Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

As of 11 A.M. po, nanitili po ang lakas ng Typhoon Quinta at ngayon po ay nasa Mindoro Strait. Tropical Cyclone Wind Signal #3 ang naka-impose po sa northwestern portion ng Occidental Mindoro, Abra de Ilog, Mamburao, Paluan, kasama ang Lubang Island.

Samantalang Tropical Cyclone Wind Signal #2 naman po ang imposed sa Oriental Mindoro, the rest of Occidental Mindoro, Calamian Islands at Batangas sa Luzon at extreme northern portion of Antique, Caluya sa Visayas.

Inaasahan na mag-i-exit si Quinta sa Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga. Ingat po kayo diyan sa mga lugar na iyan.

As of October 25, 2020, ang DSWD po ay mayroon na pong stockpiles kasama na rito ang food packs at standby funds amounting to more than 890 million or 89o,596,116.79 pesos. That’s 890 million. Ang mga ito ay nasa DSWD Central Office at iba’t ibang field offices ng ahensiya.

Activated na rin po ang quick response teams ng field offices at nakipag-ugnayan sila sa provincial at municipal disaster risk reduction management offices.

Kasama sa ginawang pagpaplano ng pamahalaan ang paghahanda sa tag-ulan sa panahon ng pandemya. Naglabas ang National Disaster Risk Reduction and Management Council ng isang memorandum #54 tungkol sa COVID-19 preparedness measures for rainy seasons noong Mayo.

Ilan sa mga salient points ay ang preparedness planning ng ating mga lokal na pamahalaan. Narito ang essential guidelines:

–          Una, dapat science and evidence-based ang desisyon. Kinakailangang konsultahin ang PAGASA, ang MGB, DOH at iba pang ahensiya para malaman ang eminent risk ng LGU.

–          Kinakailangan iyong vital facilities and services ‘no. Inabisuhan ang lokal na pamahalaan na i-anticipate at maging handa sa epekto ng tag-ulan sa vital facilities tulad ng ospital, clinics, local government offices, power and water services.

–          Local DRRM funding, nakasulat sa Bayanihan We Heal as One Act na ang pagtanggal ng tatlumpung porsiyento cap sa pondong nakalaan sa quick response fund.

–          Sa logistics requirements naman po, inaabisuhan ang mga lokal na pamahalaan na taasan ang kanilang kakayahan na mag-stockpile ng pagkain at non-food items para sa kanilang response operations tuwing tag-ulan.

–          Pagdating naman po sa evacuation planning, tungkol sa LGU evacuation plans, kailangang i-assess at i-review ang community demographics at tukuyin ang mga lugar na may low, moderate at high risk sa COVID-19 at siguraduhin ang physical distancing sa mga evacuation centers.

–          Kailangan mayroon din pong imbentaryo ng mga evacuation centers na hindi nakalista bilang quarantine facilities.

–          Ang mga lokal DRRMCs ay inaabisuhang mag-explore ng incident management options na babagay sa ongoing COVID-19 response operations at sa pagsapit ng tag-ulan.

–          Kailangan ang paggamit ng mga PPEs at iba pang protective apparel kasama na rito ang pag-obserba ng minimum health procedures tulad ng pagkuha ng temperature at health screening bago pumasok sa mga pasilidad, pagsuot ng facemasks at paglinis at pag-disinfect ng mga pasilidad.

–          Kinakailangan ding mag-obserba ng COVID-19 mitigation measures sa pamamahagi ng mga relief goods at management ng evacuation centers. Bawal pa rin ang mass gatherings at inaabisuhan ang LGUs na maglagay ng designated areas na may appropriate safety markings.

Magandang balita naman po tayo: The Philippine Stock Exchange, according to report of Bloomberg, climbed for a 5th straight day last Friday, October 23, making it the biggest among more than 90 global equity indexes. Pumalo ang ating index sa 6,484.06 kaya naman sinasabi na kabilang ang Pilipinas sa world’s best performers.

Ano po ang ibig sabihin nito? Mataas ang kumpiyansa ng mga investors sa muling pagbangon ng ating ekonomiya mula ng nagbukas ito.

COVID-19 update naman po tayo. Ito po ang ating update ayon sa Johns Hopkins. Higit apatnapu’t dalawang milyon na po or 42,912,830 ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo. Mayroon na pong 1,152,729 katao ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus. Nangunguna pa rin po ang bansang Estados Unidos na mayroong 8.6 milyon na kaso ng COVID-19 at 225,00 deaths. Pangalawa po, ang India – 7,800,000 cases; 118,000 deaths. Brazil po ang pumapangatlo – 5,300,000 cases; 156,000 deaths. Russia po ang pang-apat – 1,503,000; 25,000 deaths. At naging panlima na po France – 1,130,000 cases; 34,000 deaths.

Dito naman po sa ating bayan, pumalo na po sa 4,308,007 ang mga indibidwal na-test natin sa pamamagitan ng RT-PCR. Ito po ay ginawa sa 115 licensed RT-PCR laboratories and 36 licensed GeneXpert laboratories.

Mayroon po tayo ngayong 35,015 na aktibong mga kaso. Sa mga aktibong kasong ito, 82% ay mild, 11.3% ay asymptomatic, 2.4% ang severe, 4.2% ay kritikal. Mayroon po tayong halos kinse mil or 14,944 na katao ang na-report na gumaling kahapon. Ang reported recoveries po ay nasa 328,036. Samantala, nasa 6,977 naman po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus – nakikiramay po kami.

Naka-flash naman po sa ating screen ang critical care capacity ng ating mga ospital. Fifty-seven percent pa po ang available sa ating ICU beds; 57% pa po ang available sa isolation beds; 64% pa po ang available sa ward beds; at 76% pa po ang available sa mga ventilators.

At bago po tayo magtapos, binabati po namin si Miss Iloilo, Rabiya Mateo, na tinanghal na Miss Universe Philippines kahapon. Nag-align ang mga bituin para siya ang iproklamang pinakatatanging Pilipina sa buong universe. Congratulations to Ms. Mateo and may her reign be fruitful and productive. Dito po sa mga larawan po niya, we would like to acknowledge Jovan Aguinaldo as having chosen the photos of Miss Universe Philippines in her swimwear outfit. Napakagaling pong pumili ni Jovan.

Okay. Mayroon po tayong bisita ngayon, walang iba pa po kung hindi si Dr. Lulu Bravo. Si Dr. Bravo po ay ang tinatawag na vaccinologist. Siya po ay propesor sa UP PGH at siya po ay professor emeritus. Hindi ko po narating iyong ganiyang posisyon. Tanging pinakamagagaling lang po talaga sa UP ang nagkakaroon ng titulong professor emeritus.

Ma’am, can you please enlighten the people po: Ano ba ho itong third clinical phase? Anong ginagawa diyan? Gaano katagal at sa tingin ninyo po bilang isang vaccinologist, kailan talaga magiging available itong bakunang ito? The floor is yours, Dr. Lulu C. Bravo.

DR. BRAVO: Thank you very much. You are also a professor in UP, I know. Professor Harry Roque ka na sana dapat ngayon, emeritus ka na rin. But thank you very much.

I’d like to share my screen to have a five minutes sort of presentation on what … ano ba talaga itong COVID-19 vaccine trial natin ‘di ba. And ang sabi ko nga—ito ang ating credential ha kasi talaga naman, for 35 years I’ve been doing vaccine trial dito sa Pilipinas and alam mo, napakaganda talaga ng vaccine trial natin mula pa noong 1990s, tayo ang nag-umpisa. Kinakainggitan nga tayo ng iba nating mga kasamahan sa Asia eh – sa Malaysia, sa Thailand – kasi alam mo magagaling ang ating mga professors at mga scientists dito. And this is my credential, as I said, because right now I’m also engaged in trying to get a COVID vaccine trial dito sa atin sa Pilipinas ‘di ba. And I was also a vice chancellor sa research sa National Institute of Health ng University of the Philippines.

