Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Nagkaroon po tayo ng game changer today nang nilunsad po natin kaninang umaga ang StaySafe.PH. Ito po ang isang automated contact tracing program na nilunsad ngayong araw na ito sa SM Manila.

Kung inyong matatandaan, pinagtibay po ng IATF noong Hunyo ang paggamit ng StaySafe.PH bilang opisyal na contact tracing application ng pamahalaan. At kasama sa napagkasunduan ang mga sumusunod: Una po, iyong pagkakaroon ng memorandum of agreement or MOA sa pagitan ng Multisys Technologies Corporation at Department of Health tungkol sa donasyon at paggamit ng StaySafe.ph. Kasama ang source code, lahat ng datos, data ownership at intellectual property, ito po ay in-assign na sa Department of Health.

Pangalawa, ang pagtanggap ng DOH sa StaySafe.PH application matapos mag-issue ng certification ang Department of Information and Communication Technology at National Privacy Commission na ang donasyon ay technically visible at secure, at ang systems ay compatible, at ang arrangement ay alinsunod sa data privacy laws.

Pangatlo, ang function po ng StaySafe.PH application ay limitado lamang sa pagkalap ng mga datos. Ang lahat ng mga datos na makakalap ay kailangan mailagay sa DOH COVID KAYA system.

At pang-apat, lahat ng datos na nasa database ng StaySafe.PH ay kailangan mag-migrate sa COVID KAYA.

Ito po ang ilan sa mga larawan na kuha kanina sa launching ng StaySafe.PH application sa SM Manila.

Pagdating naman po sa testing, isang game changer din po ang naganap kahapon sa Makati. Inilunsad ang kauna-unahang pooled testing sa bansa. May limandaang tsuper at pampublikong transportasyon at mga tindero at tindera ng palengke mula sa COMAVENA, Tablanza, Guadalupe Market, Poblacion Market ang nai-test po. Ang target ng Makati ay makapag-swab ng anim na libong residente nito mula September 2 to 8.

May anim na testing booths para sa pooled testing na nag-operate po ng 8 to 5. Makikita ninyo po sa larawan na naka-flash sa inyong screen.

Kung maaalala ninyo po, ini-explain po natin na ang pooled testing, limang tao po ang iti-test gamit ang isang testing kit. Sa ganitong paraan, divided by five po ang cost ng PCR testing at iyong dami ay times five. So dadami po ang ating actual testing at bababa ang halaga ng PCR testing.

Sa iba naman pong balita, dumalo kahapon po si Presidente Rodrigo Roa Duterte sa 2020 Aqaba Process Virtual Meeting on COVID-19 Response hosted by his Majesty King Abdulla II of Jordan.

Ano ba ho ang 2020 Aqaba Process? Well, ito po ay isang pagsama-sama ng mga lider at pinuno ng international organizations kung saan may palitan ng mga pananaw para mapalakas ang international cooperation dahil ang daming mga bansa ay nagiging vulnerable sa radicalization at violent extremism bunga ng COVID-19 pandemic.

Ito ang ilan sa mga mahalagang sinabi ni Presidente kahapon: Una, walang bansa, malaki man o maliit, mayaman o mahirap, ang nakaligtas mula sa COVID-19. At ang naging tugon ng mga bansa ay isara ang kanilang mga borders, limitahan ang galaw ng tao at kalakal kaya naman ang naging epekto nito ay mga ekonomiyang nasa recession, mga institusyon na nasa krisis at mga lipunan na may alinlangan. At dahil dito, ang fear of the other and unknown na tinatawag ay tumataas.

Sa Pilipinas ay hindi nagkaroon ng quarantine ang mga terorista kahit may COVID-19. Tumapang pa nga ang mga local terrorist groups, katulad ng Abu Sayyaf, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at ang New People’s Army. Ginamit nila ang pandemya para sa kanilang masamang gawain. Ngunit hindi tayo magpapabaya sa laban kontra terorismo at hindi papayagan na ang COVID-19 ang magpabagsak sa mga tao.

Papalakasin natin, ayon sa Presidente, ang kooperasyon ng Pilipinas sa Asya, sa United Nations at sa iba pang partners tulad ng Jordan. At dito nagpapasalamat si Presidente sa hari ng Jordan sa tulong na ibinigay nito para mapalakas ang ating Hukbong Himpapawid para labanan ang mga banta sa seguridad.
Palalakasin din natin ang ating ekonomiya. Dagdag pa ni Presidente, gumagawa na ang Asia ng isang comprehensive recovery plan na nakaangkla sa pagpapalakas ng economic cooperation at supply chain connectivity.

Nakikipag-ugnayan na rin ang pamahalaan ng Pilipinas sa International Maritime Organization para sa issuance ng Green Lane Circular na nagbibigay ng safe crew changes sa gitna ng pandemya. Alam naman natin na may mahalagang papel ang Pilipinas dahil halos lahat ng barko sa mundo ay may Pilipinong seafarer.

Bilang pagtatapos, nananawagan ang Presidente ng kooperasyon at sinabing mananaig tayo sa laban sa COVID-19.

COVID-19 updates naman po tayo: Mayroon na po tayong 25,934,466 na kaso sa buong mundo at mayroon na po tayong total deaths na 861,512.

Ang top five pa rin po ay ang una, Estados Unidos, mayroon pong 6,113,160 cases at mayroon na pong 185,704 na namamatay. Pangalawa po ang Brazil, 3, 997, 865 cases; 123, 780 na po ang namatay. Pangatlo po ang bansang India – pinakamataas pa rin po sa Asya – 3, 769, 523 at mayroon na pong 66,333 na namatay. Pang-apat po ang Rusya, 1, 1965, 000 cases; 17, 365 po ang namatay. Panlima po ang Peru, 657, 129; 29,068 ang mga namatay.

Sa Pilipinas po, mayroon po tayong 226, 440 cases at mga 3,623 na namatay na 1.6% na case fatality rate.

Nagkaroon na po tayo ng suma tutal na 2, 494, 931 na mga indibidwal na na-test po sa pamamagitan ng PCR. Ito po ay ginawa sa 86 licensed RT-PCR laboratories at 28 licensed GeneXpert laboratories.

Ang number po ng mga aktibong kaso ng COVID sa Pilipinas ngayon ay nasa 64,207. At sa numero pong ito, ang mga asymptomatic ay 6.4%, ang mild ay 91.2, samantalang one percent lang po ang severe at 1.4% lang po ang critical.

Dumadami po ang mga gumagaling. Mayroon na po tayong 158,610 na gumagaling, at ang namatay nga po ay 3,623 – nakikiramay po kami sa mga nawalan ng mahal sa buhay.

On other matters naman po: Magandang balita, ayon sa Washington-based Institute of International Finance or IFF, sa kanilang September 1 report entitled, “Emerging Market Vulnerability and Contagion,” the Philippines is seen able to handle the COVID-19 economic shocks. Ito ay dahil sa ating pre-pandemic economic growth and public debt levels. According to their Deputy Chief Economist Sergi Lanau, and I quote:

“The positive assessment on the Philippines reflects two things. First, the country did not suffer from a persistent low-growth problem before COVID-19 started. This is an important advantage relative to countries that entered the global shock in a weak position.

