Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque with Department of Finance Assistant Secretary Tony Lambino


SEC. ROQUE:  Magandang tanghali po sa inyong lahat.

Unahin po natin ang ating briefing ngayon sa pamamagitan ng isang maikling diskusyon po tungkol sa Universal Healthcare at sa PhilHealth.

Unang-una po, binabawi ko na mayroon akong conflict of interest dito sa Universal Healthcare dahil ako po ang nagsulong ng batas na ito. Bakit ko po binabawi? Well itong panukalang batas pong ito nang sinusulong natin eh sinertify urgent po ng Presidente. Ibig sabihin, wala po kaming conflict of interest ni Presidente dahil pareho kaming naninindigan na dapat naisabatas nga ang Universal Healthcare dahil karapatan ng Pilipino na magkaroon ng libreng pagamot at libreng gamot.

So magsasalita po ako bilang Spokesperson dahil na hindi naman po naisabatas iyong ating panukalang batas kung hindi po sinuportahan ng Presidente. So noong makalawa po, sinabi po ni Gen. Morales ng PhilHealth na kinakailangan suspindihin diumano ang implementasyon ng Universal Healthcare. Well, ito po ay labag sa literal na probisyon ng batas at doon po sa intensiyon ng mga nagsulong ng batas na ito.

Alam po namin noong sinulong namin ang Universal Healthcare na dapat nga maisabatas iyan dahil hindi sapat po ang PhilHealth para magbigay ng karapatan ng kalusugan sa lahat. Ang PhilHealth po ay medical insurance, alam po namin na hindi maibibigay ang karapatan ng mabuting kalusugan kung ang aasahan lamang ay iyong mga premiums na binabayad sa PhilHealth. Kaya nga po sang-ayon sa batas, gagastusin talaga ang kaban ng bayan para maibigay ang libreng gamot at pagamot.

Tama po si Senator Bong Go, kung kinakailangan gagamitin natin ang bilyun-bilyon na galing po sa kaban ng bayan dahil iyan naman po ay pangako ng Presidente at isang obligasyon ng estado na ibigay ang mabuting kalusugan sa lahat ng mga mamamayan.

Ang aking panawagan po sa mga namumuno ng PhilHealth, kung hindi ninyo po mapapatupad ang isang batas na sinertify urgent ng Presidente mismo, dahil ang nais niya magkaroon ng libreng gamot at libreng pagamot ang lahat ng Pilipino gaya ng ginawa niya sa Davao, eh siguro po hahanap na lang po ng iba na pupuwedeng magpatupad niyan.

Now, sa ibang mga bagay naman po, mabuting balita. Nag-umpisa na po ang distribusyon ng second tranche ng SAP o iyong ating amelioration program. Mayroong 1.3 million na pong mga pamilya na 4Ps beneficiaries ang nakatanggap ng second tranche ng SAP. Nagsimula nang magbigay ng payouts sa Benguet kasama ang Baguio City para sa additional families o waitlisted noong Martes, June 16.

Anu-ano ang mga lugar na kasama sa mga nakatanggap na po ng pangalawang bahagi ng ayuda? Well ito po ang slides ‘no, magpapakita po na nakatanggap na ng second tranche ng SAP ang mga lugar ng Benguet, Pangasinan, Region III, NCR, Region IV-A, Albay Provinces, Iloilo, Bacolod City, Cebu Province, Zamboanga City at Davao City.

Pagdating naman po sa usaping transportasyon, tatlong ruta ng city bus ang binuksan ngayong araw po; ito ang rutang PITX-Sucat, PITX-Naic at PITX-Cavite City. Sa ngayon, mayroon na tayong 27 out of 31 bus routes na open. Sa pampublikong transportasyon, 18, 830 TNVS units, 16, 701 taxis at 271 P2P buses ang nag-o-operate po ngayon sa 28 P2P routes. Bumibiyahe na po sila ngayon sa Metro Manila. Ito po ay ayon sa pinakahuling datos ng LTFRB.

Mayroon din tayong 90 buses po para sa ating MRT 3 Bus Augmentation Program. Ang ating LRT 1, LRT 2, MRT 3 at PNR ay bumibiyahe na rin po. Samantalang tuloy pa rin po ang DOTr free ride service for healthworkers kung saan mayroon nang mahigit na 1.1 million ridership mula nang nagsimula ito ng Marso ngayong taon.

Pagdating naman po sa usaping provincial buses, pag-uusapan po ng IATF kung papayagan na po ang mga provincial buses na kasama po sa orihinal na plano ng DOTr. Kung maalala ninyo po, prinisenta rin namin dito iyong second phase ng plano ng DOTr at kasama po diyan ang operasyon ng provincial buses, pero ang assumption po noon ay magiging MGCQ na po ang Metro Manila. So bantayan po natin at abangan ang anunsiyo ng DOTr kung papayagan nga po ang mga provincial buses sa second phase pagdating po ng 22 June 2020.

Now pinapayagan sa second phase ang modern PUVs po ‘no at kung kukulangin, maaaring payagan ng LTFRB ang traditional jeepneys, provided, they are road worthy.

Ulitin po natin, nasa GCQ pa rin tayo. Ang ating istratehiya sa pampublikong transportasyon ay calibrated, partial and in phases. Mayroon po tayong tinatawag na hierarchy of transport modes na makikita ninyo sa infographics ‘no. Nasa dulo po ang traditional PUJs, ang prayoridad po, ang mga bus, tapos modern PUVs, tapos jeepneys and tricycles.

Pumunta naman po tayo sa usapin tungkol sa mga locally stranded individuals. Sa datos ng DILG as of June 17, 2020 mayroon na po tayong 45,565 na Locally Stranded Individuals. Sa bilang po na ito, 34,571 ang nakauwi na sa kani-kanilang mga probinsiya. Wala na pong stranded na nasa Villamor Airbase at PHILSCA. Sila po ay nasa Villamor Golf Club para magpa-test; nagsimula po ang testing kahapon at ngayong araw. May scheduled flight po sila ngayong araw at bukas.

Ito naman po ang mga natulungan ng DSWD sa locally stranded individuals: Nakabigay po ng financial assistance ang DSWD sa 539 na mga beneficiaries at ang halaga po ay P1,078,000; namigay din po ng sleeping kits and sanitation kits ang DSWD sa 963 beneficiaries, ang halaga po ay P1.618 million. Sumatotal, nakapagbigay po ng tulong ang DSWD sa 1,502 mga stranded individuals ng halagang 2.696 million pesos.

May naiwan pong tanong noong nakaraan tungkol sa rice importation. Well, kinonsulta po namin ang kapareho nang DA, DTI at PITC. Ang sagot po nila, hindi po mag-i-import ang DTI, PITC nang walang proper authorization galing kay Presidente Duterte. Nagkaroon po ng documented bid processes ahead of time para po masiguro na makukumpleto natin ang pag-aangkat ng bigas by July 15 pero walang Notice of Award na napa-issue po ang PITC without authorization from the President. Nag-submit na po ng request sa Office of the President si Secretary Lopez at Secretary Dar.