Ito ang pinakaimportante nating ishi-share sa inyo ngayong araw na ito. This is as of October 20, nakuha ko lang iyong slide, and there are now 200… about 200 vaccine under development ng COVID-19 in the whole world.

Kagaya nga ng sinabi mo, nagkakaroon ng race ngayon, talagang unahan sila sino ang makakapagbigay ng tunay na safe at effective COVID-19 vaccine sa buong mundo.

Right now, out of that, you have 156 na wala pa sa human trial; nandoon pa lang sila sa laboratoryo. Ibig sabihin noon, puwedeng sa animal sila gumagawa ng vaccine trial. Nag-i-inject sila ng mga vaccine sa monkeys or guinea pigs or mice, pagkatapos itsa-challenge nila iyan ng ano, ng COVID-19 and titingnan nila kung ilan ang magkakasakit at kung ilan ang mamamatay or ganoon. Nasa animals pa lang iyan, and there are about 156.

Now, if there is a vaccine that has already passed that, ‘di ba? Nakita nila safe, hindi naman nagkakasakit kapag binigyan mo ng vaccine ng COVID-19, iyong mga ganoong walang safety concern, pumupunta na iyan sa Phase 1 human trials. Kumukuha sila ng about 20 – 100 volunteers per vaccine na ita-try.

Kaunti pa lang iyan kasi ang Phase 1 means talagang iisa-isahin mo, titingnan mo, metikuloso ka, kung talagang wala kang makikitang sakit na maaaring makita doon sa pasyente or doon sa subject kapag iyan ay ibinigay. Kung minsan nga titingnan mo talaga iyan kung anong dose ang mas maganda – kung iyong mas mababang dose, let’s say 10 milligrams compared to let’s say 20 milligrams.

So, doon tinitingnan muna, mayroon bang magandang dose na hindi talaga makakapag-cause ng side effect, ‘di ba? So, kapag nakita nila na maganda naman, walang concern na makikita diyan, mukhang safe naman talaga iyong vaccine over this, pupunta sila ngayon sa Phase 2. And then itong Phase 2, nakita mo ilan na ang nasa Phase 2, ‘di ba? Ilan ba iyan? 13 ang nakalagay dito.

Ang sinasabi diyan, maliban doon sa pagtsi-check – at alam mo iyong pag-check ng safety mga mula isang buwan iyan hanggang anim na buwan – at kapag tinitingnan mo na sa Phase 2, tsinitsek mo na rin iyong dugo nila kung magkakaroon ka ng tinatawag nating antibodies o iyong paraan para maka-protect ang iyong katawan sa COVID or sa disease na kailangan niyang i-prevent.  At iyon, padami nang padami na ang titingnan mong volunteers.

Volunteers lahat iyan, may informed consent iyan, ibig sabihin alam ng mga volunteers kung anong pinapasok nila. Hindi iyan basta kukuha ka sa kalye at sabihin mo ito na iyong gamitin natin – no way! All volunteers are subject to sinasabi nating informed consent. Bawat detalye sinasabi doon sa volunteer kung ano ang gagawin at kung ano ang mga ina-anticipate din na puwedeng mangyari.

Now, kapag nakita nila na maganda naman ang naging resulta, safe iyong vaccine, walang nakitang adverse event tapos iyong bakuna nakapagdulot ng magandang level ng antibodies na tama lang para maprotektahan iyong COVID-19 kapag siya ay na-expose doon, pupunta na iyan ngayon sa Phase 3 and that means thousands of patients ang volunteer na diyan.

And then ito na ngayon, ang Phase 3, maramihan talaga iyan. Doon mo na makikita kapag binigyan ng bakuna iyong isang grupo at iyong isang grupo hindi binigyan ng bakuna, ilan doon sa mga grupong iyon ang magkakaroon ng sakit kaya medyo matagal ito – from six months to one year ang duration niyan, hindi ba?

Kasi, titingnan mo usually iyong malaking area na maraming COVID, usually doon ka kukuha ng volunteers kasi kapag doon ka kumuha sa mga lugar na wala namang COVID eh ‘di hindi ka makakakita ng tunay na efficacy – iyon ang tinatawag na efficacy.

Okay. So, ang nangyari ngayon, heto na nakita mo – 13, ilan iyan, 16 – kung ilan iyang mga nakikita mo na volunteers na ngayon hindi ba – 13, 10 – pero mayroong anim na bakuna na for emergency or limited use. Iyon iyong ginagawa ngayon sa China at saka sa Russia kasi hanggang Phase 2 pa lang iyong nagagawa nila, binigyan na nila agad ng approval para gamitin on emergency use or doon sa mga gustong mag-travel sa China, ‘di ba, ginawa na iyan?

Iyong Sinovac, nasa CNN report iyan na $60 nga raw for two doses noong Sinovac vaccine nila at sold out kasi iyong mga tao gustong magkaroon ng travel privileges. Kasi kapag nag-travel sila, kailangan may bakuna sila. So, iyan may anim na iyan, ang dalawa niyan Russia yata at apat sa China, hindi ko lang alam kung ganoon. Pero ito na ngayon iyan eh, nag-iiba-iba iyan araw-araw depende kung ilan na ang pumapasok.

Ngayon sa atin sa Pilipinas, ano ang nakikita natin? Ako ay nagagalak sabihin sa inyo na mayroon tayong standard procedures in place for conducting trials here at ang approval ng ating mga trials, ang final approval niyan ay nasa FDA natin na ngayon ay pinapamunuan ni Doctor Enrique Domingo ‘di ba? Sila ang magbibigay ng final approval para mag-umpisa ang trial pero bago sila mag-final approval, dumadaan iyong protocol o iyong tinatawag na procedure, ano iyong ibinibigay dito sa mga major players na iyan.

Sinos iyan? Unang-una, iyong kumpanya o iyong sponsoring industry. Kasi makikita mo naman iba-iba ang kumpanya, napakarami nila – 200. 200 ang bakuna: So, nandiyan WHO, iyan iyong tinatawag nating Solidarity Trial. Nandiyan iyong China, iyong Sinovac, nandiyan iyong Johnson & Johnson’s, [unclear], Moderna, Novavax, marami iyan, at sila ay kumukuha ng tinatawag na principal investigator at iyong kanilang principal investigator may institution na ginagalawan iyan, saan sila nakabase ‘di ba.

So, RITM, UP-Manila, MDH, San Lazaro, St. Luke’s, at bawat institution may tinatawag na ethics and technical review board na nagri-review, tinitingnan kung iyon bang gagawin doon sa trial na iyon eh safe at pinangalagaan ang mga volunteers? Talagang hinihimay nila iyan, hindi iyan basta-basta lang ipapasa. So, napaka-nitty-gritty iyang pag-test at review board na iyan.

And then at the same time, pinapadala din nang mga principal investigator at ng kumpanya iyong FDA noong kopya ng protocol or iyong procedure at iyan ang ginagawa ngayon ng vaccine expert panel at saka iyong tinatawag natin na single joint review panel na humihingi rin iyan ng local representation from the institutional review board.

So, medyo maraming layer iyan, hindi madali iyan kasi bawat isa diyan tinitingnan kung ano ang magandang ginagawa ninyo. Hindi dapat magkaroon ng bulilyaso iyong mga volunteers specially. The safety of the volunteers must always be paramount. Okay?

