senate bid. Susunod na lang pong magtatanong ay si Trish Terada ng CNN Philippines.

SEC. ROQUE: Go ahead, Trish.

TRISH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi! Good afternoon, Spox Harry. Thank you, Usec. Rocky.

Sir, first question, follow-up ko lang, sir, doon sa tanong ni Leila kanina about iyong sa naaresto iyong dalawang Pharmally executive doon sa Davao City. Because you answered na ang pumigil sa kanila is the executive branch. Just a bit of correction, sir, paano po naging executive branch iyon pong pumigil because per reading reports na Senate po iyong pumigil sa kanila, Senate Sergeant-at-arms?

SEC. ROQUE: Well, obviously, the airport is under authority of the executive branch. So, it could have been ignored, pinayagan dapat silang lumipad kung gugustuhin pero hindi nga po sila pinayagang lumipad.

TRISH TERADA/CNN PHILIPPINES: But under the terms, sir, that the sergeant-at-arms was able to prevent that, tama po ba?

SEC. ROQUE: Yes, but it could have been ignored by the executive if it wanted to. So, we abided with the rule of law, sinunod po natin ang contempt powers ng Senado kaya I’m saying it is the executive also that should be attributed to this act dahil puwede po silang pinalipad kung gugustuhin ng airport authorities.

TRISH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, sa isyu naman ng politics. With all the substitutions happening, many tend to feel that the government or iyong mga pulitiko are playing with the sentiments of people. With all these happenings, sir, hindi ba reflective, sir – iyong mga substitution na nangyayari – ng kawalan ng capacity to decide ng, for example, future leaders or current leaders or insincerity? Kasi nga po hindi ba simula pa lang dapat sigurado na sila kung anong dapat nilang takbuhan?

SEC. ROQUE: Well, kagaya ng aking sinabi po, legal po iyan. Nasa batas po iyan. Wala pong nagkukuwestyon kung iligal iyan. Iyan po ay allowed under the law. Now, may mga suhestiyon na tanggalin na iyang substitution. Hindi pa po iyan naisasabatas ‘no so the old rule remains.

Ang aking posisyon nga po, kung tatanggalin natin iyang substitution, eh huwag naman iyong napakalayo kasi ng last day of filing doon sa start ng election period. Eh, sa ngayon po, ang naging last day of filing ay kung hindi ako nagkakamali Oktubre, ang start ng campaign kung hindi ako nagkakamali ay February. So, napakahaba naman ng panahon na iyon ‘no.

Siguro dapat gawin natin ang last day of filing talaga dahil ang kinakailangang lang naman iyong lead time para ma-print iyong balota, ay gawin natin once and for all November na siguro ‘no nang maalis na ang substitution.

TRISH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, legally correct but is it morally right na kumbaga nalilito iyong mga tao, parang napapaglaruan iyong mga tao with how the politicos are deciding?

SEC. ROQUE: I do not answer issues of morality, I leave that to the people in their sovereign capacity. That’s apolitical question.

TRISH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, doon lang po sa ILC. What do you think could be the meaning or what could be the perception, sir, ng ibang bansa sa atin with the failure, sir, for us to be able to secure a seat in the ILC?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, ang huling beses na nanalo tayo sa General Assembly ay 1997. And before that, panahon pa po ni Marcos, si Justice Bengzon. Ang karanasan ko po, the currency for UN General Assembly resolutions, quid pro quo. Without quid pro quo, hindi kayo mananalo.

TRISH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, I understand mamaya ninyo pa sana ia-announce iyong decision ninyo, sir, but we’re already received information that you are going to be substituting for a senator. Sir, if you may, bakit iyon ang naging decision? Why did your decision heavily rely na lang, sir—even wala pang announcement, why did your decision heavily rely on the President and Davao City Mayor Sara Duterte? Hindi po ba, sir, iyong pagtakbo usually dapat it comes from our own resolve that we are [willing] to serve regardless of what other people or our superiors would say, sir?

SEC. ROQUE: Tama po iyon, pero mayroon din tayong tinatawag na “may isang salita.”

TRISH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, iyong changes na nakikita natin, are the Admin candidates feeling or seeing that there is a threat kaya po may last minute movement?

SEC. ROQUE: Hindi po. That’s allowed by law, so pabayaan na lang natin iyan and let’s leave it to Congress ‘no.

TRISH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, final question. Doon sa face shield, marami pong nagtatanong, sir, bakit hindi na lang mag-decide once and for all kung talagang iri-repeal na po itong policy on face shield? What’s taking it so long eh years na rin naman po na in-apply natin itong face shield policy?

SEC. ROQUE: Well, ang sinasabi ko lang naman po, hintayin natin ang anunsiyo ni Presidente mamayang gabi. Mamayang gabi na po iyan.

TRISH TERADA/CNN PHILIPPINES: All right. Thank you very much, Spox Harry.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Trish. Usec. Rocky again, please.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, habol ko lang iyong tanong ni MJ Blancaflor ng Daily Tribune: Will you support the running mate of Mayor Sara or the presidential bet of President Duterte? Pareho po sila ng tanong ni Pia Gutierrez ng ABS-CBN.

