Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Nakipag-usap pong muli ang ating Presidente, Rodrigo Roa Duterte, sa taumbayan kagabi, at ito po ang ilan sa mga mahahalagang punto na kaniyang nasabi kagabi: Una, inanunsiyo po ni Presidente na mapapasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine or MECQ ang Iligan City simula ngayong araw hanggang sa katapusan ng Setyembre ngayong taon base po sa rekomendasyon ng IATF. Samantala, ang Metro Manila ay mananatili sa General Community Quarantine or GCQ. Ang iba pang mga lugar na nasa GCQ ay Bulacan, Batangas sa Luzon, Bacolod City at Tacloban City naman po sa Visayas. Ang lahat ng mga lugar na hindi kasama rito ay nasa Modified General Community Quarantine.

Tingnan po natin ang infographics na naka-flash sa inyong screen, babasahin natin isa-isa. Sa Talk to the Nation Address din kagabi ay ipinakilala po ni Presidente sa publiko ang kaniyang natalagang presidente at chief executive officer ng Philippine Health Insurance Corporation or PhilHealth, si dating National Bureau of Investigation Director Dante Gierran.

Inanunsiyo rin po ng Presidente ang pagbibigay ng one-time grant sa halagang 30,000 bilang educational assistance sa mga college students ng mga anak ng OFWs na na-displace, non-returning, repatriated o namatay na mga OFWs na naapektuhan ng COVID-19. Inaasahang mayroong tatlumpu’t tatlong libong estudyante mula sa mga pamilya ng OFW ang makikinabang po dito.

Balitang IATF naman po tayo: Sa pagpupulong ng IATF noong nakaraang Huwebes, Agosto 27, napagkasunduan ang pag-adopt ng malaking pagbabago sa COVID-19 risk classification method. Isa sa major changes ang paggamit ng new parameters for escalation and de-escalation of risk classification. Ito po iyong kung magiging mas mahigpit o mas maluwag ang kanilang community quarantine.

Para sa escalation, iyong paghihigpit, tinitingnan po iyong healthcare utilization rate or HCUR ng mga kama at mga gamit para sa COVID-19. Siyempre po, kung nauubos na ang mga kamang iyan, mas tataas po ang quarantine classification.
Para naman po sa de-escalation, iyong pagluluwag, ang mga sumusunod ang naging parameters: Iyong healthcare utilization din po; iyong daily attack rate, two-week growth period at case doubling time; iyong mga barangay na may bagong kaso sa nakalipas na labing-apat na araw; surveillance, contact tracing at isolation efficiency – dapat po mapakita nila na kaya nila iyong contact tracing; iyong walang local transmission mula sa locally stranded individuals, returning Overseas Filipinos; iyong index case sa loob ng dalawang linggo; at iyong sinarang establisyimento o apektadong mga manggagawa dahil sa COVID-19; clusters sa workplace at establishments; iyong food security indicators at social indicators on multi-dimensional deprivation; at pagsunod po sa minimum health standards ng specific settings tulad ng palengke, transportasyon at pampublikong mga espasyo.

Pumunta naman po tayo doon sa COVID-19 forecast report ng UP-OCTA team. Naku, sa ikalawang beses lang po ‘no mukhang hindi po nagkaroon ng katuparan ang naging forecast ng UP-OCTA research team, ito po ay dahil sabi nila sa buwan ng Agosto ay magkakaroon tayo ng 250,000 cases ng COVID. Hindi po natin naabot ang 250,000 – 220,000 po ang naging kaso ng COVID, more or less. Mamaya po ay sasabihin natin ang exact number. Pero hindi po natin nakamit ang 250,000 dahil iyan po ay tayo’y sumunod sa minimum health standards; tayo po ay nagsuot ng face mask, naghugas ng kamay, nag-social distancing, at ngayon po ay nagsusuot din ng face shield sa pampublikong mga establisyimento at sa pampublikong sasakyan at sa atin pong mga workplaces.

Ano pa po ang mga laman ng OCTA report? Well, sinabi natin na ang incubation period ay labing-apat na araw kaya makikita natin ang epekto ng MECQ dalawang linggo pagkatapos ideklara ito. Makikita sa infographics na ito ang pandemic surge sa buwan ng Hulyo ay totoo. Makikita ninyo po iyan na talagang tumaas po iyan sa Hulyo ‘no.

Makikita naman natin ang pagbaba ng new daily COVID-19 cases mula 2,301 new COVID-19 daily cases noong August 2 to 8, unang linggo ng MECQ sa Kamaynilaan, hanggang na naging 1,987 cases noong August 23 to 29.

Ang susunod na infographics naman po ay ang NCR reproduction number or ‘R0’ na bumaba nang halos 1 mula 1.2 noong August 2 to 8 ay naging 1.01 noong August 23 to 29.

Bumababa rin ang NCR positivity rates sa 14% noong August 23 to 29 mula 16% noong August 2 to 7. Bumaba rin po ang hospital bed at ICU occupancy sa NCR.

Pumunta naman po tayo sa mga napagkasunduan ng mga Metro Manila mayors ayon sa Metro Manila Council or MMC. Anim na bagay po itong pinagkasunduan bagama’t nasa GCQ na po ang Metro Manila: Una, pinaikli na po ang curfew hours simula ngayong araw. Ang 8 P.M. na curfew ay naging 10 P.M. na po, at ang curfew ay hanggang 5 A.M.

Mayroon lang pong dalawang siyudad, tama po ‘no, na hindi 10 to 5 ang kanilang curfew. Sa Muntinlupa po, it is 10 to 4 kasi mayroon silang ordinansa; at sa Navotas, 8 to 5 pa rin po ang kanilang curfew sa Navotas.

Pangalawa, required po ang pagsuot ng face shield sa mga pampublikong transportasyon, sa indoor workplaces, sa mga commercial establishment kasama na po ang mga palengke at mga talipapa dahil ito po ay mga matataong lugar. Ito po ang tinatawag na “maximum public health standards.”

Pangatlo, sa religious gatherings – matutuwa po ang mga Obispo natin – pinayagan na po ang 10% sitting capacity. Uulitin ko po: Sa NCR, pinayagan na rin po ang religious gatherings up to 10%, hindi lamang hanggang sampung katao.

Pang-apat, na-lift na po ang pagsususpinde ng operasyon ng mga establisyimento sa Metro Manila kagaya po ng testing, tutorial and review centers, mga gyms, fitness centers and sports facilities, dermatological clinics offering aesthetic procedures and other personal care services, pet grooming services, drive-in cinemas. Pero nasa desisyon na po ng lokal na pamahalaan ang pagbubukas ng mga industriyang ito.

Uulitin ko po: Sa lahat po ng lugar na GCQ, bukas na po ang mga gyms, ang mga internet cafés, ang mga testing, tutorial review centers and other personal care services, pet grooming, dermatological clinics offering aesthetic procedure and drive-in cinemas. Pero sa Metro Manila, kinakailangan pa rin po na LGU ang magpabukas ng mga negosyong ito.