Ngayon, heto na iyong panghuli kong sasabihin. Ang ating country wala pang nauumpisahan pero ako nakasali na doon sa isang review board. Siyempre, ganoon ang dami nilang tanong, ibinalik ulit iyong procedure. Kasi ganoon iyon eh, hindi mo aasahan na bigla-bigla lang nilang ia-approve iyan. Maraming ginagawang procedure para matiyak na talagang safe iyong mga volunteer.

Pero ito ang gusto ko sanang ipaalam sa ating mga media. Alam mo, through the two years period, ang nangyari nagkaroon tayo ng tinatawag na vaccine hesitancy. Tayo dito sa parte ng Asia ang nagkaroon ng biggest vaccine hesitancy. Anong nangyari noong 2018? Alam ninyo nangyari diyan? Bumagsak iyong ating immunization, nasira ang ating immunization program, marami ang nagkaroon ng measles noong 2019, maraming namatay dahil hindi nagpabakuna at maski ngayon, I can tell you honestly.

Alam mo, sir Harry, talagang iyon ang nakakasama ng loob. Kasi marami ngayon ang nagkakaroon ng hesitancy, even sumali sa trial kasi ang akala nila eh baka hindi sila pangangalagaan. Sana naman makita natin na ma-restore natin iyong public trust, confidence, at saka iyong ating mga trust sa vaccination, sa ating mga healthcare workers, and institutions.

Kaya ako maski anong oras tawagan ninyo ako I am ready to educate, communicate, advocate, na dapat magtiwala tayo sa ating mga scientists, sa ating mga professors. Sabi mo nga, professors, scientists, na sila ang gagawa ng magandang paraan upang tayo ay magkaroon ng talagang safe at efficacious vaccine dito sa Pilipinas. And I am sure all Filipino doctors are with me, all the PMA, the board of directors, lahat ng society nagsasama-sama tayo, we are all in this together para makakuha ng magandang bakuna para sa ating bayan.

With that, thank you very much for giving me this opportunity to educate and advocate for COVID vaccine. Thank you.

SEC. ROQUE:    Thank you, ma’am. May tanong lang po ako ano. Naging panauhin namin dito si Ambassador Chito Sta. Romana, ang ating ambahador sa Tsina, at ang sabi niya, mayroon na raw pong isang vaccine na natapos na ng third clinical trial sa Tsina at inaasahan nilang maiisyuhan na, kumbaga, ng approval ng FDA nila. Ang tanong ko lang po, ano po ang proseso kung itong vaccine na ito ay magkaroon ng Chinese FDA approval, ito ho ba ay kinakailangan pa ring sumalang sa clinical trial na third phase sa Pilipinas o pupuwede nang gamitin iyong rehistro sa Chinese FDA para marehistro rin dito sa Pilipinas?

DR. BRAVO: No, no, no, no. Hindi puwedeng mangyari iyon, in-approve ng China pero hindi ina-approve ng ating sariling FDA.

Before it becomes available na gagamitin sa Pilipinas, our own FDA must check all the details o lahat ng kailangang gawin para doon sa bakuna, kung tama at maganda at kagaya nga nito dadaan pa rin iyan sa registration ng ating FDA.

Maski na doon ginawa, posibleng husgahin din nila kung ano ba talaga, tama ba talaga iyong proseso na ginawa para nila bigyan ng lisensya. Hanggang hindi inaaprubahan ng FDA, hindi natin puwedeng gamitin. So FDA talaga ang number one diyan – final approval.

Maski na ni-register iyan sa Russia, sa China, hangga’t hindi tinitingnan ng FDA at hindi binibigay ang approval ng FDA at sana naman magtitiwala rin tayo na mayroon silang eksperto sa FDA at mga scientist na titingin at mag-o-observe niyan at magbibigay ng kanilang recommendation kung aaprubahan iyan.

SEC. ROQUE: Ma’am tama po kayo diyan, kinakailangang ma-approve muna ng FDA dahil batas po iyan. Pero ang tanong ko po, ‘pag natapos na iyong third clinical trial abroad, kinakailangan pa bang mag-clinical trial dito sa Pilipinas para mabigyan ng FDA approval or kumbaga literature review na lang ang gagawin?

DR. BRAVO: Hindi naman natin—marami akong nakita na mga bakuna like iyong rotavirus na hindi pa ginawa iyong clinical trial dito pero naaprubahan ng FDA para gamitin, so hindi naman lahat; ang importante nakita nila talaga iyong scientific data noon.

Marami, maraming bakuna na maski hindi pa ginawa dito pero—alam mo minsan iyon ang requirement din ng FDA para mapabilis ang kanilang pag-approve eh, iyong ginawa dito iyong vaccine trial.

Although tama ka, hindi naman lahat ay kailangang gawin. Depende iyan sa ating FDA at depende rin siguro sa exigency ng ano, kailangan ba natin emergency. So maybe that is what we will have to see in the future ‘pag dumating na iyong bakunang iyan.

SEC. ROQUE: O ito po last, ito po talaga galing sa bibig ng Presidente, “‘Di na ako makakaantay hanggang Abril, gusto ko nang magpabakuna sa susunod na linggo.” Anong advice ninyo kay Presidente Duterte?

DR. BRAVO: Ganito iyan eh, kung—alam mo kasi fan ako ng CNN, nanunood ako doon kay Dr. Fauci at saka doon sa CDC, si Dr. Redfield. Ang sabi niya maski daw mayroon nang bakuna, hindi pa rin natin dapat alisin iyong mask, iyong paghuhugas—WWD – wear a mask, wash your hands, distancing. Kasi iyong bakunang iyon hindi pa tayo sure kung talagang safe iyan o kaya ay talagang efficacious sa ating mga kababayan. So nasabi nga niya, sabi ni Dr. Redfield ng CDC eh mas pagtitiwalaan niya iyong wearing a mask, washing your hands at saka distancing kaysa iyong bakuna at this point.

So siguro mas ‘pag na-educate din natin at nasabi natin iyan eh malaki din naman siguro ang magiging influence natin kung sakali kasi hindi pa safe, hindi pa natin nakikitang tama iyong ginawang procedure.

At sa totoo lang ha Sir Harry, lalo na iyong mga bakuna na galing sa China, hindi pa tayo nagkakaroon ng ginagamit nating bakuna galing sa China. Wala pa akong masyadong nakitang bakuna na ginamit natin dito sa Pilipinas in the last so many years na galing sa China. Karamihan galing sa Amerika, sa Europa, sa—maski sa India ginamit natin.

Pero sa China sa totoo lang medyo gusto ko talagang makita na maganda ang kanilang studies bago natin sabihing safe na iyan para ibigay kay Presidente. Kailangan natin ang Presidente natin na nasa tamang health pero sa ngayon iyon pa rin – WWD – wear a mask, wash your hands, distancing, physical and social ‘di ba.

SEC. ROQUE: Thank you very much Professor Emeritus Lulu Bravo. Baka may tanong po ang mga media because si Dr. Lulu can only stay until 12:45. Unahin na natin ang tanong ng mga media kay Dr. Lulu. Does anyone have a question Usec. Rocky para kay Dr. Lulu Bravo?

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary Roque. Good afternoon, Dr. Bravo. Question from Ace Romero: Do you think there is a chance that the Philippines will return to pre-COVID-19 setup or the old normal? If yes, when?