Ano naman po ang sitwasyon ng COVID-19 sa ating bansa? Well, mayroon po tayo ngayong 27,238 na mga kaso ayon sa DOH. Patuloy po ang pagtaas ng mga gumagaling, kahapon mayroon pong 268 na nai-report na gumaling, sumatotal mayroon na po tayong 6,820 recoveries. Lima naman po ang nai-report na hindi pinalad, kabilang po sila sa mahigit na 1,108 na namatay dahil po sa virus.

Nasaan na ba ho tayo sa laban kontra COVID-19? Tingnan po natin ang positivity rate: Again ang ibig sabihin ng positivity rate po, ilan ang porsiyento sa mga taong na-test na, na nag-test nang positive. Itong graph pong ito is as of May 24. Noong May 24 po, from a high of 13.4 noong Abril – ibig sabihin 14 persons po, out of 100 ay nag-test positive – ngayon po, bumaba to 6.5% noong May.

Ano ba ho ang figure mula noong May? Ito po iyong makikita ninyo sa susunod na slide. Mula po noong May, makikita ninyo po ngayon na… sa ngayon po, Hunyo 30(?), eh 7% po ang ating positivity rate from a high of 13. So ibig sabihin po from 13 every 100 na tini-testing na positive, ngayon po halos nangalahati – 7 out of 100 ang nag-test na positive.

Tapos tingnan po natin iyong mga namamatay ‘no, nakikita naman po sa graph na malinaw na malinaw na bumababa po talaga iyong mga namamatay sa araw-araw at ito po ay matapos nga pong i-record na ang mga namamatay doon sa petsa kung saan sila nagkaroon ng sintomas.

Now, ito naman po ang tinatawag ay iyong mortality doubling time, ibig sabihin, ilan po ang namamatay ‘no. Iyong “blue” po, iyan po iyong baseline natin.

Now, ang dapat ninyo pong maintindihan ay habang mas mataas ang figure, mas mabuti kasi ibig sabihin noon ay mas mahaba ang panahon na nari-record para madoble po iyong mga namamatay.

So ang baseline po natin dati ay apat na araw na dodoble na iyong mga namamatay ‘no, iyong nagsimula po tayo sa nasyonal ‘no. Ngayon po, nine days na po ‘no dumudoble … nine days para dumoble iyong mga namamatay ‘no.

So tingnan po natin ang Luzon, ang baseline po niya ay 5.3 dati; ngayon po ay days para dumoble ang mga namamatay, ngayon po ay 11.9.

Sa NCR po, dati four days nadudoble; ngayon po, 8.9.

Sa Visayas po, dati four days; at ngayon po, 11.7.

At ang pinakamataas po na mortality doubling time ay sa Mindanao, nagsimula po sila ng 3.2 at ngayon po ay 14.3 days.

Now, ito naman po iyong mga availability ng mga health facilities natin nationwide, ito po ay nationwide. So simulan po natin doon sa mga designated COVID referral centers, mayroon po tayong 22 ng DOH kasama na po ang PGH, ang Fe Del Mundo at ang MC Hospital. So ang number of hospitals po natin sa designated, 24; ang total number of bed capacity ay 2,111; ang total number of occupied beds ay 956 or ang ating bed occupancy ay 45.3.

Iyong other DOH accredited hospitals po, mayroon tayong singkuwenta, total beds po nila ay 1,505; total number of occupied beds po ay 476 or an occupancy rate of 31.6.

Iyong LGU and other government hospitals po ay mayroon po silang 701 hospitals, total number of beds of 5,544; total number of occupied beds ay 1,659; ang occupancy rate po natin ay 21.9.

At sa mga private hospitals, mayroon din po tayong 1,136 total bed capacity for COVID-19 at 4,437; total number of occupied beds, 1,649 or 37.2% occupancy rate.

Ang suma-total po, we have 1,911 hospitals; total beds devoted for COVID-19, 13,597; ang total number of beds occupied po ay 4,740, meaning ang ating bed occupancy rate national basis po ay 34.9. Kaya naman po karamihan ng lugar ngayon sa Pilipinas ay nasa MGCQ.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Mayroon po tayong bisita ngayon.

Ang mga tanong: Saan tayo kukuha ng pondo para sa COVID-19? Magkano na ba ang nautang natin at saan natin gagastusin ang mga pagkakautang? Ano nga ba ang rule kapag ikaw ay mga pagkakautang sa bangko at sa mga credit cards? Ano ba, saan ba natin bibilangin iyong 30-day grace period sang-ayon sa Bayanihan We Heal as One Act.

Ang ating panauhin po ngayon ay walang iba kung hindi si Assistant Secretary Tony Lambino, via Skype, ng Department of Finance. Siya po ang tagapagsalita ng Department of Finance. Asec. Tony, you have the floor.

ASEC. LAMBINO: Magandang umaga, Sec. Harry. At magandang umaga po sa lahat ng nanunood at nakikinig ngayong hapon.

So, may I request iyong slides po kung puwedeng i-flash sa screen. Salamat po.

So bago po tayo tinamaan nitong krisis na COVID-19, napakalakas po ng ekonomiya ng Pilipinas dahil sa mga mahahalagang reporma na isinulong ng Duterte administration tulad ng TRAIN Law, iyong adjustment sa Sin Taxes at saka iyong rice tariffication.

Ang ekonomiya natin ay isa sa pinakamabilis na lumago sa mga major economies. Iyong ating average ay 6.6% from 2016 to 2019. Kaakibat po niyan iyong pagbaba ng ating poverty rate ‘no from 23.3% in 2015, bumaba po iyan to 16.6% in 2018. So hindi lamang po growth, it’s actually shared prosperity ‘no. Talagang nabawasan po ang mahihirap sa Pilipinas ng mga 5.9 million Filipinos.

Ang revenues po natin o iyong kita ng ating gobyerno kasama ang mga tax revenues ay umabot – ito po iyong box sa kanan, pinakakanan sa taas – umabot po sa 16.1% ng gross domestic product o iyong laki ng ating ekonomiya. Ito po iyong pinakamataas since 1997 dahil po sa mga tax reforms at saka improved tax administration pati po iyong mahusay na pangangasiwa for few decades already ng ating ekonomiya.

Ang ating utang naman relative to the size of the economy – iyan po iyong box sa gitna – iyong 39.6% of GDP, iyon po iyong pinakamababa since 1986 when we started recording the statistics. Mababa po ito lalo na kung ikukumpara sa higit na 70% na laki ng utang laban sa laki ng ekonomiya noong 2004, so tuluy-tuloy po siyang bumaba.

Now, mahalaga pong alalahanin na tuwing pinag-uusapan ang utang ay hindi lamang po peso amount ang dapat tinitingnan. Kung ihahambing po ito sa isang pamilya, kapag lumalaki po ang kakayanan ng pamilya na kumita, lumalaki rin ang halaga na maaaring hiramin sa bangko para sa mga mahahalagang gastusin tulad ng pag-aaral ng anak, pagpapatayo ng bahay o pagbili ng sasakyan o motor.

