Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


USEC. IGNACIO: Kaugnay pa rin po ng patuloy na paghahatid ng serbisyo at impormasyon ng pamahalaan, kasama na po natin si Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ngayong araw po ay makakasama ng Spokesperson si Presidential Adviser Joey Concepcion at si Dr. Minguita Padilla – ito po ang makakasama ni Spokesperson Harry Roque sa kaniya pong press briefing.  Secretary Roque, magandang araw po.

SEC. ROQUE: Magandang tanghali po, Pilipinas.

Noong nakaraang Huwebes po ay nagkaroon ng desisyon ang ating Presidente na nakabase sa pag-aaral ng mga dalubhasa at ng mga health experts; isinaalang-alang din ng ating Presidente ang suhestiyon ng mga negosyante at ekonomista – inaprubahan po ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapalawig ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region, Region III, Region IV-A at iba pang high risk areas hanggang 15 Mayo.

Binaba rin niya ang ilang mga lugar na enhanced community quarantine sa general community quarantine simula Mayo 1.

Ano po ba ang pagkakaiba nitong ECQ sa GCQ? Well, makikita po natin sa slides ang pagkakaiba. Mayroon pong ilang mga industriya na hinayaang magbukas. Ito iyong mga tinatawag na Category 1, Category 2 at Category 3. Dahan-dahan po nating binubuksan ang ekonomiya bagama’t – uulitin ko po – ito po ay epektibo lamang sa Mayo 1.

Pero nasaan na ho ba tayo? Dahil sinasabi nga ho natin ang desisyon kung ano ang mangyayari sa ECQ ay nakabase doon sa pagbilis ng paglaganap ng sakit, iyong mga kababayan nating posibleng magkasakit at iyong kakayahang magbigay ng serbisyong medikal doon sa posibleng magkasakit. Well, sa ngayon po, mayroon na po tayong 7,579 cases ng COVID sa buong Pilipinas. Mayroon na po tayong 862 na recoveries – ito naman po ay good news ‘no – at 501 deaths.

Now, kung hindi po siguro sa maagang pag-agap ng ating Presidente at pamahalaan ay matutulad tayo sa ibang bansa na napakataas ngayon po ng bilang ng mga nagkakasakit at namamatay.

Tingnan po natin ang slides kung nasaan na tayo ngayon. Itong slide pong ito ay nagpapakita sa mga bagong cases ng COVID. Makikita ninyo po na bahagyang bumaba; noong mga nakalipas na araw ay mayroon din pong bahagyang pagtaas. So bagama’t nagsisimula na po iyong fact na biglang tumaas muli ay ibig sabihin, mukhang hindi pa po talagang tuluyang napa-flatten ang curve.

Itong susunod na graph naman po ay nagpapakita doon sa mga namamatay, at ang mabuting balita naman po ay mukhang bumababa po iyong mga numero ng mga namamatay sa sakit na COVID.

Ang susunod na graph po ay nagpapakita ng mga nagre-recover, at patuloy nga pong tumataas iyong numero ng mga nagre-recover sa mga nagkakasakit ng COVID-19.

Now—at itong next graph po ay nagpapakita na bagama’t pataas pa rin ang mga nagkakasakit ng COVID-19, hindi naman po masyadong matarik ang pagtaas ng numero. Tumataas pero hindi po siya diretsong pataas kagaya ng nangyayari sa maraming bansa sa iba’t-ibang parte ng daigdig.

Now, ngayong araw ay dinadalhan ko kayo ng mabuting balita na alinsunod po sa survey na ginawa ng Philippine Survey Research Center tungkol sa sitwasyon sa COVID-19, na ang pamagat ay Public Perception Towards COVID-19, ay 88% po ang nananalig sa ating mga kababayan na malalampasan natin ang COVID-19.

Bukod po dito, sa susunod na slide ay makikita natin na 81% ang naniniwala na ang krisis sa COVID-19 ay tatagal mula isa hanggang tatlong buwan. Sa susunod na slide ay nakikita naman po kung ano ang pinakamataas na alalahanin ng mga Pilipino sa panahon ng enhanced community quarantine: Ito po ang kakulangan ng pera sa pang-araw-araw na pangangailangan; hindi sapat na pagkain sa bahay; kawalan ng trabaho; kakulangan ng mabibili sa mga palengke; at mataas na presyo ng bilihin.

Ang susunod na slide po ay nagpapakita na sa survey sa Class A, B, C1, ang pagkaubos ng ipon ang kanilang pangunahing alalahanin.

Ito naman po ang aktuwal na karanasan ng mga kababayan sa panahon ng ECQ: Pinakamataas ang nagsasabing kulang ang kanilang pera sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan; na sinundan ng kawalan ng trabaho at mataas na presyo ng bilihin.

Ano naman po ang epekto ng COVID-19 sa ating mga mamamayan? Lahat ay nagsasabi po na may kinalaman sa trabaho tulad ng pansamantalang paghinto sa pagtatrabaho – siyempre po dahil naka-quarantine tayo – pagkawala ng pagkakakitaan, pagkawala ng trabaho at pagtatrabaho ng part time.

Itong mga susunod na slides naman po ay nagpapakita na ang mga alalahanin na ito ay tinutugunan ng pamahalaan. Unang-una, ano ho baang ginagawa ng ating pamahalaan dahil nga dito sa mga inaalala ng ating mga kababayan? Well, unang-una po, mahigit na 200 billion ang inilaan natin para sa Social Amelioration Program at nabigay na po sa mga local government units, ay para magkaroon ng benepisyo ang 3,511,746 na benepisyaryo.

Ang DOLE naman po, sa pamamagitan ng kaniyang programa na CAMP, ay nakapagpalabas na po ng 1.7 billion para sa one-time assistance na 5,000 sa 345,865 formal sector workers. Mayroon din pong programa ang DOLE para sa mga informal sector workers, at ito po ay nakapagbahagi na sila sa 259,449. At ang halagang naibigay na po sa mga manggagawa ay 1.14 billion pesos.

Mayroon din po tayong assistance na ibinigay para po sa mga workers ng small and medium enterprises, at ito ay magkakaroon ng suma-total na 51 billion pesos na ayuda para sa empleyado ng SMEs.

Ang DA po ay nakapagbigay na sa 53,881 beneficiaries. Ang binigay po sa kanila ay financial assistance para sa mga magsasaka ng bigas.

So naiintindihan po ng Pangulo ang pangangailangan ng taumbayan: Ginagastos po natin ngayon ang kaban galing po sa atin para po mabigyan tayo ng, at least, pang-araw-araw na makakain habang tayo po ay nasa enhanced quarantine.

Now, sang-ayon din po dito sa survey, at nasabi ko na po ito noong nakaraang Huwebes ‘no, 80% ng Pilipino po ay sumasang-ayon na naging maganda ang pagresponde o pagtugon ng pamahalaan sa coronavirus. Nagpapasalamat po tayo sa inyong tiwala.

Mahigit walumpu’t isang porsiyento sa sampung Pilipino ang nagsabing nasisiyahan sila sa pagtugon ni Presidente Rodrigo Roa Duterte sa COVID-19 – maraming salamat po. At doon po sa mga hindi in agreement, gagawin pa po nating mas mabuti ang ating pagresponde.

Lumabas din sa survey na mas bumubuti ang paghawak ng gobyerno sa krisis kumpara sa naunang apat na linggo. Maraming salamat po.