Second, in relative terms, the Philippines can afford more public spending to fight the pandemic than other emerging markets, this is because public debt isn’t too high and because the debt path has been favorable – debt hasn’t increased fast in recent years.”

Isa pa pong magandang balita ‘no, patuloy na gumaganda ang ranking ng Pilipinas sa Global Innovation Index. Mula sa 73 noong 2018, tumalon tayo at ngayon po ay nasa Number 54 tayo noong 2019. Sa taong 2020, tayo po ay Rank 50 mula sa 131 economies.

Bakit ba ho mahalaga itong Global Innovation Index ranking? Ayon sa DOST po, the ranking helps place innovation firmly on the policy map of economies. Nakakatulong din ang Global Innovation Index para magabayan ang mga lider sa maisama ang scientific innovation bilang bahagi ng kanilang istratehiya sa ekonomiya.

Kasama ang creative outputs, institutions, human capital and research, infrastructure markets, sophistication, business sophistication and knowledge and technology outputs, sa naging basehan ng ranking.

Ang pangatlong magandang balita po, bukas ay makikita na natin live from Japan ang actual tunnel boring machines na ipadadala sa Pilipinas. Ito ay gagamitin sa pagpapatayo ng ating Metro Manila Subway.

Dito po nagtatapos ang ating presentation, bago po tayo pumunta sa tanong ng ating mga MPC, mayroon po tayong mga bisita ngayon. Unang-una po ang ating Testing Czar, Secretary Vince Dizon pero siya po ay magre-report tungkol sa po sa Build, Build, Build dahil siya rin po ang itinalaga ng Presidente na in charge sa mga flagship projects.

Kasama rin po natin si David Almirol ng MultiSys at ipakikita po nila kung paano gumana iyong Safety—

SEC. DIZON: StaySafe.

SEC. ROQUE: StaySafe.ph na application na inilunsad natin kaninang umaga. Kasama rin po natin si Ginoong George Royeca ng Angkas para ibigay ang pagsuporta ng pribadong sektor dito sa StaySafe.ph. at si Ida Tiongson ng Fintech para rin po suportahan itong application na ito.

So, Secretary Vince Dizon, the floor is yours – B-B-B.

SEC. DIZON: Maraming salamat po, Spokesperson Harry. Magandang hapon po sa ating mga kababayan.

Ito po ay napakaimportanteng report lang sa ating mga kababayan tungkol sa ating Build, Build, Build, Program. Alam ninyo naman po na ngayon pong araw nag-report po ang ating NEDA at ang ating DOLE tungkol sa pagtaas ng unemployment rate sa Pilipinas. Umaabot po ng 10% ang unemployment, ito po ay dulot na rin nitong ating mga hamon sa COVID-19 kaya po napakaimportante po talaga ang direksyon ng ating mahal na Pangulo na kailangan pong dahan-dahanin na nating buksan ang ating ekonomiya para po manumbalik na sa pagtatrabaho ang ating mga kababayan at umandar na po ulit ang ating ekonomiya.

At napakaimportante po dito sa ginagawa nating ito ang imprastraktura. At magbibigay po tayo ng report ngayon at kino-commit po ng ating pamahalaan sa pamumuno ng ating Pangulo na talagang paiigtingin pa lalo ang ating infrastructure program, ang ating Build, Build, Build para mas madaming trabaho ang ating maibigay sa ating mga kababayan lalong-lalo na iyong mga nawalan dahil dito sa ating pandemyang kinakaharap.

Unang-una po, kung titingnan po natin ang paggastos sa infrastructure nitong nakaraang mga ilang taon, dalawang dekadang nakalilipas, makikita po talaga natin na napakalaki na po ng itinaas ng infrastructure spending lalong-lalo na sa termino ng ating mahal na Pangulong Duterte.

Noon pong 2001 – 2010, isandaang bilyon lang po o mga 1.6% ng ating buong ekonomiya ang ginagastos sa infrastructure ng ating pamahalaan. Ito po ay tumaas noong 2011 – 2016 to 370 billion, mga 3% pero makikita po natin halos isang trilyon po kada taon mula 2017 – 2019 ang ginagastos ng ating pamahalaan equivalent to 6% ng ating GDP ang nagawa ng administrasyon ng ating Pangulo. Ito po ay klarong commitment ng ating Pangulo na ang pondo dapat ay talagang ilaan natin para ayusin ang napakamakalumang imprastraktura sa ating bansa.

So, ipakikita lang po natin sa mga susunod na slide ang mga iba’t-ibang mga natapos ng proyekto.

Sisimulan po natin siyempre ang New Clark City Phase 1A kung saan idinaos ang ating successful Southeast Asian Games; ang susunod po ay ang Harbor Link, ito po ay inaprubahan ng mga nakaraan pang administrasyon pero natapos po nitong mga nakaraang buwan lang sa pamumuno ni Secretary Villar at ng ating mahal na Pangulo.

Susunod po ay ang Sangley Airport para sa general aviation para po maibsan ang congestion sa NAIA, natapos na rin po ito sa leadership ng ating Department of Transportation. Natapos na rin po – ito po napakaimportanteng proyekto – iyong broadband project natin with Facebook. Ito po ay proyekto ng BCDA, ng DICT at ng Facebook, tapos na po ito at hinihintay na lang po nating ma-online iyong mga kable na galing sa Amerika papunta sa atin na galing sa Facebook.

Ang Angat Water Transmission Improvement Project para sa tubig sa Metro Manila—ito pong Facebook Project natin sa broadband at itong Angat Water, natapos po ito noong panahon ng MECQ. So, nakikita po natin na kahit na tayo ay naka-lockdown ay tuloy-tuloy pa rin po ang ating infrastructure projects kaya natapos po natin ang dalawang proyektong ito sa Build, Build, Build.

Laguna Lake Highway, ang kauna-unahan pong highway sa Pilipinas na may dedicated bike lane at pedestrian lane, natapos na po ito ng ating DPWH sa pamumuno ni Secretary Villar. Ang Cagayan de Oro Port, natapos na rin po sa DOTr. Ang TPLEx po, kaya po ngayon kung pupunta po kayo ng Baguio ay halos tatlong oras na lang o tatlo’t kalahating oras na lang. Natapos na po ito sa tulong ng San Miguel Corporation, ang ating private sector partner para sa TPLEx.

Ang Clark International Airport po, makikita po natin tuloy-tuloy po ang construction natin diyan at malapit na pong matapos iyan. Ito ang bago nating magiging gateway at by early next year tapos na po iyan. Malapit na rin pong matapos – napakatagal na po nito ano, noong panahon po ni Presidente Ramos na-approve to – pero finally po sa tulong ng ating private sector partners, ng San Miguel Corporation, makukonekta na po natin ang SLEX sa NLEX at makakapagbiyahe na po tayo ng north to south at south to north nang ilang minuto na lang at hindi na dadaanin ng oras.

