Press Briefing

Press Briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang tanghali Pilipinas!

Usaping bakuna po muna tayo: Dumating sa bansa kagabi ang 703,000 doses ng Pfizer vaccine. As of September 1, 2021, ayon sa National Task Force Against COVID-19, mayroon na tayong 52,603,760 vaccines na dumating sa Pilipinas. Nasa 32,050,400 rito ang binili ng pamahalaan samantalang 3,617,100 ang na-procure ng mga lokal na pamahalaan at local government units. Nasa 13,297,120 ang COVAX donation; habang 3,639,140 ang d0nasyon galing sa ibang mga bansa.

Good news. Tatlong milestones po ang ating nai-record kahapon sa ating pagbabakuna: As of September 1, ayon sa ating National COVID-19 Dashboard, mayroon na tayong 34,112,329 total vaccines administered – this is the first milestone. Pangalawa po, mayroon na tayong 20,002,404 na ang naka-first dose. This is 25.93% – that is the second milestone. Samantalang nasa 14,109,916 ang fully vaccinated. This is 18.29% – that’s the third milestone.

Naka-flash sa inyong screen ang bilang ng bakunahan sa Metro Manila: Kung titingnan ninyo po, sa Metro Manila, ang ating first dose ay 7,158,800 na equivalent to 73.23%. Iyan po iyong base sa 70% population ng Metro Manila. At ang ating full dose ay nasa 4,157,092, that 42.52%. Ang total doses administered na po natin sa Metro Manila ay 11,315,892. Ang ating average po ay 125,912 daily jabs dito lang po iyan sa Metro Manila.

Tayo na po at magpabakuna para maiwasan ang severe cases. Alam ninyo ba na sa 280 COVID-19 patients na na-admit sa PGH as of August 26, wala ni isa sa kanila ang na-intubate na o nilagyan ng tubo. Wala ring fully vaccinated ang nasa life support system sa kanilang ICU.

Pumunta naman po tayo sa COVID-19 update. Ito po ang ranking ng Pilipinas sang-ayon sa Johns Hopkins: Naku! Tumaas po tayo pagdating sa total cases – number 14. Number 20 po tayo pagdating sa active cases pero number 133 pa rin tayo sa cases per 100,000 at number 89 pa rin po tayo sa case fatality rate – bahagyang bumaba – sa 1.67%.

Naka-flash sa inyong screen po ang ranking ng Pilipinas sa Southeast Asia ‘no. Nananatili po tayo na number five ngayon in terms of active cases sa Southeast Asia: Nangunguna na po ngayon ang Malaysia; pumapangalawa ang Vietnam; Pumapangatlo na lang po ang Indonesia; pang-apat ang Thailand; at panlima po ang Pilipinas.

Nasa 14,260 naman po ang mga bagong kaso ayon sa September 1, 2021 datos ng DOH. Mataas pa rin ang ating recovery rate na nasa 91,3%. Mayroon na po tayong 1,829,473 na mga gumaling. Samantala, malungkot naming ibinabalita na nasa 33,533 po ang binawian ng buhay. Nakikiramay po kami sa mga naulila. 1.67 nga po ang ating fatality rate.

Tingnan naman po natin ang mga kalagayan ng ating mga ospital. Hindi po nagbabago iyong kalagayan ng ating ICU beds sa buong Pilipinas at NCR – nananatiling at 71% at 73%; 66% po ang utilized isolation bed buong bansa. Samantala, hindi nagkakalayo po iyong utilization rate ng ward beds – 71% sa buong Pilipinas; 73% sa Metro Manila. At sa ventilators, 55% ang utilized sa buong Pilipinas; 60% ang utilized po sa NCR.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon.

Makakasama po natin ngayon ang Director ng DOH Epidemiology Bureau, Dr. Alethea De Guzman; at ang aming mayor po sa siyudad ng Pasay wala pong iba kung hindi si Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Unahin ko na po muna si—with the kind permission of Mayor Emi kasi po ang tinatanong ng marami, ano na bang nangyayari. Dra. De Guzman, are we on track doon sa projection ng FASSSTER kasi nga po sumisipa ang mga kaso? Ang tanong po ng marami, gumana ba iyong ating ECQ ‘no? So, para sagutin po iyan, tanungin po natin ang tunay na dalubhasa, ang Director ng Department of Health Epidemiology Bureau, Dra. Alethea De Guzman.

DR. DE GUZMAN: Salamat po, Spox. At magandang tanghali po sa lahat ng nanunood at nakikinig.

I will now give updates, dalawa pong parte iyon. Una po ay ang ating biosurveillance update at ang ikalawa nga po ay ang ating kaso at kumusta na nga ba iyong sitwasyon ng COVID sa Pilipinas.

Simulan ko po dito ‘no. Base po sa total ng mga samples na ating na-sequence, nakita natin na ang top three na mga variants ay una ang Beta variants comprising almost 24% from the samples mayroon tayong na nakita. Sumunod po ang Alpha at 21.5 at ngayon po ay pumapangatlo na nga ang Delta at 16%. Naiwan na lamang ang dalawa, ang P.1 or Gamma variant cases at isa pa lamang po ang nahahanap nga nating Lambda variant case.

Gayun pa man kapag tinitingnan natin iyong bawat linggo na tayo ay nakabase iyong mga nira-run nating sample, nakita po natin iyong pagtaas talaga ng proportion ng mga samples na sini-sequence natin.

Ang mga pulang bars na ito ay nagri-represent sa tatlong variants of concern wherein ang pinaka-dark ay iyong Alpha, sumunod po ang Beta, at iyong pinaka-light na colored at nahahanap on the rightmost portion of the graph are the Delta variants.