DR. BRAVO: Actually, dapat—sabi nga nila, we should live with this virus for at least one or two years more kasi sabi nga natin matagal bago matapos ang mga bakuna. Kung ikaw ay magkakaroon ng bakuna dito sa Pilipinas, ang tinitingnan nga natin, ina-anticipate natin eh baka next year hindi pa tayo makakuha nang tamang bakuna na gusto nating ibigay sa mga Pilipino dahil nga maghahabulan iyan, mag-aagawan sa mga supply and that is why WHO is trying to have equity. Hindi pa tayo magkakaroon agad-agad ng bakuna kung ang kukunin natin ay iyong talagang pinaka-safe na dumaan sa magandang pag-aaral ‘di ba?

So, kailan tayo magnu-new normal? We just have to be optimistic, pray that we cannot—we do not transmit the virus. The way to go forward is suppress and stop the virus from being transmitted ‘di ba, iyon ang sabi ng WHO. Stop that virus, suppress it and how do you suppress the transmission? Wearing the mask, washing hands you know, physical distancing and sooner or later ‘pag dumating iyong vaccine at makakabigay tayo to at least 60% of the people. Eh sa ngayon 10% na raw ang posibleng nagkaroon ‘di ba, so plus 60%, 70% na mabakunahan.

We need 70% for herd immunity. Alam mo naman iyong herd immunity, ibig sabihin noon ‘pag lahat mayroong bakuna or nagkasakit na, 70% posibleng magbaba na ang pag-transmit ng disease at hindi na tayo magkaroon nang maraming sakit and that was what you will wait for to come back to a normal and it will not be very soon.

USEC. IGNACIO: Yes. Question from Leila Salaverria of Inquirer, Dra. Bravo: What’s the reason for the vaccine hesitancy and what must be done to restore confidence in vaccine use? Will this vaccine hesitancy affect COVID-19 vaccine trials?

DR. BRAVO: Actually, totoo iyan. Tayo sa Pilipinas ngayon ang kinu-consider na highest vaccine hesitancy level at noong tayo ay mag-COVID, iyong low immunization coverage natin hindi naka-bounce back. Kaya ngayon nagmi-measles and polio campaign ulit ang DOH ‘di ba? Mayroon sila ngayon, starting today hanggang November – measles ulit at saka polio kasi dahil mababa pa rin ang immunization coverage, anytime posible tayong magkaroon ng measles outbreak. At iyan ay dahilan, alam natin noong 2015 ang taas ng ating coverage, reaching 80% – ngayon 50% pa lang and that is really, you know discouraging kung hindi tayo gagawa ng paraan para dumami ulit ang mababakunahan ng measles kasi anytime puwede iyan eh because of the low coverage. Anong gagawin natin? Magtulung-tulong tayo dahil iyon nga sabi ko doon sa slide ko, we are, the doctors are trying to reunite—and unite pala and restore vaccine confidence.

Kaya nga ako maski anong oras tawagan ninyo ako, basta ang pag-uusapan natin eh mag-communicate tayo nang tamang pamamaraan. I cannot—you know I can talk for hours about why we did have a vaccine hesitancy. Nag-umpisa iyan sa Dengvaxia, you know all that. Lagi ninyo akong tinatanong, kung minsan ‘pag nasa conference ako: “Iyan ho bang COVID eh magiging Dengvaxia?” Sabi ko maling tanong iyan dahil ang Dengvaxia ay isang magandang bakuna na dumaan sa mga proseso at walang namatay noong bina-vaccine trial ang Dengvaxia. Dumating iyan sa Pilipinas as a good vaccine pero alam ninyo na naman ang nangyari, ang Dengvaxia ginagamit sa dalawampu’t dalawang variant na mayroong mataas na—or mayroong presence of dengue.

Ang Pilipinas ang may pinakamataas na dengue dito sa parte na ito ng mundo. Kailangan natin ng bakuna we have actually appealed that this be given back to the Filipinos. But anyway, I will not talk about that. Ang gusto ko lang malaman para mag-demand tayo, kaming mga doktor, gusto namin magkaroon tayo ng tinatawag na National Immunization Technical Advisory Group or NITAG na magiging pader natin para makagawa nang magandang desisyon tungo sa ano bang bakuna ang dapat gawin, dapat hindi gawin—well gawin din kasi hindi pa tayo gumagawa ng vaccine. Anong bakuna ang dapat nating ilagay sa ating mga—dito sa ating mamamayan? Sino ang uunahing bigyan ng bakuna when a COVID vaccine is here even for dengue?

Ang tinatawag doon ay NITAG, National Immunization Technical Advisory Group which is independent of the Department of Health. These are composed of multidisciplinary scientist people. Iyon ang dapat nating makita kasi iyon ang makakapagbigay ng konpidensiya ng ating mga tao na ang nagdidesisyon ng kanilang bakuna ay iyong talagang mga scientist, mga academician, mga mayroon talagang… sabi nga ni Sir Harry kanina ‘di ba, iyong nag-aaral talaga tungkol sa bakuna at mayroong karapatan para maging eksperto sa decision-making ‘di ba – NITAG.

Actually, nai-propose na namin iyan sa Congress saka sa Senate eh para makakuha tayo ng ganitong NITAG. Sabi nga namin, sana si Sir Harry—Sir Harry, puwede bang magkaroon tayo ng parang ganiyan, presidential order na you can have an independent multidisciplinary? Sa America iyan ang ginagawa eh, 15 people vote to put a vaccine in the National Immunization Program, iyong ACIP, you can Google it – American Committee on Immunization Practices. Nagbubotahan sila, talagang mayroon silang mga expertise para gawin ang tamang desisyon. So iyon lang, sana in the future we can have that.

USEC. IGNACIO: Question from Celerina Monte of Manila Shimbun. Ito po ang tanong niya sa inyo: You earlier indicated that Philippines especially President Duterte should be careful with Chinese COVID-19 vaccine. Should we also be cautious with Russian vaccine? Does that mean we should rely more on US-developed vaccines if ever?

DR. BRAVO: Well the thing is we should rely on the scientific data that will be produced. Hindi ko naman sinasabing masama iyong Chinese vaccine. Ang sinasabi ko is until such time that we can and the experts will be able to really—hihimay-himayin iyan, titingnan nila maganda ba talaga iyan. Now, as of now I know for a fact that ang advance in phase 3 studies eh iyong Pfizer at Moderna at even the people there at CNN ‘pag nakikinig ka, eh iyon talaga ang may magandang transparent ‘di ba? We need to be transparent.

‘Di ba tinitigil nga nila iyong kanilang test ‘pag may nakita sila na medyo hindi maganda, unexplained illness ‘di ba tinitigil nila temporarily and then iimbestigahan and then they will decide kung to continue, kung iyong sakit noon eh hindi naman related to the vaccine. That is also what we do in clinical trial, ini-stop or tinitingnan muna, iniimbestiga ‘pag may nangyari sa pasyente. Hindi iyong basta sige bigay ka lang nang bigay, aba’y pagkatapos mo… Iyon ‘yun eh, you need the expertise, you need the science, you need the data to be able—and right now that more advance vaccine development is the Pfizer with the genetic MRMA ‘di ba at saka iyong isa, Astra – Johnsons and Johnsons. They have already come up with almost 30,000 participants as volunteers. Volunteers iyan ha, hindi iyong binigay mo lang iyong vaccine tapos hindi mo ipa-follow up.