MRT 7, again, another project po ng San Miguel Corporation with the Department of Transportation, malapit na pong matapos iyan at tuloy-tuloy po ang ating construction diyan at sigurado po tayo before 2022 ay tapos na po ang MRT 7. Ang BGC to Ortigas po sinimulan po natin iyan ngayong termino ni Pangulong Duterte kahit po na-approve siya noong nakaraang mga administrasyon, ngayon lang po nasimulan, at malapit na po siyang matapos. Connecting BGC to Ortigas, limang minuto na lang po ang bibiyahihin natin hindi na po isang oras.

Ang Bicol International Airport sa bagong lokasyon nito sa Legazpi City, matagal na po itong panaginip ng ating mga kapatid sa Bicol lalong-lalo na si Congressman Joey Salceda, ngayon po ay malapit ng matapos. Ang General Santos Airport, isang bagong airport sa Mindanao, matatapos na rin po. Leyte Tide Embankment para po mas lalo tayong maging handa sa mga malalakas na bagyo, malapit na ring matapos iyan. Ang Cagayan de Oro Coastal Road, nakikita ninyo na rin po malapit na ring matapos, project din po ng DPWH under Build, Build, Build.

Napakalaki po ng tulong ng pagsara natin ng Boracay noong mga nakaraang taon. Dahil po dito na-reinvigorate natin ang Boracay at dahil din diyan, malapit ng matapos ang Boracay Circumferential Road na may pedestrian at bike lanes din. Sa Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte, iyan po ay napakaimportanteng kalye rin, ang Sindangan – Bayog – Lakewood Road malapit na rin pong matapos.

Ang Central Luzon Expressway ‘no, nakakonekta po iyan sa ating Subic-Clark-Tarlac Expressway para po magkaroon ng east-west connection ang Luzon – malapit na rin pong matapos iyan.

Ang LRT 2 Extension, malapit na rin pong matapos.

So 92 projects po ang ni-retain natin sa infrastructure flagship projects list. 4.1 trillion pesos po, mayroon tayong walo na itinabi muna dahil kailangan muna nang masusi pang pag-aaral at medyo iyong iba po ay napakamahal so kailangan nating mag-redirect ng resources natin sa mga ibang proyekto.

Pero mayroon din po tayong mga dinagdag na priority, kasama ang ICT na napakaimportante ngayon lalo na sa panahon ng pandemya; mga water projects ‘no. At dahil nga po diyan, nag-issue po ang ating mahal na Pangulo ng Administrative Order 32 para siguraduhin na ma-fast track ang ating mga water projects, pagtutulungan po natin iyan with ARTA at ng NEDA kasi para siguraduhin po natin na hindi tayo magkakaroon ng water shortage problem lalung-lalo na sa Metro Manila.

Nagdagdag po tayo ng mga importanteng transportation projects kasama na rin diyan ang isang PPP project, ang NLEx Harbor Link Extension to Anda Circle. At importanteng-importante sa healthcare, magtatayo na po tayo ng isang world-class virology science and technology institute sa tulong ng Department of Science and Technology sa New Clark City para po ready tayo sa mga susunod pang paghamon sa ating healthcare system.

So with that po, maraming salamat po Secretary Harry and ito po ang report natin sa Build, Build, Build Program. Thank you.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Sec. Vince Dizon. Kasama rin po natin ngayon si David Almirol ng Multisys, sila po ang gumawa noong StaySafe.ph pero hindi po siya magsasalita, siya po ay magdi-demonstrate kung paano gumagana itong StaySafe.ph na inilunsad kanina lang pong umaga sa SM Manila. So Mr. David Almirol, please, the floor is yours.

MR. ALMIROL: Magandang hapon po sa ating lahat. Kaninang umaga po ay inilunsad natin ang StaySafe at—so ito po iyong StaySafe, puwede nating i-download ito gamit ang android, IOS at Huawei. So iyong website natin na StaySafe.ph, mayroon din po tayong—lahat ng mga private companies like iyong workplaces, organizations man iyan or even LGUs and government agencies puwede pong gumamit ng StaySafe.ph para po makapag-download sila ng kanilang sari-sariling QR code.

So iyong QR code na iyan ay naka-connected iyan sa tinatawag na digital logbook. At the moment na ginamit iyong QR code, puwedeng idikit iyong QR code na ito sa kanilang mga establisyimento para sa ganoon lahat ng papasok doon, magkakaroon po ng combination ng contact tracing at may kasama na rin siyang digital logbook para hindi na kinakailangan na magkaroon ng papel pa na pini-fill up-an manually, para magkaroon ng—automation na rin para hindi na po gumamit ng ballpen pa or papel pa para kumuha ng mga impormasyon ng mga pumapasok sa isang establisyimento.

So gamit lang ng scanning ng QR code, gamit ng StaySafe.ph na-automate din natin iyong tinatawag na digital contact tracing gamit po ng StaySafe.ph. So hindi lang po ito citizens protection, ito po ay tinatawag na establishment protection na rin. Ito po ay puwedeng gamitin both private at government at ito po ang magso-solve sa tinatawag nating—pag-a-avoid natin, okay, doon sa pag-transmit ng sakit or itong virus. Maiwasan ito sa pamamagitan po ng social distancing at paggamit po ng StaySafe para po maiwasan iyong transmission po ng sakit.

So ito po iyong StaySafe.ph, puwede ninyo pong gamitin po ito para po to protect yourself, your family and your community. So, maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Mr. David Almirol. Kasama rin po natin ang dalawang representante ng pribadong sektor. Unahin ko po si Ginoong George Royeca ng Angkas. Sir, paano ba makikinabang ang pribadong sektor sa paggamit nitong StaySafe.ph?

MR. ROYECA: Magandang hapon po, Sec. Harry. Thank you very much for that question. Talaga pong malaking pakinabang ito sa pribadong sektor ‘no katulad ng mga establishments. This morning po, nag-launch po tayo kaninang umaga sa SM Manila kasama po ang mga ibang pribadong sektor katulad ng SM supermalls, Mc Donald’s Philippines, Jollibee, Metrobank, Alliance Global, Inc. – sila po may-ari ng Megaworld, Resorts World, Filinvest Development Corporation, JG Summit, Robinsons, Union Bank, Angkas, The Moment Group, pati iyong marami po, isanlibong restaurants po.

So basically po, kapag nilagay po iyong QR code sa establishment natin, nakakonekta po iyong app na ito sa lahat ng laboratoryo, makikita po natin doon kung sino po iyong confirmed, probable at suspected. So kung mangyari po iyon, makikita po natin kung sino iyong hindi na dapat puwede na sa loob ng establishment po natin. So talagang malaking tulong ito kasi magkakaroon po ng confidence sa lahat ng consumers na bago pumasok sa establishment, alam po nila na wala pong lamang COVID iyong particular na store na po iyon. So talaga pong excited po kami sa private sector na talagang i-roll out na po ito para sa lahat.