At base po sa datos nationally, iyon pong mga samples na na-squence or nakolekta natin mula noong June, 6% pa lamang dito ay mga Delta subalit umakyat tayo to 56% of the total lineages pagdating po ng Agosto. Pero subalit gusto ko lang i-konteksto ito na iyong mataas na porsyento na nagpupositibo sa Delta ay maaari rin pong overestimate dahil ang mga kinukuhanan natin ng samples ay mga lugar na nagkakaroon tayo ng spike at kung saan mas mataas po talaga ang probabilidad na magpupositibo para sa mga variants of concern.

Ganoon pa man nakakita man tayo ng community transmission sa NCR at sa IV-A at ngayon po nakikita natin ang tuloy-tuloy na pagtaas ng proportion na positibo sa Delta, tayo ay naging maagap at hindi pa man natin nakikita ang pagtaas ng Delta cases ay nag-implement na tayo ng enhanced response.

Titingnan natin bawat region, so, pagdating po sa Delta mayroon na lang ho tayong kaisa-isang rehiyon – ang BARMM – na hindi pa po natin nakikitaan ng Delta. Nangangailangan po na madagdagan ang mga samples na nasi-sequence po natin sa BARMM upang masigurado natin kung wala o mayroon po bang Delta doon.

Nais rin po naming magbigay ng update doon po sa nababalita na dalawang variants. Unahin ko po iyong ‘Mu.’ ang lineage po niya ay B.1.621 na una nga pong nai-report mula sa Columbia nitong Enero nang taong ito. Karamihan po ng mga kaso ay nari-report mula sa mga bansa galing sa South America at Europa at nakikita natin globally ‘no maliit na porsyento ng mga nasi-sequence na samples ay positibo para sa variant na ito.

Sabi nga ng WHO, it’s only less than 0.1% kaya lamang may mataas na porsyento na mga sequences na positibo sa Mu variant na nakikita po mula sa Colombia at Ecuador at ito po ay na-declare na isang variant of interest last August 30 by the World Health Organization. Ano po ang dahilan bakit nila ito idineclare?

Nakita nila na iyong mga mutations na-observe sa Mu variant ay mayroon pong potential doon sa tinatawag nating ‘immune escape.’ Ibig sabihin, mayroong reduce na kakayahan na i-neutralize o labanan iyong mga antigen or iyong virus ng ating katawan either after we got infected or after we got vaccinated. Pero paalala lamang po na kailangan pa po ng patuloy na pag-aaral upang ma-determine ano po talaga iyong clinical significance and public health impact ng variant of interest na ito.

Ang ikalawang nababalita din ay ang C.1.2 variant, una po siyang na-identify nitong Mayo lang. Galing po siya sa lineage na C.1 at ang C.1 na po ay iyong parang tinatawag nilang dominant na lineage noong una pong nagkaroon ng mga maraming kaso sa South Africa. Nahanap na rin liban sa South Africa, sa iba pang mga bansa, sa Africa, Europa, Asya, and Oceana.

[Garbled] ang laman ‘no ng mutations na ito ay kahalintulad sa dalawang variants of concern – ang Beta at Delta na alam natin na mayroon pong increased transmissibility at saka mayroon siyang [garbled] na epekto sa ating vaccine efficacy. Pero hindi pa ho ito dinideklara ng WHO as a variant of interest or even iyong tinatawag nilang mga for further monitoring.

Ngayon pupunta naman po ako sa ating datos. Given na tuluy-tuloy ang pagdami ng nadi-detect natin na Delta cases at tuluy-tuloy pa rin ang detection natin ng ating mga Alpha at Beta variants, kumusta iyong ating dami ng kaso? So nabanggit po ni Spox Harry ang patuloy na pagtaas ng ating kaso. Pero uulitin po natin, though malaki ang porsiyento na aktibo, maliit po ang porsiyento na tinatawag nating case fatality rate.

Pero makikita nga po natin dito sa epidemic curve na ito, sa bawat linggo mula nang tayo ay unang biglang tumaas ang kaso ng dulo ng Hulyo, nagtatala tayo ng bagong peak ‘no sa kada linggo at itong mga blue bars na ito representing NCR ay tuluy-tuloy pong tumataas. Sa ngayon ito ang pinakamataas na peak natin na na-register natin nitong ikatlong linggo ng Agosto. Itong nakaraang linggo, tayo po ay nag-a-average ng 17,442 cases – higher than the 15,528 we reported the week prior.

So iba’t ibang lugar po ng bansa, nakita natin na may pinakamabilis na pagtaas ng kaso ay ang tatlong linyang ito representing the NCR which is the blue line, the plus areas which is the green line at ang red ay ang rest of Luzon. Mindanao which is the orange line is also increasing and ang Visayas region natin ngayon ay nagpa-plateau. Pero kung mapapansin ninyo ito pong blue at green lines kung saan dati napaka-steep ng increase ng kaniyang trajectory medyo siya po ay less steep ‘no, medyo bumabagal po at medyo naungusan na nga po ng rest of Luzon ang ating plus areas.

Ngayon para po ma-quantify iyong mga pagtaas ng kaso na ito, pinapakita po dito sa table na ito. Nationally tayo ay naka-high risk case classification pa rin subalit kung titingnan natin sa ikatlo at ikaapat na column, mula sa 75% na two-week average, two-week growth rate, 3 to 4 weeks ago tayo ay bahagyang bumagal to just 45% ‘no. Subalit ang ating average daily attack rate ay may kataasan pa at 14.95. Nationally naka-moderate risk po tayo in terms of our bed utilization at 68% kaya lamang po nasa high risk case classification tayo in terms of our ICU utilization.

Mayroon tayong natala na labing isang rehiyon kung saan high risk ang kanilang case classification at kasama po ang tatlong malaking rehiyon diyan – ang NCR, CALABARZON at Region III. Subalit ito iyong naobserbahan namin sa tatlong rehiyon na ito: Itong NCR mula 130% two-week growth rate, bahagya rin tayong bumagal na to just 46% in the recent two weeks; ang CALABARZON from a 125% two-week growth rate, now at 64; at ang Region III, from a 111% down to 45.