Ang importante sa volunteers napa-follow up sila, nakikita mo weekly kung sila ay nagkakasakit or hindi. Ganiyan ang clinical trial, hindi mo basta i-inject and then papawalan mo na. No way. You do that every week, itsi-check mo iyong pasyente kaya maganda rin na mag-volunteer kasi naaalagaan ka talaga at napuprotektahan ka pa kung effective iyong vaccine ‘di ba. So I will enjoin every frontliner, iyong mga malaki ang risk to really join the volunteer, to be a volunteer sa COVID vaccine. Kami, aalagaan namin kayo.

USEC. IGNACIO:  Last question na lang po from Haydee Sampang: Sang-ayon ba si Dr. Lulu na magtalaga si President Duterte ng vaccine czar?

DR. BRAVO:  Well, hindi natin sasabihing vaccine czar. Puwedeng kumbaga, siyempre mayroong chair, pero a national immunization technical advisory committee can form a whole group of multi-disciplinary scientists and doctors: Mayroon diyang epidemiologist, mayroon diyang pediatrician, mayroon diyang infectious disease, microbiologist, pharmacist, mayroon diyang public health person, mayroon diyang even nurses, mayroon diyang housewife. Parang nakikita mo iyong gamut of mothers na medyo may alam din at nag-train tungkol sa bakuna. Iyong grupong iyon, okay, and this is called NITAG. Iyang grupong iyon are all experts. Pero siyempre may chair iyan, lagi namang may chair, hindi naman puwedeng wala, in fact may structure iyan.

Pero when you make a decision, it is a decision of a whole group of people, not just one person, that is the essence of this.  This is a big decision that is done by real scientists and experts.

USEC. IGNACIO:  Thank you, Dr. Bravo.

SEC. ROQUE:  Ma’am, normally the President watches our press briefing and I have no reason to doubt that he was able to listen to you. But just in case, hindi po niya tayo napanood, If I could ask you to do a video recording, mga five minutes on what you want to propose to the President in view of one vaccine czar and I assure you that it will reach him tonight when we meet. You can send me for video message to the President and we will submit it to him tonight.

DR. BRAVO:  I will do that because for the longest time, in fact, I think as early as 2010, we already proposed this, 2010 actually. We proposed that a NITAG that is really a decent one that will be independent, multi-disciplinary be done so that hindi tayo magpu-put ng blame kung kani-kanino, ‘di ba? Ganoon ang America, ganoon ang Thailand, ganoon ang Singapore. Ang daming mga progresibong country sa bakuna ang mayroong ganiyan, tinatawag na NITAG. Sa Pilipinas, medyo ang sabi nila may immunization committee, pero hindi namin nakikita talaga iyong actual function being done by a NITAG, na independent sila.

SEC. ROQUE:  Thank you. I shall await your video recording just in case the President did not watch us now, but normally po, he does watch. So, thank you very much, Dr. Lulu Bravo. And we hope we can count on your support again. I hope you can appear again before this presidential press briefing. Magandang umaga po, Dr. Lulu Bravo.   

DR. BRAVO:  Thank you very much. Thank you for having me.

SEC. ROQUE:  Bago po tayo pumunta sa Q&A. I have a copy of the DOJ opinion addressed to Atty. Dante A. Gierran. Ang DOJ opinion po says, wala pong impediment na makipagkasundo ang PhilHealth sa PNRC to provide delivery of health services kagaya ng COVID testing. According to the opinion of the DOJ, under Section 6: Service coverage of RA11223, iyong ating batas na isinulong po, Universal Health Care, ay mayroon pong kapangyarihan ang PhilHealth na makikontrata sa kahit sinong healthcare institution, professionals, other person, judicial or natural, regarding delivery po of health services.

Sa second issue naman po, iyong kung pupuwede ba iyong nangyari na nagkaroon ng advance payment sa PhilHealth, ang sabi po ng Secretary of Justice – ng DOJ, “with respect to the advance cash payment of 100 million pesos, the advance cash payments requires approval of the President of the Philippines. It is not clear from the documents submitted to us whether such authority had been obtained. Nonetheless, even if the PHIC failed to get such approval prior to remitting the amount to the PRC, we are of the opinion that such must still be obtained post facto”, So pupuwedeng kunin pa rin po ang approval ng ating Presidente. Ito po iyong pinakaimportante, payment of PRC billings, basahin ko na lang po, baka magkamali kung hindi ko po basahin. As regards your query on whether the PHIC is legally obligated to immediately pay the PRC billings, we regret that we cannot give an opinion on the matter, since there are no facts given on which we can based our opinion particularly on the completeness of the requirements and compliance with accounting and auditing rules and procedures.

So, ang pinag-uusapan po ngayon dapat bang bayaran nang buo or partial ang sabi po ng DOJ, they cannot render an opinion because this is subject to completeness of requirements and in compliance with accounting and auditing rules and procedures. Ano po ang update? Habang wala pa pong kasunduan na magtutuloy ang Philippine Red Cross sa pagbibigay ng COVID-19 ay gumagawa naman po ng hakbang ng DOH, nakikipag-usap po sila ngayon, as we speak now, to eight private labs to assist our OFWs and returning Filipinos dahil hindi naman po pupuwede na maantala ang pag-uwi ng ating mga OFWs and returning Filipinos.

Now, we go to Joyce Balancio, please, for our open forum. Joyce?

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Good afternoon, Secretary Roque. Is the President still in Davao City, where he is monitoring ito nga pong effects ng Typhoon Quinta? And what are his orders for our calamity response?

SEC. ROQUE:  Well, yes, he is Davao. We will not be able to join the President because the airport of Davao was closed to all incoming flights. We will proceed to our meeting with him via zoom at inaasahan pa rin po na magri-report ang miyembro ng Gabinete lalung-lalo na po dito sa quarantine classifications. Well, binasa ko na po kanina kung ano po iyong naging guidelines ng NDRRMC sa lahat ng lokal na pamahalaan. Mag-preposition na ng relief goods, magkaroon na ng evacuation centers kung saan susundin ang minimum health standards kagaya ng pagsuot ng mask at ng face shields at mayroon din pong reminder ang NDRRMC sa lahat ng lokal na pamahalaan, lahat po ng magsisintomas kinakailangan i-isolate po sa mga evacuation centers. Pero hindi po kinakailangang i-test ng PCR.                

JOYCE BALANCIO/DZMM:  All right, so puwede po nating ma-expect later si Pangulong Duterte would be announcing the new quarantine classifications for November?

SEC. ROQUE:   Yes. In fact, I can confirm that at 10am today, the IATF started their meeting, baka hindi pa po natatapos ngayon. Pero in the meeting, a recommendation was made already by the technical working group that normally does the recommendations to the President on the quarantine classifications.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  All right, sir. Sir, ang Presidential Anti-Corruption Commission   said that they have submitted to the President the list of lawmakers who are allegedly involved in the corruption inside the DPWH. But the PACC said they will leave it to the President if he wants to name these lawmakers in public. Is the President willing or is he planning to name these lawmakers?

SEC. ROQUE:  Iwan na po natin iyang desisyon na iyan kay Presidente. Sa aking pagkakaalam, wala pa pong nasusumite ang PACC kay Presidente as of now.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Follow up doon sa opinion ng Department of Justice, kasi dalawang lawyers from PhilHealth reported to PhilHealth Board na ito nga daw pong memorandum of agreement between PhilHealth and the Philippine Red Cross was highly irregular and it provided preferential treatment allegedly to the Philippine Red Cross at hindi  daw po mandated ang PhilHealth to pay for COVID-19 testing and the giving of advance payment to PRC ay illegal disbursement and malversation of public funds. So, how do this affect the payment of PhilHealth to Red Cross or iyong DOJ opinion na rin po ba ang susundin mismo ng PhilHealth?