SEC. ROQUE: Kasama rin po natin si Ida Tiongson ng Fintech. Para sa inyong kaalaman, ang Fintech po, sila iyong PayMaya at iba pang mga electronic payments. Paano naman po makakatulong ang StaySafe sa ganitong mga negosyo, Ms. Ida?

MS. TIONGSON: Ang problema kasi ng mga negosyo natin ngayon, gumagamit ng mga papel. So ito, when it comes to the Fintech, ang ginagawa natin ay paperless kaya nakapakaimportante na mag-paperless tayo para mas less iyong hawa. And nakakatawa at the moment, papel pa rin ginagamit sa maraming establishment, sa restaurant, sa mga establishments, sa mga buildings at puwede rin siyang makadala ng virus ‘no. So itong StaySafe app instead of a two-minute na magpi-fill up ka pa ng form, ito barely 2 seconds. Pagka-on mo siya, iki-click mo lang na kung healthy ka, click and then transfer. Tapos iyong information, naga-gather ng establishment at hindi—iyong chance na imbento because iyong iba nilalagay lang kung anu-anong pangalan, anong cellphone number. Ito, when it comes to this mismo iyong cellphone mo ang naka-load doon kaya mas maganda siyang gamitin. And sana gawing—i-impose ng government na gamitin ng lahat ng establishments.
SEC. ROQUE: Ma’am, napakaganda ng boses mo for broadcast. Sigurado kang ayaw mong maging spokesperson? [laughs] Salamat po Ma’am Ida.

So pumunta na po tayo sa tanong galing po sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Kung may tanong po kay sa mga bisita natin, pakisabi lang na ang tanong ay para sa kanila. Unahin po natin si Usec. Rocky. Usec. Rocky, go please.

USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque. And good afternoon din po kay Secretary Dizon at sa atin pong mga bisita. Una pong tanong mula kay Arianne Merez of ABS-CBN. Ito po ang unang tanong niya: Has the IATF decided on the possible resumption of provincial bus operations in Metro Manila?

SEC. ROQUE: Wala pong desisyon iyan, so bawal pa rin po ang mga provincial buses.

USEC. IGNACIO: Ano daw po ang comment ng Palace on the release of US Marine Joseph Pemberton? What does this say about the implementation of criminal laws in our country?

SEC. ROQUE: Well, nakausap ko po kanina si Secretary Guevarra ng DOJ at ang hinihintay niya ay iyong finile (filed) na mosyon ng Bureau of Corrections. Sang-ayon po kasi sa batas na nagbibigay nitong allowance of a good conduct, kinakailangan may rekomendasyon po ang Bureau of Corrections. It turns out na itong desisyon po ng hukuman ay labag po o contrary to the recommendation made by the Bureau of Corrections, kasama na po diyan iyong punto na hindi dapat binigyan ng allowance for good credit iyong educational, diumano, educational activity ni Pemberton habang siya po ay nakakulong.

So I’m speaking as Spokesperson, mukha pong taliwas sa rekomendasyon ang ginawa ng Bureau of Corrections ang naging desisyon ng korte. Sa mga naghahawak po sa pagkatao ni Pemberton, hayaan ninyo naman, bigyan ninyo ng pagkakataon na mag-move for reconsideration ang Executive Branch dahil ang desisyon naman po on allowance for good conduct is an executive function. So iyong ginawa po ni Judge na siya na ang nagdesisyon kung paano siya bibigyan ng credit for good conduct is an instance of judicial overreach.

Ang pakiusap ko po doon sa mga naghahawak sa pagkatao ni Pemberton, bigyan po ng pagkakataon na mag-file ng motion for reconsideration ang ating pamahalaan sa pamamagitan po iyan ng mga piskal at inaasahan po ni Secretary Guevarra na ngayong araw ay makakausap niya ang Bureau of Corrections at ang piskalya na magkaroon po siya ng kaukulang order. Pero huwag ninyo munang palalabasin po dahil hindi pa naman po final and executory ang desisyon na iyan, puwede pa pong mag-motion for reconsideration ang Republika ng Pilipinas.

Next question, please.

USEC. IGNACIO: Ang ikatlong tanong niya: Is “sabong” still prohibited in GCQ and MGCQ areas?

SEC. ROQUE: Prohibited pa po, hindi pa po iyan pinapayagan.

Thank you, Usec. Rocky. Punta naman tayo kay Triciah Terada.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi. Good afternoon, Secretary, and to all your guests po. Sir, iyong House panel or some lawmakers are eyeing to give President Duterte emergency powers to solve the problem in PhilHealth. What’s Malacañang’s view on this? Is it still necessary, sir, considering na nag-appoint na po ang Pangulo ng bagong PhilHealth chief? Does Malacañang support this move?

SEC. ROQUE: Well, we welcome the willingness of the House of Representatives to give such emergency powers to the President, pero hindi po ako makakomento kasi hindi ko pa nakikita kung ano talaga iyong rekomendasyon ng Mababang Kapulungan. Ang PhilHealth po ay iyan po ay binuo dahil sa isang batas at naamyendahan po ang PhilHealth law sa pamamagitan po ng Universal Healthcare Law ‘no. So nais ko po munang makita kung ano talaga iyong specific emergency powers na gustong ibigay po ng Kamara at iyan naman po ay most welcome kung talaga pong kinakailangan.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Secretary, there’s also a report this morning saying that three companies that are in a DBM blacklist – bad contracts – more than 720 million pesos in PPE and other deals. Now based doon po sa mga details na prinovide like their previous violations, doesn’t this procurement contradict to the President’s policy na bawal manamantala ngayong pandemya—well, of course, in all situations hindi naman po talaga dapat. But what can the government still do about this? Can the contracts be revoked or will the procurement agencies be penalized po?

SEC. ROQUE: Well, nabasa ko rin po iyan sa ating pahayagan ngayon, hindi ko pa po nahihingan ng panig ang ating PS-DBM so hayaan ninyo munang mabigyan ako ng pagkakataon na makuha ang, kumbaga, eksplanasyon naman ng PS-DBM. At sa aking tingin naman, kung talagang mayroong paglabag sa batas ay ipa-flag din po iyan ng Commission on Audit. But for now, I cannot comment po dahil I just read about it in the papers myself. Hayaan ninyo po, makikipag-ugnayan tayo kay Secretary Avisado.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, finally, iyong Malaysia po is banning the entry of Indian, Indonesian and Philippine citizens. Well, part of the report is saying na second po tayo to Indonesia as having high cases in Southeast Asia. Your comment on this, sir.

SEC. ROQUE: Well, that’s a sovereign decision ‘no, who will be allowed to enter one’s territory ‘no. I’m not saying we’re happy, I’m saying na we regret the decision but we respect the sovereign decision of Malaysia.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Trish. We go back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Secretary, tanong mula kay Francis Wakefield ng Daily Tribune: An online article reveal that Filipino registered nurses earn the least compared to their peers in the Southeast Asian region based on a recent study conducted by an information aggregator. The average month’s salary of a mid-level nurse in the Philippines was compared by i-Price Group to those in Malaysia, Thailand, Singapore, Vietnam and Indonesia. The group said that experienced Filipino nurses only earn around P40, 381 per month while their ASEAN counterparts earn at least P63, 000. Any comment from Palace?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung totoo iyang report na iyan ‘no pero ang ginawa na po natin sa pamamagitan ng Bayanihan II ay binigyan natin ng karagdagang hazard allowance ang mga frontliners natin. Binigyan din natin sila ng libreng board and binigyan po natin silang ng libreng life insurance at mayroon din po silang mga libreng tests ‘no. So sa tingin ko, maganda naman po iyong package na binibigay natin ngayon sa ating mga frontliners.

