Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Bago po tayo magsimula, nakikiramay po kami sa pamilya at mga kasamahan ni former Oriental Mindoro 2nd District Congressman Reynaldo Umali. Nakikiramay kaming muli sa pamilya rin ni Chairman Danny Lim. Tayo po ay mag-alay ng sampung segundong silensyo para alalahanin po sila at ang lahat po ng pumanaw dahil po sa COVID-19.

Nagsalita ang ating Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez kahapon para magbigay kung ano ang latest tungkol sa government vaccine efforts. Una, sinabi ni Secretary Galvez na ang Pilipinas, kasama ang bansang Colombia, ang isa sa unang dalawang bansa na lalahok sa World Health Organization Solidarity Trial kung saan labinlimang libong Pilipino ang nagboluntaryo para masiguro ang isang ligtas at epektibong bakuna.

Pangalawa, sinabi rin ni Secretary Galvez na nasa advanced stages na tayo ng pakikipag-usap sa Novavax, AstraZeneca, Pfizer, Johnson & Johnson, Sinovac at Gamaleya. Inaasahan nating hindi bababa sa 148 million doses ang ating mabibili. Target nating mabakunahan ang limampu hanggang pitumpung milyong Pilipino ngayong taong 2021.

At ayon sa World Health Organization, and I quote, “The Philippines is on track in terms of its preparation for the vaccine introduction and for the vaccine roll out.”

So huwag ninyo pong pansinin iyong mga kalaban ng gobyerno na nagsasabi na hindi raw sapat ang ginagawa natin. WHO na po ang nagsabi diyan – we are on track.

Kaugnay nito, naglabas ng artikulo ang New York Times po kung saan ipinapakita ang efficacy ng walong bakuna kontra COVID-19:

  • Una, ang Pfizer BioNTech vaccine na pinahintulutan ang emergency use sa bansang tulad ng Estados Unidos. Pinakita ng clinical trials na ang bakuna nito ay may efficacy na 95%.
  • Pangalawa, ang Moderna vaccine na inaprubahan sa Canada at pinahintulutan ang emergency use sa Estados Unidos. Pinapakita ng clinical trials ng bakunang ito ay may efficacy na 94.5.
  • Pangatlo, ang Oxford AstraZeneca vaccine na pinahintulutan ang emergency use sa Britaniya, India at Argentina. Pinapakita ang clinical trials na ang bakunang ito ay may efficacy na tinatayang nasa 70%.
  • Pang-apat, ang Johnson & Johnson vaccine na nasa Phase 3 trial at hindi pa pinapahintulutan sa anumang bansa.
  • Panlima, ang Novavax vaccine na nasa Phase 3 trial din at hindi pa rin pinahihintulutan sa anumang bansa.
  • Pang-anim, ang Sinovac vaccine na inaprubahan na sa China at pinahintulutan ang emergency use sa Bahrain, United Arab Emirates. Inanunsiyo ng bansang Turkey na ang Sinovac ay may efficacy rate ng 91% at inaasahan ang full results ng Phase 3 trial ngayong buwan.
  • Pampito, ang Sinopharm vaccine na pinahintulutan ang limited use—hindi lang po limited use ‘no, general use sa China at emergency use sa Egypt, UAE at Argentina. At mas umaabot po sa mahigit-kumulang otsenta porsiyento ang efficacy rate.
  • Pangwalo, ang Bharat Biotech’s vaccine na pinahintulutan ang emergency use sa India.

Balitang IATF naman po tayo: Ito ang ilan sa mga mahahalagang bahagi ng IATF Resolution # 92, ito po ay inaprubahan kahapon, kung hindi ako nagkakamali—noong ano pala, hindi pala kahapon, kung hindi noong araw ng Tuesday. Isang Technical Working Group on COVID-19 variants ang binuo para mabantayan at matukoy ang bagong variants ng COVID-19 sa bansa; at para rin magbigay ng mga policy recommendations sa IATF sa magiging response kontra sa bagong variants.

Makikita ninyo sa susunod na slide ang komposisyon nito. Andiyan po si … pangungunahan po ito ni Usec. Vergeire; ang co-chair po niya ay si Executive Director Jaime Montoya ng Philippine Council for Health Research and Development ng DOST. Miyembro po si Dr. Anna Ong-Lim, DOH; Dr. Marissa Alejandria, DOH; Dr. Edsel Maurice Salvana, DOH TAG [Technical Advisory Group] at UP-PGH; Dr. Celia Carlos, Research Institute for Tropical Medicine; Dr. Eva Maria Cutiongco-dela Paz, University of the Philippines National Institute of Health; Dr. Cynthia Saloma, University of the Philippines Genome Center; and Dr. John Wong, EpiMetrics.

