Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque with National Task Force on COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez; Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año; Acting National Economic and Development Authority Karl Kendrick Chua and Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire


USEC. IGNACIO: Kaugnay pa rin po ng paghahatid serbisyo at impormasyon sa inyong lahat, kasama na po natin si Presidential Spokesperson Harry Roque.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Usec. Rocky. At magandang tanghali buong Pilipinas. Kanina po ay napanood na po natin ang anunsiyo ng ating Presidente na naaprubahan na niya ang rekomendasyon ng IATF para sa pagpapatuloy ng ECQ sa ilang mga lugar sa buong bansa at ang pagpapatupad ng tinatawag na GCQ effective po May 1.

Uulitin ko po ha, bagama’t may mga areas ngayon na sinabi na mapapasailalim sa GCQ, ang effectivity po ng GCQ ay Mayo a-uno. Sa ngayon po, lahat po tayo ay nasa ilalim ng ECQ.

Kasama ko rin po ngayon para magbigay eksplanasyon pa sa detalye ng inanunsiyo ng ating Presidente ay wala pong iba kung hindi ang Chairperson at Chief Implementer ng ECQ, si General Carlito Galvez; ang Kalihim po ng Department of Interior and Local Government, si Secretary Eduardo Año – welcome, classmate. And ang Undersecretary at Tagapagsalita po ng Department of Health, si Dr. Rosario Vergeire – welcome, Usec. Vergeire.

Sisimulan ko lang po siguro by presenting po—at kasama rin po natin via Skype ay walang iba po kundi ang ating Secretary ng NEDA, si Secretary Karl Chua.

Simulan ko lang po sa pagpipresenta ng presentation ng IATF na prinisenta po sa Presidente kahapon.

Unang-una po, ang desisyon ng IATF ay binase po sa ilang mga factors at ito po ay sang-ayon sa acceleration, sang-ayon sa deceleration and initiation, recognition and preparation. Mamaya po, siguro po ang ating mga Kalihim ang magpapaliwanag kung anong ibig sabihin nitong graph na ito. Pero itong graph pong ito ay mayroong indication na critical care utilization up to 30% between to 70 and in excess of 70%. At saka mayroon din pong provision dito sa LGU Epidemic Response Framework, iyong quick case doubling time, under 30 days, 7 to 30 days at in excess of 70 days. At mayroong mga red, mayroong yellow, mayroong orange at may green – ipapaliwanag po siguro iyan ng ating mga Kalihim mamaya.

At ang mga rekomendasyon po: Ang unang rekomendasyon, magkaroon ng minimum health standard na i-implement po starting April 27. Ito po’y applicable sa lahat po ng types ng ECQ. Ang guidelines po ay matatapos by April 25, 2020. Ang mga ahensiya po na gagawa ng ganitong guidelines, ang DOH po magiging lead agency para po sa mga ospital, sa testing at hygiene; ang DOTr po para sa public transportation; ang DTI po para sa mga employers; ang DOLE para sa mga manggagawa; at ang DPWH para po sa infrastructure and construction.

Ang desisyon po para sa Mayo a-uno, uulitin ko po, ito po’y epektibo sa Mayo a-uno dahil ngayon po tayo po lahat ay nasa ECQ sa buong Luzon.

Ang rekomendasyon: Maintain iyong current ECQ sa NCR, Region IV, Region IV-A and iba pang mga lugar na mataas po ang risk hanggang Mayo a-kinse at to evaluate further, pagkatapos po ng May 15. Mayroon pong mga lugar na nasa kulay orange, ibig sabihin po niyan ay pag-aaralan pa po kung anong mangyayari sa ECQ sa mga lugar na ito.

Tapos iyong mayroon po tayong mga recommendation na magshi-shift na to GCQ na tinatawag. GCQ po is General Community Quarantine for moderate and low-risk provinces and then Relaxed GCQ for low-risk provinces by May 16 if no deterioration in condition.

So nabanggit ko na po kanina iyong mga areas kung saan magpapatuloy po ang ECQ pagdating ng Mayo a-uno, kasama po dito ang NCR; ang Benguet po at kasama po dito ang Baguio City na pupuwede namang magbago by April 30; ang Pangasinan ganoon din po, pupuwedeng magbago by April 30; ang mga probinsiya ng Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales – sa Tarlac at Zambales puwede rin pong magbago by April 30; ang mga probinsya ng Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Quezon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Albay, Catanduanes; ang Antique at Iloilo po ay for rechecking; ang Aklan at Capiz, bagama’t moderate po ang classification nila eh kasama pa rin sa lugar na mapapasailalim sa ECQ, at mamaya po siguro si Usec. Vergeire mag-e-explain kung bakit; ang Cebu at ang Cebu City po is kasama rin pero this is subject for rechecking.

At sa Mindanao naman po, Davao Del Norte, Davao City ay nirekomenda at inaprubahan ng Presidente na mapasailalim pa sa ECQ hanggang May 15. Ang Davao De Oro kasama rin po bagama’t this is subject to rechecking. Lahat po ng mga ibang probinsya ay either classified as low, moderate or moderate.

Lahat po ng hindi ko binasa ay mapapasailalim po sa GCQ or General Community Quarantine.

Ang mga rekomendasyon po para doon sa mga GCQ areas, uulitin ko po, epektibo lang po ito pagdating ng Mayo a-uno: Pupuwede nang magtrabaho ang mga manggagawa sa Sector 1, 2 and 3. I-explain po ni Secretary Año siguro kung ano iyong Category 1, 2 at 3 at saka ni Secretary Chua. Iyong mga bata po, 0 to 20 at saka iyong mga matatanda, 60 and up ay kinakailangan pa ring manatili sa kanilang mga tahanan. Puwede pong magbukas ang mall pero limited po ang operasyon. Mamaya po babanggitin ko kung ano lang iyong mga pupuwedeng mag-operate sa mga malls doon sa mga areas na mapapasailalim sa GCQ effective May 1. Ia-allow na po ang mga priority and essential construction projects pero dito lang po ito ha sa mga GCQ area. Allow non-workers to go out to buy goods and services except those pertaining to Sector Category 4 leisure and kids. Allow some public transport modes to operate at reduced capacity. LGU to enforce curfew at night for non-workers.

Now for GCQ areas, consider prioritizing the SAP cash subsidy towards ECQ areas. Ito po’y lilinawin ni Kalihim Año ‘no. For GCQ areas, consider allowing the higher educational institutions school year to finish and give credentials to students. For ECQ and GCQ areas, open all airports and seaports for movement of goods only, wala pa rin pong commercial flights.

Sa mga areas na mapapasailalim sa GCQ, uulitin ko po, epektibo lang ito sa Mayo a-uno at para lang doon sa mga lugar na hindi na po mapapasailalim sa ECQ, pupuwede na pong magbukas hanggang 100% ang ilang industriya kasama na ang agrikultura, fishery and forestry, food manufacturing and its entire supply chain including ink, packaging, raw materials; ang food retail, supermarket, market, restaurants for takeout and delivery; healthcare, hospitals, clinics and drugstores; logistics, water, energy, internet, telecoms at media.

May mga industriya rin po na pupuwede na magbukas na hanggang 50 to 100 percent, ito po ang other manufacturing gaya ng electronics and exports, e-commerce and delivery for essential and non-essential items, repair and maintenance services, housing and office services.

May mga industriya na bubuksan po sa mga moderate to low-risk areas pero kinakailangan ikonsidera po na 50% on site and 50% work-from-home. Kasama po rito ang financial services, BPO, other non-leisure, wholesale and retail trade, other non-leisure services.

Tapos consider for 100% closure, sarado pa rin po bagama’t nasa ilalim na ng GCQ ang mga eskuwelahan. Ang rekomendasyon po na inaprubahan naman ng Presidente eh magbukas ang ating mga klase ng Setyembre, pinakamaaga na po iyon except sa mga online learning.

Iyong mga leisure amusement and gaming fitness, sarado pa rin po iyan; iyong kid industry, ang turismo po sarado pa rin, all gatherings including religious conferences; ang mga malls, limited po ang opening niyan at iisa-isahin po natin kung anong pupuwedeng mag-operate sa mga malls. Ang construction, limited din po iyan.

Ito po iyong mga pupuwedeng magbukas ng mga malls sa mga GCQ area effective May 1 – paulit-ulit ko pong sinasabi, effective lang po ang mga GCQs – May 1: Supermarkets, drugstores, banks, laundry service, restaurants for takeout and delivery only – hindi pa rin po pupuwedeng mag-dine-in – hardware.

At ang mga papapasukin lang po sa mga malls ay mga edad between 21 to 59 na kinakailangan may ID at kinakailangan po hindi mukhang may sakit. Mandatory po ang temperature check; mandatory po ang pagsusuot ng mask; mandatory po ang alcohol use; at ililimita po ang mga numero ng tao sa loob ng mall. Bawal rin po ang tumambay. Ang aircon po ay dapat nasa 26 degrees at aalisin po ang free WiFi para wala ngang tatambay sa mga malls. Tapos, ang mall operations po ay kinakailangan iyong mga mall operators ay magbigay po ng mask and gloves sa kanilang mga empleyado.

