Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Humarap kagabi na inere kaninang umaga si Presidente Rodrigo Roa Duterte para sa kaniyang Talk to the People Address. Muling binanggit ng Pangulo ang kaniyang strong stand against corruption. Nangako ang Presidente na ang huling dalawang taon na kaniyang panunungkulan ay nakatutok sa paglaban sa korapsiyon.

Bumuo ang Pangulo ng Task Force para tingnan ang korapsiyon sa bawat departamento at kasuhan ang mga opisyal na kasangkot. At sa kahilingan ng Presidente, unahin ang korapsiyon sa DPWH. Ito po ay isang mega task force, ito po ay patterned after doon sa task force na binuo para sa PhilHealth at inaasahan na mag-iimbita rin po si Secretary Menard Guevarra ng iba pang mga tauhan sa iba’t ibang departamento ng gobyerno gaya po ng NBI, ng Office of the Ombudsman, Civil Service Commission at COA para tumulong po dito sa mega task force.

Inatasan po si Secretary Menard Guevarra ng Department of Justice sa pamamagitan ng isang memorandum na imbestigahan ang alegasyon ng korapsiyon sa buong pamahalaan. Ang task force ay mananatili hanggang June 30, 2022. Kung inyong matatandaan, una nang minungkahi ni Senator Bong Go ang expanded inter-agency task force laban sa katiwalian.

Tungkol sa kapangyarihan at awtoridad ng DOJ, babasahin ko po ang ilang bahagi ng memo:

– In pursuit of this directive, the DOJ shall have the authority to decide which allegations to investigate, taking into consideration the gravity thereof and the impact on the delivery of government services.

– It may create as many panels as it deems necessary and adequate, and may invite or direct other bodies and agencies of the government to assist or be part of such panel.

– The DOJ shall prosecute and file the appropriate charges against all those involved in the anomalies investigated whether against government or private persons as may be warranted by the evidence gathered subject to applicable laws and rules.

So, dahil nga po ang sabi ng Presidente, unahin ang DPWH, tingnan po natin sa dalawang taon na natitira ng gobyerno, mukhang may pag-asa pong malinis ang DPWH at iba pang ahensiya, kasama na rin po ang Customs at hindi lang ang PhilHealth.

Nagbigay ng mensahe ang Pangulo sa mga nagbitiw na opisyal ng Philippine Health Corporation na ang kanilang resignation ay hindi magiging dahilan para takasan ang layabilidad. Wika ng Presidente, “Resignation will not save your neck.”

Hiniling din ng Pangulo sa Kongreso na bilisan ang pagpasa ng batas na bubuo sa Department of Overseas Filipino Workers. Ang karanasan natin sa COVID-19 kung saan lubhang naapektuhan ang mga OFWs ang nagpatibay sa paniniwala ni Presidente na kailangan isang departamento ang nakatutok sa ating mga OFWs. Hindi po kasi baba sa ten million ang mga OFWs natin sa iba’t ibang parte ng daigdig. At nung nagkaroon po tayo ng ahensiya, napansin ng Pangulo na dapat mayroon lamang isang departamento na mangangalaga sa ating mga Overseas Filipino Workers. At dapat kung mayroon ngang isang ahensiya ay wala na pong turuan. Ngayon po kasi, napakadaming mga ahensiya na nangangalaga sa mga OFWs.

Pero ang gusto ni Presidente, centralized nang mabilis po ang pagbigay ng tulong sa ating mga OFWs; habang pinag-aaralan din ni Presidente ang pagkakaroon ng iba pang ahensiya para naman sa Filipinos seafarers, bagama’t kasama naman po sila sa mga Overseas Filipino Workers.

Sinabi rin ni Presidente Duterte sa kaniyang Talk to the People Address na magbabayad ang pamahalaan para bakuna laban sa coronavirus. Gagawin itong government to government transaction.

Inutos din ng Pangulo sa mga ahensiya ng pamahalaan na mamahagi ng tulong, na gawing simple ang proseso at iwasan ang delay. Inudyukan niya ang mga lokal na pamahalaan na gawing dalawang araw ang pagpuproseso. Ang tinutukoy po kasi ni Presidente rito ay iyong mga ahensiya na nagbibigay ng ayuda or pagpapautang. Ayaw niya kasi na napakadaming documentary requirement, kasama na po iyong mga feasibility study na sa totoo lang po ay hindi naman kayang gawin ng ating mga kababayan na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Inanunsiyo rin ng Pangulo sa Talk to the People Address ang rekomendasyon na manatili ang Metro Manila sa ilalim ng General Community Quarantine mula a-uno hanggang a-trenta ng Nobyembre. Nasa rekomendasyon din na GCQ rin ang Batangas, Iloilo City, Bacolod City,

Tacloban City, Iligan City at Lanao del Sur. Pero importante po ito ha, ito po ay subject to appeals po dahil mayroon pa pong hanggang bente nuebe ng buwan na ito para mag-apela ang mga local government units na narekomenda na mapasailalim sa GCQ.

Uulitin ko po: Ang GCQ areas – Metro Manila, Batangas, Iloilo City, Bacolod City, Tacloban City, Iligan City at Lanao del Sur.

At panghuli, hiling ng Pangulo ang isang tahimik na Undas. Kaugnay ng polisiya ng mabuting pamamahala or good governance, pinirmahan po ni Presidente ang Administrative Order # 34 noong Biyernes, October 23, na inatasan ang mahigpit na pagsunod ng lahat ng ahensiya at instrumentalities sa buong Ehekutibo sa procurement process na may transparency at accountability.

COVID-19 update naman po tayo, ito po ang general update ayon po sa Johns Hopkins: Higit apatnapu’t tatlong milyong tao na po or 43,421,678 ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo. Mayroon na po tayong 1,158,321 katao naman ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus.

Nangunguna pa rin po ang Estados Unidos, 8.6 million cases; 225,000 deaths. Pangalawa po ang India – 7.9 million cases; 119,000 deaths. Brazil – 5.3 million; 157,000 deaths. Russia – 1.5 million; 26,000 deaths. At France – 1.2 million; 35,052 deaths.

Dito naman po sa atin mayroon na tayong 36,333 active cases sang-ayon po sa October 25 case bulleting ng DOH. Ito po ay mula sa kabuuang bilang ng kaso na 371,630. Ibig sabihin po, 9.8 ang porsiyento ng aktibong kaso. Sa mga aktibong kaso, 82.6% ay mild, 10.9% ay asymptomatic, 4.1 ay kritikal, 2.4 ay severe.

Three hundred twenty-eight thousand two hundred fifty-eight ang nai-report na gumaling. Ito po ay 88.3% mula sa kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Samantalang nasa 7,030 naman po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus – nakikiramay po kami sa inyo.

Naka-flash naman po sa ating screen ang critical care capacity ng ating mga ospital: 58% pa po ang available ng ating mga ICU beds, 57% naman po ang isolation beds available, samantalang 65% ang available sa ating ward beds. At mayroon po tayong 80% available na ventilators. Pero hindi naman po ibig sabihin na kayo ay magiging pabaya ‘no. Parating na po ang bakuna; ang nais po ng Presidente, abutan nating lahat ang bakuna. Kaya huwag po tayong tumigil ng ating mask, hugas at iwas. Pag-ingatan natin ang buhay para tayo po ay makapaghanapbuhay.

Dito po nagtatapos ang ating briefing. Mayroon po tayong dalawang panauhin. Unang-una po, si Food and Drug Administration Director General Dr. Eric Domingo; at galing po siya sa Sahar Pharma Adeel Dhedhi Bhyria – I hope I pronounced his name right.

Now, ang final quarantine classification po natin ay ilalabas po natin sa Oktubre 29.

Okay. So, Dr. Eric Domingo, kahapon po ay bisita namin si Dr. Professor Emeritus, teacher ninyo rin po, si Dr. Lulu Bravo. At ang sabi po niya, kung mayroon na pong bakuna sa COVID-29 na na-approve ng FDA sa kanilang bansa ay pupuwede naman pong pag-aralan ng FDA kung pupuwede na ring gamitin sa Pilipinas ito nang hindi dumadaan sa clinical trial. Ano ba ho ang proseso kung bukas ang China FDA ay mag-apruba ng bakuna laban sa COVID-19, gaano katagal po pag-aaralan ng FDA itong bakunang ito para ma-authorize din ng paggamit sa Pilipinas? Dr. Domingo, the floor is yours.