Kukunin ko rin po ang pagkakataong ito upang ipaalam sa ating mga kababayan ang mga hakbang na ginawa ng Department of Science and Technology (DOST) ukol sa COVID-19.

Una po, mayroon na pong dalawang pag-aaral ang pinondohan ng DOST, ito po ay para doon sa mga tinatawag na clinical studies. Ang una pong pag-aaral ay pinapatupad po ng Philippine General Hospital (PGH), at tinitingnan po nito ang potential ng Virgin Coconut Oil as a supplemental therapy doon po sa standard medicines na binibigay sa mga pasyente ng COVID-19.

Iyong pangalawang pag-aaral po na ini-implement ng DOST Food and Nutrition Research Institute ay mag-e-evaluate po ng epekto ng Virgin Coconut Oil sa pagbaba ng sintomas ng COVID-19, gaya po ng iyong paghirap ng paghinga at iyong pag-uubo.

Bukod po rito ay mayroon din pong pag-aaral na ginagawa sa isang unibersidad sa Singapore sa pakikipagtulungan ni Dr. Fabian Dayrit ng Ateneo, itong pag-aaral pong ito ay para malaman kung ang Virgin Coconut Oil at ang kanyang derivatives ay puwede pong dahilan para umiwas o mabawasan iyong pagkakahawa ng SARS COVID 2, iyong virus po na siyang nagiging dahilan ng COVID-19 disease.

Pangatlo po, nandiyan din po iyong ating pagsapi sa mga tinatawag na World Health Organization solidarity trial. Ito po ay bunsod sa kagustuhan ng ating Presidente na makipagtulungan tayo sa lahat ng mga dalubhasa sa buong mundo upang magkaroon na po tayo ng vaccine o di naman kaya ay gamot para dito sa COVID-19.

Mayroon na po tayong apat na gamot na sina-subject po natin sa clinical trial involving Filipino patients, at itong gamot pong ito ay iyong chloroquine or hydrochloroquine, remdesivir, lopinavir at interferon.

Pang-apat na pag-aaral ay may kinalaman po sa herbal drugs. Isa sa tinitingnan ay ang Lagundi, iyong ating Lagundi. Tinitingnan po natin kung paano magagamit ang Lagundi ng mga pasyenteng mayroong COVID-19.

Pinag-aaralan din po ng DOST kung makakatulong iyong Tawa-tawa na tinatawag para po isang supplement sa dengue. Ito po ay tinitignan nila kung epeketibo nga laban sa COVID-19.

Mayroon pa pong isang pag-aaral na ginagawa po in collaboration naman with the Philippine General Hospital. Isang bio-tech group po ang naglunsad ng COVID-19 treatment by the third quarter of this year at ito po ay sina-subject din to clinical trial diyan sa PGH. Ito pong posibleng gamot na ito ay nagnanais na ma-alleviate po iyong mga active infections at magbigyan po ng short term immunity or prophylaxis laban sa virus.

Abangan po natin itong mga pag-aaral na nagaganap ngayon.

So ngayon po, importante na ang ating sundin ang payo ng WHO – test, test, test. Kasama natin ngayon ang pribadong sektor dito sa ating layunin naman na test, test, test. Dalawa na pong grupong pribado ang nakikipagtulungan sa ating gobyerno, ito po ay isang grupo na kasama po ang ADB, ang Unilab, ang Metro Pacific, ang Ayala Corporation, ang Philippine Red Cross at siyempre po ang Department of Health. Ang kanilang layunin po ay para magsama-sama to ramp up testing.

Mayroon din pong isang programa ang pribadong sektor na ang tawag ay Project ARK. Mamaya po ay kasama po natin ang ating Presidential Adviser for Entrepreneurship, Mr. Joey Concepcion; at ang medical adviser ng Project ARK, si Dra. Minguita Padilla.

Pero sa ngayon po, ang mabuting balita rin po ay mayroon na tayong 15 We Heal as One Centers. Libre po sa mga kababayan natin ang mga facilities ng We Heal as One Centers, libre po ang board and lodging, libre po ang gamot at libre po ang pagamot.

Sa ngayon po, mayroon na po tayong 400 OFWs na patuloy po na nakatira sa We Heal as One Center sa World Trade Center para po sa kanilang 14-day mandatory quarantine. At ang mabuting balita po, noong isang linggo, iyong kauna-unahang pasyente na nakalabas po sa We Heal as One Center sa Rizal Memorial Coliseum ‘no; ngayon naman po ay mayroon pang tatlong PUM mula sa Tarlac ang pinauwi na mula sa New Clark City. Iyong tatlo po ay nauna nang na-isolate ng dalawang linggo sa UP PGH Polyclinic sa New Clark City, at sila ang kauna-unahang pinauwi mula sa Polyclinic.

So ngayon po kasama natin para naman po sa Project ARK, unang-una po si Presidential Adviser on Entrepreneurship, Mr. Joey Concepcion via Skype; at ang medical consultant po ng pribadong sektor para sa proyektong ito, si Dra. Minguita Padilla.

PA, nasa linya na po kayo? Ano ba ho itong Project ARK? Anong layunin? Sinu-sino ang mga nasa likod nito? At bakit po ninyo nilunsad itong proyektong ito? Anong posibleng effect nito sa ating ekonomiya?

PA CONCEPCION:  So itong Project ARK, sinasabi namin itong Antibody Rapid test Kits, ito ang in-organize namin ng mga private sector para tulungan ang government sa test, test, test. Ang kailangan nating gawin is how do we open the economy? Iyon ang pinaka-isyu ngayon, buhay or kabuhayan ‘no. Pero hindi tayo pipili kung buhay ang mas importante or kabuhayan ang mas importante – dalawa iyan na mas importante. So, para mabuksan iyong ekonomiya natin, we have to test as much as 28,000 Filipino people daily using the RT-PCR test.

Pero alam natin—the private sector is pushing for a rapid test kasi iyong mga facility of RT-PCR is only scaling up now. So ang mangyayari ngayon, were bringing about 1 million rapid test kits by May – malaki iyan. Kasi if you look at New York, they tested only about 630 or 50,000 people in New York State.

So ang gagawin namin dito – about 130 have signed up – lahat ng malalaking corporation uunahin muna namin iyong mga empleyado; and eventually, we have approached iyong mga barangays within their area and we will start also testing them. Susundin namin iyong mga protocols sa DOH. So, itong grupo na ito was organized two weeks ago or less than two weeks ago and now I estimate that we will have close to 200 companies na sasali dito.

So importante para mabuksan iyong ekonomiya natin ang more manufacturing, itong mga malls puwedeng magsimula dahan-dahan, public transportation, walang ibang solution diyan kung hindi mag-test, ng test, ng test.

At isa pang gagawin ng grupo ng Project ARK is to help about six provincial hospitals na ma-expand nila iyong testing capacity nila. So iyan ang gagawin namin sa about six to seven provincial hospitals. Kasi ang importante rin sa RT-PCR, iyong mga those that are found positive under the rapid test will have to go through to this RT-PCR for confirmatory.

So our whole objective, Sec. Harry, is to really focus on test, test and test; and that will give us more visibility, then the Cabinet and the government will be allowed to open up more of the economy. Iyon ang kailangan natin, iyong kabuhayan. Kasi kung walang kabuhayan, wala rin, marami rin ang mamatay dahil sa hunger, dahil sa walang medisina.