Gayundin po sa mga bansa: Habang lumalaki ang ekonomiya natin, lumalaki ang kita ng gobyerno at lumalaki rin ang maaari nating hiramin in a responsible manner para sa mga mahahalagang gastusin tulad ng ating Build, Build, Build infrastructure program, at ngayon, dito sa po sa ating COVID-19 response na marami pong kasama tulad ng mga tulong sa mga vulnerable sectors at saka sa pagpondo ng ating health system strengthening and improvements.

Kaya po ang dapat na tingnan na numero pagdating sa utang ay iyong debt to GDP ratio ‘no, iyan po, hindi lamang po iyong actual loan amount or total amount of loans. Next slide, please.

Nakikita po ng international community ang sound macroeconomic management at makabuluhang mga reporma ng administrasyong Duterte. Ito po ay isang screenshot ng isang website Economist Magazine or webpage ng Economist Magazine, at kita po dito na Number 6 out of 66 emerging economies na pinili ng Economist Magazine na i-rank, Number 6 ang Pilipinas pagdating sa financial strength. Ibig sabihin, maganda nga po ang ating pangangasiwa ng ating utang; iyong terms kung umutang po tayo ay magaganda, mababa ang interest rate, mahaba ang repayment period; at saka iyong reserves natin ay maayos, iyong kakayanan natin na bayaran iyong mga imports natin – nasa eight months of imports na po iyong kaya nating bayaran. So maganda po talaga iyong strength and resilience ng ating macroeconomy.

Next slide, please.

Noong nakaraang linggo, nakatanggap nga po tayo ng isang credit rating upgrade mula sa Japan Credit Rating Agency, from BBB+ to A- with a stable outlook. Ito po iyong pinakamataas na nakuha nating credit rating sa ating kasaysayan mula sa Japan Credit Rating Agency. At ang credit rating na ito ay isang indicator na tinitingnan ng mga nagpapautang upang malaman ang credit-worthiness ng umuutang na bansa.

Nakamit natin ang mas mataas na credit rating dahil responsable po tayo sa pangungutang at pagbayad ng tama. Kapag mas mataas ang credit rating ay maganda iyong benepisyo para sa taumbayan dahil nakakahiram tayo nang mas mababa ang interest rate at mas mahaba ang repayment period.

Ang S&P Global naman, iyong pangalawa po dito sa slide, isa po sa mga global leaders pagdating sa credit ratings ‘no. In-affirm po niya iyong ating BBB+ rating with a stable outlook.

At ang Fitch rating, in-affirm po iyong ating BBB+ na iyon po iyong rating natin dati, although iyong outlook po ay nag-change from positive to stable.

However, napakaganda po nitong record na ito compared to what’s happening globally, kasi mas marami na po sa 30 ang mga credit rating downgrades na nararanasan ng ibang bansa. Ibig sabihin, kapag umuutang po sila ay mas mahal para sa taumbayan, kaya po napakahalaga na ipagpatuloy po natin ang ating sound macro-economic management.

Dahil po sa ating economic resilience, mabilis nabuo ng gobyerno ang tinatawag na four pillar strategy. Ang buong halaga ng four pillar strategy as of early June ay 1.7 trillion pesos na katumbas ay 9.1% nang laki ng ating ekonomiya or ng ating Gross Domestic Product. Ito po ay ang four pillar strategy laban sa COVID-19.

Ang unang elemento po diyan, iyong pillar na nasa pinaka-kaliwa, ay ang emergency support para sa mga vulnerable groups and individuals, kasama po diyan iyong SAP, kasama po diyan iyong Small Business Wage Subsidy.

Pangalawa, ang mga resources na kinakailangan para labanan ang COVID-19. Iyan po iyong pangalawang pillar natin, iyan po ay para sa health system natin, para sa mga frontliners, para makabili ng PPE at iba pa pong mga kagamitan.

Pangatlo at dito natin nakikita iyong pag-utang ng gobyerno, iyong pangatlong pillar ay ang fiscal and monetary actions para po pondohan ang ating mga emergency ang medium term initiatives at para iyong ekonomiya natin ay mag-stay afloat.

At ang pang-apat, iyong pinakahuling pillar sa kanan, ito po iyong economic recovery plan na binubuo po natin kasama ang mga legislators para po mabilis ang recovery ng ating mga negosyo, makabalik sa trabaho ang mga manggagawang Pilipino sa pinakamabilis at pinakaligtas na paraan na maaari nating mabuo.

So, iyon po iyong update. Maraming salamat po, Sec. Roque at sa lahat po ng nakikinig at nanunood.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat, Asec. Please join us for the open forum with the Malacañang Press Corps. Unang question is from Joyce Balancio of ABS-CBN?

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Sinabi po ninyo kanina doon sa bandang dulo ng statement ninyo sa  opening part, hahanap ng iba na magpapatupad ng Universal Health Care kung hindi kaya ng Philhealth. Is this a warning to General Morales that he will be removed from his post if he will not implement the UHC?

SEC. ROQUE:  Hindi po. I am not warning. It’s just that it is the law that has to be implemented. At kagaya po ng sinabi ni Senator Bong Go, kung kinakailangan talagang tustusan galing sa kaban ng bayan, tutustusan po iyan. Iyan po talaga iyong central feature ng Universal Health Care, this is not an ordinary medical insurance. Alam namin na hindi sapat po ang premiums when we enacted this into law in the 17th Congress, kaya po kung kinakailangang suportahan ng gobyerno, bibigyan po iyan ng suporta ng gobyerno.  

JOYCE BALANCIO/DZMM: On another topic, sir. Si Dr. Tony Leachon in an interview, he mentioned you po. Sabi daw po niya, may kinalaman daw po kayo sa pagpapaalis sa kanya sa puwesto. He mentioned you and Secretary Duque and he said you were displeased with his public comments and also when he casted doubt on the DOH response sa COVID-19 pandemic and this allegedly led to Secretary Galvez asking him to leave the task force. Totoo po ba ito, Secretary?

SEC. ROQUE:  He is giving me too much credit, pambansang laway lang po ako; wala po talaga akong kapangyarihan na mag-compel sa kahit sino sa kanila na mag-resign. Bagama’t totoo po iyan na dahil ako ang tagapagsalita rin ng IATF, ako po ang namumuno ng strategic communication group ng IATF. At noong siya po ay nagsalita casting doubts doon sa figures ng DOH eh talagang lahat po ng miyembro ng strategic task force ay talagang nagtatanong, “Bakit tayo tinitira ng ating sariling kakampi?”

So, pinarating ko po ito kay Secretary Duque. At noong huling pagpupulong po kay Presidente, nanggaling naman po kay Presidente na bakit nagsasalita ng ganito itong si Leachon. So let me correct you, Dr. Leacheon: Hindi po ako, hindi si Secretary Duque, mismong Presidente po noted that you should not be doing what you were doing.