DR. ERIC DOMINGO: Maraming salamat, Sec. Harry. Magandang tanghali po.

So iyon po, bibigyan natin kayo ng konting ideya kung ano ang pagdadaanang proseso sa FDA. Ang isa pong bakuna na dini-develop, dalawa po ang puwedeng proseso na pagdaanan sa FDA: Unang-una, maaari po silang gumawa ng clinical trial dito at magpa-approve po dito sa atin.

Pangalawa naman po, kapag ang produkto ay ready na for registration then maaari din po nilang i-register iyon dito sa Pilipinas.

Ang clinical trial po ng isang bakuna ay napakarami pong steps niyan and it will take seven to eight years. Pero ngayon po na nagmamadali ang buong mundo at nagtutulung-tulong lahat po ng siyentipiko eh mukhang napapabilis po natin ito nang isang taon.

Sa ngayon po, mayroong mga halos 200 na candidate vaccines, but eight of them nandoon na po sa bandang kanan, iyong kulay green na clinical trial phase 3. Ang ibig pong sabihin noon, dumaan na siya sa clinical trial phase 1 kung saan sinubukan siya sa malulusog na mga pasyente, mga bata, walang sakit at hindi exposed sa coronavirus at tinitingnan iyon kaniyang safety profile kung mayroon po siyang side effects at saka kung nag-i-induce po siya ng immune response.

So, kapag pumasa po siya doon, usually po iyan mga 100 patients, 20 – 100 patients, kapag pumasa siya doon magki-clinical trial phase 2 naman po. Iyong clinical trial phase 2 naman po ang ibig pong sabihin, mas maraming pasyente ano. Mga a few hundred to a few thousand na people na maaari pong exposed din sila sa coronavirus. Tinitingnan po iyong safety niya rin, ang kaniyang side effects at saka po iyong kaniyang immune response na nakukuha ng pasyente. At kung maganda po ang resulta noon, doon na po papasok iyong clinical trial phase 3 na tinatawag nila.

At kung mababalitaan po ninyo, ang ginagawang mga phase 3 trials ngayon anywhere from 20,000 – 30,000 patients. So, maramihan po talaga ito at mga pasyente po ito na nasa komunidad para makita kung effective ba ang bakuna na mag-prevent ng COVID sa kanila; kung mild lang ba ang side effects nito; at saka pati po iyong mga unusual at saka iyong mga rare na mga adverse events, makikita lamang iyan kung malakihan ang mga clinical trial phase 3.

So, ano po ba iyong clinical trials? Ito nga po ay study na ginagamit sa tao. At dahil tao siya, napakaistrikto po natin diyan dahil ito ay mga tao na walang sakit pero papayag po sila na tuturukan sila ng isang bakuna na ini-investigate pa lamang para makatulong sila sa pag-develop ng vaccine na ito na gagamitin ng buong mundo.

So, ang tinitingnan po natin dito una ay safety and efficacy. So, kailangan po sigurado tayo na ang isang bakuna ay safe. Ibig sabihin, mas malaki ang kaniyang benefit kaysa po sa risk sa isang tao at effective siya. It should be able to induce an immune reaction and protect you from the COVID-19 infection.

Now, bakit po natin siya na niri-regulate. Niri-regulate po kasi natin ito, ng FDA, dahil kailangan full ang protection ng human rights ng isang tao. Walang puwedeng pilitin sumali sa clinical trial, lahat po ito voluntary. Hindi rin naman po sila puwedeng ma-entice ng bayad na malaki dahil kawawa naman kapag mahirap ka, sasali ka dahil kikita ka, ano. So, kailangan po ito talagang hindi po siya pagkakakitaan pero at the same time, each and every patient who will join kailangan po assured din tayo na kapag mayroon sa kanilang may naramdaman ay mayroong ospital na tatanggap sa kanila, kung saan sila gagamutin at iyong kumpanya ay gagastos sa kanilang pagkakaospital and make sure po na walang masamang mangyayari sa kanila.

At hindi po kahit sino ay puwedeng gumawa ng clinical trial. Who can do a clinical trial? Only a clinical research organization na mayroon pong license to operate sa FDA. So, mayroon pong opisina iyan, kailangan po nakikita po natin na ang kanilang miyembro mga nakapag-aral po ng pagri-research; kailangan po kumpleto sila ng kanila pong background, iyon pong kanilang curriculum vitae makikita natin trained silang mag-clinical clinical trial. Hindi po lahat na puwede at makikita po natin doon na babantayan po natin iyan ng FDA at saka maaari po silang mag-apply sa atin.

So, ngayon po, paano po ba nag-a-apply ng clinical trial dito sa atin? Ang common po natin na clinical trials ay FDA po talaga nag-a-apply pero dito po sa tinatawag nating COVID-19, dahil bagung-bago po ito, gumawa po ang gobyerno ng sub-technical working group under the IATF na namamahala po sa vaccine development. At ang Department of Science and Technology ay mayroon pong Vaccine Expert Panel, mga 12 po ito na eksperto sa bakuna na tumitingin para kapag mayroon pong gustong mag-trial dito, sisilipin muna nila – iyong phase 1, phase 2 trial ba niya ay maganda ang resulta? Kapag na-assure po ng VEP at pumasa sa kanila sa unang repaso nila, puwedeng i-endorse na po nila iyon sa FDA para sa aming regulatory review.

So, sa ngayon po, mayroon na silang isang na-endorse sa atin for regulatory review at nag-submit na po iyan ng application po kahapon; nagbayad na rin po ng fee. At kapag ganoon, mayroon pong 14 days ang FDA to do the regulatory review. So, mayroon po kaming mga siyentipiko na titingin doon po sa kaniyang protocol o iyon pong methodology ito pong study na ito. Ang FDA naman po titingnan iyong administrative documents tungkol doon sa vaccine na under investigation, titingnan po natin ang safety at saka iyong quality kung saan siya ginagawa at mayroon din po tayong, of course, ethics board. Iyong ethics board ay titingnan din po to make sure na everything will be done ethically in consideration of the rights of each and every participant and ma-assure po iyong kanilang safety.

After that, after two weeks po, titingnan po natin, pagsasama-samahin natin lahat ng mga reports ng grupong iyan pagkatapos within one week po ay maglalabas ng desisyon ang FDA kung papayagan ang grupo na ito na ituloy ang kanilang clinical trial or hindi. Kapag naman po sila ay nag-clinical trial na, napayagan na, kailangan po silang mag-upload sa isang clinical registry na online. Nakalagay po doon ang status na ina-update monthly kung ano po iyong nangyayari sa study. Mayroon po silang progress reports na ginagawa po at sina-submit sa FDA at siyempre po iyong safety reporting. Kailangan po nakikita natin kung magkakaroon ng safety concern. Halimbawa, may pasyente na nagkaroon ng serious adverse event o kaya nakakita tayo ng possible na connected sa vaccine, then you have to investigate this and then decide kung itutuloy po ang clinical trial na ito o hindi.

So, ito po iyong mga bawal. Kapag po mayroong clinical trial na nangyayari, bawal po na i-promote iyong produkto; hindi pupuwede nilang sabihin na itong aming produkto na tina-trial sa Pilipinas ay sigurado po itong safe and effective dahil hindi pa nga po tayo sigurado kaya pa po siya under clinical trial. So, kapag may naririnig po kayo, minsan may bali-balita may nagbibenta daw po ng vaccines, ng mga clinical trial vaccines at puwede na daw magpabakuna. Kaya po sila under investigation dahil hindi pa po sigurado ang kanilang safety and efficacy. Hindi po maaaring ibenta iyan, hindi maaaring i-promote and they cannot commercially distribute it o hindi pupuwedeng mag-test marketing ang isang investigational product, parang sampling, bawal din po iyon.