So ito iyong mga initial na senyales na baka nga po bumabagal na iyong pagtaas ng kaso. Tumataas pa rin pero hindi kasing bilis ng dati po. Kaya lamang po higit naming binabantayan ang limang rehiyon na parehong high risk ang kaniyang bed at ICU utilization at iyon po ay ang CALABARZON, Region II, CAR, Region III at X po ‘no.

Now, tingnan po natin ang NCR. Dito po sa graph na ito, evident iyong pagbagal ‘no noong pagdami ng kaso. Iyon pong black line representing iyong tinatawag naming 7-day moving average from a very steep increase ay medyo po lumilihis ‘no, medyo nagpa-flat po siya. Pataas pa rin pero hindi nga po as fast as we’re previously seeing.

In the recent week, we averaged 4,632 cases per day – just 500 cases higher than what we reported po a week ago which is 4,146. Kaya lamang po lahat po ng areas sa NCR ay naka-high risk pa rin po in terms of their case classification. Kaya lamang makikita po sa ikalimang column while there are a number of matataas pa po ang two-week growth rate, kung titingnan po sa kaliwa which is just the one-week growth rate, mas mabagal na nga po iyong pagtaas na nakikita natin.

Kaya lamang ‘no, again ‘no, binabantayan natin ang mga siyudad kung saan ang kanilang mga bed at ICU utilization ay tumataas. At sa ngayon in terms of bed utilization, ang naka-high risk po ay ang District 1 at 72% at District 2 at 79%. Ang mga naka-high risk naman po in terms of ICU utilization, ganoon din po para sa District 2 at 76% at para po sa 4th District at 79%. Subalit even with the increases in cases and utilization rate, mayroon pa po tayong tatlong rehiyon na naka-level 3 pa lamang in terms of alert at iyan po ay iyong Caloocan City, ang Manila po at ang Parañaque po.

Tumungo naman tayo dito nga sa tinatawag nating alert levels. Sa ngayon wala tayong nakikita na lugar na naka-Alert Level 1 kaya ho iyong ating tuluy-tuloy na panawagan individually at our LGUs and our workplaces to implement the interventions and measures that are recommended so that we can see a decline in cases. Currently there are 87 Alert Level 4 provinces HUCs and ICCs. At ang mga lugar or rehiyon kung saan lahat ng kanilang lugar ay naka-Alert Level 4 ay ang CAR, CALABARZON po, kasama po diyan ang Region XII at CARAGA po at ito po iyong higit nating tinututukan.

Magtungo naman tayo sa ating mortality. Sa pagtaas ng ating kaso ay ang pagtaas din ‘no ng ating mga deaths at iyon ay naitala din natin noong huling linggo ng Hulyo. Kung simula nakita natin na ang karamihan ng ating deaths ay nanggagaling sa Region VII which are the orange bars, nakita natin dumami po siya galing sa NCR which are the blue bars at ito pong violet ‘no, these are the Region III deaths natin at ito pong teal bars for our CALABARZON deaths. So kailangan po nating higit itong bantayan para hindi na po tuluy-tuloy pang tumaas. Tayo po ay nag-a-average na ng 115 deaths per day, mas mataas kaysa noong nakita natin noong Hunyo at Hulyo subalit mas mababa pa po sa 135 deaths per day na naitala noong Abril – iyon na po iyong pinakamataas nating average deaths per day.

At ang huli pong gusto naming ipaabot ay kamusta nga po ba tayo? So ito po ang mga projections na ginawa ng Department of Health kasama ng ating partner, which is FASSSTER at ito po ay nakabase sa iilang assumptions. So, ano po iyong naobserbahan natin? Para po sa National Capital Region, ang dami ng active cases, severe at critical cases ay mas mababa kaysa doon sa una po nating na-estimate. Umabot lamang tayo ng 41,112 cases as of August 30 pero ang ating iniestima noon ay mula 71,000 hanggang sa almost 84,000.

Para naman po sa ating severe cases, nakakita tayo lamang ng 565 cases at ito po ay lower than the 2,300 to 2,700 we estimated. At para sa critical we registered 577 cases, also lower than the 771 to 910 na inestima. So tayo po ay natutuwa na mas mababa ang mga kaso. It po ay ang kombinasyon noong mga ginagawa nating interventions mula sa ating mga granular lockdowns at pag-improve ng ating adherence to minimum public health standards. Of course, the more effective implementation of our PDITR and the last is the upscaling ‘no, iyong pagtaas ng coverage ng bakuna para po sa NCR.

Ang pattern na ito, sabihin iyong mas mababang active, severe ang critical cases na naobserbahan sa NCR ay nakita din po natin sa Bulacan kung saan lahat ito ay mas mababa kaysa inestima natin. Ito ay katulad noong una nating nakita noong tayo ay nag-peak ng Abril ‘no, noong una nating dine-escalate (de-escalate) ang NCR, sumunod po kung tutuusin ang ating Bulacan.

Ngunit pagdating po sa Cavite, Laguna at Rizal medyo iba po ang ating napansin, mas mataas po ang dami ng active cases na nakita natin. We had 12,589 as of August 30 pero ang ating ini-estimate ay 6,233 lamang hanggang sa 7,791.

Pagdating naman po sa severe cases halos pareho. Slightly lower than what we projected. We had 86 and we were estimating 93 to 116.

At ang panghuli po, iyong critical, ito ay kahalintulad ‘no, we had 58 as of August 30; we were estimating 57 to 71 cases.

Para po sa Laguna, ganoon din po, mas mataas iyong 9,208 active cases we recorded than the 3,352 to 3,944 that we projected para po sa ating severe cases, mas mataas or within the range siya of what we estimated. We had 65; the estimates were 58 to 68.