Ang LGUs din po ang magbibigay ng specific guidelines para sa gyms, fitness centers, internet cafés, sports facilities kasama na po diyan iyong additional health protocols, operational capacity at operating hours. Sa Metro Manila po iyan.

Samantalang sa mga probinsiya ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, pinapayagan na po ng Department of Trade and Industry ang mga sumusunod: Testing, tutorial and review centers, gyms, fitness centers and sports facilities, dermatological clinics offering aesthetic procedures, other personal care services, pet grooming services, drive-in cinemas. Nasa discretion ng lokal na pamahalaan din po ng mga nasabing probinsiya ang operasyon ng internet cafés.

Panlima, hihilingin din po ng mga lokal na pamahalaan ng Metro Manila sa IATF na ipagpaliban ang voter’s registration sa Enero 2021 o kung mag-MGCQ o kung ano ang mauna sa dalawa, subject to IATF approval – ito po ay sa Metro Manila.

Pang-anim, sa pagdating naman po sa mga quarantine passes, nasa lokal na pamahalaan na po ang pagpapasya kung kinakailangan pa rin pong magpakita ng mga quarantine pass.

Punta naman po tayo sa ating COVID-19 updates. Ito po ang local update natin ‘no, sa buong daigdig, mayroon na pong 25,402,968 cases at ang mga namatay na po ay 849,303.

Nangunguna pa rin po ang Estados Unidos na pinakamaraming kaso at 6,028,012; ang mga namatay po sa kanila ay 183,563. Sumusunod pa rin po ang bansang Brazil – 3,908,272 cases at 121,381 deaths. Pangatlo po ang India – at ito po ang pinakamataas sa Asya – 3,621,245 cases; mga namatay po ay 64,469. Russia po ang pang-apat – 992,402; 17,128 deaths. At ang pang-lima po ngayon, ay mukhang nabago po ito, Peru ang pang-lima po ngayon – 647,166 at 28,788 deaths.

Nananatili po sa 22nd place sa buong daigdig ang Pilipinas with 220,819 cases at ang mga namatay na 3,558. Mayroon po tayong 1.5% na case fatality rate.

Now, sa ating bayan po, muli mayroon na po tayong 2,417,360 na mga indibidwal na na-test na po sa paggamit ng PCR. Ito po ay ginawa sa 85 licensed RT-PCR laboratories at 28 licensed GeneXpert laboratories. Nagpapasalamat nga pala po kami sa NKTI dahil every time kami ay ire-require ng Malacañang ng swab test doon po kami nagpupunta sa NKTI, kay Dra. Liquete, ang pinakamagaling pong transplant surgeon.

Mayroon po tayong 59,699 active cases as of August 31 at sa numerong ito, 91.3% po ang nagkasakit ng mild; 6.2% ang asymptomatic; ang severe po ay 1% at ang critical ay 1.5%. Dumadami po ang ating recoveries – 157,562; ang mga namatay po ay 3,558, 1.5%.

On other matters naman po, nagpapasalamat po ang ating Pangulo sa Razon Group sa kanilang donasyon na 600-bed isolation facility. Tatlong linggo lamang po ang konstruksyon nito at inaasahang matatapos na po ito sa ikawalo ng Setyembre, at ito ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa P200 million. Nakikita ninyo po ang mga larawan ng isolation facility. Ito po ay nandoon sa dapat na lugar kung saan itatayo ang Nayong Pilipino.

Bukod po dito sa bagong isolation facility sa Nayong Pilipino, mayroon din po tayong bagong 650-bed quarantine facility sa Calamba, Laguna. Ito po ang pinakamalaking quarantine facility sa labas ng Metro Manila. Ito po ang CALABARZON Regional Government Center na ginawang mega-quarantine facility para sa mild at asymptomatic patients at sa ikalimang palapag ay para naman maging quarter area ng ating mga frontliners.

Dito po tayo natatapos ng ating presentasyon. Kasama po natin ngayon walang iba po kung hindi si Budget Secretary Wendel Avisado para bigyan naman po tayo ng briefing doon sa isinumiteng National Budget para po sa taong 2021.

Secretary Wendel Avisado, the floor is yours. Sec., the floor is yours. Wala pa pong audio.

SEC. AVISADO: Thank you very much, Sec. Harry. Nag-unmute lang ako. Magandang tanghali po sa inyong lahat.

Gusto ko pong sa lalong maikling paraan ay maipaabot sa inyo ano na po ang kaganapan ngayon dito sa Department of Budget and Management. At gusto ko pong ipaalam sa inyo, unang-una, iyong kasalukuyang estado ng ating budget, tapos pupunta tayo, se-segue tayo doon sa COVID-19 expenses natin and then tuluy-tuloy tayo doon sa Bayanihan II at saka iyong sa ating naisumiteng Proposed Fiscal Year 2021 National Budget.

So, dala nga po ng pagsubok na kinakaharap natin sa COVID-19 ay talagang sobra-sobra po at hindi hamak na napakahirap ng ating dinadaanan, subalit sa panig po ng pamahalaan ay patuloy po ang pagbibigay ng serbisyo sa ating mga kababayan.

So, sa kasalukuyan po para sa taong kasalukuyan, of the total 2020 National Budget, 94% has already been released to the various departments and agencies. Despite the current health crisis, nagsisikap po tayo na maiparating ang mga projects ng ating various departments.

Dito nga po sa COVID-19 releases as of August 28 … next slide, please.

Makikita natin na umabot na sa 389.06 billion ang nagagasta ng ating pamahalaan as of 28 August at ito nga po ay nangyari dahil sa pagpapasa ng Bayanihan to Heal as One Act. And the government was able to shore up resources to fund critical programs, activities and projects.

Ang karamihan po sa COVID-19 projects ay napunta po sa mga programang nagbibigay ng tulong sa ating low income households, displaced formal and informal workers, distressed overseas Filipino workers and affected farmers and fisherfolks.

Ang Department of Social Welfare and Development po ang siyang nakakuha ng pinakamalaking release ho natin na umabot sa 211.6 billion. And for the first tranche of the implementation, the DSWD has already served 17,686,842 beneficiaries; while for the second tranche, umabot po ng 13,364,915 beneficiaries ang nakatanggap po ng SAP.

Iyon naman pong mga benepisyaryo under the DOLE CAMP and TUPAD Programs, DOF-SSS, Small Business Wage Subsidy Program, as well as DA’s farmer financial assistance program ang Expanded Sure Aid and Recovery Project for farmers and fisherfolks, natanggap na po nila lahat ng kanilang mga assistance as of August 26 of this year.

Ang Department of Health naman po ay na-release na namin ang—umabot ng 48.98 billion para po makabayad sila ng hazard pay, special risk allowances of the healthcare workers, procurement of PPEs and purchase of COVID-19 testing kits among others.