Now, siguro po ngayon ay tatawagin ko na iyong aking mga kasama sa Gabinete. Sisimulan po natin kay Secretary Galvez—o hindi. Si Secretary—Okay, I think ang consensus ng aking mga kasama, gusto nilang magsimula kay Undersecretary Vergeire. Ma’am, ibabalik ko muna siguro, ako na ang unang magtatanong.

Ang unang-unang rekomendasyon po kasi is to approve minimum health standard and implement it starting April 27, 2020, this applies to all hospitals of ECQ. Guidelines should be ready by April 25. Ano pong ibig sabihin nitong minimum health standard? At ano po iyong mga standards na pangungunahan ng DOH?

USEC. VERGEIRE: Yes, sir. Katulad po nung pinag-usapan sa Inter-Agency Task Force, magkakaroon po tayo ng standards o pamantayan para masabi natin na we can lift or we can have General Community Quarantine in other areas and the Enhanced here in some areas.

Pero ito pong mga pamantayan na ito ay mga health standards po katulad po nung sa hygiene na lagi nating sinasabi na magkakaroon na tayo ng new normal, na sinasabi natin na dapat ma-imbibe na lahat ng mga tao na kasama na po ito sa pang-araw-araw na natin na buhay, na gagawin na po natin iyong physical distancing, palagiang paghugas ng kamay, mayroon tayong cough etiquette and maging resilient po ang body natin – kailangan malakas.

Pangalawa po, iyon pong testing. We should be able to reach the target of testing as much people that we can. Based on the targets po, mayroon po tayong target na 8,000 hanggang 11,000 pagdating po ng katapusan ng buwan at mayroon ho tayong target na sinasabi na para ma-achieve natin at makita natin lahat ng kailangan nating ma-detect in this next two months ay iyon pong 28,000 na tests.

And of course, pinapaalala ho namin lagi na hindi lang ho tayo nagte-test, kailangan i-prepare din po natin kung saan natin puwedeng ilagak ang ating mga kababayan kapag sila ay na-test. So, dapat po iyong kapasidad for isolations, especially in local government units would be there.

So, ito po iyong mga pamantayan na gagawan po namin na mga standards para po maibigay itong guidelines na ito kasama po ng mga guidelines ng iba nating ahensiya para kapag nagpatupad na po tayo nitong mga GCQ and ECQ.

SEC. ROQUE: Siguro, ang susunod kong tanong po eh kung paano po nabuo itong rekomendasyon ng IATF? Mayroon po tayong slide dito, iyong decision on ECQ and GCQ based on risk of outbreak. At ang kinukonsidera po rito ay iyong LGU epidemic response framework, iyong case doubling rate at saka iyong critical care utilization rate at mayroon pong iba-ibang kulay. May red, may dark yellow, may light yellow at may green. Sino po ang pupuwedeng mag-explain nitong framework kung paano nabase ng IATF ang desisyon?

Okay, si Secretary Karl Chua joining us by Skype. Sec., paki-explain po itong graph na ito. Ano po ang ibig sabihin ng graph na ito?

SEC. CHUA: Opo. Magandang tanghali po sa lahat – naririnig ninyo po ba ako?

SEC. ROQUE: Opo, naririnig ka namin, Sec.

SEC. CHUA: Ganito po, simple lang po iyong graph. Dalawang basehan po ang ginamit namin para malaman kung ang isang probinsiya na kasama na rin iyong mga siyudad sa loob ng probinsiya ay magiging red, orange, yellow or green.

So, itong dalawang basis namin: Una ay case doubling rate – Gaano kabilis dumoble ang mga kaso ng COVID? Kasi kung mabilis dumoble, ibig sabihin iyong risk of outbreak malaki at dapat bantayan natin; Iyong pangalawang basehan namin ay iyong critical care utilization rate. Ibig sabihin, kung sapat ba iyong kagamitan sa hospital, kung mayroon po tayong ICU, ventilator or isolation?

At itong dalawa ay importante kasi puwedeng kaunti lang iyong kaso sa probinsiya pero wala namang sapat na kagamitan sa hospital na magagamit. Ibig sabihin, iyong may sakit hindi mabibigyan ng care at baka ito ay kumalat.

So, based on this, na-determine po namin base sa data as of kahapon kung ang probinsiya ba ay red, orange, yellow or green. So, kung red po, ang ibig sabihin niyan ay acceleration. Ibig sabihin, lumalala or malala pa rin ang situation either maraming kaso ng COVID o kulang or hindi sapat ang hospital equipment. Kasi like in NCR, medyo puno na po ang ICU natin at pati iyong mga isolation beds.

Kung orange naman or yellow, ito ay deceleration or initiation – Ibig sabihin, hindi pa nag-outbreak or pababa na, galing na sa outbreak.

At iyong pangatlo po, iyong green ay ito iyong recognition and preparation. Puwedeng isa lang iyong kaso or wala at kailangan maghanda.

So, base dito ay ang proposal namin na tinanggap ng ating Pangulo, iyong mga red ay ECQ pa rin extended by two weeks. Kung orange or yellow, puwede na pong pumunta sa GCQ starting May 1 – hindi po starting today – starting May 1.

Pero mayroon po tayong restriction, iyong mga kabataan, iyong mga matatanda ay hindi pupuwedeng lumabas, kasi sila ay maaaring magkasakit or mag-transmit ng virus. At sa sector, mayroong restrictions din tayo. Iyong mga essential lang or iyong mga hindi for leisure. Mamaya puwede kong ipaliwanag iyon. Tapos iyong mga low risk na green, ang suggestion po namin – GCQ muna sila. Pero kung tuloy-tuloy iyong improvement, walang deterioration ay puwede nang mag-relax starting May 16.

So, iyan po ang ibig sabihin ng ating decision-making framework na base sa siyensiya at sa datos.

SEC. ROQUE: Siguro kay Secretary Año. Ano ang ibig sabihin dito sa graph na ito na ito ng LGU epidemic response framework?

SEC. AÑO: Ito iyong in-explain kanina ni Secretary Karl Chua kung saan pinagsama nila iyong case doubling rate at saka iyong pag-responde ng critical care utilization and management ng LGUs. Meaning to say, despite that it’s actually—later on, because this is the new normal, talagang ang ating LGU talaga ang haharap dito kasi mayroon tayong sinasabing kung magkakaroon ng surge or second surge, so dapat ang kailangan ng ating mga LGUs makapag-prepare.

Kaya nga in preparation also in line with the National COVID Task Force, mayroon tayong mga provincial, city, ang municipal task force at sila ay magreresponde katulad ng ginagawa ng National COVID Task Force, sila iyong in-charge sa contact tracing, sa testing, patient management and monitoring, kung sino ang ilalagay sa isolation facilities, sino ang ire-refer sa COVID hospital and even the reintegration. Kailangan pagkatapos gumaling iyong pasyente may psychosocial-ling at i-prepare sila para makabalik sa community, at iyong logistics and resources sa team namin nila, ito naman ang mag-e-ensure na dapat mayroong enough PPEs, mayroong maintenance ng mga isolation facilities at para sa level ng ating LGU ay responsive sila.

SEC. ROQUE: Siguro po si Sec. Galvez. Unang-una po, para maintindihan ng ordinaryong mamamayan kung pag-aaralan nila sa simpleng lengguwahe, ano pong sasabihin nila na naging layman’s explanation, bakit kayo nag-decide for instance na sa Metro Manila ipagpatuloy ang ECQ?

SEC. GALVEZ: Ang nakikita natin sa Metro Manila, ipinagpatuloy pa rin natin iyong ECQ dahil nakita natin sa criteria na nandoon pa rin iyong doubling time at saka acceleration in some other areas. Hindi natin puwede kasing hati-hatiin iyong NCR na kunwari for example, ang Quezon City is mataas, ang Manila—kailangan po isama-sama sila na as a region considering that contiguous iyong mga areas at saka nakita natin na ang Metro Manila talaga is a tinatawag nating dense populated areas – very critical.

And then also, ang ano po natin, tinitingnan din po natin iyong capacity natin na mag-testing at the same time, iyong ating capability to have iyong tinatawag nating quarantine areas. In terms of basic parameters, iyong minimum health standard, nakikita namin nagko-cope naman iyong Metro Manila but I believe iyong nakikita natin kasi iyong case, ang epicenter talaga ng COVID-19 is nandito sa Metro Manila.

But I hope that the trend will improve in the near future. That’s why we are trying to ramp up iyong testing and also iyong mga capacity natin sa quarantine areas, so that we can improve the cases in Metro manila.

So, sa simpleng ano po natin, titingnan po natin talaga iyong dynamics ng outbreak, kung talagang nakita na talagang marami iyong ano, nakita natin sa NCR na napakataas ng level ng affectation and at the same time nakita natin na napakabilis ng pag doubling time niya.