At panghuli po para naman sa critical cases, it was also just above what we estimated. Nakapagtala tayo ng 49, but we only estimated 31 to 37.

Huli na lamang po ay ang Rizal kung saan from—sorry po, this is 5,472 versus the 2,118 to 2,494 we estimated. Pagdating po sa ating severe cases, it’s just above, it’s 48 versus the 31 to 36. And last, para po sa ating critical cases, it’s slightly lower ‘no, we only had 13 but we were estimating 18 to 21.

So, bakit po kaya iba iyong nakita natin para sa CALABARZON? Niri-review po namin ang ating assumptions na nag-i-include ng: Number one – Kumusta po ba? Baka naman po iyong ini-estimate namin na bilis ng transmission ng Delta ay actually dapat mas mabilis kaysa sa una po naming ginamit na assumption; Ikalawa din po, nire-review natin kung nagkaroon po ba ng pagbabago una sa vaccination coverage; Ikatlo, doon po sa interval ‘no baka mas malaki pala ang interval between detection to isolation than what we first estimated.

Pero ganoon pa man, tayo nga po ay nai-feedback na po natin ito sa ating decision-makers para po tingnan paano pa po nga natin mas mapababa ang mga kaso sa ating CALABARZON area para po makisabay ang pagbaba niya or siya po ay mag-improve po iyong ating mga numero.

So, gusto ko na lang po i-end ang aking presentation sa isang call ‘no at mga paalala.

Una po, napakahalaga po talaga ng pag-implement po natin as individuals sa mga minimum public health standards lalo na po sa mga areas na kinu-consider nating high-risk transmission at iyon pong three Cs, mga lugar na sarado or closed; crowded; at kung saan malaki ang tsansa na magkakaroon tayo ng mga close contacts.

Ikalawa po iyong tuloy-tuloy na panawagan na tayo po ay magpabakuna kapag ating turn na! Ang mga bakuna po natin ay ligtas at epektibo at iyon pong concerns sa mga buntis, nagpapasuso, puwede po tayo, magpakonsulta lamang tayo, magpa-clear tayo. Ito po’y naka [unclear] on the second trimester but those on the first trimester can get clearances from their physicians.

Ang ating LGU ay tuloy-tuloy ang paghahanap ng kaso kaya naman nakakakita din tayo ngayon recently ng maraming kaso. Iyon din ang nakikita sa FASSSTER. Kapag pinaganda natin ang active case finding tataas po talaga ang kaso pero dapat ito ay masusundan ng pagbaba na po ng dalawa/tatlong libo po.

Tayo naman po sa gobyerno ay tuloy-tuloy na ino-augment ang ating health system capacity at iyong pagdi-decongest ng hospital sa pag-transfer ng ating mga asymptomatic and mild cases sa mga community facilities at step-down care facilities at tayo sa national or regional levels ay nagbabantay ng ating mga numero para kung mayroon tayong kinakailangang pagbago sa ating response ay agaran nating magawa.

Amin ding panawagan iyong ating mga border control restrictions lalo na po sa ating international ports of entry para po masigurado natin na mami-minimize natin ang risk na may mga bagong variants or variants of concern of interest na mai-introduce sa ating bansa.

At ang ikatlo at ang pinakahuli, ito po, magkaroon ng mga ganitong platform upang maparating po namin inyo ang up to date at tamang impormasyon para tayo rin po, iyong nararapat na magawa natin ay iyon po ang ating ma-implement.

So, iyon lamang po, Spox. Salamat po at magandang tanghali!

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Dra. Alethea De Guzman.

Kasama rin namin ang aming napakagaling na alkalde sa siyudad ng Pasay, si Mayor Emi Calixto-Rubiano. Madame, kumusta na po ang distribution ng ayuda sa Pasay at kumusta na po ang bakunahan natin sa ating siyudad?

PASAY MAYOR CALIXTO-RUBIANO: Good afternoon, Spox at sa lahat po ng inyong mga tagasubaybay.

Ngayon po sa Pasay City, iyong ayuda po naka-98% dahil po may mga naka-lockdown na mga barangays, dalawa lang naman po at iyon ding aming mga social workers at sa amin pong ibang empleyado ay talagang naka-quarantine kaya medyo bumagal po kami pero imi-meet po namin iyan na talagang maibigay sa lahat ng mga nangangailangan. At maraming salamat po sa tulong ng ating Pangulo sa lahat po ng mga programa na pinakikinabangan ng lahat ng mga taga-Pasay.

At ngayon naman po sa amin pagbabakuna, Spox, ay nasa 80% po kami at siyempre, nagpapasalamat din po kami sa ating mga Vaccine Czar na si Sec. Galvez at nandiyan din po si Sec. Dizon dahil po talagang napadami po ang pagbibigay ng bakuna sa buong Metro Manila. Dahil noon pong nag-ECQ, talagang binilisan din po namin at ginawa namin ang lahat ng aming makakaya,

Kaya nga po ngayon, Spox, sa amin pong lungsod, isa na lang po ang barangay na nasa 33% ang populasyon niya na nabakunahan based on our target population na 70%. At 34 to 49% mayroon na po kaming maraming mga barangay, 43%; at iyon pong 50 to 99% mayroon po kaming 133 na na barangays; at sa 100% po mayroon po kaming 24 barangays na nabakunahan na po iyong target population na 70%.

SEC. ROQUE: Naku! Maraming salamat, Mayor Emi Calixto-Rubiano and that’s very good news para sa mga Pasayeño. Please join us for our open forum po. Punta na tayo sa open forum. Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon Secretary Roque at sa atin pong mga bisita.

From Kristel Guangco ng SMNI News to Secretary Roque: May we get your comment regarding Senator Franklin Drilon’s response to your recent dare to him to explain the double the price of procured PPEs of the previous admin quoting, “Spoken like a true troll. It is very unmanly and desperate of Roque to even mention my name. It is very malicious and it is a futile attempt to divert attention away from this organized plunder.