Dito naman po sa Bayanihan II, nakahanda naman po kami to release at least 140 billion more or less to support the Bayanihan to Heal II. Our efforts to fund COVID-19 response programs for the remainder of the year do not stop that is why we are thankful to Congress na ipinasa nila iyong Bayanihan II and it is now in the Office of the President through the Office of the Executive Secretary for review and signature.

Ito po ang breakdown ng proposed Bayanihan II allocation: Sa Health po ay nasa 21 billion at may standby fund na 10 billion – total of 31. Ang cash for work naman ay 18 billion; ang social assistance six billion. Ito po iyong government financial institution capital infusion of 39.47 billion at may standby fund na 15.53 billion. Sa Agriculture naman ay 24 billion; sa Transportation, 9.5 billion; sa Tourism, 4.1 billion; Education, 7.5 billion; TESDA, one billion; at iyong iba pa po ay 9.3 billion.

Iyon pong isinumite natin na proposed fiscal year 2021 national budget or National Expenditure Program ay naisumite namin last August 26 sa Congress.

And the next year’s proposed project is higher by 9.9% and it will focus on containing the spread and mitigating the effects of the virus, while restarting and reviving, we energize our economy to help our nation reset, rebound and recover.

By expense item po, for personnel services aabot siya ng 29.2%, capital outlay is 20.4% or in the case of personnel services, aabot ng 1.316 trillion, sa capital outlays ng 920.5 billion iyong share ng mga LGUs, sa IRA nila 837.8 billion, MOOE 15.5 o 699.4 billion, ang debt services natin ay 12.4 or 560.2 billion, support to GOCCs at 3.5% or 157.5 billion and tax expenditures natin at 0.3% or 14.5 billion.

By sector naman po, social services will have 36.9; economics services 29.9; general services 16.1; debt burden at 12.4 and defense at 4.7.

As proposed po by budget by region, Luzon will have 17.5% or 790.2 billion; NCR will have 1.4, 87.9 trillion; Visayas will have 8.3% or 374.1 billion; and then Mindanao will have 11.8% or 500.6.

Ito po iyong top 10 departments who will have the biggest share of the total budget: Education which includes DepEd, SUCs, CHEd and TESDA at 754.4 billion; DPWH has 667.3 billion; DILG at 246.1 billion; DND at 209.1 billion; Department of Health at 203.1 billion; Department of Social Welfare and Development at 171.2 billion; Department of Transportation at 142.6 billion; Department of Agriculture at 66.4 billion; the Judiciary at 43.5 billion; and finally the Department of Labor and Employment at 27.7 billion.

So ito po ang preliminary facts and figures na nais naming iparating. Gusto po din namin malaman ninyo na mag-uumpisa na po ang pagdinig ng Proposed 2021 National Budget simula Setyembre a-siete, September 7 po all the way up to the middle of the month at the House of Representatives. At the same time mayroon din pong kaakibat na hearing na gagawin ang Senado at doon po malalaman ninyo nang kabuuan, ang mga detalye po ng nasabing proposed budget natin for the following year.

Iyan po muna ang aking maibibigay na updates sa ating mga kaibigan at kasamahan sa media at kung mayroon po kayong mga katanungan, sige po’t gagawin natin ang lahat para masagot po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat Secretary Wendel Avisado at I hope you can stay po for an open forum. Alam ko po maraming tanong sa inyo ang ating mga kasama dito sa Malacañang Press Corps. Siyempre po hindi nabanggit pero champion din po ang Office of the Presidential Spokesperson as having the lowest budget of all agencies in government.

Now, may I call now on Usec. Rocky please.

USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque. And good afternoon, Secretary Avisado. Question from Francis Wakefield of Daily Tribune: During President Duterte’s “Talk to the Nation” last night, there was no mention on who will be the next PNP Chief despite Police General Archie Gamboa already retiring this Wednesday daw po. May we know when the President will make the announcement?

SEC. ROQUE: Well, kagabi po sinabi sa akin na dapat i-announce ko na pero binawi ‘no so hindi ko pa po maa-announce ngayon. Pero mayroon na pong pangalan na initially binigay pero I was given instruction na i-hold muna po ang pag-announce ‘no. But what we can announce is tungkol sa retirement po ni General Gamboa, I’m sure na magiging OIC pa lang po ay si General Cascolan. So pag-retire po ni General Gamboa, it will be General Cascolan who will be OIC in the PNP.

USEC. IGNACIO: Second question po ni Francis: May binigay po ba na timetable si Pangulong Duterte kay bagong PhilHealth President and CEO Dante Gierran para malinis ang ahensiya? Aside from him, sinu-sino pa ba ang mga pinagpipilian sa posisyon—nakapili na po kagabi Secretary?

SEC. ROQUE: Well, ang sabi po ng Presidente [signal cut] natitira niyang termino na dalawang taon para linisin po ang PhilHealth. I supposed that is the time frame.

Punta naman po tayo kay Maricel Halili of TV-5. Thank you, Usec. Rocky.

MARICEL HALILI/TV5: Hi, sir. Magandang hapon po. Sir, follow up lang po doon kay Director Gierran. What made the President appoint former NBI Director Gierran as PhilHealth chief considering na wala rin naman po siyang background sa public health and health economics? Was he able to meet the qualifications stated on Section 14 of the Universal Healthcare?

SEC. ROQUE: Opo. Tayo po nagsulong ng batas na iyan sa 17th Congress. Isa po doon sa requirement ay management ‘no, experience and of course Director Gierran already has 7 years management experience ‘no. Hindi naman po kinakailangan na health economics experience is one of the possibilities pero nag-qualify po siya sa 7-year management experience. Bakit po siya tinalaga? Ang problema po sa PhilHealth korapsyon, so naisip po ng Presidente ang pinakamagaling na italaga diyan, number one, iyong mayroon nang kakayahan na mag-conduct ng mga imbestigasyon – at ito nga po si Director Gierran ‘no.

At bukod pa po doon, dahil ang mga krimen na nagaganap po sa PhilHealth ay iyong tinatawag na white collar crimes, eh kinakailangan nakakaintindi rin po ng mga financial reports at financial records, mga balance statements ‘no. Kaya nga po I think Director Gierran is the best choice dahil siya ay CPA at lawyer din po na mayroon pang experience in criminal investigation. So asahan po nating malinis ang hanay ng PhilHealth sa natitirang termino ng ating Presidente na dalawang taon.

MARICEL HALILI/TV5: Pero, sir, ano po iyong assurance na hindi magkakaroon ng power vacuum sa PhilHealth after the instruction of the President to remove all the regional vice presidents of PhilHealth? How will it affect the operation of the agency?

