Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


USEC. IGNACIO: Okay. Magandang araw pong muli. Kaugnay pa rin sa patuloy nating pagbibigay serbisyo at impormasyon, kasama na po natin ngayong araw si Presidential Spokesperson Harry Roque – magandang araw po, Secretary.

SEC. ROQUE: Magandang araw Usec. Rocky at magandang tanghali sa lahat po ng mga Pilipino, lalung-lalo na iyong mga homeliners na sumusunod po sa ating ECQ. Eh ngayon po ay ika-limang linggo na ng ating ECQ, at siguro po panahon na na tanungin natin: nasaan na ba tayo; ano na ang ating nakamit at saan tayo papunta?

Well, nasaan na ho ba tayo? Unang-una, simulan po natin dito sa graph na ito. Itong graph pong ito ay nagpapakita na kung hindi po tayo nag-impose ng extension sa ECQ, eh mas marami pong kaso ng COVID-19 ang dapat na nagkaroon ang ating bansa. Kung hindi po tayo nag-impose ng extension, siguro po ngayon mado-doble, kung hindi mati-triple iyong numero ng ating mga kababayan na nagkasakit dahil sa COVID-19.

Ito po iyong dahilan bagaman at mapait nga na i-extend itong ECQ, eh minabuti ng ating Presidente na ipagpatuloy muna dahil makikita ninyo sa graph na ito, talaga pong doble o triple ang dapat na nagkasakit kung hindi natin pinagpatuloy.

Now, hindi ko pa po alam kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw pero dito sa graph na ito ay nakikita rin po natin na mayroong projection na kung ipagpapatuloy natin ang modified community quarantine ay mas kaunti pa rin ang magkakaroon ng pagkakasakit sa atin sa COVID-19 – at ito nga po iyong yellow na linya. Pero kung wala po tayong gagawin at kung hindi natin ipinagpatuloy ang ECQ, napakadami pong mga mamamayan natin ang magkakasakit, napakadaming mamamatay lalung-lalo na sa buwan ng Mayo at ng Hunyo.

Pero ngayon po, matapos ang limang linggo ng ating ECQ, makikita naman natin sa susunod na graph na bagaman at madami pa rin ang mga kaso ng COVID sa Pilipinas, ang mga bagong kaso ng COVID ay bumaba, lalung-lalo na noong kasagsagan ng mga Mahal na Araw at medyo tumaas po matapos ang ating Mahal na Araw.

Mga kababayan, ibig po sabihin – at ang patunay nito ay iyong mga traffic sa EDSA, sa iba pang lugar ng Pilipinas, gaya ng SLEX – hindi po dapat itigil ang ECQ! Kinakailangan po manatili tayo sa mga bahay natin dahil itong graph pong ito, at mukha yatang may technical glitch lang at hindi ninyo nakikita ang graph, ay nagpapakita na matapos po ang Mahal na Araw ay dumami na naman ang mga kaso ng COVID-19. At hindi po iyan nakapagtataka dahil nagta-traffic nga po sa SLEX, nagta-traffic sa lugar ng mga palengke at nagta-traffic po diyan sa Divisoria at sa Blumentritt.

Mayroon lang po tayong konting problema dahil hindi yata lumalabas ang ating mga graph, so sana po ay ma-address ng ating technical itong problema ito.

Pero ganoon pa man, ang mabuting balita naman po ay habang dumadami naman ang kaso ng mga COVID, eh dumadami rin iyong mga numero na nakaka-recover o gumagaling sa sakit ng COVID. Tingnan po muna natin kung maaayos natin ang ating technical glitch para tuluyang maintindihan ng ating taumbayan kung ano na ang mga nangyayari ngayon sa atin.

Anyway, siguro po balikan natin ang mga graphs. Pero ano naman po ang ginawa ng ating gobyerno, dahil alam naman po natin na dahil ang ECQ ang tanging pamamaraan para tayo po ay mapabagal iyong pagkalat ng sakit, eh napakasakit din po niyan sa ating mga kababayan dahil wala nga po tayong mga hanapbuhay?

So babalik po ako sa kauna-unahang graph. Ito po iyong graph na minention ko, iyong pulang linya po ay nagpapakita na kung hindi po tayo nag-extend ng ating ECQ, napakadami po sanang kaso ng COVID ang nagkaroon tayo sa ating bayan. Pero dahil nagkaroon po tayo ng continuation, makikita po natin na ito po, iyong pinakamababang linya, iyan po ang ating inaasahan, iyong malaking pagbawas sa kaso ng COVID dahil nga po pinagpatuloy natin ang ECQ.

Itong susunod naman pong graph ay nagpapakita ng mga bagong mga kumpirmadong kaso ng COVID-19: Nakikita po natin na tumaas, bumaba at pataas pa rin po ang COVID. Nakakalungkot po na bagaman at tayo po ay nag-extend ng ECQ ay hindi pa rin natin napa-flatten ang curve kaya nga po paulit-ulit nating sinasabi, kinakailangan lahat tayo maging homeliners, wala na pong ibang pamamaraan para mapabagal ang pagkalat ng sakit na ito kung hindi po sa pamamagitan ng ECQ at ng social distancing.