Kasi alam naman po ninyo pagdating sa datos ng Department of Health, wala po talagang tinatago. In fact, dito sa briefing na ito, nagkaroon po tayo ng napakalaki at importanteng kontribusyon dahil noong sumipa nga po iyong pigura ng mga daily COVID cases, ang sabi natin, dapat siguro baguhin ang presentation. Ang ating suhestiyon, gamitin iyong date ng swabbing, hindi iyong date ng release ng results. Bagama’t hindi po ito ang in-adopt ng DOH, ang in-adopt po nila ay date kung kailan nagkaroon ng sintomas o nagkakasakit, ina-adopt na po iyan ng DOH. Patunay po na wala po talagang tinatago bagama’t lahat po ng miyembro ng IATF are striving to improve the reporting of COVID cases.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Opo. Just to clarify what you said, Secretary. The Presidente noted, ibig po ba niyang sabihin, is the President the one who gave the order to have him removed from the National Task Force? Does this mean na lahat na po ng kaniyang allegations sa umano ay mabagal na response ng DOH ay hindi na natin iimbestigahan or will the President still look into these claims of Dr. Leachon?    

SEC. ROQUE: The President did not say he should resign, kasi lahat naman kami hindi kami talaga sigurado kung ano ang papel niya. Ako, kaya ko po kinausap si Secretary Duque when he questions DOH figure was I thought he was an adviser to Secretary Duque – hindi pala. He told me he was adviser to Secretary Galvez. But  when the  President spoke, I hope Secretary Galvez does not mind, ang sabi talaga ni Secretary Galvez eh nanlambot siya  with what the President declared as far as the statements of Dr. Leachon are concerned. Siguro po, hindi po ako, hindi si Secretary Duque ang nag-udyok kay Secretary Galvez to let go of him, it was a declaration of the President himself.

JOYCE BALANCIO/DZMM:  Okay po, another topic po. Nabanggit rin po ninyo kanina iyong public utility jeeps, papayagan po if they are road-worthy. So ibig sabihin po ba nito, Secretary, may pagdadaanan pang proseso iyong kada-PUJ units para ma-determine ng  LTFRB alin po dito iyong papayagan lang na makapasada?        

SEC. ROQUE:  Siyempre hayaan nating pag-aralan pa iyan ng LTFRB. Although, alam naman po ng LTFRB na habang wala tayong mabigay ng alternative livelihood at habang kulang talaga ang mga sasakyan sa kalye, baka kinakailangan ‘no, subject to health standards. Tingnan po natin, hintayin natin ang desisyon.

USEC. IGNACIO:  Good afternoon, Secretary Roque. Tanong po mula kay Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin: Does the Palace welcome initial UK clinical trial results that show dexamethasone can be life saving for patients who are critically ill with COVID-19? Is this the miracle pill the President is hoping for?

SEC. ROQUE:   Well, we definitely welcome it. Although we don’t think it’s a miracle pill, kasi ang findings po, it can save about 30% of seriously ill patients.  We want a cure that will save a 100% if not a majority of those who fall seriously ill. At ang mabuting balita naman po, hindi ito bagong gamot, lumang gamot na ito – commercially available at mura lamang. Pero nagagalak po kami na kahit papaano ay mayroong pag-asa na 30% effective itong gamot na ito para maisalba iyong mga critically ill.   

USEC. IGNACIO:  Mula pa rin kay Genalyn, Secretary: Is the Palace alarmed by the latest increase in the cases of violence against women and children since ECQ implementation mid-March? What are the concrete steps to protect women and children while stuck at home in quarantine?

SEC. ROQUE:  Siyempre po tagapag-implement po ng batas ang ating Presidente. Kapag tumataas po ang krimen, at ang domestic violence naman po ay isang krimen sa ating bansa, naaalarma po tayo. Kaya nga po nagkakaroon na tayo ngayon ng mga hotlines sa DSWD, sa PNP kung saan pupuwedeng humingi ng tulong po ang mga biktima.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, follow up lang po ako doon sa question ni Joyce about Dr. Tony Leachon. I think he answered also in an interview saying na he only did … he only spoke of the truth, he only gave honest comments as a consultant to the NTF and ginawa niya po iyon para po ma-call iyong attention ng Department of Health and just saying that these are constructive criticism. What can the government say about it, sir, na iyong criticisms naman na iyon na parang hindi welcome iyong mga ganitong puna po?

SEC. ROQUE:  Kaya nga po kami nagalit kasi pinalalabas niya nagsisinungaling ang lahat except siya. Hindi naman pupuwede na siya lang nagsasabi ng katotohanan. Ang datos po inilalabas natin, there is a need to improve iyong reporting ng datos to make it accurate pero walang pong nagsisinungaling.

At kaya nga po ang dami talagang nagalit doon na lang sa strategic communication kasi kami po eh gabi-gabi nagpupulong po kami kung paano namin ipararating ang totoong nangyayari sa ating mga kababayan para naman kahit papaano kapag alam nila ang datos hindi po sila magpa-panic and here comes someone saying siya lang nagsasabi ng katotohanan. We do not have the monopoly of the truth and we have never lied. Saan po kami nagsinungaling? Dapat ilathala niya iyan ano.

We are perfecting the recording of cases, we have not perfected it yet but we are striving po to improve and we will always give the truth and the true numbers as far as we know to the people.

TRISH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Sir, doon naman po sa issue ng PhilHealth. We see you’re very passionate about it, sir. Is there any chance, sir, that you have spoken to the President about iyong concerns po natin doon sa PhilHealth? And ano po iyong naging opinion ng Pangulo? Is he considering the idea po na sibakin po iyong mga kumbaga tiwali o iyong mga allegedly tiwali at mapatutunayang may anomaly po na ginagawa sa loob ng PhilHealth?

SEC. ROQUE:  Trish, kung maaalala mo, pinalitan ni Presidente lahat iyong mga pribadong mga miyembro ng Board of Trustees ng PhilHealth noong June at itinalaga nga niya si General Morales. Kaya nga po bilang tagapagsalita at bilang dating mambabatas na nagsulong ng Universal Healthcare, ang tanong natin, inilagay po kayo diyan dahil may problema sa kurapsyon sa PhilHealth, ano na pong nagawa natin para linisin?

Iyong tinanggal po ni Presidente na dating mga miyembro ng board ng PhilHealth, mayroon po kasing insider mismo na nagsabi na ang halagang nawawala sa PhilHealth dahil sa kurapsyon ay hindi bababa sa P154 billion over a period of five years.

Natural, ang inaasahan natin eh mag-iimbestiga, magtatanggal, magpaparusa pero wala po tayong nakitang ganiyang ginawa si General Morales. Ang gagawin ko na lang po siguro, hihingi ako ng pagpupulong kay Presidente nang sa ganoon maimbitahan si General Morales at pupunta rin po ako para masabi ko naman kung ano talaga ang aking damdamin.

Pero General Morales can attest to this. Noong siya po’y bago, winelcome ko po siya, binigyan ko pa siya ng briefing, ibinigay ko sa kaniya ang mga detalye ng mga anomalya na na-uncover namin. Ang pag-asa po namin noong mga panahon na iyon ay aaktuhan niya pero nabigo po kami, I’m sorry to say.