At kung ang kumpanya naman ay nakita na maganda ang resulta or pangit ang resulta ng kanilang clinical trial, kahit po dinesign nila ito nang anim na buwan pero three months pa lang nakita na nila na maganda talaga itong produkto na ito, hindi na po dapat nila pahabain pa ‘no – ayusin na nila iyong report at magparehistro na sila. At the same time, kung on the first and second month nakita naman talaga maraming adverse events at pangit siya, hindi na po kailangang ituloy. Kapag maaga pa nakita na natin na may convincing po na resulta, kailangan itigil na po ang isang clinical trial.

Now, ngayon po kapag tapos na ang clinical trial, puwede na pong magparehistro ang isang vaccine. Ibig sabihin, hihingi na po sila ng marketing authorization. Hindi po lahat ng clinical trial ng vaccine eh mag-clinical trial dito sa Pilipinas. In the same way na hindi naman po lahat ng gamot na nandito at ibinibenta sa atin ngayon eh nag-clinical trial dito sa atin or lahat ng vaccine for any other diseases, hindi naman po lahat ng vaccine o gamot ay nagki-clinical trial sa lahat ng bansa. Pero kailangan maipakita lang po nila na maaari din siyang gamitin dito sa atin.

So, sino po ba ang kailangan mag-register? All biological products that are to be used for immunization, owned by the private sector and the government. Wala pong maaaring gamitin na bakuna sa Pilipinas na hindi po registered at approved ng FDA kahit po sa private siya or, tayo sa gobyerno – nasa batas iyon.

Pangalawa, bakit po kailangan mag-register? Kasi kailangan po natin ma-evaluate ang isang produkto at kailangan po mabigyan natin siya ng tinatawag na certificate of product registration para makita na talagang mayroon po siyang sertipikasyon na maaari po siyang ibenta dito sa Pilipinas dahil nasuri na natin siya.

At sino po ang maaaring mag-register? Hindi din naman po kahit sino ay maaaring mag-register ng gamot ‘no. Mga establishment lamang, halimbawa po manufacturer, importers who are licensed by the FDA to operate ‘no ng ganito, ng pag-import ng gamot at saka pag-distribute ng gamot or pag-manufacture ng gamot.

So ito po, ang sina-submit po nila… tayo po ay sumusunod sa ano ‘no, mayroon po tayong ASEAN harmonization. So mayroon tayong—isa po ang ASEAN, mga member-countries, isa lang iyong kaniyang format, we have a common technical document requirements standard set by the whole ASEAN and then of course iyong local FDA mayroon din tayong standards.

Ang WHO po ngayon ay regular din po kaming nakikipag-meeting sa kanila kasi magsi-set tayo nga ng standards kung ano ang acceptable vaccine. For example, level of effectiveness ba, 70% na dapat ang level niya o 60% o 50%. Ito po ba dapat ay—itong minor lamang ang adverse reactions katulad ng lagnat o pananakit. So ito po ay ginagawa po ngayon natin sa tulong ng WHO at gagamitin po nating panuntunan iyan ‘no sa pag-check ng mga applicants natin.

Ang evaluation po usually mga 45 to 60 days po iyan dahil titingnan po natin. Kailangan maipakita nila na—kung lalo na po kung hindi nag-clinical trial dito sa Pilipinas na ito ay magagamit din sa mga kalahi natin. Halimbawa po, naggawa sila ng clinical trial sa isang bansa na may maraming Pilipino. Kailangan ipakita nila sa atin iyong data galing sa mga Pilipino doon at makita na it works on people who are like us or Asians very similar to us at walang adverse effects. Kailangan din pong magpakita—dahil hindi po dito sa atin ginawa iyong bakuna ‘no, maaaring galing sa Estados Unidos, sa UK, sa China kailangan maipakita rin po iyong stability noong produkto na ginawa doon tapos dinala po dito sa Pilipinas kung saan medyo mas mainit ang panahon, mas humid at saka may transit po iyon. So kailangan ma-prove din po iyong stability noong produkto pagdating po dito sa ating environmental conditions ‘no.

And then after that processing, magdi-decide din po ang FDA kung bibigyan siya ng CPR [Certificate of Product Registration] or letter of disapproval. So hindi po lahat ng nag-a-apply ay naa-approve. Ganoon din po ang clinical trial, puwede po kayong ma-approve, puwedeng ma-disapprove. ‘Pag binigyan na natin siya ng certificate of product registration, ibig sabihin magagamit na po ang bakuna, maibibenta na rito or puwede na pong gamitin sa public ang importante po ngayon iyong ating adverse effects following immunization na monitoring. Dahil ito po bagung-bagong bakuna, we will have to monitor together with the Department of Health, both the private sector and the public sector.

Lahat po ng mababakunahan nito kapag nagkaroon po ng adverse effects kailangan pong ma-report iyan sa FDA, kailangan susuriin po natin, mayroon tayong national community diyan at titingnan if the adverse effect is due to the vaccine or not. Para po mabantayan natin at malaman natin kung kailangan tayong mag-pause o kung kailangan nating bawiin for example ang CPR ng produktong ito or kailangan itigil talaga iyong pagbabakuna.

So there’s going to be a lot more work ‘no after po ng registration and actual implementation. Mayroon po tayong kailangang very, very strict monitoring for adverse effects.

So in a nutshell, iyon po ang kailangang pagdaanan ‘no ng isang produkto. So tama Sec. Harry ‘no, hindi naman po lahat kailangang maggawa ng clinical trial dito sa Pilipinas but they will have to prove that the vaccine will work in Filipinos and that it’s going to be safe and stable given the conditions in the country.

SEC. ROQUE: Sir, maraming salamat. Pero noong kailan po naging panauhin namin si Ambassador Chito Sta. Romana, ating Ambassador to China, at sabi niya anytime eh inaasahan nila na may isang bakuna na maa-approve ang Chinese sa FDA. Considering your processes po, how long will it take para ma-approve din po ng FDA natin dito sa Pilipinas ang emergency use noong ganoong COVID vaccine na posible nang maaprubahan kahit anong oras na ngayon sa Tsina?

USEC. DOMINGO: Ang requirement po talaga natin, na kailangan approved siya sa home country ‘no. Kung sakali po na-approve po sa kanila as an emergency license, then they can apply with us and then ang—usually po kasi ang mga difficulty natin diyan iyong mga translation noong data, ipapakita po sa atin.

Pero iyon nga po, siguro ang ano natin mga 45 to 60 days ang ating processing except po kung talagang very compelling ‘no, makikita natin na napakaganda talaga ng datos at lalo na kung makakuha po ng WHO pre-qualification. Iyan pong mga bagay na iyan ay nakakapagpabilis po ng mga pagproseso ng mga produkto dito po sa FDA.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat po ‘no. So kung 45 to 60 days, may pag-asa pala na mayroon tayong ma-approve dito sa Pilipinas kung mayroong ma-approve nga sa Tsina gaya ng ni-report ni Ambassador Sta. Romana. Maraming salamat.

Kasama rin po natin si Sahar Pharma representative, Mr. Adeel Dhedhi Bhyria. Alam ninyo po explain ko lang po, he was referred to us by Presidential Assistant on Entrepreneurship Joey Concepcion dahil kinakailangan po natin ng resource person kung anong mangyayari ‘no doon sa pag-transport ng bakuna na babayaran natin o ibibigay sa atin papunta rito sa Pilipinas. Ang problema po nito kasi, ang mga bakuna kinakailangan subzero temperature ang transportation. So kasama po natin ang ating kaibigan sa pribadong sektor.

Sir, puwede bang idetalye ninyo sa amin kung ano iyong mga hakbang na gagawin para maangkat natin ang isang aprubadong vaccine kung magkaroon na ng ganiyang aprubadong vaccine, sabihin po natin na manggagaling sa Tsina. Ano po iyong mga logistics na kinakailangan para makarating po dito sa Pilipinas? The floor is yours, sir.

MR. BHYRIA: Hi! Good afternoon, ladies and gentlemen. Thanks for having me here. So the challenges that we have right now are unprecedented because we’ve never have the need to be able to distribute a vaccine at this kind of scale.