Okay, ang susunod naman po nating graph ay nagpapakita noong tala ng mga bagong mga namatay dahil sa COVID-19. At makikita po natin na bagaman at mayroon pong pagbaba sa punto ng matapos nang Mahal na Araw hanggang ngayon ay hindi pa rin po tuluyan iyan na bumaba. Importante po ngayon na lalo pa nating paigtingin ang ating ECQ sa darating na linggo.

Now, siyempre ang sabi ko nga po kanina iyong mabuting balita, na napakadami naman po ngayong mga nagre-recover sa sakit na ito. Ibig sabihin, tamaan man tayo ay may pag-asa po na tayo ay gagaling, pero mas mabuti po na iwasan na nating tayo ay magkasakit. Manatili po sa ating mga kaniya-kaniyang mga tahanan.

Now, ano naman po ang ginawa na ng gobyerno? Well, alam ninyo naman po unang-una, ang ating gobyerno ay dalawa po ang ginagamit para matulungan at ibsan ang kahirapan ng ating mga kababayan dahil hindi nga po tayo nakapagtrabaho habang tayo ay nasa ECQ.

Well unang-una muna, bago iyong mga ayuda na binibigay ng ating gobyerno, mayroon tayong tinatawag na mga monetary policies. Iyong ating Central Bank po ay nagbaba ng reserve requirements para mas marami pong puwedeng ipautang at mas marami pong salapi na umiikot sa ating ekonomiya. So far po, nagbaba po ang Central Bank ng kaniyang reserve requirement sa mga bangko ng 2%; kada porsiyento po equivalent sa 110 billion at ang suma total po ngayon ay mayroon tayong 220 billion na salapi na umiikot para po maibsan ang kahirapan ng ating mga kababayan.

Bukod pa po dito, ginagamit din po natin iyong national budget, iyong mga serbisyo at mga biyaya, tulong na nanggagaling sa gobyerno. Nandiyan na po iyong mga food packs na na-deliver ng ating DSWD – 401,301; Nandiyan po iyong 65 billion na na-distribute na natin na galing po iyan sa SAP na naisabatas po ng Bayanihan Act; Nariyan din po ang ating tulong galing sa Department of Labor and Employment. Nakatulong na po tayo sa 118,086 na mga manggagawa doon sa mga informal sector. Ito po iyong mga nagtitinda sa palengke, iyong mga hindi rehistrado sa mga employers. At tayo po ay namigay na ng halagang 206 million pesos galing po sa DOLE sa pamamagitan ng programang TUPAD doon po sa mga informal workers ng ating ekonomiya.

Para naman po doon sa formal workers o iyong mga nagtatrabaho sa pormal na sektor ng ating ekonomiya, mayroon na po tayong nabigyan ng biyaya na 167,941 na mga manggagawa. At nakabigay na po tayo sa pamamagitan ng COVID-19 Adjustment Measure Program (CAMP) ng 814 million pesos dito sa mga manggagawa sa pormal na sektor. Lahat po ito ay dahil naiintindihan natin na kung hindi magtatrabaho ang mga manggagawa, walang kakainin ang kanilang mga pamilya. So, sinasagot na po ng gobyerno, galing po sa national budget, ang mga pangangailangan ng pinakamahihirap na ating mga kababayan.

Pero bukod po diyan, hindi lang po iyong mga pinakamahihirap ang ating binibigyan ng biyaya, pati po iyong mga maliliit na mga negosyante; iyong small and medium enterprises ay binigyan na po natin ng 50 billion sa pamamagitan ng salary subsidy. At gaya po ng mga programa para sa mga mahihirap, magkakaroon po ng P5,000 to P8,000 per month, for two months ang mga nagtatrabaho sa mga small and medium enterprises dahil ito nga po ay sa katotohanan na dahil sa expanded community quarantine ay hindi po nakapagtrabaho iyong mga empleyado ng mga maliliit na mga negosyo.

Bukod po diyan, iyong ating mga GOCCs, gaya po ng GSIS ay nag-extend na po ng mga pautang sa kanilang mga miyembro. Ang GSIS, ang SSS at ang PAGIBIG po ay nagpautang sa kanilang mga miyembro ng halagang P20,000. Ang PAGIBIG po, nagbigay rin ng three-month moratorium para doon sa pagbabayad ng interes sa mga housing loans. At sa transport sectors naman, ang DOTr po ay namigay na ng tulong pinansiyal P5,000 to P8,000 din kada buwan sa 15,854 na mga tsuper ng jeepney, bus at mga motorsiklo.

Sa PhilHealth naman po, sa period ng February 1, 2020 hanggang April 14, 2020, wala pong binayaran o babayaran ang mga nagkaroon ng COVID-19. Simula po ng April 15, mayroon pong tinatawag na case rate o package rate na babayaran ang PhilHealth at ito naman po ay hanggang P700,000 para sa severe kaso ng mga pneumonias.