Gayunpaman, kung iyan po ay mababa pa sa ating mga karatig na bansa, pagdating po sa mga nurses sa gobyerno ang solusyon po diyan ay siguro bago iyong classification—o baguhin iyong classification ng nurses sa government Standardization Law ‘no, Salary Standardization Law nang mailagay ang mga frontliners natin sa mas mataas na salary grade ‘no.

Sa pribadong sektor naman po iyan, iyan naman po ay nadi-determine nang malayang merkado ‘no. Ngayon pong maraming nurses na gustong umalis, siguro naman iyong mga pribadong ospital magbibigay rin nang mas mataas na sahod para engganyuhin na manatili sa Pilipinas ang mga nurses.

Okay, thank you very much. Punta naman tayo kay Joyce Balancio please, DZMM.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Yes po. Good afternoon po, Secretary Roque. Follow up lang doon sa earlier question ni Trish on—doon sa tatlong companies na blacklisted by DBM. You said you will ask for an explanation. Ibig sabihin po ba nito paiimbestigahan ng Malacañang—ipasisilip itong sinasabi nga po na questionable awarding of contracts?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung questionable iyan kaya nga po tatanungin natin ang DBM ‘no, kasi hindi ko pa po naririnig kung ano ang explanation galing sa DBM. So I think it’s premature to say we’re investigating, I will just clarify kung totoo, first and foremost, na 750 million worth of PPEs ay na-award sa isang blacklisted company. And if so, bakit at ano ang dapat gawin? So ngayon po, wala pa po tayong komento hanggang magkaroon po tayo ng pagkakataon na makipag-ugnayan kay Secretary Avisado at kay Usec. Lao.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. Follow up din po doon kay Pemberton. You’ve mentioned—you’ve posted your personal comment on the issue and also sabi ninyo nga po nakausap ninyo na si SOJ. But how about President Duterte himself? Ano po ang thoughts niya dito sa naging desisyon ng korte?

SEC. ROQUE: Well, wala pa po siyang personal thoughts on this pero kung maaalala ninyo po, he has abrogated ‘no, ordered the abrogation of the VFA dahil ito nga po ay hindi pursuant to our national interest. So napagpaliban lang po ang termination ng VFA for 6 months at sa tingin ko naman dahil ang desisyon ni Presidente ay tapusin na itong VFA na ito, eh ito po ang tunay na pagbibigay ng katarungan kay Jennifer Laude. Dahil ang pagpatay naman kay Jennifer Laude ay symbolic sa pagpatay ng soberenya ng bansang Pilipinas.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay. So, are we saying sir this will have an effect in any way sa VFA or any other agreements between the Philippines and United States, ito pong desisyon ng Olongapo court?

SEC. ROQUE: Well, natural po ‘no, dahil napakita natin na under the VFA kapag pumatay ang Amerikano ng Pilipino na parang hayop iyong Pilipino eh limang taon lang ang pupuwedeng maging parusa na pagkakakulong – hindi po dapat iyan.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. Last na lang po from me, Secretary. Sa Libingan ng mga Bayani, marami pong LSI ang nandoon po. Wala po silang schedule to go to the provinces at actually sabi nga po ni Asec. Joseph Encabo, they think nananamantala na iyong maraming LSIs kasi wala namang schedule and yet pumupunta sila doon. May mga iba daw po na kita naman na may kakayahan naman pero gustong sumabay sa libreng tulong ng gobyerno. Ano po ang gagawin natin, ang dami po nila doon Secretary?

SEC. ROQUE: Una, nakikiusap po ako doon sa mga nagtitipun-tipon diyan sa Libingan ng mga Bayani, under GCQ po hanggang sampung tao lang po ang pupuwedeng magtipun-tipon. So dahil wala naman pong ina-announce na schedule itong programa natin na paghahatid tulong sa probinsiya, nakikiusap po kami kung pupuwede bumalik muna kayo sa inyong mga tinitirhan dito sa Metro Manila at kung mayroon na pong anunsiyo kung kailan ang susunod na Hatid Tulong, ay ipagbibigay-alam naman po natin sa inyong lahat sa pamamagitan po ng media.

Ulitin ko po dahil wala pong schedule, nakikiusap po kami doon sa mga nagtitipun-tipon, GCQ po ngayon, 10 persons or 10% lang of capacity pero open air iyan so limited to 10% lang iyan, umuwi muna po kayo.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Thank you, Secretary

SEC. ROQUE: Oo. Thank you very much, Joyce. Kay Usec. Rocky tayo.

USEC. IGNACIO: Secretary, question from Virgil Lopez ng GMA News Online: President Duterte’s allies in the House of Representatives expressed plans to give him emergency powers to address corruption in PhilHealth. Is this necessary?

SEC. ROQUE: Nasagot ko na po iyan, maraming salamat po. Pero gusto ko pong makita kung ano iyong proposal.

USEC. IGNACIO: Mayroon na po bang list of infrastructure flagship projects on water security to be covered Administrative Order No. 32 and if this will include the Kaliwa Dam project?

SEC. ROQUE: Si Secretary Vince Dizon po ang sasagot niyan.

SEC. DIZON: Opo. Unang-una po, mayroong 12 infrastructure flagship projects related to water, kasama dito ang Kaliwa Dam dahil napakaimportante ng Kaliwa Dam sa long term water sustainability dito sa Metro Manila. Ito ay—alam ninyo iyong Kaliwa Dam, pinaplano ito panahon pa ni President Marcos, 1967 po to be exact ang unang study to build Kaliwa Dam sa bundok ng Sierra Madre. And I think after so many years, so many decades, it’s about time na gawin na natin ito. Napakaimportante nitong Kaliwa Dam sa water sustainability natin dito sa Metro Manila.

Pero hindi lang po iyan mayroon pang 11 pa na iba’t ibang proyekto sa buong Pilipinas na kasama dito at nagpapasalamat tayo sa Office of the President dahil naglabas ang Presidente ng AO32 para mabigyan ng prayoridad ang mga water projects natin sa buong bansa. Dahil kritikal ito, kailangan paghandaan natin ng mabuti ang mga parating na tag-init natin at ngayon na ang time para talaga lalo nating pabilisan pa ang ating mga water projects lalo na sa Metro Manila.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Vince. Ang susunod pong tanong ni Sam: Nag-decide na kaya si President if the Sangley Airport Project will still push through or not after the US flagged with China Communications Construction Company Limited which is involved in the said project?