So, iyon ang simpleng explanation na iyong mga areas na talagang nakikita natin, nakita natin iyong Region IV, Region III at saka NCR, sila po ang pinakamataas ang level ng affectation. So, kailangan pa po natin na ma-control through the maintenance of the ECQ.

SEC. ROQUE: Tama ba ho ako, kung sasabihin natin na ang desisyon na manatili ang ECQ sa mga areas gaya ng Metro Manila ay naka-base po doon sa bilis ng pagkalat at doon sa abilidad ng ating health sector na magbigay ng serbisyong medikal para doon sa mga magkakasakit? Tama po bang conclusion iyan?

SEC. GALVEZ: Opo, iyon po ang dalawang main consideration po talaga. Iyong tinatawag natin new cases at the same time iyong rate of death at saka iyong capacity ng mga ospital natin to cope with the increasing cases of COVID.

SEC. ROQUE: Now, Usec. Vergeire, para malinaw lang: Ano po uli itong critical care utilization rate? Ano iyong mga dapat paghandaan natin para maging GCQ na rin iyong mga nasa ECQ? In other words, hanggang Mayo 15, ano iyong dapat nating buksan o i-procure at magkaroon bago tayo magkaroon ng kumpiyansa na makakapagbigay tayo ng serbisyong medikal sa mga puwedeng magkasakit?

USEC. VERGEIRE: Yes, sir. Ang critical care utilization rate po is a proxy indicator o ito po ay nagrerepresenta ng kakayanan po at kapasidad ng ating health system para maka-cope po tayo dito po sa ating sitwasyon sa COVID.

So what would be the components of this critical utilization rate? Unang-una po siyempre iyong ating mga beds sa ating mga ospital ngayon, kung tayo ay makaka-accommodate with this much number of people na sinasabi natin sa estimates natin.

Pangalawa, siyempre kapag sinabi nating critical care, iyan po bang mga pasilidad natin mayroon po ba tayong number of ICU beds which can accommodate this estimated number of cases that would be critical in this certain time. Pangalawa, mayroon po ba tayong mga equipments na importante katulad po ng mga ventilators, mga by pump machines. And of course, pangatlo po, kung mayroon po tayong mga gamot na sinasabi nating puwede nating gamitin para sa COVID like the off labeled drugs that we are using.

So, these are all the components po. And, of course, health human resources would be very important; iyong mga tao po, mga doctor, nurse and all of these medical staff who’s going to take care of all the patients. So these are all the components of a medical care. The utilization of this critical care would be very, very important kasi makikita po natin dito kung tayo ay makakaagapay o hindi tayo makakaagapay kapag dumating po iyong sitwasyon na ito sa ating bansa.

SEC. ROQUE: Usec, nagtatanong po siguro iyong mga taga-Metro Manila, Cebu, Davao na mapapasailalim pa sa ECQ. So, kinakailangan tingnan ilan ang bed capacity natin sa critical care. May hakbang po ba tayong ginawa para magkaroon nang mas maraming bed capacity sa critical care? Ang isa pang tanong po iyong mga ventilators, ilan na po ba ang ventilators natin? Ilan ang kailangan? Iyong mga PPEs, ilan ang kailangan natin? Ilan na ang mayroon tayo? Ano po ang update sa DOH pagdating diyan?

USEC. VERGEIRE: So, mayroon na po tayong ginagawa. Sa simula’t simula pa lang ay nag-designate na po tayo ng COVID referral hospital, ito ay naglalayon na para doon natin dalhin lahat ng ating mga pasyente for COVID. And the other hospitals should be freed up para naman po sa non-COVID patients natin.

Dito po sa COVID referral hospitals natin, we are expanding the ICU capacity ng ating mga ospital. Although lahat naman po ng ating mga tertiary hospitals and even some secondary hospitals mayroon pong mga ICU iyan. Ang ginagawa po natin, sinusuportahan po natin ang ating mga ospital ngayon sa pagbibigay ng mga equipments katulad ng ventilators. Mayroon na po tayong naibigay na proposal for budget and for procurement of this ventilator so that we can provide to as many facilities as we can.

Ito naman pong mga PPEs na ito ay dati po salat na salat tayo. Ngayon po nagkaroon ng procurement ang ating gobyerno, kung saan dumating na po iyong—nagka-procurement tayo ng 900,000 PPEs at dumadadating po ito in tranches sa atin linggu-linggo; nakakapagpamigay na tayo sa ating iba’t ibang facilities.

Mayroon na rin po tayong locally produced PPEs na pinangunahan po ng DTI at Board of Investments kasama rin po ang DOH, kasama ang PGH kung sana magpo-produce na po sila, nag-umpisa na ng production at makakapagbigay na rin po sa ating ibang pasilidad.

So bukod po doon, marami pa ring iba’t ibang facilities na ating itinatayo para masuportahan naman po itong ating mga ospital katulad ng community isolation facilities para ma-disaggregate natin o ma-segregate and patients into those mild and asymptomatic and those critical para hindi naman po masyadong mabigatan ang ating mga ospital.

SEC. ROQUE: Now, Secretary Año, iyong Presidente po natin, iyong kanyang mensahe sa kababayan natin kahapon at noong isa pa niyang talumpati, dalawa po ang concern niya ‘no doon sa pag-i-implement ng ECQ at iyong nagiging hadlang po ang New People’s Army, CPP-NPA. Ano pong hakbang ang ginagawa na natin, dahil mayroon po tayong instances na ang CPP-NPA ay ina-ambush, kinukuha iyong mga ayuda na para sana sa ating mga kababayan. Ano po ang mga steps to be taken? At anong mensahe natin sa LGUs na apektado ng pagnakaw ng ayuda ng gobyerno sa panig po ng CPP-NPA?

SEC. AÑO: Well, unang-una ay nagbigay na ng utos ang ating Pangulo na despite our crisis, kailangan bantayan natin ang seguridad at kailangang ay tuluy-tuloy iyong ating National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict. Mayroon tayong mga regional task forces.

Kung matatandaan mo ay nag-declare tayo ng unilateral ceasefire at ito ay nag-lapse na kaya ito naman ay kailangang ituluy-tuloy na natin din ang pagtugon sa mga nangangailangan dito sa ating kanayunan na kung saan ay nagkakaroon ng mga atrocities, kasama na rin iyong ginagawang pag-a-ambush sa ating mga tropa.

Bagama’t marami tayong tropa na nai-deploy para masigurado natin na maayos iyong quarantine at pag-control sa mga checkpoints, pakikilusin din natin iyong ating mga field units, ang ating SAF, ang ating Regional Mobile Forces at ang Armed Forces of the Philippines naman para siguraduhing mayroon tayong sapat na puwersa habulin itong mga nanggugulo na ito New People’s Army, terrorist and even mga organized crime group.

So makakaasa iyong ating mga kababayan na tayo ay sisiguraduhin natin ang kaligtasan ng lahat sa panahon krisis na ito.

SEC. ROQUE: Si Secretary Galvez po ‘no, ang sabi po ng Pangulo para doon sa mga pasaway ay he will not hesitate na ang military daw po ay oorderan niya na magpatupad din ng ECQ. Eh ngayon po na magkakaroon ng two weeks extension sa ECQ hanggang May 15, ano pong hakbang ang gagawin natin? Paano po natin gagamitin ang Hukbong Sandatahan para sa pag-i-implement nitong ECQ hanggang Mayo 15?

SEC. GALVEZ: Nag-order na po ang ating mahal na Secretary of National Defense na magdagdag ng additional na tropa dito sa NCR. In fact, mayroong more or less na 2,000 na po na idinadag. At ang ating Joint Task Force NCR na naka-assign po dito, si General Luna ay nakipag-coordinate na po sa ating MMDA in order to enforce strictly iyong ating ECQ.

So, ngayon po maganda po ang mga deployments natin, tinutulungan po natin ang ating PNP. Although the PNP still remains the primary enforcers, ang ginagawa po ng ating military ay nagsu-support po sa ating PNP.

SEC. ROQUE: Kay Secretary Chua. Sir, mayroon po kasing batas na nagsasabi na ang opening ng classes ay dapat Hunyo hanggang Agosto. Pero ang rekomendasyon po ng IATF ang pinakamaagang pagbukas ng klase ay sa Setyembre. Papano po ito, Sec?

SEC. CHUA: Well, actually gusto ko pong i-clarify na tama po may batas po at iyong na-present ko kanina is for consideration lamang, kasi iyan po ang lumalabas sa ating health study. Pero ang gusto pong iparating ng DepEd ay magpe-present pa po sila sa IATF ng kanilang recommendation para sumunod po tayo sa batas. Anyway po, hanggang end of August puwede naman po. So hintayin nalang po natin ang DepEd para mag-present at iyong IATF ang magsasabi kung policy na po.

SEC. ROQUE: So, ibig sabihin, the recommendation is the earliest is September, but subject to compliance with the law and the recommendation of DepEd. So malinaw po iyon.