Ang ating mga OFWs ay binigyan din ng tulong ng ating OWWA: At as of April 15 po, mayroon nang 10,240 OFWs na nabigyan ng ayuda ng ating gobyerno; Mayroon pong 2,641 na mga OFWs na nabigyan ng temporary shelters; Mayroon na rin pong 3,347 OFWs na natulungan ng libreng transportasyon; At mayroon pong 3,688 seafarers na nabigyan ng food packs sa pamamagitan ng Tulong Marino Program; Mayroon pong mga 564 OFWs na stranded sa Clark na nabigyan ng pagkain, akomodasyon at tulong sa transportasyon. Ang suma total, mayroon na po tayong 96.53 million na na-release para sa 9,653 OFWs na tig sa-sampung libo po kada isa as part doon sa tinatawag ng programang Benefits Availment Program (BAP) ng COVID-19 relief assistance.

Lahat po ito ay dahil nga kinakailangan mabigyan ng pagkain at iba pang mga pangangailangan ang lahat ng Pilipino, bagaman at tayo po ay nag-ECQ, para po masalba ang buhay ng ating mga kababayan. Ang sabi nga po ng World Bank, ang impact ng lockdown ay patuloy; kinakailangan pong ipagpatuloy ang social distancing; kinakailangang isalba natin ang mahigit kumulang 100,000 lives at kinakailangan bigyan natin ng oras at panahon para ang ating health system ay magkaroon ng pagkakataon na magbigay ng serbisyo sa lahat ng mangangailangan.

Uulitin ko po, iyong ECQ, pinabagal lang ang pagkalat ng sakit dahil hinahanda po natin iyong ating health system para magbigay ng serbisyo sa napakadami pang pupuwedeng magkasakit ng COVID-19. But ang mensahe po ng Presidente, gagamitin po natin ang pondo ng taumbayan; kung kinakailangan, sabi nga po ni Presidente noong Tuesday, kung kinakailangan ititigil niya ang lahat ng infrastructure projects, kung kinakailangan gastusin ang pondo ng bayan para magkaroon ng pagkain at iba pang mga pangangailangan ang ating mga kababayan. Sagot po tayo ni Presidente Digong…

Now, siguro po ngayon titigil na ako at sasagutin ko na po ang mga katanungan galing po sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps. Si Joseph Morong yata ang unang magtatanong – Joseph..?

JOSEPH MORONG/GMA7: Hello, sir. Hi sir, good morning.

SEC. ROQUE: Good morning.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right. Okay. Sir, iyon po muna sa ECQ sa April 30, do you think that we can flatten the curve before or on April 30?

SEC. ROQUE: Well, sa available data po natin, and April 30 is only one week away, eh sa ngayon po hindi pa po natin napa-flatten ang curve. At in an ideal world Joseph, habang hindi natin napa-flatten ang curve, in an ideal world dapat ipagpatuloy ang ECQ. Pero ang riyalidad nga eh kinakailangan din magkaroon ng kabuhayan ang ating mga kababayan, kaya ngayon pa lang po ay nag-uusap na ang IATF, ang miyembro ng Gabinete at nag-e-explore ng mga options kung papaano nga ang gagawin.

Pupuwedeng ipagpatuloy ang ECQ, pupuwedeng magkaroon ng modified ECQ, pero gaya ng sinabi ko noong huling press briefing natin, humahanap tayo ng balanse between iyong obligasyon ng estado na protektahan ang kalusugan ng mga mamamayan doon naman sa karapatan ng mga mamamayan na magkaroon ng hanapbuhay.

JOSEPH MORONG/GMA7: Yes, sir. So, do I take to mean sir that as far as resources go, we cannot sustain an extension? Kasi parang wala namang—

SEC. ROQUE: Well, hindi ko po sinasabi iyon. Dahil remember doon sa Bayanihan Act na pinasa ng Kongreso, iyong 205 billion ay para sa social amelioration lamang. Pero binigyan po ng kapangyarihan ang Presidente na mag-realign ng mga pondo, lalung-lalo na iyong galing sa mga GOCC. At ang aking huling pagkakaalam, we have at least 195 billion that we can already realign. Pero gaya ng aking sinabi, hayaan na muna natin magkaroon nang mas malawakang talakayan sa IATF dahil naintindihan naman natin na pinakaimportante pa rin ang buhay.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, just one last on that aspect: The sense that I’m getting from Secretary Nograles and your statements now is that we are going to lift and it’s just a matter of—or it’s just a question of degree. Is that correct?

SEC. ROQUE: Ay naku, hindi ko po puwedeng sabihin na tama iyon. Ang mabibigay kong impormasyon lang, ako mismo ay nakarinig na po ng ilang mga suhestiyon galing kay Presidential Adviser Joey Concepcion at kay Finance Secretary Sonny Dominguez, na mga posibleng scenarios; at kasama po sa mga scenarios ay iyong parang puwede nating limited ECQ. Ang mga napakinggan ko, puwedeng magkaroon ng limited ECQ on the basis of geographic location, on the basis of comorbidity – iyong mga taong may sakit, on the basis of particular industries pero wala pa pong desisyon at malinaw naman po ang Presidente matapos ang pagpupulong na iyon, na pag-iisipan pa niya itong bagay na ito.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right, just last two questions sir. Can you elaborate more on the protocol ng rapid testing doon sa mga tao na makikipagpulong kay Presidente?