As mentioned there’s a requirement for subzero temperatures and these temperatures can go as the coldest temperature in the Arctic, in the Antartica, the coolest temperature in Antartica.

And doing this kind of distribution, we/our company has been in distribution of vaccines for decades now and pharmaceutical products. And from our experience, what we have developed in the network of distribution for vaccines from negative 2 to 8 degrees.

But when these COVID vaccines come along, this is completely something that we have no experienced and at this scale whereby we are trying to vaccinate, let’s say 30 million of the population, there’s a lot of complexities involved. If you look at the air transport industry, we have to take a look there in terms of maximizing how many vaccines can be transported without sacrificing on the stability of the product. And of course there is also the challenge on the last mile whereby it has to be administered in time without, again, sacrificing on the potency of the product.

So all these factors involved here I think in the Philippines, we do have challenges that we need to overcome in terms of laying out the infrastructure for this kind of distribution. And I believe the FDA is doing a great job in terms of the regulatory framework, they have a robust framework there. But in tandem with that, what we have to do is as an industry we all have to come together including the government, the private sector to really layout this foundation for really low temperature storage and transport from one point to the other. I believe the other solution in the industry is looking at is kind of fill and finish model whereby the Philippines could import the vaccine in bulk and then there will be a fill and finish facility. So that way, we are able to shorten the distance from production location to administration.

But of course we also have to consider that we do have to build freezer farms. This is something that is being done in developed countries and that is something that is important to us if we want to be able to roll out this vaccine successfully. There are many candidates now as mentioned as well, previously, and all of them require different temperature. But at first we will have to cater for the different temperature requirements so this infrastructure would have to be inter-operable and it has to be throughout the whole supply chain. At the moment, at the airport for example, we have to equip them with receiving these kind of vaccines on a large scale as well.

SEC. ROQUE: So thank you very much, sir. You’re telling us that we need to build a subzero infrastructure from the time it arrives at the airport and we need a facility at the airport, subzero storage facility as well as subzero transportation to deliver them for eventual vaccination. Is that correct?

MR. BHYRIA: That’s correct. And we as a company are working on it and in fact we are looking to help our industry partners get on board as well. So we do have the foundation once the vaccine does roll out in the months ahead so we are working on that. At the moment our company is also very heavily involved in saliva testing and [unclear] testing.

So we’re trying to stay ahead of the curve, we’re trying to meet the need of the pandemic to make sure we bring all the technological solutions on time and especially for this distribution of the vaccine, at this kind of temperature we are heavily looking into it. And we do hope we will have a good news and a good model and a broad network to do this along with the government units as well as our local industry partners.

SEC. ROQUE: Dr. Domingo said that in case tomorrow, China FDA approves for emergency use a vaccine, it will take 40 to 65 days to approve it also here in the Philippines. 40 to 65 days, is that enough time for the industry, the private sector and government to build this infrastructure for the vaccine?

MR. BHYRIA: Yes. So this—I think what would happen is it would be a progressive approach whereby we would be having certain existing capacity that we have that we can tap on and then from thereon out, we can prioritize firstly on the people that needed the most and then we can grow the administration rate after that and from how many doses are being given. So it will be a step-by-step approach but at the moment I believe there isn’t enough capacity to go full scale once the vaccine is approved. So we are looking at the timeline of the first quarter of next year for the industry to catch up and come together and build this full supply chain for cold storage and cold chain.

SEC. ROQUE: Sir, we hope to invite you again and perhaps in the next time if we could ask you to do like a flowchart of sort so that the people will know the different steps ‘no required in order to bring the vaccine to the people. Thank you very much. Please join us for our open forum.

MR. BHYRIA: Thank you so much.

SEC. ROQUE: Now, we call on Usec. Rocky now for our open forum please.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque. Question from Leila Salaverria of Inquirer: Why was there a need to issue the memo to DOJ to investigate allegations of corruption in the entire government when there is already the Office of the Ombudsman and the PACC?

SEC. ROQUE: Well, I guess it’s the President emphasizing ‘no that in the remaining two years of his term he will give utmost priority to the fight against corruption.

And of course there is no prohibition, so it is allowed and whether we like it or not, even if there is an Office of the Ombudsman, the biggest public prosecutor is still under the Department of Justice ‘no because the number of prosecutors that we have under the DOJ are simply… probably 20 times more than the lawyers that they have at the Office of the Ombudsman.

USEC. IGNACIO: Second question: What can DOJ do that the other anti-corruption agencies cannot do?

SEC. ROQUE: Iyon nga po, mas marami tayong piskal na pupuwedeng mag-imbestiga at aasistehan po ang ating mga piskal ng kapulisan at ng NBI at ng… iyong ating opisina laban sa red tape, iyong President Anti-Graft Commission. So marami pong aasiste at maraming pong mga piskal na pupuwedeng mag-conduct ng investigation kung ikukumpara po natin sa limitadong personnel ng Office of the Ombudsman.

USEC. IGNACIO: Is the President’s directive to the DOJ a reflection of his lack of satisfaction with the efforts of other agencies that are supposed to address corruption?

SEC. ROQUE: Hindi naman po siguro. Ang gusto lang talaga niya eh maiwang legacy na nilinis niya ang gobyerno sa natitirang panahon ng kaniyang termino.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you, Usec. Punta tayo kay Joyce Balancio, please.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes. Secretary, doon po sa utos ni Pangulong Duterte to investigate DPWH corruption, what is his timeline for this? Mayroon po ba siyang binigay na definite deadline to the mega task force that you mentioned para po magbigay ng report kay Pangulong Duterte?

SEC. ROQUE: Yesterday po was the deadline. He wants it as soon as possible.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Deadline po, sir, ng resulta ng investigation?

SEC. ROQUE: That’s what I’m saying. I’m speaking figuratively ‘no of course. He wants it done yesterday which means it has to be done at the soonest time possible. He wants to see them behind bars para magsilbi pong halimbawa na mabawasan nga ang korapsiyon diyan sa mga ahensiya gaya ng DPWH, Customs at iba pa.

JOYCE BALANCIO/DZMM: All right. Sir, si President Duterte all praises kay DPWH Secretary Mark Villar. Will he still be covered dito sa investigation ng DPWH kahit po nagpapahayag ng kumpiyansa ang Pangulo sa kaniya?

SEC. ROQUE: Well, wala pong dahilan para magduda sa integridad si Presidente kay Secretary Villar – a view which I share and everyone in the Cabinet share. Alam mo unfortunately talaga may kinalaman din talaga iyong abilidad ng tao para matukso ng korapsiyon. Pero kung ganito kayaman naman kasi iyong Secretary at alam natin na very well educated, educated in the best universities in the world and mayroon ding untainted record as a public servant, having served as congressman also of Las Piñas eh talaga naman pong he is beyond doubt ‘no and he’s certainly above corruption in DPWH.

So ganiyan po katindi ang tiwala ni Presidente, ang tiwala ko at tiwala ng ibang Gabinete kay Secretary Mark Villar.

JOYCE BALANCIO/DZMM: So just to be categorical about it, hindi na po siya sasakupin ng investigation ng mega task force?

SEC. ROQUE: Well, the President of course will leave it to the task force pero ang opinyon po ni Presidente malinaw – wala po namang bahid ng kahit anong korapsiyon si Secretary Villar, which we all share in the Cabinet.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Sir, doon sa PhilHealth nabanggit ni Pangulo hindi na niya bubuwagin ‘no iyong PhilHealth. Does this mean na siya’y kuntento na sa performance ni bagong PhilHealth President Dante Gierran sa paglilinis sa korapsiyon?

SEC. ROQUE: Let’s just say inaantay pa po niya iyong mga kasong isasampa pa sa iba pang mga personnel at officials ng PhilHealth ‘no. Pero kumpiyansa po siya na dahil marami ngang nag-resign na at maraming na-suspend na eh mayroon nang malaking pagbabago diyan sa PhilHealth. Malaki na po ang nagawa natin sa paglinis ng PhilHealth, ipagpapatuloy na lang po iyan.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Last na lang po for me, Secretary. Maliban po doon sa recommendations ng Metro Manila Mayors, what were the other considerations ng IATF at ni Pangulong Duterte to still place Metro Manila under GCQ until end of November?