SEC. ROQUE: Alright, PA. Kasama din natin ngayon ang medical consultant ng pribadong sector, si Dra. Minguita Padilla, Associate Professor UP-PGH. Doktora, ano pong testing ang pinapatupad ninyo? Ilan ang target na ma-testing ninyo? At kung gagamit po ng rapid testing, ano ba ho ang accuracy nito? At balita ko po ay nagkaroon na kayo ng pilot testing sa Sampaloc. Ano pong resulta sa Sampaloc?

DR. PADILLA: Hello! Good morning, Spox Harry. Magandang umaga. Nakikita ninyo ba akong mabuti?

SEC. ROQUE:  Thank you for joining us. Opo, yes … go po.

DR. PADILLA: Ah, hindi ko kasi narinig kanina ang sinabi ninyo—

SEC. ROQUE:  Okay. Ang tanong ko po ay ano pong test ang pinapatupad ninyo? Ilan po ang iti-test ninyo? Bakit po kayo gumagamit ng rapid tests? At nagkaroon po kayo ng pilot study sa Sampaloc, ano na po ang nangyari doon?

DR. PADILLA: Ah, okay. Ang ginagawa ho namin sa Project ARK ay kumbinasyon ho ng rapid antibody testing at PCR. Hindi ho either/or, pero strategically ginagamit namin pareho kasi alam naman namin na kulang ho iyong mga PCR. Hindi naman dapat natin aksayahin sa mga walang sintomas. Pero iyong ARK, ang ginawa ho namin ngayon ay tinatawag na targeted testing ‘no. Nagsimula na kami sa District IV ng Maynila. Tatlong araw na ho eh, dalawang araw lang ho ang statistics ko.

Ang ginagawa ho namin ay hinahanap po namin iyong mga high risk sa communities, sa barangay ‘no. So iyong mga … sinu-sino mga tini-testing namin? Iyong mga na-expose sa may COVID talaga, iyong mga na-expose sa mga presumed or possible COVID; iyong mga na-testing na pero wala pang results; iyong mga frontliners ho, iyong mga importante na kailangan na mga essential workers – mga factory workers, mga pulis, mga doktor, nurse. Marami niyan sa mga barangay, iyong mga high risk; tapos iyong mga may sintomas.

So lahat ito ho, iyong mga binanggit ko sa taas, may sintomas man o wala, tini-testing namin. Tapos lahat ng may sintomas ay tini-testing, Spox Harry, pati iyong mga tinatawag na high risk. Sino ito? Iyong mga diabetic, may hypertension, mga high blood, iyong mga may sakit sa baga, sakit sa bato, iyong mga may cancer, nagpapagamot, iyong masyadong mataba na tinatawag na BMI more than 41 ‘no, high risk din pala sila ‘no. So ito iyong ginagawa namin ngayon.

So targeted testing ho muna tapos kung naubos na ho iyong targeted testing, mayroon din kaming random testing. Bakit ho importante ito? Kasi we have to see … gusto nating makita ano ba talaga ang extent ng infection sa komunidad ‘no, sa barangay. Kasi iyong mga nakakaabot sa ospital at talaga naman kasing kulang pa naman iyong mga PCR, itong mga tao may sintomas at medyo malala na. Eh iyong mga Pilipino, Spox Harry, alam naman natin … kunwari parang sipon-sipon lang, konting lagnat, hindi pumupunta sa ospital iyan. So marami hindi natin nakukuha o nakikita kasi 80% more or less ng mga taong nagkaka-COVID ay either asymptomatic na walang sintomas or mildly symptomatic – ito iyong gusto nating mahanap.

SEC. ROQUE:  Doc., nag-sample na kayo sa Sampaloc, ano pong resulta?

DR. PADILLA: Okay. Ang resulta, siguro for two days mga 800 plus ang na-sample sa district – ito iyong mga targeted pa lang ha, hindi ito iyong random. So mga ano na ho, tatlong tao na positive IGM, ibig sabihin may sakit. Iyong M, may sakit – tatlo, acute. May mga 15 na IGG, ibig sabihin nagkasakit na pero gumaling na, nag-recover na. Importante ito mamaya, pag-usapan natin iyong IGG. Tapos may mga 27 na may sintomas pero IGG and IGM negative. Itong mga taong ito base sa ating protocol, kahit mag-negative sila sa PCR, kahit mag-negative sila sa IGM, we will treat as COVID.

So ang ginawa ho namin, iyong IGM positive na may sakit na M at iyong mga may sintomas, pinadala namin kaagad sa Delpan quarantine tapos nagpa-PCR swabbing. So right away, nakuha namin doon sa komunidad/community. Itong mga may sintomas na nag-IGM, it’s possible na talagang wala silang COVID pero kailangan sigurado tayo, so agad-agad naa-isolate.

Itong IGG, maganda ito, Spox Harry—can I talk a little about IGG, anong ibig sabihin nito?

SEC. ROQUE:  Pero mabilis lang po dahil maraming katanungan ang Malacañang Press Corps.

DR. PADILLA: Okay. Ang ibig sabihin nito, itong mga tao ay gumaling na. So itong mga dugo nila ay puwedeng gamitin para sa aming convalescent plasma para magbigay ng antibodies doon sa mga taong nangangailangan. Ginagawa na ito sa UP-PGH at sa St. Lukes. So makakatulong sila sa mga taong may sakit pa sa COVID sa pamamagitan ng pagbigay ng dugo.

SEC. ROQUE:  Okay, maraming salamat.

DR. PADILLA: Iyon na muna. You are welcome.

SEC. ROQUE:  Now, buksan na po natin ang floor for questions. Unang-una po via Skype, si Trish Terada ng CNN Philippines. Puwede po kayong magtanong kay PA Joey at kay Dra. Padilla. Okay, wala pa yata si Trish ‘no. So, si Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Good afternoon, Secretary Roque. From Bella Cariaso ng Bandera: Noon daw pong Saturday, walang bagong kaso ng COVID-19 na ini-report sa official Facebook page ng Quezon City kung saan naka-record ang same numbers of cases doon sa tally noong Friday. Pero sa comment section, nagtatanong ang mga netizens kung bakit may mga dagdag-bawas di-umano sa mga breakdown sa mga barangay. For example, doon daw po sa Pasong Putik, naging dalawa ang kaso from 3; sa Nova Proper, April 24 daw walo ang kaso at isa ang patay, pero Sabado naging tatlo na lang at nawala iyong dead – na isang namatay; sa Barangay Paltok, walo daw po ang dating kaso pero naging siyam.

So ang tanong po dito ni Bella, kung ito ba daw ay parang—ano daw po iyong explanation dito at kung bakit ganoon, na nagbabago-bago iyong data, Secretary.

SEC. ROQUE:  Ang alam ko po, alas kuwatro ang cut off ng DOH para sa lahat ng mga datos sa mga bagong nagkakasakit at posible po na iyong discrepancy ay dahil may mga numero na pumasok matapos po ang cut-off ng alas kuwatro. Pero mamaya po sa press briefing ni Usec. Vergeire, binigay ko rin po itong sagot [tanong] na ito dahil baka naman mas may detalyado pang sagot ang DOH. Maraming salamat, Bella.

USEC. IGNACIO: May pangalawang tanong po, Secretary. Iyon pong nanganak na namatay dahil sa tinanggihan ng pitong ospital, ano daw po ang aksiyon ng government dito sa kabila na mismong si Pangulong Duterte na nag-utos na bawal tanggihan ang pasyente, nangyayari pa rin daw? Hinihingan di-umano ng P30,000 na deposit ng isang ospital. May assurance po ba ang government na may mananagot dito?