Tulad ng aking sinabi, lahat ng banyagang pasahero na manggagaling o may travel history within 14 days bago dumating ng Pilipinas mula sa mga bansang sakop ng ating travel restrictions ay pinagbabawal pa ring makapasok sa Pilipinas hanggang a-kinse ng Enero 2021. Ngunit ang inyong IATF ay nagbigay ng mga exemption:

  • Una, local accredited foreign diplomats at international organizations tulad ng World Health Organizations at United Nations ay exempted sa quarantine protocols, pero kinakailangan nilang magpa-RT PCR test pagdating sa airport. Kailangan din nilang mag-execute ng undertaking at mag-observe ng 14-day quarantine.
  • Pangalawa, mga foreign dignitaries na kailangan mag-obserba ng testing at quarantine protocols.
  • Pangatlo, mga medical at emergency cases kasama ang kanilang medical escorts.

At tulad ng sinabi ko noong nakaraan, lahat ng mga Pilipino na manggagaling sa mga bansang mayroong travel restrictions or nag-stay sa mga bansang iyan ng labing-apat na araw bago dumating ng Pilipinas ay kinakailangang sumailalim sa ‘absolute’ 14-day facility-based quarantine liban na lamang sa highly exceptional or medical reasons na susuriin ng DOH.

Dahil limitado pa rin po ang kaalaman natin sa mga epekto ng mga bagong bakuna, lahat ng mga darating sa Pilipinas na nabakunahan sa ibang bansa ay kinakailangan pa ring sumailalim sa mandatory testing at quarantine protocols. Ito po iyong kasagutan sa mga nagtatanong, paano iyong mga Pilipinong nabakunahan na – kailangan pa rin pong mag-quarantine.

Samantala, anim na bansa ang idinagdag sa listahan ng mga bansang subject to travel restrictions dahil sa bagong variant ng COVID-19 na unang na-detect sa United Kingdom. Ito ang Portugal, India, Finland, Norway, Jordan at Brazil. Epektibo bukas, a-otso ng Enero 2021, 12:01 A.M. Manila time at tatagal hanggang a-kinse ng Enero 2021, ang mga banyagang pasahero na manggagaling sa anim na bansang ito or nagpunta sa mga nasabing bansa nang labing-apat na araw bago dumating sa Pilipinas ay pinagbabawalang makapasok sa Pilipinas.

Effective immediately, sa mga banyagang pasahero na dumating mula sa mga bansang aking binanggit or may biyahe mula rito, labing-apat na araw bago lumapag ng Pilipinas bago mag-a-otso ng Enero, 12:01 A.M. Manila time, pinapayagan silang makapasok ngunit kinakailangan nilang sumailalim sa absolute facility-based quarantine period kahit may negatibong resulta sila sa swab test.

Effective immediately, ang mga Pilipino na galing sa anim na bansang aking binanggit o nag-stay doon nang labing-apat na araw bago dumating ng Pilipinas kasama na iyong mga darating pagkatapos ng a-otso ng Enero 2021, 12:01 A.M. Manila time ay pinapayagang makapasok sa Pilipinas pero kinakailangan ng ating mga kababayan na sumailalim sa absolute facility-based 14-day quarantine kahit nagnegatibo pa sila sa RT-PCR test.

Sa mga banyaga at Pilipinong pasahero na nasa transit, sa listahan ng mga bansang nasa travel restriction, pinapayagan silang makapasok ng Pilipinas kung sila ay nananatili lamang sa mga paliparan ng mga bansang nabanggit or hindi na-clear na pumasok sa mga bansang iyon. Pinapayagan silang mag-home quarantine kung ang result ng kanilang RT-PCR test ay negatibo.

Pero kung ang transiting foreign passengers na ito ay umalis ng airport at pinayagan makapasok sa mga bansang kasali sa travel restrictions ay hindi sila maaaring makapasok sa Pilipinas. Ngunit kung ang transiting passengers ay mga Pilipino na umalis ng airport or pinayagang makapasok sa mga bansang kasali sa travel restrictions, papayagan silang makapasok sa bansa ngunit kailangan nilang sumailalim sa absolute facility-based 14-day quarantine period kahit negatibo pa ang kanilang swab test.

Ito naman ang mga rules para sa menor de edad na Pilipinong pasahero na walang kasama or unaccompanied na tinatawag. Una, epektibo a-otso ng Enero 2021, 12:01 A.M. ang mga unaccompanied minor Filipino citizens galing sa mga bansang mayroong travel restrictions ay hindi pinapayagang makapasok ng Pilipinas hanggang a-kinse ng Enero 2021.

Pupuwede lamang silang makapasok kung sila ay kasama sa repatriation program ng pamahalaan. Ibibigay sila sa OWWA House Parent sa pakikipag-ugnayan sa DSWD para matiyak ang kaligtasan ng bata at pagsunod nila sa quarantine protocols. Pangalawa, kung hindi naman kasama ang mga bata sa repatriation program ng pamahalaan at dumating bago mag-a-otso ng Enero, 12:01 A.M., iti-turnover sila sa isang DSWD Officer.

COVID update naman po tayo. Ito po ang global updates, sang-ayon po sa Johns Hopkins, mahigit 87.1 million na po or 87,108,902 ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo. Nasa 1,880,321 katao naman po ang binawian na ng buhay dahil sa coronavirus. Nangunguna pa rin po ang Estados Unidos na mayroong mahigit 21.2 million ng kaso at 360,693 deaths. Pumapangalawa pa rin po ang India, pangatlo po ang Brazil, pang-apat ang Russia at panlima na po ang UK. I suppose pang-anim ang France ‘no.

