Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

In principle, the President does not want to be involved in politics – “Natagam na ako.” ‘Natagam’ is the Visayan word for “Nadala na ako.” Iyan po ang verbatim na sinabi ng Presidente noong siya ay nanawagan sa mga kongresista natin na isantabi po ang pulitika. “Ayaw kong makialam sa pulitika sa Kamara. Natagam na ako. Ang importante ay maipasa ang proposed 2021 budget.”

Ang proklamasyon na inisyu po ng Presidente, Proclamation 1027 ay tumatawag sa Kongreso na magkaroon ng special session mula po bukas, a-trese ng Oktubre hanggang disisais ng Oktubre. Inaasahan po ng Presidente na sang-ayon sa proklamasyon na ito, magtitipun-tipon po ang lahat ng miyembro ng Kongreso bukas para talakayin ang budget at hindi po ang pulitika. “Natagam na ako, nadala na ako sa pulitika, isantabi ang pulitika sa Kamara de Representante.”

Maikling balitang IATF lang po. Sa huling pagpupulong, naaprubahan po ng IATF ang health and safety protocols sa paggaganap ng plebesito sa unang quarter ng 2021 para sa pagraratipika at ng paghahati ng probinsiya ng Palawan.

Ilan po sa mga safety protocols: Ang botohan ay gaganapin sa loob ng dalawang araw; kailangan mayroon minimum health protocols at triage facilities; ang listahan ng mga botante ay kailangan na-disseminate ahead of time; manual ang voting; at limang botante sa isang kwarto ang pinapayagan.

Pinayagan din po ng IATF ang face-to-face trainings and assessments ng technical vocational institutions at TESDA, technology institutions sa mga lugar na ang community quarantine ay GCQ or mas mababa.

Binuksan na rin po ang ilang dive establishments kasama na po iyong mga dive establishments sa Batangas, at ito po ay pinayagan na ang diving sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ or MGCQ. Kaugnay nito, maglalabas po ng guidelines ang DOT para sa recreational diving.

Inatasan din po ng IATF ang IATF Sub-Technical Working Group on Data Analytics and Anticipatory and Forward Planning na mag-convene kung saan kasama ang health experts mula sa Department of Health para po bumuo o gumawa ng rekomendasyon para sa guidelines sa mga lugar na maaaring malagay sa ilalim ng new normal. Iyong mga new normal po ay mga lugar na wala pong mga bagong kaso ng COVID sa loob ng isang buwan.

Now, mabuting balita po: Mukhang matatapos na po ang ating pandemya dahil sang-ayon po sa Department of Science and Technology, mayroong taong players na nagsumite ng requirements sa Food and Drug Administration para ipaalam na interesado silang gumawa ng clinical trials sa Pilipinas. Ito po ang Gamaleya Research Institute of Russia, Janssen at Sinovac.

Isa pa pong magandang balita: Kaugnay sa balitang ito, inulat po ng New Yorker na ang China National Biotech Group o CNBG, ang pinakamalaking vaccine manufacturer sa Tsina, ay nasa huling bahagi na ng kanilang phase 3 trials, at marami na raw pong mga mamamayan sa Tsina ang nabakunahan na.

Sa COVID-19 updates po tayo. Ang total na numero ng COVID sa buong mundo ay 37,379,320. Ang mga total na mga namatay ay 1,075,320.

Pang-una pa rin po ang Estados Unidos, mayroon po silang 7,761,547 cases; ang mga namatay 214,767. Ang India po ay pumapangalawa – 7,053,806; ang mga namatay ay 108,334. Pangatlo po ang Brazil – 5,082,637; 150,198 po ang mga namatay. Sa Russia – 1,291,687; 22,471 po ang namatay. Sa Colombia – 911,316 ang total na kaso; 27,834 po ang namatay.

Okay. Sa ating bayan po: Pinakamababang kaso po ang ating aktibong kaso, 39,945. At sa numerong ito—ito po ay pinakamababa mula noong, kung hindi po ako nagkakamali, August ‘no. At sa numerong ito, ang asymptomatic po ay 11.2%, ang mild ay 83%, ang severe ay 1.8%,

ang kritikal ay 3.9%

Ang mga gumaling po sa atin, napakadami pong gumaling kahapon ‘no. Ang total recoveries na po natin ay 293,075 at ang mga namatay po ay 6,321.