SEC. ROQUE: Take it a stand, Senator Drilon. Eh ang issue overpricing, eh natural titingnan natin kung magkano iyong biniling exact same PPE ng nakalipas na administrasyon. Eh lumalabas wala naman pala talagang overpricing – P1,900 ang binili ng pamahalaan ni Presidente Duterte, P3,500 at P3,800 ang binili ng administrasyon na inyong sinuportahan. So focus na lang po tayo sa tunay na issue; nasaan po ang overpricing? Wala! So, let’s leave it at that ‘no at saka sana po kung tayo’y magdidebate, pag-usapan na lang natin ang facts. Tama na po ‘yang kung anu-anong mga pangalang ginagamit eh mukhang hindi ninyo naman naintindihan kung ano ibig sabihin ng ‘troll’.

USEC. IGNACIO: From Maricel Halili ng TV-5: Secretary Roque, a senator is asking why the government transacts with fugitives? Based daw po sa info that they got, the Chairman of Pharmally International Holdings Tony Huang is wanted for security fraud, stock manipulation and embezzlement. Did the government check the background of Pharmally? Why did this happen? Similar question with Joseph Morong.

SEC. ROQUE: Madam Senator, sa batas po we have a principle that a corporation has a separate personality, separate and distinct from the stockholders. Eh ang nag-bid po iyong korporasyon so hindi naman po kinakailangan busisiin talaga iyong personalidad nasa likod ng korporasyon kasi nga po separate personality iyon.

Now I’m not aware also po na whether be it the regular 9184 o under expedited bidding sa ilalim po ng Bayanihan 1 na kinakailangan binubusisi ang mga background ng mga stockholders ng mga kumpanya. Siguro po iyong identity ng bidder would be important if the bidder bidded in his individual capacity ‘no. Pero ang tinitingnan po natin eh kung iyong kumpanyang iyon ay blacklisted sa gobyerno dahil hindi nga naka-deliver sa previous transaction o ‘di naman kaya hindi nagbayad ng buwis.

Pangalawang punto po ‘no, lilinawin ko po kasi si Senator Drilon sabi hindi raw ako nagbabasa ng batas. Well, Senator Drilon, with all due respect ‘no tingnan ninyo po iyong mga kaso sa procurement sa Supreme Court, halos lahat po iyon ako nag-argue. Now sasabihin ko lang po sa inyo na dalawa po talaga iyong laws applicable – iyong 9184 na talagang tama kayo, binubusisi talaga iyong mga personalidad ng mga nagbi-bid at saka iyong expedited bidding under Bayanihan 1 – dahil nga po may pandemya eh pinamadali po iyong proseso.

At Senator Drilon, kayo po ang gumawa niyan sa Senado, sa Kongreso – hindi po ang Presidente, hindi po ang PS-DBM. Kayo po ang nagbuo ng ganiyang batas ‘no na magkakaroon ng expedited purchases ng mga kinakailangan natin sa pandemya at hindi naman po nakasaad doon na kinakailangan busisiin nga iyong mga bagay-bagay na normally bubusisiin kapag bidding under the regular law of 9184.

Bukod dito, iyong sinasabi na iyong capability daw dahil maliit nga iyong paid up capital ‘no. Well iyong terms of payment po ng Pharmally eh mayroon nga pong downpayment na kakaunti pero ‘pag hindi nag-deliver, walang bayad. So parang immaterial po talaga kung magkano iyong paid up capital niya at the time na na-incorporate siya dahil ang importante is hindi naman sila mababayaran kung hindi na-deliver. At kaya nga po binayaran lang sila noong na-deliver po.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Punta tayo kay Mela Lesmoras, please.

MELA LESMORAS/PTV4: Good afternoon Secretary Roque at sa ating mga panauhin. Secretary Roque, unahin ko lang po. May Talk to the People po ba si Pangulong Duterte ngayong araw at kailan po kaya ito [garbled]?

SEC. ROQUE: Mayroon po, mamayang gabi.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Follow up po doon, Secretary Roque. Kasi isa sa mga nasabi ni Pangulong Duterte that [garbled] iyong recalibration ng policy on lockdowns. Mapag-uusapan po ba ito sa Talk to the People at after po kaya nitong September 1 to 7 quarantine classifications, ito na iyong ipatutupad? Meaning granular na lang, wala na iyong mga community quarantine?

SEC. ROQUE: Isinasapinal pa po ‘yan so abangan na lang po natin. I will make the necessary announcement ‘pag natapos na po.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Pero pag-uusapan po kaya ito mamaya, Secretary Roque?

SEC. ROQUE: Definitely po dahil mayroong IATF meeting mamaya—ay bukas pala. Bukas pala ang IATF meeting, hindi mamaya. Okay.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Secretary Roque, on politics lang po. May I ask updates on President Duterte’s political [garbled] kasi sa isang pahayag ni Mayor Sara Duterte, sinabi niyang nag-offer si Senator Bong Go to run as her vice president kung tatakbo siya bilang presidente. Pero, paano po kaya ang Pangulo kung sakali na—kung sakaling magkaganito na nagkumpirma na rin na tatakbong vice president, ano po kayang mangyayari dito?

SEC. ROQUE: Alam mo, ako mismo ang aking attitude, ‘antayin na lang po natin ang a-otso ng Oktubre, ang last day ng filing of certificate of candidacy. Doon po tayo magkakaroon ng liwanag kung sino ang tatakbo, kung sino ang hindi tatakbo.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And for my final question, Secretary Roque, puwede po ba kay Dr. De Guzman?

SEC. ROQUE: Go ahead, please.