SEC. ROQUE:   Well, PhilHealth as member of the executive branch of government should legally heed the opinion of the DOJ. Subject to the caveat, of course, that the courts can say with definiteness whether or not there would be criminal responsibility, because that is a judicial function already. But I think the men and women of the PhilHealth Board can already be accorded the defense of good faith because they waited for a legal opinion for the DOJ, and the DOJ said there is no infirmity when they entered into the MOA. But ang DOJ po said they cannot issue an opinion whether or not it should be paid, because it should be subject to completeness of requirements and of course subject to existing accounting and COA rules.

USEC. IGNACIO:  Question from Kris Jose of Remate/ Remate online: Reaksiyon ninyo po sa naging apela ni Senior Citizen Partylist Representative Ompong Ordanes kay Pangulong Rodrigo Duterte na isama ang senior citizen na may edad na hanggang 70 years old sa listahan ng mga maaaring payagang lumabas ng bahay? Nakakaalarma na raw kasi na tatlo mula sa 1o matatandaang Pilipino ang dumaranas ngayon ng depression. Sa tingin po ninyo mapagbibigyan ng pamahalaan ang kahilingan ni Congressman Ordanes na sa Disyembre payagan nang makalabas ang mga senior citizens na ang edad ay hanggang 70?

SEC. ROQUE: Well, noong minsan po prinisent [presented] ko dito iyong datos doon sa clinical fatality rate ‘no, at lumalabas po talaga na napakataas po talaga ng fatality rate mula po sa mga 66 hanggang 80. Sila po talaga iyong namamatay dahil sa COVID-19.

So para rin po ito sa kabutihan ng mga senior citizens na puwede naman po silang lumabas para kumuha ng essentials at para magtrabaho kung sila ay nagtatrabaho pero as a matter of general rule, kinakailangan po ay homeliners muna po sila; although sa Boracay puwede silang magpunta kasi wala pong age restriction ang pagpunta ng Boracay.

USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: May suggestion po si Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa Malacañang na magtalaga ng vaccine czar para matiyak daw na mababakunahan ang 110 milyong Pilipino sa oras na maging available ang COVID-19 vaccine. Sinabi pa ni Senator Recto na ang vaccine czar daw ang makakalutas ng importation to injection challenges lalo pa ang mga mayayaman na bansa na nag-finance ng development ng COVID-19 vaccines ang unang makakakuha ng supply. Sino sa tingin ninyo po ang karapat-dapat na maging vaccine czar?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po, the suggestion is very well-taken. In fact, two months ago, I recall na si Presidente ay may itinalagang vaccine czar. Kaya nga lang po, iyong natalagang vaccine czar is hesitant when I asked him if I could remind the public that he has been designated as vaccine czar kasi baka hindi na raw po naalala ni Presidente. So he would like to wait for the President to make the announcement anew.

Pero malinaw po iyan, iyong vaccine czar, as Senator Recto said, is to make sure na mayroon tayong capability to import and distribute ‘no, including provisions for cold storage. Pero as far as iyong regulatory approval naman for the use of vaccine, si Dr. Lulu Bravo just recommended that it be left to a body para hindi lang isang tao ang nagdidesisyon.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you. Punta naman tayo kay Trish Terada/CNN Philippines.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Good afternoon, Secretary. Sir, related question po doon sa vaccine czar. Kasi nga po nabanggit po ni Senator Recto na iyon nga, may provision sana for the logistics katulad po nitong cold storage. Mabilis lang, sir, ‘no: Tama po ba, na simulan na po itong pag-aayos for cold storage kagaya ng nabanggit ninyo before?

SEC. ROQUE: Opo, the ball is rolling. Ang DOH naman po may sapat na kakayahan at track record sa pagdi-distribute ng mga bakuna. Pero siyempre po, in the next briefings in fact, it’s our intention to present someone from the private sector to discuss the logistics of importation of vaccine that requires subzero storage.

So lahat po iyan ay in process now as we speak dahil naman po natin anytime, at least one company in China will be given the counterpart of an FDA approval.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Secretary, on another topic. Doon naman po sa isyu ng red tagging. Sir, considering na iniisip po ng mga awtoridad iyong kapakanan ng personalities o individuals na maiwas sila sa pag-take advantage nung mga kinu-consider ng pamahalaan na kalaban. Does Malacañang support the behavior of law enforcement authorities to call them out publicly? Kailangan po ba talaga i-name itong mga personalities or ipahayag itong mensahe nila publicly? Hindi po ba puwedeng gawin ito privately na hindi sila nari-red tag?

SEC. ROQUE:  The President has spoken through Secretary Delfin Lorenzana when he warned both police and military authorities to be very careful in red tagging. In fact, ang suggestion nga ni Secretary Lorenzana is no need to publicized kung sino ang mga suspected communists; just do their job without publicity. Keep quiet, iyan po ang polisiya na sinabi ni Secretary Lorenzana which he made for and in behalf of the President.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Kumbaga sir, the Malacañang understands iyong concern ng mga ordinaryong mamamayan that somehow it would create a chilling effect among everyone else kung patuloy pong gagawin ito publicly?

SEC. ROQUE: Ang sabi po ni Secretary Lorenzana ay huwag kayong mag-red tagging kung wala kayong sapat na ebidensiya at manahimik na lang. Kung mayroon kayong pinaghihinalaan, proceed with your surveillance; and if you have evidence, then file the appropriate criminal complaint.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  Salamat po, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you, Trish. Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Secretary, question from Rosalie Coz of UNTV: Ano po ang IATF policy regarding sa paglikas kapag ganitong may bagyo at may kalamidad na kasabay ng pandemya sa mga taong pupunta po sa evacuation centers? Sasailalim ba muna sa antigen testing bago papasukin or may nakabukod na facility para sa mga taong suspected na may COVID-19?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po, the IATF cannot decide for NDRRMC officers and officials on the ground. They know what is best on the ground as of now.

So ang guidelines lang po na inisyu ng NDRRMC includes, kinakailangan mayroong preemptive evacuation; kinakailangan mayroong mask, shields at saka physical distancing sa mga taong nasa evacuation centers; kinakailangan huwag dadalhin ang mga evacuees sa mga facilities na ginagamit as quarantine sites; kinakailangan ay pre-identified and prepared ang evacuation centers na nasa management ng mga LGUs; at iyon nga pong mga mayroong symptoms no matter how mild should be isolated from the rest of the population who are being evacuated.

USEC. IGNACIO: Iyong second question po ni Rosalie Coz: On distance learning, ano ang plano ng pamahalaan para sa mga kabataang maapektuhan ang home learning bunsod ng kalamidad, walang internet at kuryente, kung worst nawalan po ng tirahan?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po ‘no, modular po tayo. Hindi po tayo principally internet based ‘no; we are modular. So ang importante po, ang mga magulang habang may bagyo, siguraduhin ninyo po na kung pupuwedeng mag-aral ang mga bata ay pag-aralan iyong binigay na modules.

Tapos mayroon pong order ang ating Secretary of Education na lahat po ng mga dibisyon ay mag-coordinate with each other. Kinakailangan mag-provide din ng psycho-social counselling sa mga estudyante. Nananawagan tayo sa DICT na i-monitor po ang performance ng ating internet providers.

At sa ngayon po naman, tuloy ang learning dahil modular naman po ang ating piniling mode of alternative learning sa mga panahon ng pandemya.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Usec. Melo Acuña, please.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Magandang tanghali po, Secretary. I hope you enjoyed your Sunday. Maganda iyong event ninyo kahapon.