SEC. ROQUE: Well, malinaw po iyan ‘no, mayroon tayong daily attack rate, mayroon tayong two-week average attack rate, mayroon tayong hospital utilization rate – lahat po iyan ay kinunsidera pati ang mga social at economic factors.

Sa Huwebes po or sa Lunes depending on availability of Usec. ng DOH who is in charge of classification, Usec. David, eh humingi po ako ng permiso at grinant [grant] naman ako ng permiso ng IATF na ipiprisenta po sa taumbayan itong mga datos na pinagbasehan po ng Inter-Agency Task Force nang maintindihan naman po ng mga tao.

Unang-una, nakabase po tayo sa siyensya at ito po ay a whole-of-nation approach. Hindi lang po sampung dalubhasa, siguro po hindi bababa sa 100 dalubhasa ang nagtutulung-tulong para magbigay itong rekomendasyon na ito at ipakita sa inyo na hindi po umaasa ang gobyerno ni Presidente Duterte sa kahit sinong ibang mga dalubhasa para gumawa ng ganitong desisyon.

So mabuting balita po iyan, pinayagan na ako ng IATF na i-share po ang datos natin sa publiko na naging basehan ng rekomendasyon kay Presidente pero gagawin po natin ito matapos po magdesisyon ang ating Presidente.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Thank you, Joyce. Punta na tayo kay Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Secretary, question from Sam Medenilla of Business Mirror. Ang una niyang tanong: Na-approve na po kaya ni Presidente Duterte ang release for Bayanihan II for at least four agencies? If no, kailan daw po ito mari-release?

SEC. ROQUE: Naku, mas mabuti po ang ginawa ni Presidente. Binigyan niya po ng delegated authority si DBM Secretary Avisado para mag-approve na ng release. So hindi na po iyan dadaan sa Office of the Executive Secretary.

Alinsunod po dito, mayroon pong pitong departamento na mari-release-an ng pondo ngayon galing sa Bayanihan II. Ito po ang DTI – 100 million for shared service facilities para sa Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program; ang NDRRMF – 5 billion for augmentation of the NDRRMM fund; ang DOLE – 8 billion para sa adjustment measures program and Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers; DSWD – 6 billion for Assistance to Individuals in Crisis Situation and sustainable livelihood program; Department of Agriculture – 11.632 billion for initial submission for Plant, Plant, Plant program; DOH – 20.575 billion for health-related responses such as HRH, augmentation of DOH hospitals, specialist allowance, actual hazard duty pay, free life insurance, accommodation, transportation and meals for health workers and other compensation for public and private health workers; DOLE – 5.1 billion para po sa AKAP; at nag-release na rin po ng 500 million para sa funding requirements under the local government support fund out of a total appropriation of 1.5 billion.

Lahat po iyan nai-release ng DBM today dahil hindi na po dadaan sa Office of the President. Delegated na po si Secretary Wendel Avisado to approve the release of these amounts.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Nagkaroon na kaya ng decision ang IATF or si President Rodrigo Duterte regarding the proposed subsidy ng micro and small firms to help them pay the 13th month pay of their workers?

SEC. ROQUE: Malinaw na po iyan, pinag-aralan – wala pong pagkukunan ng subsidy. So ang ginawa na lang po natin, dahil mandatory naman po talaga ang pagbayad ng 13th month pay, pauutangin natin iyong kinakailangan mangutang para mabayaran ang 13th month pay. Ang na-identify na natin diyan, ang mga rural banks at saka iyong Small Business Corporation na mayroon pong sampung bilyon. Anim na bilyon po diyan para sa mga tourism-related industries, iyong 4 billion para sa mga iba pang mga small and medium enterprises. So aasistihan po natin ang hindi makabayad dahil talaga namang naghirap tayo dahil sa pandemya. Pauutangin po natin sila nang sa ganoon lahat po tayo ay magkaroon ng Merry Christmas.

Joseph Morong…

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, first, doon sa corruption muna ‘no. Ang sabi ni Presidente is that—okay, he has a campaign promise of solving the corruption in six months, and then he said last night na parang teka muna, mukhang hindi … walang nangyayari at lalong lumalala. So, sir, what made the President say this and what has been done in the last four years of his administration?

SEC. ROQUE: Alam mo, sabihin na lang natin na using his own personal standards eh hindi satisfied si Pangulo sa paglinis sa gobyerno. At alam ninyo, naging congressman naman itong ating Pangulo, naging mayor din, so kapag sinabi niyang may korapsyon sa DPWH, alam po niya ang sinasabi niya. It’s really a systems problem na kinakailangan talagang tutukan. Nandiyan po iyong PhilHealth na at least sa administrasyon niya at itong mga kabulastugan naman sa PhilHealth ay ilang Presidente na rin ang dumaan diyan at talagang iyong mga sindikato diyan ay napakalalim ng kanilang penetration, ngayon po, isa-isa namang nawawalan ng ugat iyong mga mafia diyan. Iyong mga malapit niyang mga kaibigan na mayroong whiff of corruption – sipa, tanggal! At kahit sino pa man sila, tingin ko, wala namang kaduda-duda na seryoso ang Presidente.

So ito po ay kumbaga, leaving a legacy. At ang legacy niya talaga ay patunayan na kung talagang tutukan at gagamitin ang political will, eh talaga naman pong mababawasan ang korapsiyon, bagama’t aminado na tayo na hindi tuluyang mawawala ang korapsiyon.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, address lang, sir, to those who may not probably believe the sincerity of this campaign. Kasi, what can be done in two years that was not done in the last four years of this administration?

SEC. ROQUE: Ikaw naman, Joseph, 5% lang naman sila; at kahit ano ang gawin ng Presidente, hindi sila magiging satisfied. Hayaan na natin sila, they are entitled to their own opinion.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyon pong sa vaccine. Right now, ang fact is, walang cold chain storage facility ang Pilipinas and it seems that we have to build that infrastructure from the ground up. So, how much will that cost the government because we need that just in case China is ready to give or to distribute their own vaccine, kung sila iyong mauna? So, how much will that cost the government? And we do not have the cold chain storage facility as of now, correct?

SEC. ROQUE: Well, perhaps our guest from the private sector can give us an estimate, and ito naman po ay shared cost ng private sector at ng gobyerno. Sir, can you give us an estimate kung magkano ang kakailanganin for the cold storage facilities for the entire nation?

MR. BHYRIA: If you look at it on a unit basis, let’s just talk about a freezer itself, by itself. So a freezer that can store, let’s say, 40,000 doses at negative 70 degree, for example, that goes for around 10 to 15,000 US dollar per freezer, right? And if we are going to build a freezer farm, for example, then we are looking at 500 or so freezer of such specification. And how this happens is that, this is just the cost of the equipment and then there’s other cost which is for the implementation and maintenance and so on. But I believe, the most important part right now is that Philippines should procure the supply of these equipment before they run short and then the prices will jack up naturally. So, that is why I am here and I am talking about this, so we are ready for this in advance and not later when the prices, when the supply to these equipment is short and then we will have to pay a higher price for it.

SEC. ROQUE: Sir, on your own private company, how much are you allotting for acquiring these cold storage facilities? And for how many dosages are you targeting?

MR. BHYRIA: At the moment, we are still in discussions with our partners, as to the production capacity and the dosage that we are bringing to the Philippines and, naturally, our scale will follow that. So there is no exact dollar or piso value that I have right now. We are trying to maximize so we are heavily, we will be heavily invested on this, but there is no exact figures at the moment. We are still doing the mathematics for this?

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, may pera tayo for that?

SEC. ROQUE: Yes, may pera naman po ang gobyerno.

JOSEPH MORONG/GMA7: Kay Usec. Domingo, paki-explain lang iyong process, iyong cold chain storage facility, bakit kailangan ng ganoon, para lang malaman ng ating mga kababayan? And you said, dapat ma-procure bago pa naman magkaagawan ulit doon sa equipment. Can you explain the procedure, bakit kailangang malamig iyong paglalagyan ng bakuna at kaya ba natin itong magawa in the, well, until before April?