MELA LESMORAS/PTV4: Dr. De Guzman, patanong lang po ni Mark Fetalco of PTV: As of August 31 nasa 45. [garbled] percent na iyong target population sa NCR ang fully vaccinated na. Do you think that is contributory sa decrease of reproduction number sa NCR? May available data po ba kung ilan na iyong mga nasa critical stage ngayon ang unvaccinated?

DR. DE GUZMAN: Salamat ‘no. Iyong mga pagbaba ng kaso ‘no, tumataas ang kaso hindi na kasing bilis, iyong pag-slowdown ng pagtaas ng kaso ay hindi—isang major factor po doon ay vaccination ‘no. Pero gusto ko lang pong ipaalala, hindi lamang po tayo nakasalalay sa vaccination. Remember we already had several peaks of cases last year, this April and we had no vaccines at that time. We were also able to push down numbers because there were improvements, a call to improve our masking, shielding and physical distancing at iyong isang malaking contribution talaga iyong pagpapaigsi ng panahon ng isang case or close contact ay na-detect at ating na-isolate at quarantine ‘no.

Iyong na-announce natin puwede nga pong ‘pag average that’s 12 days and that’s 12 days na umiikot ang kaso or close contact at puwedeng mag-infect ng iba; so. iyon po ‘yung mga nakikita natin four major reasons why cases are slowing down.

With regards to our data ‘no, kung ilang porsiyento po ba iyong ating mga severe and critical ‘no. Paumanhin babalikan ko po kayo. Sa ngayon ‘yan po iyong inaalisa na dato ng Epidemiology Bureau. Tayo ay mina-match natin ang vaccination line list at sa ating case line list. Pero base nga po sa nari-report ng ating mga ospital, may pagbaba nga po talaga ‘no ng mga severe and critical cases, iyong porsiyento na severe and critical among our vaccinated versus the unvaccinated. Kaya nga po iyong panawagan magpabakuna po at napakahalaga hindi lamang isa pero kumpletong bakuna po iyong ating tiyakin.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Maraming salamat po Dr. De Guzman, Mayor Emi and kay Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Mela; punta tayo kay Usec. Rocky again.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, sabi lang po ni Marichu Villanueva ng Philippine Star: Ang Talk to the People po ba ay tonight or tomorrow?

SEC. ROQUE: Hindi po natin alam [laughs]. Depende po kung anong oras matapos ‘no. Kung early enough, ipapakita po natin ngayong gabi; kung masyado na pong late, bukas na po ng umaga.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you po. From Ivan Mayrina ng GMA News: Sa Facebook post, Mayor Inday Sara again belied the President’s claim this time on Senator Imee’s proposal to run as Mayor Inday’s vice president. What does the President have to say about his daughter saying that he is not telling the truth and what does this say about the relationship between father and daughter? Similar question with Pia Gutierrez of ABS-CBN.

SEC. ROQUE: Well, Ivan at saka Pia, masyadong personal na po iyong tanong ‘no. Hinahayaan ko na po iyong relasyon ng mag-ama ‘no. I don’t think we should inquire into that. Ang importante po malalaman naman natin in October 8 or come October 8 kung sino talaga ang tatakbo. But even as Spokesperson, hindi ko po pinanghihimasukan ang relasyon ng mag-ama.

USEC. IGNACIO: Opo. From Ivan Mayrina pa rin: Tanong ng isang senador, may utang na loob ba daw ang Pangulo kay Michael Yang kaya nito ipinagtatanggol? At bakit daw nakikipag-transaksiyon ang gobyerno sa isang kumpanya na ang mga may-ari ay pugante pala sa ibang bansa?

SEC. ROQUE: Actually po ulitin ko po, ang pinagbasehan naman po, iyong pinakamababang presyo at kung sino iyong papayag na walang bayad kung hindi ma-deliver. At kinakailangan ma-deliver sa lalong mabilis na panahon. Mayroon na po akong ilang mga formal proposals na nakalap galing din po sa DBM at ito iyong mga proposals na mas mataas sa proposal na isinumite po nitong kumpanyang binigyan ng bid na ito. So, uulitin ko po, sa mga panahon na iyon, importanteng magkaroon kaagad ng PPE.

Bagama’t ginamit po natin iyong expedited procurements sang-ayon po sa Bayanihan 1, kumuha pa rin tayo ng mga price quotes. At sa lahat ng price quotes na nakuha natin iyon po ang pinakamababa at iyong terms of payment: No delivery, no payment. So you finance your own import. Kasi normally po iyan, kapag ikaw ay importer, kahit papaano mayroon kang magagamit na partial payment, tapos uutangin mo sa bangko iyong diperensiya para magkaroon ng letter of credit, tapos makukolekta mo kapag na-upload na sa bangko. Wala pong ganoon. Ang naging terms of payment nila, delivery sa Pilipinas, bago ka bayaran.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Okay, punta naman tayo kay Trish Terada please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi good afternoon, Spox. Spox, first question. With the growing complaints against the use of face shield and questions by authorities as well against the effectivity of face shields, is the IATF at least considering or discussing the possibility na huwag na po siyang i-require?

SEC. ROQUE: Sa ngayon pa wala. Pero. I understand that even the WHO will render an expert opinion on whether or not the use of face shields is justified. So, hintayin po natin iyong opinion ng WHO.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: But, Sir how does the Palace want to respond to criticisms na inuugnay po iyong pagri-require ng face shields into corruption?

SEC. ROQUE: Wala pong relasyon iyan. Ang pagsusuot po ng face shields, nakikita naman ninyo sa ating Press Briefings ay sang-ayon po sa mga opinyon ng eksperto.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, si Senator Risa Hontiveros and Senator Imee Marcos are calling on the government to stop all deals with Pharmally. Is this something that the government is considering or totally hindi na po ito possible?