SEC. CHUA: Yes po.

SEC. ROQUE: Now, siguro po bubuksan ko na ang floor for questions sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Una po, via Skype, si Maricel Halili of TV 5. Pakisabi po ang question ninyo at kung sino ang gusto ninyong sumagot sa inyong question.

MARICEL HALILI/TV5: Magandang hapon po sa inyo, sirs and ma’am. For Sec. Año po, clarification lang: Earlier, Secretary Roque mentioned that under the general community quarantine, workers under Sectors 1, 2 and 3 will be allowed to work. Sinu-sino po iyong mga workers na tinutukoy dito sa Sectors 1, 2 and 3?

And also, na-mention din po kanina na papayagan iyong mga non-workers to go out to buy goods and services, except those pertaining to Sector Category 4. What does Category 4 mean po?

SEC. AÑO: Kanina ay na-enumerate naman ni Secretary Roque iyong mga tinatawag natin nasa Category 1. Actually, itong Category 1 ay nagpa-function ito kahit sa ECQ, limited workforce nga lang. Pero ngayon, puwede na silang 100%: Agriculture, fishery and forestry; sa mga food manufacturing and entire supply chain, kasama pati packaging, raw materials and others. Sa food retail like supermarket, private and public market, restaurants for take-out and delivery only; healthcare – kasama iyong hospitals, clinics, drugstores, logistics, water, energy, internet, telecoms and media – So 100% puwede nang magtrabaho iyan under ng GCQ.

Sa Category 2 naman, hanggang 50 to 100% ay puwedeng payagan at magbukas: Other manufacturing like electronics and exports, E-commerce and delivery for essential and non-essential items, repair and maintenance services, housing and office services.

Doon naman sa tinatawag nating Category3, 50% on-site and 50% work from home: Ito na iyong mga financial services, BPO, other non-leisure, wholesale and retail trade, and other non-leisure services. Dati kasi skeletal lang talaga iyong ni-require natin dito.

At ito, iyong Category 4, ito iyong tinatawag natin na mga non-essentials kasi hindi siya related sa health at saka sa food. Ito na iyong mga school institutions, leisure, amusement and gaming and fitness industries, kid industry, tourism. Kasama na rin dito sa all gatherings, religious and conferences; iyong pagbukas ng mall, sa GCQ puwede nang i-open ito pero limited opening lang.

At iyong sa mga construction naman, puwede na ring buksan ito pero kailangan i-consider mo iyong minimum health standards at saka iyong importance ng construction. Kasi ang gusto sana natin dito ay iyong mga related sa mga water, sewerages – essentials pa rin, ito iyong mga priorities natin, services.

SEC. ROQUE: Maricel, may idadagdag yata si Secretary Chua.

MARICEL HALILI/TV5: Yes, sir,

SEC. ROQUE: Secretary Chua?

SEC. CHUA: Yes, si Sec. Año, maganda naman po iyong pagpaliwanag niya. So ang idadagdag ko lang po ay, kailangan po ay sumunod muna sa minimum health standard. Let say sa malls, maglalabas po ang DTI ng guidelines, maglalabas iyong DOH ng health guidelines, dapat sundin ito. Kung hindi mo sundin, hindi pupuwedeng magbukas kasi iyong safety and health ang priority natin. So, lahat po iyan subject to following the minimum health standards!

MARICEL HALILI/TV5: For Secretary Roque po or Secretary Galvez. Kasi po earlier, Secretary Roque also mentioned na iyong mga special amelioration funds ay ishi-shift from those sakop po ng enhanced community quarantine. I mean, iyon iyong magiging priority. Pero ano po iyong plano natin considering na based po doon sa report ni President Duterte last Monday sa Congress, it seems na nasa around five million out of 18 million families pa lamang po iyong nakakatanggap ng amelioration funds. So how do we plan to deal with this, sir, considering na malapit na rin pong matapos iyong ECQ in some areas by April 30?

SEC. ROQUE: Secretary Galvez? Secretary Año will answer that.

SEC. AÑO: Unang-una, tuluy-tuloy ang roll out ng ating SAP sa iba’t-ibang LGUs ‘no. Actually, ang bola ay nasa LGU na kasi more than 91% na ang nai-download na pondo, at ang ating LGUs ay dapat within four days ay ma-conduct niya or magawa niya iyong payout. Bagama’t mabagal siya ngayon kasi ito ay first time talaga, pero ngayon na nasa LGU na iyong mga pera ay sisiguraduhin namin na makakapag-comply sila.

Ngayon, iyong mga hindi nakatanggap o iyong mga na-left out, sinasabi natin, kasama din na isa-submit ng LGU itong mga pangalan na ito. Para ito ay isa-submit sa DSWD at ito ay babayaran natin – babalikan natin ito, wala talagang maiiwan diyan! Lalo na ngayon na nagkaroon na tayo ng panibagong guidelines from the Presidente, iyong inaprub niya, na piling-pili na lang iyong magiging ECQ natin, mas lalong mapapagtibay natin ang pagsuporta sa mga LGUs na ito at mga regions na ito.

Now, gusto lang nating siguraduhin na malaman ng madla na iyong mga hindi talaga nabayaran lalo na dito sa Luzon, babalikan natin iyon at ibibigay natin iyong kanilang amelioration.

SEC. ROQUE: Secretary Galvez, mayroon kayong gustong idagdag sa katanungan na iyon?

SEC. GALVEZ: I believe nasagot na po ni General Año. At saka iyong sa amelioration, mayroon din pong binigay ang DOLE, may binibigay din po ang DA at saka iyong DOT at saka iyong DTI. In fact, doon nga sa DA, iyong mga ibang benefits like ISF, binigyan na rin po nila. Nakatanggap po ako ng text na iyong kanilang mga benefits sa ISF ay naibigay na rin po ngayon.

SEC. ROQUE: Yes, Maricel?

MARICEL HALILI/TV5: Sir, panghuli na lamang po. How serious is the President doon sa kaniyang statement of declaring martial law, ano po iyong magsisilbing, kumbaga, triggering point for the President to declare it? Well, of course, he mentioned the incidents against NPA. And for the security po doon sa mga areas covered na ng general community quarantine, can we say na mas magiging relax na iyong security doon sa areas na iyon?

SEC. ROQUE: Siguro sasagutin ko iyong unang portion ng tanong mo at ililipat ko kay Secretary Galvez iyong kasagutan sa pangalawa mong tanong ‘no. Pero malinaw po ang Presidente: Hind po siya papayag na ang mga NPA ay magiging hadlang doon sa pamimigay ng ayuda sa mga taong nangangailangan dahil po sa COVID-19. At gagamitin po niya ang extra-ordinary power of the presidency to declare martial law against this group na engaged in an act of rebellion against the government. Iyan naman po ay ligal na basehan para magdeklara ng martial law kung hindi po titigil ang New People’s Army.

Iyong pangalawang katanungan po, Secretary Año, iyong how serious will implementation be – iyon ba ang tanong mo, Maricel?

MARICEL HALILI/TV5: Opo. Paano po iyong magiging implementation natin ng security doon sa mga under general community quarantine? Mas magiging relax po ba siya?

SEC. AÑO: Hindi naman siguro magiging relax, kasi kailangan pa rin bantayan natin na ito ay naisasakatuparan na according doon sa guidance natin ng GCQ. Ang pagkakaiba naman talaga dito sa GCQ at saka sa ECQ, talaga sa ECQ ay, unang-una, limited lang talaga iyong puwedeng lumabas ng bahay, iyon lang may mga exemption; at iyong mga trabaho ay na-stop. Dito naman sa GCQ, babantayan pa rin natin iyong mga borders diyan kasi hindi naman pupuwede na maglabas-pasok iyong mga tao diyan.

Remember, sa unang GCQ natin, kahit na iyong mga workers na nagku-cross ng boundary ay tsini-tsek natin para sigurado, unang-una, ay wala silang symptoms; at pangalawa ay hindi rin magawa iyong mga unnecessary na biyahe ng tao na hindi naman kailangang pumunta sa ganitong lugar.

Now, anong magiging batayan kung bakit magde-declare ng martial law? Kapag nagkaroon ng massive public disorder at kung mayroon talagang grupo na magti-take advantage. Katulad ng CPP-NPA, nakita nila itong crisis na ito ay isang pagkakataon para siraan ang gobyerno at ipagpatuloy iyong kanilang rebolusyon, iyan ay isang kapangyarihan ng Pangulo na pupuwede niyang gamitin kapag kailangan at nasa panganib ang buhay ng publiko. Sabi nga, if public safety is so required ‘no. So mayroon tayong mga panuntunan na susundin kung kinakailangan talagang dumating sa ganoong mga extreme measures.

Sa ngayon naman ay kontrolado natin ang mga sitwasyon dito sa ECQ at pati doon sa mga lugar na later on ay mapupunta na sa GCQ.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Maricel. Back to Usec. Rocky.