SEC. ROQUE: [Laughs] Inggit ka, Melo ‘no. [Laughs]

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Mayroon po akong liham na natanggap mula kay Gilbert Buenaventura ng Philippine Dragon Boat Alliance. Ang kaniyang request ay ganito: Kung napayagan na raw po iyong basketball at iyong sabong, baka raw pupuwede na silang payagan sa kanilang pag-eehersisyo at pagsasanay sa dragon boat. Ano po kaya ang inyong maimumungkahi?

SEC. ROQUE: Alam mo, I’m one of the supporters of the Philippine Dragon Boat Team ‘no. So ang advice ko po sa kanila, sumulat sila formally sa IATF at aaktuhan naman ito. Iri-refer ito sa TWG at magkakaroon naman po sila ng desisyon.

Ang pagkakaiba kasi sa basketball, iyong mga naaprubahan natin ay nasa ano sila, nasa bubble. Iyong pupunta sila sa facility na walang ibang papasok, walang lalabas, so nasa bubble sila. Pero kung exercise ang pinag-uusapan, baka naman po mapayagan iyan. But I advise them, sumulat po kayo sa IATF.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Maraming salamat po. Dito po sa naganap na bagyong si Quinta, may napuna na po ba kayo na iyong mga lumikas sa mga evacuation centers ay may sintomas ng COVID-19?

SEC. ROQUE: Well, wala pa po kaming report na nakukuha bagama’t ang guidelines nga po is kahit mild ang symnptoms, i-separate na natin sila ‘no sa evacuation centers. In other words, mayroong dapat isolation facilities sa mga evacuation centers.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Maiba po ako, ito po iyong aking huling concern for the day: May liham po iyong embahada ng Brazil sa Department of Foreign Affairs, copy furnished ang Department of Agriculture. May kinalaman po ito doon sa pagbabawal ng pagpasok ng manok mula sa Brazil at tila, kung hindi ako nagkakamali, mayroong … hindi naman pagbabanta pero mungkahi na baka sakaling makarating sa WTO ang kanilang agam-agam. Ano po kaya ang inyong masasabi rito?

SEC. ROQUE: Sa ngayon po, wala akong nalalaman sa isyung iyan. Hindi ko po alam ang tungkol sa liham na iyan so ipagbibigay-alam ko po sa Department of Agriculture. At iyong kanilang banta naman po sa             WTO, bring it on. We have proven competence po pagdating sa WTO litigations.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Salamat po. Thank you.

SEC. ROQUE: Thank you. Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, question from Rose Novenario of Hataw: Una niyang tanong, tama po ba ang naging desisyon ni Education Secretary Leonor Briones na ginawang prayoridad ang pagbili ng 254 units na Mitsubishi pick-ups sa halagang 1.4 million pesos bawat isa sa panahon ng pandemya?

SEC. ROQUE:    Alam mo, Rose, uulitin ko iyong mga nasabi ko na tungkol din sa white sand/dolomite sa Manila Bay. Lahat po ng napo-procure sa taong itong eh matagal na po iyong nasa drawing board. Itong pagbili po ng transportasyon ng DepEd, 2016 pa po iyan na-identify na pangangailangan ng DepEd at ngayon lang po iyan nabili nga ano pero iyan po ay included sa 2019 budget.

So, hindi po iyan denisisyunan sa panahon ng pandemya. Bago pa po dumating ang pandemya eh naaprubahan na po iyang budget na iyan at itong mga sasakyan naman po ay ginagamit po para sa mga DepEd engineers na gumagawa ng classrooms, iyong disaster inspection, module distribution at saka ginagamit din po iyan ng field offices at saka ng mga iba pang mga opisyales ng DepEd na importanteng makaikot sa panahon ng pandemya.

USEC. IGNACIO:   Ang second question niya, Secretary: Ilan buwan na lang ay matatapos na ang termino ng Administrasyong Duterte pero hindi pa rin nababayaran ang mga benepisyo ng mga obrero ng state-run broadcast networks kagaya ng IBC 13 at PTV 4; hindi natutupad ang wage hike alinsunod sa kanilang collective bargaining agreement (CBA). Ano ang gagawin ng Palasyo para aksiyunan ito ni PCOO Secretary Martin Andanar?

SEC. ROQUE:    Siguro, Usec. Rocky, as USec. of PCOO, you’ll be in a better position to answer that.

USEC. IGNACIO:   Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE:    Thank you po. Joseph Morong please of GMA.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   The President is in Davao, since when and why is he in Davao? And then sir, iyong sinabi ninyo po na hindi na siya makahintay ng Abril and he wants to be vaccinated next week. Can we get the context of when and why did he say this?

SEC. ROQUE:    Well, it’s generally an expression of frustration, like the rest of the country ‘no na hindi na siya makahintay hanggang Abril kasi that was when Secretary Duque said that the vaccine would be late available ano. Pero ang sabi naman ni Secretary Duque which the President agreed ‘no, hintayin po natin ang FDA approval.

In other words, kung totoo as Ambassador Chito said, kasi the context was, we were discussing the possible approval in China of a first vaccine which even without approval is being used on the military and the frontliners in China. Iyon nga po iyong sinasabi ni Doctor Lulu Bravo na emergency use. So, ang tanong was, “Puwede na ba ako?” So, ang sabi naman ni Secretary Duque and the President agreed, hintayin naman po natin ang FDA approval. It’s for your safety at pumayag naman po ang Presidente na maghintay ng FDA approval.

Pero according nga to Doctor Lulu Bravo and you know, that’s why I invited her today, kapag mayroong Chinese approval hindi naman indispensable na mag-clinical trials muli sa Pilipinas, ang importante magkaroon ng literature review para masigurado na ligtas talaga iyong bakunang iyon. So, we don’t really have to wait for a clinical trial kung mayroon nang FDA approval ang isang vaccine. Ngayon po kasi lahat nagki-clinical trial kasi wala pang naiisyuhan ng kahit anong FDA approval anywhere in the world.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Sir, si Presidente, why is he in Davao and since when?

SEC. ROQUE:    Because he is in Manila for three weeks already. So, parang may pattern naman ngayon ‘no na three weeks in Manila, one week in Davao.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Okay, okay. Sir, iyon pong sa PhilHealth, short question. Mukhang hindi magkakabayaran based on what DOJ said, hindi magbabayad [indistinct]?

SEC. ROQUE: As we speak po, the DOH is in consultation with eight private labs with equivalent capacity to the testing being done by Philippine Red Cross and they were all assured by PhilHealth: Number one, the funds are there kinakailangan lang siyempre mag-require sa requirements at sumunod sa accounting procedures kasama na po iyong pricing range depending on kung donated ang machines at donated ang testing kits.

As we speak now, DOH is meeting with these eight private laboratories with combined testing capacity, equivalent to the testing being conducted by the Red Cross, para nga po hindi maantala ang pag-uwi ng ating mga kababayan.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Okay, sir, procedure first. Para doon sa mga OFW na uuwi at pagdating nila sa airport, sino ang magti-test sa kanila? Explain to us the procedure and magkano iyong dapat nilang binabayaran? And then related, because the DOH is already talking to eight (8) private labs, ibig bang sabihin niyan, sir, hindi muna babayaran iyong Red Cross for a little while? 

SEC. ROQUE:    First question mo ‘no, pare-pareho lang naman nagsa-swab diyan eh. Ang nagsa-swab naman diyan Coast Guard at saka Bureau of Fire personnel, ang issue lang, saan dadalhing laboratoryo. Ngayon po, dinadala natin iyan sa mga government laboratories kagaya ng Lingad diyan po sa Pampanga dahil malaki rin ang kapasidad nila at mayroon ding mga government labs na nagti-test diyan – RITM, PGH. So, marami naman po, hindi dahilan para tuluyang matigil ang testing ng mga OFWs dahil tumigil ang testing ng Red Cross.