Pero ito po, it is a matter that concerns the President dahil zero tolerance po ang Presidente gaya ko pagdating po sa kurapsyon at kung hindi po matatanggal ang kurapsyon diyan sa PhilHealth eh talagang hindi po magtatagumpay ang Universal Healthcare.

TRISH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Secretary, do you have any information if by the time na nagkaroon na ng change in management, nagtuluy-tuloy pa rin po ba iyong kurapsyon sa PhilHealth?

SEC. ROQUE:  Tuluy-tuloy nga po eh, kasi ang punto po diyan—tingnan ninyo ang WellMed. Nagalit ang Presidente sa WellMed, ang mga patay nagkakaroon ng dialysis benefits. Mayroon bang nakasuhan man lang sa PhilHealth? Wala po, ang ikinulong nila iyong whistleblower at ang kinasuhan lang nila iyong clinic. Sino ang naniniwala walang kakuntsaba diyan sa PhilHealth?

Bakit po? Ako po, ako na nag-volunteer, ito po sasabihin ko na sa inyo sa kauna-unahang panahon, pumayag na po ang ating Prosecutor General, ako na ang kumalap ng ebidensiya, ako na ang gumawa ng affidavit dahil iyong mga affidavit na ginawa ng legal ng PhilHealth eh na-dismiss nga ng hukuman.

Ipinagkait po sa akin ang dokumento. Bakit? Dahil ang iyong mga abogadong nag-a-advise kay General Morales, iyong mga abogadong dapat managot. At ang sabi nila, bawal daw iyan dahil sa Privacy Act. Sabi ko kay General Morales, I’ve been a litigator for thirty years, a law professor – fifteen years – hindi po pupuwedeng i-invoke ang Privacy Act pagdating sa graft and corruption.

Hindi po siya naniwala, humingi siya ng legal opinion sa Privacy Commission. After four months, lumabas po iyan at hanggang ngayon po almost six months later eh wala pa rin pong dokumento akong nakukuha para sa WellMed na naging dahilan po kaya ni isang tao diyan sa PhilHealth ay hindi po nakakasuhan dahil sa WellMed kung saan ang mga patay ay nakakakuha ng dialysis benefits.

So, iyan po ang aking paninindigan.

TRISH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Opo. Secretary, on another topic naman po, doon naman po sa Anti-Terror Bill. Nag-submit na raw po ng study iyong Department of Justice, will you share with us the salient points kung ano po iyong mga nabanggit po ng DOJ? And may timeline po ba si President kung kailan po ito most likely mapipirmahan po?

SEC. ROQUE:  I have not seen a copy po ng opinyon na iyan at hindi ko po alam kung pupuwedeng i-share iyan dahil alam ninyo naman po ang mga komunikasyon sa panig ng Presidente at kaniyang mga Gabinete minsan covered po iyan ng executive privilege. So, hahanapin ko po iyong opinyon at titingnan natin kung pupuwedeng i-share.

Thank you very much, Trish.

USec. Rocky?

TRISH TERADA/CNN PHILIPPINES:  Thank you, Secretary.

USEC. IGNACIO:  From Bella Cariaso: Iyon pong nangyari sa Boracay after mañanita, mayroon na namang ngayong despedida. Lumalabas na mismong officials ang nagbi-violate ng law and it seems hindi natatakot ang ilan dahil nangyayari pa rin po ang mga ganitong insidente. And apparently, dahil may nagpositibo sa COVID dahil sa pangyayari, naapektuhan daw po maging ang paghahanda para sa pagbubukas sana ng Boracay. Ano daw po ang gagawin ng gobyerno to make sure na medyo mahihiya ang mga opisyal na lumabag sa umiiral na batas?

SEC. ROQUE:  Bella, sinibak na po iyong Regional Director ng Bureau of Fire na involved dito sa pagpa-party na ito. So, kapag ang paninibak ay hindi pa naman magbibigay takot doon sa lalabag sa ating quarantine, hindi ko na alam kung anong ikatatakot nila. Sibakinsation na po siya.

USEC. IGNACIO:  From Einjhel Ronquillo ng DZXL/RMN, for ASec. Lambino daw po: Iyong iba pong middle class workers na nakatira sa ECQ at MECQ areas ay kung may matatanggap daw pong ayuda ulit?

ASEC. LAMBINO:  Sec. Roque, hindi ko po masyadong narinig iyong tanong. Puwede pong ulitin? Something about ayuda po para sa mga MECQ at saka ECQ?

USEC. IGNACIO:  Opo.

SEC. ROQUE:  Oo, kung makakatanggap daw po ng ayuda iyong mga nasa lugar na ECQ at MECQ, ang probinsiya ng Cebu at saka ang probinsiya—ang siyudad ng Cebu. I stand corrected, siyudad lamang – at ang siyudad po ng Talisay.

ASEC. LAMBINO:  Opo. Salamat po sa tanong. Pagdating po sa ESP [Emergency Subsidy Program] – SAP, ang lead implementing agency po natin diyan ay ang DSWD. So in terms of iyong second tranche, hindi ko po kabisado kung ano na po iyong kanilang desisyon pagdating sa pag-distribute.

However, mayroon po tayong mga panukalang probisyon sa mga additional support measures, sa mga Bills para po sa emergency recovery program ng Pilipinas. So, ito naman po ay para sa dagdag na mga subsidy programs pero hindi pa po siya pasado sa Kongreso, so these things are still being deliberated with and among the congress leaders … congressional leaders.

SEC. ROQUE:  Dadagdagan ko lang iyan ano. Iyong Cebu po entitled sa second tranche ng SAP at ang balita ko po, iyong second month din ng salary subsidy program para sa small and medium enterprises ay simula na rin pong nadi-distribute.

USec. Rocky?

ASEC. LAMBINO:  Actually, maganda po iyong—ay…

SEC. ROQUE:  Yeah, go ahead. Go ahead, ASec. Go ahead please.

ASEC. LAMBINO:  Sec. Harry, I’m happy also to report pagdating naman po doon sa Small Business Wage Subsidy ay more than three million na po ang nabigyan for both tranches – tranche 1 and tranche 2. In fact, dahil po gumamit tayo ng teknolohiya, gumamit po tayo ng Cloud computing at saka mga automated processes, we were able to distribute among the DOF, BIR and SSS with DBP as the payout platform partner.

Ito pong two tranches of SBWS for more than three million beneficiaries, two months-worth in less than two months po na-distribute po natin.

SEC. ROQUE:  Joseph Morong ng GMA. Thank you, ASec.

JOSEPH MORONG/GMA 7:  Sir, magandang hapon po. Sir, super short lang doon sa transportation. You mentioned na puwede na iyong mga modern jeepneys at saka even iyong mga traditional jeepneys. Ano pa, sir? Iyon bang mga Angkas, puwede na iyan, iyong mga motor sa June 22, sir?

SEC. ROQUE:  Hindi pa po. Nagkakaroon po talaga ng pormal na pag-aaral ang Department of Health pagdating po sa Angkas kasi may recommendation o mayroong vinolunteer ang Angkas na mayroong special na suit na isusuot ang mga driver ng Angkas pero pinag-aaralan po talaga nila if that suit will be sufficient po to more or less provide distancing of sorts. So, pag-aaralan po iyan.