USEC. ROCKY: Opo. Secretary, update daw po about the disbursement of funds of different agencies. There are reports being released as agencies distributed assistance in the same breadth, many are complaining not to have received any. How sure are we that the funds being released are not following the road of Yolanda? Can the agencies publish their detailed list indicating the amount released?

SEC. ROQUE: Sino po? Si Secretary Año, opo.

SEC. AÑO: Ah, marami tayong mga grievances mechanism na nakalatag mula po sa munisipalidad, sa siyudad, sa probinsiya pati iyong ating hotline 8888 ay gumagana. Kapag may complain po tayo tungkol sa local government units, mayroon po kaming DILG Emergency Operation Center. Lahat po iyan ay tinutugunan natin para sigurado na anumang hinaing/complaint ay matutugunan natin.

Kailangan lang po natin ay ang data o ang facts at saka iyong mga specifics para po immediately iyon na kaagad ang iso-solve natin. Buksan lang po ninyo iyong mga website sa ating internet, madali pong makita iyong mga numero at website na iyan pati pictures ay tutugunan po natin.

Importante na ang lahat ng complaint/hinaing ng ating mga kababayan ay matugunan sa lalong madaling panahon, lalo na sa krisis na ito para siguradong hindi na maa-aggravate pa iyong kalagayan ng ating mga kababayan.

SEC. ROQUE: Okay. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Opo. May pangalawa pa po siyang tanong: “How come some barangays have three or four waves of assistance while others have not even gotten one?”

SEC. AÑO: Well, sabi nga natin ‘no, nasa LGU na iyong mga pera at ngayon ay tinutulak natin sila na mai-comply na at maipamigay iyong pera. Iyong mga ating provincial, municipal local government officials naman ay namimigay pa rin ng mga food packs at food rations. Kung matatandaan natin, marami tayong naibigay na pondo sa ating mga local government units katulad ng Bayanihan Grant, iyong ating 20% development fund ay puwede ring magamit dito sa COVID fight at saka iyong ating calamity fund.

Kung mayroon mang, sabi ko nga, kung mayroon tayong complaint ay ibigay sa atin kaagad at umasa naman kayo na talagang pinupukpok natin ang ating mga LGUs. At alalahanin din naman natin ‘no, napakaraming trabaho ng ating LGUs, sila rin ay isa sa ating tinatawag na mga frontliners na nangunguna sa laban na ito. Maaaring siguro sa sobrang busy ay nagkapatung-patong, pero para sa atin hindi iyan dahilan. Kailangan talagang maibigay ang serbisyo sa ating mga kababayan.

SEC. ROQUE: Si Joyce Balancio ng DZMM.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes, good afternoon po, Secretary. Sir, pasensya na for asking these details kasi po we need to be very clear and concise sa mga lugar. I just need to clarify some places po for ECQ and GCQ, kasi po magkaiba iyong ibang places natin doon sa naunang PR and then iyong kaninang ni-release na very recent lang po. So iyong Tarlac, Benguet, Pangasinan and Zambales, Secretary, lahat po ito ay candidate for ECQ pero i-evaluate pa; puwedeng magbago before April 30, tama po?

SEC. ROQUE: Tama po iyan, pero tatawagin ko po si Secretary Chua para sagutin iyan. Secretary Chua?

SEC. CHUA: Salamat po sa tanong. Iyong tanong mo [ay] maganda at dahil iyong datos kasi gumaganda araw-araw, posible kasi na baka ‘pag palapit na iyong April 30, hindi na po sila under the red category; baka puwede na po silang maging orange.

Ang ibig sabihin kasi nito ay dapat sigurado tayo, huwag tayo magdedesisyon na hindi pa tayo sigurado. Pero ayon sa datos kasi, gumaganda ang mga probinsyang ito, iyong mga naka-asterisk na nakita ninyo – Benguet, Pangasinan, Tarlac at Zambales. So kung gumanda po sila sa susunod na araw, baka puwede po silang ilipat sa GCQ. Pero kung hindi po nagbago ay dapat—para safe para sa lahat, ECQ muna. Anyway, alam naman natin ngayon na gumaganda naman ang takbo ng kanilang kalagayan.

SEC. ROQUE: Sec, siguro in the same line, ano ibig sabihin ng ‘to recheck’ kasi ang Antique, Iloilo, Cebu at Cebu City ay ‘to recheck’.

SEC. CHUA: Ganito po, iyong aming data kasi ay galing sa DOH as of two days ago. Mayroon po kaming nabalitaan na kagabi at nitong umaga na iyong galing po sa LGU na latest ay maganda na rin, so dapat i-check lang natin para sigurado. Kasi hindi po kami magrerekomenda ng isang action na hindi po base sa data, so iyan po ang ibig sabihin niyan.

SEC. ROQUE: Well, dahil nailabas na ni Joyce ‘no, iyong sa Aklan at Capiz eh moderate, pero bakit po naka-red sila?

SEC. CHUA: Magandang tanong iyan. Ang ginawa po namin sa Visayas ayon sa recommendation ng IATF is to consider the entire island. Kasi puwede pong mas maayos sa Aklan at Capiz pero iyong karatig-probinsya, Antique, Iloilo ay medyo mas mataas iyong cases. So hindi po madaling i-control iyan kaya ang sa Visayas, ginagawa po natin by island para siguradong ligtas.

Anyway po, kung na-recheck na natin ang Antique at Iloilo at ayon sa latest data ay orange sila, iyong buong Panay puwede na ring i-GCQ. Pero gaya po ng sinabi ko, kami ay magdedesisyon base lamang sa data. At kung maganda na po iyong data ayon sa latest, puwede pong i-revise iyan.

SEC. ROQUE: Joyce?

JOYCE BALANCIO/DZMM: Sir, last na lang on Mindanao po ‘no, sa areas na tanong ko. Davao Del Norte and Davao City, for extension po ito ng ECQ and Davao De Oro lang po ang subject for rechecking, tama po ba?

SEC. CHUA: Iyan po ang recommendation ng IATF.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Na-approve po ni President Duterte?

SEC. CHUA: Yes po.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay po. Doon sa budget po. Secretary Roque, this is for you, because you mentioned earlier, in an earlier interview na hihingi po ng supplemental budget ang Pangulo once nag-resume na ang kanilang session. May 4 po ang opening ng session ng Congress, by that time, we are already implementing the extension of the ECQ. Mahahabol pa po ba iyong supplemental budget just in time when we need it?

SEC. ROQUE: Well, kampante naman po kami dahil sa napatunayan na ang kooperasyon ng ating Kongreso na kung ano ang kinakailangan natin para labanan ang COVID-19, ibibigay naman po ng Kongreso, lalung-lalo na na babalik na naman sila sa session. Ang balita ko po dahil nasa ECQ pa ang Metro Manila kung nasaan ang Kongreso, eh magkakaroon po sila uli ng virtual session sa Mababang Kapulungan.

JOYCE BALANCIO/DZMM: How about other sources of fund po? Are we looking at realigning confidential funds or intelligence funds na hawak po ng Office of the President to be used for the COVID response?

SEC. ROQUE: Ito po kasi ang problema at ito iyong sinasabi ng Presidente ‘no, at nagagalit nga siya doon sa isang kritiko na ang laki daw ng intelligence funds. Pero ang katunayan po niyan, maski may budget for intelligence funds, wala namang koleksiyon. Iyong budget natin ay para sa taong 2020, eh Marso pa lang nagkaroon na tayo ng COVID ECQ ‘no at napakalaki na nga noong ating shortfall sa ating koleksyon sa buwis. Eh saan ba ho tayo kumukuha ng pondo para pondohan ang pangtaunang budget? Sa buwis, sa Customs at ibang kita na galing sa mga GOCC at iba pang kita ng gobyerno ‘no.

So bagama’t mayroong budget na malaki siguro na nakasulat diyan for intelligence funds, ang punto nga, nasaan ang pera para gastusin? Kaya nga po iyong sinasabing intelligence funds, hindi po iyan magagamit kung wala ring pera ang kaban ng bayan ‘no, so iyan lang po ang paglilinaw. Kaya nga po ang nasabi kahapon ‘no ni Secretary Dominguez, eh mayroon pa naman tayong sapat na pera sa ngayon ‘no, pero kinakailangan talaga magkaroon ng forward planning dahil hindi natin alam kung hanggang kailan itong problema ng COVID-19. Hanggang walang bakuna, hanggang walang sakit, may problema pa rin tayo at kinakailangan paghandaan.

JOYCE BALANCIO/DZMM: How about po iyong pondo natin for Build, Build, Build? Kasi ‘di ba po sa General Community Quarantine, allowed na po iyong infrastructure, some infrastructure projects, so hindi po ba gagalawin Build, Build, Build funds for COVID response?