Mababayaran sila o hindi? Well, sabi nga po ng DOJ opinion, this is subject to and I quote again, “completeness of the requirements and compliance with accounting and auditing rules and procedures.” There’s no other way out, Joseph, you really have to comply with accounting rules and auditing rules and procedures.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Okay. So sir, talagang maghihimay muna ng books. Sir, magkano dapat ang babayaran ng mga OFWs sa airport because there are reports na para mapabilis iyong swab test results magbabayad sila ng 20,000? Sir, what are we doing to prevent that if it’s happening?

SEC. ROQUE:    Wala po iyan, libre po! Libre po ang mga OFWs. Joseph, libre ang mga OFWs, ang magbabayad po niyan OWWA. Kaya naman iyan po ang assurance natin sa mga private labs. Huwag po kayong mag-alala, hindi po kayo mapi-PRC dahil subject naman talaga po for reimbursement ng PhilHealth ang test to be given to OFWs, at lahat naman po ng mga private labs providers know how they can collect from PhilHealth.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Sir, sa vaccine na lang. Sino po iyong in-charge sa paghahanap o pag-establish ng cold chain storage facility, negotiations with other governments for potential vaccine source and then the funding? Because there are at least three components of the vaccine strategy, kung halimbawa mayroon tayo niyan? And tama ba, sir, that Malacañang will appoint a vaccine czar or enough na iyong NTF-IATF?

SEC. ROQUE:    Number one financing has long been in place, so, tapos na ang usapin na iyan. Pagdating po doon sa cold storage, siyempre po DOH pa rin ang mayroong lead po diyan kasi sila rin iyong mag-a-accredit ng mga cold storage facilities, bagama’t nagkakaroon po ng consultations with PITC at saka with other governments pursuant to the one nation approach.

And number three, the concept of a vaccine czar na tututok doon sa importation at saka doon sa logistics has been discussed. In fact, two months ago, the President designated one, kaya lang ayaw magpa-announce noong taong iyon until the President reiterates na na-designate nga siya.

Pang-apat po, it’s a whole nation approach po. Ang mga ambassadors natin in the different countries that are developing vaccines are proactive in ensuring and negotiating with the companies that we will have a just share of the vaccine once developed.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   All right, sir. Thank you for your time, sir.

SEC. ROQUE:    Thank you, Joseph. Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO:   Question from Sam Medenilla: Is there an existing price freeze on some basic goods after President Duterte decided to extend the State of the National Calamity up to next year? If there is no longer any price freeze, is the government considering implementing it again while the State of National Calamity is still in effect?

SEC. ROQUE:   Alam ninyo po, mayroong maximum kasi na period when we can impose price freeze which is sixty days upon declaration of calamity, emergency, and other circumstances. Hindi naman po pupuwede na i-impose ito paulit-ulit maski na-extend na iyong declaration of State of Emergency noong Setyembre for another six months. For the time being po na napaso na iyong price freeze, mayroon po tayong suggested retail price na ipinatutupad by way of price ceiling. Ito po ay mino-monitor ng DTI at ang mga lalabag mayroon din pong ipapataw na kaparusahan.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po niya: After po ma-disclose na po na ang DOJ ng position po regarding po sa loan payment for Philippine Red Cross, may timeline na po kaya ang government kung kailan mababayaran ang first half ng nasabing utang at saan din po kukunin ang pambayad sa nasabing utang?

SEC. ROQUE: In fairness po to PhilHealth and this was in fact relayed to be by no less than Executive Secretary Medialdea, we’re willing to pay 50% right now. Ang pagkakaintindi ko po ayaw pumayag ng PNRC until it is full payment. But if they accept 50% right now, ibabayad po sa kanila 50% pero siyempre po dapat ituloy naman ang testing. 

USEC. IGNACIO: Okay. Ang third question po niya: Kinu-consider po kaya ni President Duterte ang proposal to create a task force to investigate rice smuggling? If yes, which agency po ang magli-lead ng task force? 

SEC. ROQUE: Hindi ko pa po alam kung magki-create siya ng task force kasi pagdating po sa rice smuggling nagkaroon na tayo ng liberalization so that’s a big discouragement for those who will smuggle kasi legal na po ang pagpasok ng bigas.

Dati-rati po na kinakailangan may authorization for importation coming from NFA, napakataas po noong temtasyon ‘no kasi napakahirap po noong proseso. Pero ngayong it’s been liberalized, I think hindi na po masyado problema ang smuggling ng bigas dahil mayroon na pong taripa na babayaran at ang taripa naman po pupunta rin sa ating mga magsasaka.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you. We’d like to welcome for the first time MJ Blancaflor of Daily Tribune, please.

MJ BLANCAFLOR/DAILY TRIBUNE:  Good afternoon po. Sir, my question po is about the PBA bubble because a basketball player tested positive for COVID-19 inside the bubble. So my question sir is: Will the IATF probe a possible violation or breach of protocols inside the PBA bubble po?

SEC. ROQUE: This has been addressed by both the PBA and the BCDA ‘no. In isolation po iyong nag-develop ng coronavirus at saka in isolation din po iyong those with close contact ‘no. Pero the bubble is still intact po, it just so happened ‘no pero manageable naman po ang situation because of the existing bubble so tuloy pa rin po iyan.

MJ BLANCAFLOR/DAILY TRIBUNE:  So a probe is no longer needed, Secretary?

SEC. ROQUE: Hindi na po dahil sila po’y nag-contact tracing at ilan lang naman po sila diyan so madali ang contact tracing.

MJ BLANCAFLOR/DAILY TRIBUNE:  Okay po. Follow up ko lang po iyong question. How will the government address ito nga pong reports that some of Filipinos upon their arrival at the airports are being charged for COVID-19 test which are supposedly free. Ano pong hakbang ang gagawin natin dito to address this matter?

SEC. ROQUE: Linawin ko po ah, ang libre po iyong mga OFWs. Iyong mga miyembro po ng PhilHealth, siyempre po PhilHealth ang dapat magbayad diyan ‘no dahil that’s part of their benefits under PhilHealth kung kasali po sila sa expanded guidelines ng COVID testing ‘no. So ang mga pribadong indibiduwal po na hindi magbabayad dahil hindi pa sila covered ng expanded PhilHealth coverage ng COVID testing, sila lang po iyong magbabayad. Pero kung mga OFWs po, libre po sila.

MJ BLANCAFLOR/DAILY TRIBUNE:  Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you MJ and welcome. Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, last question na ‘to from Tuesday Niu: Halos one week na lang po at magri-retire na si PNP Chief General Cascolan sa November 3. Mayroon na po bang napili si Pangulong Duterte na ipapalit sa kaniya bilang susunod na PNP Chief o ii-extend ng Pangulo ang kaniyang termino?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam. One week is still one week, antayin po natin ang desisyon ng Presidente. Okay?

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: So kung wala na pong katanungan, unang-una salamat po kay Dr. Lulu Bravo. Maraming salamat sa lahat ng men and women comprising the Malacañang Press Corps. Thank you very much, Usec. Rocky. And thank you very much to the Filipino nation for continuing to patronize our press briefing on at least 3 times a week ‘no.

So sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte na magsasalita at mag-uulat muli sa taumbayan mamayang gabi, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabi – Pilipinas, konting tulog na lang nandiyan na ang bakuna and we will heal as one. Magandang hapon po sa inyong lahat.

 

###

             

            

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)