SEC. ROQUE: Wala pong instruction to remove – reshuffle, i-reshuffle po ang instruction niya. Wala po akong narinig na tanggalin kung hindi i-reshuffle. Sa ngayon po, dalawa na lang po ang natitira sa execom na hindi pa preventively suspended by the Ombudsman, at ang nais ng Pangulo ay i-reshuffle din iyong mga regional VPs. At tingin ko naman po, this should be done regularly kasi nga po hindi naman dapat masyadong nagtatagal iyan sa mga regional offices dahil parang nagkakaroon na sila ng sariling ‘kingdom’ ‘no. So, it’s just a reshuffle.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, may clarification lang po on the quarantine classification. Kasi usually 15 days lang po iyong binibigay natin na duration doon sa mga bagong quarantine classification, but this time it will be implemented until September 30. What made the IATF decide na mas pahabain iyong duration ng classification ng quarantine ngayon? And ito na ba iyong magiging bagong trend, monthly na po ang pagbabago ng quarantine?

SEC. ROQUE: Well, kung mapapansin ninyo po kasi, ang highest classification natin ay MECQ at ito po ay naka-impose lamang sa isang siyudad – sa Iligan. Hindi naman po ganoon kataas ang kaso sa Iligan. Ang problema lang po sa Iligan, wala pong hospital doon ‘no kaya kinakailangan ipadala pa sa Cagayan de Oro. Kumbaga iyong health utilization capacity nila ay mababa ‘no, so iyon po iyong dahilan kung bakit sila naging MECQ. Pero sa buong Pilipinas po ang pinakamataas na, with the exception of Iligan nga, is GCQ ‘no.

So minabuti na po ng IATF na gawing isang buwan para magkaroon ng stability ‘no iyong iba’t ibang mga lokal na pamahalaan. Napakahirap po kasi kung magbabago ang rules every two weeks. So ngayong every month na po, hindi lang siya magiging stable at mas malo-localize po kasi ngayon iyong mga ginagawa ng mga LGUs kasama na rin po diyan iyong mga localized at granular lockdowns. So parang mas mayroon pong continuity kung one month.

MARICEL HALILI/TV5: All right. Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you, Maricel. Going back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Okay. Question from Arianne Merez of ABS-CBN Online. Ito po iyong tanong niya, Secretary: What makes former NBI Director Dante Gierran qualified to lead PhilHealth?

SEC. ROQUE: Wala naman po siyang bahid ng korapsyon. He is a CPA-Lawyer and a seasoned investigator, indispensable po para malinis ang PhilHealth.

USEC. IGNACIO: And why did the President daw po choose Mr. Gierran to lead PhilHealth?

SEC. ROQUE: Iyon na nga po, iyon na po iyong sagot.

USEC. IGNACIO: Ang third question po niya: What prompted the IATF to impose longer term community quarantines? Does this mean that the President will no longer have his weekly public address?

SEC. ROQUE: Nasagot ko na po iyan; tuluy-tuloy po ang weekly public address ni Presidente.

Thank you, Usec. Punta naman po tayo kay Trish Terada of CNN Philippines, please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi! Good afternoon, Secretary. Sir, nabanggit po ni Pangulo last night that drugs is still flowing in the Bureau of Customs. Sir, do we have exact information about this? Paano po ito nangyayari? And iyong order po to reshuffle iyong regional offices, kailan po ito inisyu and nagawa na po ba ito ni Commissioner Guerrero?

SEC. ROQUE: I think he was giving fresh marching orders last night because I saw Commissioner Jagger (Guerrero) yesterday and they had a separate meeting, although I was not privy to the meeting. I know as much as you do because the President declared na sinabihan niya si Commissioner Jagger na patuloy pa rin ang pagpasok ng droga diyan sa Customs ‘no at sabi nga niya gamitin iyong mga baril na binigay niya sa Customs para mabawasan talaga iyang drug trafficking sa pamamagitan ng ating mga puerto.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, ano po iyong naging response dito ni Commissioner Guerrero? And at the same time, sir, nabanggit din po kasi ng Pangulo na magkakaroon ng reshuffling sa NBI. Bakit po nasama, sir, iyong NBI?

SEC. ROQUE: Eh lahat naman po iyan hindi naman pupuwede na masyado silang komportable sa kanilang mga temporary assignments ‘no. Sabi ko nga po nag-uugat ‘no, at kapag nag-ugat, maraming mga utang na loob which could become a hindrance to the discharge of their functions ‘no.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Yes, sir, ito po doon sa reshuffling naman po whether it’s PhilHealth, Customs, sir, NBI, ibig sabihin ba ni President po as in lahat or pati po kasama iyong mga even the performing regional offices kahit na wala pong anomaly na nangyayari doon sa lugar nila, makakasama po sa reshuffle?

SEC. ROQUE: Oo, wala namang distinction si Presidente. Ang kaniyang pinadadating na mensahe lang, hindi dapat nagtatagal talaga ‘no. Kung hindi naman permanent talaga doon, kinakailangan pinaiikot. Parang kayo din po sa media, kaya rin po kayo nagro-rotate para naman magkaroon din siguro ng mga, kumbaga, it’s a measure intended to provide for objectivity kasi kapag masyadong nagtagal sa isang assignment eh nagkakaugat na at nagkakaroon ng relasyon. So ganoon din po iyon, walang pagkakaiba.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Salamat po, Secretary.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Trish. Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, question from Sam Medenilla of Business Mirror: Kung mayroon na po bang list of infrastructure flagship projects on water security to be covered by Administrative Order 32 and if this will include the Kaliwa Dam Project?

SEC. ROQUE: Secretary Wendel Avisado? I think Secretary Avisado knows the answer to this.

SEC. AVISADO: No, I don’t have correct information or the right information to this. I’d like to defer to NEDA and BCDA kasi sila po iyong naatasan and they compose also the committee secretariat among other concerns, that’s why I will defer to them because I don’t have the latest information on this.

SEC. ROQUE: Okay. Thank you, Secretary. But on Thursday we will talk about the Build, Build, Build Program po at sasagutin po natin iyang tanong na iyan.

USEC. IGNACIO: Ang second question ni Sam Medenilla: Nag-decide na kaya si President if the Sangley Airport Project will still push through or not after the US flagged the China Communications Construction Limited which is involved in the said project?

SEC. ROQUE: The Sangley project will push through. The President declared last night that the Americans ay pupuwede po nilang ipatupad iyong blacklisting ng mga Chinese companies sa kanilang teritoryo sa Amerika at siguro doon sa kanilang mga base militar na nasa ilalim ng nga kanilang hurisdiksyon.
Pero malinaw po ang sinabi ni Presidente, hindi po siya susunod sa direktiba ng mga Amerikano dahil tayo po ay malaya at independiyenteng bansa at kinakailangan po natin ang mga namumuhunan galing po sa bansang Tsina.

So, Sangley and all other projects, kahit sino pong Chinese contractor iyan, tuluy-tuloy po iyan dahil ang pang-national na interes natin ay masigurado na matapos po iyong mga flagship projects natin sa ilalim ng Build, Build, Build.