JOSEPH MORONG/GMA 7:  Sir, iyong mga jeepney, modern jeepney and even the traditional ones, puwede na silang pumasada sa 21st you said—

SEC. ROQUE:  Well, ang modern PUVs po – ang tawag po diyan modern PUVs, hindi modern jeepneys – ay allowed po sila mag-operate beginning 22 June 2020.

JOSEPH MORONG/GMA 7:  Iyong mga traditional din, sir?

SEC. ROQUE:  Hindi po, hindi pa kasama ang traditional. Pinag-aaralan pero may possibility po… may possibility pero hindi pa po tapos ang pag-aaral ng LTFRB.

JOSEPH MORONG/GMA 7:  All right. Sir, can I go my second question. Doon sa investigation po ng Ombudsman kay Sec. Duque. Speaking as a Presidential spokesperson in behalf of the President, does the President support Sec. Duque amidst this investigation by the Ombudsman?

SEC. ROQUE:  The President has time and again expressed his continuing trust and confidence po kay Sec. Duque and kampante naman po ang Presidente na masasagot po ni Sec. Duque lahat po iyang mga alegasyon sa Ombudsman.

JOSEPH MORONG/GMA 7: With regard to Dr. Leachon’s criticism and you are a spokesperson of the IATF, what does—ay, sir, kaunti lang, sa Duque pala. How does this affect the credibility of the DOH, DOH officials and therefore the IATF, in leading the fight against COVID, the investigation of the Ombudsman?

SEC. ROQUE:  Wala naman po. Until presumed guilty, they are presumed innocent po—until found guilty, they are presumed innocent. So tingin ko wala naman po. At kung mapapansin ninyo naman po, ang IATF talaga ay lahat po ng departamento … it’s a whole of government approach. It’s not just the DOH, although the DOH of course has the position of leadership.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, iyon pong kay Dr. Leachon, just one of the points that he raised yesterday is that the government seemed to be making decisions based on outdated or late data. So one question – how much backlog do we have? And is it true that we are relying on late data to decide on quarantine measures?

SEC. ROQUE:  Alam ninyo po, hindi po natin tinatago kapag late ang data kaya nga po sa reporting natin, mayroong fresh at mayroong late ‘no. So alam po natin at sinasapubliko po natin iyan, hindi po natin tinatago iyan. Now ang problema po talaga, repository of information ang DOH ‘no, ang mga nagsa-submit po diyan lahat ng ospital, lahat ng local government units ‘no at lahat ng mga regional offices at laboratoryo.

So siyempre po nagkakaroon ng late kung ang laboratory eh late mag-submit ng kanilang forms ‘no. It’s a simple form that they fill up kapag mayroong positive ‘no. So hindi naman po lahat naipapadala kaagad. So mayroon na pong solusyon diyan ‘no, iyong COVID KAYA app na dini-develop na po. We’re hoping to automate it para mawala na po iyong log pagdating sa reporting – at na-automate na rin po iyong verification ha! Ino-automate na rin po natin iyong verification para masigurado na walang isang tao na doble iyong na-record sa database.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Yes, sir. So, it’s not true that we relied on in the past ‘no, old data to decide on quarantine measures?

SEC. ROQUE:  Not at all po. Kasi nakikita naman natin ang mga figures, we are on GCQ in Metro Manila; majority of the Philippines is MGCQ. So, kung mali po iyong mga assumptions natin, we would be as bad as other countries but we’re not. In fact, doon nga po sa sinabi ni Asec. Lambino ‘no, we’re number 6 as far as resiliency ‘no.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, just one last. Eighty three percent, sir, ng survey said that their lives has gotten worst. Just a comment on it, sir.

SEC. ROQUE:  Well, it should be a 100%, because there is COVID and the economy was closed. Hindi po kami nasosorpresa diyan, it should in fact be 100% dahil minimum two months tayo complete lockdown. Lahat po talaga tayo nahihirapan at kinikilala po iyan ng ating Presidente.

JOSEPH MORONG/GMA7:  All right, sir. Thank you for your time.

USEC. IGNACIO:  From Kris Jose ng Remate Online: Reaction daw po ng Malacañang sa panawagan ni Davao Del Norte Representative Pantaleon Alvarez na ikonsidera ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa mga lugar na may low risk COVID-19 infection at sa mga lugar na may limitadong digital capacity. Ang katuwiran po ng mambabatas ay hindi lahat may access sa internet at may kakayahang bumili ng gadgets. Bukod dito, maging ang mga teachers daw ay hindi pa rin handa sa sistemang gusto ng DepEd.

SEC. ROQUE:  Well, kung maalala ninyo po, ang naging polisiya ng IATF na naging rekomendasyon nila kay Presidente ay payagan ang face-to-face doon sa mga areas under new normal ‘no, iyong mga wala nang kaso ng mga COVID, pero ang Presidente po ang nagdesisyon ‘no, in-overturn po niya ang IATF at ang sabi niya no face-to-face hanggang walang bakuna.

Hayaan ninyo po, never say die ‘no. Pagdating naman po ng Agosto, titingnan natin ang datos kung gaano karaming lugar ang nasa new normal na at ibibigay natin uli ‘no ang suhestiyon na baka naman pupuwede nang mag-face-to-face doon sa mga new normal. Pero as of now, the President has overruled the IATF and has correctly decided na hindi po dapat isapalaran ang kalusugan ng ating kabataan.

USEC. IGNACIO:  From Rose Novenario ng Hataw: Ano po ang reaksiyon ninyo sa panawagan ng PhilHealth Workers for Hope, Integrity, Transparency and Empowerment, iyong PhilHealth WHITE, na ibunyag ninyo ang mga pangalan ng mga kilala niyang buwaya sa PhilHealth. Ilabas ang mga dokumentong hawak para maimbestigahan, makasuhan at maparusahan ang mga tunay na corrupt. Anila, demoralisado ang mga kawani at matitinong opisyal ng ahensiya sa sweeping statement laban sa mga taga-PhilHealth dahil kapag naglalakad sila sa kalsada, ang tingin sa kanila ay taglay ang tatak na ‘corrupt’?

SEC. ROQUE:  Naku, I’m sorry po to the honest-to-goodness, matitinong tao po na nagtatrabaho sa PhilHealth. In fairness, napakadaming matitino po diyan, halos lahat matitino, mayroon lang talagang mga bugok. Now ang sabi ko release names, eh nademanda ko na po sila eh. Kung gusto ninyo po, babasahin ko iyong mga pangalan ng mga tao, nademanda ko na at mga nahaharap sa mga kaso ‘no.

Pero that’s a matter of public record po ‘no, ang aking mga nademanda po ay the senior executives, hindi po iyong mga board members lamang. But it’s a matter of record dahil nademanda ko na po sila doon sa kaso ng—iyong PhilHealth, iyong PhilHealth premiums ng mga OFWs na pekeng resibo, pinagbigay-alam sa mga matataas na opisyales ng PhilHealth, nagbulag-bulagan, nagbingi-bingihan kaya po ang daming mga OFWs na akala nila nagbayad ng PhilHealth, iyon pala peke – napunta lang sa sindikato.