SEC. ROQUE:  Mayroon po tayong Republic Act No. 10932 ‘no, ito po iyong Anti-Hospital Deposit Law na nagpapataw po ng parusa sa lahat ng mga ospital na hindi tatanggap ng pasyente dahil hindi sila makapagbigay ng deposito. In-assure po ako ni Secretary Meynard Guevarra na iimbestigahan daw po ang kasong ito at kung kinakailangan, sasampahan sila ng kaso sa hukuman nang sa gayon mapatawan sila ng parusa.

Ang parusa po sa violation ng Anti-Hospital Deposit Law, mayroon po iyang kulong. So kung mapatunayan po at mayroon pong presumption ha, sa batas po nakasulat dito na iyong mga talagang hindi tumanggap ay presumed hindi tumanggap dahil hindi makabayad ng deposito ‘no, ang parusa po diyan ay pagkakakulong. Ikukulong po natin lahat iyong mga doktor, lahat ng may-ari ng ospital na naging dahilan po kaya namatay itong pasyenteng ito.

Trish?

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Since we are talking about government aid po kanina ‘no, less than 30 to 50 percent pa rin po iyong nabibigyan ng social amelioration. Since magkakaroon po tayo ng second distribution, ano po iyong magiging bagong strategy, if ever, ng government in terms of pamimigay ng ayuda? Kasi hanggang ngayon, mayroon pa rin po iyong reklamo na hindi nabibigyan ng ayuda and at the same time napupulitika ng mga LGU.

SEC. ROQUE:  Well, alam ninyo po malungkot, talagang na-download na po natin iyong first tranche sa mga local government units at hindi ko po alam talaga kung bakit hindi nakarating sa karamihan pa iyong ayuda na iyan ‘no. Pero mangyayari po, if I’m not mistaken at sinabi naman po sa akin ito ni Secretary Año, iyong second tranche po ay ibibigay na doon sa areas na mananatili under ECQ ‘no.

So hopefully po, mas magiging efficient at mas marami tayong mabibigyan ng ayuda dahil mas kaunti na ngayon po iyong mga areas after May 1 na mapapasailalim pa rin sa ECQ. Pero iyong mga hindi po nakatanggap sa first tranche, ang pangako po ng gobyerno, makakatanggap pa rin kayo.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Secretary, nakapag-submit na po ba iyong respective agencies like DOTr, DOH ng guidelines for GCQ? And possible po ba na kung ang isang lugar na nasa GCQ magkaroon ulit ng kaso, mababalik po ba siya sa ECQ?

SEC. ROQUE:  Well, nagpupulong po ngayon ang IATF. Nagsimula po ang pagpupulong nila alas onse at ito nga po ang kanilang isasapinal – kung ano po iyong guidelines sa GCQ. Now, bagama’t ang Metro Manila at ilan pang mga lugar gaya ng Cebu at Davao ay mananatili sa ECQ, importante rin na lahat malaman kung ano ang GCQ, kasi ito na po iyong new normal. Kung posible na pong bumaba sa GCQ ang mga areas na ECQ, ito rin po ang ipapatupad ng gobyerno. Asahan ninyo po bukas sa ating briefing, iyan po ang bibigyan natin ng prayoridad, iyong isusumite at isasapinal na guidelines po para sa GCQ.

TRISH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, last question on my end. Sir, iyong reaction na lang po ng Malacañang about doon sa mga critics saying that gusto lang pong gamitin ni President itong pandemic or itong crisis natin as an excuse to implement Martial Law.

SEC. ROQUE: Naku, nakakatawa po iyan kasi hindi lang lang naman sa Pilipinas ang mayroong pandemic. Ang katotohanan po ang sinabi naman ng Presidente, ang Martial Law ay gagamitin kapag nagpatuloy po ang NPA doon sa kanilang pag-atake sa sundalo lalung-lalo na iyong mga sundalo na nagbabantay lang naman doon sa mga nagbibigay ayuda sa ating taumbayan. Iyan po ay nasa Saligang Batas; wala pong pinagsasamantalahan ang Presidente dahil ang kaniyang batayan naman ay Saligang Batas mismo.

TRISH TERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Rocky? USec. Rocky?

USEC. ROCKY:  Opo, yes, Secretary. May dalawang tanong si Kris Jose ng Remate: Pabor po ba ang Malacañang na magsagawa muna ang mga business owners ng COVID-19 tests sa mga manggagawa o empleyado bago payagan na bumalik sa trabaho at mag-resume ang kanilang operasyon? Ito po iyong sa mga lugar na sakop na po ng GCQ after April 30.

SEC. ROQUE: Alam ninyo po, ang mass testing ay susi para malabanan natin itong COVID-19. Dahil kung hindi natin alam kung sino ang mayroong COVID-19, hindi natin sila malo-locate, hindi natin sila maa-isolate at hindi natin sila maku-cure. Ang target po ng gobyerno 900,000 PCR testing at 2.2 million rapid testing po para po magkaroon tayo ng representative sample in relation to our total population kung ilan talaga ang nagkakasakit. At ito ay bukod pa doon sa mga private sector initiatives on testing gaya ng na-discuss kanina ni PA Concepcion.

USEC. ROCKY: Iyong ikalawang tanong po niya: Umapela ang TUCP sa mga business owners na magsagawa ng disinfections sa mga establishment bago papasukin ang mga babalik sa trabaho.

SEC. ROQUE: Well, actually doon sa parehong tanong, unang-una, kung ang private sector po ay magbibigay ng testing sa kanilang mga empleyado, we encourage that po. At ito nga po ang gagawin ng Project ARK, kung hindi ako nagkakamali, iyong mga empleyado nila ay sila na mismo ang magpapa-test dahil hindi na nila hihintayin iyong makarating iyong testing ng gobyerno sa kanilang mga empleyado. That is very much welcome po.

Pagdating po sa disinfection po, siyempre po importante na bago tayo magbukas ng mga negosyo na pupuwede nang buksan under GCQ ay protektahan pa rin natin ang ating mga manggagawa by disinfecting our environment.

Joyce Balancio?

JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes, good afternoon, Secretary Roque. Si Parañaque Mayor Edwin Olivarez po is calling for the deportation of 44 Chinese workers who were arrested for illegal POGO operations during ECQ. Ang Palasyo po ba ay in favor of this said deportation call?

SEC. ROQUE: Well, that will be addressed by the Commission on Immigration and Deportation at sususugan naman po namin ang magiging desisyon ng CID. Ang alam ko ay ipinagbabawal iyong mga POGO operations at kung mayroon naman pong dahilan, I’m sure the CID will make the right decision. But we leave the matter to the CID.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. Sir, on the budget po, sabi po ni Senate President Sotto, hindi na daw po kailangan na humingi pa ang Palace ng supplemental budget since under the Bayanihan to Heal as One Act which is effective until June, may enough power si President Duterte realign more funds sa 2020 National Budget.

SEC. ROQUE: Well, iyong opinyon po ni Secretary Avisado na posibleng humingi ng supplemental budget ay nakabase po sa datos. Ang datos na ibinigay po niya sa akin bago tayo mag-press briefing ay nakagastos na tayo ng mahigit-kumulang P350 billion para sa COVID-related expenses at ang total po na ibinigay ng ating gobyerno naman ay mahigit-kumulang mga P400 billion para sa COVID-related expenses. So, makikita po natin na halos mauubos na iyong nakalaan na pondo para sa COVID.