USEC. IGNACIO: Ang third question niya: Nakarating na kaya kay Presidente Duterte ang Bayanihan II bill? If yes, when is he expected to sign the said legislation?

SEC. ROQUE: Inaasahan po natin ang paglagda niya sa lalong mabilis na panahon, but for standard operating procedure, nasa Office of the Executive Secretary at niri-review po iyan ng Deputy Executive Secretary for Legal Affairs.

Okay. Thank you, Usec. Punta naman tayo kay Joyce Balancio of ABS-CBN, please?

JOYCE BALANCIO/ABS-CBN: Yes. Good afternoon po, Secretary. Follow up lang po doon sa appointment po kay Director Gierran as the next PhilHealth Chief. Na-interview po iyong PhilHealth workers, iyong PhilHealth WHITE, at sabi po nila they are disappointed, dismayado po sila dahil tila hindi daw po pinakinggan ng Pangulo na ang hiling sana nila ay someone na may expertise sa finances or financial expert. Ano po ang mensahe ninyo sa mga PhilHealth workers po?

SEC. ROQUE: He is a financial expert dahil siya po ay isang CPA. Iyan po ang hirap sa mga ordinaryong mga abogado gaya ko, alam namin ang ebidensiya, alam naming mangalap ng ebidensiya, alam namin kung paano maglitis sa hukuman pero pagdating na sa mga financial statements ay talagang wala, hindi namin maintindihan. Pero si Director Gierran po, siya po ay CPA lawyer, so maiintindihan po niya iyan at mas importante nga po sa mga paglilitis sa mga magnanakaw diyan sa PhilHealth ay iyong nakakaintindi ng mga financial reports.

JOYCE BALANCIO/ABS-CBN: On another topic po, Secretary. Any update po sa pagtatalaga natin ng Big Brothers sa cities sa NCR and even nearby provinces? Ito po ba ay napag-usapan ng IATF? Because I also noticed ang Cebu City wala na po sa GCQ.

SEC. ROQUE: Opo. Naging epektibo po talaga iyong ginawang programa ng Presidente sa Cebu. Well, lahat po kaming mga natalagang Big Brothers ay bibisita sa aming mga natalagang mga siyudad at munisipyo bukas po, kung hindi po ako nagkakamali. So, iyan po ay requirement na bumaba po kami at makipag-ugnayan sa aming mga katunggaling [kaibigan] mga mayor.

Uulitin ko po, nandoon lang kami para siguraduhin na lahat ng mga kinakailangan ng local na pamahalaan na maibibigay ng national government ay maibigay sa lalong mabilis na panahon.

JOYCE BALANCIO/ABS-CBN: Nabanggit po ni President Duterte kagabi iyong Revolutionary Government, and he said it is something that should be discussed publicly. Ano po ba ang ibig sabihin nito? Is he now open on Revolutionary Government? And ano po iyong ibig niyang sabihin doon sa pagbanggit niya nito kagabi?

SEC. ROQUE: Well, nanatili pa rin po ang paninindigan ni Presidente na hindi po kinakailangan ng Revolutionary Government sa ngayon dahil siya po ay isang constitutional government. Pero kung mayroong mga tao, mga sektor na mayroong mga hinanakit at tingin nila kinakailangan ng Revolutionary Government para ma-address itong mga hinanakit nila, eh diyan po papasok iyong diskurso na pampubliko sa mga issues na mahalaga sa ating mga pang-araw-araw na buhay bilang isang bansa. Iyon lang po iyon.

Not “katunggali” pala ‘no, kaibigan, hindi po katunggali. Ewan ko kung katunggali nga ang aking sinabi kanina sa mga mayor. Ang mga mayor po natin ay mga kaibigan, mga kasama, mga ka-partners, hindi po katunggali. Gumamit ako ng katunggali, okay, my mistake. Usec. Rocky please. Thank you po, Joyce.

USEC. IGNACIO: Secretary, tanong po mula kay Tuesday Niu ng DZBB: Kung may ipapalit na ba kayo kay PNP Chief Archie Gamboa or extend daw po iyong term niya due to pandemic?

SEC. ROQUE: The latest information which I got as I started my press briefing is, kung wala pong permanent na matalaga, it will be General Cascolan as OIC po for the time being.

USEC. IGNACIO: Tanong ni Kris Jose ng Remate: Iyong pagkadismaya daw po ng ilang empleyado sa pagkakatalaga kay NBI Director Dante Gierran, may nabanggit na po kayo tungkol dito sa pagiging financial expert sana iyong gusto nila. Pero ang sabi po nila dito, dapat daw po ay may seven years experience sa field ng public health at dapat daw po ay rekumendado ng board ng PhilHealth base na rin sa nakasaad sa Universal Healthcare Law.

SEC. ROQUE: Well, ako naman po ang sumulat ng batas na iyan, kasama po ang management experience, hindi lang health management. At recommendatory naman po iyon sa board, pero ngayon sa board mayroon po tayong dalawang vacancy. So, hindi naman po absolute requirement iyan; it’s discretionary.

USEC. IGNACIO: Ang tanong po ni Virgil Lopez ng GMA News Online, para po kay Secretary Avisado: Will the DBM release to the public a breakdown how the government spent the COVID-19 related loans, grants and bonds issuances?

SEC. AVISADO: Naglabas po kami ng DBM circular letter dated … or rather Number 2020-9, which directs all national government agencies and departments to submit reports on the utilization of their agency budget for COVID-19 programs, activities and projects. Sa ngayon po ang mga ahensiya ay patuloy pa po na kinakalap lahat ng kanilang mga datos para makapag-submit po sila ng result ng kanilang paggamit ng pera na iyan. At makakaasa po ang publiko that DBM ay idi-disclose po ang lahat ng ito sa publiko.

Iyon naman pong sa mga utang, sa mga loans at mga grants na natanggap natin ay nasa poder po ng Department of Finance; hindi pa nakakarating sa amin iyan, ang mga datos niyan. Kaya po I will defer to the Department of Finance po.

SEC. ROQUE: Mayroon lang po akong text sa ating bubwit. Ang sabi po ng aking bubwit, iyong tinukoy na reshuffling kagabi ay reshuffling sa Customs at sa PhilHealth; hindi po kasama ang NBI.

Itago po natin ang aking bubwit sa pangalang Senator Bong Go. Maraming salamat for this clarification, Senator. Uy, nanunood ka pala, Senator. Thank you ha.

Joseph Morong of GMA. Joseph, be in good behavior nanunood sa iyo si Senator.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, clarification sa PhilHealth, since you clarified na hindi kasama iyong NBI sa reshuffle, so it’s just the Customs and then probably the PhilHealth. But with regard to the Vice Presidents ‘no, I’ll read the transcript of the President’s speech para lang clarified tayo, kasi baka hindi alam ang gagawin nila: “Iyong mga regional Vice Presidents tanggalin ninyo whether performing at par or imparity with the other good ones. The element of familiarity always enters the picture. Kung matagal na, tanggalin na; iyong ayaw magtanggal, ayaw magpatanggal, mag-report kayo dito sa opisina. And anyway, the Secretary of Justice is winding up his investigation. He has seen enough to come up with an indictment.”