USEC. DOMINGO: Kasi itong mga bakuna po, napaka-sensitive niya. Hindi siya parang gamot na tableta na maaaring i-transport basta-basta lamang. Each and every vaccine, depende po kung alin ang bibilhin natin, mayroon siyang temperature na set kung saan maaari lamang siyang ma-store. In fact, each and every box for example ng vaccine, mayroon iyang indicator na magtsi-change iyang kulay niyan kapag lumagpas siya doon sa temperature na set. Halimbawa po, nakalagay ang vaccine na ito ay 2 to 8 degrees lamang siya dapat, kapag nalagay po iyan sa lugar na ten degrees, biglang magtsi-change po ang kulay niyan at iyong -buong lote na iyon hindi na puwedeng gamitin; itatapon na iyon ‘no.

So, iyong iba naman -70 degrees. So each and every vaccine that you get will have an indicator to make sure that it has stayed within -70 degrees from the time it left the factory until it brought to the pier, ilagay sa container, nailipat sa van ng DOH, nailagay sa freezer ng DOH at bago siya maibakuna. So, every time na nagkaroon tayo ng break sa cold chain, we might lose the efficacy of our vaccine. Kaya very, very important po talaga na naka-set up na ito at ito naman talaga ang ginagawa ng DOH ngayon to make sure that the cold chain is ready in case bumili na tayo ng vaccine, to make sure that it is not broken and the integrity of the vaccine is intact from the time of production until it is actually used.

SEC. ROQUE: Okay. Thank you very much, Joseph. Pero, Usec., mayroon akong follow up question doon. Sa ngayon po, magkano ang capacity natin sa RITM which I understand has a sub-zero capacity? And ilan pong delivery trucks ang mayroon tayo just in case makakuha tayo ng kaunting bakuna man lang?

USEC. DOMINGO: Iyon pong sa RITM, mayroon po ang DOH diyan na vaccine facility. But it’s enough for routine vaccinations natin, and we usually only vaccinate mga 10 to 20 million people, children, kasi pambata po. So iyan po iyong mga kayang i-hold niyan. At alam ko po na bumibili nga po sila ng mga truck na may cold storage capability. Pero sa ngayon po, wala pa po tayo; nagri-rent po ang DOH every time na magta-transport po tayo ng mga ganitong mga bakuna. Pero alam ko po, nagpaplano na silang bumili para nga po dito sa darating na ito.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, mayroon lang akong natanggap na letter ‘no. I’m sure makaka-relate ka rin dito, iyong sa SSS pensioner. This is a letter from a 79-year old pensioner na hindi pa natatanggap iyong … they were promised, she said na P3,00 pension from the government, from President Duterte, pero ang natatanggap nila is P1,000.

SEC. ROQUE: Nawala si Joseph. Joseph, iyong letter na pinadala mo sa akin, I will forward it to the SSS president and we will get back to you.

Usec. Rocky, please?

USEC. IGNACIO: Secretary, question from Virgil Lopez ng GMA News online: According to the OCTA Research Group, without the testing facility provided by the Philippine Red Cross, the government’s isolation and quarantine and contact tracing programs are crippled because the LGUs do not know whether or not a person is infected with COVID-19 within the 24 to 48 hour time period required. What’s the Palace reaction to this? Will the government be able to resolve the impasse between PhilHealth and Philippine Red Cross soon?

SEC. ROQUE: We simply disagree po kasi hindi lang naman PRC ang nagti-test. We have 115 licensed RT-PCR laboratories and 35 GeneXpert laboratories. So, hindi po tayo nakasalalay sa iisang testing facility ng PRC. We disagree po with OCTA Research.

USEC. IGNACIO: Second question niya: The OCTA Research Group also said, the easing of restrictions in public transportation will trigger an increase in new COVID-19 cases in the National Capital Region in the next two weeks. Did the government expect this scenario?

SEC. ROQUE: Again, we disagree po. Tingin ko po, epektibo po iyong ating communication na si Presidente na ang humihingi sa lahat na mag-mask, maghugas at mag-iwas. At diyan naman po makikita ang galing ng Pilipino, alam po nila na kinakailangan pag-ingatan ang kanilang buhay para sila po ay makapaghanapbuhay.

Again, we disagree with the research group. Tingin ko po gagawin ng Pilipino ang lahat ng dapat gawin dahil importante sa kanila na makapaghanapbuhay na muli. Pero papaalalahanan ko lang po sila ha, iyong mga dalubhasa po na nagrekomenda na bawasan ang social distancing, puro doctor po ito, magagaling: Iyong mga Dr. Cabral, Dr. Dayrit, Dr. Minguita Padilla and I’m sorry, itong mga doctor pong ito ay respetado. Hindi ko po alam kung sino iyong doctor ng OCTA Group. Ang sabi po nila, hindi naman dapat tumaas maski bawasan ang spacing sa public transportation basta susunod po sa seven commandments.

Uulitin ko po, ano ang Seven Commandments: Kinakailangan may facemasks; kinakailangan may face shield; kinakailangan no talking and no eating – naku, bawal pala akong kumain at magsalita ‘no; kinakailangan may adequate ventilation; kinakailangan frequent and proper disinfection; dapat walang asymptomatic passenger; at iyong every other seat ay obserbahan.

Ito naman po ay base rin sa siyensiya ‘no na diniskas [discussed] po sa IATF ni Dr. Manolet Dayrit, and I’m sorry, I believe them po.

Trish Terada, please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi! Good afternoon, Secretary. Sir, related question po doon sa Philippine Red Cross. Because yesterday, you mentioned that the DOH is already talking to eight private laboratories about Red Cross suspended its PhilHealth funded testing. So si Senator Gordon po is saying na parang he has this impression na tinatakot daw po sila when in fact, hindi naman sila negosyo; service-oriented po sila. And he shares, kahit daw po gipit sila, he even reached out and did tests in Fabella. Kumbaga, the point is, they’re demanding for payments so they can continue their operations; hindi raw po puro pangako lang. Sir, how would you wish to respond to this?

SEC. ROQUE: Wala po kaming tinatakot, but we have 115 PCR test facilities and 35 GeneXpert machines po.

Kaya nga po natin in-improve ang ating testing capacity nang hindi tayo nakasalalay sa isang organisasyon lamang. So sa akin po, kung talagang hindi natin mapipilit ang PRC na bumalik maski ang offer po ngayon ay 50% na babayaran, eh wala po tayong magagawa, kinakailangang humanap po ng mga alternatibo at iyon lang naman po ang ginagawa natin. Gumagawa tayo ng hakbang para tuluyan nating maasistehan ang ating mga kababayan; wala po iyang mga pananakot.

Now, bukod pa po doon, iyon nga po ‘no, iyong walo na nakikipag-usap na tayo, mga pribadong mga laboratoryo. Alam ninyo ho naman po kasi, dahil sa mga pribado, negosyo po iyan. Can you imagine po kung ikaw ay negosyante, makakapasok ka sa airport, magkakaroon ka ng pagkakataon na i-test ang PCR test na dati-rati ay exclusive sa PNRC. Of course, nag-uunahan po iyang mga pribadong laboratoryo na iyan. Ang ating hinihingi lamang dahil babayaran naman ito ng PhilHealth, dapat iyong same rate na sinisingil ng PRC. Pero kakausapin po namin ngayon iyong mga mas mababang sinisingil – iyong NKTI, Philippine Children’s Hospital, Lung Center at Perpetual Help – baka dapat sila iyong unang manguna sa airport at sa pantalan na mas mababa pa nga ang pupuwedeng bayaran ng ating mga kababayan – 1,750 hanggang 2,000 lang po ang sinisingil ng mga testing labs na ito.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Secretary, sinasabi po ng PRC na apparently kumpleto na po sila with all the documents, the auditing requirement, it’s just that nagbabagu-bago daw po iyong kontrata. May chance po ba na mabayaran fully itong PRC?