SEC. ROQUE: Well, sa ngayon po iyong Build, Build, Build funds natin eh kinakailangan magastos pa rin po iyan sa Build, Build, Build dahil kahit anong mangyari kinakailangan i-stimulate natin iyong economy ‘no. Ito’y isang pamamaraan para mabalik ang buhay sa ating ekonomiya ‘no. Pero ganunpaman ‘no, depende nga kung anong mangyayari dito sa COVID-19, kung gaanong katagal ang bakunang darating at ang gamot na darating, kung gaanong karami magkakasakit. Sabi naman ng Presidente, as we go through this COVID-19 crisis eh we will be flexible ‘no, kung kinakailangan itigil ang ilang infrastructure projects para ibigay na ayuda sa taumbayan, eh gagawin po niya iyan.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay po. Last na lang po from me, kasi may mga areas po tayo na from Enhanced Community Quarantine magiging General Community Quarantine. How are we preparing po iyong sinasabi nilang second wave?

SEC. ROQUE: Can I refer the question to Secretary Galvez, please?

SEC. GALVEZ: Nakita natin marami tayong eksperyensiya sa second wave. Nakita natin na dati maganda ang response ng Singapore and other countries and iyon nga, nagkaroon po ng tinatawag nating relapse. Ang ano natin po, iyong sinasabi po ng WHO, dapat kung mayroon man tayong lifting ng from ECQ to GCQ – kailangan incremental, kailangan phased at saka iyong tinatawag na gradual.

So, ibig sabihin, iyong mapapasa-GCQ kailangan mataas pa rin iyong surveillance natin na gagawin para at least magkaroon po tayo ng tinatawag na laging nandoon po ang vigilance.

And then ang ano po natin doon sa mag-g-GCQ, dapat i-implement po natin iyong minimum health standard. Meaning, ayusin na po natin iyong mga LGUs sa regional at saka sa provincial, ayusin na po natin ang ating healthcare, ayusin na rin po natin ang ating mga testing capability, ayusin na rin po natin ang ating mga quarantine facilities. Ibig sabihin, dapat hindi po muna tayo mag-relax.

SEC. ROQUE: Okay, back to Usec. Rocky.

USEC. ROCKY: Secretary, from Bella Cariaso ng Bandera. Iyon daw pong panawagan na palayain ang mga matatanda at may sakit na inmates dahil sa dami na po ng natatamaan ng COVID-19, ano daw po ang posisyon ng government dito?

SEC. ROQUE: Iyong mga pagpapalaya po ng mga convicted, sentensiyadong mga preso, iyan po ay governed by law. Mayroon po tayong batas na nagsasabi kung sino ang qualified for probation and parole. Ang pangako po natin, ang pangako po ni Secretary Meynard Guevarra ay pabibilisin niya po iyong proseso nang sa ganoon nga lahat iyong pupuwedeng mag-qualify for probation and parole ay mapalaya nang sa ganoon ma-decongest ang ating mga jails dahil nga po dito sa banta ng COVID-19.

Joseph Morong?

JOSEPH MORONG/GMA7: Good afternoon to you and to the Secretaries. My question is for Usec. Vergeire. Ma’am, when we decided po the way we decided yesterday, can we talk about the status of the health capacity of NCR? Because I went through some of the reports in April 21 and that indicated mga 30% iyong nagagamit doon sa mga allotment, for example, ICU beds, ng hospital beds for ordinary cases. When we decided the way we did yesterday, ano po iyong status ng health capacity natin? Lacking ba talaga siya?

USEC. VERGEIRE: Kapag pinag-usapan natin ang National Capital Region sir, makikita natin doon sa mga pag-aaral na base doon sa critical care utilization rate makikita natin na iyong use of intensive care units dito sa NCR nandoon na siya sa near noong maximum. Ibig sabihin, gamit na gamit na talaga. That’s why ang ating risk assessment dito sa atin sa NCR base sa ating case doubling time at saka base doon sa ating case critical care utilization rate ay talagang nandoon tayo sa red na part, kasi doon pa lang makikita na natin na iyong capacity ay medyo nearing na na baka ma-overwhelm tayo kapag dumating iyong sitwasyon nandiyan na iyong mga kaso na ini-estimate natin in a … those based on the estimates of our experts.

So, iyon po doon pa lang po nakita na natin and it was really something that has pushed the Inter-Agency Task Force to decide na ganito po iyong rank ng NCR.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right. Ma’am, related question, we have at least maybe three weeks again before May 15. In this period po ba ay mai-improve natin itong situation na ito such that we can maybe probably move to a GCQ from an ECQ – NCR?

USEC. VERGEIRE: Well, that’s the objective na tayo ay magkaroon ng sapat at handa na health system para sa kung ano man ang darating base sa mga estimasyon at mga modeling na ginagamit. We are already procuring specific equipment para mabigyan natin tugon ang mga pangangailangan ng ating mga pasilidad dito sa National Capital Region. We are trying to arrange our quadranting or the processes whereby patients can have their pathways para hindi napupuno ang isang ospital o ang mga pribadong ospital, at ang mga gobyernong ospital ay hindi naman masyadong puno.

So, inaayos po natin lahat iyan. Hindi tayo magpapatayo ng bagong ospital, ang gagawin natin i-aayos natin ang proseso, maglalagay tayo ng mga dedicated rooms, dedicated wards para sa ating COVID and also, importante rin magde-dedicate din tayo para sa non-COVID.

So we are not going to—we cannot build new structures but we are going to have this rational processes para magkaroon tayo ng mas madami pa, ma-free up natin iyong iba para mas maging dedicated siya para sa COVID, especially for this critically ill patients.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right. Can I address my question, Secretary Roque, to Secretary Galvez or Secretary Año?

SEC. ROQUE: Yes, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sirs, just to belabor the point, just sounding very obvious, iyon pong nasa ECQ, status quo tayo? Iyong ginagawa natin ngayon, maintain lang iyan, tama?

SEC. AÑO: Yes, that’s correct, tama iyon. Kung ano iyong ginagawa natin ngayon sa ECQ, dahil extended ang ECQ, the same set-up ang ating ipinatutupad.

SEC. GALVEZ: And then we will couple the ECQ with a massive and aggressive testing. Mayroon pa tayong tinatawag na 12,000 na more or less mga suspected PUIs and PUMs. Iyon ang ginagawa po namin ngayon, nag-usap-usap na po kami nina General Año, ng MMDA, ng ating mga director ng DOH and also iyong mga LGUs na iyong lahat ng mga PUIs and PUMs gagawin naming zero sa NCR and we believe that kapag once na nagkaroon tayo ng aggressive testing, doon po natin makikita – kasama po iyong ating mga private sectors na iyong mga workers nila ay mate-test din – doon po makikita na puwede na pong mai-lift iyong condition ng ECQ.

SEC. ROQUE: Sandali lang, Joseph, mayroon lang akong itatanong din sa ating mga Kalihim. Paano po iyong mandato natin sa DOTr na magsimula na ng protocol para sa mga public transportation at paano po natin mai-intindi ngayon iyong deklarasyon ng ating Secretary Tugade na pinag-aaralan iyong restoration ng 30% public transportation? Just so, maintidihan ng publiko po!

SEC. AÑO: Unang-una, dahil sa desisyon ng ating Pangulo na i-downgrade na iyong maraming areas ng Luzon para maging GCQ, patuloy din ang ginagawa ng mga sectoral policies lalong-lalo na iyong DTI, DOTr, para i-submit sa IATF, ito iyong proposal niya kung ano iyong bubuksan na mga mass transportation, anong klaseng reconfiguration ang gagawin sa upuan. Sa initial recommendation na nakita natin doon ay kasama iyong taxi, iyong PUV, iyong buses, pero iyong jeepney ay dahil magkakaharap iyong mga nakasakay diyan ay no go siya.

So, hintayin natin ang isu-submit ng DOTr para sa proposal niya kung papaano iyong public and mass transport na bubuksan. Definitely talagang dito sa GCQ kailangan ay magkaroon na tayo ng mga mass transport diyan. Alin at kung papaano ang reconfiguration, hintayin po natin sa DOTr.

SEC. ROQUE: Pero dito po sa Metro Manila na magkakaroon ng ECQ hanggang a-kinse ng Mayo, may posibilidad ba ho na magkaroon ng public transportation until May 15 habang naka-ECQ o wala talaga?

SEC. AÑO: Wala. Dito sa ECQ, wala and we will be stricter in our ECQ para kapag istrikto tayo at lalo pang bababa—I mean, lalong tataas iyong arrow ng doubling rate at makapag-prepare tayo ng healthcare facilities natin then talagang gusto natin kasi ay bumaba na rin ang Metro Manila at maging GCQ na rin pero hanggang hindi pa naa-achieve itong mga tinatawag nating parameters, we have to work together to achieve this.

SEC. ROQUE: Final question, Joseph?

JOSEPH MORONG/GMA7: Yes, sir. I’m sure napag-usapan po ito doon sa meeting ninyo, several times, ng meeting ninyo. Sir in terms of funding, ang unang budget was two hundred billion. Can you give us the figure ng additional na funds that we will need because we extended up to May 15 – figure, sir?