So, kung ano man po ang kinakailangan pang pangangailangan natin ay kinakailangang bumalik tayo sa Kongreso dahil bagama’t mayroon po tayong pera sa kaban ng bayan, hindi naman po pupuwedeng gastusin iyan nang wala pong authorization galing sa Kongreso.

JOYCE BALANCIO/DZMM: So, bakit po ang response natin agad ay supplemental budget, why not use other funds from other projects muna before we ask for another budget?

SEC. ROQUE: Mayroon po kasing kalituhan na nangyayari kung magkano pa talaga ang naririyan. In fact, I take note of the well-meaning comments naman po of Senator Ping Lacson na ‘di umano we have 900 billion unspent funds for 2019.

Lilinawin ko lang po at ito naman po ay matapos akong magkonsulta kay Secretary Avisado: Ang total po na unreleased budget from the 2019 Budget is only po around, kung hindi po ako nagkakamali, around P55 billion—ay hindi, mali. It’s 77 billion. Ito po ang sabi ni Secretary Avisado under this … from the 2019 Budget. Ganunpaman, siya po ay nagpadala ng memorandum sa lahat ng ahensya at tinatanong po niya kung ano pa iyong mga uncommitted funds, iyong pupuwede pa talagang magamit para sa ibang purpose. Ang deadline po ay sa katapusan ng buwan ng Abril. So hindi pa niya alam kung ilan talagang pondo ang magagamit pa natin for purposes of COVID.

Pero lilinawin ko lang po, ang total unreleased from the 2019 Budget is not 900 billion, it is only 77 billion; and pagdating po ng April 30 malalaman natin kung ano pa iyong mga uncommitted funds that we can realign from the different agencies and departments.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. Secretary, since you’ve mentioned Senator Panfilo Lacson, he also had a statement saying why not realign iyong P84 billion of what he considered pork insertions of lawmakers allegedly lodged inside the DOTr and DPWH budget. Kasama po ba iyan sa tinitingnan na rin ni Budget Secretary Avisado?

SEC. ROQUE: Well, hindi po DBM ang magdedesisyon sa realignment kung hindi iyong mga iba’t ibang line departments. So, pagdating po sa mga proyekto ng mga senador at kongresista ay pinauubaya na po namin iyan kay Secretary Villar po karamihan naman ng mga proyektong iyan ay nasa DPWH. So, iniiwan na po namin ang desisyon kay Secretary Villar kung ire-realign niya iyong pondo para sa ating mga senador at mga kongresista, iyong mga proyektong na-identify na nila.

JOYCE BALANCIO/DZMM: But you will be supporting it po if in case they will identify itong sinasabi nga na 84 billion na under DOTr and DPWH project na sinasabi?

SEC. ROQUE: Hindi ko pa po masagot iyan dahil ang deadline nga po to submit iyong mga uncommitted funds is April 30. After the April 30, we will have a better picture kung magkano po ang mare-realign natin.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. Last na lang po from me, Secretary. Sabi po kasi ng WHO wala pa pong evidence na those people who recovered from COVID-19 and have antibodies are protected po for re-infection o iyong tinatawag natin na second wave. Given this statement of WHO, how are we adjusting our protocols o iyong preparations natin for the extension of ECQ kasi I believe isa iyong ginagamit nga natin na rapid test kits at ang tini-test po noon ay antibodies? Sinabi na rin po ng IATF na iyong basis noon kapag may nakita na antibodies sa iyo using the rapid test kits, it’s one of the valid reasons for a discharge ng isang pasyente. So, hindi daw po evidence or wala pang evidence na puwedeng sabihin na kapag may antibody ka na ay ikaw ay safe from second wave.

SEC. ROQUE: Well, talagang marami pa ho tayong hindi pa alam dito sa sakit na ito dahil bago nga ano. Pero uulitin ko po, ito po ay naging dahilan nga kung bakit napakarami pa ring lugar sa Pilipinas ay patuloy pa rin ang ECQ at pagdating naman po doon sa areas na classified as GCQ ay hindi pa rin natin tuluyang binubuksan ang ekonomiya. Dahan-dahan po tayo alinsunod na rin po sa advice ng WHO.

Rocky? USec. Rocky?

USEC. ROCKY: Yes, Secretary. Ang babasahin ko po ay iyong kay Francis ng Daily Tribune kasi iyong tanong ni Aileen Taliping ay pareho po ng tanong kay Kris Jose na iyon pong namatay na bagong anak. Ang tanong ni Francis, dalawa po: Sabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista na base sa nakaraang pahayag ni Finance Secretary Dominguez at Budget Secretary Avisado doon sa naging briefing na pinangunahan ni Pangulong Duterte noong nakaraang linggo, 45 billion na lang po ang natitirang pondo para sa SAP after magastos nga ang 352.7 billion kaugnay ng implementasyon ng ECQ, ngunit napakaraming mga pamilya pa rin ang nagsasabi na wala pa rin silang natatanggap na tulong mula sa gobyerno. Paano tayo nakakasiguro na iyong pondong inilababas ay hindi matutulad or tatahakin ang landas ng parang sa Yolanda?

SEC. ROQUE: Malinaw po ang babala ng ating Presidente, zero tolerance doon sa kurapsyon lalung-lalo na kung ang pagpipiyestahan ay iyong ayuda para sa mga naghihirap dahil sa ECQ.

So, uulitin ko po: ‘zero’ tolerance po ang Presidente sa kurapsyon, parurusahan po kayo, hahanapin kayo kung sino kayo at siguradung-sigurado naman po ako eh magsisilbing leksyon iyan sa lahat na hindi dapat pinagpipiyestahan ang ayuda na nakalaan para sa mga naghihirap.

USEC. ROCKY: Iyong second question niya, Secretary: Can the government agencies publish/send copies of the detailed list indicating the amount released for COVID-19 response for transparency? Magpapatawag ba ng imbestigasyon si Pangulong Duterte kung sakaling may kurapsyon na nangyari?

SEC. ROQUE: Sinusugan na po natin iyan, dahil iyan po ay suhestiyon kung hindi ako nagkakamali ay galing kay Senate President Tito Sotto, sinuportahan na po natin iyang idea na kinakailangan for transparency i-publish na iyong mga pangalan ng nakatanggap ng SAP at iba pang mga ayuda galing sa gobyerno. Zero tolerance po tayo sa corruption. Kung mayroon po kayong reklamo, iparating po ninyo kahit sa amin dito sa Office of the Spokesperson, ipo-forward po namin iyan for proper investigation.

HANNAH SANCHO/DZAR:  Galing po sa statement po ni Vice President Leni Robredo na sinabi po niya na sakali pong mauna po ang pagre-open po ng mga POGOs, sinasabi po niya na parang pangit po ang pinapakita nito sa mga Pilipino dahil mas inuuna pa sila sa pagbubukas kaysa doon sa mga negosyo na ang may-ari ay mga Pilipino. Ano po ang reaksiyon dito ng Palasyo?