Now, kahapon po ay mayroon tayong na-record na 72,057 recoveries. Ito rin po ang pinakamataas  na recoveries since October 4, 2020.

Okay, sa ating critical care capacity: Sa ICU beds, mayroon pa po tayong 54% available; sa isolation beds, mayroon pa pong 55% available; ang ward beds ay mayroon po tayong 56% available; at ang ventilators, mayroon pa po tayong 75% available.

Habang tayo po ay nagbo-broadcast ng press briefing, nanunood din po tayo ng kaganapan sa Celebrity Sports. Uulitin ko lang po ang panawagan ng Presidente sa ating mga kongresista: Isantabi ang pulitika. Ang proklamasyon po niya ay mula bukas hanggang  disisais, magkaroon ng special session para himay-himayin po ang national budget. At umaasa po ang Presidente sa kaniyang mga kaalyado sa Mababang Kapulungan na pagbibigyan po siya dito sa kaniyang kahilingan na isantabi muna ang pulitika.

Simulan na po natin ang open forum. Siyempre po lahat ng tanong siguro ay tungkol dito sa nangyayari ngayon sa Celebrity Sports Plaza. Usec. Rocky? Okay, wala pa si Usec. Rocky. Si ano siguro, si Joyce Balancio.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Yes. Good afternoon, Secretary Roque. When you said that ‘nadadala’ na si Pangulong Duterte—

SEC. ROQUE: ‘Natagam’… natagam – nadala.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Ah yes, natagam. Okay. Does this mean that the President is not pleased with what’s happening between Congressman Cayetano and Lord Allan Velasco in terms of the term sharing agreement that he personally brokered?

SEC. ROQUE: Let’s just say dala na siya sa pulitika na nangyayari sa Kamara de Representante. He just wants the work to be done; he wants the budget to be passed.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  And when you said, sir, na isantabi ang pulitika, is this the President saying that the congressmen should not pursue anything related to House speakership during the session days that he called for Congress?

SEC. ROQUE: I believe so because any talk of speakership will delay the passage of the 2021 budget.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  But some lawmakers are saying, Secretary Roque, na pupuwede naman siguro i-pursue iyong term sharing after the budget is passed. So is that acceptable or okay for the President?

SEC. ROQUE: Basta ang sabi po ng Presidente, ipasa muna ang budget, so anything they do after the budget is the affair of the House of Representatives.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Okay. May mga nagsasabi, Secretary Roque, from the part of the senators na baka pupuwedeng magtawag tayo ng additional special session days si Pangulong Duterte particularly on November 9 to 13 dahil sa kanila naman daw po magkukulang ang panahon para matapos nila iyong budget deliberation. Is the President willing to call for another special session or additional special session?

SEC. ROQUE: Hindi po problema iyan. Ang importante lang ay maipasa sa Mababang Kapulungan ang budget on or before October 16.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Okay. Secretary, nakarating na po ba sa Palasyo iyong case ni Baby River Nasino? Iyong three-month old na baby na namatay po due to acute respiratory distress syndrome and the baby was away from the mother dahil hindi po siya pinayagan ng Manila RTC branch na alagaan iyong anak niya after po niya manganak. Some groups are saying this is injustice and inhumane on the part of, of course, the baby and the mother who is a political detainee. Anong reaksiyon natin sa ganitong incident, sir?

SEC. ROQUE: Eh talagang nakakalungkot po iyong insidenteng iyan ‘no pero wala pong magagawa ang Presidente. Iyan po ay nasa hurisdiksiyon ng ating hukuman. The decision po lies wholly with the Regional Trial Court and the Regional Trial Court has ruled. We respect that decision and the Executive will implement that decision.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Last na lang po from me, Secretary. May specific instruction po ba ang Malacañang with regard to the giving of 13th month pay kasi isa po ito sa mga naging issue these past few days? DOLE said they are studying a proposal for distressed business affected by the pandemic to defer or be exempted from giving 13th month pay.