Nagdemanda rin po ako sa kanila dahil iyong isang ospital ‘no, Perpetual Succor, eh nahuli na nag-eengganyo na manatili pa nang mas matagal sa ospital para makakolekta, pinarusahan ng PhilHealth Board at sinang-ayunan ng Court of Appeals ang desisyon ng PhilHealth Board na i-suspend for 3 months ang kanilang accreditation for PhilHealth. Binaligtad po iyan ng Board upon advice of some senior executives also of PhilHealth na naging dahilan na nakakolekta ng 107 million ang tiwaling ospital na iyon ‘no.

So dinemanda ko rin po iyan at lahat po sila naman ay named ‘no. At iyong last ko nga pong dinemanda sa kanila ay—well, bukod po doon sa PhilHealth, bukod po doon sa Perpetual Succor, mayroon pa po tayong hinahanda at ilalagay po natin ang lahat ng mga pangalan ng mga senior executives sa tingin namin ay talagang responsible sa mga korapsiyon diyan sa PhilHealth.

USEC. IGNACIO:  From Arianne Merez ng ABS-CBN Online: Has the IATF discussed the PCSO’s request for the resumption of Lotto operations? What is the decision?

SEC. ROQUE:  Wala pa po. Pero siguro po ire-remind ko ang IATF sa susunod na pagpupulong sa Biyernes, bukas po ‘no tungkol dito sa request ng PCSO dahil importante rin po ang PCSO. Iyong mga pondong nakakalap niya, ginagamit din po ng Presidente para sa COVID-19 response.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC:  Magandang araw po, Secretary Roque. Magandang araw. Lalahok po si Pangulong Duterte sa darating na pagpupulong ng ASEAN sa ikadalawampu’t anim ng Hunyo at ito ay hosted ng Vietnam. Ano po kaya ang mga isyung babanggitin ni Pangulong Duterte maliban sa COVID-19?

SEC. ROQUE:  Well, hindi ko pa po alam, pero kinukumpirma ko po na dadalo po dahil ito naman po ay V-online meeting ng ASEAN ‘no. Marami po actually iyong mga programa, hindi lang sa mga namumuno ‘no. So, anyway in due course po – dahil medyo next week pa naman po iyan – siguro po pupuwede nating isapubliko iyong agenda ng iba’t-ibang mga ASEAN meetings.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC:  Opo, maraming salamat po, Secretary. Para po kay Assistant Secretary Lambino kung maaari.

ASEC. LAMBINO:  Opo, Sir Melo. Good afternoon po.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC:  Magandang araw po. Magtatanong po ako sapagkat nabanggit ng Air Carriers Association of the Philippines na malaki ang nawala sa kanilang industriya dahilan sa lockdown. Maaari daw po ba silang bigyan ng credit-guarantee ng pamahalaan sapagkat hindi na sila pinauutang ng mga pribadong bangko? At posible din po bang pansamantalang itigil muna ang kanilang mga binabayarang parking, takeoff at landing fees sa mga paliparan na umaabot umano ng limandaang milyon sa bawat buwan. Ano po ang inyong masasabi rito?

ASEC. LAMBINO:  Well, siguro po kung mas general iyong puwede kong ibahagi ‘no. Pagdating po sa economic recovery program, mayroon po tayong mga key components ‘no. Isa po diyan ay ang pagbibigay ng kakayanan sa ating mga government financial institutions na magbuo ng isang tinatawag na holding company na maaari pong mag-equity investment sa mga nationally important companies na nakakaranas ng mga solvency issues.

Dahil po ang solvency issue, hindi po iyan maa-address nang pagpapautang lamang ‘no, there are cases na talagang kailangan may equity investment pero time-bound po ito and subject to conditions ‘no tulad ng hindi pupuwedeng gastusin iyong investment sa mga bonuses or mga increases in salary, iyong mga ganiyan ‘no, talagang dapat pinapaganda iyong kalagayan ng kumpanya.

So, sir, if I may speak more generally, Sir Melo, it’s really about looking across industries, finding the ones that are nationally important and seeing what kind of support is needed. So in some cases, puwede na po iyong mga loan programs na alam naman po natin for every peso that the government invest in a loan facility, banks are able to multiply that by around 8 and a half times ‘no. Pagdating sa guarantee program na—may in-approve na po ang PHILGUARANTEE na additional guarantee program, for every 1 peso that we put into guarantees, that is multiplied by around 20 times in the economy ‘no.

So depende po talaga sa kalagayan ng isang kumpanya, kung may solvency issue siya na maaaring temporary lamang or mukha bang pangmatagalan na po ito.

And also, titingnan natin kung equity investment ba dapat ang tulong na para makaahon doon sa problema na kasalukuyang dinaranas or puwede bang mga loan programs ang makakatulong.

So depende po, may naka-target sa small and medium enterprises; may naka-target sa malalaking kumpaniya. Iyan po ay ang mga detalye na maisasalabas po sa publiko kapag nagpa-public debate na po ang Kongreso pagdating sa emergency recovery program.

MELO ACUÑA: Salamat po. Samantala, napakaganda ng credit rating ng Pilipinas ngayon, mapapanatili po kaya natin itong credit rating na ito hanggang sa mga susunod na taon sapagka’t batid naman natin ang dagok na dulot ng COVID-19 sa ating ekonomiya at kabawasan ng mga buwis na nakukolekta at masisingil sa mga foreign remittances naman at Customs duties. So ang tanong ay: Will we have money years from now to pay our loans? Thank you.

ASEC. LAMBINO: Ang nakikita po talaga natin ay isang strong recovery starting next year ‘no, iyan iyong pinaka-recent na estimates natin to bounce back at 7.1 to 8.1 percent growth in 2021.

Iyong iba pa pong mga international organization, mas mataas pa po ang kanilang estimate in terms of our growth next year.

However, dinadaanan pa po natin itong 2020, at mukhang talagang tatamaan tayo ng economic contraction for the full year; alam na po natin iyan sa ngayon. Ang estimate po ng gobyerno, 2 to 3.4 percent GDP contraction. Some international orgs have a lower estimate, others have a higher estimate. Ang ADB ay naglabas today, 3.8 ‘no.

So, ang tinitingan po talaga nila: Kumusta ba ang pangangasiwa ng mga finances.

At I’m happy to report na galing tayo sa napakagandang sitwasyon pagdating sa utang laban sa laki ng ekonomiya – I mentioned 39.6%. We will keep it based on the statement of our principals to within the 50% range. Ayaw natin na lumagpas sa 50% na debt to GDP. Iyan po ay naglalagay sa atin sa kalagitnaan ng ating mga peer countries. So, we want to stay in that area.

Ang ibig lang sabihin niyan, iyong deficit po natin ay dapat hanggang mga nine percent lamang po.

MELO ACUÑA: Okay. Maraming salamat po for the assurance. Thank you.

SEC. ROQUE: Thank you, Melo. Asec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: From Jopel Pelenio of DWIZ: Kung may posibilidad ba na hayaan na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-lapse into law ang Anti-Terrorism Bill?