Mayroon tayong 22,690 na mga aktibong kaso dito sa Pilipinas ayon po sa January 6, 2021 datos ng Department of Health. Sa mga aktibong kaso 90.3% ay mild at asymptomatic samantalang 6% ay kritikal at 3.2% naman po ang severe. Ang buong bilang ng gumaling ay nasa 448,700 or 93.3% recovery rate. Samantalang malungkot naman naming ibinabalita na 9,347 ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus. Nasa 1.94% ang fatality rate po natin – nakikiramay po kami sa lahat.

Now… Davao City, Quezon City, Laguna, Bulacan, Cagayan de Oro City ang mga lugar na may pinakamataas na bagong kaso kahapon sang-ayon po sa DOH. Ito ang confirmed COVID-19 cases by adjusted date of onset Philippines as of January 6, 2021. Bagama’t patuloy po na bumababa ang mga kaso, nakita ninyo po nagpa-plateau. In fact noong huling mga dates na iyan, kung hindi po ako nagkakamali – napakaliit ng sulat – ang mga dates na iyan ay bahagya pong tumaas tapos bumaba pero nag-plateau. So nakikita ninyo po na December 17 iyong tumaas tapos iyong December 24 ay iyong nag-plateau na po.

So nakikita ninyo po iyan, ito po iyong simula yata ng surge pero kampante naman po ako, may awa po ang Panginoon, eh hindi naman po talaga magiging malaking surge iyan. Malalaman na po natin anytime nga ‘no dahil 14 days after December 25 ‘no, diyan lalabas iyong mga kaso kung mayroon mang mga surge. Now kulay asul po ang NCR, nakikita natin na patuloy ang pagbaba sa NCR ngunit bago mag-araw ng Pasko nakita natin na bahagyang tumaas ito.

Ito naman ang total COVID-19 bed utilization rate. Makikita natin na sapat po ito ‘no, hindi po moderate pero may mga ilang lugar po na palapit na doon sa moderate risk. Ang Region XI ay nasa 51% na po, malapit na po sa 60% kung saan sinasabing magiging moderate risk na sila. Ang susunod na infographic naman po, ang regional healthcare utilization as of January 3. Kasama sa infographic ang mechanical ventilators na sapat pa rin at wala pa ring risk levels.

Okay, diyan po nagtatapos ang ating presentation. Simulan na po natin ang ating open forum with the men and women of the Malacañang Press Corps. Usec. Rocky, first questions.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque. Ang tanong mula kay Rosalie Coz of UNTV on Dacera case: Ano po ang mensahe ng Palasyo sa pamilya ng biktima at ano rin po ang bilin ng Presidente sa mga awtoridad na sangkot sa pag-iimbestiga sa kontrobersiyal na kasong ito?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, ang pangako naman po ng Presidente ay makakamit po ang katarungan sa Pamilyang Dacera. Malalaman po natin ang katotohanan at sa administrasyon po ni Presidente, dahil siya’y abogado at dati pang piskal, hindi niya hahayaan na ang mga kriminal ay hindi po mapaparusahan. Kung maalala ninyo nga po napakatagal noong kaso kong Maguindanao Massacre, kinailangang maging presidente si Presidente Duterte bago natapos iyang kasong iyan at ganiyan din po ang pangako ni Presidente sa Pamilyang Dacera.

Pero hindi po tayo ngayon pupuwedeng magsalita dahil mayroon pa pong ongoing investigation ‘no. At kaugnay nitong imbestigasyon na ito, hindi lang po PNP ang mag-iimbestiga, pati ang National Bureau of Investigation po ngayon ay mag-iimbestiga na.

Huwag po kayong mag-alala kung iyong piskal ay nagdesisyon na kinakailangan magkaroon nang regular na preliminary investigation. Iyan po’y makakabuti dahil ang gusto ng piskal ay magkaroon nang additional na ebidensiya nang sa gayon kapag naisampa sa kaso, diri-diretso na po sa Muntinlupa ang mga magiging akusado.

So iyong ginawa po ng piskal, sang-ayon po iyan sa ating rules of criminal procedures, sang-ayon po iyan sa rules ng ating piskalya at ang layon po nito ay para ma-convict beyond reasonable doubt iyong mga suspek sa karumaldumal na pagpatay na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question ni Rosalie Coz: Regarding daw po sa chaos sa Washington, D.C. at posibleng political turmoil sa USA ngayon. May mensahe bang ibig iparating ang Presidente Duterte sa outgoing at incoming administrations? Ano naman ang mensahe o paalala rin ng Malacañang sa mga kababayan natin sa Amerika?

SEC. ROQUE: Nagsalita na po ang ating Secretary of Foreign Affairs, kampante po ang ating Secretary of Foreign Affairs na hindi naman po matitinag ang demokrasya diyan sa Amerika sa panandaliang pagkakagulong nakikita natin. Ang importante lang ngayon ay masiguro na walang Pilipino po na mapapasama diyan sa gulo na iyan at inatasan naman po talaga ang ating mga embahada at ang ating consular office sa Washington, D.C. na mag-monitor at ibalita kaagad kung mayroon pong nasaktan or nadawit na mga Pilipino diyan.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Maraming salamat. Mela Lesmoras, please.