So, sir, for the officers of the PhilHealth, should they be worried? Ang instructions ni Presidente, at least based on the transcript, tatanggalin sila, this is without due process, sir?

SEC. ROQUE: Hindi po. Malinaw po iyong konteksto, hindi naman dapat iyong in isolation of everything he said. Familiarity breeds contempt. So ililipat iyong mga regional at ang rationale nga, sinabi ko nga, inihambing ko rin po iyan kung bakit sa ating mga kaibigan sa media nagkakaroon din kayo ng reshuffling at walang permanent assignments, so as not to breed it familiarity.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyon pong healthcare workers ban. I was wondering whether this is in the President’s radar screen, kasi si Secretary Locsin has already said that this is a constitutional violation at the very least of the nurses to travel. Was that ever discussed in the IATF and what does the President think about this? Will this change in the near future? Are you open to lifting the ban? Kasi, well, one Secretary is saying it’s a violation of their constitutional right.

SEC. ROQUE: Okay lang po iyon because the President encourages naman free thought even amongst the cabinet secretaries especially on matters that do not fall within their primary jurisdiction. Pero ang pangunahing dahilan po kung bakit pinagbawalan ng Presidente, we are number 22 in the world for number of COVID cases at sigurado po ako lahat ng gustong magtrabaho sa abroad are going to places na mas marami pa pong kaso ng COVID.

So it is to protect the health and lives of our frontliners ‘no, primarily; secondary po, iyong for our own need for nurses and medical professionals in this country.

JOSEPH MORONG/GMA7: So wala, sir, iyong lifting in the near future?

SEC. ROQUE: Wala po siguro kasi napag-usapan po iyan sa IATF, and we all concurred with the opinion of the President – except for Secretary Locsin.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, except for?

SEC. ROQUE: Secretary Locsin.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sir, sa revgov lang. Iyon pong quote ni Presidente, sabi niya, “This should not be discussed in secret.” Is he testing whether the public will be or the military or the Armed Forces or the police will be receptive to the idea of a revgov because he wants to ask them? Why does he want to ask them and why does he want to know?
SEC. ROQUE: Hindi po. Talaga namang sa mula’t mula po, ang Presidente ay naniniwala sa malayang pananalita dahil po kapag mayroong malayang pananalita, nagkakaroon ng diskurso sa mga isyu na nakakaapekto sa ating pang-araw-araw na buhay.

JOSEPH MORONG/GMA7: He is not entertaining the thoughts of a revolutionary government?

SEC. ROQUE: Nagsalita na po siya – hindi niya kinakailangang maging revolutionary government dahil siya po ay constitutional government.

JOSEPH MORONG/GMA7: All right, sir. Thank you for your time.

SEC. ROQUE: Thank you, Joseph. Back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Secretary, ang question ay galing kay Ivan Mayrina ng GMA-7 para po daw kay Budget Secretary Wendel Avisado. Ito po iyong tanong niya: Senator Lacson wants to be clarified on certain items daw po in the 2021 budget na – to use his words, “nauulit.” Napondohan na noong 2020, pinupondohan ulit nang 2021 dahil daw ba hiniram muna ang pondo para sa COVID. Hindi raw puwede iyon.

SEC. AVISADO: Ito po iyong mga big ticket projects, malalaking proyekto po. At ang ginawa po ng DPWH ay ginawa niya nang vital, multi-year contractual authority dahil kulang nga po iyong pera for this year kaya nga po may bahay na siya, i-augment ngayon iyong project na iyan para matapos. Kasi kailangan nga po talagang matapos at hindi naman mabibigay lahat ng budget for this year, kaya nga po hiniling ng DPWH na ipagpatuloy hanggang next year kaya po naulit iyong project na iyan as recommended by DPWH.

Ang detalye po nito, ipapaliwanag po namin during the course of the budget hearing doon sa House of Representatives at saka sa Senate.

USEC. IGNACIO: Iyong second question po nni Ivan Mayrina ng GMA-7: Mula pa rin po daw kay …again, from Senator Lacson. He said that year in, year out, bakit ang laki ng unused appropriations and yet here we are, utang tayo nang utang. Are we borrowing more than we need? And will there be measures to somehow reduce or manage our budget deficit?

SEC. AVISADO: Lahat naman po ng mga departments ay niri-require po nating mag-submit ng SAAODB – Statement of Appropriation, Allotment, Disbursement, Obligation pati Balances po nila – kaya nga po minu-monitor po talaga natin iyan. So iyon pong mga may mga unused appropriations pa sila, iyon po iyong pupuwedeng kunin sa kanila, at iyon nga po ang nangyari doon sa Bayanihan I. At doon naman po sa mga allotment nila, kapag na-release na po iyon, minu-monitor din namin kung iyan ba ay in-obligate ba nila or kahit na ma-obligate nila, iyon ba ay na-disburse nila. Kasi iba-iba po ang level po ng expenses eh. Hanggang sa kung may balanse pa, malalaman at malalaman din po namin iyan.

So minu-monitor po namin iyan. At kung doon po sa punto ng pangungutang, iyan po sa level po ng Department of Finance iyan kasi po kami sa DBM, our task is to allocate the funds and monitor the releases up to its implementation. And then, we tell, we report to the President and to the public, ano po ang estado ng ating pera at paano po ito nagagastos at papaano ang pagbalanse tulad ng ginagawa namin na niri-report namin ito sa Kongreso every month po.

USEC. IGNACIO: Okay. Salamat po, Secretary Avisado.

SEC. ROQUE: Yes, we now go to Melo Acuña. Melo?

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Magandang hapon, Secretary. Medyo ticklish lang ito sapagka’t gusto kong malaman ilan na po ang tinamaan ng COVID-19 sa ating government employees according to departments? Mayroon din kasing report na iyong mga janitor at iyong mga security guards, tinamaan din ng COVID-19. Will COVID-19 bring to a halt government services? Do we have programs for people afflicted with COVID-19 na hindi empleyado sapagka’t job order kung hindi man ay security guard or janitor? Iyon po ang aking concern sa inyo, Secretary.

SEC. ROQUE: Well, government will never shutdown. Pinakita po namin dito sa ating munting tanggapan ng Office of the Presidential Spokesperson, kahit ano pong nangyari, tuluy-tuloy po ang ating discharge ng ating katungkulan sa pagbibigay ng impormasyon sa ating taumbayan. Nagsarado po ang building, lumipat po kami ng venue, nag-broadcast pa rin. Nagkaroon po ng isolation ang mga manggagawa, humanap po kami ng ibang mga tao na magbo-broadcast galing po sa pribadong sektor.