SEC. ROQUE: Well, unfortunately po – let me make this very clear. We make no apologies for the fact that we are protecting the life of the President. Gagamitin po natin ang lahat ng resources na kaya nating gamitin para protektahan ang Presidente. Dahil ang Presidente po hinalal ng taumbayan para mamuno sa kanila, lalung-lalo na sa mga panahong krisis gaya nito.

Iyong rapid testing po, ginagamit, kasi po ito ay mabilis at ito po ay mura compared to PCR. Kung ang PCR nga po ay mapapadali, siguro gagamitan natin ng PCR ang lahat ng gustong makipagpulong kay Presidente, pero 5 to 7 days nga po ang resulta noong PCR, so imposible! Now ito rin po, iyong rapid testing kits na ang sabi ng Presidente, he is authorizing the use of the purchase of rapid testing kits using public funds despite the objections of certain quarters dahil hindi pa raw nasusunod iyong probisyon noong batas na ating sinulong – iyong Universal Healthcare na kinakailangan may approval ng Health Technical Committee.

Ang sabi ng Presidente, “I assume full responsibility. I authorized the spending of public funds for the purchase of rapid testing kits but they will be used in conjunction with PCR.” So ang plano po ngayon, dapat magkaroon tayo ng 900,000 PCR testing and about 2.2 million rapid testing kits para magkaroon tayo ng accurate statistical sample sa extent ng pandemic sa ating bayan.

JOSEPH MORONG/GMA7: Pero sir iyong accuracy noon, kasi may mga nagsasabi na iyong rapid test kits is not that accurate. So ibig sabihin in terms of protecting the President, do you really are—are you really protecting the President by using just the rapid test?

SEC. ROQUE: Well let’s just say that we are hoping that the President is more protected using rapid testing because in the first place, PSG will not allow anyone with symptoms to come into the Palace. So please understand that the rapid testing is additional safeguard, but the primary safeguard is no one who suffers from any symptoms and no one who has had any contacts with anyone with COVID-19 will be allowed into the Palace.

Kung papasok po ngayon sa Palasyo, ako mismo, every time pupunta rito for press briefing, mayroon po akong form na pinipirmahan. At ang tanong doon ay nagkaroon na ba ako ng COVID, kung ako po ay nag-testing sa COVID, kung ako po ay bumisita sa kahit anong hospital, kung ako ay bumisita sa kahit sinong may COVID, at siyempre po kapag nasagot mo ‘yes’ diyan, ay hindi ka papapasukin ng Palasyo. So kapag ang sagot mo ay ‘no’ at wala kang sintomas at wala kang exposure sa taong nagkaroon ng COVID-19, eh bibigyan ka pa rin ng rapid testing bilang additional safeguard to protect the health of the President.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, last question na lang on the resources. Ang sinasabi naman ni Presidente, iyong CCP and PICC, medyo sa super dulo na iyan ‘di ba?

SEC. ROQUE: Yes, of course.

JOSEPH MORONG/GMA7: But if you do run out of resources, why did the President specifically mention CCP and PICC as assets that can be sold?

SEC. ROQUE: No reason. I think it’s just to emphasize that we have to sell physical assets. He will, because he will give primary importance to the health of the people. Mas mahalaga po ang kalusugan ng ating kababayan, kung kinakailangan ibebenta niya iyong mga imprastrakturang iyan para gamitin ang proceeds sa pangangalaga ng kalusugan ng mga kababayan natin.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right, sir. Sir, before the COVID issue I understand na may talks, at least dalawang auction houses to auction iyong Marcos jewelries. Is the government open to selling the Marcos jewelries just in case we need the money?

SEC. ROQUE: I think even before the COVID-19 pandemic, that’s already an option being pursued by government.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Thank you for your time, sir.

SEC. ROQUE: Thank you, Joseph. Next question, Rocky…

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, question from Tina Mendez of Philippine Star: Ano daw po ang comment from Malacañang on the move of the National Democratic Front of the Philippines to call the attention of the United Nations on the alleged atrocities committed by the government during the ceasefire while there is a COVID-19 crisis? Nag-submit daw po ng letter ang NDFP sa UN Secretary General Antonio Gutierrez claiming that the Armed Forces and the PNP committed offensive military operations from March 16, 2020 to April 15, 2020 in 196 villages of 96 towns in gross violation of their own unilateral ceasefire declaration.