MELA LESMORAS/PTV4: Good afternoon, Secretary. About lang po muna sa travel restrictions. Sir, sa mga susunod na araw, inaasahan po ba nating madadagdagan pa o lahat ba ng bansang tatamaan ng bagong strain ng COVID-19 ay papatawan ng restrictions? Paano ho kaya ito, sir, makakaapekto sa ating ekonomiya?

SEC. ROQUE: Well, unang-una ‘no, iyan po ay mababase po iyan sa joint recommendation ng DOH at ng DFA, so antayin po natin ang mga rekomendasyon na iyan. Pangalawa, iyong temporary na travel ban ay hindi naman masyadong matagal po ‘no, January 15, at ito po ay para mabigyan naman ng pagkakataon na makapaghanda tayo kung magkaroon nga ng surge ng kaso. Unang-una kasi inaasahan natin iyong surge dahil nga sa Pasko at Bagong Taon ‘no, so ang iniiwasan natin eh papasok iyong bagong variant na ‘di umano ha ay mas mabilis makahawa, eh baka hindi maka-cope iyong ating mga hospital.

Pero ang mabuting balita naman at salamat sa Panginoon, so far hindi pa naman po natin nakikita iyong surge na galing po ng Pasko at Bagong Taon pero pinaghahandaan po natin iyan kaya nga nagkaroon tayo ng temporary travel ban hanggang January 15. ‘Pag lumabas na wala naman tayong surge dahil sa Pasko at Bagong Taon eh handa naman po ang ating mga ospital para gamutin ang mga magkakasakit.

Posible po na makapasok iyong mga dayuhan diyan. Now uulitin ko po ‘no, kakaunti lang naman iyang mga dayuhan na iyan dahil ang mga Pilipino’y pinapayagang umuwi. Ang mga dayuhan lang na pupuwedeng makapasok po ay iyong mga treaty traders at saka iyong mga visa holders ng mga economic zones ‘no; bawal pa rin po ang mga turista.

So huwag po tayong mag-alala ‘no, nag-iingat lang tayo at sinisiguro na sapat ang ating kakayahan na gamutin iyong ating mga kapatid na magkakasakit.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Sir, in case po ba na ma-detect sa Pilipinas itong bagong variant ng COVID-19, may tiyansa po bang maghigpit ulit tayo ng quarantine classification?

SEC. ROQUE: Well, ang quarantine classification natin ay nakabase po iyan sa datos – iyong active cases daily, iyong two-week average attack rate at saka iyong critical care capacity – iyan ang pinakaimportante. Magtataas lang tayo kung talagang overwhelmed ang ating mga hospital at hindi makakapagbigay-serbisyo ng medikal doon sa mga magkakasakit.

Pero alam ninyo po kahit anong variant pa iyan, ang napatunayan nang pamamaraan para po maiwasan ang pagdami ng sakit ay pareho pa rin – ito po’y pagsusuot ng mask, paghuhugas at pag-iwas.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And, sir, iyon nga dahil tuluy-tuloy pa rin iyong mga problema sa COVID-19, may bagong variant and wala pa rin naman talaga tayong bakuna on-hand sa Pilipinas. Ano po iyong mga actions and assurance ng pamahalaan na tuluy-tuloy at itong pagbangon, iyong 2021 ay magiging year of recovery po?

SEC. ROQUE: Well, kaya nga po tayo nagbubukas nang bahagya ng ating ekonomiya dahil alam natin na hanggang walang hanapbuhay ang ating mga kababayan ay patuloy na magiging malaganap ang pagkagutom ‘no.

So ang pakiusap po natin, pag-ingatan po natin ang mga buhay nang tayo po’y makapaghanapbuhay dahil kung wala tayong hanapbuhay, magugutom po tayo.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Panghuli na lang, sir. So, are we still confident na this 2021 will be the year for recovery sa Pilipinas at hindi siya extension lamang noong challenging 2020 po?

SEC. ROQUE: I think we have seen the worst and I think the entire government machinery agrees with this ‘no. Alam na po natin ang anyo nitong kalaban nating COVID-19 at hindi naman po matatapos ang taon nang hindi natin mababakunahan ang 50 to 70 million ng ating mga kababayan. Inaasahan nga po natin na kung makamit natin iyong 70% na pagbabakuna eh magkakaroon nang herd immunity.

So huwag po kayong mag-alala, the worst is over – sabi nga nila we’ve hit rock bottom and the only way to go is up.

Kaya lang po samantala habang wala pang bakuna, paulit-ulit po – si Presidente naman po ang nakikiusap nito ha, patuloy po kayong mag-mask at natutuwa naman po ako sa isang pag-aaral, 93% ng Pilipino ay nagsusuot ng mask ‘no so ipatuloy po natin iyan. Patuloy po tayo nang paghuhugas at patuloy po tayo nang pag-iiwas – importante po iyang pag-iiwas. Tapos na po ang Pasko ha, wala nang dahilan… iwas na po tayo dahil lalung-lalo na baka nga po makapasok iyang bagong variant na mas nakakahawa.