SEC. ROQUE: Siguro po as a Presidential Spokesperson, I’d rather not comment on that. But let’s see po if in some later time I will be in a position to comment. But as Presidential Spokesperson, I’ll go by what the President says. It is Senator Go for President and I cannot see the President supporting anyone else for vice president other than Mayor Sara Duterte.

USEC. IGNACIO: Tanong po mula kay Rose Novenario ng Hataw: Malinaw sa Omnibus Election rules for government employees na hindi maaaring mangampanya para sa mga kandidato. Wala bang authority ang department head na gawin ang nararapat upang masiguro na ang mga subordinates niya ay hindi engaged sa electioneering tulad ng pag-post sa socmed ng pag-eendorso at pag-reject ng mga kandidato?

SEC. ROQUE: Well, alam ko po iyang pagbabawal na iyan, hindi po sakop diyan ang mga heads of departments ‘no, iyong mga Cabinet members, malinaw na po iyan. Pero para doon sa mga sakop ng Civil Service Law, eh may proseso po kung gusto ninyong magreklamo.

USEC. IGNACIO: Opo. From Pia Gutierrez: What support will the President give you in your campaign?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam, wala pa naman po tayong announcement.

USEC. IGNACIO: Pia Gutierrez pa rin po: In your campaign, how do you plan to answer criticisms that you have compromised your principles for political gain? Do you regret being spokesman for President Duterte?

SEC. ROQUE: Never po because the President is duly elected by the people and serving a person who has been given the mandate to rule by the people is serving the people. The voice of the people is a voice of God.

Okay, Ivan Mayrina, please, GMA7.

IVAN MAYRINA/GMA7: Magandang hapon, Spox. I’ll raise again two points ano. When he announced his retirement from politics, he said that it was a response to 60% of people surveyed that they think it’s in violation of the Constitution if he runs for vice president. And also, he said that there should only be one Duterte in the elections of 2022.

I know you might say that this is a premature question but I would ask – what changed? Why are we now talking about the possibility of the President running for whatever position?

SEC. ROQUE: Highly speculative at this point, Ivan, because hindi pa nga natin alam ang desisyon ng Presidente.

But let me add that as a lawyer, it is my view that it is not unconstitutional for a sitting president to run for vice president.

IVAN MAYRINA/GMA: Or senator, for that matter?

SEC. ROQUE: Or for senator for that matter.

IVAN MAYRINA/GMA: Okay. Sir, the President was displeased at the very least, if not angry, with the Saturday’s turn of events and that is reportedly cooked up by the camps of former Senator Bongbong Marcos and former President Gloria Arroyo. What happens now to the relationship of the President with Marcoses and the Arroyos? Do they remain as allies or has that alliance ended last Saturday?

SEC. ROQUE:  I do not know. But as Presidential Spokesperson, I can only care about the President and his relationship with the daughter. Alam naman nating lahat na may mga pamilya na family ties will prevail against all odds.

IVAN MAYRINA/GMA: Okay. One last point, sir. What does the Palace say to comments that all these last-minute substitutions are a mockery of the electoral process and that it’s only the latest in a series of plot twists, political gimmick na parang pinagluloko ang mga tao?

SEC. ROQUE: Wala pong pagluloko dahil iyan po ay allowed sa ating batas, kaya nga po antayin natin ang desisyon ng Kongreso kung ano ang gagawin dito sa rule on substitution. Sa ngayon po, iyan po ay ligal.

IVAN MAYRINA/GMA: Salamat, Spox. Good luck.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Ivan. Hannah Sancho, please.

HANNAH SANCHO/DZAR: Hi, Secretary! Good afternoon. Sir, doon sa recent interview kay President sa isang [unclear] sinabi po niya na si Senator Bongbong Marcos, kaya hindi niya susuportahan ito, hindi niya maibigay ang kaniyang suporta dahil nga pareho raw sila ni Leni o ni Vice President Robredo, at ang sinabi niya na pro-communist daw si Senator Bongbong Marcos and Leni Robredo.

Sir, I would like clarify, sir, kung talagang … si Bongbong Marcos talaga ay pro-communist po as per President Duterte’s statement?

SEC. ROQUE: Hannah, you know, I’ve learned through almost two and a half years of being Spox, when the President is clear, I don’t add, I don’t subtract, I don’t interpret. So let it remain po kung ano ang sinabi ng Presidente.

HANNAH SANCHO/DZAR: Si Vice President Leni Robredo, ang sinabi niya that to address daw iyong terrorism, ang nais niyang isulong is whole of government approach po. Ang NTF-ELCAC, sinasabi po nila na whole of government approach ang ginagawa nila to address communism and terrorism sa bansa. Nagkulang po ba ang NTF-ELCAC, ang administrasyong Duterte dito sa pagsusulong ng whole of government approach?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung ano ang sinasabi ni Leni Robredo, ni Vice President Leni Robredo, pero ang kaniyang solusyon po in my mind is very clear as fog.