SEC. ROQUE: Antay na lang po tayo.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin po kay Jopel: Ano na po ang status ng national ID system?

SEC. ROQUE: Okay. Ito po iyong pinagbilin ni Presidente kay Acting Secretary Karl Chua na talagang madaliin itong implementasyon ng national ID system dahil kung mayroon na nga tayo na national ID system, hindi na sana naantala iyong pagbibigay ng ayuda sa ating mga kababayan.

So as of now po, tina-target po ng NEDA na itong taon na ito ay ma-c0ver po ang five million Filipino households. At inaasahan din po nila na by 2022, every Filipino will be included in the database of the national ID system.

USEC. IGNACIO: Huling tanong ni Jopel: Sakaling lagdaan po ni Pangulong Duterte ang Anti-Terrorism Bill, agad din po ba niyang isusulong ang pagpapatupad ng national ID system?

SEC. ROQUE: Well, gaya ng sinabi ko po ‘no, ang primary consideration po kung bakit binibigyan ng prayoridad ng Presidente ang national ID system ay iyong pagbibigay po ng ayuda sa panahon ng krisis. Sinabi na po paulit-ulit ito ni Presidente, kung may national ID system tayo, hindi na sana nagdoble iyong mga tumatanggap ng ayuda; hindi na sana naging problema iyong berepikasyon ng mga magiging beneficiaries ng mga ayuda galing po sa ating gobyerno.

USEC. IGNACIO: Tanong ni Francis Wakefield ng Daily Tribune, although nasagot ninyo na po ito, tungkol kay Health Secretary sa Ombudsman. Ang follow up po niya: Do President Duterte fully supports Secretary Duque? Will PRRD fire or ask him to resign from his post?

SEC. ROQUE: Malinaw po ang polisiya ng Presidente ‘no. Habang hindi po pina-fire, may kumpiyansa po ang ating Presidente; at iyong mga panawagan, dapat po ang sumagot diyan ay si Secretary Duque mismo.

But as far as the President is concerned, he remains. He remains because he has faith and confidence still with Secretary Duque.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin kay Francis: Kung stay put pa rin si Secretary Duque, hindi po ba nakakabahala ito considering na maraming distraction na kinakaharap si Secretary Duque at nakakaapekto na sa work niya sa Department of Health?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam. That’s a question that should be addressed to Secretary Duque. I cannot read his mind po. Pero sabi ko nga po, ang IATF po is the whole of government approach at nag-iisa lang naman po si Secretary Duque diyan.

USEC. IGNACIO: Iyong third question niya, nasagot ninyo na po iyong kung nasabi o nakipag-usap na po kay Pangulong Duterte kayo tungkol sa PhilHealth.

Iyong tanong na lang po ni Pia Rañada ng Rappler: For Asec. Tony Lambino, how involved have economic managers been in deciding on quarantine measures? How were inputs included when the IATF first declared ECQ in Metro Manila and Luzon back in March? How did the system changed in the months that followed?

ASEC. LAMBINO: Salamat sa tanong Pia. Mayroong mga pag-aaral na ginawa kasama po ang mga ekonomista, ang mga data scientists, ang mga epidemiologists, mga health sector experts, at pinag-aralan po ito in the context of balancing livelihoods and saving lives.

It’s not an either/or question. You have to really look at so many factors para po makita kung ano ba talaga ang levels of lockdown. Kaya nga po may iba-ibang klaseng CQ tayo.

So the economic team, led by Secretary Dominguez, asked those in the private sector who were clamoring to open up the economy quickly: Ano ba iyong tradeoffs? And when the analysis was not being provided, Secretary Dominguez ordered a team to come together to balance these factors – the economic factors and the health and the safety factors. Kaya po nagkaroon tayo ng calibrated approach that was, in the end, adopted by AITF as a recommendation to the President.

So these were inputs that were provided into the decision-making process. At napakaraming data set po at saka mga data analysis tools na ginamit para po pagsamahin at makapag-usap iyong health data and analysis at saka iyong economic data and analysis.

USEC. IGNACIO: Darryl Esguerra ng Inquirer.net for Secretary Roque. Reaction daw po ni Spox Harry on PhilHealth Chief Morales’ statement earlier. He said, “Secretary Harry should file cases in court if he has evidence of corruption involving PhilHealth.” While he admitted that he has yet to fire anyone due to corruption, he said that this is because cases against them are still pending. This is after Secretary Roque said, “PhilHealth is losing money due to corruption.”

SEC. ROQUE: Mali po iyang ganiyang posisyon, and I’m speaking as a lawyer and as a friendly advice kay General Morales. Ang katotohanan po niyan, kakosa ko po si General Morales kaya tuwang-tuwa po ako noong siya ang na-appoint dahil matagal na po kaming naglalayon na magkaroon talaga ng kalinisan at mawala ang korapsyon sa gobyerno. Kakosa ko po iyan. Napakalapit kong kakosa iyan.

Pero hindi po tama iyong sinabi ninyo. Habang ang mga kaso ay nakabinbin sa hukuman o sa Ombudsman, mayroon pa rin po kayong obligasyon at katungkulan na imbestigahan administratively iyong mga taong nadedemanda sa Ombudsman dahil alam naman natin, matagal po talaga ang proseso diyan sa Ombudsman.

So hindi po prejudicial ang mga kasong nakasampa dahil pupuwede pong sabay na gawin iyan. At iyan lang po ang hinihingi ko, Kakosa na General Morales, gamitin ninyo po ang kapangyarihan ninyo as head of office, mag-administrative investigation kayo. At isipin ninyo na lang, sino iyong mga nag-advise sa inyo na huwag ibigay sa akin ang mga dokumento laban sa WellMed at tanungin ninyo bakit ganoon ang advice nila ngayong alam ninyo na hindi po hadlang ang privacy law. Siguro po, malalaman ninyo naman, ayaw nilang ibigay ang dokumento dahil sila na ang susunod kong idedemanda.

So anyway po, dahil wala na pong ibang mga kuwestiyon, maraming salamat kay Asec. Tony Lambino. At siguro po magtatapos na ako sa siguro po pag-declare ng isang katotohanan ‘no.

Marami pong nagtatanong talaga sa akin: Paano mo ba nasusuportahan itong Presidente?

Well, ang sagot ko po: Ang suporta ko po kay Presidente dahil siya lang iyong Presidente na talagang nagsulong nitong libreng pagamot at libreng gamot. Ito po ay pagtaguyod ng karapatang mabuhay. Sa aking paningin po, ang Presidente, siya ngayon ang pinaka-importanteng nagsulong ng karapatang pantao, ang karapatang mabuhay sa pamamagitan po ng kaniyang certification of urgent ng ating panukalang batas na Universal Health Care. Iyon lang po.

Hindi po papayag ang Presidente na kahit sinuman ay maging hadlang doon sa kaniyang pangako na walang Pilipinong mamamatay dahil lamang sa kahirapan.

Magandang tanghali, Pilipinas. Ito po ang inyong Spox Harry Roque, sa ngalan ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)