Abutan po natin ang bakuna, pagtapos ng sampung buwan eh ngayon pa ba kayo papayag na magkaroon ng sakit na COVID na ikamamatay ninyo? Huwag naman po. Mask, Hugas, Iwas.

Thank you, Mela. Balik tayo kay USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, tanong mula kay MJ Blancaflor ng Daily Tribune: Speaker Allan Velasco reported instructed the House Constitutional Amendments Panel to restart talks on charter and change or cha-cha. May basbas po ba ito ng Pangulo? Will the President support cha-cha in the remaining months of his term?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po hindi naman kinakailangang bigyan ng basbas ng Presidente iyan – iyan naman po’y katungkulan talaga ng Kongreso. Tanging Kongreso lang po ang pupuwedeng magsimula ng proseso para sa charter change, hindi po ang Presidente. So nirirespeto po natin iyan at sa ngayon po ang number one priority natin ang COVID-19 lalung-lalo na ang usaping vaccine.

So wala pong ibang top priority ang Pangulo kung hindi matapos po itong pandemyang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng bakuna sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Will the government investigate the hotel where Christine Dacera died? According to Dacera’s family lawyer, their camp is contemplating daw po on filing a case against the hotel which allowed gathering of people for such occasion.

SEC. ROQUE: Ang alam ko po’y ang DOT ay nag-iimbestiga na diyan pero sigurado naman po ako kasama sa imbestigasyon ng NBI at ng PNP iyang hotel na iyan.

Okay? Thank you, USec.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Punta naman tayo kay Melo Acuña, please.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Magandang tanghali po, Secretary. Kumusta na po kayo?

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Melo. Okay naman.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Well, nice to see you. Let me ask you, noon pong nakalipas na December 28, si Secretary Carlito Galvez ay naglabas ng statement tungkol sa sinasabing kampo ng MILF na tinatatag dito sa Rizal at nagkaroon ng raid ang kinauukulan, tatlumpu’t lima katao ang nadakip. Hindi po authorized ito doon sa sinasabing final peace agreement. Napag-usapan po kaya ito ni Pangulong Duterte at ni Ginoong Nur Misuari sa kanilang pagpupulong sa Davao?

SEC. ROQUE: Pasensiya na po, wala po ako doon sa meeting na iyon. Nasa karatig na silid po ako noong nag-usap sila. Ang pag-uusap po ay sa panig laman ni Chairman Nur, ni Presidente at ni Secretary Galvez. Hindi ko po alam.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Okay. Wala pong update ang pulisya doon sa mga nadakip na tatlumpu’t lima katao na nagri-recruit umano ng mga sasama sa MILF?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Wala pong updates ang pulisya doon sa mga nadakip na 35 katao na nagri-recruit umano ng mga sasama sa MILF?

SEC. ROQUE: Wala pa po akong nakukuhang balita diyan at normally naman po matindi po ang aming pakikipag-ugnayan sa ating Armed Forces pagdating sa mga bagay-bagay na ito.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Panghuling tanong. Nabanggit po ni BSP Governor Ben Diokno sa forum ng kaibigan nating si Ichu Villanueva kahapon na $10 bilyong na raw po ang ating natanggap na pautang mula sa multilaterals para sa COVID. Ito raw po ba ay gagastusin sa pagbili ng bakuna, dahilan sa iyong mga LGUs, naglalaan din ng salapi na pambili ng bakuna, ano po kaya ang liwanag dito?

SEC. ROQUE: Lilinawin ko po. Iba po iyong pagga-grant ng pautang doon sa actual drawdown. So, mayroon po tayong kumbaga, pupuwedeng gastusin na hanggang $10 billion na sinabi nga po ni Governor Diokno, pero hindi pa po natin nado-drawdown iyon kasi hanggang hindi naman nakaka-deliver o hanggang hindi nga nakakapirma ay hindi pa dapat bayaran iyan. So, iyan po ay kumbaga kakayahan natin para bumili, pero wini-welcome din po natin iyong initiatives ng mga Local Government Units na gamitin ang kanilang pondo, pagbili ng vaccine, kasi ibig sabihin nito, hindi na tayo mangungutang para bilhin iyong mga bakuna na nilalaan para sa kanilang mga lugar.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Pero mayroon din naman pong payo si Secretary Año na kailangang mayroon koordinasyon muna sa DILG at doon sa National Task Force bago magkaroon ng anumang pambili ng bakuna, hindi po ba?

SEC. ROQUE: Well, in fact, hindi po sila makakabili ng bakuna on their own, kinakailangan pa rin ng pirma ng national government kasi lahat po ng bakuna ay binibenta on a government-to-government basis. So, lahat po na pagbibili ng LGU ay sa pamamagitan po ng isang tripartite agreement na kasama po ang national government sa pagkatao po ni Secretary Galvez.