So iyan po ang tungkulin ng gobyerno: Never to stop functioning lalung-lalo na po sa panahon ng COVID. At pagdating naman po sa mga programa, iyan po ang dahilan kung bakit nagpi-fifty percent workforce po ang gobyerno para kung magkasakit po iyong ilan ay mayroon pa pong pupuwedeng magpatuloy po ng pagtrabaho sa gobyerno.

So mayroon naman pong programa, at ito po ay alinsunod na rin sa polisiya na ibinaba po ng Civil Service Commission.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Pero hindi po natin kawani iyong mga security guards at mga janitor, ano po ang programa natin para sa kanila sapagka’t kahit papaano, kung ma-expose sila ay expose din iyong mga taong makikipag-transaction sa mga opisina nito?

SEC. ROQUE: Well, lahat po sila ay covered ng ating polisiya on testing at lahat po sila ay subject to iyong case rates na ibinibigay po ng PhilHealth kung sila po ay magkasakit nang malala or nang severe.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Para kay Secretary Avisado. Magandang araw po, Secretary. Gusto ko lang pong malaman kung ano po ang inyong pagtataya sapagka’t nabanggit ninyo na 94% na ng budget natin for the year 2020 ang inyong naipamahagi, papaano po iyong internal revenue allotment ng local government units sapagka’t may nagsasabing LGU, na wala na silang salapi na pantustos sa mga nangangailangan?

At pangalawa, God forbid, kung may tumamang trahedya sa atin, mayroon pa po bang … o sasapat pa po ba iyong six percent na nalalabi sa budget para tugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan at ahensiya ng gobyerno?

SEC. AVISADO: Sige po, ganito po iyan. Iyon pong share ng mga lokal na pamahalaan ay that is automatically appropriated po; hindi na po iyan dumadaan sa DBM. In other words, the law itself says that since these are shares of the local government units, diretso na po sa kanila iyan at dadaan lang po sa Bureau of Treasury, issue lang kami ng NCA (notice of cash allocation) at pinu-program po iyan, monthly po ang release ng pondo sa kanilang [unclear] accounts.

Kaya po makakaasa po tayong lahat na hindi po mawawalan ang lokal ng pamahalaan dahil garantisado po iyon na share nila sa general appropriations act. At kung ang pag-uusapan naman po ay kung may sasapat pa ba, ay nagpapasalamat na po tayo sa Kongreso at ipinasa iyong Bayanihan II. At ito po ay makakadagdag sa pagtustos sa mga kakailanganin pa natin hanggang sa dumating iyong katapusan ng taon, at hopefully for next year, mayroon naman po tayong fresh funds na magagamit under the 2021 national budget po.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Malaki na rin po iyong ODA na natanggap ng Pilipinas. Papaano po kaya natin mababayaran ang mga ito sapagkat mayroon tayong Debt Cap Bill kung hindi ako nagkakamali, pero hindi natin mapapanghawakan iyong ating projections sapagkat matamlay pa ang ekonomiyang pandaigdig at iyong ating remittances ay apektado rin. Secretary, ano po kaya ang gagawin natin?

SEC. AVISADO: Kaya nga po masyadong maingat ang ating Department of Finance dahil iyan po kasi ang mandato nila – ang kumalap ng pera, mga grant na soft loan or combination dahil nga po iniiwasan natin na mas lalaki ang deficit natin kaysa GDP, at the moment nasa median po tayo a little over 50%, at ng sa ganoon ay nakakasiguro po tayo na mababayaran natin ang mga utang natin.

Kahit po si Central Bank Governor Ben Diokno ay nagsabi na po na mas malaki pa ang ating reserve funds versus our indebtedness kaya po nasa mabuting estado pa rin po ang ating ingat-yaman at [unclear] pera natin at ang atin pong ekonomiya ay mina-manage pong mabuti para po magkaroon tayo ng sapat na recognition at ang ating credit rating kahit na papaano ay nasa estado po na marami na rin po ang naniniwala na ma-survive natin or hindi lang matapatan kung hindi malampasan pa natin ang mga pagsubok na ating kinakaharap ngayon po.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Doon po sa inyong nakatakdang budget para sa susunod na taon, 754.4 billion ang para sa edukasyon. Doon po sa salaping iyon, ilan po ang nakalaan para sa school building program ng DepEd at ng TESDA at ng CHED?

SEC. AVISADO: Ganito po, ang policy po ng gobyerno ngayon, iyon pong mga kasalukuyan na ginagawang mga school buildings, iyon po ay kailangang tapusin po talaga iyon. As much as possible po, hinihikayat natin ang mga government agencies na imbes na magtayo tayo ng maraming buildings, unahin na muna natin iyong ating kinakaharap na problema ngayon.

So, iyong mga isolation facilities, iyong mga health centers, ang pagpapalawak pa ng kakayahan ng ating mga ospital, doon po muna natin ilalagay lahat ng energies natin na gawa ng hindi rin naman po tayo makakapagklase pa ngayon at kaya nga po nasa blended learning modes pa iyong modalities and that therefore iyon po ang ating ginagawang polisiya ngayon na tatapusin natin iyong mga naumpisahan na subalit hindi na muna tayo magtatayo in the meantime na nandito pa ang pandemic.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Salamat po, Secretary. Salamat po.

SEC. ROQUE: Thank you, Melo.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Thank you, Secretary Harry. Thank you.
SEC. ROQUE: Thank you, Melo. Back to USec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Opo. Question Secretary. Mula po ka Vanz Fernandez para aw po kay Secretary Avisado: With the government departments getting a new budget, what would happen to the previous budgets daw po of certain departments that remain unused due to pandemic? One of them daw po is the DPWH.

SEC. AVISADO: Ang totoo ho niyan, sinisikap ho namin na ma-implement kung ano pa iyong natitirang pera sa kanila dahil halos kalahati po ng budget nila nagamit talaga sa COVID. Kaya nga po kahit na papaano ay ginagawa po natin ang lahat ng paraan upang ma-implement din iyon kaya nga po nag-ano siya… nag-spill over siya kumbaga, next year at naulit na kailangan lagyan pa rin sila ng budget dahil kapag hindi po natin ginawa, hindi po matatapos iyong budget.

At wala po silang hindi na-utilize. In fact, kaunti na nga lang po ang natira sa kanila at ito po sa ngayon, patuloy po ang pagri-release namin ng SARO para kung ano pa iyong natitirang mga projects na kailangang ma-implement this year ay ma-implement po dahil kailangan din po kasi ng earning opportunities ang ating mga kababayan.

Alam ninyo po iyong infrastructure projects, these are labor intensive activities. Marami pong makakapagtrabaho at isa din po iyan sa thrust at direksyon ng Pangulo sa susunod na taon ay mas marami pang projects na gagawin para makapagtrabaho po ang ating mga naapektuhang mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Salamat po, Secretary Avisado.