SEC. ROQUE: Nasagot ko na po iyan, so si Secretary Vince naman ang pasasagutin ko ngayon.

SEC. DIZON: Wala pong pagkakaiba sa sagot namin ni Secretary Roque, tuloy po ang Sangley Airport project sa Cavite, ito ay sa pamumuno ng provincial government of Cavite. Kailangang- kailangan po nating mag-invest sa mga ganitong klaseng infrastructure projects at tuloy po iyan. While totoo na naglabas ang Estados Unidos, ang mga desisyon po ng ating bansa ay hindi kinakailangan sumunod sa mga desisyon ng ibang bansa. Tayo po ay may sariling desisyon at iyon po ang desisyon ng ating gobyerno.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Usec. Punta tayo kay Joseph Morong of GMA 7, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, good afternoon po. Sir, first question, iyon lang pong kay PhilHealth President Gierran. Wala pa raw po siyang appointment papers? And then related question, sir, as a concept, iyong emergency powers, is this even possible under the Constitution kasi binabasa ko kanina parang national emergency, puwede na iyong emergency powers pero subsumed siya sa regime na war tayo. So, iyong legality or iyong constitutionality of granting an emergency with the President for PhilHealth purposes, what do you think of it and then iyong appointment papers?

SEC. ROQUE: I can’t answer, Joseph, kasi hindi ko pa alam kung ano iyong proposal ng House, as I explained earlier. So hindi ko po alam. In any case, it is the House—it is Congress that gives emergency powers to the President. So in so far as the power of Congress is concerned, they have the power to grant emergency powers. Pero hindi ko pa alam kung ano ang detalye, so I cannot tell you … I cannot give a professional opinion on its constitutionality. Antayin po natin kung ano iyong proposal.

As to the appointment of Gierran, well, dati-rati po we post it, pero ngayon ang policy po namin sa OPS, it’s up to the appointed official to post it if they want. We just confirmed that an appointment has been made and … we did not have to confirm it because the President himself announced to the Philippines na si Atty. Gierran po ang susunod na Presidente ng PhilHealth.

JOSEPH MORONG/GMA7: But si Atty. Gierran po kanina ay nasa Laging Handa siya. He was asked kung ano ang update doon sa reshuffle ng mga VP, and then he said wala pa siyang appointment papers. Meaning, he couldn’t probably act on the order of the President absent the appointment papers. Does he have an appointment paper?

SEC. ROQUE: Yes, I believe he has ‘no because no less than the President announced it. If hindi nakakarating sa kanya, siguro time lag lang iyan. But I did not have to announce his appointment because the President himself made the announcement.

JOSEPH MORONG/GMA7: Yes, sir. Si Senator Lacson said that the evidence so far gathered by the Senate does not reach up to Secretary Duque. Now, if the task force finds evidence against Secretary Duque, what will the President do? Will he stop filing charges?

SEC. ROQUE: The President will respect the findings of his own task force because it is composed of individuals not only with the required qualification to determine culpability but also the powers precisely to determine this kind of culpability, dahil kasama po diyan ang Ombudsman at saka Civil Service Commission. So the President will defer to the finding of the task force.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, si Pemberton, do we know where he is right now?

SEC. ROQUE: Hindi po, ni minsan hindi ko po alam kung nasaan siya.

JOSEPH MORONG/GMA7: And even the DOJ?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam. Ako, hindi ko nakita iyan kahit kailan. Hindi ko naaninuhan man lang iyan.
JOSEPH MORONG/GMA7: Does that worry you?

SEC. ROQUE: Of course, it does dahil hindi ko alam kung nasaan siya.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right, sir. Thank you for your time, sir.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Joseph. Back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Secretary, ang tanong ni Kris Jose ng Remate ay nasagot na ninyo about emergency powers para po kay Presidente. Ang tanong po ni Rose Novenario of Hataw: Kahit po sa homicide convicted si Pemberton pero considered na hate crime ang pagpatay niya kay Laude, heinous crime pa rin ito kaya hindi siya qualified sa GCTA; saklaw din ng VFA ang paglilitis sa kaso ni Pemberton. Applicable ba ang GCTA sa kaniyang kaso?

SEC. ROQUE: Well, ang sa tingin ko po, hayaan na muna natin magsalita ang gobyerno mismo sa isyung ito. I know, I have a personal involvement in this case, pero ako I find comfort po doon sa sinabi sa akin ni Secretary Menard Guevarra kanina na taliwas po ang desisyon ng korte sa rekomendasyon ng Bureau of Correction. Ito pong pagbibigay po ng liberality para sa mga convicted felons, ito po ay executive function kaya dapat po sa tingin ko kung talagang iba ang rekomendasyon ng Bureau of Correction, dapat sinunod po iyan ng korte ‘no. Dahil sa batas naman, it is the executive that will determine the entitlement to liberality as far as punishment is concerned.

So, iwan ko na po hanggang doon iyan. Pero, Rose, I share the exact same sentiments that you have. Hindi naman pupuwede na trinato na parang hayop iyong kababayan natin, tapik lang sa kamay ang parusa.

USEC. IGNACIO: Iyong tanong naman ni Aileen Taliping ng Abante nasagot na ninyo, Secretary, about iyong Malaysia bans entry on Indian, Indonesian, Philippine citizens.

SEC. ROQUE: Back to Usec. Rocky. Thank you very much, Maricel.

USEC. IGNACIO: Question from Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin: After the country’s unemployment rate declined daw po in July, are you confident this rate will continue to drop by further relaxing the lockdown and allowing more business activities? How will the government help jobless Filipinos and create more jobs?

SEC. ROQUE: Ano iyong tanong? Is it inflation or employment rate?
USEC. IGNACIO: Unemployment, sir.

SEC. ROQUE: Siyempre po iyan po ay mabuting balita na habang nagbubukas po ang ekonomiya, mas marami siyempre ang nakakapagtatrabaho na. Kaya nga po ang aking pakiusap sa ating mga Pilipino, sumunod po tayo sa minimum health standards – pagsusuot ng mask, paghuhugas ng kamay, pagso-social distancing, pagsusuot ng face shield. Kasi habang ginagawa po natin iyan ay nabubuhay tayo in spite and despite COVID-19. Habang pinag-iingatan natin ang ating buhay ay magkakaroon po tayo ng hanapbuhay. Sana ay patuloy po ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Will the Palace support the passage of a bill declaring September 11 as President Ferdinand Edralin Marcos Day in Ilocos Norte? Should the nation celebrate the leadership of Marcos?

SEC. ROQUE: Iyan naman po ay katungkulan ng Kongreso, rirespetuhin po kung anong magiging desisyon ng Kongreso. At alam ninyo naman po, bago maging batas iyan, dapat pumasa sa Mababang Kapulungan at saka sa Senado. So rirespetuhin po ng Presidente kung ano ang maging desisyon ng mga policy-makers sa Kongreso.