SEC. ROQUE: Ang opinyon po ng DOJ, they cannot make an opinion dahil nakabase po iyan sa submission ng requirements at saka compliance with audit procedures.

Ang pakiusap lang naman po natin is, garantiyado na ng Presidente na babayaran 100%, ibibigay na ang 50%, bakit naman hindi pa ituloy nga ang testing?

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, on another topic. May timeline po bang tinitingnan si Pangulo doon sa isyu ng Department of OFW? I understand he said soon, but is he eyeing kung first quarter of next year dapat—

SEC. ROQUE: Well, sa lalong mabilis na panahon po, gusto ni Presidenteng mabuo iyang departamento na iyan. At sigurado naman po ako na dahil dito, is-certify as urgent iyan nang mas mapabilis po ang pagpasa niyan bilang isang batas.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Thank you, Secretary. Salamat po.

SEC. ROQUE: Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Secretary, question from Maricel Halili of TV5: Why is it necessary to direct DOJ to investigate corruption in the entire government given that ang Ombudsman and other agencies like PACC are already doing the job?

SEC. ROQUE: Nasagot ko na po iyan: Mas marami pong mga tauhang gobyerno na nakatutok sa korapsiyon, mas mabuti.

USEC. IGNACIO: Second question niya: What’s the assurance that there won’t be an overlap on the mandate of the DOJ task force and other government agencies like PACC in the fight against corruption? How will the job of DOJ task force differ from other government agencies?

SEC. ROQUE: Itong mega task force po ay iimbitahin po ang PACC, ang mga constitutional bodies kung gusto nilang sumapi gaya ng kanilang partisipasyon doon sa Task Force PhilHealth ‘no. So wala naman po iyang magiging overlap. Unang-una, mayroon pong MOA sa panig po ng Ombudsman at ng DOJ na pupuwede naman pong mag-imbestiga rin ang DOJ pagdating po sa mga kaso sa paglabag ng anti-corrupt and graft practices act.

USEC. IGNACIO: Question from Rose Novenario of Hataw. Ano daw po ang magiging papel ng PACC ngayong inatasan na ni Pangulong Duterte ang DOJ para magsiyasat sa korapsiyon sa lahat ng ahensiya ng gobyerno? Hindi ba siya kuntento sa performance ng PACC?

SEC. ROQUE: Again po, fact-finding po ang PACC, makikipag-ugnayan po siya at sigurado po ako, kabahagi ang PACC nitong mega task force na ito.

Okay. Punta naman tayo kay MJ Blancaflor ng Daily Tribune, please. MJ?

MJ BLANCAFLOR/DAILY TRIBUNE: Good afternoon, Secretary.

SEC. ROQUE: Good afternoon.

MJ BLANCAFLOR/DAILY TRIBUNE: Related question po ito tungkol doon sa multi-agency task force. Kasi po you mentioned about leaving a legacy. So people are probably wondering why is the President only—why did the President instruct the multi-agency task force only now, bakit po hindi noong mga naunang years ng kaniyang administration?

SEC. ROQUE: Well, kasi nga po, number one, iyong gravity ng problema; at pangalawa, iyong karanasan natin sa Task Force PhilHealth na naging epektibo po kapag nagtutulung-tulungan ang iba’t ibang sangay ng gobyerno, hindi lang po sa Ehekutibo, kasama na po iyong mga constitutional bodies kagaya po ng Ombudsman, COA at ng Civil Service Commission.

MJ BLANCAFLOR/DAILY TRIBUNE: And follow up lang po: Mangangailangan po ba ng separate budget itong task force na ito?

SEC. ROQUE: Lahat naman po iyan ay nasa budget na po ng mga ehekutibo ‘no. Uulitin ko po: Iyong mga constitutional bodies, they’re just invited at nakikipagtulungan naman po sila. But of course, we respect their independence as found and provided for in our Constitution.

MJ BLANCAFLOR/DAILY TRIBUNE: Okay po, and last question na lang po. The Congress po kasi is urging the Senate to fast-track the creation of—to pass the proposed measure creating the Department of Disaster Resilience. Secretary, I just want to ask: Does the Palace remain confident na ito pong pet bill ng Pangulo ay mapapasa before his term ends?

SEC. ROQUE: Definitely po. We are very confident dahil lahat naman po ng liderato ng parehong Kamara ng ating Kongreso ay malapit na alyado ng ating Presidente.

Thank you. Usec. Rocky again. Thank you, MJ.

USEC. IGNACIO: Question from Lei Alviz of GMA 7: Ano na po ang update sa mungkahing lagyan ng price cap ang RT-PCR tests? Ang sabi po ng Department of Health ay isinumite na nila sa Office of the President ang proposal. May mga ulat na umaabot na sa 20,000 pesos ang mga rush PCR tests na inalok sa mga dumarating na OFW.

SEC. ROQUE: Ang masasabi ko lang po diyan ay iyan po ay nakabinbin ngayon sa ating Office of the Executive Secretary. Pero iaanunsiyo ko po, mayroon pong mga murang RT-PCR, thanks to Project ARK. Diyan po kami nagpapa-RT PCR – Philippine Children’s Medical Center, National Kidney Transplant Institute, Philippine Lung Center, Perpetual Help Hospital, 1,750 hanggang 2,000.

Mayroon pa pong mga ibang branches sa iba’t ibang mga parte ng Pilipinas. Sa susunod po ay ipa-flash natin ulit iyan nang malaman ng taumbayan na hindi kinakailangan magbayad ng 23,000 dahil mayroon naman pong 1,750 hanggang 2,000 na PCR tests.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, question mula po para po kay Usec. Domingo mula po kay Katrina Son ng GMA 7: May nagsasagawa raw po ng COVID vaccine sa Makati at napuntahan na rin daw po nila ito. Ano po ang update tungkol dito?

USEC. DOMINGO: Usec. Rocky, so may nabalita na may nagbibenta raw ng vaccine, may mga Chinese ads pa. Pumunta iyong ating mga ahente doon last week, at nangako naman iyong administrator ng facility na hindi raw po totoo at in fact naglabas din sila ng disclaimer.

But of course, we are continuously monitoring at mukhang mapapadalas po ang ating inspeksiyon doon sa facility na iyon to make sure na hindi po nagbibenta or gumagamit at nag-a-administer ng unregistered na bakuna dito sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Thank you, Usec. Thank you.

SEC. ROQUE: Yes. Melo Acuña, please.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Mister Secretary! I just have two points for you. The President is bent on the creation of the Department of Overseas Filipinos, do you think we have the luxury of time to [unclear] all the mandates of the different government agencies – from DFA, DOLE, OWWA, POEA and Immigration, so, that everything will be on streamline, Mr. Secretary?

SEC. ROQUE: We’re very confident po. Alam mo, we pioneered in the sending of manpower as a strategy for economic development sa panahon pa ni Ka Blas Ople, noong panahon pa ng Martial Law. So, napakatindi na po ng ating kakayahan at eksperyensiya pagdating dito, kinakailangan lang po i-streamline at sa kauna-unahang pagkakataon nga, sabi nga ni Presidente, kinakailangan magkaroon sila ng sariling departamento, may sariling kalihim na mabilis po ang pagbibigay ng benepisyo sa ating mga bagong bayani, ang ating mga OFWs.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Mr. Secretary, may bago na nga po bang chairperson ang Climate Change Commission?

SEC. ROQUE: Ay, hindi ko pa po alam. Ako naman po nag-aanunsiyo niya pero wala pa ako natatanggap pong papel.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo, para kay Usec. Domingo sana.

SEC. ROQUE: Okay, Usec. Domingo?

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Magandang hapon, Usec. Good afternoon, Usec., nice seeing you. First iyong mga cold storage na isasaayos, hindi po kaya magkaproblema sapagka’t hindi pa lahat ng bahagi ng bansa ay mayroong stable na kuryente – number one. Number two, iyon po kayang leksiyon na natutunan natin sa Dengvaxia ay hindi na mauulit ngayon? Salamat po.