SEC. ROQUE: Well, hindi po namin mako-control kung anong gagawin ng NDF – gawin po nila ang lahat ng gusto nilang gawin! However as a lawyer, as a professor of international law, I can assure you, hindi po iyan papansinin ng UN Secretary General – bakit po? Alam ninyo po, may mga batas na umiiral kapag mayroon pong labanan. Dalawa po iyan: pang-international armed conflict; pang-non-international armed conflict, Geneva Conventions and additional protocols. Kaya po mayroon tayong ibang mga batas na umiiral sa labanan na hindi po pang-internasyonal, eh kasi po ayaw ng mga bansa sa daigdig na bigyan ng kahit anong status ang kanilang mga kalaban na mga domestic gaya ng NPA at CPP.

So sa atin po, ang buong daigdig nagkaisa – kriminal pa rin po ang mga grupo gaya ng CPP at NPA. At kahit ano pong gawin nila, tatratuhin po silang kriminal! Kaya nga po naniniwala ako, wala pong gagawin ang UN SecGen diyan dahil hindi naman po nagpoprotekta ng mga kriminal ang UN system.

USEC. IGNACIO: Okay. Ang tanong mula kay Bella Cariaso ng Bandera: Reaction daw po ng Palasyo sa desisyon ni US President Donald Trump to stop iyong funding sa World Health Organization; Magko-cause ba ito ng concern since at stake iyong worldwide campaign against the pandemic?

SEC. ROQUE: It’s not for the Philippine President to tell other presidents what to do. Pero tayo po, suportado po natin ang WHO dahil nakita naman po natin na kung wala pong WHO, wala pong namuno sa coordination dito sa laban natin sa sakit na COVID-19. So sana po lahat ng bansa ng daigdig ay ipagpatuloy po ang kanilang kooperasyon sa WHO at importante rin po ang pagbibigay ng pondo sa WHO. As far as the Philippines is concerned, we stand committed to the WHO and we will give our contribution when the need arises.

USEC. IGNACIO: Okay, iyong second question ni Bella, basahin ko na rin although alam ko po mayroon nang update dito ang Marikina City. Iyong decision daw po ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro to push through with the opening of the city’s testing center. Kasi inirereklamo daw po iyong alleged kabagalan ng DOH to process iyong accreditation ng lungsod despite na mayroong national emergency. Pero Secretary, may update na po dito pero binasa ko rin para alam ninyo po iyong tanong ni Bella.

SEC. ROQUE: Well alam ninyo po, noong huling press briefing dapat nasagot ko iyan. Pero ang posisyon po ng Presidente, hindi naman po puwedeng balewalain ang DOH. Dahil ang ginagawa lang naman ng DOH eh sinisiguro na hindi kakalat iyong sakit dahil kapag ikaw ay may testing laboratory, you’re dealing with a virus that is highly contagious. So ang gusto lang makita ng DOH, iyong laboratory nila ay mayroong enough safeguards to guarantee nga doon sa pagkalat ng virus.

Pero at the same time, eh nakikiisa rin po ang Presidente sa lahat ng initiatives ng local government units para magkaroon ng kanilang mga sari-sariling solusyon sa kanilang mga geographical territory. Naiinip din po talaga ang Presidente minsan sa bagal ng ilang mga departamento natin, at ang patunay nga dito ay iyong desisyon niya na siya na nga ang mag-o-authorize na bumili ng rapid testing kits dahil nababagalan siya sa aksiyon ng mga bureaucrats.

So, sa akin po, ang aming nakitang solusyon diyan eh hihingin po namin ang DILG na mag-mediate sa panig ng DOH at ng Marikina City. Huwag naman po nating i-discourage ang initiatives ng LGUs, pero at the same time mga LGUs, huwag naman po natin balewalain ang safety standards ng ating DOH.

USEC. IGNACIO: Okay. Mula po kay Francis ng Daily Tribune: Kumusta na daw po ang ibang mga Cabinet members? Wala bang naka-quarantine? In good health ba daw po lahat at kailan ba daw po mag-uumpisa iyong rapid test sa Malacañang? Mayroon na po bang nag-COVID positive doon sa mga pumapasok?

SEC. ROQUE: Well sa mga Gabinete, nakatanggap lang po ako ng welcome back messages sa kanila at ang alam ko kung anong alam ng taumbayan din dahil hindi pa ako nakaka-attend ng full Cabinet meeting. Ang nakita ko lang po so far is, si Secretary Sonny Dominguez, Secretary Karlo Nograles, si Secretary Bautista at iyong Chief po ng ating IATF, si General Galvez at lahat naman po sila ay mabuti ang kalusugan. Ang alam ko rin po, nasa voluntary quarantine pa rin si Secretary Briones at beyond that po eh wala naman pong ibang miyembro ng Gabinete na nagkasakit na ng COVID-19 – bukod po kay Secretary Año na ang paniwala ko po ay naka-quarantine pa rin.

Ang status po ng COVID testing—hindi ko po alam kung kailan sila nagsimula, pero napansin ko lang po noong ako ay pinatawag ng Presidente on my first day as Presidential Spokesperson last Tuesday, eh binigyan din po ako ng test na iyon. Pero ang tingin ko po, hindi po ito nasimulan nang matagal na panahon na dahil ako rin po ay namigay ng exact same rapid testing kits at kailan lang naman po iyan pumasok sa ating bayan.