SEC. ROQUE: The law has not been amended – that is the law, that is a mandatory provision of the Labor Code.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Puwede ba, sir, ma-defer or ma-exempt?

SEC. ROQUE: Eh… pabayaan po nating pag-aralan ng DOLE. Pero sa aking tingin, hanggang magkaroon ng bagong batas ay baka hindi po iyan pupuwedeng ma-defer.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Joyce. Usec. Rocky…

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque. Question from Kris Jose of Remate/Remate Online: Reaksiyon po sa sinabi ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman na kailangan daw pong i-extend ni Pangulong Duterte ang period ng special session na ipinatawag sa Kongreso para raw matiyak na maipapasa sa tamang oras ang 4.5 trillion pesos 2021 national budget. Ang katuwiran po ni Congressman Lagman ay hindi raw sapat ang apat na araw para maipasa sa second at final reading ang 2021 General Appropriations Bill.

SEC. ROQUE: Suggestion po is noted. Pero ang pakiusap ni Presidente sa mga mambabatas ngayon na nagtitipun-tipon naman po: Isantabi ang pulitika, ipasa po ang budget. I hope that is clear enough for everyone to understand po.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you, Usec. Trish Terada please of CNN Philippines.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Hi! Good afternoon, Secretary. Sir, unahin ko na po iyong tanong doon tungkol sa nangyayari sa Celebrity Sports Complex. Sir, I just like to get your reaction kung ano po iyong participation ng RTVM doon sa nangyayaring session po diyan sa Celebrity Sports Complex? I understand Malacañang wants to keep its hands off pero bakit daw po may RTVM doon sa session sa Celebrity Sports Complex?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung mayroong RTVM. Ang nagrireklamo nga po kanina kaya mainit ang ulo ko, sabi ko ano ba naman itong communication office ng OPS, wala akong coverage kung anong nangyayari sa labas ‘no. I’m watching it only from Facebook live. Hindi ko po alam kung may RTVM coverage diyan.

SEC. ROQUE: All right, sir. Sir, doon naman po sa warning, hingi lang po kami ng reaction sa warning ng National Privacy Commission on the wrong use of info or possible wrong use of info na nakukuha from contact tracing apps ng ibang establishments. I think NPC flagged a warning dahil may mga ibang establishments po na hindi ‘ata tama iyong pag-handle ng data.

SEC. ROQUE: Well, I think these individuals better heed po the advice of the National Privacy Commission. Ang privacy po is a specialized law at ang nakakaintindi po niya ay Privacy Commission. So let’s heed the advice of those who have specialized knowledge on the law.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Sir, lastly. Mamaya po may full Cabinet meeting si Pangulo, and naalala ko po nabanggit ninyo pag-uusapan iyong pagbubukas pa ng ekonomiya. Sir, just this weekend, may nakuhaan pong photo, I think showing how bad the situation was at a bus loading area. The post questions kung ano po iyong naging paghahanda ng government for transportation especially in the months that we were on lockdown. Sabay ko na rin, sir: Ano po ba iyong naging apprehensions na nababanggit po sa IATF sa pagpayag na pabalikin iyong mga jeepneys that are previously allowed to ply on the roads specifically before the pandemic and now bakit po hindi po sila napapayagan bumalik sa mga kalsada?

SEC. ROQUE: Ang issue po sa jeepney has always been roadworthiness. Lahat po ng jeepney na mayroong certificate of roadworthiness ay napababalik naman ‘no. So kung hindi po sila nakabalik, ibig sabihin hindi na siya roadworthy. Pero ang problema po talaga ngayon ay paano pataasin pa iyong sektor na transportasyon na pupuwedeng buksan kasi singkuwenta porsiyento ng ekonomiya ay bukas pero treinta porsiyento lang po ang transportasyon. So lahat po iyan ay idi-discuss mamayang hapon.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Thank you, Secretary. Salamat po.

SEC. ROQUE: Thank you, Trish. Melo Acuña, please.

MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC:  Secretary, good afternoon. May binanggit po iyong isang NGO na kailangan dagdagan ang budget ng DepEd sapagka’t tumaas ang online sexual abuse and exploitation of children noong quarantine period, malaki raw po ang itinaas nito. Pero iyon pong budget na ipinasa doon sa national expenditure ay hamak na napakaliit. Kayo po ay dating mambabatas at kayo po ay malapit sa Pangulo, is there a way na madagdagan iyong budget para masugpo ang pag-abuso sa mga kabataan?

SEC. ROQUE: Ang budget po ng kahit anong departamento ay pupuwedeng taasan pero iyong itataas na budget po ay manggagaling sa budget ng ibang ahensiya ng gobyerno. Kasi ang rule po ay pupuwedeng tapyasin ng Kongreso ang proposed budget, hindi po nila pupuwedeng taasan iyan beyond kung ano iyong hiningi ng Malacañang. So 4.5 trillion po tayo, kung tataasan ang budget ng DepEd, mayroon pong ahensiya na mababawasan.

Sa akin po, tingin ko po ay na-anticipate po ng DepEd iyan. Ang online sexual harassment po ay nasa hurisdiksiyon din ng ating kapulisan at ng ating NBI. So kung mayroon dapat budget na kaunting dapat itaas, siguro iyong mga nagmu-monitor po ng internet.

MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC:  Opo. Secretary, nakausap ko po iyong ilang mga negosyante, iyong mga nasa micro, small and medium enterprises. Mayroon daw po bang concrete steps ang gobyerno para huwag nang dagdagan pa iyong rental doon sa mga gusaling kinalalagyan ng mga kalakal na ito? May mga franchise holders pong nagsarado dahilan sa walang discount at nadagdagan pa iyong paniningil ng mga landlords.

SEC. ROQUE: Wala pong probisyon sa Bayanihan II ‘no na magbibigay ng rental freeze bukod po doon sa mga rental ng low income families – iyan po talaga may umiiral na batas ‘no. Pero sa mga commercial establishments po wala po, that is driven by the forces of demand and supply. Kung hindi po mag-a-adjust ang presyo ng mga nagmamay-ari ng mga establisyimento eh tuluyan pong magsasara iyong mga umuupa at maraming beses ko pong narinig iyan na dahil nga po dito eh nagkakaroon naman po ng bagong kasunduan na marami na pong mga nagpapaupa ang nagbababa ng presyo para hindi lang umalis at magsara iyong mga umuupa sa kanila.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:  Huling punto po. Mayroon pong mga lumalabas na larawan sa mainstream at social media na kasama ng mga magkakalaban sa House of Representatives ang mga taong malalapit sa Pangulo. Ano raw po ba ang ibig sabihin nito? Sabi nga ni David Gates, if a picture paints a thousand words, ano po kaya? Ayaw ng Pangulo makialam, pero ginagamit iyong mga larawan na kasama ang mga mahal sa buhay ng Pangulo?

SEC. ROQUE:  Iyan nga po ang problema ngayon, masyado na ang pulitika sa Kamara. So, kung nakikinig ang mga kongresista, ang siguradung-sigurado po na sinabi ng Presidente, in the Visayan, “Natagam na’ko diyan sa pulitika.” Dalang-dala na ako sa pulitika. Bahala na kayo kung anong gusto ninyong gawin. Pero, meanwhile, ang pakiusap niya ipasa ang 2021 budget. Wala na po siyang pakialam kung ano ang gagawin ng mga mambabatas matapos maipasa ang 2021 budget. To each his own, wala pong pinapanigan, may the best man win for the Speakership. After the budget po, after the budget in the House, please.

USEC. IGNACIO:  Secretary Roque, question from Joee Guilas ng PTV: Ang operating capacity po sa mga restaurant ay kasalukuyang nasa higit 50% hanggang 100%. Pero sa mga meetings and convention venues po ay hanggang 12 persons pa rin. Ang nangyayari po tuloy ay sa restaurants na lang muna ginagawa ang mga meetings kahit na may mas malalaking venues naman po para sa business meetings. Wala po bang chance na itaas ang limit for meetings and conventions sa panahong ito?