SEC. ROQUE: Hindi ko naman po alam kung mayroon pang ibang transaction with Pharmally, kasi ang under question lang po, itong specific importation ng PPEs. At pinapakita nga po natin na mukhang wala pong overpricing. Kagaya ng sinasabi ng ilang mga senador, dahil ang pinagbasehan na natin, iyong halaga mismo na inangkat ng nakaraang administrasyon. Hindi naman po pupuwedeng may overpricing sa P1,900 at walang overpricing sa P3,500. At uulitin ko lang po ha, kaparehong grade po ng PPE ang inangkat natin. Iba-ibang grade po iyan 1,2,3,4. 4 iyong pinakamataas na klasipikasyon at ginagamit po iyan sa kahit anong nakakahawang sakit, whether be it Ebola or COVID. At ang inangkat po talaga natin kapareho din ng inangkat ng DOH noong bago matapos ang termino ni Presidente Aquino, level 4 na PPE.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right. Thank you very much, Spox Harry.

SEC. ROQUE: Thank you very much po. Punta tayo kay Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary question from Kylie Atienza ng Business World: Is the government already in talks with vaccine manufacturers to secure booster shots? When will the country administer top up shots and ano po ang sector na ipa-prioritize?

SEC. ROQUE: All I can say is that, it is in our proposed budget. Kapag na-approved po iyang budget na iyan. Even without approval, pupuwede naman pong i-procure na iyan. Pero sa ngayon po nandoon pa tayo sa pagbabakuna sa buong Pilipinas. Parang kung tama po ang figure ko nationally, nasa 18.29% pa lang po tayo nationally, so saka na po muna natin pag-usapan ang mga booster shots.

USEC. IGNACIO: From, Ace Romero ng Philippine StarReaksiyon po sana sa pahayag ni Secretary Galvez sa recommendation ng OCTA Research to impose a three-week hard lockdown in COVID hotspots to prevent the further spread of the virus. Doable po ba ito at ano po ang implication?

SEC. ROQUE: Well, sa ngayon po, parang hindi po doable iyan. Dahil nakikita naman po natin na ayaw nating lalo pang dumami ang hanay ng mga nagugutom. We are aiming for total health. Bawasan ang pagkalat ng kaso at bawasan ang hanay ng mga nagugutom. Ang ating objective doon sa less than 2% na kinakailangang ma-hospital pinaghahandaan po natin ito, dapat mayroon nga silang mapupuntahang hospital. At sa ngayon naman po, bagama’t  nasa critical level ang ating mga ICU beds ay hindi pa po sila completely puno at inaasahan po natin na dahil nga po sa Metro Manila ay malaki-laki na po, halos kalahati na po ang nababakunahan, maski dumami  pa ang numero ay parang sipon na lang po.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong susunod po niyang tanong ay nasagot na rin po ninyo, Secretary about sa granular lockdown. Ang third question niya nasagot na rin po ninyo, about Senator Drilon. And then, pareho po sila ng tanong din ni Ivan Mayrina ng GMA News.

From Joseph Morong, Secretary Galvez said they sought help from the Chinese Ambassador to procure PPEs. Senator Drilon says if that was the case, why not just a government to   government deal which would be cheaper?    

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam ang kasagutan diyan ano. Pero ang primordial consideration natin noong mga panahon na iyon na namamatay ang ating mga frontliners ay makakalap, maka-import ng PPEs at the soonest time possible. So, sa aking pananaw po ay mas mabilis po talaga if we deal with private entities, rather than G-to-G transactions.  I think lang, alam naman ninyo kung bakit ‘no.

USEC. IGNACIO:  Opo. Second question niya. Do we have any information on the whereabouts of Lloyd Christopher Lao? The Senate wants to issue HDO on him. Can the Senate do that? Can Lao leave the country freely?

SEC. ROQUE: Well, hindi ko po alam kung nasaan siya.  Pero Nakausap ko po siya sa telepono at mukha namang wala pong indikasyon na wala po siya sa bansa. But of course the Senate can do whatever it wants.

USEC. IGNACIO: Opo. Under what provision in the government procurement act was the P8B transaction realized?

SEC. ROQUE: Ito po, number one po, it is pursuant to the Bayanihan 1 Law. At saka kasama rin po ito sa [RA] 9184 iyong emergency cases, section 53, 53.2. Pero this is the general law. The lex specialis ay Bayanihan 1 Law po.

USEC. IGNACIO: Opo. May follow up si Joseph, kailan daw po inyo nakausap si Christopher Lloyd Lao?

SEC. ROQUE: Ngayong umaga po at pinadala po niya sa akin iyong mga quotes ng iba’t ibang mga supplier. Kung gusto ninyo basahin ko na nga, kaya lang hindi ko na na-print eh ‘no. Pero basahin ko na po kung anu-ano iyong mga iba’t ibang mga suppliers na ipinadala sa akin. Isa pa nga doon ay dati kong kliyente ‘no. Hindi ko naman maitatagong kliyente ko iyon, iyong Colonwell, kasi nasa SCRA iyan, Supreme Court Reports Annotated and I represented them in the Supreme Court. Mas mataas po iyong quote ng sarili kong kliyente.

Ito po iyong sarili kong kliyente, presented, dating kliyente when I was still in practice ay P2,000 something po, ewan ko ba kung bakit hindi ko ngayon mahanap iyong pinadala kanina ano. P2,000 something iyong per set, pero ito nga pong winning, ng Pharmally is P1,950. Tapos, well, anyway, ipu-post ko na lang po sa web page ng OPS itong mga nakalap kong mga dokumento galing kay dating Undersecretary Lloyd Lao.

USEC. IGNACIO: Opo. From Red Mendoza ng Manila Times. Tanong para po kay Doc Thea pero na-present na po ni Doc Thea sa kaniyang presentation about iyon pong Mu variant na dineklara ng WHO.