Thank you, Usec. We go to Pia Rañada of Rappler, please.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Hi, Sec. Sir, just on the issue of the blacklisting of Chinese firms into island-building in the South China Sea. There was a contradiction between SFA Locsin and the President because si SFA Locsin was saying that this would be a way to show consistency with the Philippines’ strong stance against the encroachments of China in the West Philippine Sea. So, the Secretary obviously doesn’t see this as a compromise on a national sovereignty but the President does. So what did the President say to Locsin about his public statements and his recommendation? Just curious to know how he handled the recommendation by the SFA and the contradiction between them?

SEC. ROQUE: Wala naman pong sigurong inconsistency diyan dahil ang sabi lang naman ni Secretary Locsin, ‘he will recommend.’ Pero hindi naman po nangyari na iyan because the President spoke as a matter of … as chief of foreign policy, chief architect of foreign policy. At after the President spoke, sumang-ayon naman po ang ating Secretary of Foreign Affairs. So sa tingin ko po, wala naman pong contradiction.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So, sir, si SFA Locsin admitted that he should not have spoken about the issue prematurely. Kasi, sir, iyong statements niya in public were this is going to be … he is condemning the island-building and this move would definitely be consistent with that strong stance. So, parang hindi siya—it’s just a recommendation but at the same time, it’s also his position.

SEC. ROQUE: Well, ang nabasa ko po sa peryodiko kanina, sinabi niya na tama naman po ang posisyon ng ating Presidente kasi kapag kinansela natin ang mga kontratang iyan ay madidemanda na naman tayo sa isang international forum. So nagsasang-ayon naman po ang ating Secretary of Foreign Affairs.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So, sir, hindi naman po nagalit si President kay SFA Locsin about the public statements?

SEC. ROQUE: I have no information po kasi ang Presidente naman ay walang personalan po iyan.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay, sir. Last quick question lang, sir. The StaySafe app, will it be required by the government for people entering certain establishments?

SEC. ROQUE: Sana po gamitin ng lahat ‘no kasi kaya nga po tayo nagdeklara na ang StaySafe.PH – naguguluhan ako sa safety at saka StaySafe – sa StaySafe.PH ang official platform natin, it’s because we want all the Filipinos to use it, para mayroon tayong uniform application. At kapag mayroon tayong uniform application, mas mabuti iyong ating pag-iiwas at magiging mas mabuti iyong ating tracing.

Okay. Thank you, Pia. Going back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Secretary, tanong ni Sam Medenilla ng Business Mirror for Secretary Dizon. Iyong iba po ay nasagot na ni Secretary Dizon dito, pero basahin ko na po baka po may idadagdag siya. Mayroon na po bang list of infrastructure flagship projects on water security to be covered by Administrative Order # 32, and if this will include the Kaliwa Dam Project?

SEC. ROQUE: Nasagot na po iyan.

SEC. DIZON: Nasagot na po, mayroon na po at makakaasa po ang ating mga kababayan na papabilisan po natin ang implementation ng mga water projects para masiguradong hindi tayo magkakaproblema sa tubig sa iba’t ibang parte ng bansa.

USEC. IGNACIO: Okay. Iyong second question po for Secretary Roque, nasagot ninyo na, Secretary, ang reaksiyon ninyo about the 10% increase sa unemployment in July. Tanong naman po ni Arianne Merez: Can you confirm the statement of Pemberton’s lawyer, Rowena Garcia-Flores, that in 2017, you agreed that Pemberton can be paroled already? Can you explain this, for Secretary Roque?

SEC. ROQUE: I vehemently deny that. That is a lie. And I’m asking now the Secretary General of the House of Representative, sir, pakigawa nga po ng certification kung ni minsan nagpunta si Attorney Flores sa aking tanggapan doon sa Kongreso noong ako ay kongresista pa. Kung ako po ay pumayag nang 2017 eh bakit hanggang ngayon ay nakakulong pa si Pemberton? It doesn’t make sense po.

So I think sinabi niya iyan para lang i-explain kung bakit hindi binigyan ng pagkakataon na madinig ang pamilyang Laude, pero wala pong katotohanan iyan. And I will pursue this ‘no, I’m now formally requesting po, I will formally request the House Sec. Gen. to issue a certification if Attorney Flores went to my office at any time in the year of 2017.

Thank you. Punta na po tayo kay Melo Acuña.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Magandang araw po, Secretary. Ang una ko pong tanong ay para kay Secretary Vince Dizon. Magandang hapon po, Secretary Dizon.

SEC. DIZON: Good afternoon, sir.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Noon pong nakalipas na taon, nagkaroon po ng okasyon para ilunsad iyong subway na tutustusan ng Japan. Saan na po nakarating iyong paghuhukay para matuloy na itong Japanese subway sa Pilipinas?

SEC. DIZON: Ongoing na po ang construction ng Metro Manila Subway Phase 1, Sir Melo. Nagsimula po iyan noong nakaraang taon pa ‘no. Nagsimula na ang paggawa ng depot sa north side ng linya ng subway. At kanina nga po, magandang binalita po ng ating Presidential Spokesperson at ng DOTr, tapos na po at ready to ship na ang tunnel boring machine. Ito po iyong malaking makina na maghuhukay at gagawa ng tunnel para sa subway natin. At I think ilo-launch na po iyan sa Japan, tapos na po siya. At sa mga susunod na buwan ay makakarating na po iyan dito sa Pilipinas, at napakalaking bagay po iyan ‘no lalo na para dito sa Metro Manila.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Salamat po. Para kay Secretary Roque. Secretary, mayroon pong sinabi si Major General Edgard Arevalo na may kasunduan ang BuCor at ang Armed Forces of the Philippines na kikilalaning extension facility iyong detention ni Pemberton sa Kampo Aguinaldo. If I recall it right, si Pemberton ay nasa isang pasilidad na kontrolado ng mga Amerikano, guwardyado ng mga Amerikano at naroon lang sa loob ng Camp Aguinaldo. At kagaya nga po ng nabanggit ninyo, hindi ninyo siya nakita.

Papaano po siya magkakaroon ng qualification sa Good Conduct Time Allowance kung hindi naman siya napiit sa New Bilibid Prisons? Ano po ang dahilan doon po sa naging desisyon ng huwes sa Olongapo? Hindi po kaya masasabing ignorance of the law ang naganap? Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Huwag naman po ignorance of the law. Puwede naman pong remedyuhan kung talagang nagkamali ang desisyon ng korte. Bigyan naman natin ng pagkakataon ang korte na pag-aralan iyong isyu.

Pero tama po kayo ‘no, ang nakapagtataka, si Pemberton ay nakakulong pa rin doon sa exact same lugar kung saan siya kinulong habang siya ay nililitis. Bakit po importante ito? Kasi nakasaad sa VFA, habang nililitis, ang jurisdiction sa kaniyang pagkatao ay sa mga Amerikano pa rin. Pero pagkatapos siyang ma-convict, nandoon pa rin siya, doon sa JUSMAG. At hinahanap ko naman iyong sinasabi nilang refrigerated van sa labas ng DND, ilang beses na po akong nagpunta doon sa opisina ni Secretary Lorenzana, hinahanap ko iyong refrigerated van na iyan, wala naman ‘no. Ang mayroon lang talaga na guwardiyado ng mga Amerikano at Pilipino ay iyong doon pa rin sa katabi ng firing range.