SEC. ROQUE:  Well, unang-una po ang POGOs po under GCQ, sa guidelines, ay mananatiling sarado. Ganoon pa man, kung ang desisyon po ay pabuksan iyan, ang tanging basehan lang po ay simple: Kinakailangan natin ng pondo para magastos sa pangangailangan ng ating mga kababayan – iyon lang po iyan, simple mathematics. Bagama’t wala pang desisyon,  napakadami nating pangangailangan: Malinaw po P397 billion ang inilaan para sa COVID-19, P352 billion  na ang nagastos natin; patuloy pa rin pong nangangailangan ang ating mga kababayan, hindi naman po pupuwedeng mag-magic ang Presidente at lalabas ang pera para gastusin, siyempre po dapat ay magkaroon ng pagkunan.  At kung magkakaroon po ng desisyon sa POGO, hindi ko naman po sinasabing mayroon na, ay alinsunod po iyan sa pangangailangan ng ating mga kababayan.

HANNAH SANCHO/DZAR:  Hindi po ba, Secretary, isasama sa consideration bago po i-allow iyong mga POGOs para muling buksan, iyong mga ginagawa nilang paglabag sa batas? Katulad po doon sa mga may nahuli kamakailan lang, alam naman natin na dapat tax-san na sila, pero may illegal po na nagbubukas ng kanilang operation noon na nahuli diyan sa Paranaque. At isa din sinasabi din ni Congressman Zarate na baka daw mayroong mga pulitiko, corrupt officials, government officials na possible pong protector ng mga ito kaya malakas ang loob nila na mag-operate sa kabila po ng, iyon nga, hindi naman sila dapat mag-operate, nakasara po dapat iyong mga businesses na iyon?

SEC. ROQUE:  Lahat po ng lumabag sa batas, hindi na pabubuksan. Wala pong mga protector diyan, dahil lahat po ng mga POGOs ay nasa ilalim po ng PAGCOR. Tanging PAGCOR lang po ang pupuwedeng magbigay ng awtoridad sa kanila na mag-operate. At uulitin ko lang po, ang tanong po: Saan natin kukunin iyong mga pangangailangan ng ating mga kababayan habang mayroon pang COVID-19 at habang wala pang bakuna?

HANNAH SANCHO:  Sir, idinidikit din kasi dito, sir, ano kasi bago lang din, may nahuling isang secret health facility diyan sa Paranaque area din, sir, na ang kini-cater lang po ay mga Chinese. At sinasabing connected din at nagtatrabaho sa POGO ang nahuli dito na may mga gamot dito na naka-Chinese characters at ilan daw dito according doon sa health officials ng Paranaque ay gamot sa COVID, gamot sa STD at wala silang lisensiya at ino-offer ito. Kasama din ito sa paglabag dahil nire-relate pa rin ito sa mga nasa POGO industry. May plano po ba iyong Palasyo na ipasilip ito?

SEC. ROQUE: Salamat sa impormasyon ano. Nagpapasalamat naman kami sa lahat ng ganiyang mga impormasyon na binibigay ng ating mga kasama sa media – paiimbestigahan po natin iyan.

USEC. IGNACIO:  Secretary, isa lang po iyong tanong ni Prince Golez ng Abante. Mayroon na bang public/private strategic exit plans iyong IATF para maihanda iyong publiko sa transition to the new normal? When will it be shared to the public?

SEC. ROQUE:   Bukas po, sigurado ako sa press briefing natin ay isasapubliko na po natin iyong guidelines ng GCQ. Ito na po iyong master plan na tinatawag dahil ito na po iyong ating istratehiya. Hindi muna bubuksan ng tuluyan ang ating ekonomiya, unti-unti at importante po iyong mga  sinasapinal na guidelines na ngayon ng IATF habang tayo po ay nagpe-press briefing. Pagkatapos po ng press briefing, sasapi na rin po ako sa pagpupulong na iyon.

MARICEL HALILI/TV5:  Sir, ilang paglilinaw lang po tungkol po doon sa changes ng panuntunan once na ipinapatupad na po iyong GCQ. Una sa lahat po, sir, clarification lang po: After April 30, iyong mga workers who belong doon sa Sectors 1, 2 and 3 na nakatira doon sa mga areas under ECQ, will they be allowed to cross the checkpoint going doon sa mga provinces or areas na under GCQ, if they belong doon sa Sectors 1, 2, and 3?

SEC. ROQUE:   Alam mo, unang-una, tingin ko bihira lang  itong maging problemang ito kasi kung mapapansin ninyo hindi na nag-distinguished ang IATF doon  sa mga Del Sur, Del Norte, mga ganyan, lahatang lugar na, so ang nangyari buong Region III, buong Region IV-A. So dito sa area na ito, wala namang tatawid. If possible siguro, iyong mga tatawid lang diyan ay iyong mga taga-Region II na papunta ng Region III. Wala na po ‘no, iyong  mga karatig lugar lang siguro ng Davao City, Del Norte at wala na po at wala namang karatig probinsiya na para magtrabaho araw-araw ang Cebu Island, dahil island nga po iyan.

So, number one, that is a remote possibility dahil nga po sa desisyon na hindi tinitingnan iyong boundaries between province strictly, basta iyong buong area na iyan ay klinasify as GCQ or ECQ.

Pero ganoon pa man, we will apply common sense: Kung mayroon talagang area at remote nga po iyan, siguro mga areas between Region II and Region III lang iyan, at saka iyong mga surrounding areas ng Mindanao lang, kasi iyong Cebu is isla lang po ay common sense lang po.  Siguro kung mapapakita nila na karatig-bayan lang sila na iba na iyong bayan doon ay magpakita lang sila ng employment certificate at tingin ko naman po ay mapapayagan iyon, pero kaunti lang po iyon.

MARICEL HALILI/TV5:  Sir, when it comes naman po doon sa mga common areas, sa mga condominium kasi naging isyu din siya before. Just to clarify lang po, ano po ba ang panuntunan ng IATF when it comes doon sa common   areas? Are they allowed to go there, doon sa mga condo units? Paano po iyong mga maliliit na mga condominiums especially now na sinasabi ng DOH na sunlight is very important para po maiwasan din nila iyong virus?

SEC. ROQUE:  Well, ang construction po ng DILG at narinig ko po ito sa bibig mismo ni Secretary Año, common areas of condominium are considered public places and subject to ECQ. Ganoon pa man common sense din po, dahil alam  naman natin may mga areas na may mga wide open spaces, kung kinakailangan siguro na hayaan  naman paminsan-minsan na magka-araw  basta may social distancing, siguro po pupuwede naman iyan. Pero, uulitin ko po, sa condominiums, common areas are considered public areas and still subject to ECQ. Kung kayo nga ay kinakailangang magpa-araw sa isang common area, hindi pupuwede mag kumpulan, paisa-isa if at all.

MARICEL HALILI/TV5:    Base po kasi sa statement ng Labor Department nasa more than two million workers na daw po iyong na-displaced because of pandemic. I understand na mayroon pong ginagawa na CAMP, TUPAD, saka po iyong AKAP na program for the workers, pero it seem na less than one (1) million pa lamang o iyong nabigyan ng tulong ng DOLE at tumigil na rin daw sila sa pag-accept ng assistance under CAMP because of the volume of the applications; and iyong sa mga OFWs na nasa  230,000 na raw po iyong application, so nag-exceed na siya doon sa target na 150,000. Ano po ang plano natin dito, Secretary?