USEC. IGNACIO: Okay. Tanong po mula kay Rosalie Coz ng UNTV: Ano daw po ang posisyon ng Malacañang sa mga criticisms against effort ng Duterte administration to contain COVID-19 sa bansa dahil po sa standing sa ASEAN, leading na po ang Pilipinas bilang COVID-19 positive cases. Sa sampung bansa, kahit wala pa po ba tayong mass testing, mas marami rin po ba tayong casualties compared sa ibang ASEAN member-states?

SEC. ROQUE: Well, hindi po natin madi-deny iyong datos na iyan. Pero ang ginagawa nga po natin, unang-una, nananawagan, nakikiusap sa lahat ng mga Pilipino… ang dami pong pasaway sa atin. At dahil po diyan, number one na naman tayo sa ASEAN sa dami ng COVID-19, nakakahiya po iyan! Itigil ninyo na iyang pagiging pasaway. Manatili kayo sa inyong mga tahanan.

Kung ikukumpara ninyo ang ECQ sa ibang bansa, sa Singapore, lahat sumusunod. Sa Malaysia ganiyan din, dito lang sa Pilipinas nagkaroon ng traffic sa SLEX at sa Divisoria despite ECQ. Mahiya naman po tayo! Hindi na po natin idi-deny iyan dahil dapat tayong mga Pilipino mahiya! Dahil nagpapakita tayo na walang disiplina. Eh samantalang ginagawa naman po natin ito dahil nais nating maiwasan na magkasakit ang ating mga kababayan.

So pakiusap po, galing sa inyong Presidente… maging homeliners po tayong lahat. Mga nanay puwede ho ba, kayo na ang mag-enforce nitong ECQ sa inyong mga tahanan. Mabuti po iyan kapag in-enforce ninyo iyan, hindi makakabisita si mister sa kaniyang kulasisi. So para ninyo nang awa po, stay in your home.

Now, nonetheless, we have taken steps. As you know, we have started our mass testing only recently. Totoo naman po, compare to other countries medyo nahuli tayo diyan, but it is now underway, and the target is 900,000 PCR testing, 2.2 million rapid testing.

USEC. IGNACIO: Ang second question po ni Rosalie, may mga suggestion daw po ng total lockdown within two weeks to totally contain daw po ng spread ng COVID-19, as in pati raw po ba daw mga tindahan isasara para po maiwasan lumabas ang mga tao; Ano po ang posisyon ng Palasyo dito? Isa po ba ito sa mga kino-consider ng Pangulo dahil sa tila complacency nang marami? Bakit po hindi, at kung oo at bakit din po?

SEC. ROQUE: Noong huling press briefing ko po, pina-anunsiyo sa akin na fake news po iyong kumakalat na balita na magkakaroon ng total lockdown. Pero hindi po fake news na kinokonsidera ang total lockdown, lalung-lalo na kung magpapatuloy iyong mga pasaway sa ating kalsada. So huwag na po nating pahabain pa itong ECQ. Tumupad na po tayo sa ating obligasyon at kaunting panahon na lang naman po ang natitira dito sa ating ECQ, isang linggo, konting tulog na lang po ito – pagtiyagaan na po natin! Pero kapag hindi po natin napa-flatten ang curve, hindi natin nabawasan ang mga kaso ng COVID, siyempre po, isa iyan sa option na ikokonsidera.

Pero uulitin ko po, wala pa pong desisyon na mag-total lockdown! Iyan po ang fake news! Pero ang totoong balita po, ikokonsidera po iyan kapag hindi talaga bumaba ang kaso ng COVID-19 sa ating bayan.

USEC. IGNACIO: Okay. From Ruth Gita-Carlos ng Philippine News Agency: “Can you expound on President Duterte’s stand that the distribution of emergency subsidies could have been easier had the national ID been implemented and unopposed by leftist?”

SEC. ROQUE: Ay totoo naman po iyan, dahil iyong national ID system would have avoided, naiwasan sana iyong delay na nanggaling doon sa pagbi-verify ng mga pangalan na sinubmit ng mga local government units sa DSWD. Ulitin ko po, iyong 4Ps eh kabahagi lang po iyan noong mga nabibigyan ng SAP. Mas marami pa pong mga pangalan ang binigay ng mga LGUs, at siyempre naman po kinakailangan ma-verify iyan.

Eh iyong proseso ng pagbi-verify, may mga ilang areas na kontrolado ng NPA, hindi pinapapasok iyong mga taong-gobyerno, eh paano naman natin mabi-verify iyong mga pangalan ng mga nakatira doon sa areas kung saan nandoon iyong NPA. So iyan po iyong dahilan na nakikiusap kami: Mga NPA, lahat ng oposisyon, lahat ng kalaban ng gobyerno, isantabi ninyo muna po ang pulitika ngayong mayroon tayong krisis na umiiral sa ating bayan! Matapos po ang krisis na ito, bakbakan uli kung gusto ninyo. Pero sa ngayon po, hayaan muna natin na makarating ang tulong ng gobyerno sa lahat ng nangangailangan ng tulong.