SEC. ROQUE: Secretary Galvez? Secretary Año?

SEC. AÑO: Para sa akin kasi iyong 270 billion na naka-allocate for this ay enough pa para sa ating … kahit hanggang extension ng May 15. Kasi remember, iyong ibinigay ng Congress ay good for two months at ang ibinigay niyang kapangyarihan sa Pangulo ay three months at iyong iba pang mga pangangailangan, halimbawa, iyong DOH, I understand that they asked for 54 billion, ay ginagawa naman ng paraan ng ating DBM at saka ng Department of Finance. So, sabi nga kahapon ng ating mga economic leaders, we still have enough fund to support our fight against COVID.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Joseph. Back to Rocky.

USEC. IGNACIO: Okay. From Kris Jose ng Remate: Ang desisyon daw po pagdating sa ECQ nang May 1st 2020 ay panatilihin ang ECQ sa NCR, Region 3, Region 4A at lahat ng lugar kung saan mataas po ang banta ng COVID-19 hanggang May 15. Ang tanong po, kaya po ba ng gobyerno na ayudahan ang mga lugar na ito? Saan po kukunin ang pondo para sa ayuda? At para po sa kabatiran ng publiko, ano daw po ang pagkakaiba ng ECQ sa GCQ?

SEC. AÑO: Iyong pondo na sinasabi natin ay siyang gagamitin natin para sa pagpapatupad ng ECQ o iyong mga na-extended na ECQ.

Ngayon gusto ko lang din linawin ano, ang ginawa nating rekomendasyon na inaprubahan ng Pangulo ay ang national government na ang nag-decide kung ano ang probinsya na extended ang ECQ kasama na ang Visayas at saka Mindanao.

So ngayon po, hindi na pupuwede na mag-unilateral declaration ang isang local chief executive na ilalagay niya ang isang probinsiya sa ECQ. Ito ay kailangang aprubado ng IATF, hindi pupuwede na ang gusto ng isang mayor or gobernador, mag-ECQ ako, hindi pupuwede iyon. Kailangan aprubado ng IATF at pati sa pagbibigay ng suporta sa SAP ay hindi siya makakatanggap kung ito naman ay hindi sanction o…na allow ng national government.

SEC. ROQUE: So ano daw ho iyong pagkakaiba ng ECQ at GCQ, kasama po sa tanong ng ating…

SEC. AÑO: Itong GCQ ay na-enumerate naman natin kung ano na iyong mga pupuwedeng gawin. Marami nang mga pagbabago, maraming nai-relax na panuntunan o rules katulad na lang, pinakamalaki diyan iyong pag-a-allow natin sa mga tao na makapagtrabaho depende sa category ng kaniyang work. Ito ay isang malaking pagkakaiba sapagkat dito po sa ating ECQ talagang pinagbawal natin lahat except ang healthworkers at iyong mga konektado sa food supply chain at food production and manufacturing, at saka services.

Doon po sa General Community Quarantine ay halos lahat ay binigyan na natin ng option para magbukas except kailangan ay ma-comply niya iyong tinatawag nating ‘minimum health standards’ at sundin iyong mga panuntunan doon, iyong tinatawag nating by age risk and by geographical at saka by occupation. So susundan lang po dapat iyong panuntunan na iyan. Sa mga susunod na araw mayroon po tayong ibibigay na mga omnibus rules para susundan ng ating mga LGUs kung ano iyong pupuwede niyang gawin at hindi.

SEC. ROQUE: Now si Hannah Sancho ng SMNI on Skype—Pia Gutierrez pala muna on Skype.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi, sir. Good afternoon. Sir, my question is for anyone from the panel. Question ko lang po iyong doon sa time period noong extension. Why the extension of 15 days and what do we plan to accomplish during this time period po?

USEC. VERGEIRE: Ah 15 days, noong una po tayong nagpatupad ng ating Enhanced Community Quarantine, ito po iyong pinag-usapan at napagkasunduan na we will be regularly evaluating kung anuman itong mga pinatutupad natin sa ECQ. So ito iyong ating pamantayan para makapagsabi tayo na within these two weeks that we are giving kung tayo ay makakapagdesisyon kung ito’y ie-extend o ito’y tatapusin na.

Ano ang ini-expect natin for these next two weeks? Tayo ay binibigyan pa nang mas madaming panahon with these two weeks that we are being given para mas maghanda pa. So titingnan natin uli kung ating mapapahaba pa ang case doubling time at saka kung mas mapaghahandaan pa natin ang ating mga critical na mga pasilidad katulad ng ating mga ospital, ng ating community isolation facilities. And of course, gusto rin natin na marating natin iyong mataas na testing capacity para handang-handa na talaga tayo kung sakaling dumating iyong sitwasyon na sinasabi na mayroon tayong estimated number ng taas ng mga kaso.

SEC. ROQUE: Yes, Pia, second question? Oo, may dagdag lang si Secretary Año.

SEC. AÑO: Ah, why every two weeks iyong ginagawa nating panuntunan? Ina-align din natin iyan doon sa incubation period ng virus kaya nga kung makikita natin na minimum natin 14 days quarantine kapag may dumarating na mga OFW. So doon din habang ina-assess natin for two weeks, nasusunod din iyong panuntunan natin na incubation period para nakalinya tayo at mas madali tayong maka-take ng action.

Sapagkat kung susundin lang naman talaga sa ECQ na hindi ka lalabas ng bahay nang labing apat na araw, kung may virus man sa katawan mo, magma-manifest na iyan at mamamatay na rin iyan. Kung hindi naman ikaw ay mapupunta sa tinatawag nating severe or critical, kusa namang gagaling ka at kung mild ka or asymptomatic ay mawawala iyong virus.

So naka-align sila lahat sa 14 days kaya everytime na nag-e-extend tayo ay every 14 days. Except kung talagang malalang-malala na, talagang kailangan natin katulad ng ibang bansa na talagang ang ginawa nila ay—like iyong Singapore ‘no, hanggang June 1 iyong kanilang extension.

SEC. ROQUE: Last question, Pia.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Opo. Based po doon sa pag-aaral ng IATF, this question is addressed to Usec. Vergeire po. Ano po iyong nakikita nating epekto noong pag-relax ng quarantine in other areas sa pagtaas ng kaso noong COVID-19 sa bansa?

USEC. VERGEIRE: So ito iyong sinasabi rin kanina nina Secretary Año saka nina Secretary Galvez ‘no. Kapag gumawa tayo ng pagbababa or pagri-relax ng ating quarantine, kailangan we should anticipate or we should be ready kung mayroon tayong next wave of this infection. Nakikita natin ngayon may mga nagtatala na mga ibang bansa na nagkakaroon sila ng mga next wave of infections simply because iyong kanilang mga stringent measures ay medyo nag-relax.

So kaya nga sinasabi natin, mayroon tayong new normal. Kahit na sabihin natin that we are relaxing this ECQ, we are shifting to General Community Quarantine, pero iyong new normal natin, hindi na iyan mawawala sa atin. Ito iyong mayroon tayong mga sinasabi na mga minimum standards for health katulad ng kung ikaw ay papasok sa inyong kumpanya, ikaw ay worker, mayroon kayong minimum health standards bago kayo papasukin at makapagtrabaho uli. Kung kayo naman ay sa eskuwelahan, mayroon tayong ganoon na mga standards.

So iyan iyong bubuuin natin ngayon, ito iyong mga Ipapaalala natin araw-araw sa ating mga kababayan dahil kailangan kahit na nari-relax ang ating sinasabing mga measures na ito, mayroon tayo sa sarili natin at sa pamilya at sa komunidad na mananatili para natin ma-sustain itong mga naumpisahan na natin so that we can prevent transmission further at lalong bumaba ang kaso sa ating bansa.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Okay, thank you. Back to Rocky.

USEC. IGNACIO: Okay. From Malou Escudero ng Pilipino Star Ngayon: “Ano daw po ang naibigay nang tulong ng gobyerno sa pamilya ng mga namayapang healthworkers? May nakatanggap na ba sa kanila ng pangakong one million?”

SEC. ROQUE: Usec. Vergeire?

USEC. VERGEIRE: Yes, sir. Ito pong ating listahan of our healthworkers na mga nasawi at saka iyon pong mga nagkasakit, mayroon na po kami. Pero sa kasalukuyan po, pinagtatrabahuhan pa lang po ang mga guidelines natin ng ating Department of Budget and Management, Department of Labor and Employment, Civil Service Commission and of course iyong Kagawaran ng Kalusugan. So magbibigay po tayo ng impormasyon in the coming days ‘pag nabuo na po natin iyong ating guidelines for this.

SEC. ROQUE: Si Trish Terada po ng CNN Philippines via Skype. Trish siguro habang pumapasok ka, back to Rocky para kung mayroon kang huling katanungan, then we will call on Trish on Skype.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, marami-rami pa itong mga tanong natin mula sa kasama sa MPC. From Chona Yu, Inquirer Radio: “Ano daw po ang category ng workers sa sektor ng 1, 2 and 3 na puwede nang mag-resume ng work in phases sa places na under GCQ na hindi daw po kasi allegedly naging malinaw ito?”