SEC. ROQUE:  Sa ngayon po nananatiling 50% po iyan. Ang dahilan naman po kung bakit pinapataas natin iyong capacity ng mga restaurants, napakadami pong hanapbuhay na nakasalalay sa ating mga restaurants at saka iyong mga food suppliers. Sa mass gathering po hanggang 50% pa lang.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, okay iyon munang statement po ni Presidente na nadala na siya, natagam na siya. When did he issue this statement?

SEC. ROQUE:  Yesterday.

JOSEPH MORONG/GMA7:  And what incident led him to say this?

SEC. ROQUE:  Yesterday.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Ah kahapon, that’s the same time that you went out on a Sunday on PTV-4 to come out with the statement of the President na hindi na siya manghihimasok?

SEC. ROQUE: Yes, yes.

JOSEPH MORONG/GMA7:  What necessitated that statement?

SEC. ROQUE:  Well, I think it was in anticipation of the political activities that are ongoing today as we speak.

JOSEPH MORONG/GMA7:  In anticipation, ibig sabihin he knew that this thing in the Celebrity Sports Plaza is going to happen and it does not have his imprimatur?

SEC. ROQUE:  Malinaw po ang sinabi ni Presidente — dala na siya, isantabi na ang pulitika, budget muna.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, iyong dala na siya, let’s go there. Nadala na siya, because of what? Hindi nasunod iyong term sharing?

SEC. ROQUE:  Nadala na po siya dahil wala pong tigil ang pulitika diyan sa Kamara. Gusto lang pareho, lahat ng mga gustong maging Speaker, ay kapangyarihan. Eh paano naman ang bayan? So, wala po siyang pinapanigan at this point, ang gusto lang niya mapasa po ang kaniyang COVID-19 budget na nasa loob po ng 2021 proposed budget.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, forgive me for belaboring the point.  Nadala na siya, because hindi naman sinusunod iyong term sharing agreement na gusto niya?

SEC. ROQUE:  Hindi po, nadala na siya kasi masyadong magulo talaga ang pulitika sa Kamara na nagiging dahilan na nagkakaroon ng aberya sa pagpasa ng budget.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, ano ang tingin ninyo sa nangyayari sa Celebrity Sports Plaza?

SEC. ROQUE:  You know, it is enshrined in the Constitution that the selection of leadership is a purely internal matter of the House at iyan naman po ang naging paninindigan ng Presidente. In Avelino versus Cuenco, sabi po kahit sino hindi pupuwedeng manghimasok. So, talagang ang isyu po ng leadership tanging mga miyembro lang ng Kamara ang makakapagdesisyon, kaya nga po bilang tumatayong pinuno ng super majority diyan sa Kamara ang pakiusap niya, at mukhang hindi po yata pinapakikinggan ang Presidente, isantabi muna ang pulitika, ipasa ang budget. The President expects his allies, those who consider him still as their leader to convene tomorrow to discuss the budget and pass it on or before the 16th.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, the President sounds exasperated already ‘no?

SEC. ROQUE:  Opo, dala na nga po. And that is why I opted to use the Visayan word to quote him literally – ‘natagam’.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Okay, sir I think a lot of these things, iyong intramurals sa House can be solved by casual statements from the Palace. Number one, is there a term sharing agreement?

SEC. ROQUE:  Naku, Joseph, hindi ko po, alam kung paano pa kayo—kasi ang sinabi na nga in Presidente, bahala na sila kung ano ang gusto nilang mangyari, ipasa muna ang budget. So, I’m sorry, Joseph that’s the express instruction of the President no less to me.  So iyang mga bagay-bagay na iyan, wala na iyan. I mean bahala na sila diyan, wala na siyang pakialam. To its his own, ipasa muna ang budget, saka sila gumawa kung ano ang gusto nilang gawin.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Okay, sir iyon pong sinabi ni Marinduque Representative Velasco, I think probably Friday ‘no, noong nakausap niya si Presidente, after he has spoken to the President. Sabi daw niya and I want a clarity statement from the Palace, nadenggoy allegedly sila pareho ni Velasco nitong kabilang kampo. Is that statement true?