USEC. IGNACIO: Okay. Tanong ni Haydee Sampang ng DZAS-FEBC: According daw po sa DOLE, kulang na ang pondo nila para sa cash assistance for workers kaya tigil muna sila sa pagtanggap po ng aplikasyon. Nasa isang milyong workers pa daw ang hindi nabibigyan, ano po ang plano ng pamahalaan? May mapaghuhugutan po ba ng budget para dito?

SEC. ROQUE: Gaya ng sinabi ko po, hindi lang naman po 205 billion ang binigay ng Kongreso. May kapangyarihan pong mag-realign ng budget na manggagaling sa iba’t-ibang mga proyekto, lalung-lalo na galing sa GOCCs; at tinitingnan po ngayon kung magkano iyan. Hindi naman po iyan bababa sa 195 billion, so sa tingin ko po sapat pa rin ang ating pondo para mabigyan ng tulong ang ating mga kababayan. Sa panandalian siguro po, iyong pondo ng DOLE para sa programang iyan ay naubos, pero kapag tayo po ay nag-realign, iyan po ay ire-replenish.

USEC. IGNACIO: Mula kay Aileen Taliping ng Abante: “May batas ba na nagpaparusa sa mga netizen at ilang artista sa ginagawang pagmumura umano sa social media kay Pangulong Duterte dahil sa ngitngit nila sa ipinatutupad na lockdown at panghihimok na patalsikin ito?”

SEC. ROQUE: Alam ninyo po si Presidente, eh naninindigan po iyan para sa karapatan ng malayang pananalita. Pero pati naman po sa larangan ng human rights law at international law, hindi po absolute ang freedom of expression. Mayroon pong hangganan iyan, at nakasaad po sa International Covenant on Civil and Political Rights na, a state can derogate among others dito po sa freedom of expression, kapag mayroon pong national emergency.

Alam po natin na ang COVID ay hindi lang national emergency, it is an international emergency! So pupuwede po tayong magkaroon ng derogation, pupuwede pong limitahan ang freedom of expression at iyan nga po ang ginawa natin sa Bayanihan Act. At babasahin ko po ang artikulo ng Bayanihan Act, it is in Section 6, Letter F:

“Individuals or groups creating, perpetrating or spreading false information regarding the COVID-19 crisis on social media and other platforms, such information having no valid or beneficial effect on the population and are clearly geared to promote chaos, panic, anarchy, fear or confusion and those participating in cyber incidents that make use or take advantage of the current crisis situation to prey on the public through scams, phishing, fraudulent emails or other similar acts.”

So Mystica, may batas po na pupuwedeng gamitin para parusahan ka.

Sa Skype yata may tanong si Trish.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS.: Hello sir, magandang tanghali po.

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Trish.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS.: Yes, Secretary Roque. Kasi since in-announce po ni President iyong possible treatment by anti-body, maraming na-curious especially friends from the medical community. Number one, in case po na maging available ito by May, nakikipag-usap na po ba iyong government natin to get hold of this anti-body treatment just to make sure na mayroon tayong supplies or first slots for it, sir?

SEC. ROQUE: Well alam ninyo iyong anti-body treatment ay kumbaga clinical studies pa rin ang ginagawa. Ang alam ko ang PGH ay isa doon sa naggagawa ng ganitong clinical studies. So hindi pa po napapatunayan na iyan ay talagang gamot para sa COVID-19, pero sinusuportahan po natin ang lahat ng inisyatibo para magkaroon nga ng gamot o kaya vaccine laban sa COVID-19. At isa po iyan na sinusuportahan natin at pinagdarasal na sana nga po ay maging successful.

Pero kung pinag-uusapan po natin iyong anti-bodies treatment, eh iyan po ay sa PGH yata ginagawa. At kung mayroong mga ibang bansa na gumagawa rin niyan, eh siyempre po susuportahan po natin iyan at inaasahan natin na kapag iyan naman po ay napatunayang gumagana, lahat po ng mamamayan sa daigdig na ito ay makikinabang.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS.: Pero sir iyong sinasabi po kaya ni President na anti-body treatment that will possibly be available by May, saan po kaya ito sir nakuha? Was it an advice to him or baka may kausap po siyang pharmaceutical company rin?

SEC. ROQUE: Ah, hindi ko po alam sa ngayon. Pero ang nababalita nga pong nagko-conduct ng clinical studies ay iyong UP-PGH ngayon.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS.: Sir, since the administration is friends with China, in case po ma-discover iyong gamot or iyong sinasabi pong anti-body treatment doon as nabanggit din ni President sa speech niya, priority po ba iyong Philippines sa mabibigyan?

SEC. ROQUE: Eh inaasahan natin dahil BFF naman tayo ng China, na kapag sila ay nagkaroon ng gamot na ganiyan, eh unahin naman nila tayo. Alangan naman unahin pa nila iyong mga kalaban nila!