From Pia Gutierrez ng ABS-CBN: Reaksiyon po, Spox Roque: Former Department of Health Secretary, now Iloilo First District Representative Janet Garin is asking Health Secretary Francisco Duque to investigate the claim that the Aquino administration purchased overpriced Personal Protective Equipment. Garin expressed surprise at a claim saying she does not recall being involved in this procurement?

SEC. ROQUE:  Alam po ninyo si Secretary Garin is very good personal friend of mine, hindi ko po iyan tinatago ‘no at in fact, as you know I’m very sympathetic to her doon sa mga kaso pa na hinaharap niya on Dengvaxia ano at hindi po natin sinasabi na overpriced iyong P3,500; ang sinasabi lang natin, eh ngayong iyong P1,950 na kontrata ay binubusisi at sinasabing overpriced. Ang tanong, eh kung P3,500 noong panahon ay sinasabi nilang hindi overpriced, bakit magiging overpriced ang mas mababang presyong P1,950.

Hindi po natin alam kung bakit naging ganoon ang naging presyo noong panahon na iyon at hindi ko naman sinasabi na overpriced talaga iyong P3,500 na iyon, dahil hindi ko po alam. Ang alam ko lang level 4 din po iyon, kapareho ng ating binili. Pero ang sa akin lang po, I am addressing the nation now, kasi ang mga pulitiko, panahon na talaga ng eleksiyon at talagang gumagawa sila ng mga political issue. Mga kababayan bago natin i-conclude na nagkaroon ng pandarambong at nagkaroon ng overprice, tanungin natin, overpriced ba ang P1,95o, ganoong nabili ang exact same PPE na level 4 na halagang P3,500.

Pero hindi ko naman po sinasabi na overpriced din po iyong P3,500. Definitely, what I am saying is P1,950 is not overpriced, given that noong hindi pa masyadong matagal na panahon ay bumili po sila ng P3,500 at P3,800.

USEC. IGNACIO: Opo, from Lei Alviz ng GMA News, for Doc. Alethea De Guzman: The UP COVID-19 Pandemic Response Team projected that cases may peak at 30,000 per day towards the end of September and total cases may reach 4 million in December, sang-ayon po ba dito ang DOH?

DR. DE GUZMAN: Iyan po ay may projection para sa National Capital Region ‘no. Babalikan ko po kayo on this on the range of the projections. But what I do remember is by end of September, the average na daily cases based on that range will be around 30,000 cases per day and that’s for NCR alone.

Pero sa akin po, alam ninyo para saan po ang projections, ito po ay hindi parang ball park, kung saan mare-reach ba natin o hindi. Ginagamit ng Department of Health at ng gobyerno ang projections para i-project natin at malaman natin ano ba iyong pangangailangan natin, kung nakikita nga natin na ganito karami ang ating active cases. Lalo na ilan, tulad noong pinakita ko kanina, ilan ba ang severe at critical cases na puwedeng magkaroon tayo by a certain time, iyon ay gusto nating paghandaan iyon sa pagdadagdag ng ating mga kama, pag-i-improve ng ating mga triage and referral systems. Kasi ngayon na mataas ang kaso, the goal is to insure, to minimize the number of severe and critical cases and to reduce the number of fatalities, that is what we are aiming for po.

USEC. IGNACIO: Opo. Okay, thank you, Doc. Thea. From Maricel Halili ng TV 5: Secretary Roque, sabi po ni Senator Pacquiao, masyadong defensive ang Pangulo sa mga tao niyang kinukuwestiyon sa overpriced supply, “Ang hiling ko lang sa ating Pangulo, huwag po sana ninyong i-tolerate iyong mga tao niya na gumagawa ng anomaly. Ang nangyayari dito ngayon kasi si Presidente defensive masyado doon sa mga tao niya sa mga in-appoint niya.” Ano po ang tugon ng Palasyo?

SEC. ROQUE: Well, Senator Pacquiao, I can tell you that I have had personal experiences with the President. Isa-isahin natin iyan. Halos lahat ng Presidente sa PhilHealth natanggal at kung maalala ninyo palaging isa ako doon sa nagrireklamo, lahat po iyan napakalapit kay Presidente, pero noong tiningnan naman niya iyong ating mga argumento ay na-convince naman siya ‘no na palitan na.

Iyong dati niyang napakalapit na Secretary ng DILG tinanggal, iyong kaniyang Spokesperson noong kampanya, tinanggal. Iyong napakalapit na taga-Mindanao na dating member ng SSS, tinanggal. Wala kay Presidente kung malapit ka eh.  I have proven that, kasi the many times I questioned iyong mga nakaupong PhilHealth, halos lahat sila mga taga-Davao at alam ko, I was taking my personal relationship with the President at sino ba naman ako, Johnny come lately sa buhay niya, hindi taga-Davao para pakinggan. Pero lahat po sila natanggal!

So, have personal knowledge na kapag mayroon naman po talagang datos at katotohanan sa mga paratang ng korapsiyon, ang Presidente hindi po ipinipikit ang kaniyang mga mata. Kaya nga lang po ngayon, paano tayo maniniwalang overpriced, P1,950 as against P3,500. Tapos na po ang boxing Senator Pacquiao. Dahil kung mayroong P1950, mas maliit po iyan sa P3,500!

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque at sa ating mga bisita.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Usec. Maraming Salamat kay Dr. Alethea De Guzman at sa alkalde ng aking siyudad ng Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano. Maraming salamat po sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps at mayroon nga pong Talk to the People nga, puyatan blues na naman po tayo. Pero sa ngayon po, ito po ang inyong Spox Harry Roque, sa ngalan ng presidenteng nagsasabi: Pilipinas, pangako ni Presidente, walang corrupt na mananatili sa kaniyang administrasyon! Tingnan lang po natin ang katotohanan at pawang katotohanan lamang sa panahon ng pulitika. Magandang hapon po sa inyong lahat.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)