SEC. ROQUE: I already answered po kanina ‘no, inisa-isa na iyan ni Secretary Año. Paki-flash muli sa screen kung kinakailangan iyong mga 1, 2 and 3. Pero next question please. Trish Terada, please…

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Good afternoon po. Sir, I wish to address my question to Secretary Año. Sir you mentioned earlier na we can expect stricter enforcement of ECQ. Sir, what changes are we expecting in the coming days? Paano pa po siya magiging stricter? And then iyong dito naman po sa GCQ, since bawal lumabas iyong senior citizens and 21 years old and below, paano po iyong monitoring nito? Dapat po ba may ID sila all the time in case of random inspection po?

SEC. AÑO: Unang-una doon sa stricter, katulad noong mga hakbang na ginawa natin nitong mga nakaraang araw, nagdagdag tayo ng tropa mula sa AFP at saka sa SAF para bantayan iyong mga tinatawag nating convergence areas ‘no katulad noong private and public market, talipapa na kung saan ay naba-violate masyado iyong social distancing at saka iyong mga urban poor communities na halos marami dito ay lumalabas, nag-iinuman sa labas, nagtatambay. So dapat ay istrikto na, sa bahay lang sila.

Tapos pangalawa, patuloy iyong pag-aaresto at panghuhuli ng ating kapulisan doon sa mga violators na lumalabas na wala naman talagang authority para lumabas; para masigurado lang natin na ang mga tao ay nasa loob ng bahay dito sa loob ng ECQ. At sisiguraduhin din natin na magiging istrikto tayo sa mga pag-implement ng curfew para naman din ito sa kabutihan din nila eh ‘no na huwag na silang lumabas.

SEC. AÑO: At iyong ating mga LGUs ay may mga ipinasang mga ordinansa, pagpaparusa, pagpapataw ng fine sa mga nagba-violate, ito lang para malaman ng ating mga kababayan na seryoso tayo dito sa krisis na ito at hindi ito biru-biro lang. Kapag natulungan nila iyong sarili nila na mag-stay sa bahay ay malaking tulong na sa buong bayan natin.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS.: Sir, doon po sa GCQ na pinagbabawal po iyong mga senior citizens and 21 years old and below na lumabas, paano po iyong monitoring doon, sir? Should they be bringing their IDs all the time just to make sure kung may random check po?

SEC. AÑO: Yes, dapat dala-dala nila iyong ID diyan. Kakatulungin natin dito pati iyong mga security officers ng mga establishments, ng mall; at bawat lugar din ay mayroon tayong random and mobile checkpoint para masigurado natin na itong mga tinatawag nating zero to 20 years old, ito iyong tinatawag natin na maraming activities at ito iyong mga spreader, hindi naman iyan talaga halos naapektuhan. Nagkakasakit sila, pero hindi sila nagiging grabe pero sila ang nag i-spread sa nakatatanda.

Sa atin namang mga vulnerable, iyong mga senior citizens natin, iyong mga may health issues, sa ngayon kasi alam natin na laganap pa iyong virus at talagang delikado kapag tamaan sila. Kaya mas mabuti habang GCQ at ECQ talagang dapat sa bahay na lang muna.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS.: Last question po kay Usec. Vergeire po. Ma’am, it’s really good to know that we are increasing our capacity po, nag-i-streamline ng operations, nagdadagdag ng facilities. But how is the DOH addressing iyong problem po with health workers? They say they are more overworked than ever po. And paano po iyong response sa pagtawag po natin ng applications for health workers?

USEC. VERGEIRE: We recently had the emergency hiring based on the Bayanihan to Heal as One Act. Mayroon po tayong nakalagay doon na mayroong emergency hiring at pinapayagan tayo. So, ngayon mayroon na po tayong 857 na workers na na-hire na natin at nasa proseso na at ilalagak natin doon sa mga pangunahin nating ospital dito sa National Capital Region, katulad ng Philippine General Hospital, Lung Center of the Philippines, Jose and Rodriguez Memorial Hospital at iba pang facilities sa NCR.

With regard to their shifting, iyong kanilang haba ng pagtatrabaho, isa iyan sa rekomendasyon sa atin ng mga Chinese experts na dumating dito noong isang linggo. At sinasabi nila na para daw mas maging maingat tayo sa ating mga healthcare workers, we should be able to shorten their shifts, para mas less ang exposure, mas maraming pahinga ang ating mga healthcare workers. So, isa iyan sa tinitingnan natin na maging policy recommendation also for us to operationalize in the different facilities here in the country.

SEC. ROQUE: Back to Rocky for our last question.

USEC. IGNACIO: Secretary, pasensiya na po pero may tatlo pa kayong tanong. From Rose Novenario/Hataw: With the directive of PRRD to intensify counter insurgency operations, paano po magiging ligtas ang mga magbabalik probinsiya?

SEC. AÑO: Sisiguraduhin natin na magiging ligtas iyong ating mga magbabalik probinsiya sapagka’t ang atin namang Armed Forces at Philippine National Police ay mga trained at skilled na mga tao lalung-lalo na sa pag-respect sa human rights. Ang kanila pong tinatawag nating proficiency in combat ay talagang para sa mga kalaban lang. Ang ating Armed Forces at PNP ay talagang mga champion of the people, kaya huwag pong mag-alala iyong mga magbabalik-probinsiya. In fact, kasama din po natin ang ating uniformed services kahit sa paghahatid at saka sa pagsisigurado na sila ay ligtas.

So, in fact ay malaking bagay din talaga kapag mabawasan ang tao dito sa Metro Manila at bumalik iyong mga tao sa kanayunan para makatulong lalo na sa ating agricultural production. May mga mungkahi kagabi kung papano matutulungan, mabibigyan ng livelihood, pati collective farming ay napag-usapan. So, maganda po itong programa na inilahad ni Senator Bong Go at susuportahan po namin iyan. Again, I will assure na mapoprotektahan po natin iyong mga taong uuwi ng probinsiya.

SEC. ROQUE: Babasahin ko lang po ang isang mensahe galing po kay Senator Bong Go. Ang Balik Probinsiya Program is not for right now. It is a long term plan to encourage them to go home. So meaning livelihood, etc., hindi ito immediate, long term plan; hindi ito hakot agad ASAP. Kung ECQ hindi ka basta-basta hahakutin at pilitin ipasok sa GCQ area. We will respect the ECQ or the GCQ guidelines, because existing pa po ang COVID-19 and that is our primary purpose to manage. Para lang po ma-manage iyong expectations doon sa gustong sumapi sa balik-probinsiya programa ni Senator Bong Go.

Now, siguro last question na, kasi medyo nakakahiya sa ating mga panauhin, baka naman malabag ang karapatang kumain ng tanghalian dahil ngayon po ay 1:23. Baka po kinakailangan na akong gamutin ni Usec. Vergeire kung hindi pa ako kakain soon. So, yes last question please…

USEC. IGNACIO: Ito, tanong po ito ng netizen, paki-clarify daw po. I think kay Secretary Año po ito: Kung under Category 4 po ang PCSO at PAGCOR na bawal din bang mag-operate under GCQ? Iyon po iyong tanong nila…

SEC. AÑO: Yes, kasama iyan sa Category 4. Iyong gaming kasama, even sports nandoon. Sa ECQ ay hindi pa talaga iyan pupuwedeng mag-operate. Pero sa GCQ may mga panuntunan doon, puwede na, kung ilang work force. Kailangan susundin lang din iyong mga nakalagay na panuntunan doon especially iyong minimum health standards.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming, maraming salamat, Usec. Rocky. Napakadami po nating paglilinaw na nakalap dito sa ating mga bisita. Siguro po ngayon ay puwede na nating gawing regular ito na kasama natin ang mga pangunahing miyembro ng IATF. Sa ngayon po kasama po natin ang DOH at iyong mga nagpapatupad po ng ECQ – ang Department of Interior and Local Government at ang Chief Implementer ng ECQ. Siguro po sa susunod na mga press briefing, araw siguro ng Wednesday or Biyernes uli, isasama naman natin ang economic team para sa inyong mga katanungan na may kinalaman sa ating ekonomiya.

So ngayon po, ako po si Spox Harry Roque nagsasabi na bagama’t napakahirap po talaga ng desisyon na ginawa ng ating Presidente, naintindihan po namin naiinip na kayo gaya ng naiinip na rin siya. Pero wala pong alternatibo, kinakailangan ipagpatuloy ang ECQ dahil, uulitin ko po, ito lang po ang tanging pamamaraan para mapabagal ang pagkalat ng sakit na COVID-19 habang pinaghahandaan po natin ang paggamot sa mga posibleng magkasakit dito. So hanggang sa susunod po nating briefing, Philippines, keep safe. And thank you to our guests and maraming salamat sa inyong lahat!

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)