HANNAH SANCHO/DZAR: Sir, na-mention ninyo kanina, may sama ng loob si President Duterte doon sa desisyon ni Mayor Sara na tumakbo as vice president. Sir, whatever is iyong decision ng Pangulo today, I’d like to ask, sir, kung nagkaroon po ba ng pag-uusap ang mag-ama kung anuman ang magiging desisyon ng Pangulo ngayong araw po?

SEC. ROQUE: Ang sabi po ng Presidente, hindi pa po sila nagkakausap ni Mayor Sara.

HANNAH SANCHO/DZAR:  As of today po, sir, hindi pa po sila nag-uusap, bago po siya pupunta ng Comelec ngayon?

SEC. ROQUE: Opo, wala pong pag-uusap.

HANNAH SANCHO/DZAR: All right. Thank you, sir.

SEC. ROQUE: Okay. Thank you, Hannah. Back to Usec. Rocky please.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. May pahabol pong tanong si Leila Salaverria: You said before, you will run for the Senate if Mayor Sara will run for president. Is she running for president?

SEC. ROQUE: Well, ang hinain po niyang certificate of candidacy ay para bise presidente.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Okay. So sasagutin ko na po ang inyong katanungan: Ito na po ang huling araw na makakasama ninyo ako bilang inyong Presidential Spox, IATF Spox at Spox ng bayan.

Kung inyong matatandaan, bumalik naman po ako bilang Spox sa gitna ng pandemya noong isang taon para magbigay-linaw sa panahon ng kalituhan. Masaya akong mission accomplished na po tayo ha, iiwan ko ang trabaho ko nang mas mabuti kumpara sa ating nadatnan. Nasa 100% na po ang vaccination coverage sa Metro Manila; mahigit nobenta porsiyento na ang NCR; ang episentro ng COVID-19 ay fully vaccinated na; nasa mahigit kwarenta porsiyento na po ang fully vaccinated sa buong Pilipinas – malapit nang marating ang population protection; ang healthcare utilization rate po natin ha base sa ating prinisenta kanina ay nasa below 40% na lamang; nagawa po natin ang ingat-buhay, ngayon naman po ay puprotektahan natin ang hanapbuhay.

Alam ninyo po iyong ingat-buhay, nagawa po natin iyan dahil nga po doon sa ating isinabatas noong tayo po ay kongresista sa 17th Congress sa pamamagitan ng Universal Health Care. At ngayon po dahil sa ating panukalang batas na ngayon ay batas, may libreng bakuna at mayroon libreng PCR test para sa ilan.

Pero gaya ng aking nabanggit, at kinutsa pa nga ako ng ilan, hindi po pupuwede na palibhasa mayroong pandemya ay mawawala naman ang hanapbuhay ang marami sa atin. Kinakailangan po, dahil magtatagal pa ang epekto ng COVID, na mabuhay tayo kasama ang COVID. Kaya nga po sa mula’t mula, ang aking sinasabi dito sa Office of the Presidential Spokesperson, kinakailangan po mag-ingat-buhay para sa hanapbuhay, at iyan naman po ang dahilan kung bakit babalik po tayo sa larangan ng pulitika, babalik po tayo sana tayo sa Kongreso ng Pilipinas, doon po sa Kamara ng Senado.

Nagpaalam na po ako kay Presidente Rodrigo Roa Duterte at kay Mayor Inday Sara Duterte para sa panibagong hamon na aking haharapin mula sa inyong pagiging Spox ay nais ko pong maging action man sa Senado.

Bago tayo magtapos, magpapasalamat lang po ako sa lahat ng aking nakasama rito po sa Office of the Presidential Spokesperson: Sa OPS hanggang sa mga kasama natin; sa Malacañang Press Corps; sa RTVM; sa PTV; Usec. Rocky, I love you; Radyo Pilipinas; Philippine Information Agency; Malacañang Records Office; transcribers, photographers ng NIB; Presidential Photographers Division; PSG, particular sa S3; at sa buong Pilipinas na tumangkilik sa atin.

May isang tanong po, may kinalaman daw po ang aking pagtakbo doon sa ILC: Wala naman po ‘no. Pero siguro po ay sabihin na lang natin na dahil nga po ako ay nagkaroon ng isang salita na tatakbo lang ako kung tatakbo si Mayor Sara, eh tumakbo na po si Mayor Sara, kinakailangan panindigan din ang ating nasabing salita. Pero ulitin ko po ‘no: Ang pagtakbo po natin, para itaguyod muli ang ating mga buhay sa pamamagitan po ng pag-iingat buhay.

Mayroon lang pong konting video na inihanda ang aking mga kasama dito sa OPS. Panoorin po natin ito:

[VTR]

SEC. ROQUE: Ito po ang inyong Spox Harry Roque na nagsasabi: I love you, Philippines!

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)