SEC. ROQUE: Yes. Pia Rañada, please.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Hello, Sec.! Good afternoon.

SEC. ROQUE: Good afternoon.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, just to press on the point about si Sir Dante Gierran. Sir, kasi if we were to follow the UHC Law to a tee ‘di ba, Gierran should have been recommended by the PhilHealth board, and you said earlier that this is discretionary. But the UHC Law is pretty clear naman, sir, na upon recommendation of the board, the President of the Philippines shall appoint the president and CEO from the board’s Ex-Officio Members. So, why is the President not following this provision?
SEC. ROQUE: Well, we don’t know if there is such a recommendation. Majority of the board members anyway are ex-officio members of the Cabinet. There are only four individuals who are not members of the Cabinet as far as I know.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, what’s the latest on discussions to hold a live press briefing with the President? Did he agree to it already?

SEC. ROQUE: We will—we’re still awaiting the decision of the President and we will inform you if there is already a decision and when it will be.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. And, sir, for DBM Chief Avisado. Sir, where are we on the President’s promise to give a report on the COVID-19 procurements every month from all agencies? When can we expect to see this report?

SEC. AVISADO: We are doing this every month to Congress and, in fact, that is also the directive of the President. Kahit pa nga iyong procurement gusto niya talagang malaman ng publiko kung papaano ginagawa lahat iyon. At in the second to the last Cabinet meeting where I attended, iyan po ang mandato niya na malaman ng taumbayan in whatever way lahat ng mga detalye ng bawat project. And makakaasa po kayo na ginagawa po iyan ng ating mga implementing department and agencies and we will make sure that we will make a follow-up on this because this is the President’s directive.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Oo, sir, kasi the President mentioned suppliers. He wants the public not just Congress but the public directly to be informed of the suppliers for each procurement. So, when will that be? When will you be able to report that to the public directly?

SEC. AVISADO: Ang … inaano ni Presidente lalo pa dito sa COVID-19 expenses at the chair of the National Task Force ay si Defense Sec. Delfin Lorenzana, at nagtutulungan nga po kami dahil siyempre sa akin manggagaling ng datos kung magkano mga na-release na sa mga departments. And lahat naman din po na ito available po sa website ng DBM.

Ang gusto lang talaga ni Presidente ay malaman kung sino ba ang nanalo at ano po ang background nitong mga nanalong ito dahil nga talagang pinipilit niya na maiwasan iyong corruption. At kapag nalaman kasi ng mga tao kung sino-sino iyan, at least kung may mga information sila, makakatulong sila sa pagri-report na iyon palang nanalo eh mayroon palang bad record iyan, bakit iyan pinanalo, etc., etc.

So, malaking abala po iyan kay Pangulong Duterte pero sinisikap niya po talaga dahil gusto niyang maputol itong mga katiwalian na ito at makakaasa po kayo that we are coordinating with the other agencies para po matupad iyong kautusan ng ating Pangulo patungkol dito sa bagay na ito.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Thank you, sir.

SEC. ROQUE: Okay. Idadagdag ko lang siguro ‘no nasa online po iyong lahat ng mga biddings na ginagawa sa PhilGEPS at hindi ko lang po sigurado kung pati iyong mga winning bidders kung hindi po, siguro idadagdag na lang iyan sa PhilGEPS website.

USec. Rocky? Thank you, Pia.

USEC. IGNACIO: Secretary, mayroon na lang po tayong dalawang tanong dito mula kay Celerina Monte at saka kay Alvin Baltazar. Iyong tanong po ni Celerina Monte: Iyon daw pong may growing calls for President Duterte to draft bills with US banned Chinese firms such as China Communications Construction Company, Lucio Tan’s MacroAsia which bagged the Sangley Airport Project like Cavite LGU said the final go signal for the project is up to the national government. Will the Palace heed the calls? Why/why not? Please make a categorical statement.

SEC. ROQUE: I will be categorical: Sangley Project will continue, all other projects involving Chinese companies that are banned in the United State can continue in the Philippines. We are not a vassal state of any foreign power and we will pursue our national interest. Ang pang-nasyonal na interes po natin ay masiguradong matapos po ang mga flagship projects under the government’s Build, Build, Build Program. I hope I was categorical enough.

Next question, please

USEC. IGNACIO: Opo. Question mula kay Alvin Baltazar ng PBS–Radyo Pilipinas para po kay Secretary Avisado: How much ang budget allocation sa salary and benefits ng mga government employees for 2021? Any assurance that there would be no retrenchments sa mga government workers since may difficulty tayo ngayon sa budget because of COVID?

SEC. AVISADO: Iyon pong sa miscellaneous services and benefit fund sapat po ang inilagay natin diyan at makakaasa po ang mga kawani ngayon na ito na nga, despite the situation now wala naman pong effort na magtanggal ng mga kawani dahil nga higit nilang kailangan ngayon ang trabaho.
Basta magtrabaho lang po tayong mabuti at gawin natin iyong ating mga mandato wala po tayong dapat na ikabahala dahil sapat ho ang pondo na inilagay natin para sa sahod ng lahat ating mga kawani ng pamahalaan.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito iyong second question ni Alvin Baltazar para sa iyo pa rin po, Secretary Avisado: How about daw po hiring of contractual employees? Would there be limitations next year on the hiring of contractual employees?

SEC. AVISADO: Kapag naman po kailangan talaga silang i-hire ay nasa discretion po ng namumuno at namamahala ng bawat ahensiya ng pamahalaan dahil kung mayroon po namang pondo na igugugol diyan na puwedeng magamit diyan kung kailangan po talaga.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Secretary Avisado. Salamat din po, Secretary Roque!

SEC. ROQUE: Okay. Kung wala ng mga katanungan, may mga tanong lang sa text iyong aking pinaka-aktibong textmate, si Francis Wakefield. Iyong term na ginamit ko daw kanina sa isang interview ay “white collect crime.” Well, I meant “white collar” pero puwede na rin iyong white collect dahil iyan naman ang nangyayari sa PhilHealth.

Mayroon pa bang iba dito …Ay! Oo nga pala po, get well soon kay Wowaa Love and that’s from me, the President and Senator Bong Go.

Okay! So, kung wala na pong mga tanong – maraming salamat, Pilipinas, for joining us in our press briefing today. Thank you very much, DBM Secretary Wendel Avisado. At sa susunod po ulit, we hope to have you again. Nakita ninyo naman po ang daming tanong ng Malacañang Press Corps kapag budget po ang pinag-uusapan.

Thank you to the men and women of the Malacañang Press Corps. And thank you, USec. Rocky.
So, sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabing – Pilipinas, kaya natin ang COVID. Kinakailangan lang pangalagaan, ingatan ang ating buhay para tayo po’y makapaghanapbuhay.

Magandang hapon po sa inyong lahat!

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)