So, I suppose po nandoon pa rin siya. Pero sabi ko nga po, I supposed kasi wala po akong personal knowledge na naririyan siya. Pero noong minsan po may nakausap akong Amerikano sa isang formal na event, ang sabi nila noong nililitis si Pemberton ay lumilipad daw po siya outside of the Philippines at ibinabalik kung kinakailangan. ipinagbigay-alam ko po ito sa Korte Suprema noong ako po ay nagkaroon ng oral arguments kung hindi ako nagkakamali doon nga sa constitutionality ng Visiting Forces Agreement. And I stand by what heard from a competent American official na lumalabas-pasok sa Pilipinas si Pemberton habang siya po ay nililitis.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: You consider this a violation of Philippine sovereignty?

SEC. ROQUE: As I’ve said, the death of Jennifer Laude is symbolic of the death of Philippines’ sovereignty. Saan kayo nakakita ang krimen nangyari sa Pilipinas, ang biktima Pilipino, ni hindi natin nahawakan si Pemberton noong nililitis siya at ngayon bagama’t symbolically hawak natin sila ay nandoon pa rin iyong mga Amerikanong mga sundalo.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Legal po ba iyong kasunduan ng BuCor at ng Armed Forces of the Philippines to consider the facility when Pemberton is allegedly [unclear] as an extension facility?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kasi ang pagbubuo po ng BuCor ay nakabase po iyan sa Administrative Code. So hindi ko po alam kung pupuwede na iyong batas na Administrative Code ay pupuwedeng baguhin ng isang agreement. Pero doon po sa kaso na isinampa namin, napawalang-bisa po namin iyong Romulo–Kenney Agreement kasi iyong agreement na iyon sinasabi pupuwede siyang ikulong nga doon sa US Embassy mismo at ang sabi nga ng Korte Suprema ay hindi naman pupuwedeng pumasok sa ganiyang kasunduan ang Secretary of Foreign Affairs noon na si Secretary Romulo.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Maraming salamat po, Secretary. Thank you.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Melo. Back to USec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, mayroon na lamang kayong tatlong tanong dito; dalawa kay Ace Romero, isa kay Vanz Fernandez. Unang tanong po ni Ace Romero: What prompted the Office of the President to decide to stop posting appointment papers and just allow appointees to confirm it? What happened to transparency? The public deserve to know the new appointees.

SEC. ROQUE: Well, mayroon pa rin pong transparency kasi kino-confirm namin iyong mga appointments. Pero kasi po iyong appointment paper itself is addressed to the appointee, so it’s up to the appointee kung gusto niyang ilabas iyan. Anyway, the new policy po ay iyan po iyong umalis na ako during my first round of being spokesperson. Sa pagbalik ko po, bago na ang polisiya. Pero nandiyan pa rin po ang transparency dahil nga inaanunsyo naman namin kung sino iyong na-appoint.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question ni Ace Romero: Clarification po about doon sa lifting of city and municipal ordinances on the improvement of WiFi services nationwide. Is the laying of fiber optic cable to improve WiFi connections cell sites included in the President’s directive as the cables will be embedded in roads? The permit usually comes from the DPWH but some LGUs also require ordinances or permits?

SEC. ROQUE: Would you like to answer that, Secretary Dizon? Kung kasama ba iyong pag-laying ng cable for the internet doon sa utos ni Presidente na i-fast track ng mga lokal na mga pamahalaan.

SEC. DIZON: Alam ninyo po, ang mga infrastructure flagship projects natin ito ang mga pinakaimportanteng mga proyekto na kailangan nating bilisan. Iyong sa pag-lay po ng internet, napakaimportante po niyan. Pero iyong sa Administrative Order 32 sa tubig lang po pero irerekomenda natin na pati iyong mga… lalo na iyong sa digital infrastructure natin eh mapabilis din through the local government units and also to the other regulatory agencies. Magpapatulong po tayo sa ARTA at sa iba pang ahensiya para mapabilis iyon.

SEC. ROQUE: Well, just in po, I will just read the text po of our BuCor Chief, and I will quote: “By the way, sir, advice ng DOJ hindi ipo-process ang release – this is referring to Pemberton – since there was an MR filed and we’ll just wait for the resolution of the MR, sir.” So, General Arevalo, please await resolution of the MR before releasing Pemberton.

Next! Mayroon pa bang mga questions?

USEC. IGNACIO: Opo, Secretary, mayroon pa pong tanong. Secretary, pasensya na nadagdagan po ang ating tanong. Tanong po ni Vanz Fernandez, ito po: NBI files cases against some Immigration personnel before the Ombudsman dahil po sa tinaguriang ‘pastillas scam’ in exchange for Chinese nationals to enter our country. Iuutos din po ba ng Pangulo na mag-reshuffle din sa Immigration tulad ng PhilHealth at BOC? Ang tanong po mula kay Vanz Fernandez ng Police Files.

SEC. ROQUE: Hayaan na po muna natin si Secretary Meynard Guevarra magdesisyon diyan because nasa poder naman po niya ang Commission on Immigration.

Incidentally, ang text na binasa ko po ay galing po kay Director General Gerald Bantag ng Bureau of Corrections.

USEC. IGNACIO: Okay. Follow-up naman po ni Joseph Morong ng GMA 7, nandiyan pa po si Joseph: Can we retain daw po policy to release appointment papers?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam. I’ll ask the Executive Secretary because apparently it’s the Executive Secretary that said na it’s enough we confirm appointments, we don’t have to post appointment papers.

USEC. IGNACIO: Opo. Last kay Vanz Fernandez: May mga OFWs daw po na nagback-out o hindi sumipot sa mass repatriation program ng pamahalaan na may mga chartered flight at commercials flights na binayaran na ang kanilang tickets gamit ang pondo ng bayan na kanila pong … sa kanila pong lugar. Reaksyon daw po dito?
SEC. ROQUE: Well, sayang naman po iyong gastos, pero nirerespeto po namin ang desisyon ng ating mga kababayan. Ang importante kung gusto ninyong umuwi hahanap at hahanap ang ating Presidente Duterte ng pamahalaan para po kayo’y makauwi.

USEC. IGNACIO: Okay. Salamat po, Secretary.

SEC. ROQUE: Well, since wala na tayong mga questions, maraming salamat, unang-una, sa ating panauhin, ang aking mabuting kaibigan, si Secretary Vince Dizon. Again, I am vice chairman of his fans club chaired by his wife. At kasama rin po natin, maraming salamat kay George … bago po si George Royeca, si David Almirol ng MultiSys; si George Royeca ng Angkas; si Ida Tiongson ng Fintech.

Maraming salamat po sa mga men and women of the Malacañang Press Corps. At maraming salamat, USec. Rocky.

So, dahil wala na pong tanong, sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte – Pilipinas, stay safe. At ipaglalaban po ng ating Pangulo ang interes, ang dangal ng Pilipino.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)