USEC. IGNACIO: Secretary, tanong mula kay Virgil Lopez of GMA News Online: Rumors again swirled on social media that the charter change initiative in congress is a bit to extend the terms of officials including that of President Duterte. How will the Palace address this?

SEC. ROQUE: Wala pong katuturan iyang mga tsismis na iyan. Tsismis lang po iyan. The President has made it clear, wala po siyang kahit anong kagustuhan na manatili ng isang minuto man lang beyond his term of office on June 30, 2022.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Also, is pushing for charter change necessary at this point with only 17 months before the next elections and the country facing the COVID-19 crisis?

SEC. ROQUE: That is the sole constitutional prerogative of congress and we respect that.

USEC. IGNACIO: Third question po: The Indonesian Police said that a raid on a militant hideout in Central Indonesia resulted in the killing of two men allegedly involved in the bombing in a church in Jolo, Sulu in 2019. May we get the Palace reaction to this development?

SEC. ROQUE: Sana po totoo, but as of 12 noon, bago tayo magsimula ng press briefing, wala pa pong nakukuhang confirmation ang ating DFA tungkol dito, bagama’t they are coordinating with their counterparts in Indonesia.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you, Usec, punta tayo kay Trish Terada, CNN?

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi, good afternoon, Secretary. Sir, iyong sa Dacera case. May we know, sir your assessment or initial assessment doon po sa performance or steps taken by the PNP in investigating the Dacera case? Maybe you can put in your insights or legal expertise about it? One, iyong isa pong pagtawag nila na case closed na ito or case solved. Number two tagging 11 people as suspects without enough evidence. Isn’t that sir, unfair or endangers at least for implicating possibly innocent people?

SEC ROQUE: Alam ninyo, tatapatin ko kayo. Noong una kong nalaman itong Dacera case, sabi ko sana wala ako sa gobyerno, I would love to be part of the prosecution. Dahil ako naman po palagi akong prosecution o napakabihira po akong maging defense. Now, napakahirap pong mag-speculate, but the fiscal did asked for additional evidence. And bulk noong mga ebidensiyang hiningi ng fiscal ay iyong tinatawag nating physical evidence, relating to DNA at iba pang mga physical test. In my 30 years of practice, as a private prosecutor, mas mabuti po kasi talaga itong mga physical evidence, dahil hindi po iyon nagsisinungaling, hindi masusuhulan, hindi matatakot. So, I can only agree with the decision of the fiscal na kinakailangang isumite ang physical evidence nang sa ganoon kapag naisampa ang kaso, hindi po iyan madi-dismiss for lack of evidence. So in other words, naghahanda lang po tayo, hinahanda lang po ng mga fiscal na kapag naisampa sa kaso, tuluyan pong mapapatunayan ang liability or ang guilt beyond reasonable doubt ang mga nasasakdal.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: So sir, does it mean that the police was too early in assuming or putting labels in the case?

SEC ROQUE: Hindi ko po alam. Kasi in fairness, I have not read the case file. I only have that instinct as a prosecutor, as a private prosecutor to get into the evidence, pero as of now, it’s a continuing investigation, the NBI has gotten involved in it. So, hintayin po natin na ma-conclude iyong imbestigasyon. Obviously po dahil mayroon pang hininging ebidensiya ang ating fiscal, case is not yet closed.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Spox, reaction lang po doon sa tweet ni Senator Lacson regarding LGUs getting their own vaccines. He said, many LGUs are doing what the national government is miserably failing to accomplish and that’s related to procurement of vaccines?

SEC ROQUE: Well, in the first place po, wala pong LGU na makakabili ng bakuna on their own, kinakailangan pa rin ang national government. Kaya lang pagdating po sa pondo, bakit naman tayo tatanggi doon sa pondo na nilaan na para sa bakuna, samantalang ang plano natin ay umutang pa para pambili ng bakuna. Siyempre po, money talks. Kumbaga, kung nandiyan po ang pera nila at nilalaan nila iyon para sa bakuna, bakit naman hihindi ang national government.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: So, sir naturally kung may mga pondo na pong gagastusin iyong LGU or ia-allocate, mababawasan po iyong kailangan nating utangin, tama po ba?

SEC ROQUE: Of course, iyan po ang suma total niyan. Kaya nga po, nagagalak din tayo na naglalaan po ang mga LGUs galing sa kanilang mga pondo para pambili ng bakuna.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, papaano po iyong magiging mechanics sa vaccine na kinukuha ng LGUs. Will the national government’s plan or will you be insisting sa LGUs iyong sectoral prioritization na mayroon po iyong national government?