USEC. DOMINGO: Iyong una po, sa pangalawang tanong ninyo ‘no, in fact noong inilagay po sa batas natin dito sa Bayanihan II na bago tayo magbakuna, kailangan po mayroon preparation, may community preparation. Kailangan po magpa-pilot muna sa isang lugar para makita ang mga problema and to make sure the community is informed. Pangatlo po, dapat very strict ang monitoring natin ng adverse events para po kapag may makita tayo eh mai-pause natin kaagad, maimbestigahan agad at kung kailangan itigil, eh itigil agad or ituloy agad kung wala naman pong problema. So, iyon po nasa batas po sa Bayanihan II, nakalagay mga safeguards natin to make sure that once we launch a new vaccination program, this is a new vaccine, na lahat po ng safeguards eh nandoon.

Iyon naman pong sa cold chain, totoo po iyon. Napaka-challenging po talaga ng cold chain lalo na po depende kung anon ang bakunang mabibili natin at kung anong temperature siya kailangan. Karamihan naman po ng mga transport vehicles ay naka-self-contained naman, mayroon po siyang power generator. Pero ang problema po talaga sa lugar na malayo. Kailangan po, aside from that mayroon pa pong portable, iyon pong dinadala ng mga barangay health worker, parang maliliit na freezer, to make sure na ma-maintain siya kasi kapag bumaba po ang temperature, umiiksi po iyong shelf life ng vaccine. Maaari pong maging imbes na three months eh magiging one week na lamang at magamit siya agad. But it will really have to do with planning and iyon pong logistics, iyon pong cold chain natin – management. Magagawa naman po iyan, kailangan pagplanuhan lang po talaga nang mabuti.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Maraming salamat po, Usec. Thank you, Secretary Harry. Good afternoon.

SEC. ROQUE: Thank you, Melo. Back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, question from Vanz Fernandez ng Police Files. About the recent purchasing of the Department of Education ng 254 units of Mitsubishi Strada: The question now arises. Was the expensive amount of vehicles and was it possible for a re-diversion of funds for more immediate concerns such as our blended learning programs and I know sinabi mo po na budget for that ay inaprubahan na before, and why an expensive vehicles, may mas cheaper naman? And one thing more na napapabayaan umano ng DepEd iyong mga guro sa mga liblib na lalawigan na kailangan ng mga gamit para sa pagtuturo sa online learning.

SEC. ROQUE: Well, Vanz, unang-una, 2019 budget iyan, iyong kanilang need was assessed as early as 2016. At ngayon po, kailangang-kailangan po talaga ng DepEd iyan dahil nga po kinakailangan i-deliver ang mga modules sa mga malalayong lugar all over the Philippines.

So, bakit po iyan ang brand? Eh, iyan po iyong nanalo sa bidding. Eh talaga naman po lahat ng government procurement dumadaan po iyan sa public bidding, at iyan po iyong pinakamababang responsive bid na nakuha ng DepEd.

Alam ninyo, Vanz, ultimately it’s a matter of trusting the head of office. I trust, the President trusts and the entire Filipino nation trusts Professor Emeritus Leonor Briones. Number one kasangga po natin siya laban po sa korapsiyon. Patuloy po ang ating pagtitiwala kay Professor Briones.

USEC. IGNACIO: Last question dito para sa inyo, Secretary. From Tina Mendez ng Philippine Star: Please clarify if President Duterte’s order to DOJ would include investigation of alleged corruption in Congress, LGU politicians?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, ang mandato po ng DOJ, sang-ayon sa batas na bumuo ng National Prosecutors Office, is to investigate everyone pero mayroon din po tayong mga immunities na ini-enjoy ang ating mga elected members of Congress and the Senate pero it is not for violating anti-graft laws. So, kasama po ang lahat po ng mga public offices despite the separation of powers dahil wala naman pong separate na ahensiya na nag-iimbestiga ng korapsiyon sa Kongreso mismo. Iyan po ay kapangyarihan ng ehekutibo, to implement the laws to all kahit sino pa man sila.

USEC. IGNACIO: Thank you.

SEC. ROQUE: Okay. Last question from Pia Rañada, please.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Good afternoon, Sec. Sir, I’ll go first to you and then my last two questions will be for FDA chief Eric Domingo.

Sir, the President yesterday mentioned iyong kaniyang commitment against corruption. But, sir, a lot of critics naman are pointing out that this sound hollow because the President himself is yet to reveal his SALN, which many transparency watchdogs say it’s an important document for government transparency. So, sir, how does Malacañang reconcile this and why isn’t this a contradiction?

SEC. ROQUE: We’ve actually discussed this before in this press briefing; just comply with the steps required by the Ombudsman. We also have to respect the guidelines of the Ombudsman.

PIA RAÑADA/RAPPLER: But, sir, kasi the Ombudsman rule say that it’s actually up to the President to release it, it’s his—kumbaga, the ball is in his court, the Ombudsman gives him the right to say yes or no to releasing. So why has the President not yet given his go signal for the Ombudsman to release his SALN?

SEC. ROQUE: As far as I know, there’s not been any written request for the President’s SALN. Perhaps you should submit one.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Yes, sir. We have submitted several times but they always tell us the Ombudsman is to issue the SALN but the Ombudsman naman says wala pang go signal from Malacañang.

SEC. ROQUE: Well, I haven’t seen any of your written communication. But again, my answer is, it’s a constitutional body, let’s respect guidelines issued by that office.

PIA RAÑADA/RAPPLER: But, sir, why the change in policy because in the previous thirty years every president, except for Duterte, has issued their SALN?

SEC. ROQUE: Well, I do not know that we have changed policies. It is the Ombudsman that has changed the policy of who and under what circumstance anyone can ask for the SALNs.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay, sige. Going on to FDA Chief Eric Domingo, if it’s okay.

SEC. ROQUE: Go ahead, go ahead.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, the first question on Sputnik V, sir. The Gamaleya Institute has supposedly given a CDA as early as August 25, it’s now two months. Sir, have there been any problems encountered by the vaccine expert panel? Do they have to request for additional documents? And basically, what’s the status, sir, of Sputnik V?

USEC. DOMINGO: From the last meeting with the vaccine expert panel, there are still getting more information. Kasi when Gamaleya approached us, nasa phase 2 trials pa lang sila and preparing for phase 3 trial. I think they are committed to continue with the phase 3 trial here, however, the vaccine expert panel is still asking for some more documents and for some more information before they can make a full assessment of the proposal to [unclear].

PIA RAÑADA/RAPPLER: So, sir, the information given initially was incomplete? Can we just get an idea what kind of additional information the experts want from Gamaleya?

USEC. DOMINGO: Usually, kasi the vaccine expert panel looks at the phase 1 and phase 2 clinical trial results, so baka hindi pa completed iyong mga phase 2 clinical trials. My assumption is that they are waiting for more details on clinical trial results na previous to the clinical trial phase 3. Baka mayroon pang hinihintay na … hindi ko eksakto alam kung anong documents iyon, but I’m sure it has to do with the phase 1 and phase 2 trials.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Is it correct, sir, to say that Sputnik V assessment by the government is delayed?

USEC. DOMINGO: No. I don’t think it’s delayed because the vaccine expert panel actually works quite quickly, ‘no. Once all documents are complete they can do an assessment in one week because I’ve seen it with the other applicants. So, they’re just waiting for more information to make a complete assessment.

PIA RAÑADA/RAPPLER: All right. Thank you, sir.

SEC. ROQUE: Thank you, Pia. Great hairdo, please stay in the news profession, don’t enter showbiz.

Okay?

Kung wala na pong tanong, I’d like to thank our guests, Doctor Domingo and Mr. Adeel. Thank you very much! I hope Mr. Adeel we can ask you again to be our guest with the flowchart para maintindihan po talaga ng taumbayan kung ano iyong logistics involved.

Thank you to the men and women of the Malacañang Press Corps. As usual, inaayos na po natin iyong live… anong tawag doon? Remote press briefing natin with President. And thank you of course to Usec. Rocky.

Thank you everyone for joining us in today’s press briefing. Until Thursday where we will be conducting our press briefing in Panglao, Bohol.

Ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabi: Philippines, kaunting tulog na lang, we will heal as one.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)