TRICIAH TERADA/CNN PHILS.: Sir, finally. Kasi kahapon po na-report na dumadami iyong violations, marami pa rin iyong lumalabas despite the ECQ. Ano po iyong reaction ni President to this? And aside from that sir, kung ili-lift kasi natin iyong ECQ, hindi po kaya mas magiging delikado na, kung ngayon pa lang marami nang nagpapasaway, how much more sir kung wala nang ECQ? Is it something that the task force is also considering?

SEC. ROQUE: Well, I cannot speak for the task force. I will speak for the President, and as Chief Executive, he has supervision over all local government units. Panawagan po ng Presidente sa lahat ng mayor, sa lahat ng mga barangay captains – ipatupad ninyo po ang ECQ sa inyong mga LGUs. May kapangyarihan po ang Presidente na parusahan ang mga mayor at ang mga barangay captain na naging pabaya sa ganitong katungkulan. At dito po sa Bayanihan Act eh specifically penalized din po ang hindi pagsunod sa ECQ, at ang hindi pagpapatupad ng ECQ sa kaniya-kaniyang mga LGUs.

So ang panawagan po ng Presidente sa mga lokal na mga namumuno, huwag po kayong maging pabaya, baka gamitin pa ng Presidente ang kaniyang kapangyarihan na parusahan kayo kapag kayo ay naging pabaya. At ang patunay kung kayo ay pabaya ay iyong dami ng tao na lalabuy-laboy sa ating mga kalsada.

At sa taumbayan, alam ninyo po naintindihan namin, napakahirap itong ECQ. Atat na atat na kayong makaalis sa bahay, lalung-lalo na iyong mga umi-eskapo kay misis. Pero ang katunayan po, kapag hindi po tayo nanatili sa ating mga kaniya-kaniyang tahanan, hindi po natin mapapababa ang mga cases ng COVID-19, lalo pang mapapahaba iyan.

So ang aking pakiusap at ang pakiusap ng Presidente, kung ayaw ninyo pang tuluyang mapahaba itong ECQ na ito, itong darating na linggo, manatili sa kaniya-kaniyang mga tahanan.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS.: Sir at this point, mayroon na po bang, kumbaga list or mga reklamong natatanggap si Presidente about mga officials na posibleng makasuhan or maparusahan because of ECQ violations?

SEC. ROQUE: Well, all I can say is, part of the responsibilities of my office is to prepare a presidential news brief. And iyong balita po na napakadami at nagkaroon ng traffic sa SLEX at saka doon sa isang merkado sa Blumentritt, sa Divisoria at doon sa Balintawak Market eh nakarating po iyan kay Presidente.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS.: Thank you, sir.

USEC. IGNACIO: Secretary, mayroon tayong huling tanong mula kay Joyce Balancio ng DZMM: Reaction daw po ninyo sa suggestion ni Senator Imee Marcos na huwag na muna tayong magbayad ng foreign debt.

SEC. ROQUE: Hindi po iyan option na kinokonsidera ng ating pamahalaan sa ngayon, dahil mas malaki po ang magiging repercussion niyan. Mayroon po kasi tayong tinatawag na cross default provisions sa ating mga pagkakautang. Kapag tayo ay nag-default sa isang pagkakautang natin, magdi-default po tayo sa lahat ng pagkakautang natin and mas madugo po ang mangyayari diyan kung lahat po ng ating pinagkakautangan ay sisingilin tayo sabay-sabay.

So sa ngayon naman po, sapat naman po ang pondo ng gobyerno. At kung hindi po sapat iyan, magbebenta muna ng ari-arian ang gobyerno bago po tayo mag-default sa ating mga obligasyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Last question na mula kay Rosalie Coz ng UNTV: Pinagre-resign daw po ng ilang senador si Health Secretary Francisco Duque dahil daw po sa failure of leadership, negligence, inefficiency – ano po ang posisyon ng Palasyo dito?

SEC. ROQUE: Wala pa po kaming posisyon, wala po kaming kinalaman kung talagang mayroong ganiyang inisyatibo na pag-resign-in ang ating Kalihim, ang Secretary of Health. And gaya ng paulit-ulit ko nang nasasabi sa mga nakalipas na panahon, every Cabinet member serves at the pleasure of the President. And habang hindi sila tinatanggal, the President continues to have full trust and confidence in them.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, huling mensahe po sa publiko.

SEC. ROQUE: Ay naku, ulitin ko lang po. Wala po kasi kaming press briefing kapag Biyernes, so ito na po iyong ating huling press briefing sa linggong ito. Atat na atat na rin po kaming mga taong gobyerno na makalabas at makaikot. Pero kung tayo po ay makakalabas at makakaikot ay depende po iyan sa mangyayari sa susunod na linggo.

Pakiusap po, manatili sa ating kaniya-kaniyang tahanan dahil ito naman po ay para sa ating kabutihan. Kapag ginawa naman po natin ito, we will heal as one.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat, Presidential Spokesperson Harry Roque; Maraming salamat din po sa Malacañang Press Corps at siyempre sa Lunes po magkikita tayo, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po; Magandang hapon po!

USEC. IGNACIO: Salamat po at balik po tayo sa PTV. Salamat po sa inyong pagsubaybay.

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)