SEC ROQUE: Well, siyempre po iyong mandato naman kung paano iro-roll out, iyan po ay desisyon pa rin ng national government at ng IATF. So, lahat po ng LGUs kinakailangang sumunod. Kinakailangan geographical priority, iyong mga matataas na kaso – Metro Manila, Cebu, Davao, including CALABARZON; and then pagdating po doon sa mga sectoral unahin natin ang mga medical frontliners, ang mga indigent senior citizens, iyong iba pang senior citizens at iyong iba pang crucial workers. Kasama na po ang men and women in uniform.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, iyong OCTA team po, may recent survey sila, showing that majority in Metro Manila respondents are following or complying with the minimum health standards set by the DOH. Pero the data shows daw po that there is best compliance among Metro Manila respondents with regards to social distancing and wearing of face shield as compared to wearing of face mask on everyday basis. They are highlighting na important po iyong combination of all these efforts, of all of these minimum protocols para maging effective po iyong pag-transmit noong virus or paglaban din natin sa COVID-19. Your reaction to this? Paano po kaya makaka-effect ito, sir doon sa—itong insights na ito sa policies and enforcement ng current policies or programs na mayroon tayo?

SEC ROQUE: Napakahirap kasing magkoment0 sa isang survey na hindi ko pa nakikita at hindi ko alam kung anong methodology. Ang alam ko lang po ay nagkaroon po ng survey ang UCL sa London pa at iyon po iyong binabasehan natin na 92% compliance po tayo pagdating sa pagsusuot ng mga mask. Iyan po ay nagpapatunay na disiplinado naman po ang mga Pilipino at ninanais ng mga Pilipino na pangalagaan ang kanilang sarili para sila po ay makapaghanapbuhay. Now, possible po na may katotohanan diyan, but then and again, I have not seen the survey, kasi hindi naman po nila pinublish iyong survey na iyan. Pero I could imagine na mas nagiging lax sa probinsiya lalung-lalo na iyong mga MGCQ areas.

So ang pakiusap po natin, iyong mga areas po at karamihan naman ng Pilipinas ay nasa MGCQ: Maski kayo po ay naka-MGCQ kinakailangan pa ring sumunod doon sa ating mga minimum health protocols, dahil eh kaya nga po mababa diyan sumusunod kayo dati sa mga minimum health protocols na mask, hugas at iwas. Sana po ipagpatuloy pa rin natin dahil ang mensahe ng Presidente, ginagawa ang lahat para makabakuna tayong lahat! Aanhin ang bakuna kung mamamatay tayo dahil sa COVID-19 habang hindi pa dumarating ang bakuna?

So, Pilipinas ha, please lang po sundin po natin ang pakiusap ng ating Presidente para abutan ang bakuna, mask, hugas, iwas. Sabihin na ninyong nakakatorete na, pero hanggang hindi pa po lumalabas ang bakuna sa lahat ng Pilipino, paulit-ulit po nating sasabihin iyan.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Salamat, Spox.

SEC. ROQUE: Salamat, Trish. At punta naman tayo kay Usec. Rocky uli.

USEC. IGNACIO: Question from Jam Punzalan of ABS-CBN News Online: Why was China not included in the expanded travel curbs announced yesterday?

SEC. ROQUE: Kasi hindi pa po iyan nari-report ng mga international agencies na kumpirmado. Ang alam lang po natin ay media reports. So antayin po natin iyong confirmation; at kung mayroon naman pong confirmation, siyempre isasali rin sila sa listahan. As of now, wala pa pong confirmation.

USEC. IGNACIO: Ano daw po ang masasabi ng Palace sa resolution of its allies, Senators Dela Rosa and Tolentino, to convene a constituent assembly (Con-ass) to introduce limited amendments to the 1987 Constitution?

SEC. ROQUE: As I said, katungkulan po iyan ng mga mambabatas. That is their sole, exclusive prerogative; nirirespeto po natin iyan.

USEC. IGNACIO: Some LGBT advocates have said it is alarming daw po that the PNP believes that the gay suspects in Christine Dacera’s death are still capable of assaulting women because they are still men when they are drunk. What does this say about the PNP’s genders sensitivity training? How does the Palace view the police investigation and the fact that the NBI had to step in?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po, this is a live investigation. Let us not speculate po ‘no hanggang malaman natin ang lahat ng katotohanan. Pero alam ninyo naman, natural lang naman ‘no sa mga nasasakdal na magsabi ng depensa; malay natin kung totoo nga ‘no. So antayin muna natin ang ebidensiya, and then we will find out. Okay?

USEC. IGNACIO: Question from Ian Cruz ng GMA 7: Iyong reaksiyon ninyo daw po, sir, doon sa isinampang kaso ng Makati police na rape with homicide ang nangyari. RFI o ni release for further investigation po ang mga respondents dahil sa mahinang ebidensiya. Ano po ang masasabi ninyo sa case build-up na ginawa nila?

SEC. ROQUE: Wala naman pong ibig sabihin iyon. Kasi dalawa po iyan: Mayroong inquest na tinatawag na kapag ang mga akusado ay literally caught in the act, sapat na po iyon para sampahan sila ng kaso. Pero lahat po talaga ng kaso ay dapat dumaan sa preliminary investigation. Eh wala naman po talagang pulis na nakakita doon sa nangyari doon sa hotel na iyon so hindi ko po alam talaga kung bakit iyan ay magiging sapat for inquest. Talaga pong dapat ay dumaan iyan sa regular preliminary investigation.