SEC. ROQUE:     Well, totoo po iyan, naubos iyong pondo ng DOLE pero ang pampalit po natin diyan ay iyong tulong naman sa SMEs – iyong 51 billion. Kaya nga po iyong mga nakakuha na ng tulong sa DOLE, isang buwan na lang po makukuha nila dito sa tulong ng SME na P5,000 to 8,000 din po. Pagdating  naman po doon sa tulong sa mga OFWs natin, mayroon po tayong inilaan na P1.5 billion sa mga umuuwing mga OFWs. Sa P1.5 billion po, ang alam ko po ito ay para sa 150,000 workers at nakapagbigay na po tayo ng tulong or mabibigyan na natin ng tulong ang 50,000 na mga repatriated OFWs, mayroon pa po tayong tulong para sa 100,000. At kung kulang pa po iyan, hahanap pa po tayo ng pondo para mabigyan ng ayuda ang lahat ng OFW.

MARICEL HALILI/TV5:   Sir, pahabol lamang po. Sinabi po na nasa 45 billion more or less iyong natitira na lang from the fund based on the DBM and I understand that we already borrowed money from ABD and World Bank. Given po iyong budget na hawak natin ngayon,   how long can we afford the extension of the ECQ?

SEC. ROQUE:   Well, sa ngayon po kaya pa naman po natin itong extension na two weeks, kasi iyong budget naman na binigay sa ating ng Kongreso ay para sa dalawang buwan. Pero uulitin ko po mayroon naman pong pera kaya lang, number one, subject nga to realignment at malalaman natin by April 30 kung ano iyong iba’t- bang budget ng iba’t ibang line agencies that can be realigned; and number two, kung kulang pa rin po iyan, dahil ang awtoridad naman po ay binigay para mag-realign ng pondo, saka tayo hihingi ng supplemental.

Ang sinasabi lang po natin, habang wala pang bakuna, hindi natin alam kung kailan matatapos itong problemang  ito sa COVID-19, at kung mauubos na iyong ibinigay na  authority ng Kongreso para gastusin ng Ehekutibo sa problemang ito, siyempre hihingi tayo ng authority from Congress because mayroon po tayong Saligang Batas – ‘No public fund can be spent without approval of Congress.’

USEC. IGNACIO: Secretary, isa ang tanong ni Henry Uri ng DZRH. Ano na po ang update sa sinabi ng Pangulo na mabibigyan din ng cash assistance ang mga middle income earners? Kailan po sila makakatanggap?

SEC. ROQUE:   Itong programa na para sa SME employees, isinulong na nga po natin,  minove na natin ang deadline – dati April  30 ang deadline, ngayon po na-move na hanggang May 8  ang deadline para doon sa gustong  kumuha ng benefit under sa SME program. Fifty-one (51) billion po iyan, apply na po kayo.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Three subject matters: First on budget, sir. You said that out of the 400 ay nagastos na natin iyong 350. Saan po natin ginastos iyong 350?

SEC. ROQUE:  Nandiyan po iyong SAP, nandiyan po iyong iba’t ibang ayuda ng DOLE – Dalawang ayuda po, iyong CAMP at saka TUPAD – at nandiyan din po iyong SME natin. Saka siyempre iyong mga pambili ng iba’t ibang medical equipment na kinakailangan natin at pumapasok naman po iyong mga nabili na nating mga PPEs at iba-iba pang mga equipment. Iyan po ay naka-detalye, naka-detalye po iyan sa linggu-linggong report na sinusumite po ng Presidente sa Kongreso.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Alright. So kasi, sir, kung ino-note ko iyong mga discussions kanina, 1.7 sa CAMP; 1.14 sa TUPAD; 37 sa SAP; 51 billion sa SME, that will just give you roughly 300 billion na being spent. So in terms of Social Amelioration, 250 itong ibinigay ng Congress, we have already spent based on government data that you published ngayon at saka kanina sa Laging Handa, we spent something  like a 100 billion. So we  have 150 more dapat  in terms of SAP.

SEC. ROQUE:  Oo, in terms of SAP po kasi two months nga iyong implementation niyan ‘no, two months, so dapat kalahati iyong nagastos na, may pangkalahati pa po sa SAP.

JOSEPH MORONG/GMA7: And [garbled] 45 na lang?

SEC. ROQUE:  Well alam ninyo po kasi in budget parlance, we actually talk of committed/uncommitted ‘no. So ito po iyong mga—iba talaga iyong pagkakaintindi ng layman kung ano iyong nagastos na o hindi. Pero pupuwede po iyong mga committed na eh considered nagastos na rin po iyan ‘no, kasi kumbaga nagawa na iyong proseso para mapatuloy na iyong pagbili ng pangangailangan.

JOSEPH MORONG/GMA7: So, sir, iyong 100, ang layman’s term diyan is spent already ‘no?

SEC. ROQUE:  Well, iyan po ay actually disbursed, iyong SAP na kahalati has been completely disbursed to LGUs.

JOSEPH MORONG/GMA7: Correct, sir. Where’s the 150?

SEC. ROQUE:  Well, iyong kalahati po niyan ay para po sa susunod ‘no. Kaya nga po sa susunod na tranche eh tinitingnan po, pinag-aaralan na baka ibuhos na lang po iyan doon sa mga beneficiaries doon sa mga areas na mananatili under ECQ.

JOSEPH MORONG/GMA7: So, sir, 150 minus 45 that will give you 105. So iyong sinasabi natin na—

SEC. ROQUE:  Oo. Ano po iyon, parang—

JOSEPH MORONG/GMA7: Iyong sinasabi natin, sir, is 45 iyong natitira. Iyong 105, you can [garbled] is committed already?

SEC. ROQUE:  No, no, no that’s wrong; I don’t think that’s right. Because ang sinabi po – I’m quoting lang naman from what Secretary Dominguez said in the last address of the President – he said Congress allotted a total of 397 billion for COVID-related expenditures, of which 352 has been spent. So the balance does not just go to SAP or anything ‘no. It includes other expenses not just social amelioration, although social amelioration constitutes a bulk of it ‘no, almost half of it ‘no because it’s 205 billion out of 397 billion. But there are other expenses po.

JOSEPH MORONG/GMA7: And that will be in the report of the President ‘no?

SEC. ROQUE:  Every week, we diligently submit the report and we distribute copies of the report to members of the media as well.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right, sir. Sir, in terms of data, because this is your basis ‘no for selecting which provinces go to ECQ and GCQ, but may mga—can you explain to us iyong workflow ng DOH? Do they seek out itong number of patients, because last time si Secretary Galvez said there are 12,000 PUMs and PUIs? Nasaan iyong mga iyon? Kasi gusto nilang i-zero iyan ‘di ba? They wanna know the status of all these people. Nadadagdagan ba iyang 12,000 na iyan, sir?

SEC. ROQUE:  Well, I have no information on the basis of what Secretary Galvez said ‘no, but I have no reason to doubt that either. So ang sinasabi lang po natin ay, as far as data is concerned, eh regular naman po iyong monitoring ng DOH on actual cases on a daily basis, recoveries and deaths. Now iyong PUM/PUI, ‘di ba ho binago na nga natin ang classification, hindi na po natin ginagamit iyang PUM at PUI.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, okay. When you say categorically that our data, at least as far as the DOH data is concerned, solid iyan? Meaning, we can rely?