SEC. ROQUE:  I have no information; this information was not relayed to me by the President.

JOSEPH MORONG/GMA7:  You didn’t ask?

SEC. ROQUE:  I didn’t ask.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Why?

SEC. ROQUE:  Because I thought anyone in a similarly situated situation could say whatever they want to say. And right now the focus of the President is not on who should be the speaker; it is the budget.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Okay, all right. So, sir, what about a different person, aside from Velasco and Cayetano just to pacify or just to?

SEC. ROQUE:  Ikaw naman para ka namang Kongresista, hindi ka nakikinig, Joseph. Sabi na nga ni Presidente matapos mapasa ang budget, bahala kayo sa buhay ninyo, but he wants the budget passed.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Okay, sir … okay. Sir, off tangent na question. Iyong sa “Love is not tourism,” I understand you’ve talked about it … Friday ba? Any movement? And also iyong outbound/inbound non-essential travel?

SEC. ROQUE:   Let me clarify: Outbound, iyong mga paalis, wala pa pong agreement in principle. Hindi ko po alam kung saan nanggaling iyong impormasyon that there was an agreement in principle. But before the press briefing today, I double-checked with USec. Dulay who is the acting chair of the technical working group of IATF, he confirmed that wala pa pong kahit anong agreement in principle even for outbound.

For inbound—itong outbound po continuous to be discussed in the TWG. Wala pong agreement in principle and that is why I would like to stress, any information about IATF must originate from my office. I’m sorry to say it, it must originate from my office para po wala tayong kalituhan.

Pangalawa—

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Sir, iyong—

SEC. ROQUE:   For inbound, ang problema po kasi talaga natin, wala po tayong separate fiancé visa gaya ng ilang mga bansa gaya ng Estados Unidos. Ang magagamit lang po ng mga fiancé if they are in fact fiancé are ordinary tourist visas and we are still restricting the entry of tourists into the country. Iyan naman po ay ipinatutupad din ng halos lahat ng mga bansa sa buong daigdig.

So ang outbound po, it’s still limited to essential travel; ang inbound, sarado pa rin po tayo sa turismo. It will be for a specific urgent purpose and it will have to be endorsed by a line agency of government that has jurisdiction over the purpose of the alien in coming to the Philippines.

I know it is bad news—

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Sir, hindi ba iyan iyong—

SEC. ROQUE:   Alam ko po masamang balita ito sa mga nagmamahalan, pero mas mabuti na pong alam ninyo kung ano ang katotohanan nang hindi muna kayo po umasa. It’s not a personal decision that I made, it’s a decision of the IATF and I am only the spokesperson of the IATF. Pasensya na po.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Sir, last na lang. The President will have a public address as you’ve said last time?

SEC. ROQUE:   Yes.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   After the Cabinet meeting ‘no?

SEC. ROQUE:   Yes. In fact, there are three meetings: the Cabinet meeting, the smaller meeting and the recording of the Talk to the People.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Do you have a target time for the speech?

SEC. ROQUE:   Ikaw talaga…

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Target time na nga sabi ko eh.

SEC. ROQUE:   When it’s finished, it will be broadcasted.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Okay. Sige, sir. Thank you for your time.

SEC. ROQUE:   Thank you po. Thank you. USec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO:   Yes. Secretary Roque, question from MJ Blancaflor of Daily Tribune: On House developments, is the Palace hoping that the Speakership row would end soon as majority of lawmakers pushed a leadership change before the House tackles the proposed budget for 2021?

SEC. ROQUE:   Ayaw na pong madawit ni Presidente sa pulitika. So, kung mayroon pong mga nagsasabi diyan na the President is endorsing one over the other, hindi po totoo iyan. Wala na po siyang pakialam. Bahala na ang mga members ng Kongreso ang pumili pero matapos po nilang maipasa ang budget hopefully on October 16.

USEC. IGNACIO:   Will the leadership change in the House affect the budget deliberations?