Kung matatandaan ninyo, iyong Maguindanao massacre, nandoon na nga iyong lahat ng mga namatay eh, nandoon na lahat iyong mga ebidensiya, dumaan pa rin sa regular; hindi po iyan in-inquest. Dahil ang inquest investigation po ay statutory karapatan, statutory right ng lahat ng mga akusado at ito po ay intended para hindi naman masayang ang pera at panahon ng gobyerno na maglitis sa isang kaso na hindi naman mapapatunayan sa hukuman.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: According to Moody’s Analytics, “The Philippines is likely to be the last country in Asia Pacific to fully recover from the pandemic-induced recession with recovery seen only in the fourth quarter of 2022 while other economies are set to regain all of their lost output by the end of this year. This is due to an uncertain fiscal support of the policymakers.” Your reaction daw po, Secretary.

SEC. ROQUE: Well, unang-una, ini-explain na po iyan ni Secretary Sonny Dominguez kaya ayaw nating mangutang nang todo-todo. Kasi kapag tayo ay nangutang nang todo-todo, maaapektuhan din iyong ating credit rating, tataas din iyong mga interest na babayaran natin at hindi nga tayo sigurado kung kailan pa tatagal itong krisis na ito na dulot ng COVID-19. So ang ini-aim niya, nandoon lang tayo sa gitna ng mga pangungutang ng daigdig.

So ibig sabihin po nito, huwag kayong mag-alala, kung talagang kinakailangang umutang, uutang pa tayo para gastusin; ito po iyong tinatawag nilang fiscal policies. Pero sa ngayon po, I think mas prudent po ang ginawang approach ni Secretary Dominguez na hinay-hinay ang pangungutang; hinay-hinay ang paggagastos kasi kita ninyo iyan, oh akalain ba natin na ang buong mundo ay madi-delay nga dito sa pag-implement ng mga bakuna. Tingnan ninyo sa Amerika, akala nila at least—ano ba iyon, parang 20 million yata ang gusto nilang mabakunahan kaagad. Eh ngayon nasa three million pa lang sila ‘no.

So huwag po nating gastusin ang ating salapi lahat-lahat ‘no na hindi natin alam kung kailan matatapos itong pandemyang ito.

Pero huwag kayong mag-alala, we will disprove that forecast wrong. At ito po ang dahilan kung bakit nagbubukas tayo ng ekonomiya at palaging sinasabi sa ating mga kababayan: Pag-ingatan ang buhay ng tayo po’y makapaghanapbuhay.

USEC. IGNACIO: Iyong susunod po niyang tanong: Iyong IATF may sagot na po ba sa apela ng mga taga-Quiapo Church na gawing 50% ang capacity?

SEC. ROQUE: Wala pa po. Pero may pagpupulong po ng alas dos, baka mabigyan po iyan ng kasagutan.

USEC. IGNACIO: Tanong naman ni MJ Blancaflor ng Daily Tribune: Palace reaction daw po regarding the separate bills filed by Speaker Velasco seeking to grant President Duterte the power to suspend the scheduled increases in the contribution rates of PhilHealth and SSS in times of national emergencies?

SEC. ROQUE: Well, we appreciate that po. Pero inanunsiyo na po iyan ng Presidente, kahit ano pong mangyari, sinabihan na niya si President Gierran: Huwag kayong magtaas ngayon.

Pero I understand, as author of the Universal Health Care Law, baka kinakailangan iyang batas na iyan para maging legal basis. So maraming salamat po sa mga mambabatas.

USEC. IGNACIO: Question from PTV: Iyong IATF IDs daw po na nag-expire ng December 31st, 2020, ano na daw po ang gagawin? Expired or effective pa rin daw po ba?

SEC. ROQUE: Effective pa rin po iyan. Mayroon pong resolution na until matapos itong declaration ng public health emergency, epektibo po ang mga IATF IDs.

USEC. IGNACIO: From Celerina Monte, iyong first question po ni Celerina ng Manila Shimbun ay nasagot ninyo na rin po, iyong about China not included yet in the travel restrictions. Second question niya: How likely is it to extend the travel restrictions in those countries [garbled] jurisdictions with new COVID strain?

SEC. ROQUE: Basta iyan po iyan, nakadepende po iyan sa joint recommendation ng DOH at DFA. At hindi naman sila magri-recommend kung wala pong verification na may bago ng kaso doon sa mga bansang iyan.

USEC. IGNACIO: Opo-. Secretary, mayroon pong pahabol na tanong si Vanz Fernandez. Iyong Moody’s Analytics, makakabawi daw ngayong 2021 ang ekonomiya sa Asia Pacific—pareho po yata sila ng naging tanong ni Ian Cruz ng GMA 7.

SEC. ROQUE: Asked and answered po.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, iyan lang po ang mga natanggap nating questions.

SEC. ROQUE: Well, dahil wala na tayong mga natitirang katanungan, maraming salamat po sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Maraming salamat po sa inyong lahat, sa inyong patuloy na pagtangkilik sa ating presidential press briefer.

At, Pilipinas, sa ngalan po ng Presidente Rodrigo Roa Duterte, ako po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabi: Nandiyan na po ang bakuna, konting antay na lang po. Samantala, mask, hugas, iwas.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)