SEC. ROQUE:  Yes, we can rely on it given the limitation of testing so far ‘no. Pero habang dumadami po iyong testing capability natin at ang capability po ng Department of Health alone with the 8,000 daily ‘no pagdating po ng April 30, and then Red Cross has 8 to 10 thousand daily capacity as well with the opening of their new facilities, and the private sector ‘no with the assistance of ADB and others will also be opening up PCR facilities, eh siyempre po mas magiging accurate talaga iyong ating data on how many people are afflicted. Kasi nga po without data, we would not know who to locate, isolate and cure.

JOSEPH MORONG/GMA7: So, sir, mayroon kang DOH, mayroon kang Red Cross and then you also have the private sector. Iyon pong mga tests, at least nitong non-government groups ‘no, papasok iyan sa DOH data?

SEC. ROQUE:  Oh yes, required po silang mag-report sa DOH. Siguradong-sigurado po iyan.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, last na lang ha, sa GCQ and ECQ. Mayroon tayong Sectors 1, 2 and 3 and 4, obviously iyong 4 out of the question na iyan ‘no.

SEC. ROQUE:  Negative, yes.

JOSEPH MORONG/GMA7: But 1, 2, 3 … who’s going to tell these industries na, “O ikaw you can open, ikaw hindi, ikaw 50% lang …” I mean, do they just decide na parang, “Oh, I belong in this industry so therefore I can open certain percentage of my company.

SEC. ROQUE:  The guidelines will be approved today and we will discuss them tomorrow.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, one last question na lang—

SEC. ROQUE:  Sabi mo last na eh [laughs] Ang dami mong last question ha. [laughs].

JOSEPH MORONG/GMA7: This is on behalf of some of our friends ‘no. Sir, iyong leisure, iyong mga parlor, mga you know … you know iyong mahahaba iyong buhok diyan. So tinatanong nila saan iyong leisure? Saan kasali iyong mga salon? Saan—

SEC. ROQUE:  Ikaw, Joseph ha, halata ang priority mo ha. Matagal ka nang hindi nagpupunta ng salon ha [laughs]. Pero [laughs]

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, I cut my own hair [laughs].

SEC. ROQUE:  Well, iyon na nga eh, kaniya-kaniya na tayo ‘no. Pero anyway, iyan po ay dini-discuss kasi po ang problema diyan sa mga salons, barbero eh imposible po ang social distancing diyan unless we have developed scissors na mahabang-mahaba ano, na hindi didikit po iyong naggugupit ng buhok ‘no. But this will be discussed and I would be announcing particularly iyong tanong ng ating mga kababayan, iyong mga barbero at saka iyong mga tindahan ng damit dahil marami na yatang atat na atat mag-shopping. Malalaman po natin ang desisyon ngayong araw.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir. Thank you for your time, sir.

SEC. ROQUE:  And thank you for your final-last question. Rocky?

USEC. IGNACIO: Okay. From Sam Medenilla ng Business Mirror: “May amount at details kung saan po ba gagamitin ang iri-request po na supplemental budget ng Palace sa Congress?

SEC. ROQUE:  Wala pa po tayong detalye kung kukuha man tayo ng supplemental budget. Ang sinabi lang naman po ni Secretary Avisado, kung kinakailangan ng karagdagang budget, mayroon naman tayong pagkukunan. Kinakailangan lang awtoridad galing sa Kongreso. No public funds can be spent without congressional approval. Okay po?

USEC. IGNACIO: Second question niya: “Will the Palace file cyber-libel charges against the OFW from Taiwan who allegedly posted malevolent things against President Rodrigo Duterte?

SEC. ROQUE:  Iyan po’y iniimbestigahan na ngayon ng Cyber Crime Division ng National Bureau of Investigation.

USEC. IGNACIO: Okay. Iyong tanong ni Arianne Merez, kapareho po noong last question ni Joseph Morong, tungkol sa parlor and saka sa mga clothing stores. Ang babasahin ko po from Lloyd Caliwan ng Philippine News Agency: “May we have the Palace reaction to the PNP report saying quarantine violators have dropped by 45%. Does this mean the President’s pronouncements effective? Now that some parts of the country are under General Community Quarantine, do you think there will be more violators?

SEC. ROQUE:  Well, unang-una po, nagpapasalamat po kami sa taumbayan dahil nakiusap naman po ang Presidente at mukhang pinakinggan naman po ang pakiusap. Sana po iyong mga patuloy na pasaway, makinig na kayo sa pakiusap ni Presidente. Pagbigyan na po natin ang Presidente dahil ang dami-dami na pong problema natin. Huwag na tayong maging dagdag problema.

Now, under GCQ po, eh magkakaroon po tayo nang mas relaxed conditions ‘no. Pero kinakailangan po social distancing pa rin, personal hygiene; hanggang wala tayong bakuna, wala pong garantiya na hindi tayo magkakasakit.

USEC. IGNACIO: From Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin: “Is the Palace worried about the welfare of more than two million domestic workers and 230,000 OFWs who were displaced by the coronavirus lockdown?

SEC. ROQUE:   Sabi ko po, mayroon tayong 1.5 billion pesos – P10,000 per OFW; 50,000 na po ang nabigyan; bibigyan pa ang 100,000. Kung kinakailangan pang mas malaking halaga, hahanap po tayo ng paraan. Tutulungan po natin ang ating mga bagong bayani, ang mga OFWs.

USEC. IGNACIO: Iyong sumunod niyang tanong: “DOLE said around 600,000 workers were given one-time financial aid and emergency employment benefits due to limited funds. How will the government help other displaced workers?

SEC. ROQUE:  [off mic] kanina. Sasagutin po iyan noong programa para sa empleyado ng SMEs.

USEC. IGNACIO: From Vanz Fernandez ng Police Files: “Will the Palace consider Senator Panfilo Lacson’s expression of support if the President were to declare martial law in selected regions where the Communist or NPA operates with disregard for the ongoing pandemic crisis in the country?

SEC. ROQUE:  Of course, we always respect the opinions of … particularly of Senator Lacson, and particularly on issues concerning national defense and security. Pero gaya ng sinabi ko po, sinabi lang ng Presidente, nagbabala siya, “Kapag hindi kayo tumigil, I have the powers to declare martial law. I will not hesitate to use it.” At nakita po naman natin ang nangyari sa Mindanao, nagkaroon lang po ng martial law sa Mindanao at hindi naman po sa buong Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Ang last question, from Malou Escudero ng Pilipino Star Ngayon: “May mga pribadong individual ang tumugon sa panawagan ni Pangulong Duterte noong April 6 na tumulong sa mga nagugutom. May mga naglunsad ng mga relief operations sa sarili nilang kapasidad. Sila ba ay kabilang sa mga puwedeng arestuhin at kasuhan kung magsasagawa muli ng relief operations nang walang permit sa LGU? Hindi po ba makaka-discourage sa mga gustong tumulong ang pagkuha pa ng permit sa LGU?

SEC. ROQUE:  Ay, nagpapasalamat po kami sa mga pribadong mga tao na nagbibigay-tulong sa mga nangangailangan ngayon. Ang pakiusap lang po namin, dahil kinakailangan masiguradong magkaroon ng social distancing kasi baka naman dumugin kayo ‘no, ay makipag-coordinate po tayo sa LGUs. Iyon lang po ang aming pakiusap.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, iyon na po iyong huling katanungan. Salamat po sa inyo.

SEC. ROQUE:  Salamat Usec. Rocky. Salamat Pilipinas, and as usual let’s keep safe.

USEC. IGNACIO: Salamat kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Sa ngalan po ng RTVM and People’s Television Network, ako po si Rocky Ignacio. Salamat po.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)