SEC. ROQUE:   Siyempre po. Itong mga pulitikang nangyayari ngayon, eh paanong madi-discuss ang budget bukas kung ang magiging issue eh sino sa kanila ang namumuno. Iyan po nais iwasan sana ng Presidente. So, panawagan po, doon sa sumusuporta kay Presidente, doon sa naniniwala pa kay Presidente, sana po pagbigyan po natin ang Presidente at ang taumbayan.

Sa panahon ng COVID-19, hayaan ninyo munang ipasa ang budget na magbibigay lunas sa COVID-19 bago kayo mamulitika. Iyan naman po ay kung mayroon pang kumikilala sa liderato ng ating Pangulo. Kung hindi naman po c’est la vie, pero 91% po of the people stand solid behind the President and I think congressmen as political creatures know what that means.

USEC. IGNACIO:   Ang third question po ni MJ: On report of mishandling data on contact tracing, the National Privacy Commission said that it is checking the business establishment’s compliance to Data Privacy Act after receiving reports that some shops are mishandling customer’s data for contact tracing. Ano po ang mensahe ng Palace sa business establishment to employ measures to protect customer’s data such as name, addresses, and phone numbers?

SEC. ROQUE:  Well, pakinggan po natin ang sinasabi ng Privacy Commission dahil ang Privacy Commission na iyan po ay binuo ng batas na nagsasabi kung paano dapat tratuhin ang mga datos na nanggagaling sa taumbayan. So, ipinatutupad lang po nila ang batas, sana po sundin ang mga opinyon at sinasabi ng Privacy Commission.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Naka-monitor iyong kampo ni Alan, naririnig nila.

SEC. ROQUE:   Joseph, hello! Naririnig kita.

USEC. IGNACIO:   [Laughs]

SEC. ROQUE:   Lagot ka narinig ka namin.

USEC. IGNACIO:   [Laughs] Joseph.

SEC. ROQUE:   Tawa nang tawa si USec. Rocky [laughs]. Okay, next question, please.

USEC. IGNACIO:   Opo. Secretary Roque, mukhang last question na itong kay Julie Aurelio ng Inquirer: Does President Duterte feel that he has no more clout in the House supermajority if he is out of the impression that hindi na siya pinapakinggan and that nadala na siya with House politics?

SEC. ROQUE:   Well, bahala na po ang Presidente na sumagot niyan. Siguro po mamaya masasagot niya iyan sa kaniyang talumpati sa bayan; pero hindi naman po nagkulang ang Presidente sa paulit-ulit, sana isantabi muna ang pulitika.

At diyan po tayo nagtatapos dahil iyan na po ang last question natin.

Sana po talaga isantabi na ang pulitika. Marami pong umaasa sa vaccine, marami pong umaasa sa mga additional hospital beds, isolation facilities at posibleng gamot sa COVID-19 na nanganganib po dahil sa kagustuhan ng ilan sa Mababang Kapulungan na magkaroon po ng kapangyarihan.

Bahala na po kayo matapos pong maipasa ang budget pero sa ngayon po, paki isantabi lang po ang ating mga pangarap, isantabi muna po natin ang ating mga ambisyon at mag-serbisyo muna po tayo sa ating taumbayan.

Mayroon pa palang isang pahabol, ang ganda-ganda na ng closing ko! Anti-climactic naman iyang closing na iyan, oo. Sino ba iyang pahabol na iyan? [Laughs]

Okay go. [Laughs]

USEC. IGNACIO:   Tanong po ni Mark of Inquirer Mindanao: Did the NTF allow the offsite cockfight betting in areas under MGCQ? Some operators are claiming that the task force allegedly allowed such operations provided the protocols are being followed.

SEC. ROQUE:   Ang sabong po absolutely prohibited whether be it live or online. Iyan po ay dini-discuss pa sa TWG but right not, walang kahit anong form of sabong live or online na ina-allow.

Okay! Nasabi ko na po iyong maganda kong closing, so, ang sasabihin ko na lang po, sa ngalan ng Presidente Pangulo Rodrigo Roa Duterte, panawagan po muli, tama na muna po ang pulitika serbisyo muna sa bayan. Ipasa ang budget para sa 2021.

Magandang hapon po sa inyong lahat! Ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabing stay safe, Philippines.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)